Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

49: The Gilded Birdcage

Umalis si Simon nang hindi nagpaalam kay Harika. Nilisan nito ang summer house noong hapon ding iyon at iniwan ang dalawa. He texted Harika that he would head out for her to make the most of the time alone with her Lolo Dad. Alam ni Simon kung saan ilulugar ang sarili, at ayaw nitong maging balakid pa sa oras ng dalawa na nito na lang ulit nagkatagpo.

Harika is still experiencing the exhilarating emotion of meeting his Lolo Dad again. Ngayong buhay ang congressman, ang isip niya ay nawala sa mga taong unti-unting inaanay ang kayamanan at pag-aari nila. Sa loob ng summer house, mayroon silang kasamang lalaki, si Allan, isang professional home care nurse na umaasikaso sa kalagayan ng congressman. Sakop ng trabaho nito ang pagtingin at pagsuri sa pisikal na pangangatawan ng matanda hanggang sa diet at medication nito. Mabait ang tingin ni Harika kay Allan at tulad ni Simon, iniwan na muna sila nito panandalian upang masolo niya ang kanyang pinakamamahal na Lolo Dad. Sa ilang oras niyang pananatili kasama ito, napansin niyang hindi na ito tulad noon na malakas at magiliw, tumatanda na talaga ang congressman, madali nang mapagod at mabilis tawagin ng kama upang magpahinga.

Harika tried to phone Simon while the congressman was asleep, but he wasn't picking up. Ang mga bagay na gusto niyang pag-usapan nila ay hindi niya pa masabi, tungkol kay Manong Liro at sa kalagayan mismo ni Simon. Baka bukas na lang kung bumalik ito upang kumustahin siya o ang matanda.

Hindi nagawang banggitin ni Harika kay Constancio ang tungkol sa kanilang mansiyon—na nabili na ni Melanie, pati na ang ibang pag-aari nilang pag-aari na ngayon ng iba't ibang indibidwal. Kung may pinahintulutan nito si Lymareva upang ipagbili o ipangalan sa iba ang mga ari-ariang ito, wala nang laban si Harika roon. Masyado lang siyang nanghihinayang sa pinundar ng matanda, na ganoon na lamang kadaling nakuha ng iba sa kanila. Hindi importante sa kanya kung ginto man ang katumbas ng mga ito o malaking pera, mas tinitingnan niya ang halaga ng mga ito na pinagpaguran ng kanyang Lolo Dad, maliit pa lamang siya, kitang-kita na ang dugo't pawis na nilaan upang pagsumikapang kamtin nito ang mga iyon. Iniwasan din niyang mapag-usapan ang tungkol sa aksidenteng nangyari sa kanya noong retirement party nito at kung paano pinalabas ng mga Sullivan sa publiko na patay na ito. They surely have intentions; they are faking it all. May tamang oras siguro upang banggitin niya rito ang tungkol sa mga iyon.

Habang sumasapit ang gabi, pinagmamasdan lang ni Harika ang matandang tahimik na nagpapahinga sa kuwarto nito. Pinagdadasal niyang hindi siya nananaginip kung sakaling magising siya kinabukasan. Allan readied her room for sleeping, but she stayed in the congressman's room on the couch until she fell asleep.

Maaga siyang nagising, dahan-dahan niyang nilisan ang kuwarto ng congressman na mahimbing pa ring natutulog. Nasa labas si Allan habang nagkakape. Inalok siya nito ng almusal at kung ano ang gusto niyang kainin bago magising ang matanda. She offered to make breakfast on her own at idadamay na rin niya ang kakainin ng kanyang Lolo Dad noong umagang iyon. Allan helped her with the amount of food she'll be serving the congressman. Hindi gaanong kagalingan si Harika sa kusina dahil nasanay siyang pinagsisilbihan siya habang lumalaki. Even though it is completely different from what she usually does, she will make an effort to give her Lolo Dad the finest care possible.

Allan brought to Harika that he had been the congressman's personal nurse ever since the day he was admitted to the hospital. Laking gulat na lang niyang ngayon lang iyon nalaman. She had no idea who this man, this nurse, was until she met him. Kuwento rin nito na bago maganap ang retirement party, ilang linggo nang naka-confine ang matanda at sinubukang lasunin ng nagpanggap na doktor. Allan should make it a priority to get the congressman out of the hospital. Aware si Constancio na binabalak itong patayin ng kung sino, kaya napagdesisyonan nitong manatili muna sa isang lumang summer house na miski si Harika ay walang ideyang pag-aari din ng pamilya nila.

"He also found out about the chandelier crash that rendered you blind. He has his computer and mobile devices to trace and track everything while he is away. Alam niya ang nangyari sa 'yo, sa pagkabulag mo, sa motibo ng mga taong nakapaligid sa 'yo sa mansiyon at sa mga plano ng mga Sullivan na kuhanin ang lahat sa inyo. He tried to call you that morning, and he pronounced your name in perfect cadence. Naroroon ako noong sinubukan ka niyang tawagan dahil sobra na ang pag-aalala niya sa 'yo, iniwan ka niya, pinaniwalang ka nilang patay na siya, ngunit mag-iiba ang plano niya kung magkakaroon kayo ng komunikasyong dalawa. He took a step back from the scene, where you were perfectly placed. Kampante siyang maayos ang lagay mo habang ipinakikita niya mismo sa 'yo ang pagkakaiba ng mga taong pinagkakatiwalaan at hindi. He deployed Manong Liro, your personal driver, as his other eye to keep track of you. Nagpupunta rito paminsan-minsan ang matandang driver mo, lalo na 'pag iniimbitahan siya ni Mr. Levantine upang makibalita sa 'yo at sa mga nangyayari sa mansiyon. I cannot imagine how the congressman perfectly weaved everything into this discourse. He let you be a fly struggling in a tightening web to attract the hungry spiders that would come to you. Ngayong malapit ka na nilang papakin ng buhay, 'tapos ay sisirain na niya ang malaking sapot na 'yon saka sila mahihirapan kung saan kakapit..."

Harika's eyes were glued on the cup of hot, sweet tea she was sipping as she remained motionless. She clenched her hand on the desk. Masyadong nabaling ang isip niya sa ibang bagay. Sinukuan na niya ang kanyang Lolo Dad noon at inakalang mag-isa na lang niyang lalampasan ang lahat. She had no idea how he could be so capable. Wais pa sa wais ito, sinusulit ang koneksyon sa ibang tao, hinahabi ang pinakaperpektong plano. Bago niya pa malaman ang totoo sa mga taong pilit na sinisira ang pangalan ng pamilya nila, alam na nito at may nakalapat ng plano para dito. Natandaan niya rin iyong oras na tinawagan siya nito, hindi iyon panaginip at hinding-hindi niya iyon malilimutan. Pangalan ng matanda ang naka-register sa call logs niya, which Waki denied and told her that the congressman never called her. Umaakto na siyang bulag noon, sinakyan lang ni Waki upang pagsinungalingan siya.

"Kung iniisip mong hinayaan ka niya o pinabayaan... kailanman hindi niya 'yon magagawa sa 'yo. Wala siyang intensyong iwan ka panandalian. He needed this opportunity to let them go build their castle first before he made it a colossal failure," Allan continued to tell her, the congressman's side she never knew existed. "Bago siya lumantad sa kanila kasama ka, isang tao na lang ang hinahanap niya upang makumpleto kayo pati na ang inihanda niyang mga plano."

She remained silent the entire time. Kasali rin ang matandang driver sa palabas na binubuo ng kanyang Lolo Dad at ni minsan ay hindi niya ito natunugan... that Manong Liro has other businesses rather than being her one-call-away driver. Hindi na niya kailangan pang banggitin ang pangwawalang-hiya ng mga Sullivan sa kanya, ni Waki at ng ina nitong si Melanie, pati na si Genesis kasama ang kaibigan niyang si Lizbeth. Lahat ng iyon ay alam na ng congressman at kasado na ang lahat hanggang sa sila'y magbalik.

Constancio woke up later than usual. Inilabas ito ni Allan upang magpaaraw. Sinamahan ito ni Harika sa front porch, at tinabihan sa malaking swing sa kabilang dulong bahagi ng summer house.

"How was your stay here? Did you sleep well?" the congressman asked, looking her in the eyes and warmly smiling at her gorgeous morning face.

Kinintalan niya ng halik ang matanda sa pisngi. Isang maaliwalas na ngiti ang ignanti niya rito. "I feel safer than ever, Lolo Dad. Hindi pa rin ako makapaniwalang buhay ka at naririto katabi ko," sagot niya saka pinadapo ang kamay niya sa likod ng palad nito.

Hinayaan ng congressman na umilig si Harika sa balikat nito saka bahagyang inugoy ang swing. "No one will be able to harm you or even raise a hand against you with their evil schemes while I'm here. Ikaw ang prinsesang dapat pinoprotektahan ko. I have to apologize to you for not being there when I had to be there for you and when you needed me the most. I'm so sorry that you were forced to go through this alone. You and I won't be separated again. I promise."

Naiintindihan naman ni Harika ang lahat. Kinaya naman niya kahit papaano. Minsan lang ay nangungulila siya, ngunit wala ng saysay kung babalikan pa niya ang mga gabing nag-iisa siya, malungkot at walang kasama dahil katabi na niya ang pinakaimportante sa lahat. Sapat nang buhay ang congressman, hindi na siya hihiling pa kung sakali.

Nanatili silang ganoon lang, masaya at komportable sa piling ng isa't isa. Hanggang sa sumagi sa isip niya ang sinabi ni Allan sa kanya kanina, na may isa pang tao itong hinahanap bago magkakasama silang babalik sa mansiyon upang bawiin ang lahat.

"Lolo Dad, nabanggit sa akin ni Nurse Allan kanina ang tungkol sa isa pang taong hinahanap n'yo. Parte rin ba siya ng mga plano n'yo?" usisa ni Harika habang nilalaro ang locket na nakasabit sa leeg ng matanda, naroroon ang picture niya at picture ng ina niyang si Helen.

"Hindi siya parte ng plano ko, kung hindi parte siya ng pamilya natin..."

Napahinto si Harika. Umayos siya ng upo at hinarap ang congressman. "Parte ng pamilya natin?" Gulat ang ekspresyong umukit sa mukha niya. Lumalim ang kunot ng kanyang noo. Buong buhay niya, dalawa lang sila ng kanyang Lolo Dad ang kilala niyang natitirang Levantine at wala ng iba. In her head, one person mysteriously filled this idea: the masked wolf. Posibleng ito kaya ang taong hinahanap ng matanda?

Constancio swallowed before continuing, "Harika, you have a brother. Mas matanda siya sa 'yo ng ilang taon. Siya ang anak ng daddy mo sa unang asawa nito," pagtatapat nito sa kanya.

Harika froze on the swing. Dumiin ang kapit niya sa tela ng kanyang damit. Hindi niya alam kung paanong reaksyon ang unang makikita sa mukha niya. Magiging masaya ba siya at magtatatalon? Pipigilin niya ba ang kanyang paghinga dahil sa sobrang pagkasurpresa? Mapapahawak ba siya sa kanyang dibdib at mapapanganga? Alin man dito, wala siyang ginawa dahil nabato na lang siya sa inamin ng matanda.

"I have a slim lead on him. My connections indicate that he may be residing here in Windercoln. Wala pa akong ideya sa hitsura niya, kahit sa mga bagay kung saan at ano ang trabaho niya. I have to find him as soon as possible. Ayokong ipagkait sa 'yo ang taong ito, dahil pamilya natin siya... at Levantine ang dugong nananalaytay sa katawan niya."

Lumipas ang maghapon, hindi pa rin nilulubayan si Harika ng ipinagtapat ng kanyang Lolo Dad. Mayroon siyang kapatid na lalaki, kapatid niya sa ama. Masyado siyang inabala ng lihim na ito na matagal ding itinago sa kanya ng congressman. Hindi niya iyon ikinagalit, nagtataka lang siya dahil bakit kailangang itago iyon ng matanda sa kanya? Dahil ba iniiwasan nitong magtanong at mahalungkat ang tungkol sa mga magulang niya? Lalong-lalo na sa ama niyang hindi niya lubos na kilala?

Sa pangatlong pagkakataon, muli niyang tinawagan si Simon. Gusto ni Harika na balikan siya nito upang ipaalam ang tungkol sa nalaman. Kung mababanggit niya man dito ang tungkol sa kanyang kapatid, mas lalaki ang tyansang mahanap nila ito dahil sa tulong ni Simon. Masaya si Harika nang sinagot nito ang tawag niya. He promised her to be with them later tonight. Sasabay ito sa dinner nila.

Nakaidlip ang congressman sa sala. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Harika ang fireplace. Nasa kusina si Allan habang naghihiwa ng mga prutas na gagawin nilang miryenda noong hapong iyon.

Nagising si Constancio ilang minuto bago nawala ang apoy sa fireplace at natira na lang ang baga sa mga kahoy. Maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ng matanda nang magtagpo ang mga mata nila ni Harika.

"May kailangan ba kayo, Lolo Dad? Gusto n'yo bang dalhin ko na kayo sa kuwarto ninyo at doon na ituloy ang inyong pahinga?"

Marahang umiling ito. "I'm okay here. Ikuha mo na lang ako ng maligamgam na tubig na maiinom," utos nito.

Agad na tumayo si Harika sa prenteng pagkakaupo sa couch. Nagtagpo silang dalawa ni Allan sa kusina habang abala ito sa pagpapakulo ng sabaw.

"Mr. Levantine has never been happier than he was this morning with you. Napakalaking tulong ang pagdating mo upang gumanda ang mood niya. Ikaw lang ang palaging inaalala niya, ngayong naririto ka na, kampante na ang loob niya."

Napangiti si Harika kay Allan, sa sinabi nito at ang improvement ng congressman nang dumating siya. Nagsalin siya ng tubig at iniwan ang nurse sa kusina saka binalikan ang matanda habang dala na ang isang baso ng tubig.

Sumulyap ito sa kanya nang ipatong ang baso sa maliit na mesa sa tabi nito.

"Simon..." hindi maintindihang banggit nito.

Harika misheard it. "Lolo Dad? May sinasabi ba kayo?" Saka ibinigay niya ang kanyang atensyon rito.

"Carvalho Levantine, 'yan ang pangalan ng kapatid mong lalaki," anang matanda, hindi iniaalis ang mga matang diretsong nakatingin sa kanya. "At Simon Sebastian na ang ginagamit na pangalan nito nang mapadpad ito sa ampunan."

Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Harika sa sahig. Tumindig ang lahat ng balahibo sa katawan niya, at ramdam na ramdam niya iyon sa parteng batok at braso. Si Simon ang tinutukoy ng kanyang Lolo Dad. Si Simon ang kapatid niya. Paano?

Harika told the congressman that Simon was the guy she was with when she first entered the summer house. Pinahalagahan niya ang tulong na ipinagkaloob nito hanggang sa magkatagpo sila ng kanyang Lolo Dad. Hindi rin naging biro ang sakripisyo nito para sa kanya. Along the way, he took care to keep her secure. Kaya ba ginawa iyon ni Simon dahil alam nitong magkapatid sila?

Dumating si Simon noong gabing iyon. Hinintay ito ng dalawa pang Levantine sa summer house na iyon. He was completely oblivious to everything. Pagpasok pa lang nito ay sinalubong agad ito ni Harika ng mahigpit na yakap habang ang mga luha ay namumuo sa kanyang mga mata.

Nito niya lang nalaman ang tungkol kay Simon, na kapatid niya ito, ngunit hindi 'yon naging balakid upang paniwalaan agad ito nang husto. Hindi na iba si Simon sa kanya, malapit na ang loob niya rito noon pa, kaya kung malalaman niyang magkapatid sila, magugulat lang siya at hindi itatangging parehong Levantine ang dugong dumadaloy sa kanila.

Tulak-tulak ni Allan ang wheelchair ng congressman at lumapit sa pagdating nito. "Simon Sebastian ang tunay mong pangalan, hindi ba?" medyo paos na tanong ng matanda.

Napatingin ito habang nakayakap pa rin ng mahigpit si Harika rito. Tumango si Simon sa matanda. Confusion-filled, he touched Harika's head. "A-ano'ng nangyayari, Harika?" Bumakat ang linya sa pagitan ng mga kilay nito.

Simon had no idea what was going on. He's just clueless. Kinakabahan ito at kung bakit nagkakaganoon ang mag-lolo. Kahit sinong tao na salubungin nang ganoon ay mangangamba at magtataka. Ano bang kailangan nitong malaman sa kanila? May ginawa ba itong hindi nito alam upang magkaganoon sila.

"In the orphanage, they gave you the name Simon Sebastian as a temporary alias. Bago ka ampunin ng mga Cañete, iyon na rin ang pangalang itinuloy nilang ipangalan sa 'yo. May isip ka na nang kuhanin ka nila sa ampunan at maninibago ka kung hindi iyon ang pangalang gagamitin mo na nakasanayan mo." Constancio reached for his hand. "Carvalho Levantine ang tunay mong pangalan, Simon. Isa kang Levantine. Isa kang tagapagmana. Isa ka sa magmamana ng lahat ng ari-ariang pinundar ko kasama si Harika." The congressman cast a quick glance towards Harika, who was sobbing on Simon's chest. "Magkapatid kayong dalawa ni Harika. Magkapatid kayo sa ama at pareho ko kayong apo."

Naluluha ang matandang napatungo habang dinadama ang likod ng kamay ni Simon sa pisngi nito.

"Mr. Levantine, Harika, h-hindi ko kayo maintindihan..." Gulung-gulo si Simon sa mga inaasal ng dalawa. Ang emosyon nito ay naaapektuhan na ni Harika na umiiyak sa bisig nito.

Nagtaas ng tingin si Harika rito. "What you heard from Lolo Dad was right, Kuya. Kapatid kita. Levantine ang tunay na karugtong ng pangalan mo. Hindi ka lang basta Levantine, isa ka sa magmamana ng mga pinaghirapan niya," aniya, humihikbi sa harap nito.

"Simon, alam kong mahirap paniwalaan ang lahat ng sinasabi ko sa 'yo ngayon. But you will see and realize it eventually. Apo kita, apo ko kayong dalawa. Matagal na kitang hinahanap. Matagal ko nang gusto kayong pagtagpuin ng kapatid mo. Sana mapatawad mo ako kung huli na nang magkita-kita tayo. I tried my hardest to look for you, but you were a reclusive person of whom I was unaware even existed. Saka ko lang nalaman na ikaw pala ang lalaking tumutulong kay Harika. Matagal na pala niyang kasama ang kapatid niyang binuhusan ko nang sobrang atensyon matagpuan lang..."

Harika helped Simon sit and relax on the couch, his mind at sea, tears at bay. Hindi nito matingnan ang dalawang Levantine na pilit na pinauunawa rito na isa ito sa kanila. Simon didn't care if he was an heir or a boy born with a silver spoon in his mouth. Ang inaalala lang nito ay kung bakit ngayon lang sila nagkatagpo-tagpo. Lumaki siyang walang magulang. Alam nitong ampon ito ng mga Cañete at sumasagi rin sa isipan nito minsan kung sino ba talaga ito o ang tunay nitong pagkatao. Walang tinatanggihan si Simon, hindi nito ikinahihiya kung isa man itong Levantine, mas nanginibabaw lang dito ngayon ay ang pagkabigla na hindi agad paniwalaan ang lahat.

"Wala kaming balak na guluhin ka o ang isip at pagkatao mo, Simon. Ngayon ko lang din nalaman na may kapatid ako at sa dinami-raming taong posibleng maging kapatid ko, ikaw pa na hindi nagdalawang-isip na tulungan ako nang buo. Kaya nagtataka ako noong una pa lang ay magaan na ang loob ko sa 'yo." Hindi binibitiwan ni Harika ang kamay nito. She saw the confusion in his surprised eyes.

"It was my fault. Walang iba kayong dapat sisihin dito kung hindi ako. I hid everything you guys needed to know. Pero ginawa ko lang 'yon dahil may pangalan akong pinoprotektahan. May pamilya akong dapat na ingatan. Wala akong intensyong masama kung sa tingin n'yo ay itinago ko ito para sa sariling kapakanan ko. That was all I could think of to do, so I did it. Other than the fact that I was a man and could only love the two of you with my whole heart, I had no choice but to tell you everything." Naluluha ang matanda habang binibigkas ang bawat salitang iyon. "If both of you are confused now, that's because of me. Ako ang may kasalanan. Ako rin ang dapat na magtama nito ngayon. Matanda na ako at ayokong mamatay na lang isang araw na hindi ko kayo napagtatagpong dalawa..."

Naiwang tulala si Simon. Hindi umalis si Harika sa tabi nito. Pareho man silang nagugulumihanan sa mga nalaman, pero hindi ibig sabihin niyon ay magkakasiraan sila. It takes time for them to realize what all this means to them.

Matapos ang pagtatagpo-tagpo at mga luhang nalaglag sa mga mata nila. Noong gabi ring iyon ay nagsama-sama sila sa summer house. Magkakalayo man ng kuwarto, iisang pamilya na ang kumumpleto nang gabing iyon.

Allan immediately suggests a DNA test for both Harika and Simon. Walang kailangang patunayan na magkapatid sila, pero kung may alinlangan at kalituhan, hindi na magdalawang-isip pa ang congressman na ipa-test ang dalawa. Simula rin nang gabing malaman ni Simon ang tungkol sa pagiging Levantine nito, nanatili na rin ito sa summer house na kasama sina Harika at Constancio.

Ilang araw matapos magpa-test ng mga ito, kompirmadong magkapatid ang dalawa. Doon na naunawaan nang husto ni Simon na si Harika at ang congressman ay ang pamilyang matagal na nitong iniisip kung nasaan.

They stay in the summer house for several enjoyable weeks. They treasure the time they spent there and make the decision to return home, to the mansion, where they belong. Malapit na ang kaarawan ni Venus at saktong doon sila sabay-sabay na magpapakita.

✦❘༻༺❘✦

Harika set up Lizbeth in a coffee shop when they got back. Pinaghintay muna niya ito ng ilang minuto bago dumating at muling nagpanggap na bulag.

Umalalay ito sa kanya nang magkita sila at inayos pa ang upuan niya. "What would you like to order? On me," magiliw na wika ni Lizbeth sa kanya, and perfectly pretend as if she was not part of the Sullivans' dark schemes, as she is acting blind now.

Tinanggihan ni Harika ang ano mang inumin o pagkaing manggagaling dito. "I'm fine," she said in low tone.

Nang makabalik si Lizbeth sa puwesto nila galing sa counter, pinaulanan agad siya nito ng masayang tono. Nahihirapan si Harika na paniwalaan ang kaibigan sa dati nitong personality na kinasanayan niya. Lalo pa't pagpapakitang-tao lang ang ginagawa nito sa harapan niya.

Ilang saglit pa ay pinutol na ni Harika ang kadaldalan ni Lizbeth lalo na sa mga kuwento nitong wala nang saysay sa kanya. Naririndi na siya. Ayaw niyang magalit agad sa harapan nito, pero sa pekeng ipinakikita ni Lizbeth sa kanya, nagsisimula na siyang mainis dito.

"Lizbeth, naging kaibigan ba talaga kita?" Harika didn't show that her eyes were directly staring at her. Tagos ang mga mata niyang tinitigan ito.

Nagsalubong ang kilay nito. She had asked a question that quickly disturbed Lizbeth from having a great time with her. "A-ano'ng ibig mong sabihin, Harika?"

When Harika posed the serious query, Lizbeth's cheery demeanor began to fade. "Narinig mo ang sinabi ko, oo o hindi lang ang isasagot mo, nahihirapan ka pa," pabalang na saad niya rito.

Tensyonadong nagbaba ng tingin ang kaibigan niya. "Of...of course, since we were in high school. May problema ba? Natatakot naman ako sa tono ng boses mo..."

"Kaibigan o kinaibigan mo lang ako? Magkaiba kasi ang kahulugan ng dalawang 'yon."

"Kaibigan kita, Harika. Bakit mo naitatanong ang ganyang bagay?"

"Kaibigan mo pala ako, pero bakit nakuha mo akong lokohin at samantalahin ang pagkakataon? Why did you pretend last time that there was a deepfake video of me spreading online? Bakit pinalabas n'yong mayroon akong issue na kumakalat sa internet na ikasisira ko kahit wala naman? I didn't trend. Nobody's hating me online. Walang kumalat na kahit na anong video na ikasisira ko sa internet. Walang katotohanan doon. Pakana n'yo lang ang lahat-lahat, na sinakyan n'yo para mag-isip ako at mabaliw dahil doon. Sa tingin mo ba hindi ko alam? Na niloloko mo lang ako at sinabwat mo ang sarili mo sa kanila? To ridicule me because I was blind? Na magagawa n'yo ang lahat dahil hindi ko kayo nakikita at ang mga pinaggagagawa ninyo sa akin?" Ang mala-tigreng titig ni Harika ay lumipat mismo sa mga mata ng kaibigan. She showed her that she sees her clearly which terrifies Lizbeth. "Ano'ng pakiramdam ngayon nang maloko? Na nagpanggap lang akong bulag upang sakyan din ang lahat ng pangwawalang-hiya n'yo sa akin? Masaya, 'di ba? Bakit mo ginawa 'yon sa akin, Lizbeth? May agreement ba kayo ng magaling kong tiyahin? Isa ka ba sa pinangakuan niya ng maginhawang buhay?"

Lizbeth left there with nothing but regret. Ngayong alam na nito na nakakakita na si Harika, wala na itong maisagot sa kaibigan dahil bistado na ito. Ni isa sa mga sinabi ni Harika ay tinamaan ito at wala nang pagkakataong makailag pa. Ngayong nabisto na ito, wala nang takas si Lizbeth, anu't ano pa man ang mangyari... dawit na rin ito.

✦❘༻༺❘✦

Ilang araw matapos lisanin ng mga Levantine ang summer house na pansamantala nilang pinagbakasyonan, nanatili muna sila sa isang penthouse at hindi dumiretso ng mansiyon. Kailangan pa rin nilang itago ang congressman sa mga tao at lalantad lang ito kasama nila sa mismong kaarawan ni Venus. At sa mga sandali ring iyon, lahat sila ay nawalan nang balita kung nasaan si Manong Liro, pati na ang Nana Alice ni Harika na tiyak si Lymareva ang may pakana sa pagkawala ng mga ito.

Napag-alaman na lang nila kung ano na ang kalagayan ni Alice nang maikuwento ng isang tagapagsilbing tinanggal sa serbisyo ang nagyari dito. The headmaid was held in a place where she could not go to Harika to tell her everything she knew. Kung ikinulong nila ang Nana Alice niya dahil sa mga nalalaman nito, malamang mas matindi ang sinapit ni Manong Liro sa pag-aasam ng mga Sullivan na patahimikin ang mga ito. Harika shook away these thoughts in her head. She let her optimistic mind shine through.

Sa araw ng kaarawan ni Venus, sa House Manor ng mga Levantine gaganapin ang celebration party nito. Natiktikan nila na iyon ang lugar na pagdadausan ng selebrasyon dahil sa imbistasyong nagkalat online.

Ang makinang na pulang gown na susuotin ni Harika ay kasado na. Kapuwa magsusuot ng mamahaling tuxedo ang dalawa pang natitirang Levantine na sina Constancio at Simon. Handa na ang lahat sa kanila, hinihintay na lang nila ang pagdating ng araw na iyon.

Mas umingay ang internet pagdating ng mismong araw ng kaarawan ni Venus. Napakaraming tao ang dumalo. Halos lahat ay imbitado sa engrandeng pagdiriwang na gaganapin sa House Manor ng mga Levantine. Tama lang ang desisyon ng mag-inang Sullivan na doon ganapin ang selebrasyon dahil sa mga panauhing wala silang kontrol. The press, media, and influencers are also there to trend Venus Sullivan. Para iyong bigating red carpet night para sa mga artista, at sa lahat ng malalaking pangalang dumalo, si Venus ang bida dahil iyon ang kaarawan nito.

From afar, the Levantines were astonished as the attendees swarmed the gate and front lawn of the manor. Iyon na ang takdang oras. Miski ang parking area ay napuno ng mga mamahaling kotse at mga panauhin. Bumaba sila at nagpanggap na isa sa mga taong imbitado lang.

Habang tulak-tulak ni Simon ang butihing lolo, pinagmamasdan ni Constancio ang kanyang House Manor na una nitong naging property sa lahat. It was as if it turned out to be the gilded birdcage where people were attracted to go in. Ngayon napagsama-sama na nila ang mga taong kumakalawang sa kayamanan nila, bubuksan nila ang ginto hawlang kulungan ng mga ito, ngunit hindi nila hahayaang may makalipad sa mga ito.

Half an hour has dragged on, and the welcoming speech of the party has been started. Tamang-tama lang ang lahat sa House Manor upang ma-accomodate ang event attendees. Pinasalamatan ng event host ang lahat, pati na ang mga bigating personalidad na naroroon kasama nila. The color scheme for the celebration was gold and black. Everyone was dressed to impress. Napakaraming rhinestones ang nagpakinang sa gown ng mga kababaihan.

After several activities, Venus had her speech done as the party went on. Pinasalamatan niya ang mga dumalo, lalo na ang TV network na inere sila sa mga telebisyon.

"...I'm having the best time of my life with you guys here with me." Huminga ito nang malalim. "And of course, I have to thank my beloved mother, who made this event happen, the one and only, Lymareva Sullivan—"

Naputol ang palakpakan ng mga tao bilang tugon nang ipakilala ni Venus ang ina nito. Namatay kasi ang ilaw sa buong house manor sa kalagitnaan ng speech ng celebrant. Together, the attendees of the event made a confused noise. Lahat ay natakot, ang iba ay nag-alala kung bakit nagkaroon ng power shortage noong mga sandaling iyon.

Nang bumalik ang ilaw, bago pa humingi si Venus ng apology speech sa turbulence na nangyari, nahati sa gitna ang malaking double door ng house manor at dahan-dahang bumukas. Lahat ng tao ay natahimik at napalingon nang mapansing ang mga ilaw ay tumutok mismo sa pagbukas ng mga pinto.

Grand entrance kung grand entrance. Tumambad sa kanila ang tatlong tao na naroroon. Si Harika sa napakaganda at litaw na litaw na pulang gown sa kaliwa. Si Simon sa kanan na suot-suot ang limited edition na tuxedo at ang congressman na nakaupo sa wheelchair na ikinagulantang ng lahat.

"L-lolo Dad...?" nasabi na lang ni Venus sa mikroponong kaharap nito nang makita ang matanda sa entrance ng house manor. Nabato na ito, namilog pa ang mga mata.

Ang lahat ng imbitado ay natameme. Walang nagsalita. Walang lumikha ng ingay. Lahat ay natulala sa pagdating nila.

Venus shifted her gaze to her mother. Tulala rin ito nang tanawin ni Venus ang ina sa mahabang banquet kasama ang business magnates sa kani-kanilang mga negosyo.

"Buhay ang congressman! Buhay si Mr. Levantine!" pagbubunyi ng ilang bisitang nakakilala sa kanila ng lubusan.

Nagpalakpakan ang mga tao. Nalipat ang atensyon ng mga ito sa mga Levantine. Naitsapuwera ang mga Sullivan na nagdaos ng malaking event na iyon.

Pangungumusta ng mga tao ang sumalubong sa kanila. Nabaling sa kanila ang atensyong dapat ay ninanamnam ng mga Sullivan ngayon. Mula 'di kalayuan, nagkatinginan si Melanie at Lymareva, kapuwa natigalgal sa kasalukuyang sitwasyon kung nasaan sila. The Levantines interrupted the main event, and now they are the reason why people came. Sila na ang sentro ng lahat.

Pinaliguan ang mga ito ng flash ng camera. Sumugod ang press sa kanila at live na live na nilantad ang pamilya nila sa TV. Constancio Levantine sitting in his wheelchair, alive and breathing, was the breaking news the media had to publish and report to the people. Iyon ang gigimbal sa mga taong napaniwalang patay na ang congressman, na pinaglamayan na ito ng lahat noon. Ngayong saksi nilang buhay na buhay ito, mananagot na ang mga dapat managot.

The news spread throughout the Windercoln like wildfire. Napakaraming balita sa dyaryo, telebisyon at radyo na ginawang headline ang mga Levantine. Buhay ang congressman, kasabay ng pagbabalik ni Harika ay ang pagbabalik din ng kanyang mga paningin. At ang gumulat sa lahat ay ang paglantad ni Simon bilang isang Levantine. Carvalho "Simon" Levantine ang buong pangalan nito na ipinakalat hindi lang sa Windercoln, kung hindi sa buong bansa.

The Levantines and Sullivans have now gathered in the mansion the day following Venus' wrecked celebration. Naroroon din ang mga Ishida pati na ang ibang taong hindi inaasahan ng matanda kung bakit naroroon.

Hindi makatingin ng diretso ang mga Sullivan nang magkaharap-harap sila.

"D-dad... let me explain." Nanginginig ang boses ni Lymareva habang pilit na hinahawakan ang mga kamay ng matanda. "Wala sa plano ko ang ibenta ang mga ari-arian ninyo. I thought you were dead, and there's nothing for me to do to preserve your possessions. I don't have the will that you have for this matter. Alam mong mahina ako pagdating sa mga ganitong bagay, wala akong kakayanang pangalagaan, palaguin at pahalagahan ang lahat ng pag-aaring pinundar ninyo." Pilit na nagpapaliwanag si Lymareva at sa gilid nito ay nakayukod lang si Venus na lumuluha.

"Inakala mong patay na ako kaya mo pineke ang lahat upang mapaniwala mo silang ikaw na ang may authority sa lahat ng ito? I didn't even write my will yet; why did you go through everything? Sa tingin mo ba tama ang mga pinaggagagawa mo? What if these people find out that I'm still here and that you sold most of my property to them? You don't even have my consent for these documents. Malaking gulo itong pinasok mo, Eva. Alam mo ba 'yon?"

Nagbaba ng tingin si Lymareva habang pinagsasabihan ito ng matanda. Patago itong lumuluha sa lahat ng pagkakamaling nagawa nito.

"All these properties I have that you sold hurt me just like a pinch. Ang hindi ko nagustuhan sa ginawa mo ay kung paano mo tinrato si Harika habang wala ako. She suffered through a lot, didn't you know that? Kung pinagmalasakitan mo lang sana siya kahit kaunti, baka nakuha mo pa akong ilagay ang pangalan mo sa will na isusulat ko para sa inyo. Hindi kita tunay na anak, pero hindi iyon naging hadlang upang mag-iba ang tingin ko sa 'yo, sa inyo ni Venus. Sa mga ginawa mo ngayon, nilagay mo lang sa alanganin ang sarili mo..." Napapaos na ang boses ng congressman habang pinagsasalitaan ito. Tahimik lang ang buong mansiyon. Hinihintay nilang kumamadang muli ang matanda. "Ayusin mo ang sarili mo, Eva. Bawiin mo ang mga bagay na kaya mo pang bawiin. Show me that you cared, kahit na kay Harika na lang. Hindi na rin magtatagal ang buhay ko, ayokong pagsisihan mo ang lahat ng ito balang araw. Hangga't may natitira pang kahihiyan at malasakit d'yan sa puso mo, gawin mo na ang dapat mong gawin. Linisin mo ang kalat na tinapon mo kung saan-saan, baka-sakaling magbago ang isip ko at hindi ipakulong ang natitira kong anak..."

The heavy tension shrouded all of them. Sa pagitan nina Constancio at Lymareva lang ang boses na maririnig. Ang mga taong nakapaligid sa mga ito ay walang imik. Walang gustong sumabad o makisali.

After a long conversation her Lolo Dad had with them, Harika took a walk on the mansion's lawn. Naiwan si Simon sa loob upang umalalay sa matandang pinagsasabihan ang mag-inang Sullivan. Gusto munang mapag-isa ni Harika, upang huminga at makapag-isip-isip.

"Harika, can we talk?"

Nag-angat siya ng tingin mula sa mabatong sahig na nilalakaran niya. Sumalubong sa kanya si Waki. His face was concerned and half-interested in meeting her again.

Nilampasan lang ito ni Harika at dinaanang parang hindi ito nag-exist sa kanya.

Waki held her hand. "Please talk to me!" Hinigpitan nito ang kapit sa kanya.

She shook his hand away. "Wala tayong dapat pag-usapan. I've had enough with you and your dirty little schemes!" She rolled her eyes and walked away from him.

"Sa ilang buwang pagsasama natin, pineke mo lang ba ang nararamdaman mo sa akin? Hindi mo ba talaga ako nagustuhan?" Waki brought it out as if it became a serious matter now.

Iyon ang sandaling napahinto si Harika, nang banggitin nito ang tungkol sa bagay na 'yon. Tumikhim ito, bumuwelo at muling hinarap ito, tiningnan sa mga mata. "Sa lahat ng ginawa mong panloloko sa akin, gusto mong sagutin ko ang tanong mong 'yan?" Natawa itong umikot ang mga mata.

"I admitted what I'd done to you. Pero niloko mo rin naman ako, nagpanggap kang bulag at pinaniwala ang lahat. Wala 'yong pinagkaiba sa ginawa ko sa 'yo—"

Isang diretsong sampal sa kaliwang pisngi ni Waki ang nakapagpatigil sa kahibangan nito. Mainit ang malalalim na hiningang lumalabas sa ilong ni Harika. The anger inside her was building up, seeing his confidence in telling that to her.

Hindi natinag ng sampal na 'yon ang kompiyansa ni Waki na manahimik. "I lied to you, yes, but I never betrayed you, Harika!"

"That's bullshit!" she roared. "Magkaiba ngang salita pero pareho namang masama!" Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata. "I felt so stupid for pretending and tolerating this madness. Kung hindi ako nagpanggap, sa tingin mo ba maiisahan mo akong gaguhin? Sa tingin mo ba mapapaniwala mong minahal mo talaga ako?" Harika harshly wiped the tear that had fallen on her cheeks. "Acting blind was the hardest pill I had to swallow!" Pinangalandakan niya iyon sa mukha ni Waki.

He tried to reach for her hand again. "Mahal kita, Harika. Hindi mo ba naramdamanan 'yon? I don't give a fuck if you think I loved you because you're an heiress, oo, iyon ang totoo noon, pero napalapit na ako sa 'yo, natuluyan na akong magkagusto sa iyo. I didn't mean to hurt you, to lie. I didn't mean to break your heart." Waki started to get emotional and sounded upset yet eager to say everything he kept in his chest. "We had sex. We had every waking moment that lovers normally have. I shouldn't fall for you, but I've developed something in my heart that says otherwise. Wala lang ba sa 'yo ang lahat ng mga pinagsamahan natin?"

Harika pricked her finger on him. "Kung bulag lang sana ako habang niloloko mo ako, baka pinaniwalaan pa kita... na tunay kang nagmalasakit sa akin, na totoong minahal mo talaga ako—"

"But I genuinely did!" he shouted. "Minahal talaga kita. Totoo 'yon!" Waki keeps on pointing at her to spice up the conviction she needed to feel.

"Minahal mo ako pero mas pinili mo akong saktan at pagsinungalingan, Waki! 'Yon ang totoo! Hindi mo alam kung gaano ako naapektuhan sa ginawa mo. Hindi ko kayang sukatin ang bigat ng sakit ng mga kasinungalingan mo!" Their arguments grew louder and went too deep. "Kaya kong punasan ang mga luha sa mga mata ko, pero hindi ko magagawang punasan ang sakit na nararamdaman nitong puso ko!"

Walang maisagot doon si Waki. Natigalgal ito sa mga sinabi ni Harika. Tinamaan ito nang matindi at hindi nito inaasahang kasado na ang mga balang itinutok ni Harika para dito. Kahit anong salag nito, tumatagos pa rin ang bala.

Isang maliit na papel ang iniabot ni Waki makalipas ang nakaw na sandali.

Harika took it and read what it was all about: SAVE HER—mr0214.

"Galing 'yan sa misteryosong lalaking nakasuot ng lobong maskara. He was hinting me to save and protect you. Ipinadala niya sa akin ito dekada na ang nakalipas at ngayon ko lang nakuha ang pahiwatig niyang iyon sa rubik's cube na pilit kong binubuo. Harika, you need me, and I will not let them hurt you—"

She chuckled playfully. Nahihimbang na si Waki. Wala siyang masabi sa pagiging desperado nito. "He gave you a warning a decade ago, but it's too late now! Nailigtas na niya ako noong retirement party ni Lolo Dad. Ikaw ang inaasahan niyang gagawa ng paraan upang hindi matuloy ang pagbagsak ng chandelier sa akin, ang plano nilang aksidente upang patayin ako. At dahil hindi mo pa rin nakukuha ang mensahe niyang iyon, siya na mismo ang gumawa no'n para sa iyo. He did it himself... by all means, even if it wages his life!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro