5
CARLY
IAN ang nilagay na pangalan nung lalaking nakapalitan ko ng number. Nasa condo na ulit ako, nakaupo sa sofa na nakaharap sa direksyon ng dark-tinted na salamin ng bintana. Sa bintanang iyon, abot-tanaw ang ilang mga gusali at ang golf course. My arm rested on top of the seat's low backrest. Maingat na nakatiklop ang mga binti kong nakapatong sa upuan para umakma sa bodycon dress kong suot.
My hand was lifelessly holding up a glass of cold milk. Pinatong ko sa ibabaw ng backrest ang cellphone.
Ian... memorize ko sa pangalan nung lalaking nakausap ko.
Naalala ko tuloy nung nagkabanggaan kami. Nung nahablot ko siya sa mga braso. 'Yong pagdaloy ng hindi maipaliwanag na kuryente sa kabuuan ko nang hapitin niya ako sa baywang. 'Yong hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko kaya nahihiya akong tumingin sa kanya.
Napainom na lang ako ng gatas.
That encounter...it was so insane. If I dared to describe it to someone else, they might think I was being crazy...or exaggerated. Anong kurye-kuryente? Oh, God.
I licked my lips dry.
Napapitlag ako nang umabot sa nakapatong kong braso ang pag-vibrate na nagmula sa cellphone. Tinanaw ko muna bago sinilip ang nagliwanag na screen.
Ian...
I sucked in a deep breath and immediately answered the call. "Hello?"
There was a short silence. Kinilala yata ni Ian ang boses ko bago sumagot.
"Hi, Carly. Ooh. What a voice. Si Kevin ito."
Kailangan kong ayusin itong sarili ko. Tumuwid ako ng pagkakaupo, conscious na binaba ang mga paang nakapatong sa upuan.
"Kevin?"
"Kevin Ian Simon."
"So, that's your full name."
"Pasensya na, kung ano-ano ang tawag sa akin, eh. Nagkagulo na."
Gabi na nang maisipan niya akong tawagan, pero parang ang bilis naman.
Pero hindi ba, mas maagang may makalap siyang info, mas maganda?
"May idea na ako kung nasaan ngayon si Zacharias," patuloy ni Ian.
"That's fast," I could not help commenting.
"Gusto mo bang matunton na natin siya agad o ano?"
"Ikaw naman, masyadong mainit iyang ulo mo." Hindi ko maiwasang matarayan siya. Sa tono kasi ng pananalita niya, parang sinusungitan na naman ako ng lalaking ito.
"Para kasing pinagdududahan mong mabilis akong nakakuha ng info."
"Aren't you being too defensive now?"
He sighed. "Kailan tayo pwedeng magkita ulit?"
I smiled. "Minadali mo yatang makahagilap ng info para makita ako agad, ah..."
Dahan-dahan kong nilisan ang kinauupuan. I found myself leaving the glass of milk on the coffee table. Naglakad ako palapit sa bintana at tinanaw ang berdeng latag ng damo sa golf course sa labas. There was a glimpse of my reflection on the mirror.
I saw myself smiling.
"Mas maaga nating mahanap si Zacharias, mas mabuti, 'di ba? Paano ang kasal mo?"
Sumeryoso na ako. "Ano ba ang atraso niya at gustong-gusto mo siyang pagbayarin?"
"Wala ka na ro'n."
I internally sighed. Sige. Sabi niya, eh. Pinagpasensyahan ko na lang si Ian dahil siya lang ang makatutulong sa akin na mahanap si Zacharias.
"Kung anuman ang balak mo, sana mauna ang annulment namin bago iyan. Okay?"
"Seryoso ka ba?"
Hindi na ako nakaimik nang may ma-realize. Napakatagal na proseso nga pala ng annulment...
Pagkatapos naming magkasundo kung kailan at saan muling magkikita, naglakad na ako pabalik sa salas. I hired a good investigator to track Zacharias Iñigo. Pero sa hindi malamang dahilan, wala siyang social media accounts. Hindi madaling mapunto kung saan siya ngayon naninirahan. May opinyon ang investigator na baka nagtatago kaya walang social media account. Iba na kasi ang panahon ngayon. Halos necessity rin sa trabaho na may social media account ka, para madaling ma-message ng mga katrabaho. My investigator had a good point about that.
Kaya pinaghandaan ko na ang muling pagkikita namin ni Zacharias.
•·················•·················•
MAAGA AKONG DUMATING sa tagpuan namin ni Ian-ang pier. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng lugar, doon pa niya naisipang makipag-meet. Pumayag na lang ako dahil kailangan ko siyang pakisamahan.
Ang ingay ng mga busina sa pier. Hindi ko sigurado kung busina ba ang tawag sa ingay na ginagawa ng mga naglalakihang barko roon...
Iritableng tsinek ko ang suot na relo. Mag-iisang oras na siyang late.
That's it.
Bumalik ako agad sa kotse ko. Pupuntahan ko si Ian sa apartment.
I found myself banging at the door before Jack happened to pass by the hallway.
Hinarang ko siya agad. "Jack!"
His wide eyes stared back at me. Napaatras siya, nabigla sa pagsulpot ko sa harapan niya.
"Jack, right? You're Jack." Turo ko sa kanya, inaalala kung siya ba talaga 'yong lalaking nagturo sa akin kung saan dito ang tinitirahan noon ni Zacharias.
Paling ang ngiti niya. "A-Ako nga..."
Nagtaas-noo ako. "Nasaan si Ian?"
"Si Ian?"
"Oo." Turo ko sa pinto ng apartment niya. "Kanina pa ako kumakatok dito. Wala yata siya. Saan siya nagpunta?"
"Ah, si Ian..." He stared weirdly at the door.
Napailing na lang ako. Sa pananahimik ni Jack, nahalata kong hindi niya mahagilap ang sasabihin.
I disappointedly shook my head. Parang susuko na ako. "This is it. Niloko niya ako."
Napunta sa akin ang mga mata ni Jack. Hindi ko alam kung bakit parang naaawa siya ngayon sa akin.
"Malilintikan ako nito." Nahihiya niyang yuko. "Ayaw niyang may makaalam na umalis siya riyan."
"Kailan pa?"
"Nung isang araw lang."
That would be three days after our first meeting. At kinabukasan niyon ay ang napagkasunduan naming araw na muling magkikita.
"Saan siya pumunta?"
Napabuntonghininga na lang siya. "Miss, hanggang dito na lang ang pwede kong sabihin."
"Please." Lapit ko sa kanya, nakikiusap ang boses. "Saan siya pupunta? Kahit 'yong city man lang. Kung alam mo- Please!"
"Sa Cotabato sana," putol ng tinig mula sa likuran ni Jack.
Lumagpas sa kanya ang tingin ko. Halos hindi ako makahinga nang matanaw kong nakatayo roon si Ian. His eyes directly stared at me, piercing me deeper the longer it stays. Wala akong ideya kung ano ngayon ang hitsura ko, pero nasasalamin sa mga mata ni Jack ang pagguhit ng pag-aalala mula sa akin. My lips parted, expressing a relieved breath...or maybe an admiring sigh. Maitatanggi ko bang gwapo si Ian? Maayos pa ang kondisyon ng mga mata ko at...
Oh, that fitting button-down shirt...
Lumapit sa amin si Ian, nakasukbit sa isang braso ang strap ng kanyang may kalakihang bag. Mukhang malakas talaga ang pangangatawan niya. He looked firm and his muscles were tight...I think. Pinagbasehan ko lang ang higpit ng sleeves sa biceps niya. Medyo magulo ang maalon niyang buhok, tila ilang ulit pinasadahan ng kanyang mga daliri. Naghalo ang pagod at pag-aalala sa kanyang mukha. And yet, I didn't know the reason behind that look. All I knew was...I had to march toward him. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Balak mo akong takasan!" singhal ko sa kanya.
He groaned and looked past me. "Carly-"
"How could you do this? Bakit? Pinagtatakpan mo si Zacharias, ano?" hamon ko sa kanya.
Dahan-dahang bumalik sa akin ang mga mata ni Ian. "Gusto ko lang namang mauna sa iyo nang kaunti-"
"Mauna?" putol ko sa kanya.
"Ano pa ba ang ikinagagalit mo? Nandito na ako, 'di ba?" Gusot ng kanyang mukha.
"Bakit ka nagagalit? Ikaw itong may balak takasan ako-" I abruptly stopped.
Good Lord. Kailangan kong maging mas maingat sa mga pinagsasasabi ko. Nawawala na ang composure ko. And that was all because I thought Ian already left.
"Jack," tawag ni Ian sa lalaking pupuslit na sana ng layo sa amin.
He turned and gave Ian a nervous chuckle before running for his dear life.
"Bwisit," nahuli ng pandinig kong bulong niya sa sarili bago ako nilagpasan.
Sinabayan ko siya agad sa paglalakad.
"So, balak mong pumunta ng Cotabato. Then, it means, naroon si Zacharias. Right?" usisa ko sa kanya.
Hindi sumagot si Ian. Huminto lang siya sa tapat ng pinto ng apartment para susian ang pinto.
"Imagine, sa tagal nang nakaalis ni Zacharias dito, bakit nito mo lang naisipang alamin kung saan siya nagpunta? Bakit ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob na sugurin siya, o gumawa ng paraan para pagbayarin siya sa anumang atraso niya sa iyo-"
Madilim na ang anyo ni Ian nang harapin niya ako. "Gusto mong malaman kung bakit ngayon lang? Kung bakit ngayon ko lang balak komprontahin ang gagong iyon?"
I managed to look unaffected. "Oo."
Tinulak niya ang pinto pabukas. "Sa loob." Patiuna niya.
Sumunod ako. Ako na rin mismo ang nagsara ng pinto.
Binagsak ni Ian ang bag sa bean bag chair. Una niyang tinungo ang kusina. I sat on the cushioned metal sofa. Sinundan ko siya ng tingin.
"Tubig lang. Okay na ako sa tubig."
Hindi siya umimik. Patuloy ang pagkilos niya roon. Ginala ko ulit ang tingin sa paligid. Mukhang walang balak bumalik si Ian sa apartment kung sakaling natuloy ang biyahe niya pa-Cotabato. Napakalinis na ng paligid. Kutson at ilang unan na lang ang natira sa kama. Nawala ang mga kurtina at mga personal na gamit na nakita ko nung nakaraan na nakakalat. Tulad ng tsinelas at nakasampay na tuwalya sa nakaawang na pinto ng cabinet niya.
Halos magkanda-haba ang leeg ko habang tinatanaw si Ian. Sinaksak niya pala ang refrigerator kaya ganoon siya makayuko.
Napalabi na lang ako. Balak talaga akong takasan ng lalaking ito.
Naghugas siya ng mga kamay, at pinunas iyon sa likuran, sa bandang ibaba ng suot niyang shirt. His big hands cupped the upper half of those jean-tight, hot and firm...butt.
Damn. Why was I staring? Nag-iwas ako agad ng tingin nung lumingon siya. Nung nagnakaw ako ng tingin, nakatingin pa rin si Ian. Tutal, nahuli na rin naman niya ako, dahan-dahang hinarap ko ang mukha sa direksyon niya.
"May gusto ka bang inumin bukod sa tubig lang? Meryenda?"
I gave him a bored look.
He groaned. "Pasensya na. Okay? I'm sorry..." Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay, humalukipkip.
"Alam ko na." Pitik niya ng mga daliri. "I'll get you a softdrink." His hands lifted, gesturing me to wait. "At Spanish bread. Diyan ka lang."
Sigurado akong hindi na naman ako iiwanan sa ere ng lalaking iyon dahil iniwan niya ang bag sa salas. Mabilis siyang lumabas ng apartment.
Umayos ako ng pagkakaupo.
Nanatili akong tahimik nung nakabalik na si Ian. Nilapag niya ang tig-isang maliit na bote ng softdrinks para sa aming dalawa. He sat there and gave the bottles a strange stare. Hindi ko alam kung ano ang nakikita niya. Para naman kasi sa akin, normal lang ang hitsura nila. I squinted my eyes to get a closer look. Napukaw agad ang atensyon ko ng pagkaluskos ng plastic.
Kumuha si Ian ng tinapay, tapos nilapag ang plastic sa parte ng mesang katapat ko.
"Kuha ka. Malinis iyan, huwag kang mag-alala."
I gave him a look. So, ano ang first impression niya sa akin? Na por que mayaman ako, maarte ako sa pagkain? I proved him wrong. Kumuha agad ako ng Spanish bread at walang anu-anong kinain iyon.
Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pamimilog ng mga mata ko.
Oh, God. This is so good...
Malambot at mainit-init ang tinapay. Magaspang ang texture pero mababalewala mo kapag nanuot sa panlasa mo ang matamis niyang filling. Matamis na, malambot pa. Nahuli ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Ian.
"Masarap?" May himig ng pagyayabang sa kanyang tinig.
Ngumuya lang ako, tumuwid ng pagkakaupo. Uminom ako ng softdrinks para matunaw agad ang tinapay at malunok ko.
"So, Ian, nasa Cotabato si Zacharias?" Baba ko sa bote ng softdrinks.
"Sa pagkakaalam ko, oo. Naroon siya."
"Bakit hindi ka tumuloy?" Balik ng mga mata ko sa kanya. "Natakasan mo na ako, 'di ba?"
"Carly, huwag na lang natin-"
"Bakit hindi ka tumuloy?"
Nagtitimping binaba niya ang hawak na bote ng softdrinks. "Ano sa tingin mo ang dahilan?"
"Sarili kong tanong, sarili kong sagot?"
"Hindi. Gusto ko lang malaman kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip mo. Ngayong nandito na ako." Matamang titig niya sa akin.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang meron sa mga titig ni Ian. I could feel myself tensed and bothered for unknown reason. Nahalata ba niya? Halata bang ganito ang epekto niya sa akin? Ito ba ang dahilan kaya hindi niya maseryoso ang paghingi ko ng tulong sa kanya?
"Ngayong nandito ka?" I could feel myself getting defensive. "Gusto kitang sakalin."
"So, you're into choking now." He tugged a malicious grin.
"What are you-"
Umiling siya. Tumuwid ng pagkakaupo. "Nauunawaan ko. Ang pag-iwan ko sa iyo sa ere? Nakapalaking kagaguhan nung ginawa ko, 'di ba?"
Hindi ko siya nasagot. Naguguluhan pa rin kasi ako sa choking na pinagsasasabi niya. Kung para saan ba iyon o bakit ganoon ang pagkakangisi niya nang banggitin iyon. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng pagkahiya nang sabihin niya iyon...
"Na-guilty ako, kaya bumalik ako." Tutok ng mga mata niya sa akin. "Dumeretso ako sa apartment dahil sigurado naman akong hindi ka maghihintay nang matagal para sa akin sa pier. Malamang, dumeretso ka na rito. At tama nga ang hinala ko."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Buti at nakonsensya ka. Dapat ka talagang makonsensya."
I could not name the strange emotion that crossed his eyes. Parang may napagtanto siya at nawala ang mapaglarong titig mula sa mga iyon.
"Now"-pagseseryoso ko-"ano na ang plano? Kailan ko makakausap si Zacharias?"
Nanatili siyang nakatitig sa akin. He seemed to be calculating what to say.
"Matagal na proseso ang annulment, alam mo ba iyon? Kung balak mong patayin si Zacharias dahil sa anumang atraso niya sa iyo"-I shrugged-"maghihintay ka nang matagal bago kita hayaang gawin iyon, Ian."
"At sigurado akong hindi na rin makapaghintay si Erik na maikasal kayo, 'di ba?" Hilig niya ng ulo, may kung anong bigat sa kanyang tinig.
"Oh, yes." I sighed, not backing out from our locked gazes. "Alam mo naman kapag matanda na, ayaw nang mag-aksaya ng panahon."
"Matanda?" Parang nang-aasar ang ngisi niya sa akin.
"Well..." Dampot ko sa bote ng softdrinks, sinikap kong hindi manginig kamay. "He's already in his fifties." Sumipsip ako sa straw, nakaabang sa reaksyon ni Ian.
"Alam na ba niya ang tungkol dito?"
"Hindi pa." My lips popped open, moist with sweet cola. "Kasi nga, 'di ba, kakausapin ko pa si Zacharias. Ido-double check ko pa kung kasal na talaga kami."
"What if kasal na talaga kayo? Paano mo ipapaliwanag kay Erik?"
I met his gaze. "Wala ka na roon...Ian."
"Hindi pwedeng wala na ako roon, Carly." He leaned forward a bit, closer to the coffee table. "Tandaan mo, pupunta tayong Cotabato para makumpirma mo iyang kasal-kasal na 'yan." He was waving one hand as he talked. "Ano ang idadahilan mo sa Erik na iyon?" Dampot niya sa bote ng softdrinks. "Baka sumama pa ang lalaking iyon kapag nalamang balak mong lumuwas doon."
Hindi muna ako nagsalita dahil uminom ng softdrinks at sunod-sunod kung kumagat ng Spanish bread si Ian. His left cheek puffed, so damn cute. Umiwas tuloy ako ng tingin kay Ian.
My thoughts went back to what we just discussed. Tama si Ian. Kukuwestiyunin ako nina mommy at Erik kapag nagpaalam akong aalis. Napakalayo pa ng pupuntahan ko. And mommy hasn't mentioned if we have any relatives there. Hindi rin naman ako involved sa mga negosyo namin.
Choice ko iyon. Ang huwag ma-involve sa family business namin. Masasabing medyo dependent pa ako kay mommy dahil nawala ang mga alaala ko. Ngayon-ngayon pa lang ako nakaka-adapt sa paligid ko. Simula nung nalaman ko sa diary ang tungkol kay Zacharias, nawala sa isip ko ang mag-aral o review-hin ulit ang mga alam ko pagdating sa accountancy. Para sana makatulong ako sa negosyo namin dahil tanggap ko na ang amnesia ko.
Until this wanting to get to know Zacharias came along.
Big deal sa akin ang makilala si Zacharias, ang makumpirma ang tungkol sa kasal namin.
My voice hushed. "Mayroon ka bang suggestion? Kung paano ako makakapunta roon nang hindi nalalaman nina Erik?"
"Magsisinungaling ka sa lalaking mahal mo?" Hindi makapaniwala niyang tuwid ng pagkakaupo. May laman pa ang bibig niya. He gulped lots of softdrinks to push it all down immediately.
"Paano kung hindi kami talaga kasal ni Zacharias, 'di ba? Paano kung may fault lang ang PSA? Eh 'di napag-isip ko pa ng kung ano-ano si Erik," ganti ko.
He lowered his eyes and smiled gently. Kasabay niyon ang pagbaba sa hawak na bote. Sa pagkakataong ito, mas malinaw na siyang nakapagsalita. "Malakas talaga ang tama mo sa kanya, ano? Ayaw mo siyang masaktan."
"Ganoon naman talaga dapat kapag mahal mo ang tao, 'di ba? Ayaw mo siyang masaktan."
Ian gave me a reassuring smile. "Sa tingin ko, mas mahihirapan silang ma-detect ka kung ferry ang sasakyan natin papuntang Cotabato."
"Ferry?" I gasped. "Pero...matagal ang biyahe kapag barko!"
"Oo. Pero pwede tayo mag-stop over. Mahihirapan silang ma-trace tayo kung panay ang stop over natin."
Napasimangot ako. "Parang gusto mo lang patagalin ang biyahe."
"Hindi, ah!" Lumubog siya sa kinauupuang bean bag chair. "Ako, nagsa-suggest lang kung paano sila mahihirapang ma-detect na papunta tayong Cotabato."
"Mas lalo silang magtataka kung saan ako napunta! Kasi matatagalan tayo no'n!"
"Makakaisip ka rin ng magandang dahilan. Kayang-kaya mo na iyan." Tayo niya mula sa kinauupuan bitbit ang bote ng softdrinks.
"Saan ka naman pupunta?"
Sumipsip ng marami-rami sa straw si Ian bago binaba ang bote. Sinukbit niya ulit ang bag bago ako sulyapan. "Ililigpit ko lang itong bag. Hindi ka aalis dito hangga't hindi natin nafa-finalize ang mga gagawin natin."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Dumeretso na si Ian sa cabinet malapit sa kama.
"Talagang hindi ako makakaalis?"
"Hindi. Kaya dalian mong mag-isip. Hindi lang ikaw ang makikipagtuos diyan kay Zacharias."
Sumimangot ako. Masungit na nga, mukhang mainipin pa. Parang hindi tumimo sa isip ni Ian ang sinabi kong matagal na proseso ang annulment. Ah, oo nga pala, ang pagkakaalam niya, wala pang kasiguraduuhan kung kasal na talaga kami ni Zacharias... Pero alam naman niya siguro kung kasal na si Zacharias... 'di ba?
Nakatingin na lang ako sa likod niya. Nakaharap siya sa cabinet at pinasok ang bag niya roon.
I looked away. Ano kaya ang magandang idahilan...
Nabigyang interupsyon ang pag-iisip-isip ko nang may kumatok sa pinto. Awtomatikong napunta roon ang tingin namin ni Ian. Bago pa ako nakakilos, malalaki na ang mga hakbang ng lalaki papunta sa pinto. Ni hindi ako tinapunan ng tingin nang madaanan ako.
Binuksan niya agad ang pinto.
"Jack," bungad niya sa nakatayo sa labas.
"Nariyan pa ba si Miss? Baka sa kanya 'yong kotseng ito-tow sa may kanto. Illegal parking."
Mabilis akong napatayo. Illegal parking? Wala nga akong nakitang signage doon na bawal magparada ng kotse!
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa kanto. Katabi ko ang kotse habang kaharap ang dalawang pulis. They gave me a ticket.
"Sa LTO niyo na lang ho i-settle ang babayaran ninyo para matubos itong kotse."
LTO? I frantically checked my wristwatch. "Sir, baka bago pa ako makapunta roon sarado na."
"Eh 'di doon niyo na lang ho mismo i-pick-up ang sasakyan ninyo bukas ng umaga. Doon na lang namin ipapa-impound itong kotse ninyo."
Bukas ng umaga? Nasapo ko na lang ang noo ko.
Naglahad ng kamay ang pulis. "Yong susi ho, Ma'am."
I was reluctant while fishing the key out of my pocket. Inalis ko ang susi ng kotse dahil kasama sa keychain na iyon ang iba pang importanteng mga susi na ginagamit ko. Ang mas nakakahiya pa roon ay pinagtinginan ako ng ilang mga usisero sa daan. Nanatili si Jack sa likuran ko, siya na kasi ang nagpresentang samahan ako sa pagharap sa mga pulis.
Kapwa kami tahimik nung pabalik na sa apartment.
"Wala namang sign doon," buntonghininga ko.
"Oo pero...gilid na ng main road iyon. Bawal magparada ng kotse roon."
Hindi ko pwedeng isisi ito sa amnesia ko. Oo, marami akong nakalimutan. Marahil isa na roon ang mga alam ko sa pagmamaneho o traffic rules pero dapat ni-review ko pa ring mabuti. Iyon ay kung gusto kong maka-function nang maayos sa real world at maisantabi ang pagkakaroon ng amnesia.
"Ikaw pa?" Pinasigla ni Jack ang tinig. "Sigurado akong makukuha mo rin bukas ang kotse mo. Pwede ka naming samahan sa LTO branch dito."
"Thank you." I glanced at him before returning my eyes in front. "Now, how am I supposed to go home?"
"Commute!" ani Jack. Sa tono niya, parang common sense na commute ang sagot.
I gently smiled. "I...I don't know how to commute pauwi."
Gumusot ang mukha niya, hindi makapaniwala. "Hindi ka marunong?"
"I've been driving a car almost all my life." I sighed. Or at least, since I lost my memories. "At pangalawang beses ko pa lang napunta rito, so... I don't know kung saan sasakay pauwi."
"Pero alam mo naman ang address mo?"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Of course!"
He nervously laughed. "P-Pasensya na, dino-double check ko lang, Miss!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro