Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bullet 17

The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. This story is based on the imagination of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME

Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito, bangag na si author nang matapos ko ito.




Eco's POV

Nag-start na nga ang ceremony. Dito na lang ginanap sa loob ng room dahil malawak naman ang loob ng science laboratory, habang nasa taas ang mga judges kasama ang facilitator, siya ang may hawak ng mga certificate at medals na iaabot niya mamaya sa dalawang judges.

"Ok! We will announce the top 20 Photojournalists in both English and Filipino category!" May tuwang batid na bigkas niya.

"The top 11 to 20 will get a certificate while the top 1 to 10 are going to earn medals with certificates!"

Kaya pala, napansin ko na hindi ganun kadami yung medal nasa lamesa. Kahit kasi na nadito ako sa dulo ay mabibilang ko ang mga medalya sa lamesa, nasa twenty pieces lang ang nakikita ko. Ibig sabihin ay tag-sampu lang per medium.

Hindi ko mabilang ang certificate dahil nakalagay ito sa isang clear folder, pero may kakapalan din ang loob nito. Kasing laki ng short bond paper yung certificate.

"Let start with the English category." Anunsyo ng kasama ni Sir Victor.

"For the top 20 congratulations to:"

Masigabong palakpakan ang bungad ng tawagin ang unang nanalo. Sa bawat tatawagin na pangalan ay malakas na palakpak ang bumubungad sa kanila habang papunta sila sa stage para kunin ang kanilang award.

Iba't ibang reaction ang makikita mo sa bawat tao na tatawagin. Ang iba ay tahimik lang na tumatayo, ang iba naman ay gulat na gulat na parang nanalo sila sa lotto.

"Oh talaga? Ako yun?"

"Omygash! Is this real?"

"Waaahhhhhhhh!!!!!!!"

Ilan lang yan sa mga reaction na maririnig mo sa loob ng room. May mga muntik na nga himatayin dahil sa sobrang tuwa. Ang iba ay napapahagulgol at napapaupo na lang sa sahig.

Dahil sa atmosphere ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kasi yung ibang reaction ay napaka-epic talaga. Nagmukhang comedy bar tuloy ang loob ng sci-lab dahil kahit ang mga SPA ay napapatawa na lang.

"For the most anticipated part of the awarding!"

"Let's call the top 10 students this year."

Ngayon ay tinawag na ang top ten ng English category. Nakahanda na din ang mga medal at certificate na hawak na ng facilitator. Tulad kanina ay ganun pa din ang naging takbo ng awarding. Pero mas pinatindi lang ang mga eksena sa loob dahil may mga nagwawala na sa sobrang tuwa. Kahit yung mga SPA nila ay naiiyak na din.

Kahit din naman ako, kung matatawag yung pangalan ko na pasok sa top ten, sino bang hindi matutuwa? Kasi after all the sacrifices you gave, skipping class just to practice, going home late because of the criticizing ceremony between you and your coach, there's so many more to mention.

"Here are the Top 5 amazing Photojournalists this year! You are qualified to compete in the upcoming RSPC. Regional School Press Conference."

Ang maingay na classroom kanina ay biglang binalot ng katahimikan. Aakalain mo na may napadaan na anghel dahil sa sobrang tahimik. Naramdaman ko ang tension sa buong room. Alam ko na ang lahat ay kinakabahan na ngayon. Kahit ako din naman ang nasa posisyon nila- which is mamaya after nila.

Tinawag na isa-isa ng judge ang pangalan ng top 5 at isa-isa sa kanila isinabit at inabot ang kanilang mga award. Nagkaroon ng photo off ng lahat ng nanalo.

"Congratulations to all the winners of Photojournalism English Category." Sabay nagpalakpakan na sila.

"Pagkatapos ng matagal na paghihintay, ito na! Ang awarding ceremony ng Filipino category."

At ito na nga, ang kaninang kalmado kong puso ay biglang nagwala na sa loob ng aking katawan. Sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Sir Victor ay ganun din ang pagsabay ng pagtibok ng aking puso.

"Same flow with the English category! I will announce the top 20 Photojournalists. Let's start!" Masaya nga banggit.

Ito na talaga, wala nang atrasan. This is it. Bahala na kung anong mangyari mamaya. I will prepare myself if matalo man ako ngayon. Hindi naman nakakapagtaka dahil I'm just a first timer.

Naramdaman ko na may biglang humawak sa kamay ko. "Goodluck Eco!"

Si Karen pala iyon. Kita ko din sa kaniyang itsura ang kaba na nararamdaman niya. Kahit na sabihin natin na palagi siyang lumalaban at nanalo hindi naman ibig sabihin nun ay wala na siyang dahilan para kabahan.

"Goodluck Karen! Ito na, handa na ako marinig na tawagin ang pangalan mo bilang first place." Masaya at excited na bati sa kaniya ni Sir.

Samantala sa akin, ayun, ni isang lingon o kaya taas lang ng kilay ay hindi niya ginawa. Ano ba naman eexpect ko sa kaniya? Eh simula pa lang naman ayaw na niya sa akin. Bahala siya diyan, wala din naman na akong pake sa kaniya.

"Let me call on the top 20 to 16!"

Ayan na, nag-start na siya. Sa parte naman namin ay medyo tahimik na dahil syempre ay kabado bente na ang mga kalaban ko. Ngayon ay nakapatong sa aking hita ang mga kamay ko at dahan-dahan itong hinihimas para pakawalan ang kabang nararamdaman ko.

Diretso lang ang tingin ko sa harap at pinagmamasdan na basahin ni sir ang nakasulat sa papel na pangalan.

"Kahit top 20 lang..."

Sigaw ko sa aking isipin. Ok lang sa akin kahit na ako ang pinaka dulo basta ang mahalaga ay nanalo pa din ako. Ganun na lang ang pagka-dissapoint ko nang hindi ko marinig na tinawag ang pangalan ko.

O-k lang yan, habang may top pang natitira, may pag-asa pa. In-announce na din ang top 15 to 11, pero ganun na lang ang panglulumo ko na hindi ko pa din narinig ang pangalan ko. At doon ay nawalan na ako ng pag-asa.

Kasi hindi naman na ako sure na makakaposk pa ko sa top ten. As if naman? Out of 50 participants syempre may mas magagaling pa sa akin. And besides, madami akong kalaban na bihasa na sa field na ito. Napayuko na lang ako at hinintay na matapos na ang ceremony na ito.

Medyo inaantok na din ako dahil sa sobrang pagod at anong oras na. Pagtingin ko sa aking relo, nagulat ako na maggagabi na pala dahil 5:45 pm na ng hapon. Napaka bilis talaga ang takbo ng oras.

Naramdaman ko na hinimas-himas ni karen ang likod ko upang bigyan pa ako ng pag-asa na matatawag ang pangalan ko.

Pero ang tangi ko na lang nagawa ay yumuko at ipikit ang aking mga mata. Kahit na anong pigil ko na hindi makinig sa mga sinasabi ng judge sa stage ay hindi ko pa din maiwasan. Kahit kakaunti ay umaasa pa din ako na matatawag ang pangalan ko at dahan-dahan akong aakyat sa stage para kunin ang aking award.

"For the top 10 to 6!"

Tulad kanina ay concentrate na concentrate na ang mga estudyante dito sa loob. Samantala si Karen ay hawak na ang aking kamay at base sa kaniyang pagkakahawak ay sobrang higpit na. Kahit siya ay kinakabahan na din sa magiging resulta.

"Our top 10 goes to-"

Every passing second ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Kahit na malamig sa loob ng room dulot ng aircon ay hindi ko ito maramdaman dahil nervous. Bawat pagpatak ng pawis sa aking noo pababa ng aking mukha ay pabilis na pabilis na tibok ng aking puso.

"For our top 6 goes to-"

"Ms. Karen Sevilla from Oxfund Academy" Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang pangalan ni Karen.

Nilingon ko siya para tignan ang kaniyang reaction. Kahit siya ay hindi makapaniwala na maririnig niya ang kaniyang pangalan. Sinilip ko naman si Sir at kita sa kaniyang mukha ang gulat dahil hindi niya inexpect na tatawagin si Karen. Medyo na dissapoint ako para kay Karen dahil nag-eexpect si Sir na siya ang tatawagin na 1st place but it ended up like this.

But still, I'm proud of her because kahit papaano ay may maiiuwi siya sa kanila. And she deserved it.

Tumayo na si Karen kasunod ni Sir at sabay silang pumunta sa stage para kunin ang parangal. Nakipag-shake hands silang parehas sa mga judges at sa facilitator na katabi ng judges. Pagkakuha nila ng award ay humarap sila para kunan ng litrato.

Syempre ako na ang kumuha sa kanila. Nagmadali akong lumapit para kunin ang cellphone na inaabot sa akin ni Karen.

"1...2...3.... Smile!" Tsaka ko pinindot at button.

Pagkatapos nun ay bumaba na sila sa stage. Sumabay na ako sa kanila pabalik sa upuan.

"Karen, ito na ang cellphone mo oh!" Inabot ko sa kaniya.

"Salamat!"

"Congrats Karen! You deserve it!" Masaya kong bati sa kaniya.

"Thank you Eco! Don't worry, hintayin mo lang. Tatawagin ka din niyan."

"Naku! Wag kang ganyan, ayoko na umasa na makakapasok pa ako sa top 5!"

"Ano ba Eco? Think positive!" Pero ngiti na lang ang sinagot ko sa kaniya.

"O-k lang yan Karen, atleast nagka place ka pa din. May next year pa naman kaya may pag-asa pa tayo. Congrats Karen, kahit kailan talaga hindi mo ako binibigo."

"Thank you Sir. Kayo din naman po ang dahilan kung bakit ako nanalo eh. Dahil sa matinding training na binibigay niyo sa amin."

Pinanood ko lang sila na mag batian sa isa't-isa. Samantala, napatingin ako sa medalya na suot ni Karen. Napakaganda dahil nakaukit dito ang pangalan ng school at event na sinalihan mo.

"Ang pinaka hinihintay ng lahat, the Top 5 outstanding Journalists of the year!" Pumalakpak ako ng malakas bilang suporta sa mga mananalo.

Tumingin ako sa paligid para tignan ang mga kalaban ko. Sakto ay nagtama ang mga tingin namin ng mga nagpaparinig kanina. Nagulat ako nang bigla nila akong tarayan.

Tss.

Kala mo naman kung sino. Hindi pa nga sila nakakuha ng award eh, tignan lang natin yang yabang niyo.

"For the top 5 goes to--"

"Ms.Clarizze de Guzman from Amillion Academy."

Tumingin ako para tignan kung sino ang tinawag at sakto tumayo yung kulot na babaeng nanaray sa akin kanina. Kita ko na tumingin muna siya sa akin para sabihin na "I deserve it bitch."

Haist kala mo naman kung sino. Porket pasok siya sa top 5 akala niya kung sino siya. Oh? Ano naman kung pasok siya? Ikakamatay ko ba yun?

"For the top 4, this goes to--"

"Ms. Princess Cataran from Amillion Academy."

Pagbalik nung Clarizze ay sunod naman tumayo yung babaeng maputi na may straight na buhok at payat na bata. Mukhang kasama din siya doon sa tatlong impakto. Tulad kanina ay ganun din ang ginawa sa akin nung Princess na yun.

"Oh pake ko? Pakain ko sayo yang medal mo eh." Nakipagtitigan lang ako sa kaniya.

Hay naku, gusto ko na lumabas dito masyadong nakaka-suffocate eh. Kailangan ko ng fresh air. Nasusuka ako sa tuwing naiisip ko na nandito ako sa loob ng room na ito at sinisinghot ko ang binubuga nilang carbon dioxide.

Yumuko na lang ako para hindi ko na sila makita. Naririnig ko pa na nagtatawanan sila at pinaparinig pa nila yung nakasulat sa certificate nila na parang gustong-gusto ko naman marinig. As if naman hindi ko narining yan kanina nung binasa ng judge bago mag-start ang ceremony.

Naglagay na lang ako ng earphones para hindi ko na sila marinig. Naii-stress lang ako sa kanila eh. Kinuha ko yung bag ko at binuksan ang pocket nito tsaka ko kinuha ang earphones ko.

Kinapa ko naman ang bulsa ng pantalon ko para kunin ang cellphone ko. Kaagad ko na sinaksak ito at nagpatugtog ng malakas. Nilagay ko sa aking harapan ang bag ko para maging patungan ko ng ulo.

Nagpatugtog ako ng pop para medyo ganahan naman ako. After all the things that happened, I need to recharge myself. Masyadong mahaba ang araw na ito at sobrang nakakara-drain talaga.

Papikit na sana ako nang bigla akong yugyugin ni Karen. Ano na naman trip nito? Nanalo lang biglang nagka-energy? Sa sobrang lakas ay natanggal ang earphones ko, kaya iniangat ko ang ulo ko para tignan ang nangyayari.

"ECO! NANALO KA!"

Medyo kinusot ko pa ang aking mata dahil medyo nanlabo dahil sa pagyuko ko kanina.

"Ha?!" tanong ko kay Karen pagkatapos ko magkusot ng mata.

"ECO, NANALO KA!!!!!!"

Biglang nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Kaya kaagad kong tinanggal ang earphones ko at pinasok ito sa bulsa.

"3rd place goes to--"

"--Mr. Evangelico Lizarondo from Oxfund Academy."

Nang marinig ko ang sinabi nung judge ay hindi ako makapaniwala.

"Teka! Ako ba talaga yun?" Tanong ko kay Karen.

"Oo Eco, ikaw yun!"

"May we call Mr. Lizarondo from Oxfund Academy?" Muling tawag sa akin ng judge.

Dahil hindi ko alam ang gagawin ay tumayo na lang ako. Medyo mabagal pa ang lakad ko dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Hanggang ngayon ay shocked pa din ako sa nangyayari.

Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng stage at nasa harap na ako ng mga judges.

"Congratulations, Mr. lizarondo!" Bati sa akin ng facilitator.

Tsaka nakipag kamay ako sa kanila. Inabot sa akin ni Sir ang medal at certificate ko.

"Congratulations for a first timer like you! I really loved your photos!" Nagulat ako sa sinabi ni Sir Victor.

"Thank you, Sir."

"See you on RSPC!" Dahil sa sinabi ni Sir ay mas lalo akong nagulat.

Pero sa sobrang gulat ko ay napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang anytime ay iiyak na ako dito sa taas ng stage pero I need to hold it kasi ayaw ko naman mapahiya.

Pagkatapos ay bumaba na ako. Habang naglalakad ako ay hawak ko sa kamay ko ang aking certifcate habang nakasabit sa aking leeg ang aking medal. Hindi ko din namalayan na kasama ko pala si sir Rakkie sa tabi ko.

Tinignan ko siya at nawalan ako ng gana nang makitang wala siyang pake sa pagkapanalo ko. Sorry na lang siya, pero lahat ng sinabi niya sa akin ay kinain niya. Mali ata siya ng binangga.

Pagbalik ko sa upuan ko nakita ko ang matitilim na mata na nakatingin sa akin. You know who they are. Hindi ko na sila pinansin, mga inggit. Nako! Kasi mahirap magsalita ng tapos kasi hindi mo naman alam ang mangyayari sa dulo. Kaya ayun, sorry!

"Sabi ko na sayo Eco eh! Mananalo ka eh." Nagulat ako nang bigla niya akong batukan.

"Aray! Bakit may pagbatok?"

"Wala, masaya lang ako sayo!"

"Thank you! Dahil din naman sa tulong mo ito eh. Sa mga advice at reminders mo sa akin."

"Asus! Nambola ka pa. Eh ikaw talaga ang dahilan kaya ka nanalo."

Hinawakan ko ang dulo ng medalya at nilasaplasap ko ang hawak kong ginto! For the first time after 3 years of waiting, finally, nakamit ko na ang pinaka inaasam-asam ko na titulo.

Kahit na pang 3rd place lang ako, hindi na masama yun. Grabe pa nga eh, kasi unexpected talaga ito. Ang hiniling ko lang naman ay kahit sa top 20 lang pero ang bingay ay top 3.

After ng ceremony ay nagsilabasan na ang mga tao sa loob ng room. Nagpahuli na kami dahil masyadong masikip. Kaya umupo na lang muna kami dito sa monoblock at hinintay na lumuwag na ang daanan. Habang naghihintay ay naisipan ko na ayain si Karen na pumunta ng stage para makapag pa-picture, nang sa gayon ay may remembrance ako.

"Halika ka Karen, punta tayo sa stage! Picture tayo!" Wala na siyang nagawa nang hilain ko na lang siya.

Dahil sa masaya ako ngayon ay pati si Sir na bagot na bagot na ay hinila ko na din papunta ng stage. Kahit ayaw niya ay wala na siyang nagawa dahil nadala ko na siya sa taas ng stage.

"Ok! 1....2.....3....smile!" Tsaka malapad akong ngumiti.

"Picturan mo ko Karen, bilis, yung solo." Tsaka ko inabot sa kaniya yung cellphone ko.

"1....2...3... Wacky!" Natawa na lang ako nang biglang nag-wacky si Karen.

Picture dito, picture doon, hanggang sa ma-full storage ako ay hindi ko inawat ang kakapicture namin. This is a once-in-a-life-time opportunity kaya I need to grab the opportunity. Sabi ko minsan lang ito mangyari sa buhay ko kaya hindi ko na papalampasin pa. Hindi ko naman sinasabi na last na ito pero hindi ko din naman alam kung kailan ulit ito mauulit.

Pababa na kami ng stage nang biglang may tumawag sa amin. Lumingon ako para tignan kung sino ito. Nakita ko na ang facilitator pala ito.

"Hi! Guys, congratulations nga pala sa inyo."

"Thank you so much po!" Sabay naming tugon ni Karen.

"Ahmm, Coach? Pwede ko po ba mahingi ang unting oras niyo? Kasi gusto kayo makausap ng mga judges especially si Mr. Victor."

Parehas kami nagkatingin ni Karen at parang nababasa niya ang mga tanong sa utak ko. Medyo naguguluhan kami pero sumunod na lang din naman kami sa kaniya.

"Sir, nandito na po sila!"

Natagpuan namin sila na nag-aayos na ng gamit nila sa baba ng stage sa gilid. Nang makita nila kami ay kaagad silang tumigil at humarap sa amin.

"Congratulations to the both of you!" Paunang-bati sa amin ni Sir "And to you coach!"

"Maraming salamat po." Sagot namin sa kaniya.

Pero tanging tango at ngiti lang ang sinagot ni Sir. How rude of him. Hindi man lang nagsabi ng kahit "thanks" or "k" man lang. Haist!

"Ahm pinatawag ko kayo 'cause I want to ask your coach, if you would allow me to be the coach of Mr Evangelico." nagulat ako sa sinabi ni Sir.

"Ahm Mr Evang-"

"Eco na lang sir."

"So Mr. Eco, is it ok to be your coach?"

"Of course Sir, it's an honor to have you as my coach."

Grabe, napakadaming surprises ngayong araw. Sa sobrang dami, parang ayaw ko na lumipas itong araw na ito at manatili na lang dito.

"Without due respect Sir, but I need to think about it." Bigla akong napalingon sa kay Sir Rakkie sa inasta niya.

"Teka! Sir bakit naman po?"

"Kasi kailangan ko muna pag-isipan Eco, dahil first-time mo pa lang toh, competing in a bigger contest. Yes, it is a privilege but you're carrying the name of our school."

"Sorry to interrupt you Sir," Biglang umeksena si Sir Victor "he may be a first-timer, but his capability is very great and if you allow me to be his coach, pwede pa natin ito ma-enhance pa."

"Yah, I know that, but for now Sir? Sorry to decline your request. Just give me your contact so I can call you anytime if I come to a decision."

Nag palitan sila ng contact sa isa't-isa at pagkatapos nun ay umalis na kami.

"Thank you Sir sa offer niyo! Don't worry, we will try to convince him!" At doon ay nag paalam na kami ng tuloy.

"See you soon on training, Eco!" Nginitian ko na lang siya.

Naglakad na kami palayo sa kaniya. Dumiretso na kami sa pintuan kung saan ay sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko na para may mga matang nawala sa mall at hinahanap ang nanay nila.

"Hoy Jeybingot! Sinong hinahanap niyo?" Tawag ko kay Jeybi nang makita ko siya sa may gate ng court.

"Karen, una na kayo sa bus. Pasabi na lang kay Sir mag C-CR lang ako." Paalam ko sa kaniya.

"Oh sige, bilisan mo lang ha? Baka aalis na yung bus natin."

Pag-alis niya ay kaagad kung nilapitan si Jeybi sa may pinto ng court kung saan ay kasama niya si Richi-noo at Gueneth-pandak.

"Oh, Eco? Nandito ka pa pala? Kala ko nasa bus ka na."

"Papunta pa lang ako, pero nakita ko kayo eh. Kakatapos lang ng awarding namin eh."

"Oh, anyare naman? Nanalo ka naman ba?"

Pinakita ko sa kaniya yung medal at certificate ko. "3rd place bro!"

"Eh di wow! Ikaw na ang nanalo!" Medyo pataray niyang sagot sa akin.

"Bakit kayo anong nangyari?"

"May nakita ka bang medal o certificate na hawak ko?"

"Aba malay ko ba. Malay mo tinago mo na or pinahawak mo sa iba."

Pagkatapos nun ay hindi na niya ako sinagot. Mukhang badtrip ata kasi natalo sila. Maya-maya ay dumating na din si Sarah at Milanie. Nagulat ako nang bigla tumalon-talon si Sarah.

"Omygash nanalo ako!!!!!!!"

"Congrats to you girl, you deserve it!" Bati ko sa kaniya.

"Anong place mo?" Tanong ni Gueneth.

"3rd place!"

"Hala! Same tayo Sarah! 3rd din ako!"

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at ayun sa sobrang tuwa, tumalon-talon kami na parang timang. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa paligid pero wala naman kaming pake dahil nanalo kami. So, no one can stop the joy na nararamdaman namin ngayon.

Tumigil siya bigla at ang nagpagulat sa akin ay bigla niya akong yakapin na hindi ko in-expect na ginawa niya.

"Ay, sorry. Nabigla lang ako."

"Ok lang!"

Nagkaroon tuloy bigla ng akwardness sa pagitan naming dalawa. Pero thanks to Richi dahil bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Goshi guys! Congrats sa atin!!!!!"

"Teka! Nanalo ka din?"

"Oo! 4th place kami and best anchor si Xander!"

"Woah! Grabe! Congrats!" Masayang bati ko sa kaniya.

"Buti pa yung mga first-timer nanalo. Samantala tayo, nganga." I feel sad for Gueneth.

Mukhang bugbog-sarado kasi siya eh, pero in the end hindi pa din sila nanalo. Siguro ganun talaga sa mundo ng contest, you need to wait the perfect timing.

"Tara na guys, balik na tayo sa bus at baka maiwan pa tayo." Yaya sa amin ni Milanie na tahimik lang sa gilid kanina pa.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng school para pumunta sa service namin.

Cae's POV

"Welcome, this is the T.V. Broadcasting Awarding ceremony."

Nang marinig ko yung sinabi ng emcee ay kaagad akong napaharap sa stage. Omygash! Ito na nga! This is it!!! Grabe, bigla tuloy akong kinabahan. Iba itong kaba ko sa tuwing sumasali ako sa mga beauty pageants. Siguro dala na din ito ng first-time ko lang.

Katabi ko ngayon si Coach Nikki. Tatabi sana sa akin si Jacob, pero buti na lang ay biglang dumating si Mam kaya bigla siyang pumagitna sa amin. Buti na lang talaga dahil delikado na lalo na at nandito pa ang praning niyang girlfriend. Sabi nga nila, prevention is better than cure.

Bumalik ako sa real world nang marinig ko na ang malalakas na dagundong galing sa speaker. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Gusto ko sumigaw dito para ma-realese ang tension ng katawan ko. Gusto ko tumalon-talon para mawala ang nginig ng mga tuhod ko.

"First, we will announce the winners of T.V. Broadcasting English category!"

Lahat kami dito ay napakapit ng kamay. At parang nagkakaintidihan kami sa pamamagitan ng tinginan. Mahigpit ang bawat pagkakahawak namin. Hindi ko na pinansin ang pasmadong kamay ng mga kahawak ko ngayon. Ang mahalaga ay ang result.

"We will announce the major prizes first."

"For the Best Anchor goes to---"

Napapikit na lang ako ng mata at hinitayin na sabihin ng emcee ang pangalan ng winner.

"Republic News from Oxfund Academy!"

Nang marinig ko na banggitin ng emcee ang pangalan ng school namin ay kaagad akong napatayo at napasigaw ng todo.

"WAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!"

"OMYGASSSSSSSSHHH!!!!"

Kahit yung mga kasama ko ay napatayo na lang din at nagtatalon dahil sa tuwa. Sa sobrang tuwa ko hindi ko namalayan na kailangan pala namin pumunta ng stage.

"Halika ka na Cae!" Bigla akong hinawakan ni Jacob sa aking wrist at sabay kaming bumaba dito sa bleechers.

Habang naglalakad kami ay inayos ko ang sarili ko dahil mamaya, 'pag nag-picture sa stage ay magmukha akong sabog. Sabay kaming umakyat ni Jacob sa stage. Habang paakyat kami ay inaalalayan niya ako dahil medyo mataas ang hagdan at naka takong pa din ako ngayon.

Pag-akyat namin ay kaagad akong nakipag-kamay sa mga judges dito sa taas ng stage habang hawak nila ang medal at certificate. Pagkatapos ay isinabit niya ito sa amin at binigay ang sertipiko na naglalaman ng "Best Anchor of the Year".

"Congratulations to the both of you." Bati sa amin ng judges.

"Thank you so much, Sir." Sagot ko ng may malapad na ngiti sa aking mga labi.

Sa sobrang tuwa ko kanina, hindi ko napansin na nakasunod pala sa amin si Mam Nikki at tulad namin kanina ay nakipag kamay din siya dito. Pagkatapos ay humarap na kami sa harapan para magpakuha ng litrato. Nagulat ako nang makita ko na nasa baba si Eco at may hawak na camera. Kasama ang iba pang mga photographer dito.

Ano naman kaya ginagawa niya dito? Tsaka tapos na ba yung awarding niya? Buti naman ay hindi na niya kasama yung partner niya 'kuno'.

"Halika ka na Cae!" Bumalik ako sa realidad nang bigla akong tawagin ni Jacob.

"Ahh-- ehh-- oh, I'm sorry." Tsaka bumaba na kami ng stage.

"Again, congratulations to Oxfund Academy."

Pagbaba ko ng stage ay nilingon ko ulit yung baba ng stage kung nandoon ba si Eco. Pero nagulat ako nang wala akong makita, ni anino niya. Nag ha-hallucinate lang ba ako? Or ganun lang talaga ang epekto ng pagkapanalo ko?

Habang pabalik kami sa upuan namin kanina ay nakita ko na nakatingin ng matulis sa akin si Maxine. Dahil tinitignan naman niya ako ay naisipan ko na asarin siya.

Kinuha ko yung medal ko at kinagat ko yun. Inartehan ko pa lalo para mas lalo siyang mainis. Tsaka maayos kong hinawakan ang certificate ko. Nang dumaan kami sa pwesto niya ay inilapit ko sa kaniya ang certificate ko para ipamukha sa kaniya na nanalo ako.

"GRRRRR RRR RR RRRR!"

Paglagpas namin ay sakto narinig ko ang impit niyang inis sa akin. Pero tanging tawa na lang ang naisagot ko sa kaniya.

"HAHAAHAHAHAH."

Pagbalik namin sa upuan ay kabila't kanan ang pagbati nila sa amin, especially sa akin dahil sa unexpected na pagkapanalo ko.

"Grabe Cae! For the first time, nanalo din tayo ng 'Best Anchor' at kung natsambahan nga, sa first-timer pa na tulad mo!" Maligayang bati sa akin ni Kuya Kevin.

"Syempre Kuya Kevin, hindi lang naman ako nagbuhat ng team, nandiyan din si Jacob, siya talaga yung dahilan kung bakit tayo nanalo."

"Hindi na ako makapaghintay na mag back-to-back-to-back!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!11!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! champion tayo ngayong year!"

"Sana nga Kuya Kevs, magbilang-anghel ka sana."

Tuloy-tuloy ang takbo ng ceremony. Iba't ibang awards pa ang binigay nila. Tulad ng 'Best News Presenter' na napalanunan ng team ni Maxine. Next ay 'Best in Informercial' na napalanunan naman namin.

Marami pang awards ang binigay nila. Kalahati nun ay nasungkit namin. At ito na nga ng pinakahihintay ng lahat ng tao sa loob ng court. Ang top 5 T.V. Broadcasting team na nanalo.

"And after a long wait! Finally, this is it! Are you ready to hear the result of winners?"

Binalot ng masikabong sigawan ang buong court. Kahit kami din naman ay handang handa na din malaman ang nanalo. Medyo napalingon ako sa aking relo para makita kung anong oras na ba.

Nagulat ako na pasado 7 pm na ng gabi. Kinuha ko ang bag ko para tignan kung may tumawag ba or nagmessage sa akin pero pagtingin ko ay wala. O-k, mukhang hindi nila ako hinahanap.

"For the 5th place, this goes to-------"

Nagkapit-kapit na kami ng kamay, muling dinarasal ko na hindi kami matawag sa position na ito. Kahit na halos hakutin namin ang mga major and minor award ay may chance pa din na hindi kami ang mag-champion.

"Goes to Explit National Academy!"

Napalingon kami sa dulong corner ng court at doon nakita namin ang mga nagsisigawang estudyante. Masaya na sa pakiramdam ang manalo kahit na pang fifth lang, imagine, mahigit 20+ schools ang naglaban sa category namin para manalo.

Iba't-ibang idea, sabugan ng utak, ubusan ng brain cells ang nilaan ng bawat isa sa amin para lang manalo.

Nakita namin na umakyat na ang representative ng team nila kasama ang coach. Tulad namin ay inabutan din sila ng medal at certificate.

Kanina nung umakyat kami ay napansin ko na may tatlong trophy sa taas na iba't iba ang size. Mukhang for 1st, 2nd, at 3rd place lang iyon. At ang dalawang place pa ay medal tsaka certificate.

"For our 4th place, this goes to-----"

Masyadong tensyonado dito sa loob. Dahil sa ginagawang pagpapabitin ng emcee ay lahat kami ay naiinip na na sabihin nila kung sino ang nanalo.

Bakit ganun? Tuwing may awarding ceremony? Mahilig silang mambitin sa pag-aanounce ng mga winners. Yan tuloy, minsan yung mga nag-eexpect na-didissapoint pag hindi nila naririnig ang pangalan nila.

"Goes to Castilla Academy!"

Tulad kanina ay ganun din ang reaction ng team na tinawag. Mabilis silang tumakbo paakyat ng stage, to the point na nakalimutan na nilang ayain ang coach nila paakyat.

Kahit ako din naman ang nasa position nila eh. Kanina nga hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nawindang na ang isip ko. Buti na lang talaga ay may humila sa akin. Thanks to Jacob, by the way!

Ina-announce na din nila ang 3rd place na nasungkit ng Lawrencille Academy. Next ay ang 2nd place, Biglang napako ang tingin ko nang makita ko si Maxine na lumingon sa pwesto ko. Malinaw pa ang mata ko kaya hindi ako nagkakamali na ako ang tinitignan niya at wala nang iba.

Parang gusto niyang sabihin na "Kami ang mananalo, bitches." Pero tinaasan ko lang siya ng kilay at tinarayan. Wala akong panahon makipag away sa kaniya. Ayaw ko maputol ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayong araw. Kahit ngayong araw lang gusto ko maging natural na masaya, walang halong peke. Natural na natural lang.

"For 2nd place-----"

At ito na ang pinakahinihintay naming lahat! Dito ay todo-hawak na talaga kami ng kamay. Parang lahat kami dito ay hindi na humihinga dahil baka mamaya ay biglang mag-iba pa ang ihip ng hangin kung sakaling pakawalan namin itong hininga namin.

"goes to Oxfund Academy!"

Napadilat ako ng mata nang marinig namin ang pangalan ng school namin. Sabay napatingin ako sa aking mga katabi. Kahit sila ay hindi makapaniwala sa resulta na kinalabasan. Sabi na eh, kahit na gaano kadami ang awards niyo ay hindi pa din natin maiwasan ang mga ganitong mga pagkakataon.

"Ok lang yan guys! May next year pa!" Pag-encourage sa amin ng coach namin.

Bumaba na kami ng bleechers kasama si Mam at sabay kami umakyat ng stage nila Jacob. Kahit na medyo na-dissapoint kami sa result, o-k lang. Masaya kong kinuha ang trophy at muli akong sinabitan ng medalya at inabutan ng sertipiko.

Kita ko na ang itsura ni Maxine dito sa itaas. Mukhang nagtagumpay dahil tuwang-tuwa siya na sila ang tatawagin na 1st place.

Pagkatapos ay bumaba na kami. Nang dumaan muli kami sa pwesto nila ay kita ko na nag-aayos na siya. Parang pinaghahandaan niya na ang pag-akyat nila sa hagdanan papuntang stage. Nilabas niya pa ang make-up bag niya at naglagay pa siya ng iba't ibang klaseng colorete sa mukha niya.

Nagmukha tuloy siya coloring book. Hindi pantay ang eyeliner, ganun din ang blush-on niya. Gosh!! Hindi naman bagay sa kaniya. Nakita ko din na mumurahin lang naman yung make-up na gamit niya. So cheap!

"And for our 1st placer this year, goes to-----------!!!!!!!!!!"

"Goes to Breton Ester Academy!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Pag-baba namin ay sakto din naman na tinawag na ang pangalan ng school nila Maxine. Ito naman si haliparot, tuwang-tuwa na parang batang nabilhan ng tag-pisong lollipop sa tindahan ng nanay niyang labandera.

Habang papunta pa siya ay kumekembot-kembot pa, eh puro taba naman ang bewang at wala namang pwet itong babaitang ito. Hay naku! Mukhang pinagkaitan siya ng tadhana. Kawawa naman siya. I feel pitiful towards her.

Ngiting-ngiti siya. Pagkatapos niya, inagaw ang trophy na iaabot sana ng judge sa coach nila. Napaka bastos naman nun. Napailing na lang ako. Tinaas niya ito sa harapan at winagayway na parang flag. Halatang first-time makahawak ng malaking trophy.

Malaglag sana yan nang masira. Next ay kinagat-kagat niya yung medal niya. Hindi nga mukhang kagat eh, ngingangat-ngat na ata niya. Ginawa niyang chocolate yung medal. Kadiri naman nitong babaeng ito. Hindi lang bastos eh, balahora din.

Pagkatapos nun ay bumaba na sila sa stage. Habang siya ay hawak pa din ang trophy at walang tigil na winawagayway ito. Maputol sana kamay niya sa ginagawa niya. Hinarap niya pa ito sa akin at pinamukha na sila ang 1st place.

"Oh, ano ngayon??" Gusto ko sabihin sa kaniya eh, pero baka mapaaway lang ako dito kaya wag na. And besides, wala na akong energy para makipag-debate pa sa kaniya.

"Again congratulations to all winners!!!!" At doon ay tinapos ng malakas na palakpakan ang ceremony.

Pagbaba ng emcee ay sakto naman nag-aya si coach na magpicture kami. Pinili namin na dito na lang kami sa bleecher mag-picture dahil madami nang tao ang nag-uunahan na mag-papicture sa taas at baba ng stage.

"O-k 1....2.....3 Smile!!!!" Tsaka clinick ni coach ang click button.

"Oh, isa pa." Tinaas naman namin ang mga medal, certificate at trophy.

"REPUBLIC!!!!!!" Sabay-sabay naming isinigaw.

"Congratulations ulit sa atin guys!" Masayang bati ni coach sa amin.

Pagkatapos nun ay bumaba na kami ng bleecher para lumabas ng court habang maluwag pa dahil busy pa ang iba mag-picture. Malalim na ang gabi. Kailangan na namin umuwi. Baka traffic pa mamaya sa dadaanan namin. Sa tingin ko, kami na lang ang team na wala pa doon. Baka naghihintay na yung iba pa naming kasama sa bus.

"Ahm excuse me! I have some announcements to make."

Bigla kaming napalingon sa stage nang biglang may nagsalita sa mic. Yung emcee pala iyon. Ang mga tao sa taas ay unti-unting bumaba para magbigay respeto sa emcee na nasa taas na ngayon ng stage.

"May I call the Republic News of Oxfund Academy and Phillippine News from Breton Ester Academy?"

Napalingon kami sa isa't-isa tila naguguluhan kung anong nangyayari. Kahit ang coach namin ay hindi din alam ang nangyayari. Tumingin naman ako sa grupo nila Maxine at nakita ko na natigil din ang kasiyahan nila. Hinintay namin ang mga susunod na sasabihin ng emcee.

"Because there are some technicalities regarding the result."

Kinabahan na ako bigla sa sinabi ng emcee. Ang kaninang kalmado kong tuhod ay nagsimula nang manginig at tumulo ang pawis ko. Ang kaninang mainit na court ay biglang lumamig dahil sa malakas na ihip ng malamig na hangin. Tsaka nagsimula na kumabog nang napakalakas ang aking dibdib.

"Our 2nd place is goes to Breton Ester Academy and our champion title this year will be going to Republic News From Oxfund Academy!"

Pagkatapos namin marinig yun ay nagsitalon ang mga kasama namin at kahit ako ay tuwang-tuwa nang marinig ko ang sinabi ng emcee. Sabay-sabay kaming tumalon at naghihiyaw sa sobrang tuwa.

"I'm sorry for the misunderstanding."

Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napansin na bigla na pala ako nayakap ni Jacob at binuhat tsaka inikot-ikot sa hangin habang ang mga kamay ko ay nakapatong sa kaniyang leeg para hindi ako mahulog. Nang matauhan kami sa ginawa namin ay kaagad niya akong binaba. Ako naman ay inayos ko na ang suot na pencil skirt at blazer. Dahil sa akwardness ng situation ay naglakad na ako papunta sa stage dala ang trophy namin para ipagpapalit.

Pagkatapos ay sumunod sa akin si Jacob sa likod nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa wrist. Sabay kami umakyat sa stage.

"HOYYYY!!! BAKIT MO NIYAKAP ANG MYLOVESSS KO!!" Parehas kami napalingon ni Jacob sa entrance ng court at doon nakita namin si Gretchen na pasugod sa amin.

Buti na lang ay may bantay doon kaya kaagad siyang hinarang. Ganun na din siguro ang takot ng mga guard na manggulo siya dahil sa itsura na madumi at may mga basura sa katawan. Ano ba naman pinaggagawa nitong babaitang ito. Tuluyan na atang nabaliw ito eh.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa nangyayari. Ngayon ay nasa taas na din si Maxine ng stage kasama ang coach nila. Inabot niya sa emcee ang trophy at pinalit naman namin yung sa amin.

Ang kaninang masayang itsura ni Maxine ay napalitan ng mukhang hindi maipinta. Pag katapos namin makuha ang trophy ay hinawakan ko ito at tinaas sa hangin. Ang iba naman naming mga kasamahan ay naghihiyawan sa baba. Pagkatapos bumaba ng emcee at nila Maxine ay kaagad silang tumakbo paakyat ng stage. Doon ay nagbunyi kami ng aming pakapanalo.

"REPUBLIC!!! REPUBLIC!!! REPUBLIC!!! FOR THE WIN!!!!!!!!!!!!"

Malakas na hiyaw namin dito sa taas ng stage. Wala kaming pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ang mahalaga sa amin ay ang pagkapanalo namin ngayon. Nag-picture ulit kami dahil kanina ay maliit lang ang trophy namin.

Pagbaba namin ay sakto na palabas na din sila Maxine dala ang trophy. Hindi na ito hawak ni Maxine dahil busy siya sa kakaiyak. Ang kaninang mukhang coloring book na mukha niya ay nagmukhang muddy watercolor art na. Sabayan na din na magulo pa niyang buhok.

Lumapit ako sa kaniya pero hindi ganun kalapit dahil baka mamaya bigla akong sabunutan nito eh, delikado na noh.

"Congrats to all of you and sorry for what happened because of the unexpected announcement earlier." Sincere kong bati sa kanila.

"Wag mo ko maenglish-english diyan. Niluto niyo yung award! Sabihin niyo nga! Anong ginawa niyo sa mga judges ha?! Binigyan niyo ba ng regalo? Kamag-anak ba ng isa sainyo yun ha??!!!!!" Galit na galit niyang sagot sa amin.

"KAYA LAGI KAYONG NANALO? HA? KASI MANDUROGAS KAYO!"

"Tama na yan Maxine! Thank you and congrats din sa inyo." Ang coach na nila ang kumausap sa amin at humingi ng paumanhin para sa inasal ni Maxine.

Nasa akin pa din ang huling halakhak.

Paglabas namin ay sinalubong kami ng napakalamig na simoy ng hangin. Buti na lang ay naka-coat pa din ako kaya hindi ako tinablan ng lamig. Maya-maya ay sumalubong sa amin si Gretchen na napakadugyot.

"Hi mylovesssssssssss!!!!!!!!!!!!!!" tsaka siya yumakap kay Jacob.

Pero agad siyang nilayo ni Jacob. "'Di ba sabi ko sayo magpalit ka na?"

"Eh ayaw ko, gusto ko ikaw magpalit sa akin." Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Nauna na ako sa kaniya. Nilapitan ko si coach na palabas na ng gate.

"Mam Nikki!"

"Oh, bakit Cae?"

"Ahm, pwede po ba ako mag CR? Naiihi na po kasi ako eh, tsaka magpapalit na din po ako ng damit. Nangangati na din po kasi ako eh."

"Ganun ba? Sige halika, samahan na kita."

"Ay hindi na po malapit lang naman yung CR eh," Tinuro ko yung building na pinanggaling namin kanina.

"Oh sige sige, bilisan mo lang ha? Gabi na, tsaka mag-ingat ka, medyo madilim na din."

"sige po."

Tsaka mabilis akong pumunta sa CR. Kanina pa kasi ako naiihi, pinipigilan ko lang dahil ayaw ko umalis kanina dahil sa awarding nga. Buti nga ay hindi ako naihi kanina nung nalaman ko na nanalo pala kami.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro