Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 92: Key

Zwythley P.O.V

"Bumati ka ng Japanese"sabi sakin ni kuya Ethan

"Babati hindi muna bababa?"tanong ko sa kanya

"Bababa syempre"sabi niya sakin habang pinapark yung motor niya

"Baba hindi papatayin yung engine ng motor?"tanong ko sa kanya. Bumaba na siya kaya bumaba na rin ako

"Papatayin yung engine ng motor"sabi niya sakin habang tinatanggal yung helmet ko na kay sikip sikip

"Papatayin ang engine ng motor hindi maglalakad?"

"Tang ina ka"sabi ni Kuya sakin sabay batok tinawanan ko nalang siya

Wengya!

Ang pikon pala niya eh. Pumasok na kami sa loob ng mansion ng mga Suzuki tinago naman ako ni kuya Ethan sa likod niya

"Arigato"bati ni kuya Ethan ng makita niya sila Yamashita tapos nasa taas naman si Kevin na naka tingin kay kuya. Hinihintay ko yung susunod na titingnan ni Kevin hanggang dumako sakin yung tingin niya kaya umiwas nalang ako

"Kuya dapat hindi mo na ako sinama eh"sabi ko kay kuya habang naka hawak sa laylayan ng jacket niya

"Manahimik ka na nga lang"bulong niya sakin. Tiningnan ko ulit si Kevin sa taas pero wala na siya

Baka bumaba na

"Zwythley?"tanong sakin ng lalaking boses kaya napatingin ako sa kanan ko

Si Ryosuke

Yung lolo ni Kevin sa side ng papa niya. Si Yamashita kasi lola niya sa side ng mama niya. Tiningnan ako ni kuya na may halong pagtataka

"Kilala mo siya?"tanong sakin ni kuya habang nakaturo kay Ryosuke

"K-kaibigan ko yung apo niya"sabi ko sa kanya. Umirap nalang siya sakin at hinawakan ako ng mabuti, yung parang mawawala ka na sa tabi niya

Baliw na ata

"Zwythley?"napatingin naman ako sa likuran ko si Kevin

Patay!

Sari saring sermon ang ibibigay sakin ni Kuya Ethan maya maya lang

"Kaibigan mo?"tanong ni Kuya Ethan sakin. Tumango tango nalang ako ng sunod sunod. Halata sa mukha niya ang pagka inis hindi niya lang pinapakita

Mamaya lang!

Nako!!! Susuklab nanaman yung dragon na bunganga ni Kuya Ethan na walang tigil sa kaka sermon pag dating sa kasalanan naming dalawa ni kupal este ni Key

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya sakin sabay lapit

"S-sinamahan si kuya. Eto nga pala"sabi ko sa kanya sabay bigay ng cake. Kinuha niya naman yun sabay tingin sakin ulo hanggang paa

"Bakit ang dami mong sugat? May nangyari ba sayo?"tanong niya sakin. Umiling lang ako sabay ngiti

"Sige po Mrs. Yamashita, uuwi ko na po to"sabi ni kuya Ethan sabay hila sakin palabas ng mansion. Ng makalabas na kami ng mansyon nila Kevin sinermunan kaagad ako

"Diba sabi ko wag kang makikipag kaibigan sa limang yun"sabi niya sakin sabay batok sakin

"Bakit ba ayaw niyo akong pagkaibiganin sa kanila?"tanong ko sa kanya. Tumahimik lang siya sabay sakay sa motor niya

"Sumakay ka na"sabi niya sakin kaya sumakay na ako sa likuran niya

Kainis eh!

Tapos pag uwi ko makikita ko kaagad yung mukha ng kupal na yun

Hay ang malas ko

Bakit kasi ayaw niya akong pakaibiganin sa limang yun? May kasalanan ba yun sa kaniya?

Ethan P.O.V

Hindi na ako makapag pigil gusto ko ng patayin yung limang yun. Kung hindi lang kami tutulungan ng president ng Japan which is ang tatay ni Kevin pinatay ko na si Kevin. Mabigat ang kasalanan sakin ng limang yun lalo na ng dinamay niya pa yung pinsan ko at ang kapatid ko. Mabilis kong pinatakbo ang motor na sinasakyan namin dun na siya nagsimulang kumapit ng mahigpit sakin

"Kuya dahan dahan lang"sabi niya sakin imbis na inis ang maramdaman ko tuwa pa. Kung hindi dahil sa kanya hindi kami makaka uwi sa Pinas at tumira sa bahay niya

Pero...

Naawa din ako dito saktong birthday niya which is 7 years old na siya non, before that day comes iniwan na siya ng pamilya niya then kami na abg nakita niya kinabukasan. Si Key mahal na mahal niya si Zwythley noon pero nag bago dahil sa isang aksidente

Zwythley P.O.V

Ligtas akong naka uwi ng bahay ko! Kahit sobrang bilis mag patakbo ni kuya buhay pa rin ako

"Mag hilamos ka na and pumunta ka sa kwarto ko"hindi na ako sumunod at sinunod nalang ang gusto niya. Pumasok na ako ng bahay ayun nga...

Si Kupal

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos umiwas nalang siya

"Anong nangyari sayo?"tanong niya sakin habang nag huhugas ng kamay niya

"Nahulog sa motor. Masaya ka na?"sarcastic na tanong ko sa kanya habang umiinom ng tubig

"Oo syempre para pareho na tayo"sabi niya sabay akyat sa taas. Sa sobrang higpit ng hawak ko sa baso nasira ko yun and nabasag

"Arghh!!!"sigaw ko ng biglang dumugo yung kamay ko. Nalagyan ng bubog eh

"Letiezia--- Anong nangyari sayo?!!"iritang tanong ni tita sakin. Umiyak lang ako ng umiyak kasi parang bumabaon yung mga bubog sa kamay ko

"Ethan!!! Key!!!"sigaw ko. Unang bumaba si kuya Ethan and bumaba din ang kupal

"Anong?-- fvck!! Ano bang ginagawa mo?"tanong ni kuya sakin sabay alalay sakin paakyat ng kwarto ko

"Ma! Tumawag ka ng doctor now!!!"sabi ni kuya Ethan. Halos mawalan ako ng hangin sa sobrang pagod ko kaka iyak. Tiningnan ko si Key na nakatingin lang sakin

"Ano bang katangahan ang ginagawa mo sa buhay mo?"tanong sakin ni Kuya habang nakahawak sa isa kong kamay. Onti onti na rin akong naka tulog sa sobrang pagod ko

~Time skipped~

"Okay ka na ba ija?"tanong sakin ng doctor kaya tumango tango ako bilang pagsagot

"Atsaka wala bang nakakalam sa inyo na may hika siya?"tanong ni doctora sa kanila

"Wa--"

"Kasi doc hindi ko sila tunay na pamilya, pinsan ko lang sila at tita ko lang siya. Bigla nalang kasi akong iniwan ng pamilya ko kaya lumaki ako sa yaya na tinuring ko na na parang tunay na nanay"sabi ko kay doc. Tiningnan ko si kuya Ethan na napahawak na sa sentido niya habang umiiling iling

"Can you shut up?"tanong sakin ni Key kaya ngumisi ako sa kanya

"Nagbibigay lang naman ako ng info baka makatulong kay doctora eh"sabi ko sa kanya. Nakita ko na nag yuyukom na siya ng kamao

"Wag ka ng lalabas mag isa at wag ka ng masyadong magagalitin yan ang napapala mo sa sobrang inis mo at wag kang pag papapagod kasi nakakasama sayo at ang pag uwi ng gabi, pag 9:00 wala ka pa sa bahay malilintikan ka sakin. Naintindihan mo ba?"tanong ni kuya Ethan sakin

"Hindi ko naintindihan ang bilis niyo magsalita"sabi ko sa kanya sabay irap

"Gusto mong hindi kita bigyan ng credit card?"tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya

"Wag ka ng lalabas mag isa at wag ka ng masyadong magagalitin yan ang napapala mo sa sobrang inis mo at wag kang pag papapagod kasi nakakasama sayo at ang pag uwi ng gabi, pag 9:00 wala ka pa sa bahay malilintikan ka sakin oh diba saulo ko?" Tanong ko sa kanya. Umirap lang siya sakin sabay labas ng kwarto kasama si doctora. Tiningnan ako ni Key sabay irap. Pag kalabas nila nag alburoto na ako don

"Pano ko maiintindihan ang bilis niya magsalita?"tanong ko sabay tingin sa kamay ko

Takte!



Don't forget to vote+ comment+ share+ follow :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro