Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

46: A Little Too Much

Naghihintay si Harika sa sala ng condo unit habang inihahanda ang sariling magpanggap muling isang bulag. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang Classic Gala Night na matagumpay na naidaos. Hindi siya nagpunta roon para sirain o guluhin ang event, sumulpot siya upang matanto ng mag-inang Sullivan na parte pa rin siya ng gabing iyon. And she would never forget her conversation with Venus.

"Ma'am, nakahanda na ho ang sasakyan sa baba," anang matanda.

Napalingon siya sa direksyon nito. "Susunod ho ako, manong."

The elderly driver nodded before slowly leaving. Harika opted to call Simon first before leaving the unit. Ipinaaalam lang niya rito na aalis siya nang umagang iyon. Napagkasunduan nilang dalawa na dapat alam nito kung nasaan siya at kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi lang naman ang mga nasa mansiyon kung bakit siya nag-iingat nang ganoon, maaaring pakalat-kalat si Slayter kung saan at isa ito sa posibleng sumira ng kanyang mga plano. Simon was her safety net, and if something happened to her, he would be there to help her.

Napag-isipan niyang dalawin si Melanie noong mga oras na 'yon. Alam niyang wala roon si Waki dahil may trabaho ito, hindi niya rin ipinaalam sa ina nito ang pagpunta niya. She wanted to surprise her. At bago sila makarating sa mansiyon ng mga Ishida, dumaan muna sila sa magkatabing shop upang bumili ng bulaklak at dessert para kay Melanie. Maingat na ipinarada ni Manong Liro ang kotse sa tapat ng mansiyon saka sila sabay na bumaba. Tangan ng matanda ang mga pasalubong. Nagkatinginan muna sila at tumango sa isa't isa, hudyat iyon upang simulan na nila ang pagpapanggap. Saka kinalang ni Harika ang kamay sa braso nito hanggang sa makarating sila ng gate.

Manong Liro inhaled deeply before he attempted to ring the doorbell, but Harika interrupted him when she noticed the gate was half open. Tumingin sa kanya ang matanda at nagtaka kung bakit.

Harika was in her blind character and whispered something to him. Nang maunawaan ni Manong Liro ang bulong na iyon, pinasok na nila ang mansiyon at hindi na naghintay ng tagapagsilbing magbubukas sa kanila ng gate. Someone must have left the gate open, and they were so fortunate to physically surprise Melanie with a visit.

Nagtataka si Harika sa kanyang bawat paghakbang papasok ng mansiyon. May kung anong kaba ang bumabalot sa kanyang dibdib, hindi niya maintindihan kung bakit. In comparison to other times she visits, Ishida's home has a slightly different vibe overall. Tila ba tahimik at walang gaanong helper ang nasa kung saan-saan upang mag-asikaso o maglinis. Hindi siya sanay na walang sumasalubong sa kanya. Naninibago siya. Miski ang double door na tinunguhan nila ay may maliit na kawang, bukas din ito. Kumunot ang kanyang noo at napapaisip ng kung ano.

Lumingon ang matanda sa kanya. Harika cannot pull her character out to look back at him. Bulag siyang pumasok sa loob, bulag din siyang lalabas doon. Makalipas ang ilang segundo, marahang itinulak ni Manong Liro ang pinto, tahimik iyong bumukas. Wala silang nakitang kahit na sino sa loob. Something felt off. Malinis ang kabuuan ng sala, walang mga helper na matatanaw sa kusina. Hindi niya masabing inabanduna ang mansiyon, masyado lang nakabibingi ang katahimikan sa pagdating nila.

"Parang wala hong tao, ma'am," mahinang saad ng matanda sa kanya.

Her gaze shifted to the stairs. Pataas, sinuri niya ang ikalawang palapag kung saan naroroon ang kuwarto ni Waki. Melanie should've been somewhere in the mansion, where she has found it difficult to feel her presence yet. Baka naman ay nasa garden ito.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Nilampasan nila ang living area saka sumilip sa garden. Bago nila makita ang aliwalas ng garden area ay kapuwa nila napansin ang wheelchair na walang nakaupo sa tabi ng pinto palabas. Kung bakante ang wheelchair na iyon, malamang ay nasa restroom si Melanie, ngunit bakit sa parteng garden iyon iniwan? Bakit hindi sa tabi ng restroom kung nasaan ito? Kung nagpapahinga naman sa kuwarto dapat ay naroroon ito malapit dito—kung kakailanganin man. Nakapagtataka ang kanyang napapansin at nakikita.

The two didn't take a walk to the garden; they're both standing there when the door opens. Pumasok ang dalawang nanggaling sa garden. Walang kamalay-malay si Melanie na naroroon sina Harika at magkakatagpo-tagpo sila. She walks very casually. Para itong walang disabilidad. She appeared to have healthy, usable feet. Harika had never witnessed her walk or stand so composedly. Kahit na noon pa siya nagpapanggap na walang nakikita, hindi niya pa ito nahuling naglakad o nakatayo sa wheelchair nito kahit na isang beses... ngayon pa lamang at ikinagulantang niyang makita iyon.

When Melanie's gaze dipped to them, she froze, her face evidently terrified. Kahit na siya mismo ang nasurpresa sa kanilang dalawa, pinagpanggapan pa rin ni Harika na wala siyang nakita at nakikita. Maging ang matandang driver sa tabi niya ay hindi makapaniwala rito. From Harika's perspective, it appeared strange to see Melanie standing so strongly, as though she hadn't experienced any mobility issues. She had a spine-tingling shiver as a result of that. She simply doesn't believe it.

The helper behind Melanie assisted her to sit in the wheelchair. Kaswal lang din itong umupo roon na para bang walang sinoman ang nakabuko sa pagkukunwari nito. Tahimik lang ang bawat isa sa kanila, maging ang paligid kung nasaan sila, pare-parehong hindi alam kung sino ang unang magsasalita.

"Ma'am Harika, naririto na si Miss Melanie..." maging si Manong Liro ay wala nang nagawa kung hindi ipagsawalang-bahala ang nakita... sa ngayon. He just pretended he saw nothing to kill the lies and awkwardness shrouding them.

"H-harika, na-napadalaw ka?" utal-utal na bigkas nito sa kanya, bakas na bakas ang pagkabigla sa pagdating niya.

All this time, niloloko lang sila nitong hindi nakakalakad? She never suspected Melanie for any reason. Bakit kailangang itago nito sa kanya ang bagay na iyon? May pinagtatakpan ba ito? Bakit nito kailangang gawin iyon? May dapat ba siyang malaman tungkol dito?

"Good Morning, Tita Melanie," Harika put a tiny grin on her lips and concentrated harder than ever not to stutter in front of her. "M-may dala akong bulaklak at apple tart para sa inyo." Saka iniabot ang mga iyon ng matandang driver sa tabi niya.

Sinubukan rin ni Harika na ngumiti nang maayos sa kabila nang pagkabigla sa nakita niya. She remained very consitent in and out. Kahit hindi mawala sa isip niya na normal itong nakakatayo't nakakalakad. Noong huli niya itong nakita ay halos hindi na bumaba si Melanie sa wheelchair nito, tapos kani-kanina lang ay naglalakad ito ng normal kapag walang ibang tao? Kailan pa nito naisipang magpanggap din tulad niya? Kailan pa naging malakas ang mga binti't paa nito na matagal na nitong tinatago sa mahahabang bestida?

"M-maraming salamat, Harika." Ang paborito nitong helper na si Maya ang nag-alalay rito at marahang itinulak ang wheelchair papalapit sa kanya. "Bakit hindi mo muna ako tinawagan bago ka bumisita? Ginugulat mo naman ako," pabiro nitong wika. Nagawa pa nitong tapikin ang kamay niya upang mawala ang tensyon dahil kung nakakakita man si Harika para dito, malamang bistado na ito.

"I wanted to surprise you, tita. Wrong timing ba ang pagpunta ko? If you're busy, I can come back another time," aniya, tipid na ngumiti.

Ilang beses itong umiling. "No... no, it's not what I meant. Ang akin lang, kung tinawagan mo sana ako, 'di naipaghanda kita ng makakain. You know me; whenever I don't have anything ready for my guests, especially you, I get quite uncomfortable..."

Ang sabihin mo, ayaw mo lang mabukong niloloko mo lang ang mga taong nasa paligid mo. I am certain that something is going on with this woman. Marahang nagtama ang mga ipin niya sa pagpipigil. Katulad niya, napakagaling ding umakto ni Melanie, bunyag na, malakas pa rin ang loob na magpatay-malisya sa harapan niya.

"Ma'am Harika, maiwan ko na muna kayo. Sa labas muna ho ako," singit ni Manong Liro sa gilid saka tumango at naglakad na papalayo.

Harika's irises were immobile, yet she could see everything in front of her well. Nakikita niya kung paano tumitingin si Melanie sa tagapagsilbing nasa gilid nito, as if they're talking with their eyes. Para sa kanila, bulag si Harika at hindi nakikita ang harap-harapang panloloko nila. Kung pagalingan lang sa pagpapanggap, buong akala ni Harika ay magaling na siya, mayroon pa palang humahamon sa pagkukuwanri niya.

✦❘༻༺❘✦

"What? You caught Mrs. Ishida casually walking in front of you?" Harika heard Simon softly curse. Miski ito ay hindi makapaniwala. He scoffed on the other line. "Bakit niya kailangang magpanggap na hindi nakalakad? Was there any history about her to learn about?"

Harika just shrugged. "I'm not sure. If she's hiding something, we need to find out as quickly as possible. I have my suspicions already; if Waki was aware of it, then he was probably also complicit in this madness..."

"Expect everyone around you to be an accomplice. Hindi man ganoon direktang para sa 'yo ang pagpapanggap ni Mrs. Ishida, pero anak niya si Waki, maaaring konektado pa rin ang pagkukunwari niya. Nahuli mo na ang ilan sa kanila dahil sa pag-aakto mong bulag, tiyak mas marami ka pang mabibisto ng harapan. All I can say is... You must play it cautiously and right, and if you make one bad move, the castle you're building will crumble."

Simon was correct; everyone around her was either an accomplice or harbored dark secrets that she needed to unravel. Dapat maging wais siya. Piliin ang taong mapagkakatiwalaan at pagkakatiwalaan. Magkamali lang siya ng isang hakbang, masisira ang plano niya. Bago pa matapos ang usapan nila ni Simon noong mga oras na iyon, inabisuhan din siya nito na kuhanin na ang mga mahahalagang bagay na mayroon siya sa mansiyon nila. Kung ano mang bagay ang pumasok sa isipan niya? Iyon lang 'yong keepsake box na pinagtataguan niya ng pansariling dokumento, iyong mga paper crane na natatanggap niya sa misteryosong lalaking nakasuot ng maskara ng lobo at telepono ng kanyang Lolo Dad na nakasilid sa vault ng kanyang kuwarto na nakuha niya mula sa dati niyang kuwarto kasama ng tiara. Kung mayroon pa siyang dapat na makuha, hindi na niya maisip kung anu-ano ang mga iyon. What came to her mind were just those things. Kung may maaalala siya, ipasusunod na lang niyang ipakuha kay Manong Liro kung saka-sakali.

Sa kabila ng lahat, hindi mawari ni Harika kung bakit ganoon na lang niya pinagkakatiwalaan si Simon. Tila ba mayroon siyang nararamdamang kakaiba rito upang hindi mahindian ang tulong na ipinagkakaloob nito sa kanya. Kung tutuusin, noong tinulungan siya nito, maaari na niya itong pag-isipan ng masama at hindi na tanggapin ang pagtulong na palagi nitong inaalok. Bakit pakiramdam niya ay buo ang loob niyang ibilang ito sa mga hinahakbang niya, na hindi siya nito lolokohin at secured siya na hindi masisira ang kanyang mga plano? Kung kinukutuban siya ng masama para dito, dapat noon pa lang ay nilayuan na niya ito para na rin sa kaligtasan niya. Kung sakali, bakit hindi niya iyon ginawa?

Nang sumapit ang hapon, binalak ni Harika na magpalipas muna ng oras sa pinakamalapit na mall sa Bellmoral, mula sa condo kung nasaan siya kasalukuyang tumutuloy. Masyadong magulo ang isipan niya. People around her are filling her mind with their dirty laundry. Naguguluhan siya kung alin o sino ang uunahin. Siguro ang makapag-ikot-ikot sa mall ang pinakamabisang gawin niya upang malibang siya pansamantala.

Harika was dressed differently than usual. A straightforward ensemble of jeans, a huge white shirt, and sneakers. She is wearing a nice and stylish fishing hat, including sunglasses to cover her eyes as a little disguise. Hindi niya kailangang magtago, subalit ang maliit na pagbabalatkayong iyon ay makatutulong upang walang sinoman ang makakilala sa kanya. She wants the freedom to move about, to breathe, and to avoid overthinking.

Wala sa sariling huminto siya sa isang light shop, masaya ang loob niyang pinagmamasdan ang iba't ibang klase ng ilaw, palamuti sa kisame at malalaking aranya na naka-display na magandang kumikinang na makikita mula sa tapat. Umiling siya nang lapitan siya ng isang staff doon upang aluking pumasok sa loob para makapili siya kung may magugustuhan siya. Sumasaya ang puso niya habang pinagmamasdan ang maliliwanag na mga ilaw na iyon, ngunit hindi iyon ang tamang panahon upang magpakasilaw roon, kailangan niya pang maglibot. Parte lang ang shop na iyon upang matulungang gumaan ang pakiramdam niya at makalimot panandalian.

Marami siyang nadaanang botique store. Maraming magaganda damit ang gusto niyang isukat—lalo na iyong mga uso, ngunit ipinagpaliban niya. Sapat na iyong nakikita niya lang ang mga iyon, wala siyang balak bumili ng kung ano. She took her time at the mall, went to the movies for two hours, and played by herself in an arcade zone. She felt so free and empowered to do whatever she pleased. That's what she wants that afternoon: to take time for herself and pass time alone by having pleasure in the most serene, nostalgic way possible. Iyon ang mga bagay na gusto niyang maranasaan noon pa, ang mag-isang gawin ang gusto at hindi palaging may mga security na pinaliligiran siya para bantayan at panatilihin ang seguridad niya.

Sa maghapon niyang pamamalagi sa mall na iyon, sa sentro ng Bellmoral, bigla siyang nag-crave ng matamis. Apat na coffee shop at pastry store ang pinagpipilian niya. Nagdesisyon siyang 'pagtapos niyang kumain ay tatawagan niya si Manong Liro upang sunduin siya. Sa lahat ng lugar, hindi niya inaasahang makikita niya si Lizbeth sa isang coffee shop kung saan niya napiling kumain at mag-tsaa. She's ecstatic to approach her, but she's not yet in character—as a blind. She notices Lizbeth talking to a woman in front of her in an intimate and thorough manner as she prepares to shift herself. Mabilis siyang naglakad palayo, hindi pinahalatang nagtatago siya sa kumpol ng mga tao malapit sa coffee shop na iyon. She pressed her eyeglasses to cover half of her eyes. Saka niya pinagmasdan ang kaibigan habang kinikilala ang babaeng nakatalikod mula sa kanya.

Sa dami ng tao ay sinubukan niyang sumabay sa mga iyon habang hindi inaalis ang tanaw sa dalawa sa loob ng shop. She was astonished and petrified to finally see the woman Lizbeth was interacting with. It's her aunt, Lymareva Sullivan. Ino-obserbahan niya ang dalawa na tila may pinag-uusapan itong importanteng bagay. Bumibilis ang tibok ng puso niya. She's too curious about what they're talking about. Ayaw niyang pag-isipan ang kaibigan nang masama dahil baka tinatanong lang ng tiyahin niya rito kung nasaan siya kasalukuyang tumutuloy. Hindi ibig sabihin na magkasama ang mga ito ay tungkol na agad iyon sa kanya at may masama na agad na intensyon.

When she got a call, she ran and hid in the nearby ice cream stall. Nang dukutin niya ang telepono sa kanyang pantalon, hindi niya inaasahang si Van Doren ang tumatawag sa kanya. What a strange timing for her to be in.

Sa huling pagkakataon ay sinipat niya si Lizbeth at ang kanyang tiyahin, saka dumating ang isang lalaking tila kasali sa pag-uusap ng mga ito. She squinted her eyes at the man standing beside Lizbeth. Isang malaking tanong agad ang pumukol sa kanyang ulo.

Ano'ng ginagawa ni Genesis doon?

✦❘༻༺❘✦

Niyaya ni Van Doren si Harika na lumabas. Kahit saan, basta makapagkita sila dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya. He said that when they first met on their verandah, he ought to have told her about it. Wala pa raw siyang lakas ng loob upang isiwalat sa kanya ang bagay na 'yon, subalit ngayon, tila buo na ang loob nito. Kung ano man iyon, inihahanda na ni Harika ang kanyang sarili. When he was on the phone, Van Doren came across as quite serious. He sounded concerned and urgent.

Walang pag-aalinlangan ay kinompirma ni Harika na may oras siya at maaari silang magkita. Nasa byahe siya habang pinagmamasdan ang dumidilim na paligid. Mukhang sasabay ang malakas na ulan sa lumalamig na gabi. Alam na ni Manong Liro ang lugar kung saan sila magkikita ni Van Doren, doon sa lumang brewing house café na minsan na niyang napuntahan na bahagi na ng Windercoln ngunit malapit pa rin sa boundary ng Bellmoral.

Sumulyap ang matandang driver sa rearview mirror, saka pinagmasdan si Harika na humugot ng malalim na hininga. "Ma'am, itinabi ko ho rito ang blindstick ninyo kung sakaling magpahatid kayo sa loob ng café saka magpaiwan," anito, iniabot sa kanya mula sa backseat saka itinuon muli ang atensyon nito sa pagmamaneho.

Harika exhibited signs of nervousness. Kanina niya pa nilalamukos ang malambot na coin purse sa palad niya. Kinukutuban na siya, hindi nang masama, kung hindi isang pahiwatig at lihim na matagal nang itinago sa kanya ni Van Doren.

Humaba ang kanilang byahe dahil sa traffic. Nakarating sila lampas ng tatlumpung minuto sa napag-usapan nilang oras ni Van Doren. Isa lang ang ibig sabihin no'n, late siya. Kaya naman ay nagmadali siyang bumaba, nang pumarada ang sasakyan, tumikhim siya at huminga saka muling nagpanggap bilang isang bulag. Humawak siya sa braso ng matanda saka inihatid na siya nito patungo sa loob ng café kung saan natatanaw na nila si Van Doren na naghihintay sa loob.

"Ma'am Harika, naririto na ho tayo," saad ni Manong Liro, sumasakay sa pagkukunwari niya.

Agad silang napansin ni Van Doren nang bumukas ang pinto. Umalalay agad ito at maingat na iniupo si Harika sa mahabang couch, sa puwesto kung saan makakapag-usap sila nang payapa at masinsinan kung maaari. Sumenyas ang matanda kay Van Doren na aalis muna ito upang makapag-usap sila. Tumango ito rito.

"Pasenya na, late ako," panimula ni Harika, hindi diretsong tinitingnan si Van Doren.

Naka-polo shirt ito at maong na pantalon. Malinis ang gupit ng buhok tulad noong college pa sila habang pinanonood niya itong maglaro ng basketball. Kitang-kita na ang pagbabago ng hitsura ni Van Doren. He looked a real married man.

Maliit ang ngiting sumilay sa mga labi nito. "Walang kaso sa akin kung paghintayin mo ako ng ilang oras. I should've told you about everything that happened that night. Hindi ko sasabihin sa 'yo ang bagay na ito upang siraan si Waki, noon pa dapat nalaman mo na ito bago ka tuluyang napalapit sa kanya..."

Van Doren kept her in her seat when he started to recount every moment of that night. Iyon 'yong gabi na ipinagdidiwang nila ang after party ng evening ball na naganap noong freshman pa lamang sila sa kolehiyo. Hindi sakop ng eskwelahan ang after party na iyon, miski ang student council ay walang alam doon. It was hosted by a group of students in order to extend the night after the ball. Habang inaalala ni Harika ang gabing iyon, sumagi sa isip niya na pagkatapos ng ball ay sinundo na siya ng kanyang Lolo Dad at hihintayin niya si Waki sa mansiyon nila dahil may ipagtatapat ito sa kanya. She waited the whole night for Waki, but he didn't come.

"Hindi mo ba nahahalata na palaging tinatanggi ni Waki na walang namamagitan sa kanila ni Stella? He was merely trying to keep you away from knowing the truth; the true thing happened to them after the party..."

Palaging bukambibig ni Waki iyon sa kanya, pinaniniwala siyang hindi dapat niya pagselosan si Stella dahil hindi naman raw niya ito gusto. Minsan siyang naniwala, dahil napaniwala siya nito sa bawat salitang binibitiwan nito. Hindi naman siya masasaktan kung may nangyari kay Stella at Waki noong gabing iyon, ang mas ikinagulantang niya ay nang mabuntis nito si Stella dahil sa pangyayaring iyon. Doon siya nakalas, nanlumo nang malaman iyon mismo kay Van Doren. She felt a tight squeeze in her heart. Her system numbed for absorbing it.

"Hindi iyon nakarating sa school board, ilang buwang nawala si Stella at bumalik na parang wala lang. Ilang linggo siyang nagdalang tao nang dahil kay Waki. Hindi ako naniniwalang wala siyang gusto kay Stella, dahil ginawa nila ang bagay na 'yon kahit pa hindi naman sila gaanong lasing noong gabing 'yon, itinatago lang nila sa 'yo upang hindi ka magduda." Maging si Van Doren ay nanunumbalik ang emosyon sa mga alaalang iyon. "Why was I saying this? Dahil naroroon ako, kasama ng mga ka-varsity ko na pinag-uusapan sila na nag-lock ng kuwarto. Habang may nangyayari sa kanila, ikaw ang naiisip ko. Kapag nalaman mo ang tungkol sa kanila, tiyak masasaktan ka dahil alam ko kung gaano mo hinahangaan at kagusto si Waki. He wasn't the guy you're thinking of, Harika. Ibang-iba siya sa inaakala mo. Kung sa tingin mo ay tunay na nagmamalasakit siya sa 'yo, nagkakamali ka. Baka ginagawa niya lang ang bagay na 'yon dahil may gusto siyang makuha mula sa 'yo. I don't know. Probably about your fame, your influence, or even your riches... I'm not sure which."

Nakatulala lang si Harika habang pinakikinggan si Van Doren. Her eyes were stinging from the story that happened that night. May kung anong barang namumuo sa tuyong lalamunan niya na hindi niya malunok. She bit her lower lip and forced herself not to cry in front of him. As if Waki wrote something in her skin using a permanent marker.

"Hindi ko sinasabi ito upang saktan ka, Harika. Ayokong itago sa 'yo ang tungkol sa bagay na 'to dahil karapatan mong malaman ito. This is not my agenda to ruin your relationship with him. Wala akong balak agawin ka sa kanya kung iniisip mo ang tungkol sa bagay na 'yon. Pamilyado na akong tao, may asawa at ayokong isang araw malalaman mo na lang ang tungkol dito saka mo sisisihin ang sarili mo kada gabi kung bakit walang ni isa sa amin ang nagsabi sa 'yo ng bagay na ito—"

"Ano'ng nangyari kay Stella kung nabuntis siya ni Waki noon? Bakit ilang buwan lang ay nakabalik na agad siya sa school upang ituloy ang pag-aaral niya?" Wala talaga siyang kaalam-alam tungkol dito kaya ganoon na lang siya nagugulat sa mga nalaman.

Napansin niyang nag-angat ng tingin sa kanya si Van Doren. Sumeryoso ito. "Waki's mother. She was behind everything." He did not think twice before telling her about it. "Ipinatawag ako noon ng head coach namin sa faculty at habang hinihintay siya roon ay narinig ko ang mga boses sa isang private room. Nang patago akong sumilip, nakita ko si Mrs. Ishida habang kinakausap si Stella na umiiyak nang silang dalawa lang. Isa lang ang dahilan kung bakit nakabalik agad si Stella makalipas ang ilang buwan, naipalaglag na ang bata na utos ng ina ni Waki. Kakaunti lang ang nakakaalam nito, halos ilan lang sa faculty member at staff dahil bayad ang mga pananahimik nila upang hindi na rin maapektuhan ang reputasyon ng school. Pinalabas lang na miscarriage ang nangyari sa mga magulang ni Stella nang malaman ng mga ito ang tungkol sa pagdadalang tao niya at hindi na pinalaki pa ang issue na iyon na halos naibaon na sa limot..."

Nagpatuloy pa ang kuwento ni Van Doren, na pinasimunuan ni Melanie ang lahat. Tila kontrolado nito ang mga sitwasyon. Ayaw nito kay Stella noon pa, pinilit lang ni Waki. Buong akala ni Harika ay siya ang gusto nito, balatkayo lang pala. Kahit pa alam niyang may kakaiba rin kay Waki simula nang magpanggap siya, ni minsan ba ay tunay siyang minahal nito o ginagawa lang nito ang pagmamahal na iyon dahil may kapalit? Mas naliliwanagan na siya, subalit ang liwanag na iyon ay sinisilaw siya at sinasaktan. Ngayong mas nakikilala na niya si Waki nang lubusan, iyong pag-ibig na malapit na niyang seryosohin ay unti-unting nabubura, naglalaho sa pakiramdam niya.

Tatanggalin na niya ang pag-ibig na iyon. Kung kayamanan niya lang ang habol nito, wala na siyang oras na sasayangin kung hindi tapatin na ito. She believed peace was sometimes better than being right; now that she learned the lies they left, she no longer stays quiet and fight for what's right.

✦❘༻༺❘✦

Walang pasa-pasabi, bumalik si Harika ng mansiyon ilang araw matapos niyang makausap si Van Doren. Natunugan agad siya ng mga taong naroroon at kakaiba niya kung pinatutunguhan ang mga ito. Tahimik lang siya at tila ba ayaw maistorbo ang palaging ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi niya magawang maging masaya sa pagbabalik niya lalo na sa mga nalaman sa labas. Being firm with them was part of what she was doing, and she is skilled at it.

Todo ang asikaso sa kanya ng headmaid habang nagpapatuloy ang pagkukunwari niyang walang nakikita. Hindi niya inaasahan na dadating din si Waki noong araw na umuwi siya. When she found out about him, she shut herself up in her room. He really wanted to speak with her, ang kaso, ayaw niyang makita ito at baka maapektuhan pa ang pagpapanggap niya. Hindi lang naman iyon ang dahilan niya, marami pa bukod doon.

Sa tuwing maaalala niya si Stella, iba na ang pumapasok sa isipan niya para kay Waki. Hindi na tulad noon, mas lalo lang niyang kinamuhian ito. Mas lalo lang sumasama ang loob niya para dito. Nang malaman niya ang tungkol doon, binago siya nito at kung paano niya pakitunguhan si Waki kahit pa gustung-gusto siya nitong makita at makausap. Isa pang ikinagagalit niya, tila kinikonsinte pa ito ng inang si Melanie. Buong akala niya kakampi niya ito, maling-mali pala siya. May mga agenda silang itinatago kaya kung bakit mabait ang mga ito sa kanya. Ngayong nalaman na niya ang lahat, gagawa siya ng sarili niyang agenda pabalik sa mga ito.

Nagdaan ang buong maghapon at sumapit ang gabi, tatlong mahihinang katok ang narinig niya sa naka-lock na pinto ng kanyang kuwarto. "Harika, hindi ka ba nagugutom? Kanina pang umaga ang huling kain mo. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo..." anang Alice, mula sa labas.

Nakahiga siya sa kama. Wala siyang gana, kahit na ang sagutin ito. "Busog pa ako, Nana..." matamlay niyang sagot at nagtaklubong ng kumot.

"Simula nang dumating ka rito sa mansiyon kanina, hindi pa kita gaanong nakakausap upang kumustahin. May problema ka ba?" Hindi nawawala ang hinahon sa boses ng matanda. "Si Waki, naririto siya kanina pang umaga, hinihintay ka niyang lumabas ng kuwarto mo. Gusto ka niyang makausap." Napapikit siya at nagpantig ang tainga nang marinig ang pangalan nito. "Hindi mo ba siya pagbibigyan?"

She took out the thick comforter covering her face. Napatingin siya sa pinto kung nasaan nagsasalita ang matanda sa labas. Kung pagbibigyan niya si Waki, malamang iyon na ang huli. Hindi niya maatim na makipag-usap sa taong pinagsinungalingan siya. She doesn't care as much about Waki's calls or texts anymore. Tama lang ang desisyon niyang i-block ang numero nito kabilang sina Melanie at ang mag-inang Sullivan. Unti-unti na niyang buburahin ang mga ito sa digital na aspeto ng kanyang pamumuhay.

Sa parehong gabing iyon, nakatanggap siya ng mensahe galing kay Manong Liro, tungkol iyon kay Waki na ginamit pa ang matanda upang ipadaan dito na gusto nito siyang makausap. Kahit na sino ay gagamitin ni Waki upang magkapagkita sila at malaman kung maayos pa ba sila. Kung iiwasan lang nang iiwasan ni Harika ang lalaking dahan-dahan niyang kinagagalitan, sa paanong paraan ba siya makikipagkita rito upang magkausap? She doesn't have any idea what conversation they might be having. Magsisigawan ba sila? Ibubunyag ba niya ang mga nalalaman niya? Makikipaghiwalay na ba siya rito? Ginugulo siya ng mga tanong na iyon.

Manong Liro responded to Harika's text message. He agreed. She was going to meet him on the rooftop of a hotel that they owned in the city. Kung gigil na itong makipag-usap sa kanya, puwes, pagbibigyan na niya ito.

Kinabukasan maaga siyang nagpahatid sa Levantine Tower. Maraming empleyado ang nakakakilala sa kanya pagpasok niya ng gusali. Binati siya ng ilan at ang mga bagong tanggap ay hinangaan ang ganda niya lalo pa't siya ang apo ng may-ari ng malaking gusaling iyon. Dumiretso agad siya sa elevator hanggang sa makarating silang dalawa ni Manong Liro sa rooftop hawak-hawak ang kanyang blindstick. She also instructed security to empty the rooftop for her for a good half hour. Pagkatapos ay aalis din agad siya.

"Sigurado ho ba kayo rito, ma'am? Malakas ho ang hangin at posibleng bumagsak ang ulan anomang oras. Hindi ko ho kayo maaaring iwan..." Nag-aalala ang matanda sa kanya na may hawak na malaking payong.

She spun toward him. "Ayos lang ho ako, manong. Hindi n'yo ho kailangang mag-alala ng sobra sa akin. Kung ano man hong mangyari, alam kong nariyan kayo para sa akin. Mabilis lang ho ito," aniya, saka tunalikod sa matanda at naglakad na patungo sa dulong bahagi ng rooftop.

Naiwang nakatayo lang roon ang matanda. Pinagmamasdan siya ni Manong Liro na mababanaag sa mukha ang concern para kay Harika.

Humugot nang malalim na hininga si Harika habang tinatanaw ang katabing mga gusali at maliliit na villages mula sa baba. Kalahati lang ng katawan niya ang taas ng harang ng rooftop na iyon. Malakas din ang hangin na tinatangay ang buhok niya.

Sa ilang sandaling pagmumuni-muni niya, at dumaan pa ang maraming minuto nang dumating si Waki. Naramdaman niya agad ang presensya nito nang mahinang magsalita sa likuran niya. Ang mga mata niya ay sinimulan na niyang itulala.

"Nasanay ka na talagang paghintayin ako, ano?" malamig na wika ni Harika.

"Pasensya na, nasiraan kasi ako ng kotse kanina at sumakay ng cab para makarating agad dito." Gustung-gusto siyang yakapin ni Waki noong mga sandaling iyon, subalit kung paano niya pakitunguan ito, nadadalawang isip na tuloy itong ituloy ang bagay na iyon. "I miss you, Harika... so, so much."

She didn't move. She starts to feel more pressure in her chest. It hurts a little too much. Dahilan ng pakiramdam na iyon ang paghirap niya sa paghinga habang umaakyat na ang hikbi sa kanyang sikmurang pilit niyang pinipigilan.

"Minahal mo ba talaga ako?" Harika asked him bluntly, her gaze fixed on the beautiful setting of the city, "O minahal mo lang ako dahil may kailangan ka sa akin?"

Waki has been taken aback. Hindi nito maintindihan kung ano ang pinagsasasabi ni Harika. Wala itong ideya kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagkakaganoon. Nalilito na tuloy ito kung saan papatungo ang pag-uusap nila.

"Mahal kita, Harika... at alam mo 'yan noon pa."

"Sinungaling!"

Waki frowned and held her shoulder. "Harika, ano ba ang nangyayari? Bakit ka nagkakaganyan? May nagawa ba akong masama sa 'yo?"

"Marami!" Harika wriggled her shoulder to get Waki's hand off of it. Pinipigilan niya ang sarili na maging emosyonal agad, iniiwasan niyang umiyak agad dahil nagsisimula pa lang sila. "Hindi ka lang aware pero marami kang mga bagay na nagawa sa akin. Ilang beses mo akong niloko, pinagsinungalingan at pinikot. Inakala kong totoo ang nararamdaman mo sa akin. Inakala ko lang pala 'yon. Sa susunod, ano na ang gagawin mo? Ang saktan ako?"

"You know I cannot do those to you? I don't know where you're coming from. Sinasabi mo ba ang mga 'yan dahil galit ka sa akin o sinisimulan mo nang sumbatan ako? Iyan ba ang mga pinanghahawakan mo kaya ganoon mo na lang kung layuan at iwasan ako?"

There's no way Harika would tell him that she has held a grudge against him since then. Hindi inaasahan ni Waki ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Saan ba siya nanggagaling? Anu-ano ba ang pinatutungkulan niya rito? Buong akala ni Waki ay pag-uusapan nila ang tungkol sa kanya, sa pagkawala niya at pagsulpot sa gala night. Which he heard something different than he thought.

"Ni minsan ba hindi ka nasilaw sa pag-aari ng pamilyang kinabibilangan ko? Wala ka bang ibang balak bukod sa tiisin mong mahalin ako? I was too late to know you even better. Kung noon pa nalaman ko na, 'di sana hindi na ako nagsayang ng oras sa 'yo. Sana hindi na natin sinayang ang oras ng isa't isa."

Mataba ang luhang tumulo sa kaliwang mata ni Harika, diretso iyong bumagsak sa sementadong sahig ng rooftop. She's fighting the tears in her eyes, but they won't stop falling. Idagdag pa ang hinanakit na namumuo rin sa kanyang dibdib, pati na ang lalamunan niyang natutuyo dahil sa malalalalim niyang paghinga.

Hindi na nakapagsalita si Waki. He cannot even explain himself. Kapag nagsasalita ito, kumukontra si Harika. Habang lalo itong sumasagot upang magpaliwanag, pinagmumukha lang itong masama ni Harika. Kung totoo man ang mga bintang na iyon, makakapagpaliwanag ito nang maayos, ngunit tila ba naputol na ang dila nito.

Harika took a step toward the barrier on the rooftop. Waki extended his arm to reach her.

"Hindi mo pa ba susulitin ang pagkakataong ito?" She held on to it.

Nanlaki ang mga mata ni Waki kung paano subukan ni Harika ang akyatin ang guardrail. "Stop it!" he shrieked.

"Hindi mo pa ba ako itutulak?" Nilingon ni Harika si Waki bilang isang bulag. "Bago nila ako patayin, unahan mo na sila... para makuha mo na agad ang lahat ng gusto mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro