Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Dedicated to 4valancht

***

"Hello Christine, kayo na muna ang bahala sa flowershop, ah. Huwag niyong kakalimutan ang mga deliveries. Naging maghapon kasi ang booksigning, eh." Paalala ko habang mabilis na pinapatuyo ang buhok ko. Male-late na yata talaga ako.

"Okay lang po, Ma'am. No problem po, kami ng bahala rito."

"Thank you." Napabuntonghininga ako. Ngayong araw kasi ang booksigning ko sa bagong labas na libro ko.

Mabilisan na ang paglalagay ko ng make up. Kung hindi naman ako maglalagay nito, magmumukha naman akong zombie. Ayaw ko namang makita akong ganoon, kaya kailangan ko ring mag-ayos at maging presentable.

Tinitigan ko muna ang kabuuan ko sa salamin. I just done, not so heavy make up and I think, it's perfect. From my mesmerising round brown eyes down to my red lipstick. Bumagay din kasi ang pagkulot ko sa ibabang bahagi ng natural na blonde kong buhok.

Added to that, I'm also wearing a simple navy blue dress paired with my high heeled black sandals. Overall, I think I looked great already.

Hindi na ako nagmumukhang takas sa mental o nasama sa zombie apocalypse.

Napangiti ako habang nakatingin sa mga taong nakapila sa booksigning ko. Hindi lang naman ako ang writer na nandito kaya 'di ko akalaing marami pa ring pipila.

Tuwing nagkakaroon ako ng booksigning. Natulala pa rin ako at hindi ako makapaniwala na ang bagay na pangarap ko lang dati ay nagkatotoo na.

"Hello, Miss Shan! Sobrang idol po kita, ang ganda-ganda po nitong book niyong Eternal love! Kasing ganda niyo po!" Napangiti ako at bahagyang umiling.

"Salamat, sana 'di ka magsawa sa pagsuporta sa akin." Karamihan talaga sa mga readers ko ay mga estudyante pa.

"Hinding-hindi po talaga!" hyper niyang sagot. Lalong lumawak ang ngiti ko.

"Ano pa lang pangalan mo?" tanong ko para mailagay ko.

"Sheena po." Napangiti ako at pinirmahan ko na ang libro niya.

"Miss Shan! Reader niyo na po ako sa wattpad mula noong nagsisimula pa lang po kayo. Sobrang inspiring po ng mga story niyo." Sobrang nakatataba talaga sa puso tuwing nakaririnig ako ng mga ganitong komento.

"Salamat sa pagsuporta sa akin mula noon at sana na inspire kita, pero sana in a good side." Pagbibiro ko tumawa lamang ito. May ilang eksena kasi sa story ko na marahas at ang ibang bida ay may dark side ang pag-uugali.

"Hahaha, opo naman po! I know naman na may ibang pangit ang ugali na characters na kailangan talaga sa story. To make it feel more real." Napangiti ako. That's the other reason why I'm really excited every booksigning. So that, I can mingle to my readers. As well, as I will know their thoughts about my stories.

"Hi, Miss Shan! Sobrang idol po kita. Hindi ko akalaing nasa harap na kita, sobrang ganda niyo po. Parang modelo." Natawa ako. Hindi pa rin talaga ako sanay makarinig ng ganoong papuri.

"Salamat." Nginitian ko siya at pinirmahaan ang libro. Naki-selfie na rin.

Dahil sa sobrang galak ako, hindi ko na namalayan ang oras hanggang ang mahabang pila ay unti-unting nabawasan at kalaunan ay natapos din.

Pagod na pagod ako habang papasok sa apartment ko. Kumain pa kasi kami kasama ang mga ibang writers, editors at mga tauhan sa publishing na kinabibilangan ko. Hindi na ako nakatanggi pa.

Medyo napasarap ang kwentuhan kaya heto hating-gabi na nakarating.

Nakaramdam ako ng takot nang malamang bukas ang pinto ko. Alam ko, hindi ko nakakalimutang i-lock ito.

Agad kong tinanggal ang sandals ko, hindi ako mag-aatubili itong ihampas sa kung sino mang magnanakaw.

Huminga muna ako. Bago dahan-dahan kong binuksan.

"Ah! Magnanakaw!" Napasigaw ako at pinagpapalo ang naaninag kong tao.

"Aray! Aray, Shan!" Napatigil ako nang makarinig din ng sigawan. Kasabay ng pagbukas ng ilaw at pagsabog ng confetti.

"Happy Birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Nandoon, kumpleto ang buong barkada ko at mga workers ko sa flowershop.

Pero teka lang? Bukas pa ang birthday ko.

"Bukas pa ang birthday ko, ah," naguguluhang sabi ko sa kanila.

"Hi naku! Saktong alas dose na oh! Kaya birthday mo na," nakangusong sabi ni Mikael. Siya kasi ang napalo ko ng sandals. Napatingin ako sa relo ko at 12:05 na nga.

Napangiwi ako sa itsura niyang hinahaplos ang braso niyang nahampas ko. "Sorry, akala ko kasi napasok na ako ng magnanakaw."

"Hindi, okay lang. Hindi mo naman alam, eh." Matipid na niya akong nginitian at umupo. Nawala naman na ang guilt ko. Isa si Mikael sa mabait na kaibigan namin ni Grant.

Nilibot ko ang tingin ko. Namangha ako nang makita ang effort nila sa pagdisenyo sa sala ko. Marami akong litrato na nakadikit doon pati ang masasarap na handa. Karamihan ay mga paborito ko pa.

"Thank you, 'di ko expected ito!" Bigla kong naalala na ganitong-ganito rin tuwing birthday ko dati. Lagi akong sinusurpresa ni Grant at kasama ang buong barkada namin.

Pero nang nawala siya. Nagbago na. Sometimes, I don't even remember my birthday.

"I miss you, Shan!"

"I miss you too!" Napangiti ako at sinalubong ng yakap sina Sunny, Mel, at James. Sila kasi ang hindi ko talaga nakikita since sobrang busy sa trabaho. Sina Mikael at Myles kasi lagi ko naman nakikita dahil nagkikita naman kami.

"Blow your candles na!" excited na sabi ni Myles habang nilalapit sa akin ang cake.

"Mag-wish ka muna, Ma'am Shan!" Natawa na lang ako sa sigaw ni Mikee.

Pumikit ako at tahimik na humiling.
"I wish you are here and I could see you." Hiling ko at hinipan na ang mga kandila.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Like the usual, my wish didn't come true.

"Yeyey! Party-party na!" Umupo ako sa tabi ni Myles para itanong kung paano nila na plano ito.

"Kinausap namin ang editors mo na medyo i-delay ka pauwi sakto nga nadelay kasi pinakain pa kayo doon."

"Kaya pala, todo pigil siya sa pagkain ko ng marami kanina." Pareho kaming natawa.

"Syempre, kung kakain ka ng marami edi hindi ka na makakakain sa handa namin." Nginisihan pa ako.

"So, paano kayo nakapasok dito?"
Nagkatinginan sila at tumawa.

"Humingi kami ng spare key sa landlady mo para mabuksan ito. Ayaw nga eh, sinabi pang baka magnanakaw kami kaya no choice ipinakita namin mga company ID's namin at mga pictures na magpapatunay na kaibigan mo kami." Natawa na rin ako.

Dahil hindi naman ako nabusog, nakisabay na rin akong kumain sa kanila.

Ilang sandali lang napuno na ng tawanan at kantahan ang apartment ko mabuti na lang soundproof ang apartment ko kaya walang problema. Nagdala rin kasi sila ng videoke, nakahanda talaga.

"May tanong ako, anong pinakarason kung bakit kayo pumunta rito?" seryosong tanong ko. I'm happy that they surprise me but I can't stop to have second thoughts about it.

Kasi ngayon lang naman ito nangyari.

Nagkatinginan silang tatlo. Kaming magkakaibigang babae ang tanging naiwan dito sa sofa at nagkukuwentuhan. Dahil ang mga workers at mga lalaki ay na enjoy na ang pagkanta.

"There's no other reason, we just wanted to celebrate your birthday," natatawang sagot ni Sunny.

Nalipat ang tingin ko kina Myles at Mel. Napaiwas sila, kaya alam ko ng may mali.

Napabuntonghininga si Myles. "We wanted to surprise you, like how Grant surprises you in your every birthday." Hinawakan niya ang kamay ko at malungkot na ngumiti.

"Hoping, it will make you feel better Shan." Malungkot akong napangiti at napatingin sa mga kaibigan ko saka unti-unti kong naalala ang malaking pagkukulang ko sa kanila.

I forgotten them.

At ngayon ko lang naisip na, pati sila kinalimutan ko na rin mula nang mawala si Grant.

"I'm sorry," paghinging tawad ko. "Kinalimutan ko kayo, lumayo ako. I'm so sorry." Guilt is eating my system slowly.

"Guys, stop your white lies. Tell her the truth!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Mel.

Naguguluhan akong napatingin kay Mel. "What is the truth?" tanong ko.

"Mel!" sigaw nila at pinigilan siya nang iharap sa akin ni Mel ang cellphone niya. Then, there's a video!

Agad ko itong hinablot at pinanood.

"I think I will not survive. I just wanted to have some words for you. Please, celebrate Shan's birthday especially in her 30th birthday at exactly 12am. Be with her the whole day. Have a police to guard her. Please, I'm begging you all, its for her safety!"

Parang dinudurog ang puso ko. Why they hide this?

"What is this?" dumagundong ang sigaw ko.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Pero nakayuko lang sila. Natigil na rin ang kaninang masayang kantahan. At ang tanging ang nanginginig kong boses na lang ang umalingaw-ngaw sa apartment ko.

"Answer me! Why did you hide this? Myles!" Puno ng sakit ko siyang tiningnan. Siya pa naman ang pinakamalapit kong kaibigan. How could she?

Napayuko siya. "The truth is, Grant called us one by one during the accident telling us how much he loves you. Pleading us to celebrate your every birthday especially your 30th birthday. To be with you in that day. I'm sorry."

"Ibinilin niya sa amin na huwag namin ipapakita sa 'yo ang video at gawin na lang kung anong hiling niya. Sorry, Shan," nakayukong sabi ni James.

Nawawalang lakas akong napaupo sa sofa habang pinapanood ulit ang video.

How could he be so heartless?

Bakit hindi niya ako tinawagan? Bakit sila?

"I'm sorry Shan, hindi na rin namin ito ipinakita sa 'yo dahil baka lalong lumala ang kondisyon mo noon. This video of him, would just worsen your health." Niyakap nila ako habang patuloy pa rin ako sa pagluha.

Naging tahimik na ang dapat sanang masayang birthday party ko. Ilang sandali lang ay isa-isa na silang nagpaalam na uuwi. Pero, sinabi nilang may tinawagan na silang police na magbabantay sa akin.

I don't know, kung bakit iyon ibinilin ni Grant? May mangyayari bang masama sa akin?

Malungkot akong ngumiti habang kumakaway sa kanila. Ayaw pang umuwi nina Myles at Mel pero sinabi kong gusto ko munang mapag-isa.

Gusto ko munang makaramdam ng konting ginhawa. Tila hindi ako makahinga kaninang nandito sila.

Hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa nilang itago ang video sa akin sa loob ng tatlong taon pero sino ba ako para magalit sa kanila? Inaalala lang nila ang kalagayan ko.

Kaya hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. I'm in between anger, guilt and sadness.

Pumasok ako sa sala at nilinis na lamang ang mga kalat. Nang matapos ako, nahagip ng tingin ko ang kahong ipinadala sa akin. Kumuha ako ng gunting at ginupit ang mga tapes na nakapalibot dito.

Ni hindi man lang ako nakaramdam ng inis habang walang emosyong tinatanggal ang mga tapes.

Dahil sa pagkalutang ko hindi ko namalayang nabuksan ko na. Nanlaki ang mata ko nang makita kung anong laman nito.

Isang lumang notebook, jigsaw puzzle na maingat pang nakalagay sa isang zip lock plastic at isang napakagandang kwintas. Kumuha ako ng tissue at mabilis na pinunasan ang mga ito sobra na kasing maalikabok at madumi.

Sinong kayang nagpadala nito sa akin?

Nang malinisan, una kong kinuha ang napakagandang kwintas. Lumapit ako sa salamin at sinuot. Isa itong pear shaped aquamarine pendant. Napaganda at mukhang bagay sa akin. Kaya hindi ko na tinanggal.

Sunod kong pinagdiskitahan ang isang lumang notebook. Palipat-lipat lang ako ng pahina, dahil puro blangko naman ito.

Napatigil ako sa isang pahina nang may makitang may nakasulat. Kahit pangit at magulo ang pagkakasulat nito, pilit ko pa ring binasa.

"From the start, I didn't get what I felt for you. I'm imagining her while all along you are in front of me. I'm sorry I missed those chances to spend more time with you." 

Muli kong nilipat ang pahina.

"Using all my logic and ideas, to solve the hardest riddle of love. And the answer is, it's always you."

Hanggang may biglang nahulog na litrato. Kinuha ko ito at kuryosong tinitigan.

Binasa ko ang mga nakasulat dito. Halos burado na pero pilit ko pa ring binasa.

"Your smile is a cure that awakens life, sunshine." Basa ko ilang beses ko ring hinulaan ang ilang salita bago nakuha.

Tiningan ko ang laman ng larawan. Larawan ng tatlong lalaki at dalawang babae. Mukhang mga highschool pa dahil kapwa nakasuot pa ng uniporme ang mga ito.

Dahil na rin sa kalumaan, hindi na malinaw ang mga mukha ng mga nandoon pero may isang taong kumuha ng atensyon ko.

Kinusot ko pa ang mga mata ko at muli itong tinitigan baka namamalik-mata lang ako.

But, it is real.

It was, a picture of Grant. A teenager Grant.

Ang ganda-ganda ng ngiti niya habang bahagyang nakatingin sa babaeng katabi niya.

Isang babaeng hindi ko na mahalata ang mukha dahil nabura na.

Pero ang talagang nagpalaki ng mga mata ko sa gulat, ay nang makita ko ang nakalagay na date nang pagkuha sa litrato.

It was way back in 2005. September 30, 2005 to be specific.

How is it possible? How can Grant be here?

Pero, hindi maaaring si Grant ito dahil kung susumahin 7 years old pa lang siya sa taong ito. At nag-iisa siyang anak kaya hindi pwedeng kapatid niya ito.

Lalo akong naguluhan. Then who is this guy who completely looked like him?

***
Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro