7: The Congressman's Funeral
"You had a call?"
Waki takes the groceries out of the paper bag. He was standing at the kitchen sink, preparing another breakfast for Harika.
"Yes. It was Chelsea. She expressed regret over what occurred to me at Lolo Dad's retirement celebration. Luluwas daw siya ng Bellmoral upang bisitahin ako." There's a spark in her smile. Tila ba excited siya nang tawagan siya ng dating kaibigan. She simply needed to press the lower volume button to answer any of her calls.
Waki turned his eyes at her. "That's good to hear, ibang-iba rin ang saya mo noong dinala ko si mom dito. You ought to get along with people and talk to them frequently. Para malibang ka at maiwasan ang pag-iisip ng kung anu-ano."
Idinantay ni Harika ang kanyang ulo sa malambot na backrest ng couch, saka mababaw na ngumiti. Mulat na mulat ang mga mata niya, ngunit tulad nang araw ng aksidente, kasunod ng pagkamatay ng congressman ay panay dilim pa rin ang kanyang nakikita.
"Waki, sa tingin mo ba makakakita pa ako?" she threw a random question.
Waki sighed and regarded her before approaching, "Of course. Ano na naman ba'ng iniisip mo?" He sat with her.
Marahang umiling si Harika. "Nothing. Just imagine if I was unable to see the world once more."
Sa simpleng tanong niyang iyon ay tila naapektuhan si Waki dahil sa pagiging negatibo na naman niya patungkol sa kanyang mga paningin.
"Don't think about it. Makikita mong muli ang napakagandang mundo... hindi man ngayon, pero malay mo bukas o sa mga darating na araw." He instilled her with optimism.
Mababaw na suminghap si Harika. "It's been two weeks since I've lost my sight. Ano na kayang hitsura mo? Nagkaroon ka kaya ng pimple sa mukha? Makapal na ba 'yang bigote mo? Ano na kayang gupit ng buhok mo ngayon?" Dahan-dahang siyang humarap kay Waki, ngunit hindi diretso ang mga mata niyang nakatingin dito. "May I?" She lifted her hands to Waki's face.
Nang pumayag ito ay nagsimula nang kapain ni Harika ang mukha nito. Her hands were delicately sculpting his facial features with the touch of her fingertips as she furrowed her brows. She sharpened her sense of touch with her playful fingers. "You still have the soft skin, your nose was really pointy and your tender lips. Just by touching your face, I was able to picture everything about you. Hindi na ako nagtataka noon, maging ngayon kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa 'yo."
Waki's chest pounded by the thought of Harika. Hindi man niya nakikita ang hitsura nito ngayon, ngunit alam ng mga kamay niya na ganoon pa rin ito hanggang ngayon.
"I appreciate everything, Waki. When Lolo Dad passed away, I didn't anticipate you would treat me like this. Ang buong akala ko ay magiging mag-isa na lang ako, pero nar'yan ka, mayroon pa ring taong tutulong at mag-aalala para sa akin. Gusto lang kitang pasalamatan sa lahat, kahit pa minsan ay nawawalan na ako ng pag-asa at nagiging maiinitin ang ulo. Napakasuwerte siguro ng magiging girlfriend mo."
Walang ideya si Harika na pinagmamasdan lang siya ni Waki habang pinakikinggan nito ang magagandang salitang sinasabi niya. He used to protect her. Hindi lang dahil magkakilala na noon pa ang bawat pamilya nila, dahil na rin sa magandang relasyon ni Harika at ng kanyang ina. Harika has a certain allure and grace that Waki has always admired. Kahit na humahanga ito sa kanya noon pa man, gusto na lang nitong isantabi ang nararamdaman dahil ayaw na ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Oh, bakit hindi ka makapagsalita? Napipi ka na ba? Mas lalo tayong hindi magkakaintindihan niyan ngayon kung hindi ko na maririnig ang boses mo," biro ni Harika at ngumisi nang marahan.
Umilig siya sa balikat ni Waki at naramdaman nito ang mabigat niyang ulo. Mas lalong naging sweet at clingy si Harika ngayon sa kadahilanang mas gusto niyang iparamdam dito ang pasasalamat niya. They won't experience the same teenage emotions about getting close enough because they are both in their 20s.
"I wanted to give you this."
When Waki's hand landed through her palm, he dropped a paper crane on it.
"What is this?" Kinapa-kapa ni Harika ang papel na iyon. She soon knew what is was. "A paper crane? Ikaw ang gumawa nito?"
Biglang niyang naalala ang mga misteryosong paper crane na natatanggap niya noon. It wasn't a coincidence or an accident. She's had it for years, and it's always brought up a specific person. Every time she gets one, the wolf-masked man will show up. Hindi alam ni Harika kung related ba ang taong ito kay Waki. Gusto niyang linawin ang tungkol doon, ngunit paano kung nagkataon lang talaga ang lahat? It could be, yet it could be not.
Waki whispered softly next to her ear, "I'll make you a thousand more of that."
"A thousand paper cranes? Hindi ba't napakarami naman yata no'n?" Hindi naman umaangal si Harika, ngunit nag-aalangan siya sa bilang na gustong ibigay nito sa kanya.
"I've previously read something about paper cranes. According to an old myth, the gods will grant wishes to anyone who can fold a thousand paper cranes and hold them together with a string. Although it sounds funny to believe, but who knows? Wala namang masama kung gagawin ko ang bagay na 'yon para sa 'yo."
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Harika. "And if the gods granted me a wish, it would be for Lolo Dad's resurrection. Kahit hindi na ako makakita pang muli, ang mahalaga ay nar'yan siya at nakakapiling ko."
When she mentioned the congressman's death, she grew emotional. Isasaalang-alang niya ang kanyang mga paningin para lang sa isa pang pagkakataong makapiling ito. Ganoon niya kamahal ang kanyang Lolo Dad.
She is not self-centered, and her heart was truly pure... something that's true and genuine.
✦❘༻༺❘✦
"Harika, I'm so sorry... I had an urgent meeting with the managers, and I won't be able to drive you to the congressman's funeral," Waki apologized over the phone.
Malapad ang cell phone na nakadikit sa pisngi ni Harika sa parteng tainga. Upon hearing Waki's apology, she smiled a little. "It's fine, just call Manong Liro to come get me on my unit."
"Okay, will do," he answered. "Harika, call me whenever you need anything. And also, I configured your phone... just hold down the home button for a long time, and I'll be the first person you'll call. Inilagay ko ang numero ko para sa emergency contacts mo. It's just that now isn't the best time for me to come pick you up."
Naiintindihan naman niya ang paliwanag nito. Mayroon itong trabaho at sariling buhay at wala siya sa posisyon upang magalit o mainis dito, dahil una sa lahat, si Waki mismo ang nagmamalasakit sa kanya at wala siyang karapatang magalit dito sa mga ganitong klaseng pagkakataon.
Manong Liro arrived in about fifteen minutes and picked Harika up from her unit. Nanatiling diretso ang kanyang tingin nang maglakad sila sa hallway floor ng unit na nilisan niya at pinakikiramdaman ang paligid. Nakakapit ang kanyang kamay sa braso ng matandang driver niya habang inaalalayan siya nito sa kanyang bawat paghakbang.
Bago pa sila tuluyang makarating sa tapat ng elevator ay panandaliang napahinto si Harika nang makarinig siya ng isang impit na galabog na tila nanggagaling sa loob ng isang kuwarto.
"May problema ho ba, Ma'am Harika?" tanong ni Manong Liro nang bigla huminto siya sa kanyang paglalakad.
Nawala iyon ilang saglit pa. Kung hindi siya nagkakamali ay nanggaling ang galabog na iyon sa loob ng kuwarto. It originally came from her neighbor's apartment. Umiling si Harika sa kanyang narinig at saka siya tuluyang naglakad muli. Kahit noong nasa byahe na siya ay hindi pa rin nawawala ang pag-iisip niya sa ingay na narinig.
She stepped in her black stilettos on the marbled floor with a heavy heart. She was dressed simply in black with a choker around her neck. Malinis lang na nakapusod ang ayos ng kanyang buhok at panay ang malalalim na hininga sa paghahanda ng kanyang sarili.
Nakarating na sila sa mamahaling funeral home kung saan nakalagak noong hapong iyon ang bangkay ng congressman. Habang naglalakad siya papasok ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam at nanlalamig ang buong katawan niya. Despite the fact that she was unable to see anything, the thought of the congressman's funeral made her feel sick. Dahil para kay Harika, hindi pa gaanong nag-si-sink in ang pagkamatay nito.
"Ma'am, nasa harapan n'yo na ho ang banga kung saan nakalagak ang abo ng congressman," tahimik na sabi ng matanda sa gilid niya.
Harika was taken aback by what her driver had said. She gulped down the lump in her throat. Hindi niya lubos akalain na cremation ang ginawang disposal sa bangkay ng congressman. Wala siyang natanggap na consent sa mag-inang Sullivan para sa desisyong ito.
Nag-ngitngit ang kanyang mga ipin sa galit. Bakit hindi siya inabisuhan ng mga ito?
Imbes na maluksa si Harika ay mas nanaig na sa kanya ang galit. Why hadn't anyone told her about the cremation? Does Waki know? Ang alam lang niya ay ngayon ang funeral day at nakalagay sa mamahaling kabaong ang katawan ng congressman. But right now, she's oblivious to what is going on around her.
Malalalim ang kanyang mga paghinga sa inis. Kahit na mababaw ang kanyang luha ay hindi niya magawang umiyak sa harap ng banga ng yumaong congressman. Bukod sa wala siyang kaalam-alam tungkol sa cremation nito, napansin din niyang tahimik ang buong funeral home. It was as if no one showed up to support her in her grief on this final day of the funeral? It sounds unusual in some way. Napakaraming nagmamahal sa congressman at ngayo'y wala itong kabisi-bisita bukod sa kanya? Hindi siya makapaniwala.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang mga malulutong na takong na umalingawngaw sa buong funeral home.
"Mabuti naman at nandito ka na."
Mas umigting ang kanyang mga panga nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon siya at hinanap ang boses nito. She's not looking straight to Lymareva, kung saan nakatingin ito sa kanya na nakahalukipkip. "Auntie, what is the meaning of this?"
Nagtaas ito ng kilay sa kanya. "Meaning of what? Oh, I haven't told you about the congressman's cremation? I'm so sorry about that," she teased.
"Sana man lang ipinaalam ninyo sa akin kung paanong disposal ang gagawin sa bangkay ni Lolo Dad. He's always telling me about this, and like my mother, he preferred to have his body interred rather than burned. Since I am his closest living relative, I am entitled to know all informations about him. Hindi ka man lang ba nahiya para sa akin tungkol d'yan sa mga padalos-dalos mong desisyon?"
The tension grew between them.
Lymareva finds Harika's outburst incongruous with reality. Nakaramdam ito ng kaunting pagkapahiya at panay irap lang ang anak nitong si Venus sa tabi nito.
"Did I do something wrong? Cremation and burial are the same thing. Ang mahalaga ay mabigyan siya ng tama at maayos na burol. Ano ba'ng masama roon?" labas sa ilong na sagot ni Lymareva.
Harika scoffed. "You really have no idea who Lolo Dad is, don't you? Kaya ba nagpapadalos-dalos ka ng desisyon? Do not disparage me because I currently have a disability. Hindi ako nakakakita pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na malalaman ang mga nangyayari sa paligid ko."
"Harika, ano ba! Kailangan bang palakihin mo pa ang issue na 'to? Sa tingin mo ba matutuwa si Lolo Dad ngayong nakikita ka niyang ganyan?" sabad ni Venus.
"Don't call him Lolo Dad! Wala kang karapatang tawagin siyang ganoon dahil una sa lahat, hindi ka naman niya tunay na apo—"
"Harika, stop now! You're taking things too far!"
Nasaktan si Venus sa sinabi niya rito. Napahawak ito sa dibdib nito at pinanlakihan siya ng mga mata.
"Whether you like it or not, nar'yan na ang urn ng congressman, wala na tayong magagawa upang maibalik pa ang kung ano man 'yang gusto mo. Wala na rin akong panahon pa para makipagbangayan sa 'yo. The congressman's last will and testament is what I'm awaiting. As soon as the papers arrived, saka na natin paghatian lahat ng pamana at natitirang kayamanan niya." She turned her back to Harika. "Mauuna na ako."
Lymareva remained composed and calm in the face of Harika's rage over the congressman's body disposal. Dahil ano't ano pa man, ayaw niyang makipagtalo nang husto kay Harika. For her, she's just a prick in her skin.
Napaupo si Harika mula sa sagutan nila ng kanyang tiyahin. Hindi niya naramdaman na naging concern ito sa congressman. Lymareva also mentioned the last will and testament. Sa ngayon, walang siyang pakialam sa kung ano mang pamana ang iniwan sa kanya ng yumaong congressman. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay maibigay ang minimithi nitong libing kahit na sa huling sandali.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro