Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGO

PROLOGO
DANICA FUENTES (DANA)

        
DANICA FUENTES AND FREDERICK MONTESANO ARE NOW ENGAGED!

Iyon ang bubungad sa iyo saan ka man magpunta. Mula sa billboard, newspaper, social media at TV ay iyon ang mababasa mo.

Marami ang masaya at bumati sa akin pero sa kabila noon ay isang kasinungalingan na hindi namin gusto ni Fred. Magkaibigan kaming dalawa at kailanman ay hindi kami magkakagusto sa isa't isa dahil may iba kaming gusto.

Mapait akong napangiti at pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Hindi ko akalain na ganito kahirap ipaglaban ang pagmamahal.

Naawa ako kay Fred dahil naipit siya sa sitwasyon na ito. Blinock mail siya ng magulang ko na kung hindi ako papakasalan ay buhay ni Tin ang kapalit, ang babaeng mahal niya.

Agad naman ako napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito. Pagbukas ko nito at tumatawag sa akin si Michael. Hindi ko pa man naririnig ang kanyang boses ay mukhang alam ko na kung bakit siya tumawag.

"Chubby ko." rinig kong tawag sa akin ni Michael at tumikhim lang ako dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa amin ni Fred.

Tumawa siya sa kabilang linya pero matapos nun ay narinig ko ang pagsinghot niya na nangangahulugan na umiiyak siya.

"Chubby ko, naalala mo ba noong unang sinambit ko sa iyo?." pagkwento niya at inalala ko yung unang sinabi niya sa akin noon.

"Ang sabi ko noon sa iyo ay... pwede ka bang mahalin. Tapos ang inirapan mo lang ako. Ang arte mo pa 'nun pero nahulog ka naman sa akin."

Natawa ako habang naririnig ko ang pagbabalik tanaw ni Michael sa kung paano kami unang nagkakilala. "Chubby ko..." muli niyang tawag sa akin at hindi pa rin ako nagsalita dahil gusto kong pakinggan ang sasabihin niya.

Kung maggagalit siya at susumbatan niya ako dahil sa kung anong nakita at nabasa niya tungkol sa amin ni Fred ay tatanggapin ko. Pero ikinagulat ko ang sunod kong narinig mula sa kanya.

"Chubby ko, pwede bang palayain ka?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.

Muling tumulo ang luha ko at pinigilan ang gumawa ng ingay para hindi marinig ni Michael.

"Bakit ko ako gustong palayain? Di ba sabi mo walang iwanan? Ang sabi mo sa akin kung nasaan ka ay dapat nandun din ako?" tanong ko at hindi ko na napigilan na iparinig sa kanya ang nga hikbi ko.

"Ikakasal ka na di ba? Gusto kong palayain ka para hindi ka mahirapan." sagot niya at narinig ko ang iyak niya.

"Hindi mo ba ako ipaglalaban?" tanong ko.

"Kaya kitang ipaglaban sa lahat ng pagkakataon pero pasensya kung hindi ko maggagawa ngayon."

Mas lumakas ang iyak ko at hindi ko na maggawang makapagsalita. Habang sa kabilang linya ay naririnig ko rin ang pagiyak ni Michael.

"I'm sorry chubby ko. Mahal na mahal kita." sambit niya habang naglalaho ang iyak naming dalawa.

Sandali pa ay tuluyang pinatay ni Michael ang tawag at kasabay 'nun ay pagtingin ko sa aking kinauupuan na may dugong umaagos pababa sa aking hita.

"Ang baby ko." sambit ko.

     


MISTERCAPTAIN
Professor

Maming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Hindi ito kasmaa sa Dating Series, side story lang ito pero kung trip niyong isama bahala kayo HAHAHA.

Anong theory niyo?

Try kong magupdate mamaya ng Chapter 1.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro