2
CARLY
HINDI KO ALAM. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko.
Nagsimula na akong mag-alala. Inabot kasi si Daddy at ang driver ng alas-diyes sa daan. It was very unusual. And if daddy ever had important late night meetings or business dinners, he always made sure I know. At pinapaalam niya iyon sa mga katulong para hindi nila damihan masyado ang handa sa mesa.
Tinalo na ako ng gutom, mga thirty minutes mula nung naupo ako sa dining room. Medyo naawa na rin si Yaya Tri kaya hindi na nila ako pinigilang kumain nang mag-isa. At hindi pa naga-alas-onse nang may ospital na tumawag sa bahay.
We rushed to that hospital, only to find my father already in the morgue.
Patay na siya nang matagpuan sa express way kung saan nangyari ang banggaan. Naalala kong paliwanag ng doktor sa amin.
But they assured me that they checked my father very well to come up with proper references for his autopsy. Maseselang organs daw ang napinsala ng aksidente. At kasama ni daddy sa namatay ang driver na tinakasan ko kanina lang.
I felt so heavy. I didn't have the courage to remove the blanket from daddy's face. Napaupo ako sa sahig nung ginawa iyon ng kasama kong si Yaya Tri. Her shocked gasp confirmed it for me that it was my daddy... That my daddy was already dead.
I felt teary-eyed. Nagwawala na ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung paano ko napigilan ang mapasigaw...ang mapahagulgol.
I felt so foolish. I should have been there. I should have been with my father when he died.
Or maybe, maybe if I was there, in that car, maybe...maybe daddy would still be alive.
That driver and my daddy would make it home safety if I were there with them.
Maybe, they could have come home earlier and avoided that accident. They could have if I didn't make the driver go crazy trying to find me or waiting for me at school. Siguro...
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. At saka lang nag-sink in sa akin na tuloy-tuloy na pala ang pagdaloy ng mga luha ko. Ganito pala kasakit. My hand instinctively clutched on my chest. I had to because it hurts.... It hurts me so much.
Everything happened in a blur the moment after that. Hindi man lang ako hinayaan ng mga medical staff na tapusin ang pag-iyak ko. One of them encouraged me to stop crying and focus on the documentations first. Marami silang ni-require na fill-up-an ko, pirmahan ko o i-confirm na may kinalaman sa magiging medical records ni daddy.
It was too much for me. Halos si Yaya Tri na ang gumagawa ng pagsusulat para sa akin. My shaky hand would sign at times after Yaya Tri explained what I was putting my signature for. Hirap na hirap na rin kasi akong magbasa dahil sa pag-uulap ng luha sa mga mata ko.
Once we were done, we were left sitting in a waiting lounge. Naroon kami para hintayin ang asawa ng driver namin. Medyo mahuhuli ito sa pagdating dahil malayo-layo ang panggagalingan. Iyon din ang dahilan kaya stay-in ang driver namin, at weekly umuuwi sa kanyang pamilya.
As we sat on that cold, silver bench, I could not help murmuring, "I only wanted coffee..."
Naaawang napalingon siya sa akin.
"Hindi ko naman laging tinatakasan si Manong," nanghihina kong tuloy. "At..."
Hinagod niya ang braso ko. Pero walang talab iyon. Naninikip pa rin ang dibdib ko. Nararamdaman ko na naman ang panunukal ng mga luha sa mata ko. I wish I could just stop crying. Kahit dugo pa ang iiyak ko kapag naubos na ang mga luha ko, hindi na maibabalik ang nawalang mga buhay. Hindi maaawa sa akin ang Diyos at pababangunin ang bangkay ni daddy at ng driver. My tears just wouldn't stop. It was as if something pierced my heart and left a hole that cracked a dam full of tears. Now, they streamed down my cheeks once more.
"Carly," mahinahong saad ni Yaya Tri, "huwag mong sisihin ang sarili mo, hm?"
This wasn't the right time for reverse psychology to work. But life was cruel because her words hit me that way, even if she only wanted to make me feel better.
To me, it felt just like that. Na iyon ang totoo. Na kahit papaano, may kinalaman ako sa pagkamatay nila.
Iniwanan din ako ni Yaya Tri sa bench na iyon nang dumating ang asawa ng driver namin. Hindi nga niya ako pinansin. Siguro dahil eighteen lang ako. Siguro iniisip niya, masyado pa akong bata para makausap niya nang matino tungkol sa kalagayan ng asawa niya. I envied her a lot, because she managed to keep a straight face. Hindi siya makaiyak dahil siguro hindi pa rin siya makapaniwala sa kinahinatnan ng kanyang asawa. I don't really know. But her eyes were red on the rims, drooped in internal turmoil.
Sinamahan siya ni Yaya Tri sa mga nurse para asikasuhin ang mga form na kailangang ma-fill-up-an. Yaya Tri promised me that she would give me a drink when she returned.
Pero hindi ko na nakuha iyon.
Umalis na ako sa ospital bago pa niya ako nabalikan.
Nakarating na ako sa subdivision. Naglakad ako pauwi. Nawala sa isip ko ang tungkol sa sobrang layo ng bahay namin mula sa main gate. Nawala sa isip ko na wala nang nagpapapasok na tricycle sa subdivision namin kapag alanganing oras ng gabi. Nawala sa isip ko ang tungkol sa mga bastos na construction worker malapit sa bahay namin.
My body was present where I walked, but my mind was drifting.
How would I explain this to my mother?
Paano ako mabubuhay ngayong wala na si daddy?
I wanted him back.
And I could not help feeling so sorry for what happened to manong. Ni hindi ko matingnan sa mata ang asawa niya kanina. But from her shaky voice, I could tell she was resisting the urge to cry in the hospital. Buti pa siya, napigilan niya. I wanted that kind of strength in this very moment. I wanted that kind of control and composure.
I bit my shuddering lower lip.
I heard my shoes scratch on the ground.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko.
Kung bakit tumakas ako sa driver kanina. Kung bakit ginawa ko ang isang maliit na bagay na ganito kalaki ang magiging epekto sa akin, at sa driver, at kay daddy.
At eighteen, everything felt bigger for me. Everything had deeper meaning. Everything were connected. Everything could hurt so much than it actually could.
And everything that happened to me had to be my own fault.
Because when I was eighteen, I believed I was given the freedom to create my own fate. Why not? Eighteen was the legal age. At eighteen, you're expected to be old enough to make sound decisions, but young enough to be open to learn more in life. But in that very moment, whatever I was going through had to be nothing but my fault.
May nakita akong namimili sa isang tindahan na matandang lalaki. Saktong nakapagbayad na siya nang sumingit ako. I bought a softdrink. Nang bigyan ako ng boteng may straw, umupo ako sa bangko roon. Wala sa loob na uminom.
At saka ko lang naramdaman ang panginginig ng mga binti ko. Sobrang pagod sa paglalakad.
I was oblivious of the group of men who were murmuring from a house on the far right across the street. I was oblivious of the push and pulling they were doing to him.
To Zacharias.
Nakulit siya ng mga ito.
Nang natamaan siya ng ilaw mula sa tindahan, nakita na siya ng peripheral vision ko.
Naka-short siya, manipis na t-shirt na medyo maluwag para sa kanya. At tsinelas.
At saka ko lang binigyang pansin ang tsinelas niya. Maalikabok. Mukhang luma na rin. Iniwas ko roon ang mga mata ko nang makita ang paninikit ng abuhing kulay ng semento sa mga daliri at gilid ng kanyang paa.
I felt his eyes on me as he took the seat across where I was.
"Miss," tawag niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Tinuon ko ang tingin sa tindahan. Wala na roon ang bantay niyon.
"Nag-promise na sila na hindi na tayo tutuksuhin ulit," nahihiyang wika ni Zacharias sa akin. "Pinagsabihan ko na sila."
Inirapan ko siya. Gusto ko sana siyang barahin kaya lang, ang pangit naman ng timing niya.
Tumayo na ako.
Napatayo tuloy siya.
"Miss, sorry talaga. Hindi ko gustong mabastos ka. Hindi ko lang sila pinigilan noon o pinansin kasi in denial pa ako no'n. Kunwari, hindi ako apektado! Pero ang totoo-"
"Pwede ba?" singhal ko sa kanya.
Napatigil siya sa pagsunod sa paglalakad ko.
"Wala akong pakialam! I don't like your apology and I don't care kung napagsabihan mo na sila! In fact, may common sense dapat kayo na hindi kayo dapat nambabastos ng babae."
"Hindi ka naman nila kina-catcall, eh," depensa niya. "Tinutukso lang nila ako. Ako ang sinisipulan nila! Tapos tinatawag ka nila sabay tinuturo nila ako!"
Walang kwenta makipag-usap sa lalaking ito. I just turned my back on him and walked on.
Buti naman at naisip niyang huwag na akong sundan ulit.
•·················•·················•
Look, we can't not make a complaint about that accident, Carly! Bukod sa burol ng daddy mo, tayo rin ang may sagot para d'on sa driver! And we are required to give a little compensation for the family he left! Maraming gastusin at namatay sila dahil sa truck driver na iyan! We're not letting this slide!
Hilam na ang mga mata ko noon sa pagluha. Huling lamay na ni daddy.
Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang nagkalat na mga upuan sa maliit na front yard ng townhouse namin. Mangilan-ngilan na lang ang nakaupo roon na nakikilamay. My friends were still inside, right where the funeral arrangements could be seen with my daddy in his coffin.
Naging madali na ang processing ng funeral services kahit wala ang nanay ko para mag-assist sa akin. It was all well-prepared for anyway, after daddy has fully paid his life insurance plans a few years ago.
But it remained a shock to us that he would be using his life insurance plans this early.
Nakuyom ko na lang ang kamao ko. I felt myself shake.
Namatay na si daddy at lahat, ang pagsasampa ng kaso pa ang unang naisip ng nanay ko.
Yes. I would rather call her my mother o nanay ko. Never mama, mommy or mom.
Why should I? We're not even close.
"Carly?" usig sa akin ng nanay ko mula sa cellphone. "Carly, are you still there?"
"Kailan mo balak umuwi rito?" pabalang kong saad. Nagbabanta na naman ang mga luha sa mata ko. "Huling lamay na ni Daddy."
There was silence before she sighed.
"Anak." She paused. Nag-iisip na naman siya siguro ng idadahilan sa akin.
Sometimes, my mother was making me think that her memory of me was stuck to eight years old. She thought I was still the same eight-year-old girl whom she left in the Philippines with daddy. Kaya akala niya, mapapaniwala pa rin niya ako nang gano'n-gano'n na lang sa mga dahilan niya.
"I gave you instructions naman, 'di ba? On how to cope while I am still not there. On how to process some important requirements para sa palibing ng daddy mo at nung driver. At..."
"That doesn't answer my question," mariin kong wika.
"Carly!" she gasped. As if my rash behavior should not be expected from how she was acting. "Don't talk to me like that!"
"Kailan mo balak umuwi?" ulit ko sa kanya, baka nabingi lang siya.
"Anak, I'll be there by the end of the month. I promise."
"Bakit end of the month pa?"
"I told you, from US, I went here in Sweden for a collaboration project meeting. Hindi ko kakayaning makarating diyan agad-agad."
"I see," sagot ko na lang. But that never satisfied me. None of anything she says ever satisfied me after too many promises that she broke.
Kulang na lang, aminin na lang nila ni daddy sa akin na hiwalay na sila.
But I never got to find that out. Wala rin ako mapanghahawakang ebidensya dahil hindi rin sila nai-involve sa ibang babae o lalaki.
So, maybe, my mother was just this negligent of her own family.
Pinatay ko na ang cellphone. Papasok na dapat ako ng gate nang may napahinto ako mula sa paglalakad. Nakita kong daraan sa tapat ng bahay namin si Zacharias.
His eyes scanned me. Nakita niyang nakasuot lang ako ng jeans at long-sleeved high neck shirt na kulay itim. Nakaladlad lang din ang itim kong buhok. I saw his eyes soften at me.
"Condolence, Miss," magalang niyang tango bago tumuloy sa paglalakad.
Nakita kong bitbit niya ang bag niya. Siguro nag-day off siya, umuwi sa bahay nila, at ngayon lang ulit babalik sa construction site na pinagtatrabahuan niya.
"Zacharias," tawag ko sa kanya.
Nakakaasar din talaga ang lalaking ito. Slow-mo pa kung lumingon sa akin. I noticed how worried his eyes looked. Kaya pinangunahan ko na siya.
"Hindi na nila ako kinakantyawan at sinisipulan. Salamat. Sana lagi kayong ganyan, hindi lang sa akin, kundi sa kahit sinong napapadaan diyan."
"Hindi naman sila nambastos ng mga napapadaang babae diyan," mahina niyang sagot sa akin. "Ikaw lang ang tinutukso nila dahil sa akin."
I looked at his feet. Umaangat na 'yong dulo ng swelas ng tsinelas niya.
"Kumain ka na ba?" Balik ko ng tingin sa mga mata niya.
Ngumiti lang siya.
"May pagkain dito."
"Grabe ka naman, mukha ba akong... Mukha ba akong makikikain lang ang dahilan kaya nakikiramay?"
"Bakit? Gusto mo pa ng special treatment? Gusto mo pang ipagluto ka ng mga katulong, Zacharias? Aba mas mahiya ka kung gano'n."
He looked around. Alanganing oras na kaya siguradong wala na siyang mabibilhan ng pagkain. That was also the reason why I invited him in the first place.
Nahihiyang lumapit siya sa akin. "Talaga? Pwede akong kumain? Baka ipahiya mo na naman ako." Buglang lumungkot at humina ang kanyang boses. "Itaboy."
"Bakit ko gagawin iyon, eh, pinatigil mo 'yong mga katrabaho mo sa pambabastos sa akin? Para naman akong walang utang na loob kung hindi kita mapapasalamatan para do'n."
I don't know. Maybe, I just wanted to treat him nicely this time because I wanted to make it up for causing my father's death. Alam ko, walang koneksyon. Pero siguro, mas padadaliin ng langit na mawala itong bigat sa dibdib ko kung...kung hindi na ako magmamaldita sa mga tao o magiging sakit ng ulo tulad ng naging role ko kay daddy...at sa driver...
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing hindi nakasunod si Zacharias. My eyes searched for him as I walked back to the gate. Gumusot ang mukha ko nang makitang nakaupo siya sa monobloc. Katabi pa talaga niya ang bukas na pinto ng gate.
"Bakit nandiyan ka? Hindi ka naman security guard dito?"
Fudge. Hindi pa kumpleto ang pagbabalik-loob ko. May pagkamaldita pa rin ako.
Nahihiyang ngumiti siya. "Eh, nakakahiya namang doon pa ako sa loob umupo. Anong isasagot mo kapag may nagtanong kung sino ako?"
Inekis ko na lang ang mga braso ko. "Kung sabagay..." nanunubok kong saad. Kunwari, magbabago na ang isip ko. Ganoon naman kasi ang mga tao, kapag magbabago na ang isip nung kausap nila, bigla na lang silang papayag sa inaalok sa kanila. His objection was taking too long, I gave him a stare.
Talagang hindi siya aalis doon kaya sumuko na ako.
"Fine, diyan ka lang. Ikukuha kita ng pagkain." I left him there, groaning because, my goodness, he just turned me into a waitress.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro