Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bullet 19

The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author

PLAGIARISM IS A CRIME

Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.


Cae's POV

Napadilat ako ng mata nang may maaninag ako na maliwanag na tumatama sa aking mukha. Nakakasilaw ito. Pagtingin ko ay puro puti lang ang nakikita ko. Teka, nasaan ako? Bigla akong kinabahan nang mapagtanto ko kung nasaan na ako ngayon. Nasa langit na ba ako?

Omygash! Hindi pa pwede, madami pa akong plans sa buhay ko. Gusto ko pa maging sikat na fashion model. Gusto ko pa mag-travel sa Europe. Gusto ko pa magkapamilya. Madami pa akong gustong gawin.

Hindi ako makakaakyat kaagad sa langit nito. Dahil madami pang nais ang aking katawan. Oh, no! Ayaw ko maging kaluluwang ligaw. Nakakadiri yun. Hindi ko gusto na magpapalaboy-laboy ako sa kalsada at sa tuwing makikita nila ako ay matatakot sila sa akin.

"O-k ka lang?"

"Cae?! Naririnig mo ba kami?"

Napabangon ako bigla nang marinig ko ang mga pamilyar na boses na iyon. Teka, nakikita ba nila ako? Omygash, hindi ko na alam ang gagawin ko. Grabe, nababaliw na ako.

"Cae!!!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko na nasa harapan ko si Eco. Kaagad ko hinawakan ang mukha niya. Nararamdaman ko siya. Nahahawakan ko siya. Buhay siya. Kita ko na nakatingin lang siya sa akin.

"Cae, anong ginagawa mo?"

"Nakikita mo ako?"

"Oo naman." Tinanggal niya yung kamay ko sa mukha niya. "Ano bang ginagawa mo?"

"Buhay ako?" Hinawakan ko ang katawan ko at mukha ko.

"Ano ba Cae? Buhay ka, kaya itigil mo na 'yang paghawak sa mukha ko."

"Oh sorry! Teka! Buhay ba talaga ako?"

"Oo nga, buhay ka."

Napatingin ako sa paligid para tignan kung nasaan ako ngayon. Ngayon ko lang napansin na may nakadikit pala sa akin na dextrose. Nasa ospital ako ngayon. Sa tingin ko ay nasa emergency room ako ngayon at ang kasama ko lang ay si Eco na nasa harap ko nakaupo sa monobloc.

"Teka, anong nangyari? Paano ako napunta dito?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Magpahinga ka na muna, Cae. Alam kong masyadong nabigla ang katawan mo sa nangyari, kaya kailangan mong bawiin yun."

"Hindi, o-k na ako. Kailangan ko ng umuwi." Tatayo na sana akong mapalingon sa kabilang side ng kama ko.

"Jacob? Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya napansin dahil sa sobrang kapraningan ko.

"Cae! Gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Mablis niyang nilapag ang pagkain hawak niya at lumapit sa akin.

"O-k na ako. Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo? Umuwi ka na."

"Hindi Cae, babantayan kita ngayon."

"Hindi. Paano yung girlfriend mo? Paano si Gretchen?"

"Wag mo muna siya intidihin. Ang intindihin mo ay ang sarili mo."

Hindi ko na siya sinagot. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ayaw ko malaman ito ng parents ko dahil for sure na magagalit sila. At baka worse is hindi na nila ako payagan na sumali ulit sa ganitong contest. Lalo na ngayon, na kailangan na namin mag prepare para sa Regional School Press Conference.

Mygash, bakit ba kasi ito nangyari? Humanda talaga yung Maxine na yun. Pagsisihan niya yung ginawa niya sa akin. Hindi ko siya mapapatawad.

Habang nakikipagtalo ako sa aking isip ay may biglang dumating si Mam C.

"Cae, buti naman o-k ka na. May kailangan ka ba?"

Medyo nakaramdam ako ng uhaw kaya humingi ako sa kaniya ng maiinom.

"Mam nauuhaw po kasi ako. May maiinom po ba?"

"Cae, ito tubig oh." Alok ni Eco sa akin.

"Mas masarap itong juice." Abot sa akin ni Jacob ng bottled juice.

Napatingin ako sa harapan ko kung anong kukunin ko. Nagdadalawang isip pa ako. Ayaw ko naman na saktan sila. Siguro naman hindi big deal sa kanila kung anong pipiliin ko 'di ba?

Kaya kinuha ko itong parehas, pero ininom ko ang tubig na inalok sa akin ni Eco. "Thanks! Really appreciated."

"Welcome!"

"Welcome."

"Cae, nagugutom ka na ba? Gusto mo ba ng pagkain?" Tanong ni Jacob.

"Ito oh, tinapay. Para kahit papaano ay makatulong sa pagpalakas mo." Inabot sa akin ni Jacob ang isang mamon na tinapay.

"Ehem!" Narinig kong ubo ni Eco. "O-k ka lang ba, Eco?"

"Oo! O-k lang ako. Ito oh, baka gusto mo ng snacks." Inabotan naman niya ako ng mga snacks.

Hindi na ako nag-inarte dahil parehas ko ulit kinuha ang inalok nila sa akin. Pero una kong binuksan ang mamon na inabot sa akin ni Jacob. Pagkatapos ko naman kainin iyon ay sinunod ko yung kay Eco, para tie.

Pagkatapos ko kumain ay ininom ko ulit ang drinks na meron ako, ngunit dahil sa katakawan ko kanina ay may mga natirang butil-butil sa bibig ko kaya kailangan ko ng pamunas. Ipupunas ko na sana ang aking kamay.

"Tissue, Cae." Hawak ni Eco ang ilang piraso ng tissue sa kaniyang kamay.

"Ito, panyo." Hugot naman ni Jacob ng kulay blue na panyo sa kaniyang bulsa.

Dahil sa ginawa nila. Nahirapan ulit ako mag-decide kung ano ang pipiliin ko, pero para walang away ay tinuloy ko na lang ang pagpunas ko ng aking kamay sa bibig.

Nakita ko naman ang panghihinayang nilang dalawa. Ni isa sa kanila ay hindi ko tinanggap ang alok.

"O-k boys! Kailangan na ni Cae magpahinga, kaya pwede na kayo umalis. Ako na muna ang magbabantay sa kaniya." Thanks for saving me, Mam C.

Nakahinga ako ng maluwag nang parehas na silang umalis. Ngayon ay si Mam C na lang ang nandito.

"Cae, so sino sa kanila ang pipiliin mo?"

"Mam!" Hindi ako makapaniwalang itatanong niya yun.

"Why? I'm just asking. So, sino nga sa kanila?"

"Mam naman eh."

"I'm just kidding." Buti naman ay hindi na ako kinulit ni Mam tungkol sa kanila.

"Cae, may itatanong ako sayo." Pinanliitan ko siya ng mata "Don't worry, this is a serious question."

"O-k mam, spill it."

"Ano bang nangyari sa 'yo.? Paano ka napunta doon? Natatandaan mo ba kung sinong may gawa nito sayo?"

Bumalik na naman sa aking isipan kung ano ang sinapit ko sa lecheng Maxine na yun. Nakasinghot lang ako ng kemikal pero hindi sapat yun para makalimutan ko ang lahat ng ginawa niya sa kin.

"Cae, ayos ka lang ba?"

"Ahh, opo. O-k lang po ako. Naalala ko lang kung anong nangyari sa akin kanina."

"Sorry Cae if hindi ka pa handa pag-usapan. Ayos lang sa akin."

"Pasensya na po, Mam"

"O-k lang 'yun. Sige na, magpahinga ka na muna.Gisingin na lang kita pagdating ng parents mo."

Bumalik na ulit ako sa pag higa at sinimulang ipikit ang aking mga mata. Pero hindi ko magawa dahil bumabalik sa aking isipin ko ang buong nangyari sa akin. Hindi ko nga alam kung sino ang nagdala sa akin dito.

Oo nga, sino nga ba nagdala sa akin dito? Tanong ko sa sarili ko.

Ang huli ko na lang kasi natandaan bago ko ipikit ang mga mata ko ay may kumarga sa akin na isang lalake. Hindi ko siya mamukhaan kasi madilim at mausok.

Bago pa ako mabaliw dito kakaisip kung sino mang nilalang ang nagligtas sa akin ay naisipan ko na lang na pumikit na. Dahil bumigat na din ang talukap ng mata ko hindi ko na ito pinigilan pa at hinayaan ko na lang na lamunin ako ng antok papunta sa mahimbing na pag tulog.

Paggising ko ay nasa isang kwarto na ako. Umaga na pala. Masyadong napahaba ang tulog ko. Mukhang wala na ako sa emergency room dahil wala na yung mga kurtina sa paligid ko. Lumingon-lingon ako sa paligid para tignan kung sino ba ang kasama ko dito, pero tanging ako lang ang nandito.

Napatingin ako sa lamesa nakita ko na may basket ng prutas doon. Hindi ko masyadong mabasa ang nakasulat dahil medyo malayo sa akin ang lamesa. Naka-swero pa din ako, at medyo nanghihina pa, kaya hindi ko na sinubukan pang bumaba ng kama.

Humiga na lang ulit ako at naghintay na may pumasok sa loob ng kwarto ko. Hanggang ngayon nanlalambot pa din ang katawan ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng pagod ko kahapon sa contest o yung trauma na naranasan ko.

Maya-maya habang nakikipag talo ako sa isip ko ay biglang bumukas ang pinto at agad naman ako napalingon. Sumalabong sa aking ang parents ko. Nagmamadali silang lumapit sa akin. Kaagad naman ako niyakap ni Mom. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Cae, kamusta ka na? May sugat ka ba? May masakit ba sa 'yo? Nahihilo ka ba? Ano anak, sabihin mo." Habang iniinspeksyon niya ang aking katawan naghahanap kung may mga sugat ba akong natamo.

Hinawakan ko ang kamay ni Mom at tinanggal ito sa aking katawan. "Mom, o-k lang po ako. Wala pong matinding nangyari sa akin."

"Omygash! Anak, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag may nangyari sa 'yong masama."

"Mom, kalma lang." Mahigpit na hawak ko sa kamay niya. "Buhay ako, walang akong malalang damage or what, kaya wag na kayong mataranta."

"Cae hija, alam mo ba kung sino may gawa nito sayo?" Napalingon ako sa kabilang side ng kama nang biglang magsalita si Dad.

"Yes po, Dad. Isa po siya sa mga kalaban ko sa contest."

"Sige anak, kakausapin ko na lang yung principal niyo."

"Salamat, Dad."

Para malibang naman kami ay kinuwento ko na lang sa kanila ang naging journey ko kahapon sa contest. Kita ko sa kanilang mukha ang tuwa nang marinig nila ang nangyari. Kahit sila ay hindi din makapaniwala na ganun ang mangyayari.

"I'm so proud of you, Cae." Tsaka mahigpit akong niyakap ni Mom.

"Thank you so much," Pagsagot ko sa kaniya. "Mom, Dad, I have a favor to ask."

"Ano yun, anak?" Sagot ni Dad.

"Papayagan niyo pa din naman ako lumaban sa RSPC next month diba?"

"Hija, after what happened to you? Payag pa din ako dahil isang karangalan yun. But I don't think na papayag ang Mom mo."

"Really, Dad? Thank you?" Humarap naman ako kay Mom para hingiin ang sagot niya.

"Cae baby, pag-iisipan ko muna. Palaki na nang palaki ang contest na sinasalihan mo at palayo din nang palayo. Mas malaki ang chance na lalong delikado."

"Mom please, pumayag ka na. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Cae, magpahinga ka na lang muna. Pag-uwi mo na lang natin ito pag-usapan."

Wala na akong choice kundi ang humiga na lang muli. Mahirap makipag-away pag si Mom na ang kausap mo. Kaya mas mabuting hindi na ako makipagtalo sa kaniya.

Ilang oras ang lumipas at hindi ko namalayan na hapon na pala. Ang bilis talaga ng oras. Sakto din naman na dumating na din ang doktor at sinabihan na pwede na ako umuwi. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Hon, I'm going to the accounting office sa baba para asikasuhin ang discharge paper ni Cae."

Paglabas ni Dad ay niligpit na din ni Mom ang mga gamit ko na nasa loob ng cabinet. Ako ay nanood na lang muna ng T.V. para malibang ko ang sarili ko. Maya maya ay napansin ko na naman ang basket na puno ng prutas sa ibabaw ng lamesa.

Kanina pa itong umaga sa lamesa pero halatang hindi pa din ito nababawasan dahil hindi pa din naalis ang balot nito. Kung paano ko siya nakita kaninang umaga ay ganun pa din ang itsura niya ngayon.

Yung ribbon na nakatali habang may plastic cover ito at ang maliit na card na nakadikit dito. Hindi naman ito dala nila Mom, dahil kanina nung dumating sila ay wala naman akong napansin na may dala silang kahit ano. So, kanino galing 'yan?

"Mom!" Tawag ko sa kaniya.

"Yes, hija?"

"Ahm, kanino po galing 'yang basket?" Turo ko sa mga prutas "Dala niyo po ba yan kanina?"

"Ahh, ito." Lumapit siya sa lamesa para tignan yung card. "Jacob, anak." Basa niya dito.

"Kilala mo ba ito? Mukhang ngayon ko lang narinig ang pangalan na ito. Bago mo bang kaibigan ito?"

Napataas tuloy ang isang kilay ko. "Ahh! Opo, kasama ko siya sa team."

Bumisita pala siya kanina. Bakit hindi ko namalayan. Hindi man lang niya ako ginising. Hay nako! Buti na lang ay dumating na si Dad.

"Hintayin na lang natin yung nurse para tanggalin yung dextrose mo at pwede na tayo umuwi."

Hindi din naman nagtagal ay dumating na ang nurse. Tsaka tinanggal na niya ang swero sa kamay ko. Pagkatapos nun ay nagpalit na muna ako ng damit bago umuwi. Pagkatapos ko ay sumakay na ako sa wheelchair para ihatid kami sa parking lot.

Sakto paglabas ko ay nakaligpit na lahat, kaya lumabas na kami ng kwarto. Dumiretso na kami sa elevator papuntang parking. Pagdating namin dito ay sakto naman ng naghihintay na ang kotse namin.

Dahan-dahan akong bumaba ng wheelchair at saka sumakay na sa loob nito. Bago kami umalis ay nagpasalamat na muna kami sa nurse na naghatid sa amin. Habang nandito ako sa sasakyan ay naisipan ko na lang na matulog muna sa biyahe.

Eco's POV

Bago kami umakyat ng bus ay bigla akong nakaramadam ng ihi, kaya nagpaalam na muna ako kay Karen na mag C-CR lang ko.

"Sarah!" Tawag ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Mag C-CR lang ako. Pwede padala na lang ng bag ko pataas?" Abot ko sa kaniya ng bag ko.

Hindi naman na mabigat yun dahil tumbler at baunan kolamang ang laman nito kaya magaan na lang ito.

"Ayun na nga, ginawa pa akong utusan." Tsaka niya kinuha yung bag ko "Bilisan mo lang. Baka iwan ka namin."

Pagkatapos nun ay patakbo ako bumalik sa entrance ng school. Naisipan ko na nga lang na sa tabi-tabi na lang umihi, pero ayoko tsaka gabi na rin delikado. Kaya mas better kung sa mismong CR ako iihi.

For sure naman may mga tao pa naman na sa loob ng school, kasi marami pa akong nakakasalubong na lumalabas ng gate. Mabilis lang ako nakapasok dahil walang guard na nakabantay.

Pagpasok ko, narinig ko na maingay pa sa court, kaya sumilip ako doon kung ano bang meron. Pagdating ko dito ay nakita ko na may event pa. Lumapit ako sa may pintuan ng court para sumilip kung anong event ito.

Sakto naman na walang nakabantay kaya malaya akong nakasilip. Pagsilip ko kita ko dito sa likod na marami pang estudyante sa loob. Nilibot ko ang aking mata, baka sakali may makita akong kakilala ko or kaya sa schoolmate na nandito.

Nanliit ang mata ko nang makita ko kung sino ang nandito. Hindi pa naman malabo ang mata ko para makita kung siya talaga iyon. Hindi din naman ako duling or kaya namamalik-mata.

Si Cae nandito. So, ibig sabihin hindi pa sila tapos. Tumaas ang dalawa kong kilay ng makita ko kung sino ang kasama niya sa bleecher, si Jacob, pero buti na lang ay pinapagitnaan sila ng coach nila.

Siguro ay may naamoy na something ang coach nila or kaya ay nagkataon lang ata. Napatigil ako nang maramdaman ko na sumasakit na ang pantog ko. Naalala ko na iihi pala ang punta ko dito. Kaya kaagad ako tumakbo papuntang CR.

Salamat naman dahil wala nang pila dito kumpara kanina., kaya mabilis ako tumakbo papasok ng CR. Pero ang hindi ko inexpect ay ang napakabahong amoy ng nito. Grabe, napatakip agad ako ng ilong ko ng wala sa oras.

Binuksan ko ang gripo pero ni isang patak ay walang tumulo. Wala ring laman yung balde kaya wala akong choice kundi ang hindi ito buhusan. Paglabas ko, doon habol-habol ko ang aking hininga, dahil hindi ako huminga kanina sa loob ng CR.

Paglabas ko ay dumiretso na ako palabas ng entrance, pero napatigil ako ng biglang kong marinig ang pangalan ng school namin. Kaagad tuloy ako na patakbo pabalik ng court para tignan kung anong nangyayari. Pagdating ko dito, nakita ko na nasa stage si Cae at Jacob habang inaabutan ng medal at certificate. Sakto napakapa ako sa aking bulsa doon ay naramdaman ko na nandito pa din pala ang camera ko.

Kaagad ko ito nilabas para tignan kung nandito pa din ba ang SD card at battery at nakiayon nga sa akin ang tadhana dahil kumpleto ang gamit ko.

Syempre, bilang photojourn ay kailangan ko kuhaan ang mga importanteng bagay na nangyayari sa school namin at isa ito sa tinutukoy ko. Mabilis ako tumakbo papunta sa harapan at sakto naman na humarap silang dalawa kaya nakuhaan ko sila ng litrato.

Mabilis lang ang pagkuha sa kanila. May mga iba din ako kasama dito na photographer sa harap, pero hindi ko sila pinansin. Nakita ko na parang nagulat si Cae nang makita niya ko. Pagkatapos ko sila kuhaan ay kaagad na ako umalis. Sumalungkat ako ng daan sa kanila para hindi ako makita ni Cae.

Mabilis lang ako nakarating sa dulo. Salamat din sa crowd dahil kahit papaano ay nakapagtago ako sa kanila. Ngayon, nandito na ako sa dulo. Napalingon ako sa pwesto nila. Kita ko na parang may hinahanap si Cae.

Nang mapagod siya ay umupo na lang ulit siya. Pero kita ko na hindi pa din siya mapakali. Para siyang 7-year old na naiwan sa mall ng kaniyang nanay.

Habang nandito ako sa may likod, naisipan ko na manuod na lang ng awarding ceremony nila. Mukhang hindi naman sila magtatagal. Dahil mabilis lang ang takbo ng program. Mas mabilis pa nga yung kanila kaysa nung sa amin eh.

Habang naghihintay ay bigla na naman ako naihi. Ano ba naman tong pantog ko ihi ng ihi. Dulot na din ito kanina na napadami yung inom ko. Sabi ko nga sa inyo diba naubos ko yung tumbler na dala ko. Bumalik na naman ako sa CR para umihi.

Ibinulsa ko muna ang aking camera, tsaka ako umalis ng court papuntang palikuran. Pagdating ko dito. Nagulat ako na naka lock na. Mukhang sinarado na nila.

Kaya wala akong choice. Madilim na din naman sa parte na ito. Buti na nga lang ay may ilaw pa sa labas ng CR na nagbibigay ng ilaw dito sa pwesto ko. Dahil gabi naman na, naisipan ko na umihi na lang dito sa tabi. Sana lang ay walang makahuli sa akin dahil for sure, lagot ako.

Naghanap ako ng perfect spot para umihi. Dinala ako ng aking paa dito sa may garden. Dito nakita ko na may mga halaman. Syempre hindi ko inihan yung mga halaman. May nakita ako dito na parang bakanteng lote. Walang mga halaman dito kaya dito ako umihi.

Binilisan ko lang dahil madilim dito. Baka mamaya malaglag ako sa canal kung meron man dito or baka may kumagat sa akin na ahas. Wala pa namang tao dito para tumulong sa akin.

Pagkatapos ko ay umalis na ulit ako para bumalik sa court at tignan kung tapos na ba ang ceremony. Sabi ko pa naman kay Sarah saglit lang ako. Baka mamaya hinahanap na nila ako eh. Pero for sure, maiintindihan naman nila kapag sumabay ako sa team nila Cae mamaya. At least, may alibi ako. Sakto din naman na dala ko yung camera ko kaya may maipapakita akong pruweba.

Habang paalis na ako ay bigla akong may naramdaman na may sumusunod sa likod ko. Kaya nilingon ko kung may tao.

"Hello! May tao ba diyan?" Tanong ko.

Pero wala namang sumagot. Kaya naglakad na lang ulit ako, baka mamaya guni-guni ko lang. Pagod na din kasi ako eh. Kaya sigurado nagkaka-ganito ako. Biglang umihip ang malakas na malamig na hangin kaya napahawak ako sa sarili ko.

Lalo na ngayon na wala akong suot na jacket. Lamigin pa naman akong tao. Kaya hindi ako nagtatagal sa mga may aircon o malamig na lugar. Kung magtatagal man ako dapat may suot ako na makapal na jacket.

Maya-maya bigla na lang akong nahilo nang biglang may nagtakip sa aking ilong. Bago ako pumikit naaninag ko ang mukha niya. Pero dahil madilim ay hindi ko makita ng maayos ang mukha niya, pero may napansin ako sa kaniya: mahaba yung buhok niya. Kaya ibig sabihin, babae siya. Yun na lang ang huli kong natandaan bago ako tuluyang makapikit.

Paggising ko, napansin ko na nasa isang kama ako na malambot. Nasaan ako ngayon? Kaagad akong napabangon para tignan kung nasaan ako. Pero napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng hilo. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa kemikal na pinaamoy sa akin.

Inilibot ko ang aking mata para tignan kung saan ako dinala nung babae na humila sa akin. Napansin ko na may lamesa dito at mga sealed na gamot. Nakita ko din na may nakabalot ng syringe dito.

"Nasa clinic ba ako ngayon?" Tanong ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung maliit na bottle sa lamesa kasama ng syringe. Tinignan ko kung ano ito.

"Potassium cyanide?" Basa ko dito.

Para saan naman ito? Ngayon ko lang nabasa ang ganitong gamot. Bago ba ito? Bumaba ako ng kama para tignan kung may tao ba dito. Hinawi ko ng dahan-dahan ang kurtina na nakatakip sa akin kanina, pero sumalubong lang sa akin ang walang lamang kwarto.

Madilim dito at malinis. Lumapit ako sa switch na malapit sa pintuan, kaagad ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang iba pang higaan. Para itong emegency room. Dahil tulad hinigaan ko kanina may mga kurtina din dito na naghihiwalay, pero ang mga kurtina ay naka tupi.

Kaya kitang-kita ko ang mga kama na may kulay puting sapin, kasama nito ang isang malambot na unan. Sa pintuan, doon ko lang din napansin na may lamesa. Doon siguro ang front desk ng clinic na ito.

Tinignan ko muna ang sarili ko, baka mamaya ay may mga sugat akong natamo, ngunit wala naman. Kaagad na akong lumapit sa pintuan. Pagpihit ko ng doorknob ay hindi ko mabuksan. Mukhang nilock ako sa labas.

Dahil hindi ko mabuksan, sinubukan ko ulit. Baka sakaling namali lang ako ng pihit, pero hindi pa din, kaya wala na akong choice kundi ang kalabugin ito. Medyo naaninag ko ang labas dahil may tinted na salamin ang pintuan na ito.

Hindi ko masyadong makita, dahil mukhang madilim na din sa labas. Mukhang na-stranded ako dito. Ang malaking tanong ngayon sa akin ay: sino yung babaeng iyon? Siya ba yung nagdala sa akin dito? Anong kailangan niya sa akin? Wala naman akong maalala na may nakaaway ako.

Teka! Naalala ko na yung tatlong babaitang nagpaparinig sa akin kanina. Sila ba may gawa nito sa akin? Bakit naman?

Dahil gabi na, hindi ko alam kung anong gagagwin ko. Hindi naman na ako aasa na may magkakamaling dumaan ngayon at malalaman niya na may tao dito sa loob ng clinic.

Hindi ko nalibot ang buong school kanina kaya hindi ko sure kung saan building naka lagay ang clinic na ito, pero ang alam ko wala ito sa Building 1 dahil doon ako galing.

Lumibot ako sa loob ng room, baka sakaling may makita akong pwedeng magamit para mabuksan ko ang pintuan. Or baka may iba pang daanan dito palabas ng kwarto na ito.

May nakita akong bintana. Kaya kaagad ako lumapit dito para makita ko kung nasaan parte ba ako ng school. Nasa taas ito nakalagay kaya kailangan ko pa tumungtong ng upuan. Matangkad naman ako kaya hindi na ako nahirapan pa. Medyo malaki ang bintana. Tingin ko naman ay kasya ako dito dahil payat naman ako.

Lumapit ako sa front desk at doon nakita ko na may monobloc, kaya kaagad ko itong kinuha tsaka lumapit ako sa bintana. Pag apak ko dito, sakto naman naabot ko ang bintana. Pagsilip ko doon nakita ko na madilim sa labas.

Pinasok ko dito ang aking ulo. At thankful naman dahil nagkasya ito, pero hindi ko nga lang maikot dahil baka magkasugat ako. Matulis ang edge nito kaya delikado na. Baka dito ako bawian ng buhay.

Pinasok ko na ulit ang ulo ko, para gumawa ng plano kung paano ako makakatakas dito. Kaagad ko kinuha ang mga sapin at kumot na nakabalot kanina sa mga kama, tsaka ko ito tinaling magkakarugtong. Kinuha ko lahat para sure na mahaba ang magagawa ko.

Hindi naman ganun kataas ang kinaroroonan ng clinic dahil nasa second floor lang ito. Hindi naman ganun kataas ang building na ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang kailangan ko lang siguraduhin ay hindi ako maaksidente sa gagawin ko.

For sure, malalagot ako nito, lalo na ngayon na tumakas lang ako. Sana naman ay hindi nila ako hanapin. For sure naman hinihintay pa nila yung team nila Cae bago umalis ang bus. Sana lang talaga hindi pa tapos yung awarding kasi kung hindi, lagot talaga ako.

Mahigpit kong tinali ang mga kumot at sapin, pagkatapos ay mahigpit ko itong itinali sa isa sa mga kama dito. Sinigurado ko din na mahigpit ito. Pinili ko itali dito sa kama na malapit sa bintana. Para hindi sayang sa haba.

Pagkatapos ay tinali ko ito kaagad sa aking katawan. Inikot ko ng dalawang beses para sure na hindi matatangal talaga. Mahigpit ko itong binuhol. Kanina habang naglilibot ako dito ay may nakita din akong packaging tape sa ibabaw ng desk.

Kaya kaagad ko din itong binalot sa aking katawan para sure na hindi talaga ito kakalas. Pagkatapos ay kaagad na ulit ako tumungtong sa monobloc at nilibas ko na ang aking ulo.

Teka? Anong gagawin ko? Baka mamaya dumire-diretso ako pababa. Hinagis ko muna ang tali na ginawa ko sa labas para tignan kung gaano kahaba ang nagawa ko. Masaya naman ako ng makita ko na umabot ito sa sahig at may sobra pa. Mukhang mahaba-haba ang nagawa ko.

Inuna ko na ilabas ang ulo ko. Wala na akong choice kundi ang gawin ito, dahil kung mag-iinarte pa ako dito, for sure ay hindi na ako makakalabas pa.

Kumapit ako sa may kumot nang dahan-dahan kong inilalabas ang aking katawan. Salamat sa tape at kumot dahil hindi ko nararamdaman ang edge ng salamin na matulis dahil makapal ang nakapulupot sa akin.

Ngayon ay halos buong katawan ko ay nakalabas na. Mahigpit kong hinawakan ang tali. Dahan dahan akong gumapang na parang gagamba pababa.

Hanggang sa buong katawan ko ay nakalabas na. Mahigpit ang kapit at maingat na pag gagalaw ang ginagawa ko. Dahil isang pagkakamali, pwede dumanak ng dugo ngayon sa sahig at kumalat ang utak ko.

Ayaw ko pa mamatay ng maaga dahil madami pa akong gustong gawin. Kaya kalma self, kaya mo ito. Nasa kalahati na ako, kunti na lang. Habang pababa ako ay bigla ako pinulikat.

"AHHHHHH!!!" Sigaw ko nagbabakasali na may makarinig sa akin.

Sobrang sakit. Para akong nilalagutan ng hininga. Anytime, pwede ko na mabitawan ang kumot at bumulusok ako pababa. Habang triny ko igalaw ang aking paa, pero mas lalo lang sumasakit.

Lumuluwag na din ang hawak ko sa tali. Hindi ko na kaya ang sakit kaya napabitaw na ako ng tuluyan.

Dire diretso akong bumagsak sa sahig. Ang tangi ko na lang nagawa ay ipikit ang mga mata ko at magdasal na may isang anghel na sumalo sa akin sa baba o kaya may biglang malalag na malambot na gamit sa sahig galing langit na sasalo sa akin.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat dulot ng mabilis kong pagbagsak. Mas lalo kong diniin ang mgamata ko. Habang nakapikit at pinipilit ng kamay ko hanapin ang tali para may mahawakan ako.

Pero wala akong mahawakan, ilang minuto ang lumipas naghihintay ako na may maramdaman na matigas na sahig ngunit wala akong naramdaman. Kaya dahan-dahan ko dinilat ang aking mata para tignan kung buhay pa ba ako. Baka mamaya kaluluwa ko na lang ito.

Pagdilat ko nakita ko ang sahig sa na nasa harapan ko. Tingin ko ay 5 inches na lang pagitan namin at nasa sahig na ang aking mukha. Habang ang dalawa kong kamay ay nakataas na parang sumusuko. Dahan-dahan ay narinig ko ang pagka punit ng kumot at doon ay tuluyan na nga ako bumagsak sa sahig.

"OUCH!!!!" Hawak ko sa aking mukha.

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang mukha at katawan ko. Tinanggal ko ang tape at kumot na nakapulupot sa akin. Medyo nahirapan ako dahil medyo makapal ang tape na nilagay ko, kaya naghanap ako ng matulis sa paligid para pangtanggal ng kumot at tape sa katawan ko.

Nakita ko na may matulis na bubog dito kaya kinuha ko ito at dahan-dahan kong kiniskis sa tela na nakabalot sa akin. Mabilis lang siya natanggal dahil matulis ito. Nang matanggal ko ay nakahinga ako ng maluwag.

Grabe, napakahigpit naman pala ng pagkakatali ko. Hindi na tuloy ako makahinga. Kaagad ko dinampot ang kumot tsaka ko ito tinapon sa malapit na basurahan para wala akong kalat. Lumapit ako sa may binagsakan ko nakita ko na nandito pa din ang ibang parte ng kumot kaya kaagad ko itong hinila. Kailangan ko pang tumalon para mapunit ito hanggang sa mahati ito sa dalawa.

Kaagad ko din ito tinapon sa basurahan tsaka umalis na. Baka mamaya may makakita sa akin dito, pero bago ako umalis ay may bigla akong narinig. Medyo nadala na ako kanina baka mamaya patibong na naman yun.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" Sigaw ng familiar na boses.

Kung hindi ako nagkakamali, boses ito ng babae. Napatigil ako sa pwesto ko para pakinggan muli. At ayun na naman narinig ko na naman ang sigaw niya. Kaya kaagad ako tumakbo sa madilim na parte ng school na ito.

Hinahanap ko kung nasaan ito nanggaling, hindi ko alam kung saan ito. Patuloy lang ako sa pagtakbo para hanapin kung nasaan yung humihingi ng tulong, kung talagang humihingi siya ng tulong. Habang naglalakad ako ay kumuha ako dito sa nadaanan ko na isang kahoy.

Incase of emergency lang. Mabuti nang handa kaysa wala. Dinala ako ng aking mga paa sa isang abandonandong building. Sa pagkakaalam ko, ito na yung pinaka dulong part ng school.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!"

Muli ko na naman narinig ang sigaw niya. Naggagaling iyon sa second floor ng building kaya kaagad ako pumunta sa hagdanan para makita kung anong nangyayari. Dahil sa madilim ay nangangapa ako dito.

Salamat sa buwan dahil kahit papaano ay nakikita ko ang mga hagdan na sira na. Dahan-dahan akong umakyat dahil pakiramdam ko ay gigiba na ang hagdan na ito kapag tumakbo ako.

Pagdating ko sa ikalawang hagdan, nakita ko na mausok, kaya hindi ko masyadong makita kung anong meron sa likod nito. Pero ang kinagulat ko ay may biglang sumipa ng paa ako na nagpaluhod sa akin. Nakita ko na bigla siyang tumakbo pababa ng hagdan.

Pero hindi doon natuon ang aking atensyon dahil napalingon ako sa dulong parte ng building ng may marinig akong humihingi ng tulong.

Kaya kahit na mausok ay sumukob ako.napatakip ako ng ilong dahil medyo masakit sa ilong ang usok. Mukhang may halong kemikal ito. Pagdating ko dito ay nakita ko na may isang babaeng nakahiga sa sahig. Kaya kaagad ko siya nilapitan para tignan kong ayos lang ba siya.

'"Cae!"

"Eco,"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro