48: Sin Beyond Remorse
"I followed you, so I was there to stifle your thoughtless actions," ani Simon, habang nasa byahe sila pabalik sa condo niya. "Harika, alam ko ang pinanggagalingan mo kaya ka nagpapadalos-dalos, kaya hinahayaan mong umusbong ang galit d'yan sa dibdib mo upang ipamukha sa kanilang hindi sila mananalo sa 'yo, but it is what it is... at least for now. Kung lalamunin ka lang ng pagkainis mo at lumantad upang sirain ang kasiyahan nila, hindi magiging malaking surpresa iyon na ikabibigla nila. When the opportunity arises, you will be prepared with enough arrows to shoot them if you want to make a truly dramatic entry. That's when you reveal it to them and make them recognize it."
Nakahalukipkip si Harika habang nakatulala sa labas ng bintana ng kotse. Pinakikinggan niya ang paliwanag at sinasabi ni Simon. Hindi maiaalis sa kanya ang sama ng loob na dinadala. She watched them having a fantastic time, which she thought was unjust. Lalo pa't ang mga nakita niya sa loob ng mansiyon ay ang mga taong pinagkatiwalaan niya nang lubos. Mas masahol pa ang mag-inang Ishida kumpara sa mga Sullivan na ni minsan ay hindi lumapit ang loob niya sa mga iyon. Naroroon din si Genesis at ang best friend niyang si Lizbeth. Si Melanie ang taong hindi niya pinakainaasahan sa lahat. Palabas lang ba nito ang lahat ng pagmamalasakit na natanggap niya mula rito?
Pagdating na pagdating nila sa condo, isa lang ang pumasok sa isip ni Harika, ang kuwestiyonin si Simon.
"Umamin ka nga sa akin." Hinarap niya ito nang iwan silang dalawa ng matandang driver sa loob. "Kakampi ba kita o espiya ka nila para sa isang malaking palabas?" Seryoso ang tono ng kanyang boses at hindi nilulubayan ang titig sa mga mata nito.
Simon scoffed, not bothering to look her in the eyes. "I was right. Alam kong pati ako ay pinagdududahan mo, pero hindi ako isa sa kanila. To be honest, I'm here with you because I, too, am looking for answers. Pareho tayong nahihiwagaan sa lalaking nakamaskara ng lobo, kapuwa tayo iniwanan ng mga papel na ibon at magkatulad tayong nakasalamuha siya sa mga kakatwang paraan. Ang totoo, iyon lang ang habol ko kaya ako nakikipagtulungan sa 'yo, pero hindi ko inaasahang nasa mabigat ka palang sitwasyon. Even with your ongoing family affair, I always provide a helping hand, and I never treat you badly. Tanggap ko naman kung pagdududahan mo ako at ang pagkatao ko. We only recently met, but I have a lot to tell you as we meet frequently. Kung patuloy mo pa rin akong paghinalaan, wala na akong magagawa. We ought to perhaps part ways. I'll get answers on my own, and if you're curious about who the hell this man is, maybe we'll meet there..."
Simon took his things and turned his back on Harika. Nasasaktan ito dahil sa sapantaha niyang iyon. Saka ito naglakad palabas—
"I unfolded the paper cranes," Harika announced to him at the side door.
Simon paused, not turning his head back to her. He stood still.
"I see lines. I see numbers. I found something in it. And it was so shameful for me to just hold these paper cranes without learning that they had something to lead me somewhere. Ang lahat ng papel na ibon na natanggap ko mula sa kanya ay isa palang mapa. It has coordinates as well." Harika was still looking at Simon's back and breathing for a moment. "Would you help me uncover the truth behind these?"
Simon spun and carefully looked at her. Tipid itong ngumiti, saka tumango.
Dinala ni Harika si Simon sa kuwarto niya. Pinakita niya ang mapang kanyang nabuo noong makalawa. Inilihim muna niya ang tungkol dito dahil sa pagdududang kinikimkim niya para kay Simon. Alam ni Harika na mali ang pagsuspetsahan niya pati ang taong nariyan para sa kanya. Kung mawawala pa ito, mas mahihirapan siyang intindihin ang padalos-dalos na sarili.
Simon sat down in front of Harika's desk after taking his bag and opening his laptop. He looked up the locations and contrasted them with the map Harika had created using the paper cranes she had received from this man. Binigyan nilang dalawa ng oras kung may mga kasagutan ba silang mahahanap sa mga iyon. Kung mayroon man, tiyak na magiging malaking tulong iyon para sa kanila.
"Isang summer house," saad nito nang makita iyon sa online mapping. Kunot ang noong nilingon ni Simon si Harika na abala sa pagsasalansan ng mga sulat na natanggap niya rin sa lalaking nakamaskara. "Have you been here?"
Walang maalala si Harika, kaya naman ay umiling siya bilang tugon. Inabot niya kay Simon ang mga letter na naipadala ng lalaking ito sa kanya noon. "Mga sulat na walang laman."
Simon looked through each letter. Wala siyang gaanong napansin sa mga iyon, tiyak pampagulo lang. Saka niya ibinalik ang atensyon sa lugar na tinutumbok sa mapa.
"Hindi tayo basta-basta makakapunta sa summer house na ito."
Nagsalubong ang mga kilay ni Harika. "B-bakit hindi puwede?"
"It's a private property."
"Sino ang may-ari?"
Simon looked for it. Masyado limited ang information na nakasaad sa summer house na iyon. It's not for sale; that's why he had a difficult time gathering more information.
"Itong mr0214?" Harika showed the paper on him. "Nakatanggap ka rin ng ganitong code hindi ba?"
Simon regarded it while sighing. "I don't believe it to be a code."
"Do you think it's a pseudonym?"
Natigilan si Simon. He snapped his head towards Harika's direction and make a face. "What makes you say that?" Mas lumalawak na kung saan maaaring mapunta ang mga sign na iyon.
She shrugged, unaware. "I'm not sure. It's like a reference number or pen name that could be present above the signature. I don't know, just nonsense thoughts." Ipinagwalang-bahala na lang ni Harika iyon.
"You might be correct," Simon said, enlightened.
He has a collection of this man's paper cranes on his laptop. He captured it with his camera and stored the images on his computer. He double-clicked the folder and revealed the words and numbers this masked wolf had left him: anagram, hearts, cube and, 8, 5, 12, 5 and 14. Simon clicked the picture of the first paper crane he got it which contains a written word 'anagram'. Anagrams, on the other hand, are words or phrases created by rearranging the letters of another word. The second one is heart, which correlates with something he hasn't yet figured out. The cube one was the trickiest of all.
He showed Harika the last picture. "I guessed this one the moment I received its paper crane. Just the basic alphabet. 8, 5, 12, 5 and 14 means H-E-L-E-N. Helen is a name—"
"Helen is my mother's name," she cut him off.
In shock, Harika held her breath. What does that imply? Bakit kasali ang ina niya sa iniwang mga pahiwatig ng lalaking ito? She once had a dream of him with her mother. What could it be? As if it's hinting at the truth.
Nagkatinginan sila. "That's your mother's name? Helen?"
Harika bowed her head sympathetically. Pinigilan niya ang namumuong hikbi sa kanyang dibdib. "Let me see the second one again." Itinuro niya ang litrato mula sa laptop ni Simon. Nalilito na siya, pero pinilit niya pa ring mag-isip. "And heart is her favorite shape and I was born on Valentine's Day."
Sa sinabi namang iyon ni Harika, si Simon naman ang nagpigil ng hininga sa pagkabigla. Kapuwa nila sinusurpresa ang isa't isa. Simon got up from his chair and gave Harika a worried-looking look.
"You were born on Valentine's Day?" pagkompirma nito sa kanya at agad siyang tumango rito. "Valentine is an anagram of Levantine. 0214 is a Valentine's Day date, and mr0214 is Mr. Valentine. The masked wolf is Mr. Valentine; he's a Levantine, and he might be your father, Harika..."
Dahan-dahang nagbaba ng tingin si Harika. She put her hand on the chest as it felt weighty. She struggles to breathe properly. Ayaw mag-sink in sa utak niya ang mga narinig at natuklasan mula kay Simon.
"That's why I need you... to find answers. This masked wolf wanted us to play this mind-twisting game. Kung hindi tayo nagkita, malamang ay hindi tayo maliliwanagan sa mga ito."
Night came and Harika let Simon sleep in her condo's guest room. Napagdesisyonan nilang dalawa na puntahan ang summer house na iyon kahit na ano'ng mangyari. Kung pagbawalan man sila, at least sinubukan nilang puntahan iyon kung sakaling may makuha silang kasagutan upang mapunan na ang matagal na tanong sa kanilang isipan.
Hindi na nila inabala si Manong Liro. Simon offered to drive as they took the most convenient route to the summer house they were so curious to visit and look around. Makulimlim ang panahon noong araw na nagpunta sila. Mas magiging maayos siguro ang lahat kung hindi babagsak ang malakas na ulan.
Harika's heavy breaths in the passenger seat bothered Simon every time stillness stretched between them. Tila ba naaapektuhan din ito sa malalalim niyang paghinga. Hindi rin maiwasan ni Harika na mag-isip ng kung anu-ano. Masyado lang siyang nahihiwagaan sa lalaking nakamaskarang ito at kung saan ba sila dadalhin ng mga pahiwatig nito.
Simon pulled off at a gas station after an hour drive. Nagpagasolina sila, nagkape at gumamit ng palikuran paghahanda para sa mas mahabang byahe upang makarating sa lugar kung saan hindi sila sigurado.
Habang nananalamin si Harika sa restroom na pinasukan niya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Mag-isa lang siyang naroroon kaya napahawak siya sa kanyang dibdib at napapikit dahil bahagya siyang nagulat dahil dito. Agad niyang hinugot iyon at sinagot ang tawag.
"Ma'am...! Minanmanan ko ho ang mansiyon nitong nakalipas na labing-walong oras. Sa mismong gate, narinig ko ho ang pag-uusap nina Ma'am Lymareva at Melanie kasama ang kaibigan n'yong si Lizbeth. Pagkatapos daw mapunta sa kanila ang lahat ng ari-ariang matatanggap n'yo mula kay Mr. Levantine, ikaw na raw ho ang isusunod nilang isama sa tabi ng banga ng congressman. Ma'am Harika, may pinaplano ho silang patayin kayo. Gusto ko lang agad na ipaalam sa inyo ito kung sakaling hindi na ako makasagot sa mga tawag ninyo. Huwag na huwag ho kayong lalayo sa tabi ni Mr. Simon. Siya na lang ho ang huling taong makatutulong sa inyo kapag nawala na ho ako..."
Binalot si Harika ng takot dahil sa mga sinabi ng matanda sa kanya. Bakas sa boses nito ang pagmamadaling maibalita iyon sa kanya. Sasagutin na sana niya ito dahil naguguluhan siya ngunit naputol na ang tawag. Pilit niyang tinatawagan pabalik ang matandang driver, sinubukan ng ilang beses, subalit hindi na ito muling sumagot.
Ang sariling kabog ng puso niya ay halos kanyang marinig sa loob ng banyo kung nasaan siya. Wala sa sariling napakawak siya sa kanyang leeg nang may kung anong bara ang namuo sa lalamunan niya upang mahirapan siyang huminga at lumunok. Manong Liro never spoke to her in such a way, as if to warn her of the approaching danger. Fear is consuming her wholeness. Naituon na lang niya ang mga palad sa sink habang pinagmamasdan ang nangangambang sarili sa salamin.
Papatayin nila ako... papatayin nila ako.
Her knees had a gooey sensation. Nahilamos niya ang mga palad sa mukha at nilamukos paitaas ang kanyang buhok. Simon needs to know about this. Para makaiwas sila. Para maprotektahan siya nito sa mga maaaring mangyari.
Sa byahe, pinagagaan lang ni Simon ang loob niya. Secured siya dahil katabi niya ito at pinangako nitong hinding-hindi siya nito pababayaan. Kung sakaling wala silang makuhang importanteng bagay o impormasyon sa summer house na pupuntahan, tiyak babalik na lang sila sa bahay kung saan siya tinulungan ni Simon. Walang nakakaalam ng vacation house na iyon at ligtas siyang manatili roon.
Harika didn't sleep that long as Simon drives. Binabagabag siya ng nalaman. Mahaba ang byahe at sa pagitan ng mga oras na iyon, hindi nawala ang agam-agam na nanatili sa kanyang dibdib dahilan upang pati ang mga balikat niya'y bumigat din dahil sa nadaramang takot at pangamba.
Habang pinanonood ni Harika ang paligid na nadaraanan nila, saka niya lang napansing panay puno na ang paligid ng kalsadang tinutumbok nila.
"Malapit na tayo..." mahinang banggit ni Simon at bahagyang nilingon siya. "Don't stress over it. Manong Liro is going to be alright. He will be fine."
A forced smile curled on her lips. A horrified look painted her face. She subconsciously bit her nail. Nalulungkot siya na natatakot na nag-aalala.
Bahagya siyang tumungo at nanalig. "Sana nga..."
Makalipas ang kalahating oras ay ipinarada na ni Simon ang kotse sa isang hindi na nagagamit nabasketball court. Nang bumaba sila, napansin ni Harika na maberde at madahon na ang paligid. Tila ba nasa gitna na sila ng kagubatan kahahanap sa summer house na iyon. Masyadong liblib.
Simon looked back at Harika. "We need to find the caretaker," he continued. She continues to wander around.
Lumingon siya kay Simon at tumango, saka nila sinimulang lakarin ang nasabing lugar. Hindi naman maputik ang lupa kaya hindi sila dapat mag-alinlangan kung delikado ba ang pagpunta sa mismong summer house. Hindi rin sila nahirapang matagpuan iyon dahil nang marating nila ang burol, makikita na agad ang gusali sa baba, mula sa paanan nito.
Hindi lang ganoon kalaki ang summer house iyon, napalilibutan din ang pinakagusali ng mataas na pader at mula sa kinatatayuan nila, kapuwa nila napansin ang gate na binabantayan ng dalawang security. Kung caretaker man ang hinahanap nila upang mapagtanungan, hindi na siguro nila mahahanap ang taong iyon.
Simon took hold of Harika's hand. Nasa likod lang siya nito habang naglalakad patungo sa mga security.
Nang makita sila ng mga ito, agad na sumigaw ang isa rito na bawal silang magtungo roon dahil isa iyong private property. The security also told them that people always found the summer house when they got lost while trekking. Hindi naman sila tinakot ng mga ito, marahan lang silang pinaaalis.
Naglakas-loob si Simon na kausapin ang isa rito. "Sir, puwede bang magtanong kung sino ang may-ari ng summer house na iyan?"
Nagpalitan ng tingin ang dalawang security, pagkatapos ay nilingon sila. "Wala kami sa posisyon upang sabihin ang pangalan ng may-ari ng summer house na ito. Kung naririto kayo upang humingi ng impormasyon, pasensya na at hindi namin kayo matutulungan..."
Bahagyang bumagsak ang balikat ni Simon. Simula pa lang tama na ang kutob niya, wala silang mapapala sa pagpunta nila roon.
Harika took a step forward, revealing herself. Kanina pa siya nakatago lang sa likod ni Simon.
"Wala ho bang tao sa loob? Baka maaari namin silang makausap? Kahit sandali lang," pakiusap ni Harika sa mga security. "Maikling panahon lang ang hihingin namin, 'tapos ay aalis agad kami at hindi na mangungulit pa."
"Pasensya na talaga. Ayaw magpaabala ng mga tao sa loob. Sinusunod lang namin sila at ginagawa ang aming trabaho upang bantayan ang gusaling ito. Makaaalis na kayo—"
Harika noticed as the other security guy nudged the first one they were speaking with. Tila ba may binulong ito sa kasama saka binalik ang tingin sa kanya at sinuring maigi ang mukha niya.
Simon lined up where Harika was standing. "Halika na. Don't be discouraged if we don't find anything here. Bumalik na tayo bago pa dumilim at abutan tayo ng malakas na ulan," bulong nito sa gilid niya.
She just stood still. Nakatingin lang si Harika sa mga ito. Pinag-uusapan siya ng mga security at hindi niya matunugan ang mga salita sa pag-uusap ng mga ito.
"Kung hindi ako nagkakamali, siya ang babaeng iyon. Siya ang babaeng nasa locket ng matanda..."
Lumalim ang salubong sa mga kilay ni Harika. Maging si Simon sa gilid niya ay hindi inalis ang titig sa mga ito. Kanina ay mahigpit ang mga security sa kanila, ngunit nang kilalanin ng mga ito ang mukha ni Harika, tila ba nagdalawang isip ang mga itong pakawalan sila.
"Maaari ko bang malaman ang mga pangalan ninyo?" interesadong tanong ng security na malapit kay Harika.
"Harika, Harika Levantine ang pangalan ko at siya naman—"
The security guards reacted with mixed surprise as they were very thoughtfully looking at her. Matapos siyang pag-aralan at kilalanin, walang pag-aalinlangang binuksan ng mga ito ang malaking gate upang papasukin sila.
"Ms. Levantine, pumasok ho kayo sa loob. Matagal na ho niya kayong hinihintay," anang security sa pormal na tono ng boses habang kalahating nakatungo ang mga ulo nito.
Wala sa sariling naglakad papasok si Harika hanggang sa maihakbang niya ang paa sa napakagandang front porch ng summer house. Nakasunod lang sa kanya si Simon. Hindi niya alam kung ano o sino ang sasalubong sa kanila sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at nang bumukas ito, tumambad sa kanya ang napakagandang interior ng loob. An inviting atmosphere embraced her. The setting is really cozy, and there is a beautiful fireplace on the wall. The style was comfortable and traditional. Sa gitnang bahagi, may lalaking nakaupo sa wheelchair, nakatalikod mula sa kanila at naghihintay lang doon.
Isang hakbang lang ang ginawa niya at tumayo na lang roon. Nahihiya silang pumasok nang maigi dahil hindi naman sila taga-roon.
Nakatitig lang si Harika sa lalaking iyon, samantalang si Simon ay palinga-linga pa rin dahil sa ganda ng loob ng summer house na iyon.
The wheelchair slowly turned on them. Naipon agad ang luha sa mga mata ni Harika nang makita ang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matanda na ito, nanghihina at nakasuot ng makakapal na damit panlaban sa lamig.
Parang nalaglag ang puso niya.
"Lolo Dad...?!"
She sprinted past him and gave the congressman her tightest hug. Yakap ng isang apo na nawalan nang pag-asang hindi na muli niyang makikita ang pinakamamahal na lolo, ngunit mali siya. Hindi siya namamalik-mata o kung ano. Totoong buhay ang kanya Lolo Dad at hindi siya nananaginip kung iyon man ang iniisip niya. Sa sobrang saya ng puso niya, lumikha ng maraming luha ang mga mata niya.
"How are you, my princess?" His voice mellowed in her ears. It had been some time since she had heard his smooth tone. Harika is missing every aspect of him.
Sa likuran, masaya si Simon na pinanonood sila. Mas umigting ang galak kaysa sa lungkot na nararamdaman nito. Sa tulong nito, matagumpay nitong napagtagpo ang dalawa at doon pa lang ay hindi na matutumbasan ang saya nitong nadarama.
Umiiyak si Harika sa balikat ng matanda habang hindi inaalis ang mahigpit na yakap dito. "I really missed you, Lolo Dad," she cried, nuzzling her face to his soft neck. "I've learned a lot since you were away. I was not an exception to this life's intentions. Ngayong magkasama na ulit tayo, hinding-hindi na ulit ako makapapayag na magkahiwalay tayong muli." Umaagos ang luha sa mga mata niya. Walang kasing-saya ang puso niyang mahagkan muli ito.
"And I won't ever leave you again," Constancio said as he kissed her head.
The fulfillment in Harika's heart strengthened. She had never felt so safe in that moment when she was with him. It was so overwhelming for her to finally see her Lolo Dad and touch his face or hold his hand again, like for the first time in a while.
✦❘༻༺❘✦
"Melanie, enough! I'm driving!"
"Aminin mo na lang kasi, Helen, wala kang isang salita! You promised me the mansion! I expect you to take care of it! Pero bakit parang malabo mo nang ibigay sa akin ang hiling ko?"
Umiling-iling si Helen habang hindi hinahayaang mawala ang atensyon nito sa pagmamaneho. Umuulan pa noong mga sandaling iyon. "Hindi basta kotse o alahas ang hinihiling mo sa akin, Melanie. Mansiyon namin ang pinag-uusapan natin dito at hindi ko maibibigay sa 'yo ang gusto mo nang ganoon lang kadali! What would I tell my dad about it? Na gusto mo ang mansiyon at ganoon na lang niya ibibigay ang titulo at pag-aari no'n? Think better! Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo!"
Melanie was yanking Helen's arm off the steering wheel. "Hindi ko naman basta-basta hinihingi ang mansiyon. We had a conversation about it. We had planned for it. Marami pa kayong pag-aari bukod sa mansiyong ito, ano ba naman akong kaibigan mo na hindi mo magawang pagbigyan..."
"I said I'll do everything, Melanie! Huwag mong gamitin ang pagkakaibigan natin para lang sa pag-aaring ito. Mag-isip ka nga at tigilan ang kababawan mo!"
Namumuo na ang galit sa mukha ni Melanie. She clearly didn't want Helen to be able to drive properly.
"Helen, I need to regain what is ours! 'Yan ang hirap sa 'yo, masyado kang naniniwala sa pagiging malinis ng dad mo. The mansion you were sleeping in was my parents' home and property. Ginawa lang ng dad mo ang lahat upang mabili ito at angkinin na parang kanya! You don't know anything! Just do the right thing!" Pinagsisigawan ni Melanie kay Helen ang lahat ng iyon.
Maging si Helen ay hindi na makapag-isip ng maayos. She doesn't want to stop the car; Melanie's voice is so irritating that she loses focus in the middle of a pouring rain.
"Sa amin ang mansiyon! Sa mga Levantine! Mas maraming ginawang kasalanan at panloloko ang asawa mo sa dad ko, sa kompanya at mismong sa pamilya ninyo, Melanie, tandaan mo 'yan! Kaya huwag na huwag mo kaming sinusumbatan at ginagawan ng kuwento, lalong-lalo na ang dad ko!"
Nabibingi si Melanie sa mga sinabi nito. Damay na ang mga taong posibleng madamay sa pag-aaway nila.
"Joseph never did anything wrong! Bawiin mo ang sinabi mo!" Melanie slapped Helen's face and yelled in her ear.
Kinambyo ni Helen ang manubela saka gumanti ng sampal kay Melanie. Habang mabilis na tumatakbo ang kotseng lulan nila, nag-aaway sila sa loob hanggang sa sumalpok iyon sa isang malaking puno.
Matinis ang tunog na naririnig ni Melanie sa magkabila niyang tainga ilang minuto nang magkamalay siya sa pagbangga ng kotse. Pawang panandalian siyang nabingi. Nahihilong bumukas ang mga mata niya at tumambad sa kanya ang umuusok na harapan ng kotse, paglingon niya kay Helen ay nakatungo na ito sa manubela habang panay ang dugong umaagos sa ulo nito. Although she felt so weak, she made an effort to stir her up. Ngunit laking gulat niya na hindi na ito nagigising at wala na ring pulso nang suriin niya ang leeg nito.
Wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang kanyang sarili noong mga sandaling iyon. Silang dalawa lang ni Helen ang nasa loob ng kotse at pilit niyang ginugulo ang pagmamaneho nito dahil lang sa mansiyong gusto niyang makuha at maibalik sa kanila. Kung siya man ang may dahilan kung bakit wala nang buhay si Helen sa tabi niya, hindi niya iyon sinasadya at wala siyang intensyong gawin iyon sa matalik na kaibigan.
Saka niya lang napagtanto ang binti niyang naipit. Manhid na ang kanang paa niya habang mahina siyang humihingi ng saklolo.
Sampung minuto silang nasa ganoong sitwasyon. Up until the moment she heard a car stop behind them and offer to assist. Lymareva was the woman who tried to help them. Nakapayong itong itim habang malakas ang buhos ng ulan.
"Melanie! What happened?" Lymareva was trying to reach her as she knocked on the window to gain their attention inside. Napansin nito si Helen sa driver's seat na hindi na gumagalaw. "What happened to Helen?"
Umiiyak si Melanie at humihikbi. "Eva, I... I didn't mean to kill her," she confessed, losing her voice from the accident.
Hindi makapaniwala si Lymareva. Nang marinig nito ang sinabi ni Melanie, napaatras ito at hindi alam ang gagawin. Nahihirapan siyang malaman na maaaring magawa iyon ni Melanie sa matalik nitong kaibigan.
"I didn't mean to interfere with her driving. Nagtatalo kami habang nagmamaneho siya hanggang sa nawalan siya ng kontrol sa kotse at bumangga kami," lumuluha niyang kuwento rito. "Eva, namatay si Helen nang dahil sa akin. Ako ang may kasalanan!" Pilit na inaako ni Melanie na siya ang may sala, na siya ang dapat sisihin, na siya ang pumatay kay Helen.
Lymareva helped her first. Kinakabahan din itong tinutulungan sila. She scolded Melanie for blaming herself so much, "No one will know everything happened here! You understand me? Aksidente ang nangyari, Melanie. Aksidente!" She is inhibiting these words in her mind. Pilit na pinagtatakpan iyon ni Lymareva. Na wala dapat ibang sisihin, na walang may kasalanan sa nangyari.
"Pero, Eva..."
"Maliit pa ang mga anak mo. Kailangan ka nila. Gusto mo bang malaman nang lahat kung ano ang ginawa mo kay Helen? Sa tingin mo matatanggap ka pa ng mga tao kung malaman nilang ikaw ang nasa likod ng aksidenteng ito habang nasa loob ka ng kulungan, malungkot at mag-isa?" Pilit na sinusuksok ni Lymareva ang mga bagay na iyon sa utak ni Melanie. Walang ibang tao roon kung hindi sila lang. Walang ibang nakakita at walang ibang nakakaalam... kung hindi sila lang.
Melanie and Helen were both brought to the hospital. Once there, Helen was pronounced dead. Melanie has a few scrapes and minor injuries. Hindi pa siya agad na nakalakad dahil sa kanyang dislocated knee injury na pinalabas nilang malala upang hindi maghinala ang lahat ng tao kay Melanie. She will undoubtedly live with remorse for the rest of her life. Kasalanang kapuwa nila iyong pinagtakpan.
Sa pagpapanggap na iyon, tanging si Lymareva at Melanie lang ang tunay na nakaaalam ng nangyari, wala ng iba, sa pagitan lang nilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro