47: Until All Was Lost
"Harika still didn't know about our marriage? Kailan niya ba dapat malaman? Kumusta na siya? Ang tungkol sa manang makukuha niya? Huwag mong sabihin sa akin na itinutuloy pa rin ng mommy mo ang pag-angkin nitong mansiyon ng mga Levantine? Alam ko ang pakay ninyo, ang kamtin ang kayamanan nila, mga negosyo at mga pag-aari. Kaya ko kayong tulungan, pero napakalaking gulo nito kung sakali. Venus, you know that I cannot jeopardize the reputation of my family for this. I don't want to be kicked out of our clan. You are aware of the close ties the Montecillos and Levantines shared, right? Maiipit ako rito..."
"Syempre nangangamba rin ako para kay mommy, Genesis. Hindi naman namin kailangan ang lahat ng kayamanan ng mga Levantine. Kung wala man kaming makuha, hindi ko na ipaglalaban dahil nakasalalay pa rin ang lahat sa last will ni Lolo Dad at iyon ang pilit na tinatrabaho ni mommy nitong mga nakalipas na buwan. Nakagalaw-galaw lang siya dahil nabulag si Harika at kasama ako sa mga plano niya, kung saan parte rin kung bakit na tayo mag-asawa ngayon."
"Harika isn't who you think she is. Wala siyang mga paningin, pero hindi ibig sabihin no'n ay wala nang ibang nakakakita sa inyo, malamang sa malamang ay marami siyang mga mata rito sa mansiyon na dapat n'yo ring alalahanin. Kung alam ninyong naging maingat na kayo ng mommy mo, mabuti kung ganoon. Sinisiguro ko lang. Ni minsan ba hindi siya nakahalata sa inyo? Sa mga plano't ikinikilos ninyo?"
"Sana nga hindi... pero kung sakaling may nalalaman siya, isn't it time for her to acknowledged that we also have a fair share of all the riches she might acquire? Pamilya pa rin niya kami. Pinsan ko pa rin siya kahit magkaiba ang mga nakadikit sa pangalan namin. Hindi lang ilang milyon ang mamanahin niya, kung mas malaki pa roon, wala ba siyang mapagbigay na puso para ipahati iyon sa pamilyang nakasama niya?"
"That easy for you to say, Venus. Hindi naman siguro mahirap pakiusapan si Harika tungkol sa yaman ng nga Levantine na maiiwan sa inyo, iyon ay kung naging mabuti kayo sa kanya simula pa noon. But if she still holds a grudge against both of you and Tita Eva, then all of these will never be a walk in the park..."
✦❘༻༺❘✦
Harika spent the next few days in her condo after speaking with Waki. She teased him to push her on the rooftop's guardrail, and Harika didn't regret doing it—even if it was unnecessary, dangerous, and a weird take. Hindi siya natakot at nag-alinlangan. Dahil kung yaman nga lang talaga niya ang pakay ni Waki, malamang ay hindi ito magdadalawang isip na gawin iyon. Kaso nanindigan ito, mahal talaga siya nito, ngunit habang naiisip at naaalala ni Harika ang lahat ng mga panloloko ni Waki simula't sapul, hindi niya magawang makita ang sinseridad sa boses at mga mata nito.
Nanatili lang siya ng ilang araw sa kanilang mansiyon at hindi nagpakita ang kaibigan niyang si Lizbeth noong araw na sumulpot siya sa gala night. Isa pa rin ang tungkol sa pagkikita nina Lizbeth, Genesis at ng kanyang auntie ang bumabagabag sa kanya. Kung nagpaplano man ang mga ito para sa kanya, dapat ay anomang oras ay alisto't handa siya sa mga posibilidad. She can't wait for everything to fall into place. Kung kaya niya silang unahan, dapat ay gawin na niya ng walang alinlangan. Bago pa sumarado ang pinto, dapat ay nakahakbang na ang isa niyang paa palabas.
Manong Liro was sleeping in the unit's living room to be there for her, especially at this crucial time. Katatapos lang nilang mag-usap ni Simon sa telepono upang kumustahin siya at ang mga nangyayari sa paligid niya. He cautioned her not to move too quickly, not to rush things. Hindi lahat ay nadaan sa paspasan, kung dadahan-dahanin niya lang ay nakasisiguro pa siyang hindi makagagawa ng pagkakamali kung sakaling mag-iba ang sitwasyon. She must also consider uncertainties which was very common in her view.
In her room, she takes a rest while mulling over how to carry out her plans effectively. And then, after a brief moment, she removed everything from her keepsafe box as soon as she set it on her desk. Naroroon ang telepono ng kanyang Lolo Dad, mga sulat na nanggaling sa lalaking nakamaskara ng lobo pati na ang mga papel na ibon na noon pa niya naitatabi sa tuwing nagpapakita ito. The congressman's phone was dead; she tried to recharge it, but it wouldn't open, like the battery in it had been technically removed because of its light weight as she held on to it. Iyong mga sulat naman ay curious niyang binuksan isa-isa. All of the letters were empty; weird, it's just papers and white envelopes, which include the address, her name, postal number, and stamps and stickers. Saka niya isa-isang dinampot ang mga paper crane at nilaro-laro iyon sa kanyang mga daliri at iniisip kung ano ba talaga ang ipinahihiwatig ng mga simpleng papel na iyon.
She recalled mr0214 from Simon when they had a conversation about it. Pamilyar sa kanya ang mga letra at numerong iyon na parang nabasa na niya kung saan. Pagkatapos ay naaalala rin niyang nabanggit ni Simon ang tungkol sa iba pang napansin nito sa mga papel na ibon na natanggap din nito; anagram, hearts, cube at mga numerong; 8, 5, 12, 5 at 14. Hindi niya alam kung ano ang mga iyon.
She tried to pull the paper crane's tail, and the wings flapped loosely open. Na-deform iyon at bumalik sa isang parisukat na piraso ng papel. Sinuri niya ang tila ba putol na kurbang mga linyang naroroon, na para bang iyon ang nagsisilbing isang piraso ng napakarami. Sinubukan niya pang hilahin ang mga buntot ng iba hanggang sa mapansin niya ang parehong mga linya subalit sa iba-ibang direksyon naman nag-uumpisa. Lumitaw din sa ilang paper crane na iyon ang mr0214 at 58.625903 | 34.478140. Hindi siya magaling kung ano ang tunay na ipinahihiwatig ng mga iyon. Mahina siya sa mga ganoong bagay at kung paano niya iyon mapagmumukhang mapakikinabangan.
She cleaned her desk. Think deeper. Itinira niya ang mga piraso ng mga papel na iyon na nakatuping mga papel na ibon kanina. She shuffled the papers as if they were hinting at something useful. Sa mga mata niya, mga piraso lang iyon ng mga papel, subalit kung sisilipin niya ang ibang anggulo, nakikita niyang para iyong jigsaw puzzle. She keeps herself calm despite the fact that her head isn't cooperating with this kind of thing. She pretends as if it were just abstract reasoning she used to review and answer for some of her qualifying exams back then. Nag-focus siya at sinalin-salin iyon hanggang sa makabuo siya ng kakaibang imahe na maaari niyang magamit kung saan. Inabot siya ng kalahating minuto hanggang sa napagtagpi-tagpi niya ang mga iyon. Ang mga pinagdugtong-dugtong niyang mga linya ay nakalikha ng tila isang blueprint, hindi, isa iyong mapa.
Nagliwanag ang mga mata niya nang mabuo iyon. Hindi siya maaaring magkamali, isa nga iyong mapang walang nakasulat na kahit na anong address o mga pangalan upang malaman niya kung saan iyon tutuntunin.
She picked up her phone and began looking through the numbers.
58.625903 | 34.478140
Ang kombinasyon ng mga numerong iyon ay isang coordinates na itinuturo ang lugar sa isang malawak na hektarya ng lupain na napaliligiran ng mga puno kung saan malayo sa syudad at kabahayan. She dug into these coordinates and found out exactly where they were pointing. It was directly referring at a hidden summer house, somewhere in Windercoln. Kahit pa nalaman niya ang tungkol doon, clueless pa rin siya kung ano'ng mayroon sa summer house na iyon. Kung pupuntahan niya iyon, ano naman ang mapapala niya roon?
Palipat-lipat ang tingin ni Harika sa mapang nabuo niya gamit ang mga nakuhang papel na ibon at kung ano ang natagpuan niya sa kanyang cellphone ng i-search niya ito online. It surely wasn't just a number; it was a coordinate hinting somewhere. Hindi siya mapalagay habang nilulusob ang isipan niya ng mga bagay na hindi pa siya sigurado, ngunit nagpapahiwatig nang kung ano.
She just kept it to herself for the next few days. She hasn't told anyone yet. Dahil hindi naman iyon ang priority niya. Marami pa siyang dapat unahin.
Mag-isa siyang bumalik sa kanilang mansiyon, sa labas pa lang ay iba ang atmosphere na sumalubong sa kanya. Walang mga security na nagbabantay sa tabi ng malaking gate, tahimik ang buong paligid at walang kung sino ang tumatanggap sa pagdating niya. The entire area was transformed into a ghost estate. Saka niya lang napag-alaman na naibenta na ang mansiyon at buong lupain ng wala siyang kaalam-alam. Manong Liro just told her about it. Sino ang nagbenta? Kanino ibinenta? Bakit wala siyang alam? Bakit hindi siya kinonsulta man lang?
Gulung-gulo na siya. Ang mansiyon ang pinaka-importante sa kanya, sino ang naglakas ng loob na ibenta iyon?
Her breathing wasn't as relaxed as when she first came a moment ago. Nagngangalit ang dibdib niya. Mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao. Maiinit ang mga hiningang lumalabas sa kanyang ilong. Gusto niyang komprontahin kung sino man ang may pakana no'n at kung bakit ganoon na lang kabilis ang mga pangyayari. Ilang araw lang siyang nanatili sa kanyang condo unit, pagbalik niya ay naibenta na agad ang mansiyon? Imposible!
Sinubukan niyang tawagan ang kanyang tiyahin, hindi ito sumasagot. Lahat ng kilala niyang makapagpapaliwanag sa kanya mula sa mansiyon ay hindi niya rin ma-contact. Nilukban ang puso niya ng takot, pangamba at panghihinayang. Ano ang karapatan nilang itago iyon kay Harika? Did the congressman write his last will? Why didn't she receive any? Where are these documents, and what are the inclusions in them? She has to know.
After a week. Different individuals now held ownership of their vineyard, the beach house, and three of their towers. Wala siyang magawa upang mabawi ang pinaghirapan ng kanyang Lolo Dad. She can no longer contact the Sullivans. Waki wasn't returning her calls, and Melanie was somewhere she didn't know where to tell all of this. Ang tanging natira na lang sa kanya ay si Simon at ang matandang driver na tapat pa ring pinagsisilbihan siya. Mas lumala ang agam-agam sa dibdib niya nang magtungo siya sa mansiyon ng mga Ishida at madatnang 'for sale' na ang pag-aaring iyon. Bakit ganoon na lang naging sanga-sanga ang mabibilis na pangyayari. Ilang araw lang siyang nawala, nawala na rin ang lahat sa kanya.
She is making every effort to speak with Alice, whether by phone or in person. Pinuntahan nila ito sa probinsya at wala na rin siyang nadatnan sa lumang tinitirhan nito. She didn't know what to do. Hindi sa wala siyang pakialam sa yaman at pag-aaring ito, ngunit hindi niya basta-basta maaaring ibigay o ipaubaya iyon sa iba dahil pinaghirapan iyon ng kanyang Lolo Dad. Harika didn't see it as gold treasures to collect; it has sentiments for her, deeper than everyone thought. Iyon ang mga manang iiiwan sa kanya dahil may kaakibat iyong halaga at sustansya para sa kanya at sa pamilya nila. Kung may plano man siyang ipamahagi iyon sa iba, hindi niya magagawang sa masasama lang iyon mapunta. Sa lahat ng nangyayari, hindi niya alam kung saan magsisimula, kung saan huhugot ng lakas ng loob upang magpatuloy. Para na siyang pinagsaraduhan ng pinto, hindi na siya makalabas at hindi na niya makita ang mga taong nasa kabilang pinto.
✦❘༻༺❘✦
"Harika, the mansion was sold to Melanie."
Nabato si Harika sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang balitang iyon kay Simon habang kausap ito sa telepono. She has a mouthful of words inside her mouth, but it seems these words were too shy to come out. She held her breath, knowing Melanie wasn't the one she expected to buy their mansion.
Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang kanyang telepono na nakadikit sa kanyang tainga.
"The manor was also sold to an unidentified Chrisford resident. All of these were supported by my connections. Isa pa, nagkalat na rin ang mga article sa iba't ibang social media platforms upang i-announce ito lalo na sa mga kakilala at koneksyon ni Mr. Constancio Levantine..."
Nagpipintig ang tainga niya. Inulap ang dibdib niya ng galit. She wanted to face them all. She badly wanted to ask her aunt for such things. Ganoon na lang ba iyon kung pangunahan siya? Wala na ba siyang karapatan?
"You still there, Harika? Hello?"
"Did you know where they are right now?" Bugnot na ang namumutawi sa kanya. Nahihirapan na siyang magtimpi. "Just call me when you find their traces. Malalaman nila kung sino ang niloloko nila..."
Harika hangs up the call. Mula sa kanyang likuran, sumingit si Manong Liro sa kanyang pag-iisa.
"Ma'am, may mga tao ho ngayon sa mansiyon. Parang may private celebration na nagaganap sa loob," anunsyo ng matanda sa kanya.
Mas lalong tumaas ang level ng galit niya. Pikon na pikon na siya kung ang mga tao mang ito ang nagdidiwang sa mansiyong pag-aari niya.
"Ihanda mo ang kotse, manong, susurpresahin natin sila..." aniyang diretso ang matigas na mukha.
Hindi maipinta ang inis sa mukha ni Harika habang nasa byahe. Kanina pa niya gustong sumabog, subalit mangyayari lang iyon kung kaharap na niya ang mga ito. Her face was firm, and coming to them became serious business. Ayaw niyang magpadalos-dalos, ngunit kung magpapatuloy ang mga ito na subukan siya... baka magpakita si Harika sa kanilang ikabibigla nila. Kung hindi pa siya kikilos agad-agad, baka ay mawala na ang lahat ng dapat ay ipinaglalaban niya at iyon ay hinding-hindi mangyayari at hindi niya hahayaang mangyari.
Hinarang agad sila ng mga security pagkababa nila ng kotse sa tapat ng malaking estate. Para kay Harika, mga bago ang mukha ng mga ito. Iyong tipong hindi niya masisindak kung susubukan niyang matahin at pagsalitaan. Sa kabila ng kanyang pagkayamot, nagawa siyang masindak ng mga ito sa tingin.
"Siya ang may-ari ng buong estate na binabantayan ninyo..." singit ng matanda habang hindi pinapalapit ng mga ito si Harika mula sa gate.
"Umalis na kayo! Huwag n'yong hintaying gumamit kami ng dahas para pigilan kayo," pananakot ng isang guwardiyang may malaking pangangatawan. "Kung hindi kayo makukuha sa dahas, hindi kami magdadalawang-isip na i-report kayo at kasuhan ng trespassing," dagdag pa nito habang hinahawi sila.
"Hindi n'yo naiintindihan. May karapatan ako sa mansiyon na 'yan. Apo ako ng may-ari ng mansiyong pinoprotektahan ninyo." Pilit na itinuturo ni Harika ang mga gusali sa loob ng gate. "I'm Harika Levantine. Isa akong Levantine! Hindi pa ba sapat 'yon para papasukin ninyo kami na tunay na may karapatan sa pag-aaring binabantayan ninyo?"
Walang imik ang mga guwardiya. Binanggit na niya ang apelyido niya, natamaan man ang mga ito ngunit hindi pa rin nagbago ang mga isip nito upang papasukin sila.
"Umalis na kayo..." inilalayo na sila ng guwardiya at pinababalik sa kotseng sinakyan nila.
Mas nagalit si Harika. She wants to storm in, but she's not sure how. The guards were really strong. She can be silenced by even the tone of their voices. Kaya naman masama ang loob niyang bumalik sa kotse. Naiinis siya sa sarili, siya ang may karapatan sa isang pag-aaring pinagdidiwangan ng iba. Si Melanie. Binili ni Melanie ang mansiyon. Matagal na ba nitong plano iyon? Paano nito iyon nabili? Kasabwat ba nito ang tiyahin niya o kinukuha lang ang loob niya para sa maitim na planong iyon?
"Ma'am, saan ho tayo ngayon?" Bakas sa tono ni Manong Liro ang pag-aalala at panghihinayang.
Tahimik lang si Harika. Narinig niya ang matanda, ngunit hindi niya iyon pinansin dahil nag-iisip siya ng paraan. Paano na ang gagawin niya? Ganoon-ganoon na lang ba niya ibibigay ng basta-basta ang mansiyon kung saan siya lumaki at bumuo ng mga alaala kasama ang kanyang Lolo Dad? Hindi niya hahayaan.
Harika's shoulders lifted when she thought of something. The idea was to straighten her helpless, slouched body in the backseat. The sneaking route both she and Waki used to take back then popped into her head.
"Manong, turn left. Wala na akong paki kung ano ang mangyari, basta makapasok tayo sa loob ng mansiyon..."
Napatingin muna ang matanda sa rearview at pinagmasdan si Harika saka walang alinlangang sinunod siya nito. They took the route until both of them quietly got inside and the whole place feels unfamiliar to her.
✦❘༻༺❘✦
"Lolo Dad, ang sabi ng mga classmate ko wala raw akong mommy at daddy dahil sila ay mayroon, saka kumpleto raw ang pamilya nila. Kapag ba ganoon, walang nagmamahal sa akin?"
Nilingon ni Constancio ang apo saka binigyan ito ng mapang-unawang tingin. "Wala ka mang mommy at daddy, naririto naman ako, ang Lolo Dad mo. I can be both your mommy and daddy, and I will make sure I can fill your needs and give you the love you want as you grow. Hindi ibig sabihin kapag kulang ang pamilya ay hindi na puwedeng maging masaya. We can be happy whether we are complete or not; as long as our connection and love last, it will make us strong, satisfied and lively, which will last forever..."
Niyakap ni Harika ang kanyang Lolo Dad, mahigpit. Hindi niya kailangang magmukmok nang dahil lang doon. Ang kailangan niya ay unawain ang sitwasyong mayroon siya kahit na mura pa ang kanyang isipan. Tama ang kanyang Lolo Dad, at ito ang dapat pinaniniwalaan niya kumpara sa mga kaklase niyang palagi na lang siyang tinutukso.
Dumating si Jed sa kabila ng kanilang usapan. Bakas na bakas dito ang pagmamadali at gustung-gustong makausap si Constancio.
"Mr. Levantine, I'm really sorry for what my dad has caused you and your company. Ako na ang humihingi ng paumanhin. Huwag na ninyong ituloy ang fraud and embezzlement charges. Maliit pa ang kapatid kong si Waki at hindi kami ganoong matutulungan at maaasikaso ni mommy dahil sa disability niya." Lumuhod si Jed saka pinagsalikop at pinagkiskis ang bawat palad. "Nagmamakaawa ako sa inyo, Mr. Levantine. Lahat gagawin ko huwag n'yo lang ipakulong ang dad ko..."
Makikita sa mga mata ni Jed na hindi ito kumokonsinte ng mali at mababanaag din na gusto nitong itama ang kung ano mang pagkakasala ng ama nitong si Joseph Ishida.
Pinagmamasdan ito ni Harika na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Naaawa siya rito at naaapektuhan sa pagmamakaawa nito sa kanyang Lolo Dad.
Bago tuluyang sumagot, lumingon muna si Constancio sa apo. "Harika, go to your room. May pag-uusapan lang kami ni Jed. Sa kuwarto mo ako matutulog mamaya, tatabihan kita."
Maliit na ngumiti si Harika at sinunod ang kanyang Lolo Dad.
Harika went straight to the mansion's side and crouched like a shadow. She saw everyone inside from the window where she was hiding. She was curiously peeking at the slit of the curtain. Mayroong celebration ang nagaganap sa loob at hindi gaanong naririnig ang ingay na nagmumula roon dahil natatabunan ng tumutugtog na orchestra. Everyone was dressed in a formal ensemble, and the celebration was in a banquet setting. There were just a few people inside, and most of them were known to Harika. Ang mag-inang Sullivan na nag-uusap sa mga nagkikintaban nitong mga gown, si Melanie naman ay nagpapanggap pa ring nakaupo sa wheelchair nito habang alaalalay ni Waki mula sa likuran. Naroroon din si Genesis at ang kanyang kaibigang si Lizbeth. May ilan pa siyang tao roon na hindi kilala, at maging si Dr. Yetter ay naroroon din sa loob kasama nila na bahagyang ikinabigla niya. Hindi na niya mamukhaan ang iba, ngunit alam niya na magkakasabwat ang mga ito at ang lahat ng pag-aaring maiiwan sa kanya ay ang pinakapakay ng mga ito.
Hindi siya naiinggit sa kasiyahang nagaganap sa loob, naaasiwa siya at pinagmumukha lang sa kanyang wala siyang magawa habang pinanonood ang mga ito. There's an ache in her chest that's commanding something to her to ruin everything they were happy for. She wanted to crash their celebration and destroy each one of them verbally because of their betrayal and traitorous and disrespectful manners—not only to her but to the Levantines. Wala siyang gagawing masama sa mga ito, iisa-isahin niya lang ang mga shortcoming at issues nila saka itatama ang mga dapat niyang itama.
She made the decision to finally stand on her own and barge to the main door. Nakasunod lang ang matanda sa kanya at sa padalos-dalos niyang mga desisyon.
Nang subukan niyang itulak ang double door upang makalikha ng atensyon sa mga ito, isang mariing kapit sa mga kamay niya ang pumigil sa kanya. Nilingon ni Harika kung sino ang nagtangkang antalahin siya. Si Simon, na nakatingin sa kanyang umiiling at sinasabing huwag ituloy kung ano man ang pinaplano niya.
"This is not the right time for this, Harika. Hindi mo mababawi ang lahat ng kinuha sa 'yo kapag basta ka na lang nagpakita sa kanila upang sirain ang ipinagdidiwang nila. Let them sit on the throne for a while. We will get it back. We will reclaim what's all yours..."
She remained empty-headed about what Simon told her. Wala siyang ideya kung bakit naroroon din ito kasama niya. Kasabwat din ba ito? Samut-saring tanong ang pumailanlang sa ulo niya. Nawala ang baha sa nagngangalit niyang padalos-dalos na puso.
"I'm not the villain here. Don't stare at me like that. Ipaliliwanag ko sa 'yo ang lahat, pero hindi rito at hindi kung saan makikita nila tayo..."
Mahigpit ang hawak ni Simon sa kamay niya. Nilisan nila ang lugar. There's something in him that makes her follow him through everything. Buo na ang loob niya, ngunit bakit napakadali lang nitong nailihis iyon upang ibahin ang plano sa utak niya?
If she reclaimed everything that had been stolen from her, no one had any idea what kind of celebration she was going to be exhibiting. Probably far from what they are celebrating right now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro