Kabanata 9
IX: Kapitan Moro-moro and his Company
TIRIK na tirik ang araw nang makarating ang grupo sa isang kakaibang daungan, may mga bahay na gawa sa bato at may mga bubong ito na sobrang talas. Masasabi mong walang kabuhay-buhay ang lugar dahil na rin sa wala itong kulay---tanging kulay abo.
"Puerto de los muertos?" Basa pa ni Lily nang makita ang nakapaskil na tabla sa gawi ng mga bakawan. Mas kinilabutan pa siya nang makita ang isang pwesto na kung saan nakahelera ang nakalambitin na lubid na sa kaniyang pakiwari'y dito binibitay ang mga may kasalanan.
"Ang daungan ng mga patay," Saad ni Rosa, "Hihintayin natin na lumitaw ang barko ni Kapitan Moro-moro."
Pagkatapos ay dumaong na rin ang kanilang sinasakyang mga bangka. Naunang umakyat si Lauro at Restituto.
"Salamat," Ani Lily nang ilahad ni Lauro ang palad nito sa kaniya para hindi siya mawalan ng balanse, nakita niyang ngumiti ito at nang makaapak na siya sa sahig na gawa sa kahoy ng daungan ay agad na binawi ng binata ang kamay at inilagay sa likuran. "Siya nga pala, munting Rosa, nagawi ka na ba rito sa daungan na ito?" Tanong pa niya sa lambana.
"Dito ako nakatira dati." Ikling sagot ni Rosa.
Umarkong pabilog naman ang bunganga ni Mara sa narinig, "What?! It means that you are dead?!"
"Ano ang iyong pinagsasabi?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Rosa, "Huwag kang mag orasyon, Mara."
"Duh! Nevermind!" Tugon ni Mara at agad na humalukipkip at tumabi kay Grasya na sa ngayon ay palinga-linga sa paligid.
Si Lily naman ay napatitig sa tubig na kulay asul, masyadong malapad ang dagat na animo'y walang dulo ito dahil hindi man lang nakikita ang karatig kapuluan. "I-ibig sabihin ay mga patay na ang mga naninirahan dito?"
"Hindi, Lily. Wala lang talaga kaming emosyon. Nasa kamay ni Eulalia ang aming mga diwa. Samakatuwid, parang patay na rin kami." Mungkahi ni Rosa, "Hintayin natin na lumitaw si Kapitan Moro---" Hindi pa man natatapos ng lambana ang sasabihin nang may napansin silang pagbula ng tubig sa gitna ng dagat.
Halos nahulog ang kanilang mga panga sa nakita maliban kay Rosa na tila sanay na sanay na sa ganoong eksena.
Bumulwak ang napakalaking barko na nababalutan na ng lumot at kalawang, ang telang panglayag naman nila ay butas-butas na. Parang isang lumubog na barko sa ikalilaman ng dagat at nilipasan na ng isang daang taon.
Napatingala silang lahat sa nasaksihan. Pagkatapos ng ganoong eksena ay biglang tumunog ang bawat pag-apak ng sapatos pababa.
Bumungad sa kanila si Kapitan Moro-moro, may malaking ekis sa kaliwang pisngi at maputla ang balat. May itim na telang nakapalibot sa ulo at ang kasuotan ay kamiso de tsinong may mataas na manggas. Ang kanang mata ay may gatuldok na balintataw. Puti at kulot ang makapal na balbas nito.
"Magandang araw, Kapitan Moro-moro!" Bigay galang ni lambanang Rosa.
Nagpalinga-linga naman ang kapitan at nakita ang mga panauhin, nagbigay galang ang mga ito sa kaniya. "Ha! May mga panauhin pala ako!" Galak niyang saad.
Halos natuod si Lily, para sa kaniya ay ito na ang pinaka-weirdong eksena na nakita niya sa tanang buhay. Inilapit niya ang sarili kay Restituto upang bumulong sana ngunit napansin niyang papalapit sa kaniya si Kapitan Moro-moro.
"Nakakaamoy ako ng mga taga-ibang mundo rito. Mundong gusto kong marating." Ani Kapitan Moro-moro at ngumiti sa dalagang kaharap, "Ang iyong ngalan ay kakaiba, isang uri ng bulaklak na nabubuhay sa tubig. Ang isa'y pangkarinawan ang ngalan pero palaban."
Napatingin si Mara sa gawi ng pirata pero hindi niya iyon matitigan nang matagal.
"Bueno, bakit kayo narito at ano ang inyo na kailangan sa akin?" Tanong ni Kapitan Moro-moro at dahan-dahang bumalik malapit sa hagdanan ng barko.
"Nais po namin na puntahan ang piitan ni Senyor Hebreo," Agad na sagot ni Rosa, "T-tulungan niyo po kami."
Napahinto ang Kapitan sa ginagawang paghimas ng kaniyang alagang uwak, "Sa isla de Salazar!" Bulalas niya pa.
GULONG-gulo na ang buhok ni Eulalia at nagkalat na rin ang kolorete sa kaniyang mukha habang nakaharap sa bilog na salamin. "Hindi kayo makakaligtas sa aking mga kamay! Mga hangal!" Sukdulan na ang kaniyang galit dahil naisahan na naman siya at ngayon ay napagtanto na niya sa sarili na masyado siyang nabulag sa pag-ibig niya kay Lauro na kailanman ay hindi masusuklian.
"K-kumalma ka na, s-senyorita. Gagawa kami ng paraan na sundan sila." Pagpapagaan pa ni Sebyong.
Humarap si Eulalia sa gawi ni Sebyong, naniningkit ang kaniyang mga mata at biglang nabalutan ng pagkainis ang buong katawan niya nang makita ang pagmumukha nito, "Isa ka pa, walang kwenta!"
Agad na napaluhod ang lalaki sa harapan ng reyna, "Patawarin niyo po ako, mahal na reyna! Babawi ako sa aking mga kamalian, tutulungan kitang matugis ang babaeng galing sa ibang mundo." Natatakot siya sa maaring gawin sa kaniya ni Eulalia kung kaya ay kahit mahirap ang itatalaga sa kaniyang gawain ay gagawin niya.
Napataas ang kilay ni Eulalia habang nakatingin sa nagmamakaawang si Sebyong, "Pakawalan mo ang pinakamabangis na agila!" Utos niya pa, "Bilis! Rapido!"
Walang pag-aatubiling tumayo mula sa pagkakaluhod si Sebyong, "S-sí, senyorita! Masusunod po." At agad na kumaripas palabas ito.
"Tawagin mo rin ang mga alipores kong oso!" Dagdag niya pa. Pagkatapos ay humarap muli sa salamin at agad na hinawi ang iilang hibla ng buhok malapit sa kaniyang tenga, napahalakhak siya bigla nang makita ang hibla ng buhok na kulay lila, "Mga tanga! Hangga't nasa akin ang parte na ito mula kay Hebreo ay ako pa rin ang pinakamalakas dito sa Marahuyo!" Muli ay humalakhak na naman siya at biglang napaubo, "P-punyeta!"
"MGA kasama! Ihanda na ang mga sarili at tumungo na kayo sa inyong pwesto dahil maglalayag na ang ating barkong si Liwayway!" May awtoridad na saad ni Kapitan Moro-moro.
Nagkatinginan naman si Lily at Lauro, kahit na si Restituto ay napakamot sa kaniyang sintido. Ang mukha naman ni Mara ay puno ng pagtataka kahit na si Grasya, maliban kay Rosa.
Gusto nilang matawa sa sinabi ni Kapitan Moro-moro na tila ba kausap lamang ay hangin. Tanging paghuni lamang ng uwak ang kanilang narinig.
Tumikhim ang Kapitan at ipinadyak ang isang paa nang dalawang beses. "Lo siento." ("Sorry.")
Sa ganoong eksena ay bigla silang nakarinig ng mga malulutong na kahoy na parang binabali. Unti-unting humiwalay ang mga nilalang na nakausli lamang sa katawan ng mga barko, mga bahurang (coral reefs) anyong tao.
Biglang nahimatay si Mara sa nasaksihan, buti na lamang at nasalo siya ni Restituto.
Samantala, si Lily ay hindi napigilan na mapaatras at nagtago sa likuran ni Lauro.
"Sila ang aking mga tauhan, mga bata! Huwag kayong matakot dahil hindi sila nangangagat." Saad ni Kapitan Moro-moro, "Sila'y nanununtok lang."
Napangiwi si Hugo sa narinig dahil sa oras na masuntok sila sa mukha ng mga bahura ay tiyak na lulubog ang kanilang mga mukha.
"K-kapitan, mga ilang araw ho tayo makarating sa nasabing isla?" Lakas loob na katanungan ni Lily.
Pumanik muna si Kapitan Moro-moro sa hagdanan patungo sa kaniyang timon, nang makarating ay hinihimas niya ito at biglang ngumiti, "Tatlong araw."
Biglang umihip ang hangin na siyang nakapagpasayaw sa buhok ni Lily, hudyat ito na umaandar na ang barkong sinasakyan nila. Inilibot niya ang paningin sa paligid, "Mga bahurang hugis tao, nagsasalitang hamster at oso, tatlong lambanang magkaiba ang mga ugali, isang Kapitan na may weirdong pisikal na anyo, at Ginoong tinakasan ng bait. Ano pa ba ang maaari kong makita at ma encounter sa mundong ito? Kung ano man 'yan ay haharapin ko." Saad niya sa sarili.
NAIMULAT ni Lily ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang pamilyar na himig. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sobrang pagod sa pag-iisip. Napayakap siya sa kaniyang sarili dahil na rin sa lamig ng hangin na nanunuot sa kaniyang kalamnan kahit nakasuot naman siya ng baro at saya.
"The king and his men,
Stole the Queen from her bed,
And bound her in her Bones,
The seas be ours,
And by the powers,
Where we will, we'll roam."
Napatitig siya sa kalangitan, nag-aagaw na ang kulay asul at kahel, dapithapon na pala. Napangiti siya nang maalala ang mga eksenang namuo sa kaniyang isipan na kung saan buhay na buhay sa kaniyang diwa ang haplos ng kaniyang nanay at ang ngiti nito.
"Yo, ho all hands
hoist the colours high
heave ho,thieves and beggars
never shall we die
Yo Ho, haul together,
Hoist the colours high,
Heave Ho, Thieves and Beggars,
Never Shall We Die!"
Napabalikwas siya ng bangon, hinahanap niya ang himig sa pamamagitan ng paglinga-linga sa paligid. Napansin niyang natutulog sila Lauro sa mga duyan at napansin niya ang sarili na nakahiga siya sa mga pinagpatong na lambat.
Hanggang sa napunta ang kaniyang mga paa sa gawi ni Mara na siyang kumakanta. Nakaupo ito sa pinakadulo ng barko at pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Napapikit siya sa banayad na pagdampi ng hangin sa kaniyang balat.
Napansin naman ni Mara na may tao sa kaniyang likuran kung kaya ay napalingon siya, "Kanina ka pa diyan?" Tanong niya pa kay Lily, "Feel na feel ang moment, te, ha?"
Naimulat ng dalaga ang mga mata at pagkuwa'y napangiti, "Alam mo, nagtataka na talaga ako sa iyong pananalita. Conyo eh."
Tumawa naman si Mara at ibinaling muli ang sarili sa papalubog na araw, pilit na itong nagtatago sa guhit-tagpuan. "Yeah, napagtripan akis ng tadhana."
Napakunot-noo si Lily sa narinig, "Parehas pala tayo eh. Tripan na lang din natin ang tadhana." Tugon niya rito.
Napangisi naman ang lambana, "As if may magagawa pa tayo?" Sabay buntong-hinga niya, "Miss ko na mag facebook, mag instagram, mag twitter! Miss ko na lahat, pati mga parents kong kontrolado ako. Kumusta na kaya sila?"
Mas lalong kumunot ang noo ni Lily, "Facebook? Instagram?"
Naibaling muli ni Mara sarili sa kausap, "Oo? Bakit? Di mo pa ba alam ang mga app na 'yan?"
"H-hindi pa."
Muntikan ng mahulog si Mara sa kinauupuan, mabuti na lamang at agad na pumagaspas ang maliliit niyang pakpak, "Ano? Oh my gosh! Akala ko ba'y galing ka sa mundo ng mga tao? Specifically, sa Pilipinas kong mahal?"
Tumawa nang mahina si Lily, "Oo, at year 2007 ngayon."
Nanlaki ang mga mata ni Mara sa narinig, "Ako naman a-ay g-galing sa taong 2023!"
Parang humiwalay ang kaluluwa ng dalawa nang malaman ang mga taon kung saan sila nanggaling, kahit na ang agham ay hindi masasagot ang ganitong kababalaghan.
---
Featured Song:
(Uhmmm, nainspired lang ako sa POTC hahaha!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro