Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Dedicated to my first readers eejjeyy
and WeAreInfected12

***

"Grant, tingin mo magiging sikat akong writer?" tanong ko sa kanya habang patuloy akong nagtitipa sa laptop ko. Ngayon kasi ako nangakong mag-update sa mga readers ko sa Wattpad.

Gaya ng dati nandito kami ulit sa library. Pareho kasi kaming vacant ng dalawang oras tuwing Wednesday.

"Oo, syempre! I know you're the best, love!" Kumindat pa siya.
Napangiti ako.

Tinigil ko ang kasalukuyang ginagawa at pinanood ko na muna siyang seryosong nagso-solve ng mga math equations. Tinitingnan ko pa lang umiikot na ang utak ko, wala talaga akong alam pagdating sa math.

Civil Engineering kasi ang course niya while Psychology naman sa akin.

"Hindi ka ba nahihirapan diyan?" tanong ko.

"Nahihirapan, but you know, I've chosen this so I should learn to love this like how I love you. You are also hard to solve, right?" he said cockily.

Natatawang napailing-iling ako. "Wow, nagiging arogante ka na, ah. Let me give you a prize my ever humble and sweet boyfriend."

Napakunot-noo siya. "What's my prize, love? Hmm..." Nagpapa-cute pa siyang inilapit ang mukha sa akin.

Napalingon-lingon ako sa paligid namin nang mapansing walang masyadong studyante ay agad akong lumapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting napangiti. "You really love to stole kisses," he said showing his boyish smirk.

"Bumabawi lang ako lagi mo rin kaya ako ninanakawan." Napanguso pa ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos.

Ayan na naman ang nakatutunaw na pagtitig niya. Lagi niya iyon ginagawa sa akin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay.

"I love you, Shan. Always remember I love you so much." Nangilid ang luha sa mga mata ko. He is always so sweet and makes me special every day.

"I love you too," paos kong tugon.

Tumaas ang sulok ang labi niya at napaiwas pa ng tingin sa akin. Kahit kailan, hindi pa rin talaga sanay ang lalaking ito kapag ako na ang nag-i love you sa kanya. Masyado ko yata talaga siyang pinahirapan noong nanliligaw pa lang siya.

"But, you know love, your prize is a little bit disappointing." Baling niya ulit sa akin. Napakunot-noo ako at natawa kalaunan.

Lagi talagang naghahanap muna ng buwelo bago magpakilig. "Huh? Bakit naman?" nakangising tanong ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin saka kinuha ang makapal na libro niya at pinantakip sa mukha naming dalawa. Saka, masuyo akong hinalikan!

"You should kiss me on my lips, not my cheeks, love. I will appreciate it more," malambing niyang sabi habang maingat na tinatanggal ang lipstick kong tingin ko'y nagkalat na.

Napamulat ako. Naramdaman kong basa na naman ng luha ang pisngi ko.

My dreams is my comfort zone since he left me. Doon, masaya kami. Nahahawakan ko siya, nayayakap, nahahalikan at higit sa lahat kasama ko siya.

Mostly of my dreams with him had really happened, that was our memories together.

Minsan, gusto ko na lang hindi magising para makasama ko pa siya nang matagal at maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.

Pero sa huli, magigising pa rin ako sa realidad.

Malalaman na panaginip lang ang lahat. Na hindi na mababagong... mag-isa na ako at wala na siya.

Muli akong napatingala sa kisame. Nakadikit doon ang malaking larawan naming dalawa. I am smiling in that picture while he is busy staring at me.

Napakaswerte ko sa kanya. In our relationship, ni minsan hindi siya gumawa ng bagay na nagpaiyak at nagpagalit sa akin.

Ang tanging pinaramdam niya lang sa akin ay ang pagmamahal niya. Hindi ako perpektong girlfriend, minsan may toyo, at nakakainis ang ugali ko pero iniintindi niya pa rin ako.

He knows a lot about me. Alam niya ang mga paborito ko kahit hindi ko sinabi sa kanya. Alam niya rin kung anong mga bagay ang ayaw ko.

He is always attentive to what I'm saying and bear it in mind.

"Tingin ko, hindi ka na talaga mag-aasawa kapag naghiwalay kayo ni Grant. Sobrang mahal na mahal niyo kasi ang isa't isa, eh." That was one of my friends joke when we were in college.

At mukhang magkakatotoo na nga. Hindi ko na nakikita ang sarili ko sa piling ng iba.

Si Grant lang.

Gaya ng karaniwang araw kailangan ko ulit kumilos na parang isang normal na taong walang problema sa buhay.

Laking pasalamat ko lang na walang nag-ungkat sa nangyari sa bar. Alam ng tatlo ang nangyayari sa akin pero hindi sila nagsasalita tungkol dito.

Glamo Fiori is our business together. Dugo't pawis naming dalawa ang puhunan ng flowershop.

"Ma'am, I have a question." Napatingin ako kay Christine nang lumapit siya sa akin.

"What is it?" tanong ko habang binabasa ang ilang kabanata na natapos ko na. I need to proofread it, baka may hindi ako nakitang errors bago ko ipasa sa publishing.

"Bakit po, hindi niyo po sinasabi sa mga followers and readers niyo po itong flower shop? Sigurado po, mas tataas pa ang sales natin." Napabuntong-hininga ako. My friends also suggested it.

"I don't want them to linger here. This is a peaceful shop. Sigurado kapag nalaman nila. Marami nang pupunta dito. At isa pa, wala naman tayong problema sa sales." Paliwanag ko. This is the most peaceful place to me.

Napatango siya. "Thank you, Ma'am Shan, I'm just curious."

"It's okay, I'm happy that you are trying to suggest," nakangiting sabi ko.

"May tanong ka pa ba?" tanong ko nang nanatili pa rin siya sa pwesto niya.

"Ahm, Ma'am nalaman ko po kasi kina Mikee na graduate po kayo ng psychology. I'm planning to enrol kasi this sem. Gusto ko po sanang itanong kung papayag ka po?" Napatigil ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya.

"Bakit naman hindi? As long as hindi mo pababayaan ang trabaho mo."

Agad namang nawala ang kaninang takot sa mga mata niya at napalitan ng saya.

"Opo Ma'am Shan, salamat po!" Malaki ang ngiti niya at pormal na yumuko.

"No problem. Matagal ka na rin namang nagta-trabaho sa akin at masaya ako na gusto mo na ulit mag-aral."

"Ang swerte talaga namin na ikaw ang amo namin, Ma'am. Sige po, alis na ako." Napailing-iling na lang habang pinagmamasdan siyang masayang naglalakad palayo.

She also wanted to be a psychologist.

I'm a registered psychologist. I worked in that kind of profession.

Pero nang mawala si Grant. Naiwan ko rin ang propesyon ko. Natanggal ako sa trabaho at napabayaan ang flowershop. Mabuti at naisalba ko pa ito. Kung hindi, hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy sa buhay.

That's the time, I chose the flowershop over my profession.

Ang flowershop na lang ang naiwang alaala sa akin ni Grant. I can't afford to lose it. And I'm happy of my decision. Kasi alam ko kung magpapatuloy ako sa propesyon ko wala ring mangyayari.

I admit, I'm not still mentally stable right now. Kaya kung magpapatuloy ako, kawawa lang ang magiging pasyente ko. How could I work normally? Treat and diagnose patients when I'm also living as one of them?

Nang matapos ko na ang pag-proofread ay sumandal muna ako sa swivel chair ko.

Ano kaya ang buhay ko ngayon kung kasama ko pa si Grant? Siguro kasal na kami at maaring may anak na rin.

I'm turning 30 in a month. Supposedly, we plan to get married when I'm 28. Pero hindi na nangyari pa.

Napangiti ako nang mapait. I never thought myself loving someone this deep.

"You have a call, my love! You have a call, my love!"

Lalo akong napangiti. Hearing his voice as it is my ring tone. That's way, I never immediately answer any call because I always end up wanting to hear his voice.

Kung hindi ko lang nakita ang pangalan ni Mama Cynthia ay hindi ko ito sasagutin.

"Hello, Mama," malambing kong sagot.

"Hello, Shan. I miss you, hija. How are you?" Muntik na akong umiyak pero pinigilan ko lang. That was my most hated question because it always makes me cry.

"I'm fine, Mama. I miss you too." Tila sasabog na ang dibdib sa kakapigil sa pagluha.

"Tinawagan kita hija, dahil may gusto akong sabihin sa 'yo. It's about Grant." Dumagsa ang kaba sa dibdib ko.

"What is it, Mama?" Rinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Hija, were gonna conduct a formal death anniversary ceremony for him. It's almost 3 years, hija. I think it's the right time to accept his death."

Kusang tumulo ang mga luha ko. Why I still keep denying it.

"Hope, you can attend, hija."

"Of course Mama, I will come." Pumiyok pa ang boses ko pero sumagot pa rin ako.

Rinig ko rin ang paghikbi niya. "Thank you, Shan. I know, you are still hurting like me. But hija, let's set him free. Let Grant, be happy in heaven." Nawalan ako ng sasabihin. Kaya ko ba? Kaya ko na ba siyang pakawalan?

"Thanks for your invite, Mama. Kailan po ba?" tanong ko na lang kahit tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng luha.

"Next week, hija. I will send you the address."

"Okay po, Mama." Napayuko na lang ako sa upuan habang umiiyak. Ang bigat-bigat sa dibdib.

Sa tatlong taong nagdaan ay hindi nagdaos ng seremonya ang kanyang pamilya tuwing death anniversary niya. Because like his mom, we still believe he is still alive.

Even I know, it is close to impossible. In that ship collision no one survived. Some bodies had been found but some is not, like Grant. Maaring ang ibang katawan ay nasa kailaliman na ng dagat.

And I can't stop thinking about it. Laging sumasagi sa isipan ko na maaring sobra-sobra na siyang nilalamig. Nakatatawa pero naiisip ko 'yon. Para na akong baliw.

I can even imagine him floating in the deepest part of the sea.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at pinindot ang recording ng boses niyang kumakanta.


Nobody knows
Just why we're here
Could it be fate
Or random circumstance
At the right place
At the right time
Two roads intertwine


I'm not familiar with this song. But I know, this one is his favorite. And I think, right now, my favorite too.


And if the universe conspired
To meld our lives
To make us
Fuel and fire
Then know
Where ever you will be
So too shall I be


Napapikit ako habang in-imagine na nandito siya sa tabi ko at kinakantahan ako, gaya ng dati.

***
Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro