Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

51: The Truth Will Prevail

Dalawang linggo matapos makausap ni Harika si Waki ay hindi na niya muling nakita ito. He was busy, and she let him take his time to persuade or do what he had to do with his promise. Makababalik sa kanila ang mansiyon gaya ng unti-unting pagbawi ng kanyang Lolo Dad sa mga ari-ariang maaari pang gawan ng paraan. Iyon lang ang nasa isip niya, umaasa at malaki ang tiyansang mangyari iyon.

Noong umaga ring iyon ay naghanap ang kanyang dila ng matamis na pagkain. Kahit na ano. At ang unang pumasok sa isipan niyang kainin ay ang malamig at masarap na ice cream, kahit na anong uri basta't lalantakin niya iyon sa isang shop na madalas niyang puntahan noon. Her brother Simon was away, and the congressman was taking his therapy with Allan, kaya pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpahinga siya nang kaunti sa kuwarto saka tinawagan si Manong Liro. Napahinto na lang siya bigla nang maalala ang matanda. Ilang linggo na rin siguro noong huli niya itong nakausap, buwan na yata ang nakalipas. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at unti-unting umuusbong ang pag-aalala hanggang sa maapektuhan na siya. Ano na kaya ang nangyari sa matandang driver? Mabuti lang kaya ang kalagayan nito? Kung may nangyari mang hindi maganda rito, natitiyak ni Harika na siya ang dahilan ng posibilidad na kapahamakang naagwanta ng matanda ngayon.

Lumilipas ang oras, nasasayangan siya sa bawat panahon. She was powerless to keep the old man safe. Hindi porke ay kapiling na niya ang kanyang Lolo Dad ay mawawala na ang pakialam niya sa iba lalong-lalo na sa personal driver niyang halos isaalang-alang ang lahat para sa kapakanan niya. She must do something. She has to make things and bring back Manong Liro around them. Stable and alive.

When her phone rang in the middle of her silence alone in her room, Harika didn't expect Venus' second phone number to appear on the screen. She blocked her main number; why would she pick it up? Kung wala rin namang katuturan ang sasabihin nito o maaari pang maging dahilan ng pag-aaway nila, wala na siyang panahong sagutin pa iyon. But her guts tell her otherwise.

"H-harika..."

"Venus, wala akong panahong makipag-away sa 'yo ngayon. Call me some other time, please—"

Harika was on the verge of ending the call when Venus said something about the old driver and the headmaid. Ibinalik niya bigla ang telepono malapit sa kanyang tainga at nagkainteres na kausapin pa ang pinsan.

"Nasaan ang mga matanda? Bakit kailangan ninyong itago sila? Para ano? Para maitago rin ang katotohanang matagal n'yo nang pinagtatakpang malaman ko?"

Nagsisimula nang magalit si Harika. Pinangungunahan na siya ng uyam ng mag-inang Sullivan na walang ibang naging parte sa buhay niya kung hindi kontrabidahin ang lahat sa kanya.

"Harika, we never hide them. Hindi ko gusto ang ideyang pagbakasyunin sila ni mommy sa malayong lugar para makaiwas sa 'yo. Walang kinalaman ang dalawang matanda sa sitwasyon kung saan ay halos lahat ay kasali na. Tumawag ako sa 'yo ngayon upang sabihing ligtas sila at ni minsan ay hindi sila pinahirapan ni mommy. Isang beses pa lang akong nagpunta sa holiday house na iyon kasama sila at bida ka sa lahat ng kuwento nila. Ang pagiging totoo mo at malasakit sa iba ang pinipilit kong hindi makita. Kahit na kapansin-pansin ang mga kabutihan mo, pero ginawa kong bulagin pa rin ang sarili kong makita iyon mula sa 'yo. I made an effort to be kind because that was something we did for one another as children wearing lovely dresses. But my mother instructed me to stay away from you since you'd soon become my biggest rival, particularly for Lolo Dad's affection. Na dapat sa lahat ng bagay ay kagalitan kita, kainggitan at kasuklaman dahil ang sabi ni mommy ay iyon ang kailangan kong gawin,

"And now, I am not the same child she used to teach those things. I am not the girl who's supposed to do things because I was told to do them. I am not the person who became my mother's shadow anymore. When maturity and realizations struck me big time, this is what they made me do: tell you everything and help you in any way I can. Gusto kong makabawi sa 'yo. Gusto kong pagsisihan ang lahat ng nagawa ko noon, kahit hindi mo na sa akin ibigay ang kapatawarang iyon, at least alam mong totoo ako sa lahat ng mga sinasabi ko ngayon."

Dapat hindi na gagana kay Harika ang mga salitang iyon, lalo na't galing kay Venus. She had no problem believing that. The feeling went right to her heart.

"Tumawag ako sa 'yo ngayon hindi para guluhin ka o sirain ang nananahimik mong umaga. I called you because I wanted to let you know where they are. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ano mang oras, puwede mo silang bisitahin. This is not a trap. Malugod kong ibibigay sa 'yo ang address ng holiday house, magsama ka ng security kung nag-aalangan ka para sa kaligtasan mo."

Sa kabila ng lahat, pagtataka pa rin ang nangibabaw kay Harika. Ganoon na lang niya kadaling mababawi ang mga matanda? Sinukuan na ba ni Venus ang ina nito? Why does she believe Venus was betraying her own mother to Harika?

"Venus, why are you doing this? Hindi mo ba alam na kapag natuklasan ito ng mommy mo ay pagmumulan ito ng gulo sa pagitan ninyong dalawa?"

"I don't care if we fight over this. I can't stand her anymore, Harika. Sobra-sobra na ang ginawa niya. Hindi ko na kayang maging anino sa mga mali at masasamang ginagawa at gagawin niya pa lang. Ayoko na. Pagod na ako. Susuportahan ko siya sa ibang bagay, pero hindi sa bagay na ikasasama naming dalawa ng dahil lang sa yamang hindi naman talaga nakalaan para sa amin."

✦❘༻༺❘✦

Hindi na kayang ipagpabukas pa ni Harika ang tungkol sa impormasyong ibinigay ni Venus sa kanya, lalo pa't tungkol iyon sa kapakanan ng dalawang matandang malaki ang naging parte sa buhay niya. She instantly informed Simon and her Lolo Dad about it. Napag-usapan ang tungkol sa ilang bagay bago nila tinungo ang address na nanggaling kay Venus kasama ang dalawang security na in-insist ng dating congressman na samahan sila upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Dumaan ang katanghalian noong parehong araw na iyon at lumipas ang buong maghapon sa byahe ay matagumpay nilang natunton ang isang napakagandang holiday house na matatagpuan sa tabi ng dagat. Totoo ang sinabi ng pinsan ni Harika, naroroon ang dalawang matanda, ligtas at walang kahit na anong bahid ng pagpapahirap sa mga ito.

"Nana!"

Sinalubong niya nang mahigpit na yakap ang headmaid nang unang magpakita ito sa kanila mula sa front porch ng holiday house. Alice held her even more tightly.

Harika raised her gaze to her Nana. "Okay lang ba kayo rito? Sinaktan ba nila kayo?"

A pretty smile curled on the headmaid's lips. Umiling ito sa kanya. "Ayos lang kami rito, Harika. Pinagbakasyon kami ni Eva at ayaw niya kaming madamay sa kahit na anong gulo na nangyayari sa loob ng mansiyon." Then she took her hand and gave it a light squeeze. "Ikaw, kumusta ka na? Nabalitaan kong bumalik na ang mga paningin mo. Masaya akong nakikita mo na ulit ang mundo."

Harika shed a tear. "Maayos lang din ako, Nana. I'm glad that you're fine and okay." Nanginginig ang boses niya.

Mula sa likuran ng headmaid na kaharap niya ay naglakad papalapit sa kanila ang isa pang matanda. Manong Liro showed up with a fulfilled smile. Nasipat ni Harika ang matanda.

"Manong!" Tumakbo ito at yumakap din nang mahigpit sa matandang driver.

"Ma'am Harika..."

"Sobra akong nag-alala sa inyo." Nagsimula nang maging emosyonal si Harika nang muling mahagkan ang kanyang personal driver. "Simula noong araw na tinawagan ninyo ako at sinabing baka iyon na ang huling beses na makakausap n'yo ako... Dala-dala ko pa rin 'yong pag-aalalang 'yon hanggang sa nakita ko na kayong maayos ngayon." Uutal-utal siyang pinipigilan ang bawat hikbing namumuo sa kanyang lalamunan.

"Harika," mahinang bigkas ng headmaid na naglakad mula sa likuran niya at hinimas ang kanyang balikat. "Sa magkakasunod na linggong pananatili namin ni Liro sa holiday house na ito, palagi naming nababanggit at napag-uusapan ang tungkol sa 'yo at sa kalagayan mo. Hindi namin alam kung ano ang buong plano ni Eva sa 'yo, sa mansiyon at ngayong nagbalik na ang congressman. Patawarin mo kami kung nanahimik kami sa ilang bagay na nalalaman namin tungkol sa kung ano'ng mga bagay ang namamagitan sa pamilya ninyo. Ayaw ka naming malagay sa alanganin na palagi niyang pinaaalala sa tuwing magkikita't magkakausap tayo. Labag man sa kalooban naming isantabi ang pakiwari niyang iyon, mas nananaig sa amin ang kalagayan at magiging kapakanan mo sa kustodiya niya, lalo at hindi ka pa nakakakita noon." The headmaid felt a pang of guilt in her chest, knowing how much Harika had gone through. "Kaya mas minabuti naming maging neutral lang, kahit na kamping-kampi kami sa 'yo at sa inyong mga Levantine lang ang katapatan namin. Kung magagalit ka o kamuhian ako, maiintindihan ko, pero iyon lang ang alam kong paraan para mapanatag akong ligtas ka at walang mangyayaring masama sa 'yo."

Tumutulo ang luha ni Alice habang ipinararating kay Harika ang naging parte nito noong mga panahong sarado ang mga bibig nito upang magsalita. Gusto lang nitong maiwasan ang kapahamakan at posibilidad na mangyari sa noo'y nag-iisang tagapagmana ng mga Levantine.

Sumalubong din ang mga ito kay Simon at Constancio na masayang ligtas ang dalawang matandang ilang linggo na rin nilang pinagtutuunan ng pansin upang mahanap.

"Liro, Alice, maraming-maraming salamat sa tapat ninyong serbisyo para sa apo ko at sa pamilya namin. Kulang ang pasasalamat na ito upang makabawi ako sa sakripisyong inialay n'yo para kay Harika." The wheelchair-bound Constancio bowed to them.

Alam nang dalawa ang balitang buhay ang dating congressman, ngunit sa mga sandaling napagmamasdan nila ito ng personal ay bakas pa rin sa mukha ng mga ito ang hindi makapaniwalang totoo nga ang balitang iyon. Nakuha ring kamayan ng mga ito ang among Levantine. Ilang saglit lang din sa parehong sandaling iyon, nagagalak ang dalawang matanda na makilala naman si Simon, na isang ring Levantine at lubos din ang tuwa ng mga ito dahil sa tapat na serbisyong ipinagkaloob nila sa pamilya nila, lalo na kay Harika.

Nang makapasok sila sa loob ng holiday house ay sabay-sabay silang napahinto sa paglalakad nang tumambad sa kanila si Venus na naghihintay rin mula roon. Nakangiti ito, subalit iniiwasang umiyak nang makitang kumpleto ang mga Levantine doon.

"Venus, apo..."

She started crying because she couldn't take it any longer. She dashed through the Levantines before kneeling and giving Constancio a bear hug.

"Lolo Dad... I'm sorry..."

Iniwasan ni Harika na panoorin ang dalawa, naaapektuhan siya, naiiyak. From the depths of her gut, she suppressed her tears. Venus apologized with sincerity. Harika felt it. She has courage and empathy. Venus had been wanting to say it for a while, and at that very moment, she was able to.

"Ako na rin ang humihingi ng kapatawaran para kay mommy, sa lahat ng nagawa niya at panghihimasok sa kayamanan ninyo. I'll speak with her. I'll do everything in my power to thwart her plans."

Lahat silang naroroon ay nakatingin lang kay Venus at pinakikinggan ang mga sinasabi nito.

"Plans? Ano pa ang mga plano niya?" Matigas ang tono ng boses ni Constancio nang magtanong ito. "Kung kasali si Harika sa masamang planong 'yan upang ipahamak siya, she won't dare challenge me because nobody can get near Harika. She had to go through me first!" Humigpit ang kapit nito sa bastong hawak.

"Yes, Lolo Dad, I know. Huwag na kayong mag-alala, ako na ang bahala kay mommy. I won't let her do anything bad to your family—especially Harika." When Harika's name was spoken, Venus jerked her head in her direction and mouthed, "I'm sorry," with a tear streaming down her face.

Doon na tuluyang bumagsak ang namumuong luha sa ilalim ng mga mata ni Harika na kanina pa nagbabadyang malaglag. She finds it unusual to witness Venus swallowing her pride for the sake of her mother's dignity, but that is all it requires. Ni minsan ay hindi inaasahan ni Harika na gagawin ni Venus ang bagay na iyon, pero lahat ng tao nagbabago at maaaring magbago, and she's here for that version of herself.

When dinner is ready, they all eat together. Masaya ang bawat isa sa kanila habang kumakain. Magkatabi sina Venus at Harika, magkausap, parang dati, naaalala niya, noong mga bata pa sila. Si Manong Liro ay natutuwang si Simon ay isang Levantine, 'di pa man nito alam ang totoong pagkatao nito, batid na ng matanda na naging malaki ang parte ni Simon upang magkatagpong muli si Harika at ang Lolo Dad nito. Ang headmaid naman ay pinagtutuunan ng pansin ang dating congressman, inaasikaso nito ang noon pa nitong amo. Gaya ng dati, kung paano nito ito pagsilbihan, tila mas dinoble pa ni Alice ang pag-aalaga rito, lalo ngayong mahina na ito at may sakit.

Ang mga bakanteng kuwarto sa holiday house na iyon ay inasikaso ni Alice para sa mga Levantine at doon na rin magpapalipas ng gabi si Venus na kasa-kasama si Harika sa iisang kuwarto. Why not share a room like they used to? Hindi pa man sila gaanong nakakapalagayang muli ang isa't isa, ano pa mang mangyari ay susubukan nila para sa ikaaayos muli ng kanilang samahan.

Noong parehong gabing iyon, habang nagsusuklay si Venus sa harap ng salamin, nakita nito si Harika mula sa tabi ng repleksyon nito. Maliit itong ngumiti.

Tumabi si Harika rito at nakatunghay ang bawat isa sa tapat ng salamin. "Kumusta kayo ni Genesis? Kumusta siya bilang asawa?" tanong ni Harika.

Venus averted her gaze to her hand, then to the finger on which she wore her wedding ring. "At first, I opposed my mother's idea, dahil pinagpareha kami ni mommy at ng mga Montecillo. Genesis and I were basically pushed to marry one another. Noong una ay ayaw ko, dahil hindi ko naman gusto si Genesis, ngunit noong sinubukan namin ang traditional dating ipang buwan bago ang kasal, unti-unti kong nakikilala si Genesis pati na ang pamilya niya. I grew to love him and to love him more with time. When we live together, I fully understand life. Mabait siya, maasikaso kahit na alipin ng trabaho dahil siya ang bunsong tagapagmana ng pamilya nila." Ibinaba ni Venus ang suklay sa table, saka isa-isang tinanggal ang mga bracelet at kuwintas sa leeg. "Nangyayari din pala ang ganoon, ano? Natututunan mong mahalin ang isang tao lalo na kapag nakilala mo na ito nang lubusan. He especially embodies the traits I look for in a man. Hindi ako nahirapang hanapin iyon sa kanya, dahil kusa ko nang nakikita iyon mula sa kanya at nararamdaman ang bagay na noon pa hinahanap nitong puso ko para sa isang lalaki. I have had a couple of boyfriends before, but my husband was very different; he has enough charm, humor, and quality for me to develop the idea of living with him even deeper than I thought..."

Harika was so happy to hear all these things about Venus. She could see it in her eyes—how she's contented about being the wife of the youngest heir of Montecillo. Maligaya ang tono ng boses nito at hindi na nanaising pang humiling ng lampas doon.

"Ikaw, kayong dalawa ni Waki? Nagkaayos na ba kayo?"

Natigilan si Harika. Natulala at pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Naglaho ang ngiti niya sa magagandang bagay na narinig sa pinsang si Venus at asawa nitong si Genesis.

"Okay na kami," malamlam na sagot niya. Tumamlay ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ang naging reaksyon niya, napansin iyon ni Venus. "We won't talk about it if you don't want to talk about it—"

"I loved him. I really do. Pero iba na ang nararamdaman nitong puso ko para sa kanya ngayon . Hindi na tulad ng dati." Mahina siyang huminga. "Basta okay ako ngayon. Hangga't nabubuhay pa si Lolo Dad kasama ang kuya ko, isasantabi ko na muna ang iba. Susulitin ko na lang muna ang mga oras na kasama ko sila..."

✦❘༻༺❘✦

Lumipas ang ilang araw nang makabalik ang dalawang matanda sa puder ng mga Levantine ay umaasa pa rin si Harika na magiging maayos din ang lahat gaya ng papaanong unti-unti ang pagbabalik ng kung ano man ang dati. Hindi pa muling nagpakita sa kanila si Lymareva simula nang makasama nila ang anak nitong si Venus sa holiday house na pansamantalang tinuluyan ng headmaid at ng matandang driver. Her daughter have had enough. Ito na ang susubok na magtuwid kung ano mang pagbabaluktot na ginagawa ng ina nito.

"Aalis ka ngayong araw?"

Dinampot ni Harika ang maliit niyang purse saka nilingon ang headmaid na pumasok ng kuwarto niya. "Yes, Nana. Makikipagkita sa akin si Waki." Maliit siyang ngumiti dito at sinalubong ang pagdating nito.

"Alam na ba ito ng Lolo Dad mo? Nabanggit mo na rin ba sa kuya mo ang tungkol d'yan?" muling tanong nito saka inayos ang kuwelyo ng coat na suot niya. She cupped her face. "Mag-iingat ka, ha." Marahang hinaplos nito ang ulo niya saka malapad ang ngiting tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"Huwag na ninyong gisingin si Manong Liro kung nagpapahinga. I booked a cab to Waki's office." She kissed her cheeks. "It won't take that long, dito pa rin ako magdi-dinner, Nana."

The headmaid nodded. "Sige. Ihahanda ko ang lahat ng paborito mo. Sabay-sabay tayong maghahapunan mamaya."

Mabilis na yumakap si Harika sa kanyang Nana, pagkatapos ay umalis na siya sa penthouse kung nasaan sila. Pagkababa niya ng building ay nag-aabang na ang cab na b-in-ook niya online kani-kanina lamang. Nakasuot siya ng business attire dahil sa opisina sila magkikita ni Waki. She didn't bother with a dress, but what she was wearing now was more proper.

Bago niya tuluyang tunguhin ang gusaling pinagtatrabahuhan ni Waki, nagpababa na muna siya sa pinakamalapit na bread store. She bought some to bring into his office. Hindi rin naman magtatagal ang pag-uusap nila, kung abutin man ng oras na 'di niya inaasahan, gagawa pa rin siya ng paraan upang pabilisin iyon.

The wind chime tinkled as she walked out of the store. Paglingat ng kanyang mga mata sa taong sasalubong sa harap niya ay para bang kapuwa sila nabato sa isa't isa. She was scared stiff of seeing him again. Nakatingin din ang lalaking ito sa kanya, gulat at hindi makapaniwalang makita rin siya.

Harika succeeded in uttering his name, "S-slayter?" her tongue curled as well.

Hindi rin nito inaasahang makikita si Harika noong mga sandaling iyon. A harrowing look was evidently painted on his face.

"Harika..."

Wala na sa sariling nabitiwan ni Harika ang kahon ng mga tinapay na hawak niya. Her face was filled with fear. Gusto niyang tumakbo at iwasan ang lalaking ito. Takas ito sa bilangguan. Panganib ang unang salitang rumihistro sa isip niya, dapat ay layuan niya ang lalaking ito nang walang pag-aalinlangan.

Slayter took the box to the ground and gave it back to her. Pero si Harika ay nananatiling nakatayo lang doon, walang magawa kung hindi titigan lang ito. Her faded memories of him flooded back into her mind. Marahang nilukuban ng takot at matinding pangamba ang kanyang dibdib nang muling masilayan ito. Bumibigat ang pakiramdam niya.

Kapagkuwan ay lakas-loob niyang kinuha ang kahong iyon mula rito, saka kinakabahang naglakad papalayo sa mapanganib na taong ito. Kung tatawagin man nitong muli ang pangalan niya, hindi siya magdadalawang-isip na hindi lingunin ito. Slayter left her with terrible memories and inflicted great anguish and trauma.

"Harika, walang katotohanan ang sinabi ko sa 'yo noon tungkol sa mga magulang ko." She froze at his words. "Walang kinalaman ang congressman sa pagkamatay nila," amin nito.

May kung anong bara ang sumiksik sa lalamunan niya. She fought back tears. Napapikit siya. Hindi na niya alam kung anong katotohanan na ba ang paniniwalaan niya. Huminga siya nang malalim. Naikuyom ang dalawang kamao sa kanyang gilid.

If you meet him, don't run. Don't be scared. He will tell you nothing but the truth...
—mr0214.

She had no idea why those words popped into her head as a reminder. Iyon ang paalalang nabasa niya sa isang paper crane na natanggap niya mula sa lalaking nakamaskara ng lobo kamakailan lang. Hindi kaya?

"Tumakas ako ng bilangguan hindi para gantihan o saktan ka. Ilang linggo na kitang gustong makita upang sabihin sa 'yo ang ilang bagay na dapat noon pa ay nalaman mo na..."

Dahan-dahang nilingon ni Harika si Slayter. Nakapatong ang hood ng jacket sa uluhan nito. Harika doesn't see any threat near him at all, despite his concealment and disguise, as evidenced by the anxious expression on his face.

Pinaningkitan niya ito ng tingin. "Ano ba'ng dapat kong malaman mula sa 'yo? Minsan mo na akong ginawan ng masama at niloko at pinagsamantalahan, sa tingin mo ba paniniwalaan ko pa ang mga lalabas d'yan sa bibig mo?" Harika blinked the tears from her eyes. Her sobs were masked by clenched lips.

Slayter was unafraid to meet her eyes directly. "Lymareva paid me to capture and try to touch you that night. She also wanted me to tell you a narrative and implant in your mind about the death of my parents to make the congressman the bad one. She built her own shadow in everything you've suffered up until now. Siya rin ang may pakana kung bakit ka nabulag at nasangkot sa chandelier crash noong retirement party ng congressman, walang iba kung hindi siya dahil kinasangkapan niya lang ako, kami, mga tao sa paligid mo—"

"Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito?" pinutol niya ang pagkukuwento nito sa lahat.

He stooped and pulled something from his pocket. Iniabot nito sa kanya ang isang kulay puting lukot na paper crane. Harika eagerly opened it up and read what was written inside.

Tell her everything she needs to know.
mr0214

"He helped me break the prison and I just returning the favor of telling you everything I know."

Umaagos ang mga luha ni Harika habang pinakikinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Slayter. Kung ito ang nagpapatunay na ang tiyahin niya ang kontrabida sa lahat, gagawin niya ang kanyang buong makakaya upang pagbayaran din nito ang paghihirap na naaguwanta niya mula rito simula pa noon. Harika will ensure that she is her karma.

Magkausap sila sa tabi ng bread store na iyon. Nakadistansiya sa isa't isa.

"There's also one thing Lymareva kept a secret from the rest of you: about Helen. The truth behind your mother's death." Harika hung tight to what she was going to hear about her mother. "I was present, eavesdropping when Lymareva and Melanie were discussing it. Narinig ko na silang dalawa lang ang nakaaalam ng sikretong iyon. Magkasama sina Helen at Melanie noong maulang hapong iyon, mabilis na tumatakbo ang kotseng lulan nila habang mayroon silang pinagtatalunan. Your mother didn't die in a car accident; she died because of Mel—"

"Harika, lumayo ka sa lalaking 'yan!"

Isang matigas na nakakuyom na kamao ang sumapak sa pisngi ni Slayter. Agad itong natumba sa sahig at dinaing iyon. Waki approaches and places Harika behind him.

"W-waki, ano'ng ginagawa mo?" Lumapit si Harika kay Slayter. She endeavored to help him. He is merely cradling his jaw. Imbes na iinda nito ang suntok na iyon, napangisi na lamang ito.

"I will call the police." Waki pulled Harika's arm. "Stay away from that criminal," he firmly said while contacting the police.

"Waki, let me tell Harika what she needs to know. Kapag nasabi ko na sa kanya ang lahat, hindi mo na kailangang tumawag pa ng pulis dahil kusa na akong susuko." Lumuhod ito at nagmakaawa kay Waki na matigas ang mukha pinandidilatan ito. "Please, Waki, just this once," Slayter begged for the last time.

Harika helped him out. Masama niyang nilingon si Waki.

"Harika, Melanie was the one who killed your mother. Melanie faked her disability to cover her murder—"

"That's bullshit!" Waki interrupted Slayter with a loud cuss. "My mom will never do such a thing! Hindi mo kami magagawang mapaniwala, lalo na ng mga taong tulad mong takas sa bilangguan!"

"Why don't you ask your mother yourself? Itanong mo sa kanya kung ano ang tunay na nangyari two decades ago. She's the reason Harika was motherless. Dahil sa kahibangan niyang makuha ang mansiyong hindi naman niya pagmamay-ari!"

Aambahan pa sanang muli ni Waki si Slayter ng suntok, ngunit ihinarang ni Harika ang kanyang sarili mula rito. "Waki, stop," she exhaustedly told him. "Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ni Slayer ngayon, but he's right when I prove myself that Tita Melanie literally can walk on her own when no one's around. Kung hindi ka pa kumbinsido, samahan mo akong patunayan natin iyon."

Mabibigat ang paghinga ni Waki habang nakatitig kay Harika. Pinipigilan din nitong malaglag ang mga luha sa harapan niya. Hindi lang lubos na matanggap ni Waki na ang ina nito ang dahilan ng pagkamatay ni Helen. Nahihirapan itong paniwalaan iyon. Kung nagsisinungaling man si Slayter sa kanila, bakit hindi muna nito bigyan ng pagkakataong malaman iyon sa sarili nito?

"Harika, take me to the nearby police station. My job is done here. I'm turning myself in."

Binalingang muli ito ni Harika ng tingin. Nakikita niya ang mga mata ni Slayter na nagpapahiwatig na ng pagsuko. Ni katiting ay nakaramdam siya ng awa mula rito, dahil sa kabila ng lahat ng mga alaalang mayroon silang dalawa noon, masasabi niyang biktima lang din ito. Dahil sa kagipitan ay nangailangan ito ng pera upang gumawa ng masama.

Gaya ng pakiusap nito, dinala ni Harika si Slayter sa pinakamalapit na police station upang isuko na nito ang sarili. Nagawan siya nito ng masama noon, ngayon, tinanggap na nitong pagdudusahan ang lahat ng iyon sa likod ng malamig na rehas.

✦❘༻༺❘✦

Umuwi ang kapatid ni Waki mula sa Fawnbrook noong mga sumunod na araw. Hindi inaasahan ng lahat ang muling pagbabalik nito. Ikinabigla rin nito ang nalamang bagay tungkol sa ina.

Lumapit si Jed kay Harika nang magkita sila sa garden area ng mansiyon noong hapong inamin na ni Melanie ang tungkol sa pagkamatay ni Helen at pagpapanggap ng disabilidad nito. Likewise, as Harika expected, Jed hasn't known everything that happened since the day they met again on his father's death anniversary. Masyadong busy ang nakatatandang kapatid ni Waki sa probinsya ng Fawnbrook, sa trabaho nito at pamumuhay bilang isang school investigator doon.

His eyes were glistening with tears. Umupo ito at humarap kay Harika. Kahihiyan ang nakapinta sa mukha nito. "I'm really sorry, Harika; I didn't know Waki and my mother crossed so many lines and led to this." Tumungo ito at lumuhod sa harap niya. "I ought to have been more perceptive. Everything that had occurred to you wasn't fair; you didn't deserve it. Dapat ay noon pa nalaman ko na, para naingatan kita at naitama ko agad ang nagawa ng pamilya ko."

Holding his hand, Harika drew him to the seat next to her. "Kuya Jed, wala kang kinalaman sa mga nangyari sa akin."

"No." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "They are my family. I will continue to be a part of them, no matter what they do or don't do. Masyado nang naging malaki ang atraso namin sa inyong mga Levantine. Noon, niloko ni dad si congressman Levantine, 'tapos ngayon ang ina at kapatid ko naman ang gumawa ng kasalanan sa inyo. Hindi lang kahihiyan para sa akin ito, kung 'di pati na rin sa pangalan ng pamilya namin. Kung tutuusin kayang-kaya ng Lolo Dad mong idemanda at kasuhan ang pamilya namin, pero hindi niya ginawa. Ano na lang kung naging seryoso siyang gawin ang bagay na iyon?"

Jed suppressed his emotions as he rubbed his temple roughly. He is embarrassed by Harika and disappointed in his mother. Nakikita ni Harika kung paano ito nagagalit sa nalaman.

"Kuya Jed, umamin na si Tita Melanie sa nagawa niya sa mommy ko. Patunay rin na nakakalakad siya at pinalabas niya lang na hindi upang mapaniwala ang lahat na aksidente lang ang nangyari. I know how much she valued their friendship since she didn't even attempt to cover it up or make it difficult to admit. Sinabi niya ring dapat hindi siya nagpadala kay auntie noong araw na iyon at inamin na lang ang totoo. I was satisfied with her honest admission to the authorities and long-overdue confession. Nasaktan man ako sa pagkawala ng mommy ko, pero hindi ko na maibabalik pa ang wala na. Hustisya lang para sa pagkamatay niya, sapat na sa akin 'yon..."

Jed sniffed, trying to look at her through teary eyes. "Paano si Waki? Naging parte rin siya ng mga plano ng mom ko."

Harika smiled slightly. Bahagya siyang umiling. "Waki did nothing wrong; your mother simply utilized him as her material. Noong nagpapanggap akong bulag habang kasama ko ang kapatid mo, naramdaman kong tunay niya akong minamahal at pinagmamalasakitan. Kahit harap-harapan kong nakikitang kinakasangkapan lang siya, hindi ko pa rin maiwasang hindi masaksihan ang bawat kilos niyang ingatan ako sa lahat." Marahang idinapo niya ang palad sa braso ni Jed. "Kuya, promise me that you will never hold this against them. Alam kong galit ka ngayon sa kanila, sa nalamang ginawa nila, but please, run your anger down. Sa lahat, ang suporta at presensya mo ang kailangan nila."

Nasaksihan ni Harika ang unti-unting pagtulo ng luha ni Jed at sinubukan nitong yakapin siya nang mahigpit. She sensed his remorse for not being present to correct and alter the situation. Alam niyang hindi madali para kay Jed na malaman ang lahat ng isang bigla. Ayaw niyang pigilan ang galit at matinding emosyong namumutawi ngayon rito, pero sinubukan pa rin niyang pagaanin at simplehang kausapin ito nang malumanay. She doesn't want to put some weight on his already sagging shoulders with all these burdens. When his extreme emotion dies down, he will eventually reconsider some part of it.

Kinagabihan ay nagdatingan na ang mga pulis sa mansiyon. Pinosasan na ng mga ito si Melanie na hindi makatingin sa mga mata ni Harika dahil sa sobrang kahihiyan at pagkamuhi sa sarili dahil sa nagawa. They didn't even have time to talk about it, but Jed had expressed her regret for what took place to Helen, to her, to their family. Melanie has now accepted her fate and paid the price for her actions.

Kasabay rin noong linggong pagkahuli kay Melanie, nabawi na rin ng mga Levantine ang mansiyon sa pamamagitan ni Jed at ang malaking utang na loob nito sa dating congressman. Malaki rin ang naging partisipasyon ni Waki upang tuluyan nang aminin ni Melanie ang nagawang kasalanan, kasama ng pagbabalik nito sa mga bagay na hindi nila pagmamay-ari. Walang ibang sinabi ang panganay na anak ng mga Ishida kung hindi humingi ng pasensya at kapatawaran sa nagawa ng pamilya nila sa mga Levantine. Jed always bowed his head so they might see how remorseful and regretful he was.

At sa sumunod na buwan, habang palihim na pinagugulong ng mga tauhan ni Constancio ang imbestigasyon mula sa Levantine Group of Companies, nakitaan ng indiscretions ang kompanya kung saan natuturo ang pangalan ni Lymareva. The exact identical fraud occurred at the same company as it did a good ten years earlier. Ang textile company ang pinuntirya ni Lymareva na nakitaan ng panlalamang at panloloko sa tunay na mga numero ng nasabing kompanya. Fraud and embezzlement charges ang ipinatong sa pangalan ni Lymareva Sullivan nang mag-conduct ng internal audit sa kompanyang kinabibilangan nito.

"Dad, please, help me with this! Hindi ko magagawang pagnakawan ang kompanya ninyo. I didn't do anything that Joseph Ishida did to you before. Wala akong kinalaman sa ibinibintang nila sa akin. Marami lang ang may galit sa akin sa loob ng kompanya kaya nila nagawang ibunton sa akin ang lahat ng ito." Lymareva knelt down to the congressman in his wheelchair. "Hahayaan mo ba itong mangyari, dad? I will go to jail. You must do something! Paano na si Venus? Paano na ang apo ninyo?"

"Eva, all the charges against your name were true and factual. Wala na akong magagawa sa mga masasamang binabalak mo. I won't do the same thing twice for defending you before. Now, it's time for you to deal with your wrongdoings."

"Pero dad—"

"Mommy, enough!" Isang sigaw ang pumutol kay Lymareva. Dumating si Venus, matigas ang mukhang lumuluha. "Itigil mo na ito. Huwag mo nang ipatakip pa sa iba ang mga bagay na ginagawa mo. Stop using my name as your safety net. Malaki na ako. May isip at alam ko na kung ano ang tama sa mali. Hindi ka huhulihin kung wala kang ginagawang mali. They will not air your dirty laundry if you settle it privately. Kahit ano pang gawin mo, kasalanan itong ginawa mo and they will make actions to this..."

"Venus, what are you saying? Naniniwala ka sa kanila? Mas pinaniniwalaan mo sila kumpara sa akin na ina mo? I'm your mother, and you'll be the one who defends me from this madness. Ikaw na lang ang inaasahan ko, ikaw pa itong ipinagkakanuno ako—"

"Mommy, tama na!" Sumabog na si Venus sa harap nilang lahat. Her response stunned her deluded mother. "I am no longer able to stand by you. Mahal na mahal kita, mommy, pero kung ipagpapatuloy mo pa rin itong kahibangan mo, baka unti-unti ko nang kalimutan ka bilang ina ko!"

Natigilan si Lymareva sa sinabi ng sariling anak nito. Ibinuhos na ni Venus ang lahat, ang mga kinikimkim nito noon pa. Hindi porke mag-ina sila ay ibig sabihin no'n ay kakampihan na nito ito sa lahat ng bagay. Para kay Venus, mali ang kanyang ina at may hangganan din ang lahat.

Ang bawat tao sa loob ng mansiyon ay napanood kung paano hinuli si Lymareva ng mga pulis, gaya noong nakaraang pagkahuli kay Melanie sa parehong lugar. Emosyonal ang lahat, lalo na si Venus na itinayo ang sarili sa tama at hindi pinagtakpan ang bagay dahil magkadugo ang mga ito.

Harika was by her side. She was always available to her. What really mattered was who they were when she needed them, not the horrible times they had previously. Para kay Harika, sila pa rin 'yong magpinsang palaging magkasama at nagdadamayan noong mga bata pa sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro