Kabanata 10
X: Mara Agustin
"MABABALIW na yata ako! Hindi ko keribels ang mga pangyayari now!" Nagugulumihanan na saad ni Mara, nasapo niya ang kaniyang noo at napahinga nang malalim.
"Kahit nga ako ay hindi ko na maintindihan. Hindi ko na matukoy sa ngayon kung totoo ba itong nangyayari o panaginip lang ba?" Saad pa ni Lily, napasandal siya sa poste at napahalukipkip na lamang.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa.
Sa ganoong eksena ay may sumaging katanungan sa isipan ng dalaga, napatitig siya sa lambana na ngayon ay napasulyap sa kaniya.
"Ano?"
"A-ano na ang nangyayari sa kasalukuyan?" Tanong ni Lily, nababalot na ang kaniyang isipan ngayon ng kuryusidad, "Kurap pa rin ba ang mga opisyales? Ah- m-may world war ba ulit?"
Napataas ang isang kilay ni Mara sa ganoong katanungan, "Wow? akala ko ay magtatanong ka ng buong biography ko," Lumipad na siya at umupo sa isang mesa na katabi lamang ng poste na sinasandalan ni Lily, "Kung alam mo lang, maraming nangyari sa future. Lalo na iyong pandemic!"
Nangunot ang noo ni Lily, "Pandemic? A-anong klaseng pandemic?"
"Corona Virus o COVID 19. Nagsimula 'yan noong 2019 at ewan ko ba kung tapos na ba o matatapos ba ang pandemyang iyan! Hays! So, dark!"
Napakamot ng ulo ang dalaga at tumawa, "Imbento ka lang eh!"
"No! Hindi ako nag-iimbento! Tatanong tanong ka tapos ayaw mong maniwala? Well, we will see kapag napunta ka sa taong 2019, sige, tumawa ka!" Naiinis na saad ni Mara at tinalikuran na lamang si Lily.
Pinunasan ng dalaga ang maluha-luhang mata dahil sa kakatawa, "O siya, sorry! Ano naman ang gagawin ko kung sakaling totoo 'yan?"
Umirap ang lambana, "Ayaw kong sabihin, ayaw mo naman maniwala. Seryoso na nga ako rito eh."
Huminga nang malalim si Lily at napaupo sa mesa, "Haharapin ko na lang ang problemang iyan kung sakaling darating."
Napasulyap si Mara at napakagat ng labi, "Well, kailangan mong bumili ng maraming alcohol, maraming face masks, at face shields."
"Face shields? Ano ba ang mga tao niyan? Mag we-welding?" Singit na katanungan ni Lily, "At face masks?"
"Tangeks! Plastic na transparent face shields at yung face masks na katulad sa mga doktor. Magkakahaawan kasi ng virus kung hindi mo magagamit ang mga 'yan. Maraming namatay sa virus," Seryosong saad ni Mara, "Lolo ko nga hindi nakaligtas."
Natigilan ang dalaga, nakikita niya sa ekspresyon ng lambana na hindi ito nagsisinungaling. "I-ibig sabihin ba niyan ay hindi kayo nakakalabas ng bahay?"
"Mismo! Pero thanks to social media dahil hindi kami nabagot. May unli tiktok at unli youtube, lahat na!" Napalitan ng kagalakan ang boses ni Mara pero napalitan muli ng katamlayan ang mukha, "Kaso, maraming nawalan ng trabaho at sa online na lang kami nag-aral. Graduate nga ako sa online eh. Hindi ko man lang naranasan na gumradweyt at makaapak sa entablado para mabigyan ng award."
Walang naitugon si Lily, alam niyang may isisiwalat pa ang lambana sa kaniya patungkol sa buhay nito sa hinaharap. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang pagmasdan ang mga sea gulls na malayang nakakalipad sa himpapawid.
"Well, hindi naman ako makakatanggap ng ganiyan. Pabaya ako eh, rebelde raw sabi ng daddy kong busy sa pagiging congressman. Si mommy naman, ang atensyon nasa kay Kara, ang kambal kong mabait at santa santita. Sana all!"
May sumagi na naman sa isipan ni Lily na katanungan, "Teka, paano ka ba napasok dito?"
"Ewan ko lang din, nag cutting ako at pumunta ng library. Wala ako sa mood noong time na 'yun, may heavy argument kami ni dad dahil sa mga nakita niyang post sa facebook na kumakalat na nude picture ko, then, boom! natagpuan ko na lang ang sarili rito sa mundong ito at naging fairy na."
Natigilan ang dalaga at napako ang tingin kay Mara, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Nahiya tuloy siya sa pagiging virgin niya.
"Well, sa tingin mo pa lang hinuhusgahan mo na ako. Nagawa ko lang 'yun dahil nag demand ang boyfriend ko. Iba talaga ang nagagawa minsan ng pagmamahal no?"
"Ah-" Hindi alam ni Lily ang nais sabihin, hindi siya nakaka-relate. Pero nabalutan siya ng inis, "Ah- m-marahil ay hindi pag-ibig 'yan. Lust. Walang respeto ang lalaking iyon sa'yo! Ganiyan na ba ang lahat ng lalaki sa hinaharap?!"
Napatingin si Mara sa gawi ni Lily, "Actually, hindi lahat. Rare nga lang sila. P-pero para sa akin ay walang thrill ang lalaking masyadong good boy."
Muli ay nabalutan na naman ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. Hindi maarok ng dalaga ang sinabi ng lambana, hindi naman bago ito sa panahon niya, pero kadalasan sa may edad na ito nangyayari.
Napasulyap na lamang siya kay Mara na ngayon ay nagpupunas ng pisngi gamit ang mga kamay, "U-umiiyak ka ba?"
"H-hindi! Hindi ako iyakin no." Tanggi pa ni Mara sabay singhap, "Ako si Mara Agustin, tinaguriang brat noong highschool. Hindi kailanman umiyak, at hindi iiyak kaninuman!"
Napaismid si Lily, "Umiiyak ka eh. Okay lang 'yan. Alam mo ba na ang mga taong umiiyak ay sila 'yung tunay na malalakas?"
Napatitig si Mara sa mga mata ni Lily, ngayon lamang siya nakaranas na magkaroon ng may makikinig sa kaniya at higit sa lahat, isang ate na nagpapagaan ng kaniyang bigat na nararamdaman. Walang anu-ano'y bigla siyang humikbi at hanggang sa umiyak na siya nang malakas. "Depressed na ako, ateng! A-ayaw ko na talaga!"
Agad naman na kinuha ni Lily ang umiiyak na lambana at pinaupo sa kaniyang palad. Hinimas niya ang likuran nito gamit ang hintuturo upang pakalmahin.
Samantala, naalimpungatan si Lauro sa narinig. Si Kapitan Moro-moro ay napailing at ngumisi habang nagmamaneho sa timon.
"Ssshhh... malalagpasan din natin ang bigat na pinapasan sa ating mga sarili." Ani Lily, agad naman na nakita niya sina Grasya at Rosa, tumungo ito sa kanila at agad na inalalayan si Mara.
SA ilalim ng barko ay may mahabang mesa na kung saan kakain ng hapunan ang lahat maliban kay kapitan Moro-moro na hindi na kumakain, nasa timon lamang siya.
"Wala bang isda?" Tanong ni Hugo sa mga serbedor na bahura. Napaigik na lamang siya nang siniko siya ni Restituto sa tagiliran, "Bakit?"
"Kaibigan nila ang mga isda at hindi nila maatim na kumain ng mga ganiyan," Bulong ng oso, "Respeto na rin sa kapatid ni Kapitan Moro-moro na si Kapitan Tuna."
Tumawa na lamang si Hugo at nginuya ang isang bunga ng la presa, "Sabagay, mga isda rin naman ang pangalan ng mga kapitan. Paumanhin mga bahurang kaibigan!" Saad niya pa pero hindi siya pinansin ng mga ito kung kaya ay napaismid na lamang siya.
Samantala si Lauro ay kanina pa napapasulyap kay Lily na masayang kumakain habang kausap ang tatlong lambana. Nakokonsensya siya sa nagawang pagtawag niya sa totoong pangalan nito, muntikan pang nalagay ang buhay sa alanganin. Hindi niya magawang makipag-usap sa dalaga nang matagal, nababalot siya ng hiya dahil napakabait pa rin nito sa kaniya.
Napansin naman ni Lily na kanina pa nakatingin sa kaniya si Lauro kung kaya ay ngumiti siya pero iniwasan siya ng tingin ng binata na kaniyang ipinagtataka, "Lauro? H-hindi mo pa ginagalaw ang iyong pagkain."
"Ah- busog na ako," Saad bigla ni Lauro at tumayo, "Maiwan ko muna kayo." Sabay alis sa hapag-kainan.
"Ano kaya problema 'non?" Pagsingit pa ni Mara dahil siya ay nakapansin din sa naging asal ng binata.
"Problema sa utak, binibini- aw!" Napaigik muli si Hugo nang tinabig na naman siya ni Restituto, pero tinawanan na lamang niya ito.
"Teka, susundan ko si Lauro," Tumayo na rin si Lily, "Excuse me." Sabay alis at lakad-takbong pumunta sa hagdanan papuntang taas.
Natigilan naman ang lahat sa eksena, pagkuwa'y ibinaling na lamang nila ang mga sarili sa pagkain.
Nang makaakyat na si Lily ay agad na nahagilap sa kaniyang mga mata ang binata na ngayon ay nakaupo sa duyan habang nkatingin sa sahig na parang malalim ang iniisip. Agad niya itong nilapitan, "May problema na naman ba, Lauro? Sabihin mo, makikinig naman ako."
Nanatiling walang imik si Lauro, hindi niya alam kung paano tumugon.
Itinaas nang bahagya ng dalaga ang kaniyang saya at ipinakita ang sandalyas na regalo sa kaniya ng binata, "Tingnan mo, noong binigyan mo ako nito, hindi ko na magawang ihawalay sa mga paa ko ang sandalyas na ito."
Napasulyap naman si Lauro sa mga paa ng dalaga pero panandalian lamang dahil hindi kaaya-aya itong tingnan nang matagal.
"Ang ganda nila, first time na may nagbigay nito sa akin. Salamat talaga, Lauro." Ani Lily at agad na tumabi sa duyan ng binata, magkadikit na ang kanilang mga balikat ngayon.
Halos hindi makahinga ang binata sa ginawa ni Lily. Halos natuod na siya sa pagkakaupo.
"Iingatan ko ang sandalyas. Kung makabalik man ako sa mundo ko, nawa'y madadala ko 'to." Saad pa ng dalaga.
Napatingin si Lauro kay Lily, hindi niya agad maigalaw ang bibig para tumugon nang mapagtanto na ang lapit pala ng mga mukha nila sa isa't-isa.
Nagkakatitigan silang dalawa.
"Sobrang b-bait mo s-sa akin." Nauutal na saad ni Lauro habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Lily.
Habang si Lily naman ay napangiti, hindi niya mapigilan na magandahan sa mga mata ng binata dahil sa magkaiba ang kulay nito. "Lahat may pakialam sa'yo, Lauro. Hindi namin magagawa ang mga ito kung walang pagmamahal na namutawi sa kalooban namin na tulungan ka."
Biglang nagkaroon ng kaginhawaan ang puso ni Lauro sa narinig. Napatingin siya sa mga kamay ng dalaga nang hawiin nito ang iilang hibla na tumatabon sa kaniyang mga mata.
"Gwapo ka naman pala kapag maayos ang pagkakaayos sa buhok mo eh." Saad pa ni Lily, "Hawiin mo parati yung iilang bangs mo, hindi ka naman emo kid." Natatawang saad niya pa. Alam niyang walang naiintindihan ang binata pero nakita niyang napangiti ito.
Sa ganoong eksena ay biglang may kumalabog kung saan na sanhi ng paggalaw ng barko.
Muntikan pang maghalikan ang dalawa sa ganoong pangyayari.
"Mga kasama! May mga kalaban sa himpapawid! Ilabas ang mga malalaking lantaka!" Sigaw ni Kapitan Moro-moro sa mga alalay na bahura.
Agad na napabalikwas sa duyan si Lily at Lauro, sila'y napatingala sa maitim na kalangitan.
May dalawang malalaking agila ang umaaligid sa kanilang barko, samahan pa ng limang dambuhalang paniki.
"Nasundan tayo nila Eulalia!" Bulalas ni Lauro at agad na hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Lily.
•••
(Visual ni Lauro [River Phoenix]. Hmmm, maghahanap pa akis kay Lily. Haahahah!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro