Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

CARLY

SI ZACHARIAS. Isa siya sa mga pinakanakaiinis na tao sa mundo. Or maybe, I was just stereotyping. Alam kong marangal na trabaho ang pagiging isang construction worker, pero may iba sa kanila na dinudungisan ang propesyong iyon.

I was eighteen-a college student. I was named Carly and been called that same name by everyone since birth. That and no nicknames. Nakahawak ako noon sa strap ng sling bag ko. Naglalakad ako pauwi ng bahay sa subdivision na tinitirahan namin nang mapadaan ako sa ginagawang bahay. Nang natanaw ko pa lang iyon, nakaramdam ako ng pagsisisi.

Tinakasan ko kasi 'yong driver na susundo dapat sa akin sa school. Pumuslit ako para makasama sa mga kaibigan ko sa bagong bukas na coffee shop. Siyempre, bukod sa pagtambay at pagtikim ng specialties nila, kasama sa agenda namin ang pagse-selfie. We made a lot of posts on our social media accounts that time.

Back to construction workers, I finally reached the front of that construction site. Malapit nang matapos ang bahay na pinapa-expand ng may-ari. I knew because I've seen how that house actually looked before all this construction thing. Ilang beses na rin akong napapadaan kapag lumalabas ako ng bahay.

At paanong hindi ako mapapadaan, eh isang bahay lang naman ang pagitan niyon mula sa tinitirahan namin? Nadaraanan ko pa kapag may kaibigan akong gustong daanan na tagarito lang din sa subdivision na ito.

Humugot na lang ako ng malalim na paghinga. The show started here.

I walked by. Confident. Fierce mode. A face that said Don't mess with me. You won't like it.

So far, they remained busy with their work.

Akala ko, nagbago na ang ihip ng hangin.

Nakuha ko pang magulat nang makarinig ng pagsipol.

Bwisit talaga. I shouldn't have expected these pervs to change.

Mas binilisan ko ang paglalakad. Pairap ko silang sinulyapan. Pinag-iisipan ko na kung papakitaan ko sila ng middle finger dahil punong-puno na talaga ako sa mga bastos na ito. There were suddenly gasps. May iba na nakuha pang mangantyaw.

Napangiwi ako nang bumangga ako sa muscle.

As in muscle. Pawisang muscle. Hindi ko alam kung anong klase ng tao ito. Kung bakit amoy softdrinks ang pawis na naka-coat sa matigas niyang pecks...at abs.

Yes, my freaking eyes just trailed down before I even decided to check his face.

Matalim na tingin agad ang pinukol ko sa nabangga ko. That's when I realized that...that he's cute. Fudge. Bakit ganito ang pinag-iiisip ko sa...sa madungis na lalaking ito? I felt my feet stepping back. Despite the first impression that he's cute, I could imagine how horrified my face looked when I saw him. At saka ko lang napansin ang bitbit niyang mga nakaplastik na softdrinks na may straw. Sobrang dami niyon kaya siguro 'yung iba, nabagsak niya nung nagkabanggan kami.

Nagsalubong lang ang mga kilay niya. Oo, mukhang nag-alala siya para sa mga binili niyang softdrinks, pero nung pinasadahan niya ako ng tingin, doon na ako naasiwa.

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Miss!" tawag niya sa akin.

Pero hindi ko talaga nilingon ang Zacharias na iyon. I was too occupied earlier with what happened, and I was already home when I noticed the stains on my uniform. Hindi naman makapagreklamo ang mga katulong nang makita iyon. In fact, they became more concerned about me.

Panay ang tanong nila kung ayos lang ba ako at ano ang nangyari.

Sinabi ko lang na natapunan. Hindi ko na babanggitin pa ang tungkol sa mga construction worker. Of course, it's easier to file complaints and things like that. But I didn't want to waste my time on those low forms of beings.

Nakapagbihis na ako. Nakaupo na ako sa study table ko sa kwarto habang kakwentuhan sa cellphone si Kelly.

"And..." I rolled my eyes. "I really, really want to give them a flip already! I was about to nang mabangga ako sa isa sa kanila!"

"Girl, hinahayaan mo lang kasi sila. Kaya ang lalakas ng loob nila," sagot ni Kelly. Sabi niya, nanonood siya ng TV habang kumakain ng chips, and that's what I can imagine from the sounds she made and the background from where she was.

"Look, wala akong time para sa kanila." Deretso ko ng upo. Habang kausap si Kelly, abala ako sa pagsusulat sa diary ko. I was using this cute pen I bought days ago from the mall. It's pink with a pink furry ball swining at the top end. "But next time, please, huwag biglaan ang pag-anyaya ninyo sa akin, okay?" I stopped writing. "Alam mo naman 'yong driver namin! Daig pa parents ko sa sobrang strict sa schedule!"

Sa totoo lang, may dahilan ang driver namin para maging ganoon. Siya lang kasi ang nag-iisang family driver namin. Ibig sabihin, pagkatapos niya akong sunduin mula sa school, daraanan naman namin ang daddy ko sa opisina niya. At sabay kaming uuwi. My mom? Oh, she was in another planet. I mean, overseas. Mas masarap kasi ang buhay niya roon.

Okay, fine. I'll tell the truth. She was there because she chose to handle their family business there over her own family here in the Philippines.

"Well, bakit kasi hindi ka na lang nagsabi? Akala naman namin, nagpaalam ka na."

"I didn't! Bago pa ako magsabi, makokonsensya na ako. For sure, Daddy will scold him if he picks him up and I am not in the car!"

"Eh ganoon din naman ang mangyayari in the end, eh."

"At least, nakasama ako sa inyo, 'di ba?" sabat ko.

"Fine, fine. Oo na."

Napalingon ako sa pinto. "Later, Kelly. May kumakatok sa pinto. Bye."

Minadali ko ang pag-disconnect sa tawag. Iniisip ko kasi na nakauwi na si daddy. Why not? It was already around seven in the evening. Hinanda ko na rin ang sarili ko habang palapit sa pinto.

For sure, he's gonna scold me for what happened!

Pagbukas ko ng pinto, si Yaya Tri ang bumungad sa akin.

She had always been pleasant-looking. Mukhang laging nakatawa kahit hindi naman nakatawa o nakangiti. There was just this jolly vibe in her presence. It must be the soft puffy cheeks despite her slim figure, or how round her eyes were. During that time, she was around twenty-eight years old, and wanted to be called Tri. Masyado raw kasing nakatatanda ang Trinidad-ang pangalang binigay sa kanya ng mga magulang niya.

"Yaya Tri?" Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para sa kanya. "Is Daddy already home?"

"Ay, hindi pa, Carly," tanggi niya. "May naghahanap kasi sa iyo sa labas."

"Oh?" Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko bago bumalik sa loob ng kwarto.

Nakasuot lang ako ng pink na pajamas at spaghetti strapped na pang-itaas. Gawa ang top ko sa pink na satin, na may light pink na lace na sumusunod sa v-neckline na hulma niya. I really loved this one, and had always been a very memorable night wear for me...

"Who is it?"

Dinampot ko ang roba kong nakasampay sa footboard ng kama at sinuot iyon bago hinanap si Yaya Tri.

"Zacharias daw." Nang-iintriga pa ang boses niya habang namimilog ang mga mata.

Napatigil ako sa pagbubuhol ng tali ng roba sa baywang ko. "Zacharias?"

"Kilala mo ba siya?"

Lalong gumusot ang mukha ko. "No. Wala akong kilalang Zacharias." Tinuloy ko na ang pagtatali. "But I'll face him. How does he look like?"

"Ummm, moreno." Tumingin sa taas ang mga mata ni Yaya Tri para alalahanin ang hitsura ng bisita ko. "Brown ang buhok."

"Brown haired." I pouted. "Must be one of those guys at school." I nodded approvingly, imagining myself a Zac Efron...

Wait. Zacharias... Zac Efron...

Namilog ang mga mata ko. Napatitig ako kay Yaya Tri.

"Mukhang simple nga lang, eh. Nakapantalon at t-shirt Siya. Naka-tsinelas... Pero cute. May muscles."

O.M.G. Wasn't that a mortal sin? How dare that guy wear slippers when he was wearing jeans and a shirt? Yes, the muscle part did not catch my attention. The tsinelas already did.

"Does he have flowers with him?"

No way this guy would be a manliligaw. I would roast him about his fashion sense and he would not like it.

"Flowers? Wala, eh."

"Walang dalang kahit ano?" Tungo namin sa pinto. "He must be just a classmate."

Sino kaya sa kanila? Wala naman kasi akong classmate na...ugh.

"May dala siyang plastic bag. Hindi ko alam kung ano ang laman."

"Is he going to make limos?"

Natawa ang babae. "Hoy, bata ka! Hindi por que ganoon 'yong hitsura nung tao, manlilimos na."

We were already descending the grand stairs of the house.

"Then what is he here for?"

"Eh, haharapin mo naman siya, Carly. Itanong mo na lang sa kanya kung bakit siya nandito."

Ano pa nga ba?

Hindi pa ako tuluyang nakabababa ng hagdan nang matanaw ko siya. He sat stiffly on our white sofa. His butt was almost at the rear end. I could see his knees rising and falling. Sinasadya niya yatang i-jogging ang mga binti niya habang nakaupo dala ng nerbyos. His elbows rested close to his knees. May hawak nga siyang plastic na nakabitin sa pagitan ng mga binti niya. The cheap type with red and white stripes on it.

The moment he lifted his eyes to our direction, I stopped walking.

I know this guy...

My eyes slowly narrowed at him.

Nalagpasan tuloy ako ni Yaya Tri. Mabilis din siyang huminto nang mapansing hindi ako kumikilos. Nilingon niya ako.

"Carly," mahina nitong tawag.

Napipilitang bumaba na lang ako ng hagdan.

"Get him some water," utos ko sa katulong kaya naiwan kami ni Zacharias sa salas.

I did not even bother to take a seat. I just crossed my arms.

"Ano ang ginagawa mo rito? How dare you go to my house?" mataray kong bungad sa kanya.

Nag-aalangang tumayo ito. "Ah... Eh... Kasi..."

Fudge. I resisted the urge to roll my eyes. Ang laki-laki ng katawan tapos...tapos ganito magsalita? Lalong naningkit ang mga mata ko sa kanya.

I didn't trust this shy boy façade he was trying to do.

Hindi ko makalilimutan na kasama siya sa mga bastos na constructions workers na nadaanan ko.

"Ah... Eh... Kasi..." Nang-aasar kong gaya sa tono ng pananalita niya.

"Gusto ko sanang humingi ng pasensya. Sa... Sa nangyari kanina..." Pailalim niyang tingin sa akin na para bang nahihiya siyang tingnan ako sa mga mata.

"Oh, really? You've been catcalling me, you pervs, for months and now-"

"Sorry." Yuko niya. "Ako ang may kasalanan."

Napalabi ako.

"Hindi naman talaga sila bastos," tanggol ng Zacharias na ito sa mga kasama niya.

What should we expect from men, right?

"Inaasar lang nila ako...kasi..." Nakaw niya ng sulyap sa akin. "Kasi...crush kita, eh."

Lalo yatang sumama ang pakiramdam ko. I glanced at the plastic bag he was holding.

"At ano iyan?" tukoy ko roon.

Ayokong sumentro sa pagkakaroon niya ng crush sa akin ang topic namin. Kunwari hindi iyon nag-e-exist. Dahil ayoko sa kanya. Ayoko sa...sa lalaking ang tanda na, pa-cute at pa-shy type pa tapos, mga catcaller ang mga kabarkada niya.

Like, ew.

"Ah, para sa iyo." Abot niya ng plastic sa akin.

Hindi ko yata magalaw ang kamay ko. I felt the urge to spray alcohol on the plastic first before I touch it.

"Hmm?" alok niya ulit sa akin nung hindi ko abutin.

"Ano nga sabi ang laman niyan?" atras ko.

"Tinapay." Nahihiya niyang ngiti.

I had to admit. That was a cute smile. But...ugh.

"T-Thanks." Dampot ko sa plastic. I only used my thumb and forefinger, and I wasn't ashamed to be expressive about how cheap I thought his present was.

Nilapag ko iyon agad sa coffee table.

"Pasensya na talaga, ha?" wika niya nang harapin ko ulit siya.

He even dared to show me those begging puppy eyes. Napahalukipkip na lang tuloy ako.

"Get out."

Hindi ko alam kung paano pa niya nakuhang magulat.

"Ah... Ano... Miss..."

"I said, get out," mataray kong taboy sa kanya bago ko siya iniwanan sa salas.

Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon niya kasi baka maawa ako. Alam kong maaapektuhan ako kasi nadadala ako sa ganoon ng driver namin at ng mga katulong kapag nagiging sakit na ako ng ulo nila.

Umaakyat na ako ng hagdan nang maisipan ni Yaya Tri na lapitan sa wakas si Zacharias. It was as if, she had been there, listening to our conversation and took my leaving as her cue to approach him. May bitbit na siyang isang baso ng tubig tulad ng inutos ko sa kanya.

Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya!

Inaasar lang nila ako...kasi... Kasi...crush kita, eh.

Mukha na akong kinokombulsiyon habang nag-iinarte sa kwarto ko.

Ew! Eew! Ewww!

I immaturely stomped my feet, and stopped when I had a glimpse of myself in the mirror. The way I acted made me look like stupid. And an impudent child. Napipilitang nahimasmasan na ako. I crossed my arms.

Bakit ba apektadong-apektado ako sa Zacharias na iyon?

May narinig akong palapit sa naiwan kong bukas na pinto. Alertong hinarap ko si Yaya Tri.

"No!" pinangunahan ko na siya. "No! You're not making me go back there!"

"Nakaalis na siya, Carly." Nag-aalangan niyang tingin sa akin. "Dinala ko lang ito."

Pagbaba ng tingin ko, hawak na niya 'yong plastic bag na may laman daw na tinapay. Napangiwi na lang ako.

I know, it made me look like a brat, but I wasn't. It was just that, I didn't ask for that perv to bring me that! At hindi ako interesadong malaman kung may crush siya sa akin. They made it pretty obvious the moment him and his perverted co-workers began catcalling me. And I swore to myself that time, that I would never, ever forgive them for that. Nakakagigil!

I waved a hand. "Naku, sa inyo na iyan, Yaya Tri. Go ahead, share mo sa ibang maids. I am not eating that."

Yaya Tri gave me an understanding look. Pero matamlay ang ngiti niya kaya alam kong nalulungkot siya sa mga inasal ko. Nakakainis tuloy. Nakaramdam ako ng konsensya dahil doon.

Napabuntonghininga na lang ako.

"Hear my side first, Yaya Tri." Pagbaba ng boses ko habang tinatanggal ang suot kong roba. "Isa siya ro'n sa mga nagko-construction sa malapit na bahay riyan. Nabangga ko siya kaya may stain ng softdrinks ang uniform ko. And everytime I pass by that house they were expanding or renovating or something, sinisipulan nila ako tapos miss pa nang miss."

My sigh was dramatic as I plopped on the bench against the bed's footboard. Tinapunan ko si Yaya Tri ng nagsusumamong sulyap.

"So, tell me, how am I supposed to react with that pervert? Hindi na ako natutuwa."

"Narinig ko ang pinag-usapan ninyo kanina." Lumapit si Yaya Tri sa akin. The way she patted my bare shoulder inexplicably made me feel...comfort. "Tinutukso lang daw kayo ng mga iyon kasi nga, may crush daw siya sa iyo. Nagpapapansin yata ang mga iyon sa iyo para makita mo si Zacharias."

"Eh, eew!" Pumadyak ako bago siya tiningala. "Gross, Yaya Tri!"

"Tama ka rin naman." Ngiti na niya sa akin. "Hindi ka nila dapat kinakantyawan ng ganoon o sinisipulan. Nakakabastos nga naman. At kung talagang gusto ka n'ong Zacharias na iyon, aawatin niya 'yong mga kasama niya sa panggagano'n."

Habang nagsasalita si Yaya Tri, napadpad sa orasan sa study table ko ang aking tingin.

Maga-alas otso na.

I started having a bad feeling.

"Where's Dad?" Tingala ko ulit sa kanya.

There was a gentle worry now on Yaya Tri's face. Nahagip din ng paningin niya ang orasan sa study table ko.

"Naku, baka na-traffic lang sila o may dinaanan." She placed the plastic bag on my lap. "Tutulong na ulit ako sa paghahanda ng hapunan ninyo. Sumunod ka na rin sa dining room, okay?"

Napangiwi pa rin ako dahil sa plastic na nilapag niya sa kandungan ko.

"O-Okay."

Tumango si Yaya Tri. Mannerism na niya 'yon kapag ie-excuse ang sarili mula sa akin, kay dad o sa mga nagiging bisita sa bahay. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto pagkatapos niyon.

I pinched the handle of the plastic bag and dropped it in the trash bin beside my study table.

Pagkatapos kong maghugas ng mga kamay at braso, nagsuot na ulit ako ng roba at dumeretso sa dining room.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro