Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 100: Gun

Zwythley P.O.V

Pag kagising na pag kagising ko nag bihis kaagad ako ng damit

Wengya!

Sira ulo kasi yang Key na yan! Hinubaran ako?

Aba!

Sasabihin niya I hate Zwyth pero anong ginawa niya? Siya pa ang nag bihis sakin. Pag ka bihis na pag ka bihis ko pumunta kaagad ako sa kwarto ni kuya

"Kuya si Key"sabi ko kay kuya na nag bibihis na

Papasok ata

Doctor ba to or may business din?

"Ano?"tanong niya. Umupo naman ako sa kama niya

"Hinuhubaran ako kahapon tapos alam mo yun? Kitang kita ko tinitingnan niya ako"sabi ko kay kuya. Narinig ko naman na tumawa si kuya kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit ka tumatawa?"tanong ko sa kanya sabay cross arms

"Wala lang"sabi niya sabay suot ng necktie niya. Tinaasan ko siya ng kilay

"Kuya wala ka bang nililigawan?"tanong ko sa kanya. Huminto naman siya sa ginagawa niya sabay harap sakin

"Wala akong balak mag asawa"sabi niya sakin sabay talikod. May tinatago si kuya na hindi ko alam eh

"Weh?"tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sakin sabay kuha ng phone niya

"Wala nga"edi wala! Sige wala na! Basta aalamin ko yung sikreto niya

"Alis ka na dito"sabi niya sabay kuha ng bag niya. Humiga naman ako sa kama niya

"Dito muna ako"sabi ko sa kanya sabay dila

"Tss. Fine"sabi niya sabay lapit sakin at hinalikan ako sa noo

Aba!

Ginawa naman akong matanda nito!. Pag labas niya dumungaw ako sa bintana. Kitang kita ko na wala na si kuya

Umalis na siya

Yehet! Magagawa ko na ang gusto ko. Dahil nandon si Key!!! Dito ako makikipag usap kayla Vaughnn. Umalis ako ng dahan dahan sa kwarto ni kuya at binuksan ang pintuan ng kwarto ko kaya nagdahan dahan ako sa pag bukas baka kasi magising ko si Key

Yehet!

Kinuha ko yung cellphone ko sa drawer. Masaya kong binuksan yung cp ko

Putek!

"Dead bat"inis na sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Ngayon pa talaga? Bumalik ako sa kwarto ni kuya sabay tingin tingin sa mga drawer niya

Ayy shet!

Wala ba siyang charger!? Kainis naman eh! Habang nangangalikot ako ng gamit ni kuya ng may biglang may bumukas ng pinto niya kaya napalingon ako

Si Key

Patay! Nakita ko na may black eye siya

"Sorry"sabi ko sabay peace sign sa kanya

"Gamutin mo to! Kung ayaw mong isumbong kita kay kuya"sabi niya sakin. Tumango tango nalang ako sabay lakad palapit sa kanya. Una siyang pumasok sa kwarto niya kaya sumunod ako

"Ikaw na"sabi niya sabay tulak sakin papasok ng cr. Tiningnan ko siya na nakahiga na sa kama niya. Bumalik ang tingin ko sa first aid kit ng cr ni Key

Aish!!!

Nakakatamad gamutin ang mga kupal tulad niya. Kung nag uutos akala mo papatayin ka na

"Ang tagal naman"sabi niya. Umirap nalang ako sa kanya sabay labas ng cr dala ang mga panggamot

"Bakit may zonrox kang dala?"tanong niya sakin. Umupo ako sa kama niya habang umiirap

"Baka kasi luminis ka"sabi ko sa kanya sabay iirap. Inirapan niya lang ako

Loko!

Kinuha ko yung ice bag na may crushed ice tapos hinanda yung mga gagamitin. Tumingin ako sa kanya na nakatingin sakin kaya inirapan ko siya

"Uminom ka ba kahapon?"tanong niya sakin. Nilagay ko na yung ice pack sa black eye niya

Buti nga sa kanya!

"Sino bang hindi iinom ng tubig?"pamimilosopo ko sa kanya

"Heck!!! Uminom ka ba ng alak kahapon?"tanong niya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay

Uminom ba ako?

Wala akong matandaan eh!

"Hindi ko matandaan"sabi ko sabay balik ng first aid kit sa cr niya. Bumalik ako sa kanya sabay higa sa kama niya pero tinulak niya ako

Amputss!!

Langya talaga to! Nakaka bad trip!

"Key"tawag ko sa kanya

"Ano nanaman?"

"Peram charger"sabi ko sa kanya. Nakakatamad kasing bumalik nanaman sa kwarto ko eh

"Bawal"

"Sige na"

"Sabing bawal eh"

"Pwede yan"

Inirapan niya lang ako sabay bigay ng charger niya. Aalis na sana ako ng kwarto niya ng pinigilan niya ako

"Dito ka lang"sabi niya sakin. Inis akong bumalik sa kama niya

Kainis to!

Chinarge ko yung cellphone ko sa saksakan niya sabay kuha ng phone niya

"Anong password?"tanong ko sa kanya. Busy kasi siya sa laptop niya. Naka saksak parin yung ice pack niya sa mata niya

"Ikaw"

"Ako?"napatingin naman siya sakin sabay kuha ng phone ko

"Tang ina akin na nga yan"sabi niya sabay kuha ng IPhone niya

Edi sa kanya na!

Isaksak niya sa panga niya kasama ng girlfriend niyang kamukha ni satanas. Kinuha ko naman yung tablet niya. Yung wallpaper niya kaming dalawa

Ng bata pa!

Binuksan ko yung tablet niya

Wow!

Ang daming laro! Pero may umagaw ng pansin sakin. Tiningnan ko yung gallery niya

Tsk!!!

Silang dalawa ni Mica na mag ka holding hands tapos may kiss pa sila

Ting ini!

Nakaka banas! Tiningnan ko naman yung facebook niya nakita ko yung chat nila ni

What?!!

Ni papa? Tang ina?

"Ano ba yan!!!"sabi ni Key sabay hatak ng tablet niya palayo sakin

"Magkausap kayo ni daddy?"tanong ko habang nag yuyukom ng kamao

"Shut up!"

"I'M ASKING YOU AN EASY QUESTION!!! NAG UUSAP KAYO NI DADDY?!!"sigaw ko sa kanya. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Tiningnan niya ako sabay irap

"Tss"Sa sobrang inis ko sinapak ko siya

"What's happening in here?"tanong ni tita Veronica sabay tayo kay Key. Kita ko naman na dumudugo yung labi ni Key

Ayus!

Yun lang pala eh!!

Umirap ako sa kanya sabay labas ng kwarto niya. Padabog akong umalis ng may naka bangga ako kaya napatingin ako

What the---

Bakit nandito si Kevin?!

"Bakit ka nandito?"tanong ko sabay layo ng onti

"W-wala lang... What happ--"

"Ikaw!!!"napatingin ako sa likod ko. Nakita ko si Key na may hawak na

Baril?!!

San niya nakuha yun? Tiningnan ko si tita na umiiyak

Baliw na si Key

Nako! Baka drug lord to at madamay ako! Tutukhangin to! Baka siya ang hinahanap ng Duterte Administration na Drug Lord

"Naka droga ka ba Key?!!"inis na tanong ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sakin

Kay Kevin

Mag kaaway ba to? Hindi! Mabait si Kevin eh!!! Alam ko na! Natalo si Key sa lotto kaya galit

"Tabi!!!"sigaw niya sakin pero hindi ko ginawa

"Sinabing tumabi ka eh"sabi niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin sabay harang kay Kevin na nasa likod ko

"Aba hindi ka tatabi?"tanong niya sabay lapit sakin

"Pagka bilang ko ng tatlo aalis na tayo dito"bulong ni Kevin sakin. Tumango tango naman ako

"One"

Humahakbang palapit sakin si Key

"Two... Three"agad kaming tumakbo ni Kevin pababa. Pinasok niya ako sa kotse niya sabay paandar ng mabilis

"King ina Kevin"bulas ko sabay kamot sa ulo ko

"Why? Bakit mo ako minura?"tanong niya sakin habang nag da drive

"Naka pantulog ako"







Don't forget to vote+ comment+ share+ follow :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro