7
CARLY
I GOT MY CAR BACK THE NEXT DAY. Natanaw ko sina Ian at Jack na naghihintay sa labas ng LTO building na iyon. Malayo-layo sila sa hanay ng mga upuang inuupuan ng iba pang naghihintay. I gave them a thanking smile. Ian just nodded, while Jack seemed a little uneasy and returned me an awkward smile. Kumaway pa si Jack bago ko inalis ang tingin sa kanila. Sinundan lang nila ako ng tingin, may kasama kasi akong officer. Hinatid niya ako sa kotse ko bago ko pinuntahan ang dalawang lalaki.
Palabas pa lang si Ian ng kotse nang pigilan ko. Nag-alok akong ihatid sila sa kantong patungo sa apartment. He glanced at my hand on his arm before meeting my gaze.
"Please, hayaan mo nang ako ang mag-process ng ticket mo." Mataman kong titig sa kanya.
Umiling siya. "Kanya-kanya tayo ng processing. Gusto ko rin makasiguradong may makukuha talaga akong ticket."
Nagbaba na lang ako ng tingin. Mukhang malayo pa ang inaasahan kong paggaan ng loob ni Ian sa akin. O iyong kaunting tiwala man lang na magkakampi kami pagdating sa paghahanap kay Zacharias. Two people with the same purpose were supposed to be in an allyship, right?
Pero, hindi ko naman siya pwedeng pilitin. Huwag na at baka magbago ang isip niya sa pagtulong sa akin...
"Okay." Ngiti ko nang makabawi mula sa bahagyang paghina ng loob. "I'm going then. Bawal pumarada rito."
Tuluyan nang nilisan ni Ian ang upuan sa tabi ko. Isasara na niya ang pinto nang matigilan.
"Mag-iingat sa pagmamaneho." May kung anong pakikiusap sa mga mata niya nang sabihin iyon.
I managed a smile. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili na igawad iyon kay Ian. Nahihiya ba akong ngitian siya? Sinabihan niya ako na mag-ingat, anong masama kung mapangiti ako niyon?
Bakit may malisya sa akin kapag ginawa ko 'yon?
I still smiled though. "Of course."
He gave me a nod. Bago pa niya nasara ang pinto, nagpahabol ako.
"Ian, thank you."
He met my eyes. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Salamat, sinamahan niyo ako ni Jack sa LTO." Nahihiya kong ngiti. "Thank you sa hapunan kagabi. Ang sarap ng ginisang munggo at..."
Ang sarap mong tingnan kahit natutulog ka na...
Oh, no!
As I lifted my eyes back on his, Ian remained stunned. Shocked.
"Thank you ulit." Abot ko sa handle ng pinto para maisara agad. Nahihiya na ako sa mga tumatakbo sa isip ko kapag nakatingin kay Ian.
He stepped away from my car, yet stared through the dark-tinted window.
Parang nanghihinayang pa akong umalis, but I finally did.
•·················•·················•
MAINGAY ANG PAGTAKATAK ng keyboard. It could be pretty annoying to hear, but there was urgency within me. Ako lang naman ang mag-isa sa kwarto, pero natatakot akong may makahuli sa akin.
I sighed in relief when my cellphone rang. Dinampot ko agad.
"Kanina pa ako naghihintay!" bungad ko kay Ian.
"Pasensya na. Naghanap pa ako ng comshop dito, eh. Hindi na yata uso ang comshop at ang hirap makahanap-"
I waved my hand. "Okay. Okay," pagmamadali ko. "Nasa website na ako. Naka-fill-up na rin ako ng online form nila rito. Ikaw na lang ang hinihintay ko."
Kung bakit ba naman kasi ayaw pa ni Ian na ako na rin ang mag-asikaso ng ticket niya. Naiintindihan kong may trust issues pa rin siya. Pero sino ba sa amin ang nang-iwan? Siya, 'di ba? Tapos siya pa ang may lakas ng loob magkaroon ng trust issues...
Or maybe, he has a story to tell regarding that...
Medyo gumusot ang mukha ko. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ingay sa comshop na napuntahan ni Ian. May mga naglalarong nagkakantyawan.
"Okay." his voice drowned the crowd he was with. "Nandito na ako."
At ilang minuto pa ang hinintay ko bago niya kinumpirmang nasa website na siya.
"Good. Mag-type ka sa To at From. May lalabas na pagpipiliang accomodations diyan. Hanapin mo itong vessel na ito." Kasunod niyon ang pagbanggit sa pangalan ng ferry at iba pang mahalagang mga detalye. Gayundin ang departure at arrival date. "Siguraduhin mong iyan sakto ang mahahanap mo, ha? Kanina marami pang slot na available para diyan."
Natahimik siya. Abala na siguro sa pagtitipa sa keyboard.
Pinaulit pa niya sa akin ang details.
"Paano kung puno na ang slot?"
"Puno na ba?" kabado kong tanong. "Hindi ko pa naman sina-submit ang form ko. Maghanap tayo ng may marami pang slot na available."
I heard his rich chuckle. "Joke lang. Magfi-fill-up na ako ng form."
Pinaikot ko na lang ang mga mata ko. "Seryosohin mo ang pinapagawa ko sa iyo, Zacharias-Ian pala."
"'Yan, kakaisip mo kay Zacharias, nagiging bukambibig mo na. Baka magselos niyan si Erik mo."
"Ha. Ha." Sarkastiko kong tawa.
I could imagine him smile along with that low chuckle. "Nagfi-fill-up pa ako, Carly. Ready ka na ba?"
"Oo. Ikaw na lang itong matagal," bagot kong saad.
He fell in a mysterious silence when I said that. Baka abala lang sa pag-fill up ng form.
Ilang minuto pa at tapos na kami sa pag-book online ng mga ticket namin.
"Babayaran na lang," wika ko habang hawak ng isang kamay ang cellphone. I was already closing the tabs on my laptop.
"Oo."
"Kung ako na ang pinag-process mo niyang ticket mo, eh 'di nakalibre ka sana sa bayarin."
"At bakit naman kailangan mo pa akong ilibre? Kababaeng tao."
Wala si Ian sa silid pero pinanlakihan ko siya ng mga mata. "So what? Iba na ang panahon ngayon, Ian."
Hay, ang sabihin niya, wala siyang tiwala na naman na babayaran ko ang ticket niya...
"Tama ka. Kung noon, hindi na mapaghihiwalay ang kasal na, ngayon..."
Both of us fell silent because of that statement.
"Sorry. Alam ko, nakaka-offend sa parte mo. Honest lang ako, kaya masanay ka na." I heard his gentle grunt. Nangalay yata si Ian sa pagkakaupo sa comshop. "Uuwi na ako sa amin."
Honest daw. I knew it wasn't true...
"Sige," matamlay kong saad at binaba ang monitor ng laptop.
What welcomed me was the row of books positioned on top of my study table. Maingat na nakasingit sa pagitan ng dalawa sa mga iyon ang mabalahibong sky blue cover ng diary ko noon. I felt its soft spine with a finger.
Nagdalawang-isip pa ako nung una. Pero kinuha ko rin sa huli ang diary. Isasama ko sa biyahe papuntang Cotabato.
Then a doorbell.
At saka ko lang naalala si Erik. Kahapon nga pala, nag-text siyang bibisitahin ako. Nagmamadaling iniwan ko ang laptop. I calmly recollected myself, consciously straightened my shorts with my hands as I left the room. Pinagbuksan ko kaagad si Erik ng pinto.
"Hi, sweetheart." Maluwag na ngiti ni Erik ang bumungad sa akin.
I looked at him endearingly. To be honest, Erik was a really nice person. He has a smile so welcoming that complimented the roundness of his eyes. Kahit may ilang guhit na sa kanyang mukha dala ng edad, hindi siya natatakot na mas palalimin ang mga guhit na iyon ng kanyang pagngiti. He's so generous with his smiles.
Kaya siguro, hindi na ako nagdalawang-isip na...piliin siya.
Kitang suot pa ni Erik ang uniporme ng firm nila. It was a gray polo shirt with a stitched logo of their engineering company on the upper right chest. Maikli ang tabas ng itim niyang buhok na mas nagpamukhang malinis sa kanya.
"Come in." Atras ko kaagad bago pa niya ako maabot.
Sa tuwing magkikita kami, lagi naming binabati ang isa't isa nang may halik. A gentle peck on each other's lips. But I just felt...strange, thinking that we would do it again this time.
Ewan ko.
Natigilan ako nang maalala si Ian.
"Sweetheart?" pukaw sa akin ni Erik.
"Oh." Lingon ko agad sa kanya bago sinara ang pinto.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Sinadya niyang hintayin ako para alalayan sa baywang at sabayan sa dining room.
"Still can't talk, sweetheart?" Concerned niyang silip sa mukha ko.
I slightly smiled. "No. Maigi na ako. See?" Tingala ko sa kanya.
"You voice sounds a little wavy than strained."
Good Lord. Kinabahan yata ako. Mas pinaghusayan ko pa ang pagkukunwari. Bahagya akong tumikhim.
"Sorry." At tumikhim ako ulit.
Tinaas niya ang bitbit na canvas bag. "I got you some oranges. Also an orange juice and lozenges. Baka maging sore throat na iyan, eh."
"Oh"-hininaan ko ang boses-"thank you, Erik."
Pinaupo ko siya sa may dining table. Maingat niyang nilabas ang bote ng orange juice at ang ilang pakete ng gamot para sa sore throat. Dinampot ko ang canvas bag at dinala iyon sa lababo. Inisa-isa ko ng hugas ang mga orange bago nilagay sa isang bowl. Then I returned to Erik.
"Makati lang ba ang lalamunan mo? Hindi ka ba inuubo o sinisipon?" Nag-aalala siya pero nginitian pa rin ako.
"Oh, I'll be fine."
"Imu-move ko na lang siguro ang schedule para sa marriage counseling natin." Pinagbukas niya ako ng bote ng orange juice at inabot iyon sa akin. "Laging nagsisimula sa mga ganyan ang sakit, eh. Sa sipon o pagkakaroon ng ubo."
"Erik"-baba ko sa orange juice-"I'll be alright, hmm?"
Tumango siya. "That's what you always say lately."
Lately?
"Feeling ko tuloy, hindi mo na ako kailangan." Baba niya saglit ng tingin.
"Erik..." Pilit kong salo sa mga mata niya.
And the way his eyes seemed to beg completely let guilt infiltrate me. Medyo kinabahan na ako sa mga ginagawa ko. Lalo na sa pagsisinungaling ko kay Erik.
Magaan siyang tumawa, pumihit pa ng pagkakaupo para tuluyang mapaharap sa akin. "Matutuloy pa rin naman ang kasal natin, 'di ba?"
I bit my lower lip.
Unti-unti siyang sumeryoso. "I know you weren't home last night, Carly."
Doon na ako kinutuban ng masama. Lakas-loob kong tinapatan ang pagkakatitig ng mga mata ni Erik sa akin.
"I got worried. So I thought, I'll ask your mom to pay you a visit."
"Erik, I-" Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong nakapatong sa kanya.
"Please, you don't have to explain anything, Carly," composed niyang wika. "All I want to make sure of is, matutuloy pa rin ang kasal natin. 'Di ba?"
Pagbitaw ni Erik ng huling mga kataga, doon na bumigat ang kanyang tono. His eyes gravely darkened while waiting for my answer.
"Of course... Of course, Erik," I answered defensively. "Anong klase bang tanong iyan? Wala lang ako rito kagabi dahil nagkayayaan kami ng friends ko... It's a surprise! Kaya kahit makati ang lalamunan ko... I... I... joined."
"I believe you." Paglambot ng mukha ni Erik. "Na lalamunan mo lang ang nangati. At mga kaibigan mo ang kasama mo kagabi."
I felt so heavy. Nagkaroon ako ng amnesia pero hindi ako ginawang tanga ng kondisyon ko. Alam kong may pasaring na kalakip ang mga sinabi niya. But how could Erik be so suspicious of me this quickly?
I had a feeling that I miscalculated him...
"Kahapon lang nila nalamang ikakasal na ako... so they were planning a bachelorette party for me..." pagdadahilan ko ulit. "It'll be a cruise kind of bachelorette party, Erik."
Naningkit ang mga mata niya.
"No sexy strippers. Don't worry, Erik," I assured him.
"Really..." Mahigpit niyang gagap sa kamay ko. May kung anong paglamig sa tinig niya habang mataman akong tinititigan.
Mas tinatagan ko ang loob. I needed to do this. I already had my plans set.
"Yes," I answered confidently. "At dahil matagal na kaming hindi nakakapag-bonding, I want to join them."
"Okay then. When is this party?" Maingat na kumilos ang mga kamay niya. Nagbabalat ng orange.
"This weekend," I lied.
"Ngayong weekend agad?" Nagdududang tingin ni Erik sa akin. "You just met last night, right? Wednesday? Tapos ngayong Sabado agad, may marerentahan kayong yacht? Nakapag-book kayo agad ng accommodations?"
"Erik, I told you. It won't have strippers in it. It won't be really that grand. It will be just me and my friends, in a yacht, cooking food and talking and bonding together." Magaan kong ngiti. "One of my friends will borrow her father's yacht." Si Kelly ang tinutukoy ko rito, kahit hindi totoong in-touch na ulit kaming dalawa. "Kaya hindi na kami maha-hassle magpa-book ng anumang accommodations."
"On a yacht where?" Abot niya ng isang pilas ng orange sa akin.
Inabot ko iyon. "Sa Batangas."
He nodded. Medyo nakahinga ako nang maluwag n'on. Mukhang nakalusot ang dahilan ko.
"Bachelorette party...so that's supposed to be for only one night, right?"
"Right," sang-ayon ko na lang para hindi ako mabuhol-buhol sa kadadahilan kay Erik.
Bago pa niya ako tanungin, kumagat na ako sa orange na hawak ko.
"Carly"-lingon niya sa akin-"noong simula pa lang ng pagde-date natin, alam mo na naman sigurong seryosong relasyon ang gusto ko, 'di ba? I'm too old for games. I don't want to waste time fixing other people's issues or playing around."
Maingat akong tumango. Napilit ko ang sariling ngumiti. "I know. At iyon din ang gusto ko sa isang relasyon...Erik."
"Good. I am just reminding you."
I took in a deep breath. "Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Are you mad that I'm having my own bachelorette party? Kasi, kung labag naman sa loob mo-"
"No, Carly," he interrupted. "Don't worry. It's okay."
Sa tingin ko, hindi okay iyon kay Erik. Nakapapanibago na ganito siya umakto. O dahil masyado naming minadali ang dating stage? Kaya nagulat akong may ganito siyang side...
Ang lakas niyang makiramdam.
Again, I miscalculated him. Siyang pangangasim ng mukha ko sa muling pagkagat ng orange.
There he goes with his gentle chuckle again.
"Masyado yatang maasim ang nakuha natin. Do you want sugar or salt with that?"
Umiling ako, tinawanan na lang ang nangyari. "No, Erik. It's okay. Dapat lang din na maasim ang ini-intake ko para mawala itong pangangati ng lalamunan ko."
Naihilig niya ang ulo habang nakatitig sa akin. All of a sudden, Erik seemed to be admiring me; which felt weird, because of his dark insinuations earlier.
•·················•·················•
NAGTITIMPING TINIYAGA KO ANG MGA BITBITIN. Hindi ako magkandaugaga sa pagsukbit ulit ng bag at bitbit sa iba pa matapos silang idaan sa metal detector, i-xray at tusuk-tusukin ng security sa loob. Kinailangan ko pang ibaba ang dalawang bag para mailabas mula sa shoulder bag ang print out ng e-ticket at valid ID ko sa staff bago pumirma ng mga dapat pirmahan.
Sinukbit ko ang isang malaking backpack at binitbit ng dalawang mga braso ang sports bag. Medyo nakakainis kasi akala ko, matutulungan ako ni Ian sa dami ng bitbitin ko. To think, I would be carrying all these stuff while wearing a maxi dress-a blue floral maxidress topped with a white knitted cardigan!
Thank God, a staff helped me while leading me to the VIP waiting room. Doon ko komportableng pinalipas ang ilang mga oras bago ang boarding time.
Who was I kidding? It was never comfortable! Kulang na lang sumilab ang bunbunan ko dahil walang sinasagot si Ian sa mga tawag at text ko.
Siyang silip sa pinto ng staff sa akin. "Hi, Ma'am. Sasakay na ho tayo sa barko."
I internally sighed. Sa mismong loob ng barko ko na lang siguro hihintayin si Ian.
But, Good Lord, what if Ian didn't come?
Paano kung maiwanan siya ng barko?
Kung mag-back out man si Ian, eh 'di bahala siya. Magbabakasyon na lang siguro ako sa Cotabato, o magtatanong-tanong doon tungkol kay Zacharias. Wala akong pakialam kung masyadong malaki at malawak ang Cotabato para sa akin. Baka may makakilala sa akin doon kung talagang mag-asawa kami. That would make me lucky, then.
Binitbit ng staff ang dalawang sports bag para sa akin. Sinundan ko siya, kaya muli kong nadaanan ang isa sa mga pampublikong waiting area. Dito nila pinapupwesto ang mga pasaherong economy tickets ang in-avail. May hanay ng mga bakal na upuan na kulay silver at ilang food stalls.
Sinundan ko ang staff na magdadala rin sa akin sa state room. Wala akong pagdadalawang-isip gumastos ng malaki basta magiging komportable ako sa tutulugan sa barko.
Medyo nanginig ang mga tuhod ko dahil sa pakiramdam na tubig ang nasa ilalim ng nilakaran kong tulay paakyat ng barko. I could feel the afternoon sun, softly touching my face. Nag-iimbita ang maalat na amoy ng karagatan na humalo sa preskong hangin. Mabuti na lang at naka-low ponytail ang buhok ko. Hindi siya napaglaruan ng hangin.
Habang paakyat na ako sa barko, nakita kong nasa dulo niyon si Ian. Nakatanaw sa akin.
He turned his back against the sunlight, making a portion of his hair strands and skin touched by gold. Hinahangin ang alon-alon niyang buhok. Disente ang datingan niya sa suot na button-down shirt na itim, na may puting checkered pattern at asul na jeans.
I shot him a glare as I got closer to him. Gusto ko siyang sugurin pero nag-ingat pa rin sa paglakad. Nakapalda lang kasi ako. At sa pagaspas ng hangin, dama ko ang paninikit ng tela sa mga binti ko. If I would hurry, the clingy skirt would trip me.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko?" singhal ko sa kanya nang malapitan.
He shrugged. "Pasensya na. Siksikan, eh."
"Anong siksikan? I was here hours before our departure time! Nasaan ka nung mga panahong iyon?"
"Late ako nakarating," simple niyang sagot, tila ayaw na niyang may pag-awayan pa.
"Oh, really? Eh, bakit ngayong nandito ka na hindi mo ako-" Napasinghap na lang ako nang bumangga sa dibdib ni Ian. Alertong napakapit ako sa mga braso niya bago lumingon sa dagsa ng mga tao sa likuran ko. Hindi man nila intensyon, may ilang pasaherong napakaraming kasama o bitbitin, kaya nasasagi ako. Ako na nakaharang na pala sa daraanan nila.
As I looked behind me, Ian managed to pull me away from blocking the way.
I sighed in relief. Wala sa loob na napadantay ako sa dibdib niya bago nakaalala. Humiwalay ako agad sa kanya.
"Naku! Grabe namang..." Wala sa loob na natapik ko ang didbib niya. Para akong napaso. Inalis ko agad ang kamay nang paningkitan ako ni Ian ng mga mata sa ginawa ko. "Grabe, ang dami namang tao rito!" komento ko, panay ang linga sa paligid.
Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi. Nakakaasar kung paano niya ako tingnan ngayon.
Sa tingin ko, hindi mapuputol ang pagtitinginan ng mga mata namin kung hindi ako binalikan ng staff.
"Ma'am," magalang na interupsyon ng lalaki, "this way po," aniya nang mapunta sa kanya ang tingin ko.
In-adjust ko nang kaunti ang pagkakasukbit sa backpack bago ko iniwan si Ian para sundan ang staff. Tumigil din ako para tanawin ulit si Ian na nakasunod pala sa amin.
"Dito ulit tayo magkita, okay?" instruksyon ko sa kanya. "Hintayin mo lang ako rito!"
Sumunod na ako sa staff at hindi siya nilingon ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro