Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6

CARLY

"HINDI," mariing tanggi ni Ian. "Hindi kita ihahatid pauwi sa kung saan ka man nakatira."

"At bakit?" Pamaywang ko.

Pagkabalik ko sa apartment niya, abala na si Ian sa paghuhugas ng bigas. Sinamantala niya yata ang pag-alis ko para makabili ng lulutuing panghapunan.

"Ano ka, five years old?" Salubong ang mga kilay na lingon niya sa akin. "Kailangan pa kita ihatid?"

"Eh, hindi ko nga alam kung ano ang mga sasakyan pauwi sa condo ko! I am not familiar with commuting and stuff."

Nakatalikod siya mula sa direksyon ko kaya hindi ko na makita ang reaksyon niya nang ibalik ang tingin sa harap. Mabibigat ang mga hakbang na sinugod ko siya.

"Ian, pakiusap naman. Ihatid mo ako sa amin. Commute. I'll pay. Pati pamasahe mo pauwi babayaran ko."

He groaned. "Ayoko nang bumiyahe, pagod ako."

Bwisit din talaga itong lalaking ito. Kung hindi lang dahil sa paghahanap ko kay Zacharias, hindi ko pagtitiyagaan itong mga nangyayari. And maybe, he was being this stubborn because he knew I needed him.

Oo, naiintindihan kong kakauwi lang niya galing sa biyahe nung tangka niya akong takasan at pumunta sa Cotabato nang mag-isa. Pero kahit na. Kasalanan ko bang pinagod niya ang sarili niya, matakasan lang ako?

"Okay then." Upo ko sa dining table. "Make a dinner for two then."

He wildly turned and blurted, "For two?"

"Oo. Tutal, sasamahan niyo naman ako ni Jack sa LTO bukas, dito na lang ako mago-overnight," hamon ko sa kanya, may kalakip pang nang-aasar na ngiti. "Dito na rin ako magdi-dinner."

"Hindi," anas niya. "Ano na lang ang iisipin ng Erik mo?" Tumalikod siya. Pinaspasan ni Ian ang paghuhugas sa bigas at pinatong agad sa kalan ang kaldero. "Bakit hindi ka na lang magpasundo riyan sa pakakasalan mo?" Bukas niya sa gas at kalan.

"Magpasundo?" I smiled wider. "Eh 'di magtataka si Erik kung bakit nandito ako. Magtataka 'yon kung sino ang kinikita ko rito, 'di ba?"

I heard him groan as he spun to face my direction. Kita ko sa mga mata ni Ian na talong-talo na siya pero ayaw pa ring sumuko.

"I told you, no one should know that I am looking for Zacharias. Especially Erik."

Lumapit siya sa dining table. He stood across where I sat. Tinukod ni Ian ang mga kamay sa ibabaw ng sandalan ng isang upuan.

"Fine. Dumito ka na muna kung iyan ang gusto mo." Matamang titig niya sa akin.

As if matatakot niya ako sa patitig-titig niyang ganyan.

I gave him a slight smile. Hindi ko mabigyan ng effort ang pagngiting iyon dahil bigla akong inatake ng kung anong kaba sa dibdib. Bigla ko na lang naramdamang parang hindi magandang ideya itong nasa iisang bahay o...kwarto lang kami ni Ian...

Muntik na akong mapatalon nang may initsa siya sa direksyon ko. Isang plastik iyon ng mga...dahon.

"Habang 'di pa luto ang bigas, maghimay ka muna niyang malunggay."

Namilog ang mga mata ko. Maingat kong hinila palabas ng plastic ang mga tangkay ng malunggay. Binigkis ang mga iyon ng goma.

"Himayin?" Balik ng mga mata ko sa kanya.

"Oo. Tatanggalin mo ang mga dahon niyan," maikling sagot ni Ian bago tinungo ang pingganan.

"This?" Hawak ko sa isang maliit na dahon na pinitas para ipakita sa kanya.

Pabalik na siya, may dalang strainer na gawa sa plastic. Nilapag niya iyon sa harapan ko.

"Oo," aniya matapos makita ang hawak kong dahon.

Binalik ko sa malunggay ang mga mata ko. "But this is a lot!"

"Iilang tangkay lang 'yan, Carly." Kalmadong dampot niya sa plastic ng munggo. "Gawin mo na iyan at lilinisin ko lang itong mga munggo."

Nakatalikod na naman siya sa akin nang marating ang lababo.

Napasimangot ako. Pumutol ako ng isang tanggay at isa-isang tinanggal ang mga dahon niyon. After plucking out one tiny leaf, I would drop it in the strainer. Ian quickly finished washing the monggo seeds when he checked on me. Sa sobrang boring nitong paghihimay ng malunggay, napapansin ko ang bawat kilos niya. He cocked his head to the side. Kita ko ang paghahalo ng pagkalito at pagkadismaya sa kanyang mukha.

Hindi na yata siya nakatiis kaya binibit sa dining table ang bagong hugas na mga munggo.

Inikot niya ang mesa para umupo sa tabi ko. His arm stretched. Kumuha siya ng isang malaking tangkay ng malunggay.

"Hindi ganyan, Carly," maingat niyang wika.

Napunta sa kamay niya ang paningin ko. Pinutol niya ang mas maliit na tangkay ng malunggay at hinawakan ang isang dulo niyon. His fingers ran through the main branch, making the leaves jump down to the strainer after one swift stroke. At inulit niya iyon sa panibagong mas maliit na tangkay.

Hindi ko napansing napaawang na ang mga labi ko. Sinadya kong dumampot ng isang dahon mula sa strainer. "May tangkay pa ito, oh." Pakita ko sa kanya.

Sumulyap lang siya bago tinuloy ang trabaho. "Maliit lang 'yan. Nakakain pa iyan. Okay lang iyan."

"Matigas ito kapag nakain, 'di ba?"

"Maliit lang iyan at nakakain pa iyan," bagot niyang ulit. "At okay lang naman kung hindi perfect na dahon lang ang mahimay mo. Okay? Basta hindi malalaki 'yong mga tangkay na mahahalo mo riyan."

Binalik ko na lang sa strainer ang dahon. Sinimulan ko nang gayahin si Ian.

Mabilis kaming natapos maghimay ni Ian. Iniwan niya ako at tsinek ang sinasaing.

"Paluto na ito." Balik niya sa takip ng kaldero bago ako hinarap. "Marunong ka naman siguro magpatay ng kalan-"

"Oo," mariin kong saad, para kasing minamaliit na niya ako por que hindi ako marunong maghimay ng malunggay.

"Good." He sounded convinced and walked on. "Pakipatay na lang ang kalan. At huwag mong lulutuin iyang mga munggo at malunggay nang wala pa ako. Hintayin mo ako."

Sinundan ko siya ng tingin. "At saan ka naman pupunta?"

Pagsara ng pinto lang ang sinagot niya sa akin.

Sungit.

Tinanaw ko ang kalan at kaldero. Malapit na raw maluto 'yong kanin, sabi ni Ian. I better go guard it just to make sure I'll turn off the stove in time. Pagkatapos, nilapag ko sa tabi ng kalan ang kaldero. Hindi ko man lang natanong kay Ian kung anong luto ang gagawin niya sa malunggay at munggo. Umupo na lang ako sa dining table.

Inisa-isa ko ng tingin ang mga naroon. May nakalapag doon na cutting board. Sa cutting board, may hiwang mga bawang, sibuyas at luya na makikita. Tapos, ang strainer na dahon ng malunggay ang laman. Ang huli, isang bowl na puno ng bagong hugas na munggo.

Bahagyang naningkit ang mga mata ko. Inaalala ko kung na-encounter ko na ba ang ganitong mga sangkap. Kung anong luto ang pwedeng gawin base sa mga ito.

'Yong mga nasa cutting board, pwedeng igisa. Igigisa muna. Sauteing always comes first.

Ang dahon ng malunggay...kadalasan, sinasabawan kapag niluluto. So, posibleng may sabaw ang uulamin namin. Tapos, munggo.

You can associate a lot with monggo seeds. Pwede sa savory, pwede sa matatamis tulad ng hopia o tinapay.

I could not help smiling as I was getting nearer to a conclusion.

Alam ko na kung ano ang gustong lutuin ni Ian.

"Oh! Good Lord!" singhap ko nang bumigat ang mga balikat ko.

Palinga-linga ako habang dinadama ang tela. Pumihit ako mula sa kinauupuan para humarap sa kanan ko. I could feel the blanket heavily draped over my shoulders as Ian met my gaze.

"Kumot mo," aniya bago tsinek ang kanin. "Good job, Carly. Mukhang hindi naman nasunog."

I left my seat. "Ginisang munggo ang lulutuin mo?"

"Oo." Handa niya sa mas maliit na kaldero.

"I can help." Higpit ko sa pagkakayakap ng kumot sa mga balikat ko.

"Huwag na, Carly." Balik niya sa mesa para kolektahin ang mga sangkap. "Ang mabuti pa, ayusin mo na lang ang kama. Doon ka matutulog."

"At ikaw sa sofa?"

He tugged an grin. "Alangan namang sa tabi mo, 'di ba?"

Nagbaba na lang ako ng tingin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nakakadismaya sa sinagot ni Ian sa akin. Naging abala na siya sa pagluluto kaya inayos ko na ang kama.

I just discovered that aside from a blanket, a bed sheet was folded with what Ian gave me as well. Napaisip tuloy ako kung ito ba ang kinuha niya sa labas nung iniwan akong mag-isa sa apartment?

Ininspeksyon ko muna ang bed sheet. Mukhang malinis pa naman. May punda rin ang mga unan at hindi pa marumi kaya hinayaan ko na lang. Napunta sa malayo ang mga mata ko.

Sa sofa.

I had an idea.

Nilisan ko ang kama at tinaklob sa sofa ang bed sheet. I could not help closing my eyes a bit. Umabot na sa akin ang bango ng ginisang bawang, sibuyas at luya mula sa kusina. I continued arranging Ian's temporary bed. Nang matakluban ang sofa ng bed sheet, nilagay ko ang isang unan sa dulo niyon. Para hihigaan na lang ni Ian. Bumalik ako sa kama, umupo sa gilid niyon at inangat ang kumot na bigay ni Ian.

Ilalagay ko rin sana ang kumot sa hihigaan niya kaya lang, iisa lang itong inabot na kumot sa akin.

Tinanaw ko si Ian sa kusina. Nagbubuhos na siya ng munggo at kaunting tubig.

Pinakiramdaman ko ang silid. Mukhang hindi naman malamig. Pero kahit gaano pa kainit o kalamig sa kwarto, lagi akong natutulog nang may kumot. It had always been this habit, a-let's say-protocol, to always use a blanket when going to sleep.

For some reason, I could not just allow Ian to use the blanket tonight.

"Ian," tawag ko, "iisa lang ang kumot."

"Oo. Sa 'yo na 'yan," walang lingon niyang sagot.

"Sa akin?"

"Hindi ako nagkukumot kapag natutulog."

Oh...

Napatitig ako sa hawak kong parte ng kumot. I left it on the bed. Hindi na ako nag-abalang tiklupin ulit ang kumot o ayusin ang nag-iisang unan na natira doon. Magugulo rin naman mamaya kapag tinulugan ko na.

I immediately headed to the kitchen. Sumimple ako ng pwesto sa likuran ni Ian, sumilip sa niluluto niya. Naglagay siya ng kaunting asin sa kanyang niluluto bago iyon maingat na hinalo. I could not help admiring the smell. A little tiptoeing would help me see the food better.

"God!" Gulat kong hablot sa mga braso ni Ian nang ma-out balance ako.

Oh, Good Lord. I felt my body squished, pressed against his hard back.

Ian looked at me over his shoulder. And he didn't look okay with this. Matalim ang tingin niya sa akin.

"Ano ba?" awtomatikong anas niya bago natauhan nang masalo ang nag-aalala kong tingin.

"S-Sorry..." Nahihiya kong ngiti sa kanya. I could feel myself so tense I was already squeezing his arm. "A-Ano kasi... Mabango..."

Natauhan na ako nang mapansing magkalapit na ang mga mukha namin. Mabilis akong humiwalay.

"'Yong munggo!" I awkwardly laughed. "'Yong munggo...mabango..."

He just stared at me. At kung hindi pa ako aalis sa harapan niya baka may magawa pa akong mas nakakahiya.

"A-Ano...mag-aayos na lang ako ng mga pinggan..." Nangapa muna ako ng sunod na sasabihin. "...sa mesa!" presenta ko at iniwanan na siya.

Nakita ko agad ang lalagyan ng mga pinggan at nagmamadaling inayos ang mesang kakainan namin. I could tell he was watching me. At masaya akong hindi na naulit iyong nilapitan niya ako para turuan kung ano ang tamang gawin.

Pagkatapos ayusin ang mesa, kinontento ko na lang ang sarili sa pag-upo roon. Tinatanaw-tanaw ko na lang si Ian habang hinihintay maluto ang ulam. Minsan naman, panay ang check ko sa cellphone. Paano kasi, naisipan ni Erik na tawagan ako. Nagdahilan na lang ako sa text na wala sa mood magsalita dahil nangangati ang lalamunan ko.

I stowed my phone away, and stared at Ian. Again.

What a sexy guy. I mean, look at that tight ass against his jeans. Kung hindi dahil sa pattern ng button-down shirt niya, baka mas kita ang pagkakabakat ng katawan niya roon. Kung hindi mabibigat ang trabaho niya, panay siguro ang gym. Hard muscles and all... Kapani-paniwala bang mag-isa lang ang taong ito sa buhay?

Walang...girlfriend?

Ah, no. Most probably, he already has...or at least, had...a girlfriend.

Kaya siguro nangingilag siya sa akin...nagsusungit. Nagalit pa nung aksidente kong nayakap kanina sa likuran. Kasi, loyal siya sa girlfriend niya... Imposibleng wala siyang girlfriend...

I felt a little sad at that thought.

Nakarinig ako ng pag-click. Pagtanggal ni Ian sa takip ng kaldero, oh, Diyos ko, kumalat agad ang masarap na amoy ng ginisang munggo. I could not help smiling. Nagmamadaling kumuha siya ng bowl, nilapag iyon sa gitna ng mesa bago nilapit ang kaldero para ibuhos doon ang ulam. I watched in awe.

There was nothing appetizing with how this food looked, pero nadala ako nung amoy.

O marahil, alaala. Hindi ko alam kung bakit excited akong mag-ulam ng munggo. Ni wala akong maalalang nakatikim ako ng ganitong ulam.

Napalitan ng pagkalito ang sigla sa mukha ko.

Kung hindi pa ako nakakatikim, bakit alam ko kung ano ang ginisang munggo? Kung paano siya lutuin?

Umalis din agad si Ian, iniwan sa lababo ang kalderong ginamit. Pagbalik niya, dala na niya ang kalderong may lamang kanin. Sinadya kong ipwesto sa tabi ko ang pinggan ni Ian kaya roon siya umupo. Nagulat ako nang salinan niya ng kanin ang pinggan ko. Dalawang sandok lang tapos nilagyan na niya ng kanin ang sariling pinggan.

I didn't know but...I was actually fine with this amount of rice on my plate.

"Oh, wait." Iwan sa akin ni Ian. May naiwan siya sa gilid ng kalan at dinala ang dalawang pack ng chicharon. Nilagyan niya niyon ang ginisang munggo sa bowl habang mainit-init pa. May sariling kutsara ang bowl na ginamit niya para haluin ulit iyon.

"Palambutin lang natin nang kaunti 'yong chicharon," paliwanag niya.

And the most rewarding experience had arrived. Kumain na rin kami.

Good Lord. Ang sarap. I barely noticed Ian's eyes on me. Nangingiting nag-iwas siya ng tingin nang mahuli ko.

"Gutom na ako," mataray na depensa ko kung bakit ang takaw kong kumain.

"Gutom daw. Amoy pa nga lang, gusto mo nang kainin, eh," tukso niya sa akin.

Magaan akong natawa. "Amoy masarap, eh, bakit ba?"

"'Yong munggo o ako?"

"Excuse me?" Panlalaki ng mga mata ko sa kanya.

"Eh, sa akin ka nakayakap kanina. Ako yata 'yong inaamoy mo, eh." Nagsususpetsa niyang nakaw ng tingin sa akin.

"Ian, mahiya ka nga!" Palo ko sa kanya. Nagsisi rin ako.

God, bakit ko siya pinalo? We're not even that close.

Natatawang napailing siya. "Naku, lagot tayo sa Erik mo."

Kumupas tuloy ang ngiti ko. Doon na nagsimula ang pananahimik namin sa harap ng hapag. We focused on our food until Ian decided to speak.

"Carly..."

"Yes?" Nakaw ko ng sulyap. Hindi siya nakatingin sa akin. Abala siya sa paglalagay ng ulam na naman sa pinggan niya.

"Si Erik. Anong klase ba siyang...lalaki?"

"Bakit mo naman inaalam?" Bahagyang harap ko ng pagkakaupo sa kanya. "Hindi ba, ayaw mong nagtatanong ako ng mga personal stuff tungkol sa 'yo? Wala na ako roon. Hindi ko na business iyon. 'Yon ang mga pinagsasasabi mo. So why should I..."

"Gusto ko lang malaman." Seryosong tingin ang binigay ni Ian sa akin. "Kasi, parang natatakot kang malaman niya ang tungkol kay...Zacharias. Ibig sabihin ba niyon, wala kang assurance kung gaano ka kamahal ni Erik?"

Napaiwas ako ng tingin.

"H-Hindi naman ako nakikialam," mabilis niyang depensa. "Curious lang ako. Kasi hindi ba awkward na...na ibang lalaki ang tumutulong sa iyo? Hindi ba dapat...'yong fiancé mo ang unang taong tutulong sa iyo pagdating sa ganitong mga bagay?"

"Like what I said," mahina kong sagot, "ayokong malaman niya dahil ayokong masaktan siya."

"Pero...kailangan niyang makipag-deal sa sakit na iyon. He should be ready to hurt. Parte ng relasyon iyon, 'di ba? Ang mga problema. Ang mga challenges... May pagkakataong...kailangan ninyong masaktan. O...kailangan niyang masaktan at magsakripisyo para sa iyo."

Ang bigat naman ng mga pinagsasasabi ni Ian.

"Well"-pagbabago ng tono niya, bumalik doon ang kawalan ng pakialam-"curious lang ako. That's all."

"Curious? O naghahanap ka lang ng reason para hindi ma-involve sa paghahanap ko kay Zacharias?"

Hindi siya nakasagot. Hindi ko rin siya matingnan para malaman kung ano ang naging dating ng mga sinabi ko sa kanya.

"You had every opportunity to go to him, right? Dinahilan mong nakonsensya ka lang kaya hindi mo tinuloy. But now...dahil sa mga sinabi mo, naisip ko na...umatras ka siguro dahil hindi ka pa handang harapin si Zacharias."

Mas binilisan niya ang pagkain. Pinag-isipan kong mabuti ang susunod na mga sasabihin.

"Kailan ka magiging ready harapin siya?"

He took a drink of water before answering. "Kung kailan mo siya handang harapin."

Natahimik na lang ako at tinapos ang pagkain. Kahit anong pangungulit ko, hindi pumayag si Ian na ako ang maghugas ng mga pinggan. Kaya nasa banyo ako habang inaasikaso ang mga iyon. Medyo makitid ang banyo, isang tao lang talaga ang malayang makagagalaw sa loob niyon. I used a finger, put a toothpaste on it before rubbing it on my teeth and tongue. Nakailang mumog ako bago nakuntento. Naghugas ako ng kamay at naghilamos.

Then I stopped and stared at my own reflection.

Hindi ko alam kung ano ang pamilyar dito. Ganoong klase ng damdamin kasi ang pumitik sa dibdib ko. My eyes landed on the soap I used.

Wala. Wala talaga akong maalala.

Sumuko rin ako, lumabas ng banyo, at nadatnan ang paghuhubad ni Ian ng shirt.

Alam kong mali, pero naunahan na ako ng mga mata ko.

Napasadahan ko na siya ng tingin. Mula sa malapad niyang dibdib hanggang sa nagtitigasang mga braso. A hint of muscular line stroked at the middle of his stomach, supported by two more on the sides that emphasized his pelvis. Mahigpit ang pagkakalambitin ng pantalon niya sa mga balakang. Napasinghap ako nang mahuli ang pagkakatitig ko sa kanya.

"Oh, sorry!" Iwas ko agad ng tingin sa kanya. "T-Tapos na ako gumamit ng banyo."

Sinampay niya ang hinubad na button-down shirt sa balikat. Nagnakaw ako ng tingin at nakitang palapit siya sa direksyon ko.

I had to stop then breathe to remain sane at our nearness.

Pag-angat ko ng tingin, dibdib niya agad ang sumalubong sa akin. No one knew how relieved I was he wasn't that hairy. There's nothing wrong with that, it's just my preference. He had intimidating nipples though...dark with emphasized tips. Babagay si Ian sa mga lalaking nakikita mong naka-hula skirt sa Hawaii... Maganda ang mga muscle... Nakakainit tingnan... Masarap sa paningin ang pagkakakayumanggi ng balat...

"Matulog ka na. Para maaga nating mabawi sa LTO ang kotse mo."

I nodded and finally saw his eyes. "Oo. Dapat lang!"

Damn. I think, I was already fantasizing his hot body. I should really sleep.

Huwag ko lang sana dalhin hanggang sa panaginip ang mga nakita ko...

Before I left, I stole a glance at him. He was a hiding a smile. I didn't know why I assumed that. Ni hindi nga kumukurba ang mga labi ni Ian. It must be this certain vibe emanating from him... It told me that he was smiling even if he wasn't...

Oh, this was crazy. Nagmadali na lang ako sa pagsampa sa kama, inayos nang kaunti ang unan bago pinatong doon ang ulo ko. Inangat ko ulit ang ulo ko para salansanin ang mahaba kong buhok. I carefully placed my hair on one side and laid down again. I draped the blanket over my shoulders and body, yet allowed it to expose my thighs and legs. Kung hindi, maiinitan ako, lalo na at paghahatian namin ni Ian ang nag-iisang stand fan. Pinuwesto niya iyon sa pagitan ng bedroom at salas ng apartment, umiikot para maabutan ng hangin ang pupwestuhan namin.

Masyadong tahimik sa apartment. Nagapi tuloy ako ng kung ano-anong mga isipin. Bumalik na naman iyon sa katawan ni Ian. Hindi ko naman first time makakita ng ganoong katawan. Ng ganoong kalaking katawan. Ng mga muscle. There's a hell lot on Instagram. Mga naka-brief pa nga 'yong iba.

And yet... Ian...

Nag-init ang pisngi ko nang alalahanin ang nangyari kanina.

Hindi sana ako napanganga nung pasadahan siya ng tingin.

Oh, my goodness!

Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko. Mabango naman ang kumot. Naghalo ang amoy ng detergent at florals. Medyo natagalan si Ian sa banyo. Bumangon tuloy ako at nag-ikot nang kaunti sa maliit na apartment. Sinilip ko ang cabinet na naiwang nakaawang ang pinto. Bag lang ni Ian ang nakalagay roon. Bumalik din ako sa kama. Nag-check ng social media accounts.

I was finally distracted by a text message coming from Erik. Dumapa ako sa kama habang binabasa iyon.

Hi, Carly. Still up? I hope my sweetheart is feeling better now. Drink lots of warm water, para mawala ang pangangati ng lalamunan. Do you want oranges? I'll bring you some tomorrow, after my office hours.

Napabuntonghininga na lang ako. Nakaramdam ng guilt.

How could I do these things with Erik in the picture? Oo. Okay lang naman siguro na kahit taken ka na, ma-amaze ka pa rin sa mga muscle, sa mga cute na actors o astiging singers na lalaki...hindi ba? But still, I was lying to Erik about Zacharias.

And look at him being so sweet and kind towards me.

Nag-reply ako agad.

Hi, sweetheart. I think I'm doing well. Alam mo naman ang sweetheart mo, becoming a strong, independent woman already. Pero syempre, I'll feel a lot better with you with me. Hintayin ko bukas ang pasalubong mong oranges.

Napatigil ako. Ititipa ko na sana ang I love you, pero parang pakiramdam ko, mali iyon.

I shoved in a deep breath and still typed anyway.

I love you, dugtong ko sa text para sa kanya. Good night.

As soon as I put down my phone, I slowly turned my head. Nakatayo na pala si Ian sa tapat ng tutulugan niyang sofa. His eyes were watching me.

Alanganin ang naging pag ngiti ko sa kanya. "It's Erik."

Magalang niya akong tinanguan bago lumayo. Patungo siya sa pinto.

"Papatayin ko ang ilaw," abiso ni Ian sa akin.

I sucked in a deep breath. What was I supposed to think, being alone in a dark room with a man? Someone I barely knew what he would do next? Ayos lang sa aking matulog nang patay ang ilaw o bukas ang dim lights ng kwarto, pero itong sitwasyon namin...

"Hirap kasi ako makatulog nang bukas ang ilaw." Lingon niya sa akin. "Pero ikaw? Kung ayaw mo-"

"No. It's okay." Ayos ko ng pagkakahiga sa kama. "Turn it off."

Napatitig siya sa akin. Nakailang ayos na ako ng kumot at sa palda ng dress ko bago napansin ang pagkakatitig niya.

"Yes, Ian?" Taas ko ng isang kilay.

"Hindi ka takot?"

His gaze was dark, intent. It was supposed to scare me, but it didn't. He looked at me as if he was putting up his guard by being this cold and unfeeling towards me.

"Takot saan?"

"Ikaw. Ako. Mag-isa lang tayo rito. Papatayin ko pa ang ilaw."

Medyo matamlay ang pagtawa ko. Dala na rin siguro ng antok. "Ano ang ikakatakot ko? Apartment ito. Sumigaw lang ako ng saklolo, kakalabugin ng mga kapitbahay ang pinto rito."

"You think so?" He grinned at me, challenging me.

"I can stab you with the heels of my shoes." I smirked back. "In the eyeballs, Ian."

Magaan siyang tumawa. "Good."

At tinuloy na niya ang pagpatay sa ilaw. Ang naiwang pinagmumulan na lang ng liwanag ay ang ilaw sa banyo na sinadya niyang iwanang bukas, gayundin ang pinto niyon.

Ian settled on the sofa. Nung nakahiga na siya roon, hindi ko na maaninagan ang kanyang mukha. Umabot lang kasi ang liwanag mula sa banyo sa kanyang mga binti. May pahapyaw sa bandang...

Hay, tumalikod na lang ako ng pagkakahiga mula sa direksyon niya.

No. Wait. I got to stay alert. Muli akong humiga paharap sa salas.

I pulled a portion of the blanket close to my chest. Hindi ko nabilang kung ilang minuto ako blangkong nakatitig sa mabigat na aninong tumatakip sa mukha ni Ian. I just couldn't see him. Yet the prolonged silence convinced me later on that he was already asleep.

Doon na ako nagpatalo sa sarili kong antok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro