Bullet 13
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
Eco's POV
"Diyan ka lang, babalikan kita. Wag kang aalis diyan."
"Wait!"
Tumakbo ako palayo sa kaniya. Naghanap ako ng pwedeng gamitin dito para ma-distract sila. Nandito ako ngayon sa may bintana. Tumigil ako dito para sumilip, pero nalula lang ako ng makita ko kung gaano kataas nito . Nakita ko na may pusa na naglalakad sa gilid, kaya binuksan ko ito at kinuha ko yung pusa.
"Hi meow!! Sorry sa gagawin ko sayo, ha?"
Nilagay ko ito sa daanan tapos ay kumuha ako ng maraming libro tsaka ko ito kinalat sa sahig. Iniwan kong bukas ang bintana para hindi nila mapansin na may tao dito. May nakita ako dito na maliit na tubo, pagkatapos ko ikalat ito ay kinalabog ko ng malakas yung shelf para kunwari ay gawa ito ng pusa.
Sumilip ako para tignan kung papunta na sila dito. Gumana ang plano ko, nakita ko na nagmamadali silang naglakad papunta sa pwesto ko. Para hindi ako mahuli ay kaagad ako tumakbo pabalik kay Cae. Pagdating ko dito, nakita ko na may mga hawak siyang libro.
Natawa ako nang marinig ko ang dahilan niya. Itong babae na ito, maganda nga pero kulang naman sa diskarte. Napailing na lang ako. Hinatak ko na siya papunta sa pintuan para umalis kaso mukhang hindi din kami makakalabas kasi may mga guard din na nagbabantay sa labas.
Napabalik na lang ulit kami sa mga shelves para magtago nang marinig namin ang boses nila. Nang makaalis na sila, nagulat ako ng biglang namatay na lahat ng ilaw dito sa room. Bigla kong naalala si Cae.
Tinignan ko siya. Nararamdaman ko na nanginginig siya. "Ok ka lang cae? Kalma ka lang."
"Eco, ang dilim. Wala akong makita."
"Nandito ako, wag kang mag-alala, kapit ka lang sa akin."
"Na-ta-takot ako Eco, wa-la akong makita."
"Shh, akong bahala sayo. Halika dito, yakapin kita."
Niyakap ko siya para kumalma. Naalala ko na nyctophobic din siya. Takot siya sa mga madidilim na lugar. Nilabas ko ang cellphone ko tsaka ko binuksan ang flashlight nito. Tinutok ko ito sa daanan sabay naglakad kami papunta sa pinto para tingnan kung nakaalis na ba sila. Hinawakan ko yung doorknob, pero pag pihit ko ay naka lock na ito. Haist, paano na ito? Buti na lang ay nasa loob ang switch kaya binuksan ko ito.
"Ok ka na Cae?"
"Ah-ahh, oo, sorry nabasa ko pa yung damit mo." Nakita ko na lumuluha pala siya.
"Ok lang yan. Mukhang dito tayo matutulog ngayong gabi. Nakasarado ang pinto sa labas kaya hanggang walang mag bubukas niyang pinto, hindi tayo makakalabas." Pumunta na lang kami sa mga table dito sa room tsaka kami umupo.
"Tetext ko na lang si ate mj na hindi ako makakauwi ngayon, baka hanapin nila ako" Sabi sa akin ni Cae.
Naalala ko din tuloy si mama. Baka nag-aalala na yun sa akin. I-tetext ko din sana siya ng maalala ko na wala pala akong load ngayon. Kaka expire lang kahapon. Nakalimutan ko magpa-load kaninang umaga.
"Cae? Pwede makihiram ng phone mo? Makiki-text din sana ako. Wala na kasi akong load eh."
"Sige, ito oh. Tapos naman na ako eh."
Pagkatapos ko magtext ay binalik ko na lang ulit sa kaniya yung cellphone niya. "Cae, ito oh. Thank you!"
"You're welcome."
"Anong gagawin natin ngayon? Hindi pa ako inaantok eh?" Tanong niya sa akin.
"Ano ba gusto mong gawin natin?"
"Ahmm, total wala naman tayong ginagawa, laro na lang tayo ng getting to know each other na game."
"Ano naman yan?"
"Magtatanungan lang tayo like, kung anong gusto mong food, hobby etc. Tapos, salit-salitan tayo, ganun, getting to know each other tayo."
"Ok. Sige, ikaw magsimula."
"Sige. Ahm, anong favorite color mo?"
"Sus! Ang basic naman niya. Color green. Ako naman, anong favorite place mo?"
"Me? Favorite place ko sa playground tapos habang nakaupo ako sa swing mapapanood ko yung magandang paglubog ng sun."
"Mahilig ka din pala sa sunset?"
"Oo, kasi nakakarelax makita yung araw na unti-unting nawawala ng liwanag."
"Oh? Bakit ka umiiyak?"
"Wait. Teka, ako? Umiiyak?" Kita ko na pinunasan niya bigla ang luha niya. "Hindi ah? Pawis lang yan galing sa mata ko."
"Asus! Magdadahilan ka pa eh. Bakit? Ano bang meron sa sunset at naiiyak ka?"
"Wala! Wag mo na pansinin yun ok ,ako na next."
Napuno lang ng tanong ang buong library. Tawa dito, tawa doon, walang humpay na tawaan lang ang ginawa namin dito sa loob. Syempre minsan ay may asaran din kaso laging talo si Cae. Ang bilis niya kasing mapikon kaya ang sarap asarin ng asarin.
"Ano ba kasi Eco? Tama na, bahala ka diyan magagalit na ako sayo." Bigla siyang nag-pout.
"Wag ka nga mag-pout diyan! Mukha kang bulldog. Tingnan mo nga yung noo mo oh, mukhang humps."
"Tche! Bahala ka diyan!" Bigla siyang tumalikod sa akin.
"Pero bakit kasi muntik mo na masunog yung kusina niyo?" Asar ko sa kaniya.
"Eh kasi, hindi nga ako marunong magluto, anong gagawin ko? Hindi porket magaling ka magluto, ganyan ka na eh."
"Ito naman, marunong lang. Iba yung magaling sa marunong noh? Ang layo kaya ng difference nun."
"Manahimik ka diyan, pa-humble ka pa? Hindi naman bagay sayo. Mukha kang timang diyan."
"Lah! Hindi kaya ako pa-humble. Cool lang talaga ako." Tsaka nag-pose ako ng pa-cool.
"Stop! Nakakairita kaya Eco, naririnde na ako sa boses mo."
"Ito naman eh, tampo na agad. Halika ka nga dito, yakapin kita."
"Yuck! Eco! So disgusting, kinikilabutan ako sayo. Lumayo-layo ka nga sa akin? Kadiri nitong nilalang na ito eh."
"Wow naman! Maka-kadiri ka? Excuse me, swerte mo dahil bukod sa mga kaibigan ko ikaw lang pa lang ang tao na nakasama ko ng sulo kaya, be grateful."
"No way! Baka nakalimutan mo? Queen bee ako, kaya ikaw ang swerte sa akin. Dahil maraming nagnanais na makasama ako sa iisang kwarto. Tatawagan ko na nga si ate mj para ipasundo ako dito, mygashh. Hindi ko na kaya ito. Ok na sa akin na mapagalitan ako basta hindi na kita makasama."
"Bakit ako ba gusto ko din, kung hindi lang natin nakasalubong si Ma'am Fie kanina na kamukha ni Pokwang hindi kita isasama eh. Actually, kasalanan mo ito eh, kasi kung hindi mo ako tinawag-tawag kanina, eh di sana nasa bahay na ako ngayon at nagpapahinga sa kwarto ko."
"Excuse me! Its not my fault kung bakit tayo nandito noh. Tsaka wait, baka nakalimutan mo may atraso ka pa sa akin."
"Kailan naman ako nagka-atraso sayo hija????" Sarcastic ko na tanong sa kaniya.
"Aba! Mukhang nakalimutan mo na ata yung pagpapahiya mo sa akin sa cafeteria nung first day?"
"Ay ako?" Turo ko sa sarili ko. "Eh sino kaya nagsimula? Maayos akong pumipila tapos may biglang sisingit at mag-iiskandalo sa gitna ng maraming tao."
Hindi na siya sumagot. Mukhang wala na siyang panglaban sa akin. Bigla na lang siya tumayo at lumakad papunta sa pintuan.
"Saan ka pupunta?"
"Wala ka ng pake doon."
Umiling na lang ako. Pumunta ako sa mga shelves para maghanap ng pwede basahin. Nakakaboring dito sa library. Kumuha ako ng science na libro at nagbasa-basa na lang dito. Hindi muna ako bumalik sa upuan namin kanina ni Cae. Bahala siya diyan, away-awayin niya ako. Tingnan lang natin mamaya. Wag siyang lalapit sa akin para sabihin na natatakot siya.
Habang nagbabasa ako dito bigla akong nakarinig ng ingay. Napatayo ako ng biglang lumitaw si Cae sa harapan ko na hingal na hingal. Ano na naman pinaggagawa ng babaeng ito?
"Eco tago, may guard!"
"Ano bang-----"
"Shhhh, wag kang maingay"
"Hello, may tao pa ba diyan?" Rinig kong tanong ng guard. "Nako! Si Sir Mandy talaga, nakalimutan na naman patayin ang ilaw. Di bale na, matanda na yun kaya pagpasensyahan natin." Lah? Sino kaya kausap ng guard. Nako, pati guard may sapak na din ata. Nagsasalita mag-isa, Haist!
Napatigil na lang kami nang biglang namatay ang ilaw sa buong library kaya sobrang dilim dito sa loob ng room. Salamat na lang sa buwan dahil sa liwanag nito na nagbibigay ng unting ilaw sa amin dito sa loob ng library. Tiningnan ko kaagad si Cae. Nataranta ako nang makita na nanginginig siya.
"Ok ka lang ba?"
"Eco, ang dilim natatakot ako."
"Shh, wait lang." Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa tsaka ko binuksan yung flashlight nito. "Ayan, wag ka nang matakot, may ilaw na." "Natawagan mo na ba si ate mj para magpasundo na tayo dito?"
"Biglang namatay yung phone ko kanina, lowbatt na pala ako. Hindi ko pa dala yung charger ko. Ikaw na lang tumawag."
Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Wala na nga akong load eh. Kaka-expire lang kagabi, nakalimutan ko magpa-load kaninang umaga eh."
Wala na kaming nagawa kundi mag-antay na lang talaga na mag-umaga. Tumingin ako sa relo ko, 12 am na pala. Inaya ko na lang si Cae sa upuan at doon ay umupo na lang kami. Magkatabi kami ngayon. Hindi ko siya pwede iwan mag-isa, mamaya biglang himatayin ito dito. Ako pa mananagot sa kaniya pag namatay pa ito dito eh, kaya no choice ako.
Nanigas ako bigla na lang niya akong yakapin. Nararamdaman ko pa din ang panginginig niya kaya hinayaan ko na lang siya. Niyakap ko na lang din siya para pampakalma.
"Mga hijo at hija, wala ba kayong mga klase at nandito pa kayo sa library?"
Medyo kinusot-kusot ko ang mata ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami dito at umaga na ngayon.
"At dito niyo pa naisipan na maglampongan." Nakita ko na hanggang ngayon ay nakayakap pa din sa akin si Cae. "Hintayin niyo ko, tatawagin ko si Ma'am Marfiec nang mapa-guidance kayo." Bigla tuloy nagising ang diwa ko sa sinabi ni Kuya janitor.
"Cae! Cae, gising na." Alog -alog ko sa kaniya.
"Eh, mamaya na. 5 minutes pa, antok pa ako." Sabi niya sa akin, habang antok na antok pa ang boses niya.
"Cae ano ba? Gising na, papunta na dito si Ma'am Fie." Bigla siyang napabalikwas ng tayo.
"Anong sabi mo? Si Ma'am Fie nandiyan na?"
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila. "Halika ka na, bago pa tayo maabutan."
"Teka! Wait, ang sakit ng likod ko."
"Halika ka na, mamaya na yan likod-likod mo."
Pagkakuha namin ng gamit ay kaagad na kami lumabas ng room para tumakbo, baka kasi may abotan pa kami dito ni Ma'am Marfie, patay tayo niyan.
"Hoy! Magsitigil kayo!!" Yan na nga ang sinasabi ko eh.
"Bilisan mo takbo Cae!"
"Ito na nga eh, kita mong ang sakit ng likod ko eh."
Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa mapatigil na lang kami sa locker namin dito sa gymnasium.
"May pamalit ka ba na damit diyan, Cae?" Hindi na kasi kami pwede umuwi dahil malalate kami sa klase at baka mahuli pa kami.
"Meron naman, ikaw?"
"Oo, meron din."
Buti na lang ay may extra ako na uniform sa locker ko, in case of emergency tulad nito. Dumiretso na kami sa CR para makaligo at pagkatapos ay nilagay ko ang madumi kung damit sa locker, mamaya ko na lang kukunin ito pag-uwi. Baka mamaya ay umikot sa mga rooms ang prefect of discipline eh at mag inspection ng gamit mahirap na baka mahuli tayo. Kailangan natin ng maiging pag-iingat lalo na sa mga pagkakataon na ito.
"Ano, tapos ka na ba? Tara na, baka mahuli tayo dito."
"Oo ito na, teka saglit, aayusin ko lang uniform ko." Sigaw ni Cae sa loob ng CR.
Pagtapos namin magpalit ay dumiretso na kami sa room. Tamang lakad-inosente lang kami dito sa hallway para hindi kami mahalata na kami yung salarin sa library. Medyo kabado-bente ako ngayon dahil for almost 3 years ko dito na pag-aaral sa school na ito ay ngayon ko lang ako nakagawa ng ganitong bagay sa buhay ko.
Kung gaano ako kakalmado outside ay iba naman ang pagwawala ng kaluluwa ko inside. Medyo nginig tuhod pa ako ngayon, pero hindi ko pinahalata kay Cae.
"Eco, ok ka lang ba?"
"Ha? Bat mo naman natanong?"
"Kanina mo pa kasi sinisipa-sipa yung paa mo eh. May masakit ba sayo?"
"Ah wala nag e-excercise lang ako, hindi kasi ako nakapag-jogging kaninang umaga eh na lagi kong ginagawa."
Bigla kami napabilis ng lakad nang bigla namin nakita si Ma'am Fie buti na lang ay nandito na kami sa hagdan kaya umakyat kami kaagad. Sabay kami pumasok sa room at nakita ko nandito na yung mga kaibigan ko.
"Oii! Sabay sila pumasok ng room!" Maagang hirit ni Jeybi.
"Teka! Sinundo mo ba si Cae sa bahay nila, Eco?" Tanong ni Gueneth.
"Engot mo, paano masusundo ni Eco eh, naka sasakyan nga si cae?" Biglang batok nito kay Gueneth.
"Aray! Napaka-epal mo talaga noh? Kaya nga nagtatanong eh."
Ayun ang ending, nag-away na naman silang dalawa. Ang aga-aga, nagbabangay na naman silang dalawa.
"Haist! Woi, tumigil nga kayo. Ang aga-aga, nag-aaway kayo."
Natawa na lang ako sa dalawa. Kinuha ko muna yung gamit ko. Napatampal-noo na lang ako nang maalala ko na may mga assignments pala kami. Tsk! Sa dinami-rami na pwede kong makalimutan bakit yun pa? Kokopya na lang ako.
"Psst, noo-este Richi!"
"Ano sabi mo?"
"Sabi ko Richi maganda," Pambobola ko. "pero malapad noo." Dugtong ko pero pabulong baka marinig niya.
"Bakit? Ano kailangan mo?"
"Pakopya ako assignment sa Science, English, Math at A.P."
"Ay, dang taray naman pala, hindi na nahiya!"
"Sige na please? Cute-cute mo naman eh." Pagmamakaawa ko sa kaniya. "Pero maliit nga lang." bulong ko ulit sa hangin.
"Eh ano ba ginawa mo kagabi at hindi mo nasagutan ni isa diyan?"
"Basta mahabang kwento, bilis na, akina! Tagal naman eh!"
"Ay wow naman pala, ikaw pa atat. Ikaw na nga lang nanghihiram eh."
Kinuha ko na yung mga libro niya. "Akin na, dami pa sinasabi eh."
Inuna ko sinagutan yung English kasi ito yung first class namin. For sure may bida-bida na naman kaming kaklase ang tulad ni Gueneth na magpapaalala nitong assignment na ito mamaya kay Ma'am incase na makalimutan niya man.
Syempre, habang nagsasagot ako ay binabasa ko din para tignan kung tama din ba itong mga sagot ni pandak-este richi. May mga sagot siya na hindi ko sure kung tama kaya hindi ko kinokopya iyon kundi ay gumagawa ako ng sarili kung sagot or kaya naman ay nagsesearch ako dito sa libro at nagtatanong ako sa kanila.
"Oh, tapos na ako sa english." Sabay bato ko sa kaniya ng libro.
"Wow, thank you ha, sa pagbalik at pagbato ng libro ko."
"Airport-este Richi! Tama ba tong mga sagot sa math?"
"Malay ko diyan, nag-calculator ako nung sinagutan ko yan eh."
"Tsk! Milanie, pahiram nga Math book mo." Binalik ko na kay Richi yung Math book niya tsaka ko hiniram yung kay Milanie. "Hoy! Milanie, pahiram ako!"
"Wait! May kausap ako."
"Sino ba yang kausap mo? Bawal mag-cellphone sa room ha?"
"Eh wala pa naman start ng class eh, kaya pwede pa yan."
"Patingin nga niyang kausap mo." Lumapit ako sa kaniya.
"Ay, takte naman Eco eh." Pumindot-pindot ako sa screen ng cellphone niya samantala siya naman ay iniilag-ilag niya ito sa akin.
Kinuha niya yung libro niya sa bag at binato ito sa akin sa sobrang inis. Isa din ito sa pikon eh. "Eco!!! tama na oh, ito na yung libro ko, kunin mo na at lumayas ka na."
Pagkuha ko ng libro ay umupo na ulit ako sa upuan ko. Binuklat ko na sa page kung saan yung assignment namin. Magaling si Milanie sa math kaya wala na akong pagduda sa mga sagot niya. Kinopya ko na ito lahat ng walang pagdadalawang-isip. Pagkatapos ay para makasigurado ako na tama nga ang mga sagot niya ay nag-solve din ako. Matapos ko I-solve ay tama naman yung mga sagot niya kaya binalik ko na sa kaniya yung libro.
Next naman ay yung Science. Madali lang naman ang Science pero dahil hindi naman ako nakikinig sa mga discussion ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinaka-hate ko talaga na part ng science is yung chemistry at physics eh. Laking panira ng buhay eh. Gusto ko lang naman malaman yung mga definition nila pero bakit bibigyan nila kami ng computation?
"Sarah! PSST!" Tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon. "Maitim na Sarah!" Tawag ko ulit sa kaniya.
"Po? Ano po yun?" Inosenteng sagot niya.
"May sagot ka sa assignment sa Science?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah meron. Kaninang umaga ko lang sinagutan. Bakit?"
"Pwede hiramin book mo? May titingnan lang ako."
"Eh ayaw ko, kokopya ka lang eh."
"Lah, may titignan lang ako?"
"Ayaw ko, bahala ka diyan."
"Napakadamot naman nito eh, parang hindi kaibigan."
"Anong hindi kaibigan? Pagdating sa acads walang kaibi-kaibigan."
"Bahala ka na nga diyan." Napakadamot talaga niya. "Richi! Hiram nga Science mo ulit."
"Oh? Mali-mali sagot ko diyan, may Math kasi eh kaya wag ka nang umasa."
"Oo, pagtyatyagaan ko na lang. Napakadamot kasi ng isa diyan."
Sumakit lang ulo ko sa mga sagot ni Richi kaya binalik ko na yun. Wala akong nakuhang matinong sagot sa kaniya. Kaya tamang hula-hula sagot na lang ako dito. Kainis, hindi ko kasi maintindihan itong quantum-quantum na ito. Ano naman connect nito sa magiging trabaho ko sa future?
Hindi ko naman ito magagamit sa pang-araw-araw na buhay ko. Mga 1s 2 s 3s 4p na ito. Haist, bahala na, hula-hulaan ko na lang. Good luck sa akin. Pagkatapos ay last ko sinagutan ang A.P., isa pa ito, may math na naman. Habang nagsasagot ako ay biglang dumating si Ma'am C. Start na ng klase kaya tinago ko na yung iba kung libro at tinira ko lang ang English book ko.
"Ok guys, I will make a little announcement later. Ms. Marfie, our Prefect of Discipline and Mr. Jimmuel our High School Department Head are going to have a room to room inspection."
"Teka! Bakit naman biglaan po?" Tanong ni Claudette, dahil siya ang class president.
"Because last night they saw two students who were still in the school in the middle of the night and earlier they saw them again in the library. So kung sino man iyon ay umamin na. Pero I guess wala naman dito sa inyo kasi mababait naman kayo na bata, right?"
Bigla akong pinag-pawisan sa sinabi ni Ma'am. Sabi na nga eh, hahalughugin talaga ng Marfie na yan ang buong school para mahanap lang kami eh. Lagot, mukhang mabubusted na kami this time. Hindi ako kinakaban na mahuli kami eh kinakabahan ako sa pwede maging parusa namin. Pinakamalala na naiisip ko na parusa ay suspension.
"Goshiiii, sino kaya yung dalawang student na yun? Kawawa naman sila kung sakali na mahuli sila." Kahit kailan talaga itong noo na ito, napaka arte.
"Hayaan niyo nga sila, wala naman silang ginagawa satin kaya pabayaan na natin ang buhay nila."
"Yes po, your majesty Eco, masusunod po ang inyong kahilingan." Tinampal ko na lang siya sa noo niyang malapad.
Haist! Matutulog na nga lang ako dito. Bahala na kung anong mangyari mamaya. Wish me luck na lang. Pagkagising ko, breaktime na. Buti na lang ay hindi ako napansin dito sa gilid lalo na si Ma'am Melon.
"Eco, tara, kain na tayo." Aya nila sa akin.
"Sige, una na kayo. Susunod na lang ako, saglit lang."
Sumagot si Sarah. "Sige, basta pag wala kami sa cafeteria, nandoon kami sa playground."
Actually, palusot ko lang yun eh. Wala talaga akong balak kumain ngayon, bigla akong nawalan ng gana dahil hindi ko alam sumumpong na naman katamaran ko sa buong katawan. Haist!.
Matutulog na lang sana ulit ako naang mapansin ko na may isang estudyante ako na kasama dito sa room, kaya nilapitan ko siya. Nalaman ko na si Cae din pala ito.
"Hindi ka din ba kakain ngayon?" Nakita ko na nagulat siya.
"Oh! Hi Eco, nandito ka din pala. Hindi eh, wala akong gana."
"Parehas pala tayo."
Napansin ko na medyo nanginginig siya. "Ok ka lang ba? Bakit parang nanginginig ka?"
"Kinakabahan lang ako sa sinabi ni Ma'am kanina eh."
"Wag kang mag-alala, hindi tayo mahuhuli niyan."
"Paano mo naman nasabi?"
"Lah! Imagine, ilang libong estudyante ang nag-aaral dito, expect mo naman na makikilala nila tayo. Think positive lang tayo!"
"Oo nga noh? Hindi ko naisip yun."
Patapos na ang breaktime kaya bumalik na ako sa upuan ko. Baka mamaya maabotan kami dito lalo na yung mga kaibigan ko na masyadong ma-issue. Kung anu-ano na naman isipin nila eh. Maya maya ay dumating na sila and to be expected tinalakan agad nila ako.
"Eco, bakit hindi ka kumain?" Tanong ni Sarah.
"Ah, ano kasi, tinapos ko yung assignment sa A.P."
"Huh!? Eh hindi nga pumasok kanina si Ma'am Melony eh, paano tayo nag ka-assignment?"
"Ah, ano, basta may ginawa ako. Wag niyo na pansinin yun, mamaya na lang ako kakain."
"Hay naku Eco! Sinasabi ko talaga sayo, pag pinagpatuloy mo yang hindi pagkain. Mamaya-maya puro buto ka na lang." Singit ni Milanie.
"Wow naman, coming from you talaga Milanie, ha?" Humirit si Richi.
"Guys, rinig niyo ba na papunta na dito sila Sir Jimmuel at Ma'am Marfie." Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Ay, talaga? Hanggang ngayon hindi pa din nila nakikita yung mga estudyante na yun?" Wala na akong nagawa dito kundi ang makinig na lang sa usapan.
"Oo eh, nandiyan na nga sila sa 3rd floor eh." Sagot ni Gueneth.
"Goshi naman, nakakakaba naman this surprise visitation."
Haist. Sabi nga nila, bahala na si batman. And there you go, nandiyan na sila dahil biglang pumasok si Mam C sa room namin kasunod silang dalawa. Mas lalong nakapagpakaba sa akin ay may mga kasama din silang guard. Ano ba talagang meron? Room visitation or room inspection? Daig pa na may pumuntang bisita sa school namin eh sa dami-dami ng guard sa labas, sama mo na rin yung nandito sa loob.
Sabay-sabay silang tumayo at binati sila pero dahil sa lutang ako at this moment ay naiwan akong nakaupo dito. Buti na lang ay hindi ako napansin dahil natatakpan ako ng mga kaklase ko.
"Hoy Eco, tumayo ka diyan! Mamaya makita ka lagot ka." Saway sa akin ni Claudette.
"Ok lang yan, hindi naman nila ako kita eh."
"You may now take your seat class." Sabi sa amin ni Mam C. "Today, as I announced earlier, they're here to inspect and also to find those two students who violated the rules and regulations of the school."
"So if anyone here knows who they are, don't scared to tell us." Panimula ni Sir Jimmuel.
"At pag nalaman namin na isa sa inyo ay tinatago sila ay pwede kayo madamay sa gulo. Kaya kung ayaw niyo, umamin na kayo kaagad." Pananakot sa amin ni Ms. Marfie.
As if naman natakot mga kaklase ko sa kanila. I keep myself calm as I can because I don't want them to be suspicious of me. Lalo na isa ako sa mga sangkot doon. Tiningnan ko si Cae and mukhang kalmado lang din siya sa upuan niya. Mukhang wala kaming magiging problema dito.
"Ok class, remain silent as the guards search your bags and please cooperate with us so we can finish this as soon as possible."
Nagsimula na silang mag-search ng mga bag. Dahil na nasa likod ako syempre ay nasa dulo ako. Habang nag-sesearch ang mga guards, si Mam Marfie naman ay tinitingnan isa -isa yung mga estudyante. Mukha siyang timang sa ginagawa niya. Kahit mga kaibigan ko dito ay natatawa sa ginagawa niya.
"Boi, ok lang kaya si Mam Marfie?" Tanong ni Richi.
"Oo nga eh, tignan mo naman ginagawa. May scanner ba siya sa mata?" Sabat ni Jeybi.
"Kaya naman pala, paano niya kaya malalaman kung sino yung mga hinahanap nila kung ganyan yung ginagawa niya?" Irita na si Sarah.
Mabilis lang ang proseso dahil ang lahat ng mga kaklase ko ay nakipag-cooperate naman, ngayon andito na siya sa amin, sa last row. Kinuha nila ang mga gamit namin at isa-isa ito nilabas. Pinatong nila ito sa table namin para hindi magulo. After that ay iniwan lang nila ito.
Nice! Napakagaling nila, pagkatapos nila guluhin yung mga gamit namin ay hindi nila ibabalik nakakainis . Nakakagulo ng dugo. Habang tinitingnan ni Mam ang mga kaibigan ko, kita ko sa mga mukha nila na pinipigilan nilang hindi matawa.
Sino ba naman hindi matatawa kung bigla-bigla na lang niya ilalapit yung mukha niya na parang monggloid tapos bigla siyang lalayo. Hahawak-hawakan yung ilong, tenga at kung anu-ano pa. Tapos papaikotin ka niya pagkatapos nun ay palalakarin ka niya na parang model and the worst is papatakbohin ka niya sa gitna ng room.
Hindi niya pala nasabi sa amin na model and marathon contest pala itong inspection niya. After ni Richi ay ako na ang next kaya sinubukan kong panatilihin ang poker face kong aura.
"Wait, you look familiar to me." Biglang kinabahan ako sa sinabi niya.
"Can you turn around?" Umikot ako tulad ng pagkakasabi niya.
"Next, please walk." Lumabas ako sa row namin at naglakad sa gitna. "Next, please run." kahit mukha akon ewan dito ay ginawa ko na lang din. "Ok, you may na go back to your seat."
"Wait!!!" Napatigil ako sa sinabi niya.
"Where did you get your bruises?"
Napatingin ako sa kalmot ng pusa sa akin kagabi. "Ah nadulas po ako kagabi sa CR."
Bigla niyang hinawakan ang braso ko. "This does not look like na nadulas ka, its more like kalmot ng pusa."
Nakita ko ang mga matatalim niya na tingin sa akin. Pero I stayed poker face as I can. "Tell me the truth."
"Excuse me, Ma'am, is there something wrong?" Biglang sumingit si Mam C.
"This student got bruises on his arm and said that he fell in their CR last night, but the wounds looks like a scratch from some cat's claws."
"Excuse me Mam, I'm telling the truth. Its up to you if you believe me or not." Medyo nainis ako sa inasta niya.
Inagaw ko ang aking kamay. Dahil nararamdaman ko na humihigpit na ito.
"I don't believe you. Tell me the truth or I will bring you to the office, right now."
"Mam, I already told you the truth, if you don't want to belive me, then ask my mother if you want." Paghahamon ko sa kaniya.
"Don't act too much kid, I am sure that you are the one that violated the rules last night with a girl and I'm sure that she is also here."
"I'm so sorry mam, but I think you're wrong."
As of now, I'm still in the middle of chaos. Ang hirap nito kumbensihin. Saan ba ito pinaglihi at napakakulit ng lahi niya?
"Come to me and let's go to---"
"Good afternoon my dear teachers, may I excuse all the campus journalist for their training?" Napatigil si Ma'am nang marinig niya ang announcement.
Thanks to the announcement makakalaya na ako dito. "Excuse me, Ma'am, but I have to go in training." Hinablot ko ang kamay ko na hawak niya.
"Wait your not coming with them, instead your coming with me in my office right now, because I am sure that you are the one that we were looking for in this entire school."
"I'm sorry, but I will not go with you because you don't have any proof that I'm the student that you were talking about. Your only basis are just the bruises on my arms. Find proof first and show me, and I will come with you." Kinuha ko na kaagad ang gamit ko para makatakas na ako kaagad dito.
Tumingin muna ako sa harapan kung nandoon pa ba. Nang makita ko na nandoon pa siya ay kaagad ko na siya hinila palabas. Buti na lang ay hindi na halata ang pagmamadaling hila ko kay Cae. Dahil for sure, pag-iniwan ko siya may chance na paghinalaan din siya.
"Halika ka na, bilisan mo. Baka mahuli pa tayo."
"Wait!!!!!!!" Sinubukan niya pa kaming pigilan pero nakalayo na kami sa kaniya.
Napapunas na lang ako sa noo ko na puno ng pawis. "Haist! Muntik na tayo doon, Cae. Kala ko mahuhuli na tayo eh."
"Grabe, kung hindi mo pa nga ako hinila siguro nandoon pa din ako sa upuan ko."
~SHAMELESS PLUG! ~
FOLLOW ME ON TWITTER FOR MORE KALOKOHAN!
:https://twitter.com/JpegPixelated
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro