Bullet 12
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
Eco's POV
Pagpasok ko sa room wala pang masyadong tao. Napaaga nga ata ako ng pasok. Tiningnan ko ang relo ko, 6:30 pa lang pala. Ang schedule namin ngayon ay 7:30 pa ang first suject namin. Dahil sa pagmamadali ko kanina nakalimutan ko na tuloy I-check ang schedule ko.
Umupo na lang muna ako sa upuan ko. Pati mga kaibigan ko ay wala pa. Kaya nilabas ko yung earphones ko at libro para makapag basa-basa. Habang nag babasa ako ay biglang pumasok si Cae. Nang makita ko siya ay kagaad na lang ako tumungo para hindi niya ako mapansin.
"Eco, huwag kang lalapit sa anak ko!"
"Mom, please? Wag. Mahal ko si Eco."
"Hindi ka niya mahal, pera lang ang habol niya sayo."
"Mali po kayo ng inaakala. Mahal ko po ang anak niyo."
"Paano mo nasabi, ha? Eh hindi ko nga makita sa mata mo yung pagmamahal na sinasabi mo eh. Wag kang lalapit sinasabi ko sayo."
"Mom, please ibaba niyo na yang baril."
"Hindi! Umalis ka dito kung ayaw mo pumutok sa ulo ng Eco na ito ang baril na hawak ko."
"Honey, kumalma ka, pag-usapan natin ito. Ibaba mo na yang baril mo."
"Anong pag-uusapan? Matagal ko na itong sinasabi sayo ito Arturo, pero ano? Nakinig ka ba at ikaw din Eco, hindi ka sumunod sa sinabi ko sayo."
"PLEASE! Nag mamakaawa po ako sa inyo, pakawalan niyo na si Cae. Promise, lalayuan ko na po siya basta paalis niyo lang siya."
"WAG KANG LALAPIT! IPUPUTOK KO SAYO ITO."
Wala kaming nagawa kundi ang umatras. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa panganib si Cae, kahit anong gawin ko ay pwede siyang mapahamak. Nasa likod niya si Cae at pag umatras sila ay pwede silang malaglag parehas pababa.
Madaming tao ang nakaabang sa baba. Kahit ang mga police ay walang magawa. Narinig ko na din ang mga helicopter sa itaas. Nagulat ako nang may biglang tumakbo papunta kay tita janet at isang malakas na putok ng baril ang narinig namin.
Pag tingin ko ay isang pulis pala iyon, sinubukan niyang agawin ang baril kay tita janet. Pero huli na ang lahat nang biglang napaatras sila at nahagip nito si Cae kaya naglaglag siya pababa.
"WAG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Bigla akong napabalikwas ng upo nang marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Pagtingin ko sa paligid ay nasa school pa din ako. Kaagad ako tumingin sa paligid kung ayos lang ang lahat nahagip ng mata ko si Cae. Nakahinga ako ng malalim ng mapagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Inayos ko na ang sarili ko at nilagay ko na ulit sa bulsa ko ang earphones ko, sakto naman na pumasok na ang A.P. teacher namin si Ma'am Melon.
Nag-start na siyang mag-dicusss about sa kaniyang lesson.
"Ano ang last discussion natin sa Economics? May nakakaalala ba?"
Mahilig siya mag tanong ng ganyan. Kunwari ay hindi niya maalala pero ang totoo naman ay alam niya. Gusto niya lang naman kami I-test, pero kadalasan sa amin ay ayaw siyang patulan.
"Walang nakakalala? Oh sige, pipili na lang ako, total ayaw niyo naman sumagot." Naglakad-lakad siya sa gitna ng room namin.
"Ok ikaw Mr- ano nga ulit pangalan mo?" Turo niya sa akin.
"Eco."
"Ok, Mr. Eco, what is economics?" Nagulat ako nang biglang niyang binago yung tanong. Wala akong choice kundi ang sagutin na lang ito.
"Economics is a social science concerned with the production, distribution, and consumption of goods and services.. It can generally be broken down into macroeconomics, which concentrates on the behavior of the aggregate economy, and microeconomics, which focuses on individual consumers and businesses." Sagot ko sa kaniya.
Naisipan ko din sagutin yung una niyang tanong kaya sinagot ko na din total ay alam ko naman yung sagot "The last topic you've discussed is about Macroeconomics, which involves the study of topics such as GDP, unemployment rates, national income, price indices, output, consumption, unemployment, inflation, saving, investment, energy, international trade, and international finance."
Isa sa mga trip niya, pag walang sumagot, tumatawag siya. Kadalasan ay ako ang tinatawag niya dahil lagi siyang pumupunta sa likod ko. Kaya pag wala siyang choice ako yung tinatawag niya.
Nang pumunta na ulit si Ma'am sa harap, napatingin ako sa mga kaibigan ko na may pinaggagawa. Pero tinago din nila ng pumunta kanina dito si ma'am. Na-curios ako kaya tiningnan ko. Nakita ko na naglalaro pala sila.
"Hoy ano nilalaro niyo?"Tanong ko kay Milanie.
"S.O.S., oh, ikaw na Jeybi."
"Sali ako sa inyo."
Mahina lang kami mag-usap dahil nakalimutan ko nga pala sabihin na may special powers ang teacher namin. Nakakarinig siya ng kung anu-ano kahit wala naman. Naalala ko, one time habang nagtuturo siya, sobrang tahimik, as in napaka-payapa. Tapos bigla siyang sumigaw na "Bakit ang ingay daw?"
"Sino yung nag-uusap diyan? Wag kayong papahuli sa akin, humanda talaga kayo" Bigla niyang suway.
Diba? Sabi ko sa inyo. Nilingon ko si Claudette, nakita ko na may ginagawa din siya kaya siya naman yung tinawag ko. "Pstt! Claudette, ano ginagawa mo?"
"Nagtatattoo, gusto mo din magpa-tattoo?"
"Ang dungis mo naman Claudette, tignan mo nga yang kamay mo, puno na ng highlighter."
"Ito tatawag-tawagin ako tas aawayin lang ako, diyan ka na nga, busy ako eh."
"Woi, tanggalin mo yan. Tignan mo, pag nakita ka diyan ni Ma'am Fie! lagot ka."
"Oo, mamaya-maya pag tapos ni Ma'am."
Ano ba naman yan, napakaboring. Wala akong magawa. Bakit parang ang tagal naman nitong subject na ito. Ang alam ko isang oras lang ito eh. Haist, bakit ang bagal ng oras? Nakakaurat ang subject na ito promise.
"Alam niyo ba dati ang hirap mag-aral. Kailangan namin maglakad ng malayo para makapasok lang ng school. Tapos minsan aalis kami ng bahay wala kaming almusal dahil wala kaming pambili." The story telling just began.
Nakakayamot na nga yung subject niya tapos mas lalo niya pa dinagdagan. Nasaan na ang hustisya? Napatingin ako sa harapan. Tapos, napansin ko si Cae na tingin ng tingin dito. Ano meron sa kaniya? Ayaw ko naman mag assume na ako yung tinitignan niya pero kasi tuwing lilingon siya dito, sa akin siya tumitingin. Parang may gusto siyang sabihin or what eh.
Kaya yumuko na lang ako. Matutulog na lang muna ako. Hindi naman niya ako mapapansin dito sa likod eh, kaya ok na yan. Basta wag lang ulit siya pupunta dito sa likod para safe lang tayo.
Pero maya-maya bigla akong napaangat ng ulo nang biglang may narinig ako na nag tilian. Tinignan ko kung ano iyon narinig ko na inaasar nila Cae tungkol sa palingon-lingon niya dito.
"Nako! Eco, mukhang may tama na ata sayo si Cae oh." Pang-aasar din sa akin ni Richi.
"Ship ko na talaga kayo, o-my-gash!!!" Ipit na tili ni Sarah.
"Lezzgow! Eczane! For the win." Yan na naman si Jeybi.
"Ok na class, quiet back to the discussion. Nasaan na nga ba tayo?"
"Ma'am nandoon na po tayo sa ano yung wala pong pambili." Sagot ni Theodore. Ayan, gustung-gusto nila mga ganyan, ang ubusin ang oras sa pagkwekwento.
"Ah, oo nga. Mahirap na pag tag-ulan kasi yung tubig sa ilog tumataas kaya mahirap tumawid."
"Tapos nung dati wala pang payong kaya ang pangtakip namin ay dahon ng saging, tapos yung mga gamit namin nasa plastic lang dahil wala kaming pambili ng bag."
"Minsan papasok kami na balot ng putik yung mga paa namin. Sobrang hirap talaga class"
"Pake namin sayo!"
Sigaw ko sa buong room na nagpahalakhak sa buong klase. Nakakarindi na kasi yung mga istorya niya na panahon pa ng kupong-kupong. Wala naman connect sa topic namin na economics eh.
Nakita ko na nagpupuyos na sa galit si Ma'am. "Sino yung sumigaw na yun?"
Biglang napatahimik ang mga kaklase ko. "Sino yun? Walang aamin?"
Samantala ako ay nagpipigil pa din ng tawa dito sa sulok. Ang epic kasi nung reaction niya. Alam mo yung ang liit na nga niya tapos biglang lumaki yung mata niya nagmukha tuloy siyang si kokey.
"Wala talagang aamin? Sige, lahat kayo mapapaguidance"
Wala na siyang nagawa nung bigla na lang tumunog ang bell kaya ang lahat ng tao sa room ay mabilis na nagsilabasan.
"Teka lang! Wait! Wala pa akong sinabi na pwede na kayong lumabas!!! Humanda talaga kayo."
Sigaw niya sa amin sa hallway, pero ni isa ay walang huminto, bagkus ay nagpatuloy lang kami sa pagbaba at binilisan pa namin para hindi kami mahuli.
"Baliw ka talaga Eco, bakit mo ginawa yun? HAHAHAHAH!" Tawang-tawa naman ito si Jeybi.
"Patay tayo nito kay Ma'am Fie eh, pitikan pa tayo nun ng kulangot tignan mo." Sira talaga ito si Richi.
Dahil next subject namin is after lunch pa and because hindi na kami papasok sa afternoon class namin dahil journalist kami ay allowed na kami na hindi pumasok ng hapon dahil magtratraining na kami for the contest next month.
Syempre, dahil mahaba naman ang time namin, napag-decide namin na sa tambayan na lang namin kumain. Pagdating namin dito ay naisipan ko na i-prank sila dahil wala akong magawa. Nag-isip muna ako kung anong pwede ko gawin sa kanila. Sorry guys, pagpasensyahan niyo na. Umandar na naman pagiging baliw ko eh.
"Patulong naman ako buksan yung baunan ko? Gigil na gigil naman kasi yung nag handa nito eh. Ang higpit-higpit" Reklamo ni Gueneth.
"Akin na nga! Buto-buto ka kasi eh." Sabay kuha ni Jeybi. "Oh? Hindi naman mahigpit eh, maarte ka lang talaga."
"Alam niyo ba? Diyan nagsimula yung lolo at lola ko" Biglang humirit si Claudette.
"Ano naman kinalaman ng lolo at lola mo sa baunan?" Napatampal na lang ako sa noo ko.
"Tss. Matalino ka nga, slow ka naman. Sige, kainin mo na lang yang favorite mong ulam. itlog with siomai."
"Nako! Hindi na ako magtataka Gueneth kung magkatuluyan kayo ni Jeybi sa future." Ayan na, nag-start na mang-asar si Richi.
"Ulol ka ba? No way noh! Kahit sino na lang basta wag lang sa kaniya." Inarte ni Gueneth, na akala mo napakaganda niya.
"Yuck? As if naman papatol ako diyan sa baliw na yan?" Pandidiri ni Jeybi.
"Sus! Ganyan din nag start yung nanay at tatay ko eh, mortal enemies sa isa't isa pero sila pa din naman pala ang magkakalampagan." Sagot ni Milanie.
"Kadiri naman ito si Milanie, alam mo pagdating sa kababuyan kasunod ka ni Gueneth." Bwelta ni Sarah.
"Lah! Kala mo naman inosente siya eh?"
"So balik na tayo ulit sa inyo Jeybi at Gueneth. Kailan mo ba siya liligawan?" Tanong ni Claudette
"Ano ba naman yan Claudette? Kadiri ka kamo, tigil mo nga yan. May pagkain oh." Reklamo ni Jeybi.
Napaka arte talaga nitong dalawa ito eh, sarap pag-untugin. Lakas mag-asaran eh pero pikon din naman. Pero nakakakilig yung love team nila. Parehas silang maliit, matalino pero ang mahirap lang sa kanila parehas sila mapride. Pwede na silang pride ng Pilipinas sa sobrang taas. Nakakainip naman dito. Wala kaming magawa, naisip ko ayain sila maglaro.
"Hoy, tara! Laro tayo." Tawag ko sa kanila.
"Ano naman lalaruin natin?" Tanong ni Sarah.
"Taya-tayaan? " Suggest ni Milanie
"Napaka-isip bata nam-"
"Taya! Ang daldal mo Jeybi, taya ka na! Habol!!!!!"
Ayun ang ending, naging isip-bata kami ng ilang oras. Habol dito habol doon. Para kaming mga bata sa lasangan. Kakatapos lang namin kumain tapos ito nagtatakbuhan na kami. Hindi na ako magtataka kung may isa sa amin mamaya ang dadalhin sa clinic.
Naglaro lang kami nang naglaro hanggang sa mapagod kami. Tsaka sabay-sabay kami humiga sa damuhan sa ilalim ng puno, nilalasap ang sariwang hangin na tumatama sa pawis naming balat. Ang sarap sa pakiramdam.
Habang nakahiga kami ay natatawa na lang kami sa mga pinaggagawa namin. Para kaming bumalik sa pagkabata.
Habang nakahiga kami dito sa damuhan, may nakita ako na gagamba na gumagapang malapit sa akin. Naisipan ko na takutin sila dito. Mga weak! Kaya kinuha ko yun. Dahan dahan ko lang kinuha para hindi nila mapansin. Nandito kasi ako sa dulo kaya hindi nila nakita yung gagamba. Kumuha ako ng stick dito sa lapag at pinaakyat ko dito ang gagamba. Medyo malaki siya kaya medyo nahirapan ako na ilagay ito sa stick.
Pagkuha ko ay tumayo ako dahan-dahan "Oh Eco, saan ka pupunta?" Tanong ni Milanie. Pag tayo ko ay bigla ko itong binato sa kanila.
"AHHHHHH!!!!!" Lahat sila ay napabalikwas ng tayo.
Nakita ko ang mga epic nilang reaksyon kaya kinuha ko yung cellphone ko para kuhaan sila ng video. Parang nangisay na uod si Gueneth kung gumalaw. Samantala si Milanie naman ay parang isda na inahon sa tubig. Wala akong ginawa dito kundi ang tawanan lang sila ng tawanan.
"HAHAHAHAHHA!"
"HAHAAHHAAHA!"
"HAHAAHAHHAHAHAHAHAHAHA!"
Hindi ko mapigilan ang tawa ko, ang epic kasi talaga. Naalala ko tuloy yung reaction nila nung binigyan ko sila ng regalo tapos ang laman, daga na laruan. Ganun na ganun yung reaction nila ngayon.
"HAYOP KA TALAGA ECO!!"
Sigaw nila sa akin. Kaya tumakbo ako ng mabilis dahil alam ko na gaganti sila sa akin. Nakipag-patintero ako sa kanila sa may playground. Nakakainis, talo ako sa kanila. Anim sila isa lang ako.
"HALIKA KA DITO!!"
"WALA KA NG TAKAS, HUMANDA KA!"
Habang kino-corner nila ako ay may nakita akong basura dito. Kaya dinampot ko ito ay binato sa kanila.
"Yuck! Kadiri ka talaga Eco." Sigaw ni Richi habang nangingisay-ngisay siya na parang timang.
Nang makahanap ako ng chance para makatakbo ay ginawa ko na. Pagdating namin sa hallway hingal na hingal kami. Buti na lang ay tumigil na sila. Dumaan muna kami ng CR para maglinis. Masyado kami nag-enjoy sa kadugyutan namin.
Nag hilamos lang ako tsaka lumabas na din ako ng CR. Iniwan ko na sila, ang bagal nila eh. Nauna na ako sa room. Nagulat ako nang may biglang bumato sa akin. Napakamot ako sa ulo ko kasi medyo masakit, tiningnan ko kung sino yun. Paglingon ko ay si Cae pala yun. Kaya sumimangot ulit ako. Medyo nainis ako sa ginawa niya kaya sinungitan ko siya.
Pagtapos ko siyang sungitan ay umalis na ako para bumalik sa room. Buti na lang ay ginawa niya yun atleast hindi niya mapapansin na iniiwasan ko siya. Pagkatapos nung nangyari medyo kailangan ko ng limitahan yung sarili ko, mahirap na. Ayoko makigulo sa kanila.
Pagdating ko sa room, narinig ko na nag-announce sila ng about sa journalists kaya bumaba ulit kami. Grabe, oo nga pala. Nasanay kasi ako eh, na pag may event lang kami gumagalaw. This is different, mukhang magiging busy ako this school year. Pagkatapos nung announcement ay bumaba na kami. Pagdating namin dito, nag-explain lang saglit tapos ay pumunta na kami sa mga kaniya-kaniya namin category. Pagpunta ko dito ay nandito yung coach namin tsaka ang mga makakasama ko.
"I didn't expect na makakapasa ka pala, congrats." Bati sa akin ni Sir Rakkie.
"Tsk, syempre, ikaw lang naman yung kontrabida eh."
"Anyways, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam niyo naman yung sinalihan niyo diba, kasi na explain ko naman na nung una nating meet. So bali, everyday practice niyo, tuwing hapon. Kung inaalala niyo yung afternoon class niyo, wag kayong mag-alala, exempted na muna kayo."
"Sir saan po tayo magmimeet?" Tanong nung kasama ko na girl, hindi ko siya kilala eh, and I don't want to know her anymore because I don't like to do a first move. Bahala sila diyan.
"Bago kayo magshoot, visit me first at the faculty room para mabigay ko yung topic na kailangan niyo I-shoot everyday."
"After that, before uwian, meet me again in the faculty to pass your works and also to critique para everyday you know kung ano pa ang mga kailangan niyong I-improve."
"So, if you don't have any questions, that would be all. You may go now."
Haist, bakit siya pa naging coach namin. Ano ba naman yan akala ko pa naman safe ako sa kaniya? Mukhang worse pa ata mangyayari sa akin eh. Pagka-dismiss niya sa amin ay umalis na din ako, hindi ko na hinintay yung mga kaibigan ko. Bahala sila diyan, sakto ay tumunog na din yung bell kaya uwian na din. Kasabay ko ngayon yung mga kaibigan ko dahil hinabol nila ako. medyo nauna sila sa akin kaya nasa likod nila ako.
Kita ko na kinakausap nila si Cae, mukhang friends na sila ng mga baliw. Goodluck sa future niya. Habang paakyat kami ng hagdan, ay biglang may sumingit na lalake. Siya yung kasama ni Cae sa broadcasting ka-team niya. Mukha silang timang na naguusap. Sige, tignan natin kung makaalis kayo.
Dahil nakaharang sila sa daanan ay dumaan ako sa gitna nila. Medyo bastos, pero bakit kasi sila nakaharang sa daanan? Kitang daanan yan eh, diyan pa sila nagtatalo, tsk. Lalandi nila.
Pagtapos nun ay dumiretso na ako sa room. Pagpasok ko ay wala ng tao dito. Ang natira na lang ay ang mga gamit namin. Habang nagliligpit ako ay bigla akong napatigil nang biglang pumasok si Cae. Mukhang tapos na sila mag talo sa hagdanan. Binilisan ko ang pagliligpit ko ng gamit. Pagkatapos ay lumabas na kaagad ako ng room.
Pababa na ako ng hagdan nang bigla niya akong tinawag. Para hindi na niya ako kulitin ay sinungitan ko na ulit siya.
"Eco!"
"Bakit anong kailangan mo? Kung itatanong mo ulit yung tungkol sa activity, ok na nga yun." Tinalikuran ko siya at humakbang na ulit.
"Ano kasi, gusto kita." Napatigil ako nang bigla kung marinig yun.
"Anong sabi mo? Gusto mo ako?"
"Hindi, I mean, gusto kita makausap."
"Tungkol naman saan?"
"Alam ko na may nangyari sa bahay. Pero ayaw lang nila sabihin sa akin kaya please, Eco, sabihin mo na sa akin."
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Naalala ko ulit ang mommy niya.
"Eco, please tell me."
"Wala nga. Aalis na ako." Humakbang na ulit ako nang bigla niya akong hilahin ng malakas.
Sa sobrang lakas ay biglang na out-of-balance si Cae. Kaya kaagad ko siyang sinalo. Hawak ko siya ngayon sa kaniyang bewang habang ang mga mukha namin ay sobrang lapit sa isa't isa. Isang mali lang ay pwede ko siyang mahalikan. Hindi ko na hinayaan na mangyari kay inangat ko siya kaagad.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Sige, una na ako. Hindi na kita kukulitin kung ayaw mong sabihin sa akin." Humakbang na paalis na si Cae.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Ayaw ko na kasing lumaki yung gulo pero meron din naman sa side ko na gusto ko sabihin sa kaniya dahil may karapatan siyang malaman yung nangyari.
"Cae, saglit!" Bigla siyang tumalikod.
"Gusto mo ba talaga malaman? Halika, sama ka sa akin, sasabihin ko sayo lahat."
Hinawakan ko lang siya sa pulsohan niya at hinila ko siya. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang makarating kami dito sa may garden.
"Bakit dito tayo Eco? Ang layo nito sa main gate? Baka mapagalitan tayo dito, tsaka wala nang masyadong tao dito."
"Wala akong maisip na pagdadalhan sayo eh, kaya dito na lang. Sige, sasabihin ko na sayo"
Kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Wala akong tinago na details, lahat-lahat sinabi ko sa kaniya. Wala na din naman kaibahan kung mag-lilihim pa ako sa kaniya. Nakita ko ang reaction niya habang sinasabi ko sa kaniya iyon. Kahit siya ay hindi makapaniwala na magagawa yung ng mommy.
"Sorry Eco, for what she did to you."
"Hindi, ok lang sa akin. Alam ko naman na wala akong ginagawa sayo eh."
"Don't worry, kakausapin ko si mom about this."
"No, wag na. Ayaw ko na lumaki pa yung gulo."
"Hindi Eco, grabe kasi yung ginawa sayo ni mom eh."
"Wag ka mag-alala, naiintindihan ko naman yung mommy mo eh. She's just protecting you kasi ikaw lang ang anak nila. Kaya gagawin nila ang makakabuti sayo. Always think about the postive side rather than the negative side."
"Thank you so much Eco, for understanding. Si mom kasi may pinagdadaanan din kasi siya lately, kaya ganyan siya."
"Wala sa akin yun. Tara na, maggagabi na, baka maabotan pa tayo dito ni Ma'am Fie, lagot pa tayo."
After ng pag-uusap namin ay lumabas na kami ng garden. Medyo malayo ito sa main gate kaya medyo matatagalan kami bago makalabas. Dumaan na kami sa main hallway para hindi na kami pasikot-sikot. Bigla kaming nanigas nang makita namin si Ma'am Fie.
"Hoy! Bakit nandito pa kayo? Gabi na! Wala ng mga estudyante ng ganitong oras ngayon. Halikayo, sumama kayo sa guidance. Tatawagan natin mga parents niyo para sunduin kayo dito."
"Ahm ma'am, kasi ano po, may pinasa lang po kaming project." Pag-eexplain ni Cae.
"No excuses. Sunod sa akin." Nang tumalikod na si ma'am ay bigla ako may naisip.
"Eco, ayaw ko parents ko susundo sa akin, lagot ako nito eh."
"Cae, may naisip ako, basta sumunod ka lang sa akin ha?"
"Ano? Hindi kayo susunod o ako pa kakaladkad sa inyo?"
"Cae takbo!!!!!"
"Hoy saan kayo pupunta! Guard!!!!!"
Wala kaming choice kundi ang tumakbo na lang. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Baka kasi mahuli kami ng guard at ni Ma'am Fie kaya kailangan namin mag tago.
"Eco, saan tayo pupunta?"
"Hindi ko din alam eh"
"Eh bakit tayo tumakbo kung hindi mo naman pala alam?"
"Oh sige, tara, punta tayo guidance para parents natin susundo sa atin."
"Ito naman si Eco, hind mabiro eh. Tara na nga, saan ba tayo magtatago?"
Nagcheck kami ng mga room dito para tignan kung saan kami pwede magtago kaso puro naka-lock na yung mga room.
"Eco, puro naka-lock na yung mga room paano na yan?"
"Ayun sila!!!" Bigla kaming napalingon nang marinig namin ang pito ng mga guard.
Kaya wala kaming choice ulit kundi ang tumakbo nang tumakbo. Habang natakbo kami ay chinecheck pa din namin ang mga room. Napadaanan kami sa clinic tinignan ko kung bukas ito pero hindi.
"Eco, nandiyan na sila omygashhhh!!!!!!"
"Teka lang, kalma. Pati ako natataranta eh."
"Alam ko na! Sa science lab tayo." Sabi ni Cae.
Tumakbo ulit kami. Ngayon ay nakapaa na kami para hindi maingay ang sapatos namin. Pagdating namin dito ay akala namin nakabukas ito pero naka-lock din. Ano ba naman yan. Pagod na pagod na kami kakatakbo.
"Wala na tayong choice, Cae. Nakasarado na halos lahat eh."
"Wait, anong oras na?"
"8pm na."
"Omygasshh, meron pa tayong pag-asa."
"Teka, ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Tara sa library, nandoon pa si Mr. Mandy. Kadalasan kasi ay 10pm na siya umuuwi kasi chinecheck niya pa isa-isa yung mga humiram ng libro araw-araw. "
Pag punta namin doon ay tama nga ang sabi ni Cae, nandoon pa nga si Mr. Mandy.
"Teka, paano tayo papasok diyan? Baka makita tayo?" Tanong niya sa akin.
"Sympre, dahan-dahan lang tayo."
Pumasok na kami sa pintuan, para kaming magnanakaw, kung kumilos dahil sa pagpihit pa lang ng doorknob ay sobrang ingat namin. Nang mabuksan namin ang pintuan ay dahan-dahan namin itong binuksan pero napatigil kami nang biglang lumangitngit ito na nagdulot ng ingay.
Tiningnan namin si Sir Mandy at kaagad namin sinarado ang pinto nang lumingon siya dito. Grabe ang kaba namin pero buti ay mabilis kami nakapasok. Nandito na kami sa loob, para makapunta sa mga shelves ay kailangan namin gumapang. Pero medyo mahirap dito dahil makikita kami ni Sir Nandy kapag gumapang kami dahil bukas pa halos lahat ng ilaw dito sa library.
"Psst Eco!"
"Wag kang maingay, baka marinig tayo."
Para madistract namin si sir ay kumuha ako ng gamit sa loob ng bag ko tsaka ko binato ito sa kabilang banda ng library para maglikha ito ng ingay. Pagbato ko ay kaagad kaming gumapang ng mabilis.
"Haist!"
"Muntik na tayo doon ha."
"Dito na lang muna tayo hanggang makaalis si Sir para hindi tayo mahuli ni Ma'am Fie.
"Sige, tetext ko na lang din yung driver ko, baka mamaya hanapin ako nun."
Pagkatapos ng kabaliwan na ginawa namin, nandito kami sa pinaka-sulok-sulok na shelves para hindi kami makita. We made sure na hindi kami makikita dito. Medyo malaki naman itong library kaya hindi na kami nabahala na makikita kami dito.
"Eco, anong gagawin natin?"
"Malay ko." Kumuha ako ng libro tsaka inabot ko sa kaniya. "Oh ayan, magbasa ka na lang muna."
"Ano ito? History? Ayaw ko nito! Ang pangit-pangit eh."
"Eh di wag. Ako na lang magbabasa, mag hanap ka diyan ng gusto mong basahin."
Nakaupo kami dito sa sahig habang nakasandal ang likod namin sa mga libro habang nagbabasa. Dahil sa wala kaming gagawin dito total ay nasa library naman kami ay nagbasa na lang kami ng mga libro na gusto namin basahin. Hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami dito sa library. Tinignan ko yung relo ko 10 pm na. Kaunti na lang din ang mga ilaw dito sa library kaya for sure ay wala na si Mr. Nandy.
"Cae! Cae! Gising na."
"Hmmm, anong oras na?"
"10 na, mukhang wala na si Sir Nandy, tara, uwi na tayo."
"Sige sige."
Tumayo na kami tsaka nagpagpag, binalik na namin yung libro na binasa namin kanina tsaka kinuha ang bag ko. Naglakad na kami papunta sa pintuan para makalabas na kami. For sure naman hindi na kami hinahanap ni Ma'am Fie kasi kung hinahanap pa din niya kami, grabe naman, siya na talaga.
Habang naglalakad kami ay bigla akong nabunggo sa isang set ng shelves."Ouch! Ang sakit!" habang hinihimas-himas ko ang balikat ko na tumama.
"May tao ba diyan?" Nagulat kami ng biglang may nagsalita.
"Omygash, nandiyan pa si Sir Mandy."
"Sir, sure ka ba na walang tao dito?"
"Yes ma'am, bago ako mag-check ng mga books, naglibot muna ako dito sa buong library kung may naiwan pa ba na mga estudyante."
"Cae, naghahanap pa din si Ma'am Vic."
"Ok, sige ma'am. Halika, tignan natin kung saan galing yung ingay na yun."
"Humanda talaga sa akin ang dalawang yun. Pag nahuli ko talaga sila."
"Omygash Eco, anong gagawin natin? Mukhang mahuhuli na tayo"
Shit! Ano na? Hindi ko alam kung anong gagawin, wala akong masyadong alam dito sa library dahil hindi naman ako lagi napunta dito eh.
"Saglit lang Cae, diyan ka lang ha?"
"Hoy Eco! Wag mo ko iiwan dito, anong gagawin mo?"
"Basta wag kang gagalaw, diyan ka lang. Pag malapit na sila, magtago ka na lang."
"Hoy baliw ka ba? Saan ako magtatago dito eh puro libro lang ito?"
"Basta diyan ka lang."
Nagikot-ikot ako dito sa library, tiningnan ko kung anong pwede gawin para makaligtas kami. Kasi naman eh, bakit kasi kinausap ko pa siya eh. Sana ngayon nasa bahay na ako nagawa ng assignments.
Cae's POV
Nang umalis na siya ay hindi ko na napigilan na hilain ulit ang kaniyang kamay. This time ay hinawakan ko ng mahigpit ang kaniya braso. Pero masyado nga mapaglaro ang kapalaran dahil may bigla akong natapakan na saging na nagdulot ng pagkadulas ko.
Pumikit na lang ako at hinanda ko na ang sarili ko na lasapin ang tigas ng sahig. Pero ilang segundo ang lumipas pero wala akong naramdaman na tumama sa likod ko. Pag dilat ko ay nagulat ako ng makita ko si Eco na nasa harapan ko. Para akong nahihipnotismo sa mga mata niya. Bumalik ako sa katinuan nang itayo niya ako. Pagkatapos ay bigla niya na lang ako hinila.
Habang hinihila ako ng Eco kung saan man kami pupunta ay para akong lutang na ewan, ang bilis ng tibok ng puso ko. May kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko ma-explain, para akong masaya na ewan eh. Ang gulo-gulo.
After namin mag-usap ni Eco, naawa ako sa kaniya kasi habang nagkwekwento siya alam ko yung pain na naramdaman niya nung sinabi sa kaniya ni mommy yun.
Dahil sa ginawa niya, gusto ko tuloy kausapin si mom about it pero sabi niya ay wag na. O-k lang naman daw sa kaniya yun. May point naman siya, baka nga mas lalo pa itong lumaki. Naisip ko na gagawan ko na lang siya ulit ng cookies.
Teka, nakalimutan ko nga pala, hindi niya nga pala nagustuhan yung cookies na ginawa ko sa kaniya. Ti-treat ko na lang siya ng foods para makabawi ako sa ginawa sa kaniya ni mom.
Habang palabas na kami ng school, nakasalubong namin si Ma'am Fie. Lagot, mukhang guidance kami nito. Mahirap kasi kapag si Ma'am Fie ang nakahuli sayo eh. Kinakabahan ako lalo na ngayon si Eco ang kasama ko, delikado na kapag nalaman ito ng magulang ko. Lalo na si mommy, tapos nandito pa si Eco.
Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Eco ng takbo. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo na lang din. Sumunod na lang ako sa kaniya. Bahala na kung anong mangyayari. Basta hindi lang ako ma-guidance. Para tuloy kaming kriminal sa ginagawa namin. Ingat na ingat kami dito sa bawat kilos namin. Takbo dito, takbo doon, takbo everywhere ang senaryo namin. Naprapraning kami tuwing may marinig lang kami ng kaluskos o unting tunog lang.
Nang makarating kami dito sa library, medyo napanatag na ang sarili ko dahil alam ko na hindi na kami mahahanap dito. Hello! Ang laki kaya ng library, mygashhh grabe naman, sinong masipag na nilalang ang lilibotin ang buong library na ito. Nakakahilo dito sa library dahil ang daming pasikot-sikot kaya kung gusto mo magsayang ng oras punta kalang dito sa library. Proven and tested yan.
Nagbabasa kami ng libro ngayon ni Eco. Binigyan niya ako ng history na libro pero hindi ko kinuha dahil hindi ko naman trip magbasa ng history noh! Nakakatamad kaya tapos tagalog pa. No way na lang!. Kinuha niya yung libro sa akin tsaka siya ang nagbasa kaya kumuha ako ng sarili kong story. Nakita ko na may novel dito na libro kaya kinuha ko, mukhang love story siya. Binasa ko muna yung description para tignan kung maganda ba ang story. Medyo interesting yung story kaya binasa ko.
Habang nagbabasa ako ay hindi ko mapigilan na tignan si Eco. Magkaharap kami ngayon, siya nagsabi na magharap kami para safe incase na may dumaan or makita kami ay diretso takbo na lang kami. Medyo kinilabutan ako doon sa sinabi niya na 'may makita kami' baka mamaya multo pala yun.
And habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasan na mamangha sa itsura niya. Napansin ko na chinito pala siya, ang cute ng mata niya. Ang pula ng labi niya. Dinaig pa ako, naglilipstick ata ito eh.
"Eco, naglilipstick ka ba?"
Natawa ako nang makita ko ang reaction niya "Hindi ah? Bakit mo naman nasabi?"
"Ang pula kasi ng labi mo."
"Natural lang ito. Ikaw ha, mukhang pinagnanasaan mo ko."
"Yuck! Ikaw? No way! Ano ba yang pinag-iisip mo Eco, masyado kang feeling."
"Talaga ba? Eh bakit namumula yang mukha mo?"
Medyo nahiya ako sa sinabi niya, omygash namumula ako. "Mapula na talaga yan, excuse me! May blush-on kasi ako."
"Ah, talaga ba? Eh alam ko hindi ka naglalagay ng make-up eh."
Nagulat ako sa sinabi niya. Gosh!!!! Paano niya nalaman yun? "Teka! Paano mo nalaman yun?"
"Napapansin ko lang."
"Ewan ko sayo! Magbasa ka na nga lang ulit diyan."
"Sus! Kinikilig ka lang eh."
"Eco tama na!"
"Tignan mo nga yang mukha mo ang pulang pula na." Sa sobrang hiya ko ay tinakpan ko yung mukha ko ng libro.
Bakit naman kasi naisip niya yun? Tinatanong ko lang naman siya kung nag-lilipstick siya eh. Minsan hindi ko din masabi kung matino ba talaga ito si Eco or sadyang may sayad talaga utak nito, mukhang nasobrang sa katalinuhan.
"Oh? Bakit hindi ka na nagsasalita diyan?"
"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan."
Buti naman ay tinigilan na niya ako. Kaya tinanggal ko na yung libro. Nakita ko na nakatalikod na siya sa akin. Hindi ko na siya ginulo, nagbasa na lang ako ulit. Habang binabasa ko itong libro, medyo na-amaze ako sa story niya.
Love story with a tragic ending. Ang lungkot ng ending nito, namatay yung girl sa isang ambush habang nagchacharity work. Ang masakit doon, nandoon yung boy and wala siyang nagawa dahil huli na ang lahat para mailigtas niya yung girl. Sa sobrang lungkot ng story hindi ko namalayan na may mga luha na pala na lumalabas sa mata ko.
"Cae, bakit ka umiiyak?"
Pinahid ko na yung mga luha ko. "Ah, wala. Ang lungkot lang kasi ng ending nung story na binabasa ko."
"Ano ba kasi yan?"
"Romance with a tragic ending." Tsaka ko pinakita sa kaniya yung libro.
"Wag ka na kasi magbasa ng mga ganyan. Ito oh, basahin mo, madadagdagan pa knowledge mo." Binigyan niya ako ng Science book.
Habang nagbabasa ako ng libro ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng tapik-tapikin ako ni Eco.
"Halika ka na."
Pag tayo ko ay medyo masakit yung likod ko dahil sa sobrang ngalay pero tiniis ko lang, makakauwi naman na ako eh. Medyo madilim na dito kaya natatakot na ako. Sa sobrang takot ko ay bigla kong hinawakan sa kamay si Eco.
"Bakit?"
"Natatakot ako eh."
Hinayaan niya na lang ako kumapit sa kamay niya. Kaya ngayon ay naka-holding hands kami. Naramdaman ko na medyo humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pero hindi ko na pinansin yun, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa daanan. Malapit na kami sa pintuan, dito ay medyo may ilaw ilaw na kaya napanatag na ako ng unti.
Nagulat ako nang biglang bumungo sa shelves si Eco, dahil doon ay may mga nalaglag na libro na nagdulot ng ingay. Nagulat kami ng marinig namin ang boses ni Sir Mandy at Ma'am Fie. Omygash, nandito pa din sila. Grabe, teacher ba talaga sila or security guard?
Narinig namin na papunta sila dito. Kaya tinanong ko si Eco pero nagulat ako nang bigla siyang bumitaw sa kamay ko. Bigla tuloy ako nataranta. Anong gagawin niya? Saan siya pupunta? Omygashhhhhh.
Naririnig ko na lumalakas na ang mga boses nila, ibig sabihin nun ay palapit na sila sa pwesto namin. Saan ako magtatago, eh puro shelves lang ang nandito? Tumingin-tingin ako sa paligid para maghanap ng pwede itakip sa akin o kaya pagtataguan ko.
Kumuha ako ng libro tsaka ko tinakip ito sa mukha ko. Mukhang hindi na nila ako makita dito, kaya ok na pero nataranta ulit ako nang marinig ko ang mga yabag nila na palapit sa akin kaya kumuha ako ng iba pang libro tsaka ko tinakip sa katawan ko.
"Alam ko dito nanggaling yung tunog eh." Boses ni Ma'am Fie yun. "Tignan niyo diyan sa mga shelves na yan, baka nandiyan sila." Utos niya sa mga guards.
Ngayon ay nanginginig na ako sa takot. Napaka-ano naman ni Eco eh, bakit niya kasi ako iniwan dito eh. Ngayon ko lang na-realize na hindi talaga siya katiwa-tiwalang nilalang. Ayan na sila, omygashhhh! Isang shelf na lang ako na lang at pag nakita nila ako, omygash patay na talaga tayo nito.
"Papa g! Please send help, promise magpapakabait na talaga ako. Hindi na ako magtataray, tratratohin ko ng tao yung mga alalay ko. Hindi na ako magpapak ng nutella." Pagdadasal ko sa utak ko.
"Check niyo na yang last shelf."
"Yes, ma'am."
Nagulat ako nang biglang may malakas na kalabog akong narinig. Ano na naman ginawa ni Eco? Omygash! Gusto niya bang magpakamatay?
"Ano yun??" Tanong ni Sir Mandy.
"Tignan niyo kung ano yun, baka nandoon sila."
"Sige, ma'am."
Pag-alis nila ay tinanggal ko na yung mga libro na hawak ko kanina. Nagulat ako nang biglang may humawak sa akin.
"AHHHHH---" Biglang may nagtakip sa bibig ko.
"Shhhhhh, ako ito Cae, wag kang maingay." Kaya humarap ako.
Nakita ko na si Eco nga ito. "Saan ka ba pumunta? Muntik na ako mahuli eh!"
"Ano yan? Bakit may mga hawak kang libro?" Nakita ko ang question mark niyang mukha.
"Eh kasi, hindi ko na alam gagawin ko eh, kaya ayun pinangtakip ko yung mga libro sa akin."
"Haist, nako Cae, halika na, baka maabutan pa nila tayo."
Tumakbo na kami palabas ng gate pero napatigil na naman kami nang makita namin na may mga guard din dito sa labas. Ilang daang guard ba ang meron dito sa school na ito? Naiistress na tuloy ako.
"Hindi tayo makakalabas Cae, may mga guard. Mahuhuli tayo."
"Sabi ko sayo eh, wala nga dito yung mga hinahanap mo."
"Nasaan kaya nagsitago ang mga baliw na yun?"
Agad kaming tumakbo pabalik sa mga shelves nang marinig namin ang mga boses nila na papunta sa direksyon namin.
"Meow! Meow! Meow!"
"Manahimik ka diyang pusa ka." Narinig kung suway ni Ma'am.
"Isarado mo kasi palagi yung bintana para hindi makapasok ang pusa dito, tignan mo nakasira pa sila doon." Galit na galit na suway ni Mam kay Sir Mandy.
"Hindi ko maalala na binuksan ko ang bintana na yun. Baka may nagbukas na estudayante kanina."
"Aalis na ako hahanapin ko pa yung dalawang bubwit na pagala gala dito sa school."
Nakita ko na humahagikhik dito sa gilid si eco. Ano naman kayang kabaliwan ang ginawa nito? Pag-alis nila ay hinarap ko si Eco para tanungin kung anong ginawa niya.
"Hoy, anong ginawa mo?"
"Lah, bat galit?"
"Sinong hindi magagalit? Bigla-bigla ka na lang nang-iiwan."
"Ok, sorry na. Nataranta lang ako eh."
"Eh ano ba kasi ginawa mo?"
"Ganito kasi yun--"
~SHAMELESS PLUG! ~
FOLLOW ME ON TWITTER FOR MORE KALOKOHAN!
:https://twitter.com/JpegPixelated
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro