50: The Thousandth Crane
"Nakapag-usap na kayo ni Waki?"
Walang ganang tumango si Harika sa kapatid niyang si Simon habang magkatabi sila sa mamahaling couch, sa penthouse na pansamantalang tinutuluyan nila habang nanonood sa malaking flatscreen TV.
"The conversation we had yesterday was enough for me to not talk to him again. Hahayaan ko na siya. Palalampasin ko na lang ang lahat ng ginawa niya," she replied, yet there's a bitter tone in her voice.
"Did you push him away? What did he tell you? Ginalit ka ba niya?" he asked again, looking at her with a sideways eye.
Harika wagged her head. "Wala nang saysay ang makipag-usap pa sa kanya. Naririndi at nasisira lang ang araw ko sa tuwing makikita ko siyang parang walang kasalanang ginawa sa akin. Mas nanaisin ko na lang na kalimutan siya, kalimutan ang lahat sa amin."
Simon leaned back and sat near her. "Tutuldukan mo na ang lahat sa kanya?"
The thought baffled her. "I don't know. Sa ngayon, ayoko lang talaga siyang makita o makausap."
"Kahit ano pa ang gawin mo, Harika, kalimutan siya, palampasin na lang ang lahat o hindi na makipagkita sa kanyang muli, maaari ang mga iyon, pero mahirap magkimkim, mabigat sa dibdib at walang kapanatagan sa loob." He touched her head and gently raked her hair. "Either way, I'll always be here for you, no matter what, okay?" Simon cuddled her on his side, giving his precious little sister a calm sense for whatever she was thinking.
Sa lahat ng ari-arian ng mga Levantine na naibenta na ni Lymareva, kalahati pa lang rito ang mga nabawi nang bumalik ang inakalang patay na congessman. Ang ilang pinagbentahan ay isinauli ang pag-aari ni Constancio dahil ang iba ay kaibigan, katrabaho o nahiya na mapag-isipang sinamantala ang pagkakataong mabili iyon. Ang ilan ay sarado na ang isip at nagawa nang ipagbili ulit ito sa mga Levantine sa mas mataas na presyo.
Nakabalik na sila sa mansiyon, ngunit hindi pa nila tuluyang nababawi ang pag-aaring iyon kay Melanie dahil inilalaban na nito ang lahat huwag lang maibalik sa kanila. Kaya pansamantala ay sa penthouse muna sila tumutuloy. At napag-alaman din ni Harika na kinasangkapan lang ang anak nitong si Waki upang mapalapit sa kanya at pinaniwalang ang mga Ishida ang tunay na nagmamay-ari ng mansiyon.
Naiwan si Harika sa penthouse, mag-isa. Gusto sana niyang sumama para sa monthly check up ng kanyang Lolo Dad, ngunit sa kanilang dalawa ni Simon, ito na muna ang umagapay sa matanda kasama ang personal care nurse nitong si Allan. She was relieved with how everything worked out in the end. Siguro naging tama lang ang desisyon niyang ipagpatuloy ang palabas bilang isang bulag upang masaksihan niya mismo ang lahat ng panloloko, pananamantala ng kahinaan niya at panggagamit na ginawa sa kanya. Siguro naging worth it ang pagpapanggap at pagtitiis niya, kahit na minsan ay sumasagi na sa isipan niyang ibulgar ang pagkukunwari dahil hindi na kinakaya ng puso niyang harap-harapan siyang pinepeke ng mga ito.
Harika was spending some time alone in the penthouse when she sensed something near by, like as if a faded presence of a person was still lingering around. Nagtaka siya. Kinilabutan nang kaunti. Tumayo at inikot niya ang buong penthouse dahil ang alam niya ay siya lang mag-isa ang naroroon at wala ng iba, ngunit bakit siya nakararamdaman na may kasama siya?
She walked into her room. She was a bit surprised and confused by what she found on her vanity table. A white paper crane. Tila bago pa at katutupi pa lamang. Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang kanyang damputin iyon. Makailang ulit pa siyang luminga sa paligid, kinakabahan, bago hinila ang buntot niyon at naging isang piraso ng papel. Hinanap niya kung mayroon mang nakasulat doon at hindi siya nagkamaling mayroong mensahe siyang makikita roon.
If you meet him, don't run. Don't be scared. He will tell you nothing but the truth... —mr0214.
Ginulo lang ng sulat na iyon ang nananahimik niyang hapon. Naikuyom niya ang papel na iyon sa kanyang palad.
"Mr. Valentine... are you here?" Harika was trying to talk to him. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kanyang kuwarto habang lumilinga-linga sa paligid ng penthouse. "Show yourself. Tell me everything I need to know..."
Naghintay siya roon, ngunit walang sino man ang nagpakita sa kanya. Kahihintay roon ay napaigtad siya nang may mag-doorbell. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napapikit sa takot at pagkagulat. She just shrugged it away.
Walang pang tatlumpung minuto simula nang umalis ang kanyang Lolo Dad kasama sina Simon at Allan para sa check up, nakabalik na agad ang mga ito?
She checked the mini-monitor that was placed beside the huge door. Tama nga siya, hindi ang mga ito ang bumalik dahil may bisita pang iba siyang hindi inaasahan. Ang kanyang auntie ang nasa labas. From where she was standing, she seemed so impatient, waiting for someone to open the door for her.
Nang kanyang pagbuksan ay dali-dali siyang sinugod nito. "You!" Walang habas itong pumasok sa loob at dinuro siya. "Ikaw ang sumira ng lahat!" she blamed Harika for something she hadn't known yet.
Nanatiling nakatayo si Harika habang minamata siya ng kanyang tiyahin. Bakas na bakas sa mukha nito ang panggigigil sa kanya.
"What did you tell the congressman? Bakit masyado ka niyang kinakampihan at pinapaboran? Nagpaawa ka ba sa kanya?"
Nagtangis ang mga ipin ni Harika sa narinig. Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila nito.
"I didn't say anything to him, auntie. At hindi ko siya masisisi kung ako ang kampihan niya kaysa sa 'yo. Ikaw ba namang palabasing patay na sa lahat, magagawa ka pa kaya niyang paboran ka? Isa pa, hindi ko ugaling magpaawa sa mga tao para makuha ko ang gusto ko. Why didn't you ask the congressman himself? Na talagang tinrato n'yo akong wala nang halaga simula nang mabulag ako?—"
"Mabulag? Oh, come on, Harika!" Lymareva irritably laugh it out. "Iyan nga ang plano mo, ang magpanggap na bulag para kaawaan at kampihan ka ni dad. Kung alam ko lang na magiging tinik ka sa mga plano ko, 'di sana tinuluyan na kita!" Nanlilisik ang mga mata nitong tinatakot siya.
Harika took a step back as she approaching in rage.
"Kasalanan mo ngayon kung bakit hindi mo 'yan itinuloy noon. Alam mo nang magiging hadlang ako sa masasama mong mga plano, bakit nagdalawang-isip ka pang idispatsa ako? Natakot ka sigurong wala ka pa ring makukuha kahit wala na ako, ano? I know how the congressman loves me; it was more than what you or your daughter have, or, should I say, someone's daughter."
Lymareva staggered to her feet. Tila isang malaking sampal ang narinig nito. Hindi nito inaasahang kay Harika manggagaling ang bagay na 'yon.
"Anak ko si Venus. She's not someone else's daughter, if that's what you're referring to," depensa nito. "Tandaan mo Harika, hindi lang ikaw ang may karapatan sa lahat ng mana ni dad. I am his daughter as well—a piece of pie isn't enough for me—I want the big part of his will!"
"Auntie, hindi ako ang magsusulat ng will ni Lolo Dad kaya huwag mong sabihin sa akin ang lahat ng 'yan. If you want all of it, convince him to put your name on it or prove that you're deserving of its inclusion. Ang pinagkaiba natin sa mga ari-ariang ito ay pinaglalaban mong makuha ang yaman, ako naman ay pinaglalaban ko ang halaga ng mga ito dahil dugo't pawis ni Lolo Dad ang sinakripisyo mapundar lang ang lahat. Kung ako ang tatanungin mo, hindi na mahalaga sa akin kung may manahin ako o wala, basta hindi lang ito mapunta sa kamay ng masasama..."
"Ang paniwalain mo kaming bulag ka? Sa tingin mo ba hindi 'yon gawain ng isang masamang tao?"
"I didn't do it just because I'm evil without a reason. Nagpanggap ako para sakyan ang palabas at kahibangan ninyo. Akala mo ba nalimutan ko na ang ginawa mo sa akin noon? Nang mabulag ako, sinamantala mo na ang bawat pagkakataong mayroon ka. You feign Lolo Dad's death. You throw me in a psychiatric unit. Buong akala ko ay nahihibang na ako dahil nakaririnig ako ng pag-iyak at paghingi ng tulong ng isang babae sa vent ng apartment kung saan mo ako pinatuloy noon, iyon pala, ihinalo mo na ako sa mga taong may sakit sa pag-iisip. Pagkatapos pinaniwala mo rin akong isang espesiyalista sa mga mata si Dr. Yetter na sumusuri sa kalagayan ko, nang bumalik ang mga paningin ko, napag-alaman kong psychiatrist pala siya. Pinagmukha ninyo akong tanga, auntie! Tiniis ko lang lahat dahil ayokong mabuko ninyo ako at hindi ko na malalaman ang susunod n'yong mga plano kung mabibisto o aamin na ako. I endured the pain, the emotional trauma, and the trust issues I developed with people around me. I suffered a lot because y'all think that I deserve it! Ngayong nalaman n'yong pinaniwala ko rin kayong bulag ako, siguro naman naiintindihan n'yo na ang nararamdaman ko lalo na't ilang taon n'yong plinano at binuhusan ng oras ay mapupunta lang pala ang lahat sa wala..." Harika breathed and took a moment before continuing, "Katulad lang 'yan ng pagiging isang Levantine mo, kompiyansa ka kahit lahat ng tao ay nagdududa sa 'yo!"
Lymareva's lips tightened, showing her an angry irritation. Nagtagumpay si Harika kung ginagalit man niya ito. Sampal iyon ng katotohanang hindi nito mailag-ilagan. "Huwag kang magsalita na parang hindi tayo konektado sa isa't isa. Tandaan mo, ako pa rin ang legal guardian mo. Kung hindi ka sana nagpanggap na bulag, malamang dati ka pa nakakalas sa akin." She's still going, not holding back from Harika's arguments.
"Naging legal guardian lang naman kita dahil sa kayamanan ni Lolo Dad. Huwag kang mangarap. Tandaan mo rin na Levantine ka lang sa papel at hindi magiging isang dugong Levantine kailanman. Kung iniisip mong matatanggap kita bilang isang tunay na anak ni Lolo Dad at tunay kong tiyahin, puwes nagkakamali ka... hanggang doon na lang 'yon."
Mas bumigat ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Ayaw nilang magpatalo sa bawat argumento. Kahit na ang kanilang bawat panig ay gusto nang sumabog sa galit.
"Nag-aaway ba kayo?"
The tension between Harika and Lymareva has loosened a bit. Each of them brushed away the tears that had started to form in their eyes. Dumating ang congressman sa kalagitnaan ng huntahan nila. He is the unexpected barrier separating them after contentious disagreements.
"Pinag-aawayan n'yo ba ang kayamanang iiwanan ko? Iyon ba ang dahilan kung bakit noon pa ay hindi na kayo magkasundo?"
Walang umimik sa kanila. Hindi yaman ang pinaglalaban ni Harika kung hindi ang sentimental value ng mga ari-ariang ito. Sa kabilang banda, iba ang hangad ni Lymareva sa manang ito, na pinangunahan na nito ang limangpung porsiyento ng lahat.
✦❘༻༺❘✦
Through it all, Harika wasn't as happy as she expected she would be when things went her way. Noon, gusto niyang pabagsakin at pagbayaran ang lahat ng mga tumalima sa kanya, sa congressman at sa reputasyon ng pamilya nila. Oo, kapiling na niya ang kanyang Lolo Dad, natagpuan na rin niya ang kanyang kapatid na wala siyang ideya na mayroon pala siya. Unti-unti nang nababawi sa kanila ang lahat, napatunayan na ang ilan sa masasamang plano ng mga taong gustong ilagay siya sa panganib at ligtas naman niyang naiwasan ang lahat ng iyon. Sa lahat-lahat, bakit pakiramdam niya ay may kulang pa ring namumutawi sa kanyang puso? Hindi pa ba siya lubos na masaya? If she comes to think of it, little did she know, she maybe doesn't want more of these things. Probably it's her. What's making her incomplete is not who she was with or what things she had to reclaim or obtain, but what's really inside her—her deep thoughts, expectations, and fears. Baka nga hindi talaga iyon ang tunay na gusto ng puso't damdamin niya. Baka nga ginagawa niya lang ang lahat dahil 'yon ang sa tingin niyang dapat niyang gawin kahit na 'di naman ganoong kailangan.
Simula nang magkita sina Harika at Lizbeth at sabihin niya rito ang lahat, hindi na muling nagpakita ang kaibigan niya. Kung nasaktan man niya ito noong araw na 'yon, hindi niya sinasadya, nadala lang siya at nangamba dahil sa lahat ay alam niyang hindi magagawa ni Lizbeth na talikuran ang pinagsamahan nila dahil lang may kapalit. Nabababawan siya sa pakikipagtulungan nito sa mga Sullivan, lalo na't pinagsamantalahan din nito ang pagiging bulag niya.
Habang unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat, mas umiiral na sa kanya ang kapanatagan ng loob, iyon ay kung haharapin niya ang mga taong dapat ay bigyan niya ng pagkakataong makaayos o makausap man lang. Tama ang kapatid niyang si Simon, mas mahihirapan siya kung may tinik pa ring nakatarak sa dibdib niya at lakas ng loob lang siguro ang kailangan upang maalis ang tinik na iyon.
Kung ang congressman ngang halos kuhanin ang lahat dito ay nakukuha pa ring kumalma sa gitna ng sitwasyon kung nasaan sila, siya pa kayang parte lang ng komosyong kinasangkutan ng lahat? She did not have to forgive everyone just to be kind. Wala namang kaso kung hindi siya agad na magpatawad, kung kakailanganin niya ng oras at espasyo, maaari naman niya iyong ibigay sa sarili dahil hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan niya.
Nang dumating ang weekend ay nagdesisyon ang congressman na kausapin si Melanie, tungkol sa mansiyong ipinaglalaban pa rin nito. Since Constancio resigned from his office the day everyone thought he was dead—and was carried over by someone people vested their votes in—he has a lot of work to do to reclaim half of the properties Lymareva has sold. Ayaw nito ng away at hindi nito hahayaang humantong pa ang sitwasyon sa mas malaking gulo. Kung kaya nitong kausapin si Melanie, ipagbili man nito muli rito sa dobleng halaga ay papayag ito mabawi lang ang pag-aaring hindi nito maaaring ipagsawalang-bahala.
Madalas magkita sina Harika at Waki sa mansiyon nang magtungo ang mga Levantine doon. Waki has always been open to a conversation with her, but Harika didn't let herself come near him or give him a single chance to start up. Masama pa rin ang loob niya at hindi agad-agad na mawawala iyon kahit pa lumilipas ang mga araw.
Ilang linggo na ring hindi nakikita ni Harika si Manong Liro at ang Nana Alice niya. She wanted to bring it up to her Lolo Dad to find them and make sure they were fine. Kahit hindi na magserbisyong muli ang mga ito sa kanila, basta't alam niyang nasa maayos na kalagayan ang mga matatandang naging parte ng buhay niya, nila... natitiyak ang kapanatagan niya.
Napansin ng kapatid niyang si Simon ang pagkatulala niya nang madatnan siya nito na mag-isang nakatayo sa verandah ng mansiyon at nakatanaw sa malayo. Harika felt her brother's hand gently touch her left shoulder. She then sighed, still looking up at the clouds passing by in the sky.
"I know now why you're here. The weather was really nice today," Simon said, as calmly as the weather.
Sumang-ayon ng tango si Harika rito.
Humakbang si Simon at luminya kung saan siya nakatayo. Kapuwa nila pinagmamasdan ang maaliwalas na langit habang hinihipan ang mga buhok at balat nila ng banayad na hangin.
"How about the weather inside you?" he asked, glancing at her from the corners of his eyes.
Harika paused for a moment. Miski siya ay hindi alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. For some reason, the question left her mouth wordless.
"Kung iniisip mo pa rin ang tungkol kung paano mababawi ni Lolo itong mansiyon, huwag ka nang masyadong mag-alala dahil ginagawa na naman niya ang lahat upang maipangalang muli sa mga Levantine ang pag-aaring dapat ay atin..."
She spun toward Simon with a worried face. "I know... but was it all worth it, Kuya? Nabawi na ang ilang ari-ariang naibenta at binabalak ibenta ni auntie, buhay na buhay si Lolo Dad at masaya na nating nakakapiling, 'tapos ang pagdating mo na kadugo't kapatid ko. Gusto kong ipamukha sa kanila at ipa-realize ang lahat ng panloloko, kasinungalingan at pananamantala nila sa akin noon, itama ang pilit nilang binabaluktot na sitwasyon at ituwid nang hamakin nila ang lahat dahil sa tingin nila ay kaya nila. Kung unti-unti ko nang nagagawa ang mga 'yon ngayon, na maipamumukha sa kanila ang mga kamaliang pinipilit nilang ipaglaban noon, bakit pakiramdam ko ay hindi na iyon mahalaga? It's like I don't want to go further anymore. As if something's holding me back. They started a war, and I won't have to end it just to get my revenge. I want to stop. To me, they became unworthy of my time, and they're a waste of energy for me to cling to. Gusto ko nang hayaan na lang ang mga nangyari. Umalis na lang at iwan ang lahat,
"Sometimes I've been thinking too much and wondering whenever I wasn't able to sleep at night. I want them to pay for their lies and damages. Iyon ang sinasabi ng utak ko, hindi man kinokontra ng puso ko ang lahat ng iyon noon, but why does it feel like what's inside my chest now is telling me something to stop, that things have had enough, and asking me if everything was worth it?" The thought tears her up. She tried to hold it by biting her lower lip, but her eyes produced hot tears so quickly. "And now I'm just right here... alone with this feeling."
"Revenge isn't always the way to get even with them. Do not discredit and forget the little ways you've done and grown. Kung sa tingin mo ay sapat na iyong ginawa mo upang itama ang mga kamalian at kasinungalingan nila, maaari na iyon. Don't push yourself too hard; they will realize things after all, even if you made it so little. You don't need to do all the things to tell them they are sorry; you just need your presence, your wind to touch their skins, and everything else to follow through." Dahan-dahang pinunasan ni Simon ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. "Hindi mo kailangang tumalon, tumambling o lumipad upang makita nila kung gaano ka ka-concern sa mga bagay na pinaghirapan ni Lolo. Wala kang dapat patunayan sa kanila. A part of what you did was more than enough. At habang hinahayaan mo sila, hayaan mo na rin siguro ang puso mo naman ang maging masaya..."
Bumuhos lalo ang mga luha ni Harika sa mga bagay na narinig niya sa kanyang kapatid. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. She never had anyone back then to tell her exactly how she felt every moment she was alone thinking about something that was bothering her. Ngayong palagi nang nariyan si Simon, mas nagiging open na siya rito na sabihin kung ano ang nasa loob niya.
✦❘༻༺❘✦
May iilang gamit pang natira si Harika sa kuwarto niya sa mansiyon at dadalhin niya muna ang mga importante sa kanya sa penthouse kung saan sila kasalukuyang tumutuloy. Labag man sa loob niyang mag-impake ng mga gamit sa mismong tirahan nila, sa ngayon ay wala muna siyang magagawa. Melanie was resisting bringing the mansion back to them. Matagal na nitong plano na maparito ang mansiyon ng mga Levantine dahil isa iyon sa ipinangako nito sa yumaong asawa na si Joseph Ishida. Mahigpit na ang kapit nito sa pag-aaring iyon, kung may posibilidad mang mabawi nina Harika rito ang mansiyong binuoan nila ng mga alaala, tiyak mas lumiliit na ang tyansang iyon.
She walked out of her room with her stuff. Naghihintay na sa kanya si Simon sa driveway ng mansiyon. Nauna na ang Lolo Dad niya sa penthouse upang makapagpahinga na sa haba ng araw na ginugol nito sa pakikipagnegosasyon kay Melanie at pag-aayos sa ilang pag-aaring pinangunahan at pinakialaman ni Lymareva ng walang pahintulot nito.
"Mommy, hindi ka pa ba napapagod? Itigil mo na ang mga kahibangan mong ito! Lolo Dad is back and alive! Huwag mo nang hayaang lamunin ka pa rin ng mga binabalak mo. Please stop with everything. Umalis na lang tayo rito. We can start over."
Napahinto si Harika sa gitna ng kanyang paglalakad at tinalasan ang kanyang pandinig sa pagitan ng kuwarto ni Venus at hagdanan pababa.
"No Venus!" Lymareva disagreed. "Marami na akong isinakripisyo! Marami na akong bagay na isinaalang-alang para lang makuha ang lahat! Ngayon pa ba ako titigil kung kailan naririto na?"
"Sarili mo lang ang iniisip mo, mommy, alam mo ba 'yon?" She heard Venus' voice crack and started to quiver as her emotions rose. "Bakit mo kasi isasakripisyo ang sarili mo sa isang bagay na hindi naman mapupunta sa 'yo? Lolo Dad never leave you behind kahit hindi ka niya tunay na anak. He treated you like his own daughter. Stop being such a selfish prick!"
Nagulat si Harika nang maulinigan ang isang malutong na sampal sa pagitan ng mag-ina.
"I'm doing this not only for myself, Venus! Para din sa 'yo ang mga bagay na pinaghihirapan ko ngayong makuha. I quadrupled my effort and time to make your life more comfortable. Ayaw mo ba ng mga mamahaling bagay? Ayaw mo bang magbakasyon sa iba't ibang lugar? Ayaw mo bang tumira sa malaking mansiyon kasama ako? I still remember your wish to live a life fit for a princess, which you expressed to me before. It meant exactly this!"
Humihikbi si Venus. Mas naririnig ni Harika nang malinaw ang usapan ng dalawa dahil mas nagiging tensyonado ang mga ito.
"Sinabi ko sa 'yo iyan noon, mommy. I wasn't an eight-year-old girl you used to shower with extravagances! You're in front of a grown woman now! Hindi ko na kailangan ng mamahaling mga gamit o mala-paraisong bakasyon. What matters to me now is to live a different life! The real ones that happen to most people. Gusto ko 'yong buhay na normal. Gusto ko 'yong mga bagay na gustong kong bilhin o gastusin ay galing sa perang pinaghirapan ko. I am a married woman. I am Genesis' wife. May responsibilidad na ako. Ayoko nang maging anino mo. Ayoko nang sundin ang mga utos at gusto mo, hindi dahil sa hindi kita mahal at hindi dahil hindi kita nirerespeto bilang ina ko... dahil ayokong madamay o masangkot ka sa kahit na ano'ng masasamang bagay. What we've done to Harika is enough; let's end it already! She suffered so much. Tita Helen wasn't there for her. It was a stab for her to know that Lolo Dad was presumed dead. Her involvement in the chandelier crash that caused her temporary blindness was really devastating to her. Imbes na mag-alala tayo sa kanya, nakuha pa nating samantalahin ang disabilidad niya para lang sa yamang hindi naman para sa atin."
Harika dabbed away her tears. Naaapektuhan siya sa mga sinasabi ni Venus. Tinatamaan ang damdamin niya. Her statements were all so sincere that she couldn't believe she'd hear from her.
"Tama na, mommy. Huwag na nating pilitin ang mga bagay na hindi naman talaga nakalaan para sa atin. Hayaan na natin ang mga Levantine. Hayaan na natin ang lahat ng ito. Magsimula ulit tayo... nang magkasama."
"Venus, you don't understand a word you're saying. Natatakot ka lang. Naririto na ako, isinugal ko na ang lahat para dito. Kung iyan ang buhay na gusto mo para sa sarili mo, puwes, hindi 'yan ang buhay na gusto ko para sa 'yo. I'll stand up for what's right. Even if it means risking my life, I will do it."
Lymareva's voice lacked the same fervor it had when Harika had first overheard their chat. Tila ba napalalambot na ni Venus ang ina nito sa malumanay at kalmadong pakikipag-usap rito.
"Mommy, please, kahit para sa akin na lang." Venus sniffled. "Hindi ito pagmamakaawa o pamimilit... it was a wish from a 23-year-old woman."
✦❘༻༺❘✦
"Kanina ka pa hindi mapakali kung sasagutin mo ba ang cell phone mo o hindi. You can easily dump it if it isn't that important. Ginugulo ka na naman ba ni Waki?"
Napansin ni Simon na tila ba hindi mapakali si Harika habang panay ang hipo sa kanyang cell phone. Sumulyap siya sa kanyang kapatid na pumasok sa kuwarto niya habang nakaupo siya sa vanity table at nakaharap kanina sa salamin.
"He wanted to see me," she answered with a straight face. Bakas sa ekspresyon ng mukha niya ang pagdadalawang-isip. "You're right. I should ignore him. Hindi naman siya ganoong kaimportante." Saka siya tumayo at huminga.
"You unblocked his number. Hindi mo 'yon gagawin at hindi ganyan ang magiging reaksyon mo kung hindi talaga siya importante sa 'yo, Harika. Why don't you give him a chance? Talk to him. Hindi mo kinakailangang balikan o patawarin mo agad siya. Baka naman may gusto siyang sabihin sa 'yo na kailangan mong marinig o malaman. Makatutulong din sa 'yo kung magkikita't magkakausap kayo, para na rin sa kapanatagan ng loob mo..."
Dahan-dahang nagbaba ng tingin si Harika. Hindi maikakaila sa kanya ang pag-aalangan na napapansin ng kapatid niya. Halatang-halata sa mga ikinikilos niya. Hindi na niya iyong maitatanggi.
"What should I do?" There's an anxious look in her eyes.
Simon met her in the eye and smiled. "Gawin mo kung ano ang nararapat para sa ikapapayapa ng kalooban mo. You know how it feels when things are left unsaid. Makipagkita ka sa kanya," mahinahong bigkas nito. "Kung natatakot kang mag-isa... sasamahan kita, ipagmamaneho kita." Lahat ng seguridad na maaaring ilaan ng kapatid niya para sa kanya ay ipagkakaloob nito huwag lang siyang mangamba o panghinaan ng loob.
After she had a short conversation with her brother, Harika texted Waki back. Simon gave her a little extra security to make that decision easily. Sa isang local library, doon niya napiling maging meeting place nila.
Nang makapasok si Harika sa loob ng library, mukha agad ni Waki ang hinanap niya sa kabila ng mga taong nakikita niya roon.
"You can leave me here, Kuya. Tatawagan na lang kita kapag nakapag-usap na kami," aniya kay Simon na nasa likuran niya.
Tahimik lang itong tumango sa kanya bilang tugon saka naglakad palabas ng malaking silid na iyon.
Harika felt lost when the library was as massive as she expected. She approached the counter, logged her name, and put in the time she walked in. She scanned the logbook; Waki's name was at the top of the list. He was the first person to come to the library. Why did he come so early? May napag-usapan silang oras, bakit hindi nito iyon sinunod?
Iginala ni Harika ang kanyang mga mata sa paligid habang naglalakad papasok sa pagitan ng mga naglalakihang istante ng mga libro. She missed being in school. She recalled the smell of the books she used to sniff, especially when they were new, and the atmosphere of the whole place reminded her so much of being a student. Sa taas ng istante ay napansin niya ang paboritong encyclopedia na madalas basahin ng kanyang Lolo Dad noon sa study nito. She tried to reach it on her tallest tiptoe but failed to get it. Kung may stepladder lang sana malapit sa kanya, hindi na siya mahihirapan.
Nakatingala lang siya sa librong iyon hanggang may isang kamay ang sumulpot sa uluhan niya upang abutin iyon para sa kanya.
"Here you go," muttered the velvety and unfamiliar voice of a man. Iniabot nito ang libro.
Lumingon si Harika rito. Napansin agad niya ang linis ng gupit at kisig ng lalaking ito. He's taller than her. His smile was captivating and so contagious that it forced her to smile as well.
She took the heavy book. "Salamat..." tanging banggit niya.
She looked to his lace down to his ID. Binasa niya ang pangalan nito sa kanyang isipan. Kiko Miramontes.
Matapos siyang tulungan nito ay nilisan siyang muling mag-isa roon. Pinagmasdan niya ang encyclopedia na kanyang tangan. Tama siya, pareho nga ang librong iyon sa paboritong libro ng congressman. Hindi niya maiwasang mapangiti nang alalahanin.
Sa pagitan ng mga istante ng libro ay nasilip niya si Waki na nakaupo at tila kanina pa naghihintay sa mahabang conference table. May ilan siyang nakitang nagbabasa ng libro o gumagawa ng research sa kabilang table malayo-layo sa puwesto kung nasaan ito. Tanging si Waki pa lang ang taong naroroon at mag-isang pinagmamasdan ang librong tila hindi naman nito binabasa.
Harika subconsciously touched the fabric of her collar. Biglang umusbong sa dibdib niya ang kaunting kaba. Nakadarama siya nang kaunting alinlangan. Naroroon na siya, ngayon ba pa siya aalis?
She closed her eyes. She breathed. She relaxed herself. She will be okay.
Lakas-loob na siyang naglakad at nagtungo kay Waki. Hindi pa man siya nakararating dito ay nag-angat na agad ito ng tingin sa kanya at awkward na biglang napatayo nang makita siya. Binati siya nito at pilit na ngumiti. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla nang magkita sila.
"T-take a seat," he said, gesturing to the chair in front.
Harika pulled the chair up and helped herself. Naupo siya roon at inabala ang sariling luminga-linga sa paligid upang hindi makasalubong ang mga mata ni Waki. For sure, if she meets him in the eye, she'll get distracted and feel awkward around him.
"Kanina pa ba nandito?" kaswal niyang tanong, saka dahan-dahang ibinaling ang tingin kay Waki.
Malapad na ngumiti ito. "Hindi naman gaano," pagsisinungaling nito, pagkatapos ay nagbaba ng tingin sa librong nasa mesa.
"The top of the logbook has your name and the time you arrived, which I have noticed. Hanggang dito ba naman magsisinungaling ka sa akin?" Harika didn't say it as rudely as it may seem.
"No, Harika. I mean, I was here a few hours ago. Ayoko lang isipin mo na pinaghintay mo ako." Tumikhim muna si Waki bago nagpatuloy. "I honestly planned to come here as early as possible. I want to compose myself and prepare what I need to say to you. Ibig kong maging totoo sa lahat ng sasabihin ko sa 'yo nang hindi pinangungunahan ng takot dahil sa pagkamuhi mo."
Harika squinted and ran her fingertips along the hardback of the encyclopedia. "Ano ba ang sasabihin mo? Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?" Pinilit niya ang sariling kaswal lang ang boses o tonong kaakibat ng mga salitang lalabas sa bibig niya. Kapuwa sila nasa loob ng library, ayaw niyang maging dahilan ang pagsasalita niyang tumaas ang tono upang mapalabas silang dalawa roon.
"I personally wanted to say sorry... for everything, Harika. I sincerely apologize for all the things I meant to do to hurt you. Kasalanan ko. Normal lang na magalit ka sa akin, itaboy o kamuhian ako. Sinamantala ko noon ang pagiging bulag mo. Ginamit ko ang disabilidad mo upang ipamukha sa 'yong totoo ang lahat ng pagpapanggap ko. Pineke ko ang pagtugtog ng piano. Noong nagpunta tayo ng Cascade, pinalabas ko lang na naroroon tayo sa tapat ng mismong talon kahit dinala lang kita sa sapa. We rode a lifting cable car, but what we rode on was just a non-operational pod. Hindi ko nagawang sabihin sa 'yo ang totoo nang kumalat ang deepfake video mo sa internet. At sa napakarami pang bagay na pineke ko, pinagmukha kong totoo dahil alam kong pandinig lang ang mayroon ka at mahihirapan mo akong mabisto." Hindi makatingin ng diretso si Waki sa nangingilid na luhang mga mata ni Harika. "Pero 'yong pagmamalasakit ko sa 'yo? 'Yong mga gabing magkatabi tayo sa iisang kama? Ang mga sandaling magkasama tayo? Iyong mga halik, yakap at pagkiskis ng mga balat natin sa tuwing malapit tayo sa isa't isa? Lahat ng 'yon totoo. All of it was genuinely not part of the plan." He held his chest, right through his heart. Pinanata nito iyon sa sarili nito. "Ang lahat ng iyon ay tunay na naramdaman nitong puso ko." Pinigilan ni Waki na sumabog ito sa harapan niya. A tear fell from his eyes.
"Nagpanggap ako bilang bulag upang makita kayong pinagpapanggapan din ako. Kahit masakit sa akin na nakikita kang harap-harapan mo akong niloloko, nakuha ko pa ring ituloy ang pagpapanggap ko. Alam mo kung bakit, Waki? Dahil sa kabila ng panloloko mo, hindi pa rin iyon naging hadlang para magkaroon ka ng espesyal na espasyo rito sa puso ko." Harika folded her hands in her lap. Her eyes harden. She held her emotions in check and kept tears at bay. "I felt your sincerity as we bonded together. Na baka nagsisinungaling ka lang sa akin dahil wala kang choice, na baka parte lang iyon ng plano ng iba at kinakasangkapan ka lang. Hindi ko maikakaila iyon dahil lang galit ako ngayon sa 'yo, dahil kung paano mo ako halikan noon, alam kong tunay at totoo ang bawat hagod ng mga labi mo sa mga labi ko, na nanggagaling 'yon mismo r'yan sa puso mo..." Ramdam din ni Harika kung ano ang totoong nilalaman ng kalooban niya para kay Waki. "Sa lahat ng kasinungalingang narinig ko mula sa 'yo, iyong 'kung gaano mo ako kamahal' ang pinakapaborito ko."
Tinamaan ito sa sinabi niya. Hindi nito inaasahang ang bagay na iyon na marinig mula kay Harika. Umaamin sila sa isa't isa kahit na nakapagitan sa kanila ang pangambang maaari nang hindi bumalik sa kanila ang dati, kung ano'ng mayroon sila noon.
When Waki started to have the right confidence, he wasn't scared to stare into Harika's eyes. He wanted to lift his hand and hold hers on the table, but managed to not do it. He tried to smile with his whole heart for her to see how sincere he was at that very moment and that he really was sorry.
A few seconds dragged on, and Waki finally took a pink colored paper crane out of the pages of the book and showed it to Harika. "This was the thousandth paper crane I folded, and I'm sorry for wishing for a different thing than what you've told me. Wala akong ibang hiniling kung hindi dumating ang araw na ito, na bigyan ako ng lakas ng loob upang aminin sa iyo ang lahat. I tolerated my mother's madness about your family. Buong akala ko ay tama siya at panig ako sa kanya dahil siya ang ina ko... hanggang sa na-realize ko na parte lang ako ng mga plano niya. I regretted not going on the neutral side. But that's what sons do, kahit na mali ay nagagawa pa rin nating kampihan ang isang tao dahil magulang natin sila, dahil mahal natin sila. Not until I grasp that it is no longer right and that I am the one who needs to set things right."
Harika glides her palm over the paper crane. "What will you do to put things right? It's already too late."
"Hindi mahuhuli ang lahat kung magagawan ko pa ng paraan. I'll speak with Mom. I'm going to convince her to give up the mansion to the congressman. At kapag nangyaring naibalik ko na ang mansiyong kinabaliwang makuha niya sa inyo, hihingi ulit ako ng kapatawaran sa 'yo, sa lahat, at hindi ako mag-e-expect kung ibibigay mo ang kapatawarang iyon. Maghihintay ako, kahit gaano katagal... just to clear everything out with us."
Harika was clinging to it. Waki didn't sound scripted. Their conversation didn't seem staged at all. Nakipagkita ito upang sabihin ang lahat ng iyon mula sa kaibuturan ng puso nito. Kung magagawa nitong pakiusapan si Melanie upang maibalik sa kanila ang mansiyon, doon pa lang i-co-consider ni Harika na ginagawa talaga nito ang lahat upang makabawi sa kanya, sa lahat ng mga nagawa nito.
"And I'm scared that if Kuya Jed knows all about these things, he'll probably get mad at us—especially in me. Sa aming dalawa, siya 'yong may paninindigan at hindi katulad kong kumukunsinte ng mali." Halata rito ang takot nang maalala ang nakatatandang kapatid.
Kilala ni Harika si Jed, kahit noon pa at natitiyak niyang ganoon nga ang mangyayari kapag nalaman nito ang buong katotohanan sa pagitan ng mga Ishida't Levantine habang wala ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro