8
CARLY
I STOPPED ON MY TRACKS. Ilang minuto ko ring hinanap si Ian bago siya natanaw. He was leaning against a railing, facing the ocean. Nakilala ko lang siya sa suot niyang damit at pamilyaridad ng kanyang katawan. Doon ko na binagalan ang paglakad. Halos hindi niya napansing parating na ako. Gulat na napalingon tuloy siya nang tumayo ako sa kanyang tabi.
My eyes were on the calm ocean. Upon the horizon, the evening sky was pushing down the afternoon ones. Halos nakahalik na sa dulo ng karagatan ang kulay kahel at mamula-mula niyang liwanag. Sa ibabaw naman niya, naghalo ang madilim na asul at lila. I tucked a hairstrand behind my ear. Nakaalpas sa pagkaka-low ponytail ang hibla ng buhok dahil sa lakas ng pagaspas ng malamig na hangin.
"Ang ganda ng view," pigil-hininga kong saad bago nasalo ang titig ni Ian sa akin.
Tipid ang naging pagngiti niya. Binalik ni Ian ang tingin sa dagat.
"Bukas, nasa Cebu na tayo," aniya.
I nodded. Iyon ang una naming stop over-Cebu. Doon kami ibababa ng barkong ito bago kami sumakay ng isa pang ferry papuntang Cagayan De Oro. At mula sa Cagayan De Oro, may isa pang mahaba-habang biyahe papuntang Cotabato City. This time, it would be a trip on land. Thank, God.
"Sabado na bukas," wika ko.
"Oo. At sa Friday pa ang departure time ng barko papuntang CDO."
"It means we can stroll, right?" Excited kong lingon sa kanya.
Oo, sinadya kong banggitin na Sabado kami makararating ng Cebu para mapunta sa ganitong usapan.
His smile was faint as he eyed me. "We?"
"Oo. Sasamahan mo ako."
Hindi niya napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi. "At bakit gusto mo namang pasyalin ang Cebu?"
"Because I have never been there. I have never been in so many places...Ian." Buntonghininga ko. "I'm already in my thirties and the only places I've been to are Manila, and New York, and Manila." Nilingon ko siya. "Isn't that unfortunate?"
Nagkibit-balikat lang siya. Iniwas ang tingin sa akin.
"Ang daming lugar sa mundo na pwedeng pasyalan. Mangilan-ngilan lang ang nabibigyan ng opportunity na makabisita sa ibang lugar."
"Marami ka namang pera, bakit hindi ka mag-travel-travel?"
Napayuko na lang ako. "I guess I'm just scared."
Naramdaman ko ang matamang pagtitig niya sa akin.
"Nawalan ako ng alaala nung naaksidente ako. Somehow, I am still scared it will happen again. Ang sabi kasi ni Mom, sa car accident daw ako nagkaganito. In an out of town trip." Napatingala ako. Sinalubong ako ng matamlay na kalangitan. "Kapag nawala ang mga alaala mo, magaan siya sa pakiramdam. But what feels light meant that it's empty. When you realize that, it starts to bother you."
"Saang out of town naman iyon?"
"Mom doesn't know." Mapait kong ngiti. "Nasa US pa kasi siya no'n. Nabalitaan na lang niyang naaksidente ako sa SLEX. Judging from that, she instantly knew I was going out of town. Hindi lang niya alam kung saan. Nadatnan na lang niya akong mga two weeks nang unconscious sa ospital."
Nang lingunin ko si Ian, napayuko na lang siya.
"Saang room ka nga pala?" pag-iiba ko ng topic.
"Ah...do'n sa..."-inalala pa niya-"...sa may second floor." Angat niya ng ulo. "Malilito ka sa dami ng double deck doon."
Namilog ang mga mata ko. "Economy ticket ang binili mo?"
"Oo." Salubong ng mga kilay niya habang humihiwalay sa railing ng barko. "Anong akala mo sa akin? Maraming pambili?"
Inirapan ko siya habang hinaharap. "Sinabi ko kasi sa 'yo, ibibili na kita ng ticket!"
"Ah, huwag na. Tutal, hindi na rin naman ako aalis ng Cotabato pagkauwi ko. So, parang parte siya ng original kong plano talagang lumuwas. Kasama na siya sa matagal ko nang nai-budget." Siyang talikod niya.
"Ian, saan ka pupunta?"
"Babalik na ako sa higaan ko. Wala pa namang nagbabantay sa mga gamit ko," walang lingon niyang saad.
Hinatid ko na lang si Ian ng tingin.
Later that night, we were informed that dinner was ready. Pwede ko namang ipahatid iyon sa kwarto ko, pero pinasya kong kumain sa restaurant proper ng barko. That's when I realized the separation of classes. Iba ang kainan ng mga may first class tickets doon sa mga bumili ng economy. We had cushioned seats. Pero dama ko ang tamlay sa dining area dahil mangilan-ngilan lang kami. Mag-isa lang ako sa mesa, at sinadya kong pumuwesto sa tabi ng bintana. Tuwing napapagawi tuloy ang tingin ko sa karagatan, mas lalo akong nakaramdam ng pag-iisa.
I began to wonder, could this be the reason why Zacharias left me? Dahil magkaiba kami ng estado sa buhay? Pero hindi ba sobrang gasgas na ng ganoong problema? Sa panahon ngayon, mas open-minded na ang mga tao. Wala nang pakialam ang tao kung mayaman o mahirap ang mapapangasawa nila. Even the princes in England married women far from their class...
Maraming pagpipiliang Filipino dishes but I settled with a light viand and rice. A little vegetable and soup. Everything was served by a waiter with a choreographed smile. Umalis din ako agad para sumilip sa second class dining area. Doon ko nakita ang dami ng tao. Before I got close to the entrance, their murmuring and buzzing voices already filled the air. May ilang nagtatawanan, lalo na 'yong mga nasa karaoke area na nag-iinuman. Para akong lumulutang, wala ang awareness sa sariling paglalakad kundi nasa mga nangyayari sa paligid.
I had a sense of belonging to this place I could not understand. I felt teary-eyed at the realization, clutching the string of my sling bag.
Hanggang sa nahagilap ng paniningin ko si Ian. Nasa mahaba siyang mesa, may kasalong mga tao habang kumakain. I could not help watching him from where I stood. Mukhang ang gaan-gaan ng mood niya. Maluwag ang pagkakangiti niya sa mga kausap habang tila may pinagmamayabang sa mga ito. I could see the way his hands gestured as he talked.
Wala sa loob na dinala na pala ako ng mga paa palapit sa table nila. Napukaw ko agad ang atensyon niya. His open-mouthed smile froze and lost their emotion. Siyang lingon sa akin ng iba pa niyang mga kasama sa table-isang matandang lalaki na maputi na ang buhok na may kasamang lalaki na nasa thirties na yata nito, at dalawang babae. One of the women sat beside Ian.
"Carly," pukaw niya sa akin.
I took in a deep breath. "Oh, sorry. Nakakaistorbo yata ako."
I instantly knew it was wrong. Hindi ako dapat lumapit agad sa mesa nila. At nasa kalagitnaan pa sila ng paghahapunan.
"Iyan ba ang sinasabi mong asawa mo, Ian?" Maluwag na ngiti ng matandang lalaki sa akin.
"Asawa?" Pamimilog ng mga mata ko.
Mabilis akong tinabihan ni Ian. Hinalikan sa pisngi. Pero hindi sumayad ang mga labi niya sa balat ko. Instead, he pretended to kiss me to whisper, "Makisakay ka na lang."
"Anong makisakay?" Harap ko sa kanya. Now that made our faces closer than what should be allowed.
He gave my lips a peck, draped an arm around my shoulder. "Siya na nga." Akay sa akin ni Ian para paupuin ako. Ngayon, magkatabi na kami nung babaeng katabi niya kanina. Ian blocked my way out of the seat by occupying the one on my left.
"Nakapamili ka na ba ng gusto mo? Ipag-o-order kita." Asikaso sa akin ni Ian.
"Ian"-paling kong ngiti dahil hindi ko gusto ang patutunguhan nitong ginagawa namin-"who are they?"
"Ah, nakita mo naman, ang daming tao rito. Naki-share lang sila sa table," pakilala niya sa wakas. "Si Mang Sal at iyan ang anak niya, si Samuel. At iyan ang asawa ni Samuel-"
"Irene," masayang pakilala ng babaeng may kaseksihan. Samuel possessively snaked an arm around her waist.
"At ito ang kapatid ni Samuel." Silip ni Ian sa babaeng katabi ko.
Mabilis siyang nakipag-alok ng pakikipagkamay sa akin. "Samantha."
"Ah, hi, Samantha." Tanggap ko. I met her gaze and sensed how forced her smile was. Nilingon ko agad si Ian para bulungan, "Bakit naman kailangan mong sabihin sa kanilang may asawa ka na?"
Dama ko ang paghapit ni Ian sa baywang ko, para mas magkalapit kami. His lips almost touched my cheek as he replied, "Nirereto nila ako kay Samantha."
"Oh, really? Hindi ba lumang style na iyan?" pang-aasar ko sa kanya.
"Carly, seryoso ako. Bakit ba kasi napunta ka pa rito? Eh 'di nadamay ka."
"Paano mo ie-explain sa kanila na magkahiwalay tayo ng tutulugan mamaya?"
"Eh 'di tabihan mo ako mamaya."
"Ano?" Mulagat ko sa kanya habang nakikipagtitigan sa mga mata.
"Hay, naku naman," natatawang puna ni Samuel. "Biglang nagsariling mundo na ang mag-asawa."
Si Samantha ang una kong nilingon nang marinig ang komentong iyon. She secretly rolled her eyes and took a sip of her drink. Alanganin ang naging pagtawa ko, siyang akbay naman sa akin ni Ian.
"Sayang nga lang, ano? Siksikan tayo sa tulugan mamaya," masayang patuloy ni Samuel. "Paano kayo makakagawa niyan?"
Lalo ko silang pinanlakihan ng mga mata.
"Huwag mo naman sila i-pressure, Sam!" Kinikilig na palo ni Irene sa braso ng asawa niya.
"Sayang nga. Matutuwa siguro ang mga magulang mo, hijo, kapag nalamang gumagawa na kayo ng bata," nangingiting ayuda ni Mang Sal.
"B-Bakit..."-nilingon ko si Ian-"iyan agad ang pinag-uusapan natin dito?"
Nagpapahiwatig na pinisil niya ang balikat ko. "Kumain ka na, asawa ko."
"Ian, katatapos ko lang kumain," bulong ko sa kanya.
"Bakit kasi pinuntahan mo pa ako rito?" ganti niya ng bulong sa akin.
I awkwardly smiled. Mabilis kong tinapos ang pagkain ni Ian. Bwisit na lalaki ito. Napapasubo ako nang wala sa oras.
"Mmm! Masarap!"
Kita ko ang pagkalito sa tingin nina Mang Sal sa akin bago hindi napigilan ang mapangiti o matawa.
I wasn't really a convincing actress without any preparations.
.
.
NAGMAMADALING DINALA AKO NI IAN sa labas. Pumuwesto kami sa tabi ng railing ng barko. Lumingon ako sa paligid bago siya kinompronta.
"What was that all about?! Bakit asawa? Dapat sinabi mo na lang, hindi ka interesado!"
Ian groaned. "Carly naman, lalo lang akong kukulitin ng mga iyon. Kung may asawa ka na nga, tinutukso ka pa sa iba, 'yong single pa kaya?"
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa mga sinabi niya. Iyon ba ang nangyari kaya ako iniwan ng asawa ko? May tumukso kaya sa kanya na ibang babae? Kaya pinabayaan na lang niya ako nung naaksidente ako?
He shoved in a deep breath. "Carly..."
"H-Huh?" Pitlag ko, pero nahawakan na ako ni Ian sa pisngi.
"Bakit maiiyak ka?"
"Anong maiiyak?"
Tinabig ko ang kamay niya. Pinatong ko ulit ang mga braso sa railing ng barko. He stood by my side. Patagilid siyang sumandal para mataman akong matitigan. I prepared myself before asking this to Ian.
"Yong asawa ko kaya...nangyari kaya iyan sa kanya? 'Yong kahit may asawa na siya, nirereto pa siya sa ibang babae? Kumagat ba siya? Nagpatukso? Kaya ba...kaya nung naaksidente ako...ni hindi na siya nagparamdam sa akin?"
"What if you're wrong about that?"
I met his eyes. "Mali ba ako?"
Napayuko si Ian, parang nagsisi sa nasabi kaya napaisip. "Carly, isipin mo...may batas...may batas laban sa mga partner na mangangaliwa. May takot din tayong mga tao sa batas kahit papaano."
"I think there's a law about harassment," matatag kong saad. "Pwede kong sabihin na harassment ang bigla mong paghalik sa akin kanina."
"Diyos ko." Tingala ni Ian. "Hindi ba pwedeng maniwala ka na lang na may mga loyal pang lalaki sa mundo?"
Binalewala ko ang mga sinabi niya.
"I think you're aware you shouldn't have done that. Pero ginawa mo pa rin kahit mali, hindi ba?"
He took in a deep breath. Hindi niya malaman ang sasabihin, kitang-kita ko.
"Paano pa kaya 'yong asawa ko? Kung may amnesia naman ako at hindi siya marereklamo. The law works that way, right? Kailangang may magreklamo bago maparusahan ang may sala." Sa sobrang lamig ng ihip ng hangin, napayakap ako sa sarili ko. "Tapos isipin mo. Ang gwapo niya...malakas ang karisma...sexy..."
Nang lingunin ko si Ian, nakatitig na pala siya ulit sa akin.
Inirapan ko siya. "Of course, wala pa akong nakikitang pictures niya! Ang hirap maghanap ng picture niya at sa dami ng kapangalan niya, hindi ko alam kung sino sa kanila ang hinahanap ko!" My eyes returned to the waters. "Pero siyempre, magpapakasal ba ako sa lalaking hindi gwapo, hindi sexy, at saka..." Napabuntonghininga na lang ako. Napailing.
"Sorry sa paghalik ko sa iyo, Carly." His eyes were pleading, the mellow lighting on the walls of the ship touched his sincere face. "But remember, you're asking me for a favor too."
This jerk...
"Give and take." Alis niya sa kinasasandalan. "Kung kailangan mo ng tulong ko, nandito lang ako. Kaya kapag kailangan ko ng tulong mo, dapat tulungan mo rin ako."
Pumihit ako paharap sa kanya. "Ah, gano'n?"
"Oo!" Lapit niya ng mukha sa akin.
"Eh, 'di sige." Taas-noo ko sa kanya. "Ano pang tulong ang kailangan mo? Matutulog ako mamaya sa tabi mo para maniwala silang mag-asawa tayo? Okay!"
I stomped away from him.
I knew it took him a while to watch me step away from him. Nung nakalayo-layo na ako, saka lang ako hinabol ni Ian at sinabayan sa pagpasok ng barko.
"Magkita tayo mamaya rito." Hinto ko nang marating namin ni Ian ang lobby. "Magbibihis lang ako."
Ian nodded. "Sige. Kailangan ko na rin sigurong maligo. Ayoko bukas at mahaba sigurado ang pila sa banyo."
Tumango na lang ako bago nagpatuloy sa paglakad. Inakyat namin ang hagdan at humiwalay na si Ian nang marating ang second floor. I continued and reached the third floor. Pinid ang pinto ng mga kwarto. Dinama ko ang susi na nasa loob ng sling bag na sukbit ko bago ginamit para buksan ang pinto. I entered my room-fully furnished and comfy. Maaliwalas ang kulay ng paligid lalo na ang wooden finish. May dresser table, flat screen TV, kitchenette at lounge chair. Bukod doon, mayroon pang malambot na kama. Nakapwesto malapit sa salaming pader ang mesita at dalawang upuan. Maingat kong niladlad ang kurtina para takpan ang salaming bintana.
Then, I took out some clothes from my sports bag and headed to the bathroom.
.
.
I APPEARED ON THE LOBBY, wearing a pair of doll shoes. Manipis na pajamas ang sinuot kong pantulog-kulay puti na may maliliit na floral patterns. Blow drying my hair gave it a bouncy look. Napatayo si Ian mula sa kinauupuan nang makita ako. His eyes scanned me and I didn't know what to feel with the way he stared. Ian could make anything simple so breathtaking-a pair of board shorts and a scoop neck shirt only bragged about his firm figure. Medyo basa pa ang alon-alon niyang buhok.
Binigyan namin ni Ian ang isa't isa ng briefing kung paano aakto bago tinungo ang ikalawang palapag ng barko. Natanaw ko na sa bungad pa lang ng pinto ang nagsisiksikang mga double deck. Ian placed an arm against the back of my waist, pero nakaiwas ang palad at daliri na madikit sa katawan ko.
Huminto kami sa double deck na nasa dulo ng ikalawang hanay ng mga higaan.
"Akyat." Atras ni Ian para paunahin ako.
Maingat akong humawak sa handle at inakyat ang double deck. Nang makaupo sa kutson, tinanggal ko ang suot na doll shoes.
"Where do I put this?"
"Doon." Turo niya sa dulo ng kama. Sinadya ni Ian na tanggalin ang sapin niyon para mailapag ang sapatos nang hindi namamantsahan ang bed sheet. Tinabi ko roon ang doll shoes ko. Nasa bandang uluhan naman ng higaan ang kanyang may kalakihang backpack.
Ian climbed next, making me scoot to the middle of the bed. He placed his slippers beside his shoes. Tinukod niya ang braso sa bandang likuran para lingunin ang higaan, pero ako ang unang nabagsakan ng kanyang tingin.
"Ian!" tawag ng kung sino kaya lumagpas ang tingin niya sa akin.
Samuel and his wife were only three beds away from us. Kinawayan ni Ian ang mga ito. Alanganing nginitian ko na lang sila.
"Hindi ba nila nahalatang mag-isa ka lang dito kanina?" Harap ko kay Ian.
His eyes burned mine before glancing to my lips. "Magagawan ko naman iyon ng dahilan. Pwede kong sabihing namasyal ka sa barko o bumili ng pagkain habang nag-aayos ako ng mga gamit dito."
"Magaling ka ngang magdahilan." Iwas ko ng tingin sa kanya para hagilapin ang nag-iisang unan. "Baka may sumita sa akin dito."
"Hindi iyan." Hila niya sa akin pahiga kaya napasinghap ako.
Before I could even react, I was already face to face with him. Kapwa kami nakahiga nang patagilid, nakaharap sa isa't isa. Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko, o bilangin ang mabilis na kalabog sa dibdib ko. All I knew were Ian's eyes...dark and probing mine.
Siya ang unang nagbawi ng tingin. Tinukod niya ang siko para iangat ang katawan. Lalo akong hindi makahinga nang lumapit ang dibdib niya sa mukha ko dahil sa ginawa niya. May inaabot siya at nang makuha iyon, naramdaman ko ang pagpatong ng kumot sa mga balikat ko.
"Ang init, Ian," maingay kong reklamo sabay tulak sa kumot para umusog at maiwang nakapatong sa baywang ko.
He felt for the blanket, his touch reaching my waist in the process. Binulatlat niya iyon.
"Magkumot ka pa rin," mahina niyang saad. "Ang nipis-nipis niyang suot mo."
I grew conscious. "Nakikita mo? Pati bra ko?" Sa tingin ko, bumubulong siya para hindi kami marining ng mga nasa katabing double deck. Kaya nakibagay na lang ako at pabulong na tinanong iyon.
"What bra?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy!" Silip ko saglit sa loob ng suot na shirt. "May suot ako!"
Kontrolado ang pagtawa ni Ian para hindi makaabala ang ingay sa mga kasama namin sa silid.
"Joke."
Inambahan ko siya na kukurutin pero hindi tinuloy iyon. Binalot ko ng kumot ang sarili. At hinanap ko ang mga mata niya; gusto kong makita kung may pagbabago ba sa reaksyon ni Ian. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin o sasabihin nang walang ideya sa kung ano ang tumatakbo ngayon sa kanyang isip.
I met his dark gaze as he adjusted to lie down the bed. He made sure his face would level with mine.
Napasinghap ako nang hilain niya ako sa baywang. Kung hindi ko mabilis na tinukod ang mga kamay sa kanyang dibdib, siguradong magdidiin ang mga katawan namin. I heard his deep breathing.
"Good night," aniya bago pumikit.
At saka ko lang napansin na ang kanyang kanang braso lang ang gamit niyang unan. Mahina ko siyang tinapik at muling nagmulat ng mga mata si Ian.
"Wala kang unan," mahina kong usap.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Ayos lang."
"We can share."
"Sigurado ka?"
Napalabi ako. "Hindi naman ako maarte o malisyoso, 'no," defensive kong turan.
Naramdaman ko ang pag-usog ni Ian; napaatras tuloy ang mga kamay kong nakatulak kanina sa kanyang dibdib. My hands were sandwiched between his chest and mine as Ian carefully rested his head against the pillow. Inangat ko ang tingin mula sa unan pabalik sa kanyang mga mata.
Mas pinalapit ko lang si Ian sa akin. How far should our personal space be?
Ano ang tumatakbo sa isip niya sa posisyon naming ito?
Maingat na dumantay ang kanyang kamay sa aking braso, hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa mga mata ko. My hand felt his chest, shoving in a deep breath.
"Better?" I asked.
"Better." Bumaba saglit ang mga mata niya para sumulyap sa mga labi ko. "Maraming...salamat."
I could not explain why he sounded so pained when he thanked me as I watched Ian close his eyes gently.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro