6: A Dark Beginning
Kanina pa gising si Harika, ngunit para sa kanya, madilim pa rin ang paligid. Dalawang gabi na siyang tulala, lugmok, umiiyak... at walang nakikita.
"Harika, Dr. Yetter is here," Waki remarked next to her.
Nakasimangot si Harika nang marinig ang boses nito. "Kung hindi maibabalik ng doktor na 'yan ang paningin ko... he better leave me alone."
She felt Waki's warm palm softly touch the back of her hand. "He's here to help you," he said undertone.
Iniwas agad niya ang kamay nang dumapo ang palad nito. Naiinis pa rin siya hindi dahil sa nangyaring aksidente, naiirita siya dahil bakit sa lahat ng mawawala sa kanya ay ang paningin pa niya?
"Hello, Harika. I'm Dr. Nicholas Yetter, an ophthalmologist who performed some tests on you," pagpapakilala ng pumasok na doktor. Dr. Yetter averted his eyes to Waki. "Can I have a brief, private conversation with her?" he asked.
Tumango lang si Waki rito at tahimik na nilisan ang kuwarto kung nasaan sila.
Bakas ang pagka-aborido sa mukha ni Harika kahit pa alam niyang nasa gilid lang niya ang doktor.
"I am here to help you, Harika. It's normal for—"
She scoffed in irritatingly. "Normal? Kailan pa naging normal sa isang tao ang mawalan ng paningin?"
Marahang umiling ang doktor. "Yes, it's typical for you to feel that way," said Dr. Yetter, "but with time and taking good care of yourself, you'll get better. You went through a traumatic event and stress that may have caused you difficulty in adjusting and coping for the loss. I know it's hard for you to accept all these unfortunate events that have occurred in your current life, but everything will get better in time."
Hindi na mapigilan ni Harika na maiyak sa mga ipinaliliwanag sa kanya nito. She was aware of her discontentment with her life as it was at the time. Everything fell apart, especially now that the congressman has passed away and she has lost her vision. She was pondering how long it will take for her normal smile to return to her face.
"You said it's temporary. How long? Days, months... years? Huwag kang mangako sa akin at tapatin mo na ako kung hindi na talaga babalik itong paningin ko. Don't give me hope in something that isn't worth believing in."
Harika's pessimism was not helping her. Kung ganoon palagi ang mindset niya at mababa ang pagtitiwala, mas mahihirapan siya.
"You developed Photic Retinopathy as a result of the accident, though it's not severe in your case. It's common to lose vision due to post-traumatic stress, pain, and mental anguish, but it will return very soon. Ang kailangan mo lang ngayon ay sundin ang medications na irereseta ko sa iyo, maayos na pahinga, therapy at positive mindset. Ilang araw lang o buwan, tiyak ay makakakita ka nang muli."
Hindi gumagalaw ang mga mata ni Harika habang nakatingin lang siya sa isang banda. "Paano kung hindi na bumalik itong paningin ko? Paano kung tuluyan na akong mabulag habambuhay?"
"Don't make decisions of your own. You're not a doctor. Sino ba ang dapat na pinaniniwalaan mo? Ako na espesiyalista o ang sarili mo? Think about it, Harika. Kung gusto mong gumaling agad, tulungan mo muna ang sarili mo."
Hindi na siya nakapagsalita sa sinabi ni Dr. Yetter. The doctor was right, why doesn't she believe what he was suggesting? Para din naman iyon sa ikabubuti ng kalagayan niya.
"You'll be able to cope better if you listen to quality music. Conversations with anyone will lift your spirit. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Iwasan ang mga bagay na makasasama sa pagpapagaling mo. Harika, keep in mind that your vision loss is only temporary. I'll try my hardest to restore your sight as soon as possible. The most important thing is to take care of yourself and trust the process."
Saglit pa silang nag-usap ni Dr. Yetter, saka ito umalis at muling dumating si Waki upang alalayan siya at bantayan. Ipinatong ni Harika ang kanyang ulo sa malambot na unan. Tahimik lang si Waki na naroroon sa tabi niya dahil baka magalit na naman siya kapag nagsalita ito. Even when she was at the height of her adjustment to the unfamiliar situation, Waki won't let her feel alone. Naiintindihan naman nito ang sitwasyon, kahit sino naman ay mararamdaman din ang nararamdaman ni Harika ngayon.
"Waki, you can go home and have some rest. Ilang araw mo na akong binabantayan dito. Naaapektuhan ka na pati na ang trabaho mo."
Lumingon si Harika rito, ngunit hindi siya diretsong nakatingin dito.
"I'm alright. Ikaw ang magpahinga r'yan at huwag mo na akong intindihin dito."
Nangingilid ang luha ni Harika. "I'm sorry if I came across as irate. Nasasaktan lang kasi talaga ako kapag naiisip kong wala na si Lolo Dad. Tapos nangyari pa ito..." Malungkot na pinagmamasdan ni Waki kung paano lumuluha si Harika sa harapan nito. "'Tapos ngayon hindi ko pa nakikita ang nakahahawang mga ngiti mo. Paano na ako magiging masaya nito?"
Waki sat beside her. Dahan-dahang umilig si Harika sa balikat nito. She asked him in tears, "Where will I go now that Lolo Dad is dead?"
Mahinang huminga si Waki. "Anywhere you wanna go. Kung kailangan kong mag-resign sa trabaho, gagawin ko para mabantayan at maalalayan kita."
Nag-angat ng ulo si Harika, hindi niya makita kung ano ang ekspresyon ng mukha ni Waki at bakit kailangan nitong gawin ang bagay na iyon alang-alang sa kanya.
"No. Don't ever do that. Don't dare to put your life on hold just because of me. Ako ang kailangang mamroblema sa sitwasyon ko ngayon at hindi ikaw, Waki. Dr. Yetter said this is just temporary. Do what you gotta do. Kaya ko na ang sarili ko. It's just... it's hard for me to take it all right now."
Pinagmamasdan lang nito si Harika habang sinasabi niya na hindi dapat siya maging balakid sa mga bagay na gagawin nito.
✦❘༻༺❘✦
Two days have passed since Harika was discharged from the hospital. She went to a small condo in a state building, far from the mansion where she had previously resided—little did she know, it was purchased by Lymareva for her.
Ang payo ni Dr. Yetter ay tumira muna siya sa isang maliit na tirahan, ngunit komportable upang hindi gaanong komplikado ang adjustment niya habang nagpapagaling. Sinmple lang ang unit na binili para kay Harika. Tamang-tama lang at hindi masikip kung sakaling mayroon man siyang bisita. The apartment has a tiny living room, kitchen, windowed balcony, short hallway, and a bathroom. Kumpleto na rin sa appliances, furnitures, amenities at stock food ang unit. Hindi lang niya masabing maganda ang disenyo niyon dahil hindi pa naman niya ito nakikita. Madilim pa rin para sa kanya ang lahat, subalit simula nang mawala ang kanyang paningin, mas tumalas naman ang kanyang pandinig at pandama sa paligid. Ang kanyang mga kamay ang magsisilbing mga mata niya ngayon. She'll have to feel her way around first before taking a step.
Magdamag lang siyang nakahiga sa kama tuwing hapon habang pinakikinggan ang mga lumang instrumental music sa kanyang classic vinyl collections. Nagsisindi naman siya ng scented candle kapag naman sasapit ang gabing hindi siya makatulog. Gigising siya sa umaga at kakapain ang paligid upang maghanap ng makakain, ngunit palagi namang naroroon si Waki na binibisita siya upang alalayan siya sa mga bagay na kailangan niya.
"Harika, what is this?"
Napansin ni Waki ang gasgas sa tuhod niya. Naalala bigla ni Harika na nadapa siya noong araw na nagtungo siya sa restroom upang maghilamos.
"It's just a bruise. Natural lang sa bulag na katulad ko ang matisod dahil hindi pa ako gaanong sanay sa unit na 'to."
Waki shook his head and Harika heard the click of his tongue. "Sinasabi ko na nga ba at mangyayari ito. I'm going to quit my job today to take care of you. Hindi lang 'yan ang mangyayari kung walang aalalay sa 'yo rito."
Waki's tone made Harika smile; it was clear that he was worried about her.
"You don't have to do that, Waki. Maliit na galos lang ito. Hindi na ako bata para bantayan pa nang bantayan."
Ayaw lang naman ni Waki na nasasaktan siya lalo na sa sitwasyon niya ngayon, kaya gustung-gusto na nitong umalis sa trabaho nito, bantayan at asikasuhin na lamang siya.
"If this happens again, I'm going to quit my job right away, okay?"
Tumango-tango si Harika. "Okay. Dodoblehin ko na ang pag-iingat ko this time."
Hindi lang maalis kay Waki na mag-alala para sa kaibigang si Harika dahil naaalala nito ang ina sa kanya na may disability, lalo pa't kailangan na rin ni Harika ng aagapay sa kanya ngayon.
Waki pulled the chair out and held Harika's hand, saying, "Go and sit here. I prepared breakfast for you.
"Kumusta na pala si Tita Melanie? Is she doing okay?"
Waki added some bacon strips and a dollop of mashed potatoes to her plate. "Yes, she's doing fantastic." Gustung-gusto ka nga niyang dalawin noon sa hospital simula nang malaman niyang nawalan ka nang paningin. I'll bring her here probably sometime this week. Para naman magkausap kayo."
"That's a good idea." Tila nabuhayan si Harika sa gustong mangyari nito.
"For now, you have to eat a lot. Para gumaling ka na agad."
Habang pinagsasaluhan nila ni Waki ang ihinanda nitong almusal ay biglang napakunot siya ng noo nang may maulinigang kakaiba 'di kalayuan. It was like an indistinct woman's cry.
Harika paused for a second. "Waki, naririnig mo ba 'yon?" she said, slightly horrified.
Patuloy lang sa pag-nguya si Waki at nag-angat ng tingin sa kanya. "Naririnig ang alin?"
It seems she's just hearing it alone. Walang ideya si Waki kung ano ba ang naririnig niya noong mga oras na iyon hanggang sa tuluyang nawala ang mahinang pag-iyak na iyon.
"Nothing." Shaking the idea from her mind.
Sumapit ang gabi at hindi pa rin mawala sa isipan ni Harika kung ano ang narinig niya kanina. Alam niyang sound proof ang unit na iyon at hindi maaaring makapasok ang ano mang ingay mula sa labas unless buksan niya ang bintana o ang pinto. Kung ang narinig niyang mahinang pag-iyak kanina ay gawa-gawa lang ng kanyang imahinasyon, tiyak ay nasosobrahan na naman siya sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Sinasalo ng cheerful instrumental music na nagmumula sa kanyang vinyl player ang kanyang pagkabagot at pag-iisa. Minsan ay nakikinig siya sa nakatutuwang podcast kung gusto naman niyang makarinig ng conversations ng ibang tao. Less watching and more listening became the norm in her life. It's kind of new to her, but she's currently embracing it.
Nakapikit man siya o hindi, tila parehas lang ang kanyang nakikita. Dilim. Tila walang hanggang hating gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro