Chapter 60: Jb's sweetness
Zwythley P.O.V
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko ay mali! Sa sigaw ng isa sa mga ugok
"GISING NA!!!!"sigaw sa isang tenga ko kaya onti onti kong minulat ang mga mata ko
"Bakit?"tanong ko. Pag sobrang antok ako ang hina ng boses ko
"Papasok tayo remember?"tanong ni ugok sakin. Kinusot ko ang mata ko kaya nakita ko na siya
Hala!
Pano nakapasok si Vaughnn dito?
"Inaantok pa ko"sabi ko sabay higa ulit pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatayo ulit ako
King ina
"Ano ba? Inaantok pa ako Vaughnn"sabi ko kay Vaughnn habang binabawi ang braso ko sa kanya
"Paliguan kita"sabi niya sabay hila sa paa ko. Pinabayaan ko siya. Inaantok pa talaga ako
Puyat
Dinala niya ako sa baba. Hindi niya hinila ang paa ko. Binuhat niya na ako
"Oh tulog pa"sabi ng isa sa mga ugok. Pagka upo sakin sa dining table. Bigla nalang bumaksak ang ulo ko. Inaantok ako tapos ang sakit pa ng ulo ko
"Huy okay ka lang ba?"tanong ni Ryan na katabi ko. Umiling ako sa kanya at ipinikit ulit ang mata ko. Naramdaman ko na may kamay na humawak sa noo ko kaya napatingin ako
Ang hari
"Nilalagnat ka"sabi niya sakin kaya nagsitinginan sakin ang mga ugok
"Nilalagnat siya? Dalhin natin sa ospital"sabi ni Jb kaya binatukan siya ni Kevin. Napakalumbaba nalang ako
Grabe!
"Gago ka talaga! Pinapatay mo yung babe mo"sabi ni Ryan sabay pektos kay Jb
Babe?
"Better to take a rest. Wag ka munang pumasok ngayon"sabi ni Bryann habang naka cross arms
"Sasabihin ko nalang sa adviser mo"dugtong niya sakin
"Umakyat ka na"sabi ni Ryan kaya tumayo ako sabay lakad palayo
Bwiset kasi!
Umulan pa kahapon wala pa akong dalang payong. Gago kasi si Kuya Sebastian. Iniwan ako sa mall.
Naramdaman ko na umiikot na ang paningin ko kaya bigla nalang ang napahiga at nawalan malay
Jb P.O.V
Hindi ko malagay ang tingin ko sa iba. Sa babaeng naglalakad lang ako nakatingin. Huminto siya kaya tumayo ako tapos bigla nalang siyang bumaksak. Ako ang unang lumapit sa kanya sabay gising
"Guys! Nahilo"sigaw ko. Lumapit naman sila saming dalawa ni Blank Zwyth sabay bigay ng tubig
"Tanga ka ba? Pano ko papainumin kung walang malay?"tanong ko kay Kevin sabay irap. Tanga tanga rin eh
"Aabsent ako"sabi ko sa kanila sabay buhat kay Blank Zwyth
"Kami rin"sabi ni Bryann kaya nanlaki ang mata ko
King ina
Akala ko ma so solo ko siya hindi pala
"Ako bibili ng gamot para sa kanya. Kayo ayus ayusin niyo"sabi ni Bryann habang nakaturo samin
"Yes boss"sabi namin. Binuhat ko na siya pa akyat
Grabe!
Nag da diet ba to? Ang bigat
Jongdae!
Hindi naman siya mabigat pero pag tiningnan mo parang mataba lang. Pag kapasok ko sa kwarto. Inayos ko siya ng higa at hinipo ang noo niya
Mainit nga
"Kevin!!! Pamunas nga!!!"sigaw ko. Aalagaan ko muna to
~Time skipped~
[A/N: Insert background music: For You by EXO]
Pinupunasan ko siya ngayon sa ulo. Grabe! In my whole life ngayon lang ako nag alaga ng babaeng may sakit. Dumako ang tingin ko sa may dibdib niya
Hala!
Tiningnan ko yung necklace niya. Teka! Parang pamilyar to ahh?. Tiningnan ko yon
Ay shit!
San niya nakuha yon? Eto yung necklace ni Sebastian eh!. Nabitawan ko abg necklace kasi may biglang pumasok kaya tiningnan ko
Silang apat
"Diba patay na si Sebastian?"tanong ko sa kanila na siya namang ikinalaki ng mata ni Bryann
"Don't ever talk about him"madiin na sabi ni Bryann sakin kaya umiling nalang ako. Alam ko may kinalaman siya
"Gumising na ba siya?"tanong ni Ryan sakin. Nag nood lang ako sa kaniya
~Time skipped~
"Buti naman at gising ka na"sabi ko sa kanya habang mahigpit ang hawak ko sa kamay niya
"Bakit? Ano bang nangyari?"tanong niya sakin habang umuupo kaya inalalayan ko siya
"Nahilo ka"simpleng iling lang ang sagot niya sakin sabay ngiti
"Umabsent ka?"tanong niya sakin. Umiling ako sa kanya sabay ngiti. Ngumiti siya sakin at pinalo ako sa braso
"Bakit ka umabsent? Ha? Pano pag may assignment? Wala tayong sagot?"tanong niya sakin kaya tinakpan ko ang bibig niya
"Tama na muna ang daldal kumain ka muna"sabi ko sa kanya sabay abot ng ramen. Binuksan ko na yung sa kanya at binigay. Binuksan ko din yung akin at kinain. Jjamppong yung akin.
Sinimulan na niyang kainin ang ramen niya kaya kinain ko na din yung akin. Kinalabit niya ako kaya napatingin ako sa kanya
"Bakit?"
"Gusto mo?"tanong niya sakin sabay subo ng ramen
"Sayo nalang"sabi ko sa kanya sabay tanggi. Nag pout naman siya sa harap ko
"Kasi. Binibigyan na nga kita eh"sabi niya sakin sabay subo kaya kinain ko na din
Loka to
"Penge"sabi niya sakin sabay kuha ng noodles sakin. Hinayaan ko siya. Ng makalapit yung pisngi niya sakin hinalikan ko yung pisngi niya na siyang ikinagulat niya
"Ikaw!"sabi niya sakin sabay tusok sakin ng chopsticks niya na siyang ikinatawa ko
Ang kulit niya
"Jb. Humu hokage ka noh?"tanong niya sakin kaya tumawa ako sa kanya
"Ako pa?"sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sakin sabay ayos ng upo. Tiningnan ko siya kaya kinalabit ko siya
"Bakit?"tanong niya sakin sabay harap. Gamit ang thumb ko, tinanggal ko ang noodles niya sa gilid ng labi
"Akala ko hahalikan mo ko"sabi niya sakin sabay tawa
"Gusto mong halikan kita?"tanong ko sa kanya sabay tingin ng nakakaloko
"Lul! Ayaw ko no! Ano kayo? Lima kayong manghahalik sakin?"sabi niya sakin sabay tawa. Oo nga noh? Kami nalang ni Ryan ang hindi nakakahalik sa kanya
"Oo nga"sabi ko sa kanya sabay acting na parang nag iisip
Montanga
Basta! Gagawa ako ng paraan para mahalikan kita!
"Anong mga kinakatakutan niyo?"tanong niya samin
"Si Bryann takot sa ahas, Si
Kevin naman Afraid of losing someone he loves, Si Ryan Afraid of kissing. Si Vaughnn naman takot sa mga clowns"sabi ko sa kaniya
"Eh ikaw?"tanong niya sakin
"Sa apoy"
Don't forget to vote + comment+ share+ follow :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro