Chapter 88: Bautistas
Zwythley P.O.V
Lumabas na ako ng kwarto ko nagulat ako ng bigla kong nakita si Bryann na ang ayos ayos
Wow!
Tiningnan niya muna ako mula paa hanggang ulo kaya binatukan ko siya
"Ano bang katangahan to?"inis na tanong ko sa kanya. Hinimas niya naman yung batok niya sabay iwas ng tingin sakin
"Sa Engagement ni Jb"napanganga ako. Seryoso?
Engagement?
"WHAT?!!"gulat na tanong ko sa kanya. Hinampas niya nalang yung ulo niya sabay tingin sakin
"Oo nga kaya tara na!!!"grabe!! Engagement?
Jb P.O.V
Kanina pa ako iyak ng iyak dito. Ipapakasal ako sa taong hindi ko mahal
"Ayoko nga sayo!!!"sabi ko kay Jane sabay bawi ng kamay ko
"Joax--"
"Si Zwythley lang ang tumatawag sakin non. Don't you ever call me Joax again"sabi ko sa kanya sabay irap at binuksan yung pinto ng kwarto ko pero hinawakan niya yung kamay ko kaya natulak ko siya
"Don't you dare to touch my hand. This is just for Zwythley!!!"sabi ko sabay labas. Saktong paglabas ko nandon na sila Koreaboo sa baba kaya bumaba ako
"Zwythley!!!"sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng mansion
Zwythley P.O.V
"Ikakasal ka na?"tanong ko sa kanya na may halong lungkot
Promise
Hindi ako nag bibiro kahit berde si Jb tinuring ko na siyang kaibigan
"Please ayokong magpakasal. Hindi ko siya gusto"sabi niya sakin sabay hawak ng mahigpit sa braso ko. Nakita ko yung mga luha niya sa mata
"Please. I don't love her"sabi niya sakin sabay yakap ng mahigpit kaya niyakap ko din siya pabalik
"Arrange marriage?"tanong ko sa kanya. Humarap siya sakin sabay yuko
"Kaya nga nililigawan kita eh para hindi na ako ipakasal pero sinusungitan mo ako"sabi ni Jb kaya napatawa ako sa kanya
"Hindi kita sinusungitan. Hindi ko nga alam na seryoso ka"sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin sabay ngisi
"Sabihin ko nalang na tayo na"sabi niya sakin sabay ngisi
"Maniniwala ba sila? Kakausapin ko nalang si--"naputol ang sinasabi ko ng biglang dumating yung mommy ni Jb. Nilagay naman ako ni Jb sa likod niya
"Blare my son"
"Jb"sabi ni Jb. Tumawa naman yung mommy ni Jb kaya napatingin ako sa kanila
"Who's that girl behind you?"napatingin siya sakin sabay harap sa pamilya niya
"M-my g-girlfriend"napatingin ako kay Jb
Anu raw?
"Girlfriend?!!"gulat na tanong ng mommy ni Jb sa amin. Hinawakan ni Jb yung kamay ko sabay lapit sa pamilya ni Jb
"Akala ko wala kang girlfriend anak. Ikaw babae ka! Chupe!!!"sabi ng papa niya ata sabay tulak sa babae na masama ang tingin sakin
"Kuya may girlfriend ka na pala. Alam na ba nila kuya Bryann to?"tanong ng lalaking mga nasa 15 years old na ata
"Hello magandang binibini"sabi ng kambal ng isa sabay halik sa kamay ko
"Jay Ar!!!"saway ni Jb sa kapatid niya
"Hello po"sabi ng batang maliit. Hinawakan ko yung pisngi niya
"Hi ang cute mo"sabi ko sa kanya
"Tara na muna sa loob. Ahh my son umuwi na pala sila Bryann. May problema daw"sabi ng papa ni Jb sabay pasok sa loob ng mansion nila. Kaming dalawa ni Jb ang natira don
"Hay gago ka"sabi ko kay Jb sabay siko
"Pano ba yan? Babe na din ang itatawag mo sakin?"tanong niya sakin sabay kindat kaya inirapan ko siya
Loko!
Pumasok na kami sa loob ng mansion nila Jb. Pinaupo na ako sa dining table nila. Magkatabi kami ni Jb ngayon
"Ako ang tatabi"
"Ako!!!"
Tiningnan ko yung dalawang kambal sabay tawa
"Wag nga kayong mag agawan, and fyi!!! That's Kuya Jb's girlfriend okay?"sabi ng mama ni Jb
"Okay ka lang ba? Namumula ka"sabi ng papa ni Jb kaya napatingin ako sa kanya. Napatingin ako kay Jb na nagpipigil ng tawa. Humarap ako sa papa ni Jb
"Ahh... Ehh... Kinikilig po ako kay Jb?"sabi ko sabay kurot sa braso ni Jb na nasa ilalim ng lamesa
"Ahh okay ahahahahahah"sabi ng papa ni Jb sabay tawa
"Babe gusto mo?"tanong ni Jb sakin sabay abot ng rice cakes. Tumango tango nalang ako sa kanya
Ayy shet!!!
Kinakabahan ako baka mabulunan nanaman ako. Wala pa naman si Weaboo dito. Lumapit sakin si Jb sabay bulong
"Maging sweet ka sakin"sabi niya sakin kaya napatingin ako sa kanya
Kailan ba ako naging sweet?
"Hindi ako marunong maging sweet"sabi ko sa kanya
"Ahhmm by the way Zwythley kailan niyo balak magpakasal ni Jb?"muntik ko ng mabuga yung iniinom kong tubig pati rin si Jb na nailuwa yung rice cake na kinakain niya
"No exact date"sagot ni Jb
"Ako nga pala si Jane Bautista mother of these 5 kids"
"Mom I'm a teen"sabi ni Jb kaya napatingin ako sa kanya na naka pout sabay kindat sakin
"Alam mo ate, ng tinulian si kuya ang liit liit ng ti---"
"Shut up JR"sabi ni Jb sabay hampas kay Kambal One
"Oo nga ate. Iyak nga ng iyak si kuya ng tinulian eh"sabi ng isang kambal sabay tawa
"Stop pinapahiya niyo yung kuya mo"sabi ng papa ni Jb kaya napatingin ako kay Jb na pulang pula na habang nakatingin sakin
"I'm Jordan this is twins are Jay- Ar and Jay Vee"ahh yun pala ang pangalan ng dalawang kambal na matatangkad
Kamukha nila si Chen
"This is Jackson 13 years old na yan pero maliit"
"Maliit din ti---"
"Shut up"napa tawa nalang ako sa kanila. Kahit kailan gusto ko talagang magkaroon ng mga kapatid na lalaki
"James, ang bunso"sabi ni Ms Jane sakin. Ngumiti ako sa bunso na sobrang cute
Ang tabaaaa
"Ayan si James ate malaki ang ti---"
"Stop it Jay Ar"sabi ng mama ni Jb sabay irap kay Jar Ar
~Time skipped~
Tumutulong ako mag ligpit ngayon. Si Jb kalaro yung mga kapatid niya. Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko kaya napalingon ako
Si Ms. Jane
"Can we talk?"tanong ni Ms. Jane sakin kaya tumango tango ako bilang pag sagot. Ngumiti siya sakin sabay hawak sa braso ko habang paakyat sa taas
"Alam mo ba si Joax? Mapag mahal yan sa mga kapatid niya"napatingin ako kay ms. Jane. Totoo ba?
Parang hindi
Joke lang!!! Halata naman kay Joax eh. Lagi niya kayang tinatawagan yung mga kapatid niya bago matulog at pag kagising
Pano ko alam?
Nakikita ko. Dati napag hinalaan ko na may ka text siya na babae yun pala si Jay Ar
"Si Micaela yung mahal na mahal ni Jb noon, sa una pa lang ayaw ko na kay Mica kasi mag kaaway kami ng mga magulang nila"napahinto siya at pumasok sa kwarto ni Jb ata
What the??
Puro pictures nila ni Mica ang nakalagay dito
"Na comatose si Joax ng tatlong buwan kasi nakitang bugbog sarado sa labas ng mansion nila Mica. Ang masama pa, si Bryann ang gumulpi sa anak ko"napatingin ako kay Ms. Jane na umiiyak
"Ng magising si Jb si Mica kaagad ang una niyang hinanap pero umalis na ng bansa ni Mica. Iniwan din ni Mica silang tatlo"sabi ni Ms. Jane
Tatlo?
"Tatlo? Sino po yung isa?"tanong ko sa kanya
"Si Sebastian. Tropa ni Jb si Sebastian, na aksidente silang tatlo ng mag drive si Bryann ng lasing. Sila ni Jb nalang ang nakaligtas. Sa ngayon nga hindi parin matagpuan yung katawan ni Sebastian. Pinag hihinalaan nga na buhay pa si Sebastian"biglang lumakas ang tibok ng puso ko
Ang tanga rin ni Bryann noh?
Mag da driva tapos mag lalasing
Ang tanga tanga talaga
"Na depressed si Jb ng ilang buwan bago mag pasukan. Hindi nga kami kinakausap hanggang sa nag first day of school, nakita ka niya. Himala nga eh, pag uwi niya sa bahay ang saya saya niya"napangisi nalang ako sa sinabi ni Ms. Jane. Masungit pa si Jb sakin non ahahahaha
"Nag bago siya ng dumating ka, dati mga 1:30 am pa yan umuuwi, minsan nga umuuwi ng lasing yan eh tapos may mga earrings pa siya sa tenga"napa iling nalang ako sa ginagawa ni Jb. Yung una talagang kinatakutan ko sa kanila si Jb hindi ko pa kasi nakita si Bryann non
Pero ang gwapo niya
"Sana mahalin mo yung anak ko. Ayaw ko siyang nakikitang sinasaktan ang sarili niya"sabi ni Ms. Jane sabay yakap sakin. Ng makarinig kami ng yabag ng paa nag hiwalay na kami ni Ms. Jane
"Ma!!! Alis na kami"sabi ni Jb habang onti onting pumasok sa kwarto niya
"Anak sinong naglalaba ng brief mo don?"pabirong tanong ni Mr. Jordan na nasa likod ni Jb
"Papa!!"sabi ni Jb sabay yuko. Bigla nalang niyakap ni Ms. Jane si Jb pati rin si Mr. Jordan
"Mahal na mahal ka namin anak"sabi ni Mr. Jordan kay Jb. Tumingala nalang ako para hindi tumulo yung luha ko. Nakakaingit sila
"Bakit ka tumitingala?"tanong ni Jb sakin kaya napatingin ako sa kanya
"A-ang ganda non"sabi ko sabay turo na mga glow in the dark
"Ay!!"sabi ni Jb sabay bukas ng ilaw
"Ma alis na kami. Bye ma, bye pa"sabi ni Jb sabay akbay sakin. Nag beso beso muna kami sa kanila sabay labas ng kwarto
"Bye bye ate Zwythley"paalam sakin ng kambal sabay yakap sakin
"Bye kita ulit tayo ha?"sabi ko sa kanila sabay hawak sa tyan ni James
Kyahhh
Pinag buksan na ako ng pinto ni Jb kaya lumabas na ako. Mag lalakad na sana ako palayo ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya at hinalikan
Ay pota!
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Teka!!! Sobra sobra na ba yung battery ng puso ko?
Jane P.O.V
"Binata na talaga si Jb hon"sabi ni Jordan sakin habang nakatingin sa dalawa na nag ki kiss
"Buti nalang nga at dumating siya, kawawa naman kasi si Jb"
Zwythley P.O.V
Ng humiwalay na si Jb sakin nag habol na kami ng hininga
"Salamat"sabi niya sakin sabay lakad papasok ng kotse niya kaya pumasok na rin ako
"Anong sinabi sayo?"tanong ni Jb sakin habang nag da driva palabas ng subdivision
"Yung nakaraan mo"sabi ko sa kanya sabay lagay ng ulo ko sa bintana
"Tapos?"
"Mahalin daw kita"sabi ko sa kanya sabay tingin. Ngumiti siya habang nag da drive
"Anong sabi mo?"tanong niya sakin
"Oo mamahalin kita"sabi ko sa kanya sabay pikit ng mata ko
Jb P.O.V
Huminto muna ako sa isang tabi para tingnan yung future Bautista ng buhay ko
"Sana ako nalang"sabi ko sa kanya
Don't forget to vote+ comment+ share+ follow :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro