4
CARLY
"BAKIT HINDI AKO PWEDENG MAG-CLAIM NG CENOMAR?" tanong ko sa babaeng nasa likuran ng booth.
Ang goal ko lang naman dito ay makakuha ng Certificate of No Marriage bilang requirement sa kasal namin ni Erik. I didn't have the time for this inconvenience or excuse that I would not be bringing home a certificate. Kaya heto at kinuwestiyon ko ang staff na nagsabi niyon sa akin.
Paling ang ngiting ginawad niya sa akin.
"Ma'am, baka naman CEMAR po ang kailangan ninyo. Hindi CENOMAR."
Dama ko ang pagkunot ng noo ko. "CEMAR..." Inalala ko talaga kung para saan iyon. CEMAR meant Certificate of Marriage. "Para iyon sa mga kasal na, 'di ba?"
"Yes, Ma'am." Medyo nabuhayan siya ng loob dahil sa pagbaba ng tono ko. "As per records ho kasi, married na kayo."
Married.
Fuck. I'm married. I'm already married.
Hindi ko alam kung ngingitian ko ba ang babae o aawayin. I should blurt out that I was never married when I remembered my amnesia. Can you believe the irony and play of words? I remembered my amnesia.
Humugot ako ng malalim na paghinga. "Then...I should be requesting for a CEMAR...right?"
"Yes, Ma'am," sagot niya at sinunod niya ang pag-instruct sa akin kung nasaan ang forms na kailangan kong i-fill-up para makapag-request ng kopya ng CEMAR.
Dahil sa kinonsumong oras ng paghihintay ko para lang masabihang CEMAR at hindi CENOMAR ang kailangan ko, umuwi akong walang dala. Request form lang.
Tinigil ko ang kotse dahil sa stoplight. Sa sobrang tagal ng traffic, iritableng kinuha ko mula sa shoulder bag na nasa katabing seat ang kopya ng request form. I gave it a look.
Gaano katotoong kasal na ako? Mommy would not let me marry Erik if I was really married, right? At paano ko makikita ang certificate para ma-double check kung totoong kasal na ako? Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng asawa ko. At kailangan kong isulat iyon sa request form para makakuha ng kopya ng CEMAR.
Malaman ko man ang pangalan ng asawa ko, kakailanganin ko pa rin ang ilang detalye tulad ng petsa at lugar kung saan kami kinasal...
I shoved in a deep breath.
I really, really, really needed tons of patience. Ayokong masigawan ang mommy o anuman. I wanted to hear her side first. Hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko.
To be honest, I really felt so betrayed.
And because of my amnesia condition, I grew a hate for anyone who would dare betray me or twist the truth just because I could not remember the past anymore. Kahit ayoko nang balikan iyon, ayokong may manloko sa akin tungkol sa nakaraan ko. Iniisip ko pa lang na may gumawa niyon sa akin, nanginginig na ako sa galit.
Sinuksok ko ulit sa bag ang form nang mag-ring ang cellphone ko. My smartphone was right at my car's phone holder. Nakita ko agad ang pangalan ni Erik sa screen.
Oh, Erik... I let out a groan.
I almost forgot to talk about Erik. Pagkatapos naming kolektahin ang mga naiwang gamit sa townhouse na ibebenta, nakilala ko naman si Erik sa isang online dating site. Nung una, concerned si mommy, pero nung sinabi ko sa kanyang kailangan kong gawin ito para maka-move forward sa buhay ko, wala na siyang nagawa.
In fact, she absolutely liked Erik. Nung pinakilala ko na silang dalawa nang personal, nagustuhan ng mommy kung gaano ka-established bilang isang engineer si Erik. He also represented himself pretty decently and smartly.
At oo, nakagugulat na sa loob ng dalawang buwan, gusto ko nang magpakasal kay Erik. Pero convincing naman para kay mommy na tumatanda na si Erik. He was already fifty-two. Mahal namin ang isa't isa (okay...), at parehong stable. Ano pa ang dapat ipag-alala ni mommy?
Pero paano ko malalaman kung totoo ang mga nabasa ko sa diary ko? Paano kung hindi ko gagawan ito ng paraan? I had to present a believable reason why I needed a CENOMAR. Akala ko, madali lang. Hindi rin pala ako makakukuha ng anumang ebidensyang magpapatibay na kasal na ako.
Ang nakuha ko lang ay salita mula sa staff ng PSA na kasal na ako based sa records nila.
I could not deny my frustration.
Kinalma ko ang sarili ko. The show must go on, they say. Sinagot ko ang tawag. Ini-loudspeaker ang cellphone.
"Erik," bati ko agad sa kanya.
"Hi, sweetheart. How are you?"
Hindi ko naman siya kaharap, bakit pinepeke ko pa rin itong ngiti ko?
"Good," I lied. "Nakakainis lang itong traffic." Ang tungkol sa traffic lang ang totoo sa mga sinagot ko kay Erik.
"Nakuha mo na ba ang CENOMAR mo? Ako baka next week pa, eh. Sa services sa mall ko na lang ini-process. Less hassle."
"A-Ako rin." Nagsisinungaling na naman ako. Oh, good Lord, I was really so sorry. "Ako rin. Ganyan ang ginawa ko. Baka next week ko rin makuha."
Sa totoo lang, hindi ako sa mall nagproseso dahil gusto kong isang araw na lakaran na lang ang gugulin para sa CENOMAR ko... Now, I had to lie about it too...
"That's my sweetheart!"
I just rolled my eyes. I really think it's so corny to use the word sweetheart as an endearment. Old school at masyadong mahaba. Pero sa huli, napangiti na lang ako. I always ended up coping with this very small problem as a funny joke and I felt better instantly. Inaalala ko na lang na para maging maayos ang pagsasama namin ni Erik kaya kung maliit na bagay lang, hindi ko na kokontrahin pa.
"I figured that while we wait, asikasuhin na natin 'yung marriage counseling natin, ha? Required iyon para sa application ng marriage license natin, 'di ba?"
"Yes," mahina kong sagot. "The cars are already moving. I'll be driving already."
•·················•·················•
NAG-AALANGAN AKO. Hindi ko lang kasi ma-imagine kung paano ako nagkaroon ng kakilalang sa ganitong klase ng lugar nakatira. The houses were cramped too closely, the street was so narrow. Napilitan tuloy akong bumaba ng kotse para lakarin ang papasok doon.
Dahil hindi ako nakakuha ng CENOMAR, wala na akong choice kundi ipahanap sa isang private investigator si Zacharias Iñigo. Again, I made sure no one would know about this. Kaya naman ang kasama ko lang sa sasakyan ay ang private investigator na naiwan doon.
Pwede ko namang itanong kay mommy ito, 'di ba? But I didn't. Kasi, kung alam niyang kasal na ako, hindi niya ako hahayaan dahil magkakaroon ng complications sa magiging kasal namin ni Erik.
At kung hindi naman talaga ako kinasal noon, at may mali lang sa records ng PSA, at least, hindi ko na binigyan pa ng alalahanin si mommy. Magti-thirty two na ako. Nagka-amnesia man ako, nakaka-adapt na ako ngayon. Kaya ko nang makipagsabayan sa mundo.
As I walked, I kept glancing at my phone. Naroon ang litrato ng apartment na pupuntahan ko. Doon daw nakatira ngayon si Zacharias. Parang mga banderitas ang mga sinampay na nasa balkonahe ng ilang kabahayan. May mga nakaupo sa tapat ng kanilang mga bahay, sa gilid ng baku-bakong kalsada na mas nagpapakipot sa dinaraanan ko. May mga maliliit na mesang nakapwesto rin sa tabing-kalsada, nagbebenta ng iba't ibang meryenda. Nagkalat ang mga batang naghahabulan.
My heart thumped wildly. I could not believe I would be facing the first person I had sex with. First sex to be specific. Tapos, tatanungin ko siya kung may ideya siya tungkol sa pagiging kasal ko.
Kung bakit naman kasi tumigil na ako sa pagsusulat sa diary ilang linggo matapos kong makakuha ng trabaho. That was about weeks after I graduated Accountancy.
Oh, God. I could already imagine how awkward this would be.
I stopped in front of a deteriorated building, and glanced at my cellphone again. Nagpalipat-lipat ang tingin ko. Mukhang ito na nga ang hinahanap ko.
Inhale-exhale. Let's do this!
Lumapit na ako sa gusali.
Pinasya kong manatiling composed sa pagharap kay Zacharias. Nandito ako para alamin kung kinasal na ba talaga ako o hindi. That's all. Ayokong mapahiya kapag nag-apela ako kung bakit ayaw akong release-an ng CENOMAR.
That's all.
Fuck. Who was I kidding? Interesado ako sa nakaraan ko.
Iyon ang totoo.
All of a sudden, I was interested because of that stupid diary...
"Tao po!"
Nakailang tawag ako mula sa tapat ng bukas na gate bago may sumulpot na palapit sa direksyon ko. Lalaki. Payat. Emo ang pagkakagupit ng buhok. I was familiar with the style, but I never expected someone was still sporting that hairstyle nowadays.
"Ah, hi!" pukaw ko sa atensyon niya bago pa niya ako lagpasan. Sinadya kong humarang nang kaunti sa daraanan niya.
Saglit niya akong pinasadahan ng tingin. "Hi...Ma'am," medyo alanganin niyang ngiti.
"Hi." I held my phone with both hands. "I just want to ask if...nandito ba ngayon si Zacharias Iñigo?"
Namilog ang mga mata niya. "Si Zacka?"
"Zacharias Iñigo," paglilinaw ko sabay ngiti.
Makuha ko sana siya sa ngiti.
Pinasadahan na naman niya ako ng tingin. "Naku... Miss... Mukhang..."
There was something malicious about the way he grinned. Parang ini-inspect niya ang suot kong maroon na bodycon dress. It had a straight neckline and spaghetti straps.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "I don't have a lot of time, Sir."
"Sorry, Miss, pero kung iniisip mong makukuha mo sa ganyan si Zacka..." Natatawang umiling-iling siya. "Hay, naku, Miss."
"Kakausapin ko lang siya," nagtitimpi kong usig sa kanya. "Pakisabi ako si Carly Olivares."
He was shocked. "Carly..."
Do I know him? Hilig ng ulo ko, nagpapasensya na lang ako dahil sa tagal ng pang-uusisa niya sa akin.
"Please." I forced a smile. "Sobrang importante lang ng mga itatanong ko sa kanya."
Napalunok siya. "Halika, samahan kita sa apartment niya."
Finally! Pero hindi ko rin masisisi ang lalaking ito kung gusto niyang mag-double check kung mapagkakatiwalaan ba ako, kung magandang ideya ba na dalhin niya ako kay Zacharias. Who in the world would just freely let a stranger get into someone else's apartment?
Nagmamadali ang mga hakbang niya kaya sinikap kong masabayan siya. Nasa ikatlong palapag ang apartment ni Zacharias. Huminto kami malapit sa gitna ng pasilyo bago niya ako nilingon.
"Diyan siya nakatira." Tango sa akin ng lalaki.
"Thank you..." I trailed off, giving him a hint that I need his name.
"Ah, Jack." Nahihiya niyang baba saglit ng tingin.
"Thank you, Jack." And I glanced at the door then to him.
He got the message so I stepped back to give way. Sunod-sunod niyang kinatok ang pinto.
"Zacka!" tawag niya. "Zacka! May bisita ka!"
It went on. And everytime he would call Zacharias again, the more I felt sinking where I stand. Kinakabahan ako kung bakit ang tagal buksan ng pinto. Nakahinga lang ako nang maluwag nang mag-click ang seradura ng pinto. Isang nakabusangot na lalaki ang sumilip sa amin.
"Tol," bati ni Jack sa kanya.
"Wala rito si Zacka." Matalim niyang tingin sa aming dalawa.
"Pero-"
"Wala." Panlalaki nito ng mga mata kay Jack. "Lumayas na siya!"
Nilingon ako ni Jack. "Ah... Eh... Miss..."
Mukhang paaalisin na rin ako ni Jack. Hindi ako makapapayag na mapunta sa wala ang pagparito ko. I calmly stepped forward. Maingat akong sumilip sa likuran ng lalaki, tinanaw ang loob ng apartment. Wala naman akong nakitang kasama niya roon.
Binalik ko ang mga mata sa kanya. He looked like a definite mess-wavy bed hair and blood shot eyes. Gusot din ang scoop neck shirt niyang puti. And those striped boxers... Mabilis kong binalik ang focus sa tunay kong sadya.
"I'm Carly Olivares," kaswal kong pakilala. "Kung wala rito si Zacharias, nasaan siya?"
I didn't know why the two of them were silenced.
"At bakit ko naman sasabihin sa iyo?" maangas na basag nung kausap ko sa pananahimik nila.
Hindi ako nakipagsabayan sa init ng ulo niya. "Dahil importante ang sadya ko."
"Lahat tayo, feeling natin importante tayo." Mas tumalim ang titig niya sa akin.
But I remained unaffected. "Tungkol ito sa kasal namin. Kung totoo ngang kasal kami."
Napasinghap si Jack, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ng lalaking nasa pinto. "K-Kasal?"
"Pwede bang umalis ka na?" taboy ng lalaki kay Jack.
Jack looked hesitant, but he feared this guy's intimidating gaze more than my pleading eyes asking him to stay and help me out.
"Miss, pasensya na." Tango niya bago nagmamadaling umalis. "May bibilhin nga rin pala ako."
Isasara na nung lalaki ang pinto.
"Hep!" Hablot ko sa gilid niyon.
"Iipitin ko iyang kamay mo!" galit niyang banta sa akin.
That's when it sunk down to me that he was indeed scary. At walang pag-aalinlangan sa talim ng tingin niya sa akin.
"Please! Help me find Zacharias!" mabilis kong wika habang nakikipagbuno sa kanya sa pinto.
I closed my eyes as he overempowered me. Akala ko maiipit na ang kamay ko ng pinto.
Pigil ko pa rin ang hininga nang makiramdam.
I opened my eyes to confirm it, and yes, I was right. Hindi niya sinara ang pinto. His eyes stared at me as if he was waiting for my further explanation.
"Look"-salo ko sa mga mata niya-"I need to find him. Gusto kong malaman kung totoong kasal kami."
"Kinasal ka tapos hindi mo alam na kasal kayo?"
"Papasukin mo naman ako," pakiusap ko. "I'll explain everything to you... Mister..."
I trailed off, again, a hint for him to give me his name.
Pero umatras lang siya para pagbuksan ako ng pinto. Mabilis siyang tumalikod, naglakad patungo sa sofa na abot ng tanaw ko. Hudyat na yata iyon na pwede na kaming mag-usap.
Nakaramdam ako ng pinaghalong takot at...pagka-espesyal.
I felt special in a sense that, he allowed me to step inside his apartment. Base kasi sa mga nangyari, hindi siya 'yong tipo ng tao na nagpapapasok ng kung sino-sino sa kanyang bahay...
O buhay.
Nasa una lang ang kaba. Nang maiapak ko sa loob ng apartment ang paa ko, nabuhayan ako muli ng loob. Hindi pa ako nakalalayo sa pinto nang magsalita siya.
"Pakisara ang pinto."
Sinunod ko siya.
I looked around the apartment, and observed how plain it looked. Matamlay at kupas na ang puting pintura ng mga pader. Nakatira ang lalaki sa isang malaking silid. Walang divider kaya kita mula sa salas ang magulong kama. Sa banyo lang magkakaroon ng sariling privacy ang isang tao kung dalawa sila o higit pang nakatira dito.
"Magkatabi kayo ni Zacharias matulog?" Dako ng tingin ko sa lalaki. Nasa kusina na siya, pinagsasalin ako ng tubig sa baso.
He lifted his glaring eyes on me. "Oo. May malisya ba 'yon sa 'yo?"
I shrugged. "W-Wala... Wala naman."
Akala ko, mahuhulog ko ang basong inabot niya kasi hahawakan ko pa lang, binitawan na niya agad. I sighed in relief when I managed to grip it securely.
"Roommates kami rito," matabang niyang wika habang palayo sa akin. "Napakiusapan lang namin 'yong landlady na dalawa kaming tumira dito kahit pang-isang tao lang ito. Pareho naman kasi kaming hindi kalakihan ang sweldo."
"And you sleep with Zacharias in one bed?" Taas ng isa kong kilay habang paupo sa sofa.
In fairness, malambot pa rin ang cushion niya kahit mukhang luma na. The black paint of the metal frame was chipping off.
He sighed. "Salitan kami. May natutulog sa sofa, may natutulog sa kama. Kita mo namang pang-isang tao lang 'yong kama, 'di ba?"
Ang sungit. Sinulyapan ko na lang ulit ang magulong kama. Single bed nga. Binaba ko sa katapat na mesita ang baso ng tubig. Baka maging kasing-sungit pa ako ng lalaking ito kapag uminom ako ng tubig na iniinom din niya.
"Mukhang galit ka kay Zacharias," panghuhuli ko sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatayo, nakatitig sa akin. I caught his eyes.
"Bakit lumayas siya? Nag-away kayo?"
"Hindi ba obvious?" anas niya. "Bakit ba ini-interview mo ako? Pinapasok lang kita rito kasi sabi mo, ipapaliwanag mo kung bakit kailangan mong mahanap ang lalaking iyon."
I crossed my legs. Inignora ko na lang ang nahuli kong pagkabigla sa mga mata niya. I had to admit, I felt a sense of pride when I caught him admiring my legs. The way his eyes scanned me... I didn't know why it felt so hot here all of a sudden. Could senses be really contagious? One felt hot all over and the vibe catches on you too? Sinusubukan pang labanan ni Mister Masungit ang reaksyon niya. His jaws tensed as if that would control the way his eyes gazed at me.
"I am planning to get married," deretsahan kong sagot. Muli niyang sinalo ang mga mata ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Married?"
"Yes," I coolly confirmed. "May boyfriend na ako. Si Erik. Inaasikaso na namin ang preparations para sa kasal namin."
"Eh, paano iyan?" Pagdilim ng kanyang anyo habang paupo sa bean bag chair malapit sa mesa. "Kanina lang, ang sabi mo, kasal kayo ni Zacharias, 'di ba?"
"That is still uncertain." Sumunod ang mga mata ko sa kanya. "Hangga't hindi ko siya nakakausap, hindi ko pa makukumpirma kung totoong kasal na kami."
"Ang daming paraan para makumpirma mong kasal kayo." Patong niya ng mga braso sa tuhod, bahagyang umiwas ng tingin.
"Hindi nila ako binigyan ng CENOMAR dahil as per records, kasal na raw ako. Para makakuha ng Certificate of Marriage, kailangan ko 'yong details tungkol sa full name ng asawa ko, pati date at place nung wedding."
"At hindi mo alam ang mga iyon?"
"Dahil nagka-amnesia ako," mariin kong saad.
Parang ang bilis niya yatang makaramdam ng simpatya para sa akin. I watched his sharp eyes soften their gaze on me.
"You had amnesia?" He sounded unsure with his own question.
"Oo. Five years ago pa. Hindi na bumalik ang mga alaala ko." Baba ko ng tingin. Ayokong magpaawa sa lalaking ito o ano pa man, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng panlulumo sa sitwasyon ko. "At kung kailan tanggap ko nang wala na akong maaalala at hindi na ako interested sa nakaraan ko...at saka pa ako makaka-encounter ng ganito."
"Pero heto ka...para sa Erik na iyon at sa kasal ninyo...binabalikan mo ang nakaraan mo."
Napatitig ako sa kanya. "Yes." It felt so sad all of a sudden. "Kaya kailangan kong makausap si Zacharias."
"At bakit si Zacharias? Paano mo naisip na sa kanya ka kinasal kung..."
"I found my old diaries. Si Zacharias lang ang nabanggit ko sa diary ko na...nakarelasyon ko... My Mommy is obviously clueless I was already married. Hindi naman siya papayag na magpakasal kami ni Erik kung...kung magkakaroon ng problema, 'di ba?"
Nag-iwas lang siya ng tingin. "Malay ko."
"At kung hindi man si Zacharias ang napakasalan ko... At least, mabibigyan niya ako ng lead kung sino 'yong sunod kong nakarelasyon, kung sino 'yong posibleng napakasalan ko..."
"So wait-" Balik ng mga mata niya sa akin. "Wala ka man lang pictures o video? O kahit kopya man lang ng wedding invitation nung kinasal ka? Wala ka man lang bang mga kaibigan na matatanungan tungkol diyan?"
"Kung meron, mag-aabala ba akong makiusap sa iyo?"
Natahimik siya, nakatitig lang sa akin.
"Tulad ng sinabi ko"-buntonghininga ng binata-"umalis na rito si Zacharias."
"Nakumbinsi naman siguro kita kung gaano kaimportante ang sadya ko. So please, tell me where he went." Hindi ako pumayag na maalis ang mga mata niya sa mga mata ko.
"May atraso sa akin si Zacharias. Malaki ang atraso niya sa akin. Hindi ko inaasahang mapapaaga ang paniningil ko sa kanya..." he monologued... I think. Nagulat kasi siya nung may sinagot ako sa mga sinabi niya.
"Paniningil?" Salubong ng mga kilay ko.
He sighed in surrender. "Sige, tutulungan kitang mahanap si Zacharias. Bumalik ka rito bukas." Tayo niya mula sa kinauupuan.
Tumayo na rin ako. "Bukas? I can't do that."
Patungo na siya sa pinto nang lingunin ako. "Bakit? Sabado bukas, 'di ba?"
"May...may dinner kasi kami. Me, my mom and Eric."
His eyes avoided me. The man nodded. "Ang sa akin lang naman, baka bukas, may info na ako kung saan pumunta ang gagong iyon. Magsisimula na akong magtanong-tanong."
"You're roommates and you have no single idea where he will go when he just decided to leave?" Sunod ko sa kanya nang tumuloy siya ng paglalakad papunta sa pinto.
"Isipin mo nga"-harap niya sa direksyon ko para hintayin ang paglapit ko-"magtatago ba ang gagong iyon sa lugar na may idea ako kung saan?"
"Bakit ka naman niya pagtataguan?" Hinto ko sa tapat niya.
He drew his face close to me, and I felt his presence so electric and as piercing as his gaze.
"Tulad ng sinabi ko, may atraso siya sa akin."
"Okay... Okay!" Atras ko bago ako mabingi sa malakas na pagkabog ng kaba sa dibdib ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Sige. Carly-"
Hindi ako lumabas. I faced him. "Oh, wait-" Napasinghap ako nang muntikan na kaming magkabanggaan. Akala yata nung lalaki palabas na ako kaya umabante siya ng lakad mula sa likuran ko. Napahablot tuloy ako sa mga braso niya.
Maagap naman niya akong hinapit sa baywang.
Damn, I shouldn't have grabbed him. Sa ginawa ko, tuluyan na kaming nagkabanggaan at mariing lumapat ang katawan sa isa't isa.
Scared. I felt so scared to meet his gaze. I could feel his eyes on me already, waiting to be met by mine. I've never felt an intensity this heavy, this breathtaking. A trickle of electrifying jolt the second we touched. Dahan-dahang naghiwalay ang mga katawan namin. Doon ko lang napagtantong nagpigil pala ako kanina pa ng paghinga.
Sumulyap ako sa mga mata niya. "K-Kukunin ko sana ang number mo... Para... Para kung may info ka na..."
"Hindi ko sa text sasabihin ang info na makukuha ko, Miss." His eyes narrowed at me. "Personal kang makikipagkita sa akin at doon ko sasabihin sa iyo."
"At bakit?"
"Paano kung umalis ka nang hindi ako kasama?"
Oo nga pala. Gusto rin ng lalaking ito makita si Zacharias para pagbayarin sa anumang atraso nito sa kanya. Fine. I got it. I got it.
I took in a deep breath. "Eh 'di ibigay mo pa rin ang number mo. Para mapag-uusapan natin kung kailan tayo ulit magkikita."
Napatitig siya. Nagdalawang-isip pa bago napipilitang pumayag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro