42: Drawn From Memories
Isang linggo matapos mabalitaan ni Harika ang tungkol sa pagkatakas ni Slayter sa bilangguan—na paniguradong hawak na ng pulisya ang paghahanap dito ay nakukuha na niyang mapalagay sa bawat araw na lilipas, lalo pa't ang mga taong nakapaligid sa kanya ay walang ibang binabanggit kung hindi mga positibong bagay na maaari niyang panghawakan sa mga oras na pinamamalagi niya sa mansyon.
Nabawasan na ang pagkabagot na madalas niyang maramdaman sa mansyon noon dahil napakarami nang iba't ibang taong mahahalaga sa kanya ang nakakausap at binibisita siya. Ang headmaid na nag-aalaga sa kanya na pangkaraniwan naman nitong ginagawa. She had a good time with Waki every second they were together. She and Lizbeth uses the internet to channel their gossiping side from their hated celebrities and making it as a laughing matter. Melanie brings homemade pastries, every time she visits. If she needed to go outdoors and Waki wasn't available to drive her away, she could phone Manong Liro. Si Chelsea at Stella ang mga bisitang hindi niya inaasahan na kabaligtaran kung paano niya isipin ang pagbisita ni Van Doren na kailanman ay hindi na nagtangkang bisitahin siya ulit matapos noong nakaraang si Venus ang nakausap nito sa gate. Nevertheless, she has been happy with everything in her life. It helped her get through it.
Soon after Harika got out of bed to start another day, a faint glow flared in the center of her field of vision, illuminating the months-long darkness she had been experiencing. Isang umagang ikinabigla niya at ng lahat. Although she could only see one tiny light, she still prayed for it every night before going to sleep. Noong una, akala niya'y isang panaginip lang iyon subalit nang matantong gising siya at tunay na nakikita ang tila ba kislap sa gitna ng kanyang mga paningin, binigyan siya nito ng pag-asang malapit nang mawala sa kanya. Masaya siyang ibinalita iyon sa buong mansyon at sa kaibigang si Lizbeth, pati na rin kay Waki. Kung puwede lang ay mag-undertime ito noong umagang iyon upang makita siya sa napakalaking improvement na iyon ng kanyang mga paningin ay gagawin nito. Isasaalang-alang talaga ng boyfriend niya ang lahat para sa kanya.
She requested a ride from Manong Liro to Dr. Yetter's clinic so that she could share the good news there. Sa parehong umaga ring iyon ay nakarating agad sila sa espesiyalistang ilang buwan na siyang sinusuri, pinalalakas ang kompiyansa at inaalagaan.
Two patients had been in line ahead of Harika when the nurse called her. She ushered her inside where Dr. Yetter was waiting.
"Talaga? That's great news!" Maging ang doktor ay hindi maitago ang saya nang mabanggit ni Harika ang tungkol sa naging pagbabago ng kanyang mga mata. "How do you feel, except from your vision?"
"I feel so ecstatic, Doc. Ilang buwan kong hinihiling ang moment na 'to. Mas tumaas ang pag-asa kong makita ulit ang mundo..." Her chest felt as though an axe had been removed from a fence in relief.
"You'll get to see the world once more... that much of a certain." She felt a gentle tap from Dr. Yetter, whose smiles were filled with empathy for her. "I must remind you of something, Harika. Regaining your sight back isn't a walk in the park. You may experience some minimal perceptual confusion dealing with the transitioning impact after a vision loss, but it won't be as severe as if you were born blind, which you weren't. Patients who recover from blindness can experience significant to total agnosia, or significant disorientation with their visual awareness."
Nakikinig lang si Harika. Her eyes were blindly fixed on the wall of the clinic. She had Dr. Yetter by her side.
"Magpatuloy ka lang sa current routine na ginagawa mo. Do whatever makes you happy. Live a normal life, worry less and cut out negativity. Ipinapangako kong makikita mo ulit ang mga bagay na ilang buwan mo nang gustong makita ulit..."
After a few inquiries and examinations, Harika left Dr. Yetter's clinic and told Manong Liro to accompany her to an ice cream parlor nearby so they could celebrate her eyes' progress. Nang makauwi sila, nakahain na ang masasarap na pagkain sa mesa at naroroon si Lizbeth, Waki, Melanie at ang mag-inang Sullivan na hinihintay siya.
"Harika, halika at hinihintay ka na nila sa dining hall..." salubong ni Alice sa kanya at agad na hinawakan ang braso niya.
"Marami ulit akong mga bisita?" nagtatakang tanong niya.
"Oo. Dahil nabalitaan nila ang tungkol sa naging improvement ng mga paningin mo. Tinawagan ko si Melanie at Lizbeth. Nalaman din agad ni Waki ang tungkol doon kaya nag-half day siya sa trabaho. Masaya rin si Eva na malaman ang magandang balita." Bakas na bakas ang excitement sa boses ni Alice. "Lahat ng mga gusto mong pagkain ay ipinahanda ko..."
Naiwan si Manong Liro sa foyer ng mansyon habang nakangiting pinagmamasdan si Harika na ala-alalay ni Alice patungong dining hall.
Nagtaka ito nang tumigil si Harika. "Manong, samahan n'yo na kaming magtanghalian," aniya, nakatalikod dito at hindi nakalimutan ang matandang tagapagmaneho.
Mas lumawak ang ngiting umukit sa labi nito. "Sige ho, ma'am, susunod ho ako."
Nang magsimula ang tanghalian, hindi man nakikita sa mga labi ni Harika ang ngiti, subalit labis-labis naman ang galak ng kanyang puso. Iyon na rin ang unang beses na makakasabay siya ng mga tao sa isang hapag. She was accustomed to this type of situation in the past, particularly while the congressman was still by her side... being in complete control. Mga kaibigan at kakilala nito ang palagi nilang nakakasabay kumain—maingay at masaya—kung hindi sa mansyon ay sa isang malaking pagtitipon.
Umingay ang dining hall gaya ng inaasahan niya. The clatter of silverwares, the people wishing her well, the surroundings she didn't think she needed. Hindi naman kailangang maglaan ng oras ang mga taong kasabay niyang nanananghalian noong mga sandali na 'yon. They really did make her feel something wonderful. Na-a-appreciate niya silang lahat.
The following morning, Waki went straight to the estate to see Harika. He was sitting on the patio. And then Harika arrived, accompanied by a maid.
Dali-daling nagtungo sa kanya si Waki upang umalalay sa paglalakad niya. "Harika... I'm here. Careful with your steps."
"A-ano'ng ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok?" she inquired while moving forward till both of them were seated.
"Mayroon. But I filed a leave," he answered. "Bakit ayaw mo bang naririto ako?" Masaya itong pinagmamasdan siya.
After pouting her lips, Harika grinned. "Syempre, gusto. Ang akin lang, ayoko sanang naaapektuhan ka at ang trabaho mo nang dahil sa akin. You can come here after your work." She felt his palm settle on the back of hers and gripped it. "Pero kung nag-file ka ng leave dahil lang sa na-miss mo ako, then fine, I don't ask further questions..." they both laughed as they snuggled on the patio sofa.
Harika's head rested on Waki's side chest, moving up and down with his breathing. Their hands remained entwined, refusing to let the connection break.
"Would you be free? Dinner date. Tomorrow." biglang banggit ni Waki. He tightly encircled her in his arms.
Harika bent her head. She grinned in a particularly lovely way. "You requested a leave of absence simply because you miss me, and now you want to schedule a midweek dinner date with me? What's going on, my charming boyfriend?" she teased.
Bahagyang kinilig si Waki sa sinabi niya. "Because we got to celebrate."
"Hindi pa bumabalik ang mga paningin ko, Waki. Isa pa, hindi mo naman kailangang mag-abala nang mag-abala para sa akin."
His smile disappeared. "Tinatanggihan mo ba 'ko?" he said it in a childlike tone.
Natatawa si Harika. His face was cradled as her fingers swept across it. "Nagtatampo ka ba? You sounded like a baby boy." Bumungisngis siya.
Waki leaned in and kissed her lips. "Ah, basta. Bukas mag-dinner tayo. I'll get you here when I finish my work. Wala ka namang ibang gagawin, hindi ba?"
Umiling si Harika. "Gusto ko sana sa Bellmoral tayo mag-dinner date. And after that, walk me into the city. Gusto kong maglakad-lakad doon bago tayo umuwi." Masayang ngiti ang hindi mawala-wala sa mga labi niya. "Huwag mo na akong sunduin, mauna ka na sa Bellmoral. Magpapahatid na lang ako kay Manong Liro para hindi ka na magpabalik-balik sa pagmamaneho."
He raked his fingers through her hair. "Okay, sige. I'll text Manong the address after I make a reservation at the restaurant. Siya na ang bahalang maghatid sa 'yo roon."
Harika agreed to the dinner invitation with an overdone bow. When she extended her neck, Waki found her lips to stroke his.
Harika awoke the next with a brighter glow in the middle of her vision. She had to say that it widened, a bit. Wala siyang ibang nakikita kung hindi ang liwanag na iyon sa tuwing nakabukas ang kanyang mga mata. Hindi rin ito sumasagabal sa kanya dahil hindi iyon ganoong nakasisilaw. Walang kasing saya ang puso niya. Unti-unti na ang nagiging pagbabago ng kanyang mga paningin. Mukhang ano mang oras ay babalik na iyon sa dati. Hindi na siya makapaghintay.
Lumabas siya ng kanyang kuwarto. Alice prepared another breakfast recipe that she would eat. Sinarili niya lang muna ang liwanag sa gitna ng kanyang paningin, ngunit bakas ang saya sa kanyang mukha na litaw na litaw ang aliwalas nito.
"Wala si Auntie?" tanong niya sa headmaid nang nakarating sa dining at makaupo habang sinasalinan siya nito ng tsaa sa tasa.
Tumingin ito sa kagigising lang niyang diwa. "Nasasanay ka nang kasama si Eva na mag-almusal kaya mo ba siya tinatanong?"
Tama ito, madalas nang nakakausap ni Harika si Lymareva tuwing magkakasabay silang mag-almusal. Ang pinsan niyang si Venus ay hindi na gaanong nakakasama sa kanila dahil sa pagmomodelo nito sa isang high end brand na inaabot nang hating gabi at tanghali na kung gumising. Dumadalo rin ito sa mga fashion week sa Bellmoral at Chrisford.
Pagkatapos ay bigla niyang naalala na nagbakasyon pala ang mag-ina.
Umiling siya sa matanda. "Naninibago lang ako. Masyadong tahimik ngayong umaga," nasabi na lang niya.
Si Alice ang humalili muna sa tiyahin ni Harika. Ito ang nakakuwentuhan niya noong umagang iyon. Pinagtatawanan ang mga alaala nilang dalawa noon, lalo na nang maliit pa siya.
Kapagkuwan ay isang tagapagsilbi ang lumapit. Yumukod ito upang ipaalam nang malapitan kay Alice ang gustong sabihin. "Headmaid Alice, may bisita ho sa gate," anito malapit sa tainga.
"Sino? Ano raw ang sadya niya?" mahinang siyasat nito.
"Van Doren daw ho ang pangalan niya. Naririto siya para kay Ma'am Harika. Nanggaling na siya noong nakaraan, bumalik lang ito upang—"
"Papasukin n'yo siya," sabad ni Harika. Wala siyang nakikita, ngunit dinig na dinig niya ang bulungang namamagitan sa dalawa. "Nana, pakihanda ang verandah. Hainan siya ng kape at makakain. Doon kami mag-uusap."
Nakatitig lang ang matandang headmaid kay Harika. Hindi pa man gaanong nababawasan ang pagkain sa plato niya, agad na siyang tumayo at kumuha ng aagapay sa kanya pa-verandah.
Sumunod si Alice sa kanyang paglalakad. "Kilala mo ba ang bisita? Bakit padalos-dalos kang magpapasok ng mga tao ngayon? Alam mo namang nag-iingat tayo..." nag-aalala nitong sambit sa kanya.
"Matagal ko nang hinihintay ang muli niyang pagbisita, Nana. Huwag kayong mag-alala, kilala ko siya. Walang mangyayaring masama sa akin," paniniguro niya sa matandang nangangamba sa kalagayan niya.
Para lang malinaw ay nagpahanda si Alice ng security sa paligid ng verandah. Nagdodoble ingat lang sila.
Nang dumating si Harika sa verandah, naroroon na si Van Doren na naghihintay sa kanya habang hinahainan ito nang maiinom at isusunod na lang ang makakain. He's in a fitted sweat shirt, track pants and white running shoes. His hair brushed up to its back.
Mabilis na tumayo ito nang makita siya, agad na nagtungo sa kanya upang sumalubong ng alalay. A spark of memory flashed through her mind as soon as she first felt his palm again. Ang lahat ng kabutihang nagawa at naitulong nito sa kanya noon ay nanumbalik sa kanya.
"I'm fine, Van. Bisita kita. Hindi mo kailangang gawin ito." Dumulas ang kamay niya sa mahigpit na kapit nito. "Maupo ka na. Hintayin mo na lang akong maupo sa tabi mo," aniya.
Maliit lang itong ngumiti sa kanya at sinunod ang sinabi niya.
"Kumusta ka na? Kumusta na ang mga paningin mo?" Van Doren inquired as she sat in the chair next to him. "Pasenya ka na at nagpunta ako nang ganito kaaga. The last time I came here was kinda wrong timing, saktong oras ng pagpapahinga mo."
Harika sat up straight in her chair. Nililipad ang buhok niya dahil sa hangin nang umagang iyon. Maulap ang langit. Hindi matindi ang sikat ng araw mula sa verandah kung nasaan sila.
"Since the other day, I have noticed a progression in my vision, which has made me feel incredibly good." Ang mga titig niya ay tagos kay Van Doren na kaharap niya. "By the way, I'm doing great! How 'bout yourself?"
May pagkailang si Van Doren habang nakatingin kay Harika. Hindi pa rin ito makapaniwala kung gaano kalaki ang ipinagbago niya noong huling magkita sila. Mas gumanda siya sa inaakala nito. Harika was dazzling in his eyes, and he found it strange to stare at her sightless charming face.
"Okay lang din ako, Harika," sagot nito na medyo kinakabahan. "I teach physical education and head coach of the varsity team at the academy where we both went. Dalawang na taon matapos tayong grumaduate, nakakilala ako ng isang babaeng nagtratrabaho sa bangko na naging asawa ko na ngayon. May isa na kaming anak."
Naghahalo ang saya at pagka-proud niya kay Van Doren nang maikuwento nito ang buhay matapos silang maka-graduate sa parehong eskwelahan.
"May anak ka na pala?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumango ito. "Y-yeah, I have."
"Lolo Dad sent me to Bellmoral immediately after our graduation to pursue my dream of working as a chandelier and furniture designer, but I ended up being a brand ambassador and model since someone noticed a potential in me when I appeared at a magazine interview. Nakakatawa nga noong una dahil sikat na sikat daw pala ako sa Bellmoral lalo pa't isa akong Levantine. Napunta ako sa isang linya ng trabahong hindi ko inaakalang magugustuhan ko rin nang lumaon. Kaya hindi ko na naituloy ang pagguhit ng iba't ibang uri ng mga chandelier na puwedeng-puwede ilagay sa ceiling ng mga hotel, mansyon at halls. 'Tapos nangyari pa ang aksidente na nagresulta para mawalan ako ng paningin..."
Nagtatalo ang lungkot at pagka-miss ni Harika sa buhay niya noon habang nagkukuwento kay Van Doren na pinagmamasdan siya at tumatango sa mga bagay na sinasang-ayunan nito.
"Levantine ka man o hindi, for sure you'll be successful in your best ways. Talented ka Harika, matalino at alam kung ano ang gusto mong gawin na makapagpapasaya sa 'yo. Sa lahat ng babaeng schoolmates natin noon, ikaw ang pinakanagustuhan ko sa kanila dahil d'yan sa karisma at passionate self na tinataglay mo."
Samut-saring papuri ang natanggap niya kay Van Doren. Iyon din ang naging dahilan upang mas gumanda pa ang umaga niyang halos buo na dahil sa development ng maliit na liwanag sa gitna ng kanyang madilim na paningin.
She inhaled some air. "Napag-alaman kong bumisita ka noong nakaraan pero hindi ka nakapasok dahil nagpapahinga na ako. Venus fenced you at the gate. Ano ba ang sinabi niya sa 'yo at bakit ipinagpaliban mo akong makita at makausap?"
Van Doren slowed down. His gaze were sideways, away from Harika. "I just got words from her that you're resting. Pinababalik niya na lang ako ng ibang araw."
"Iyon lang ba? Bakit hindi ka agad bumalik kinabukasan?" Harika grew more enquiring. Venus seemed to have mentioned something that he doubted coming back.
"I have school classes. Ginagabi ako ng uwi dahil sa training ng varsity team dahil nalalapit na ang sports festival. Naisingit ko lang ang umagang ito upang makita at makausap ka," he reasoned out. Ibinalik nito ang paningin kay Harika. "Isa pang dahilan kung bakit naririto ako... dahil na-curious ako kung kayo ba ni Waki ang nagkatuluyan."
Maliit na napangiti siya sa nabanggit nito. Waki and Harika were always there for each other at college, even though everyone on school was rooting for her and Van Doren. Mas may chemistry silang dalawa noon lalo pa noong nagkatambal sila sa isang stage play at ibang extracurricular events. Harika and Van Doren never had anything, and Van knows that... that Harika can only love him in a way that is equal to a friendship. Sa mga ikinikilos ni Harika noon at pakikitungo niya kay Van Doren, isa lang ang napagtanto nito, na si Waki talaga ang gusto niya at wala ng iba.
"How did you come up with the idea of me and Waki? Nag-rely ka lang ba noong nasa college pa tayo?"
"Noon pa man alam kong gusto n'yo na ang isa't isa," tugon nito, iginagala ang mga mata sa paligid ng verandah habang inaalala ang mga nangyari noon. "I keep seeing you in flyers and school pamphlets. Ikaw at ang mga litrato mo pa rin ang ginagamit ng school pang-advertise sa incoming enrollees," kuwento nito. "Additionally, I noticed that you recently visited the school. Noong una kitang nakita, akala ko namamalik-mata lang ako, pero no'ng dumating si Waki na kasa-kasama mo... doon ko nalamang ikaw talaga ang babaeng nakita ko. And before the two of you left the hallway, I spotted Waki, and I am certain that he also saw me."
Her expression twisted into a frown. "Y-yes, as you mentioned, we visited and wandered the entire campus, but Waki never told me about you. Nagkita ba talaga kayo?" Nagtataka siya sa napagkukuwentuhan nila.
"Hindi ako maaaring magkamali, Harika. Hindi lang ako kumaway sa inyo, pero alam kong nagkatinginan kami sa mga mata. Ask him yourself, baka nalimutan niya lang akong banggitin sa 'yo..."
Waki could deny him time and over. Ilang beses na silang nagkagulong dalawa ni Van Doren noon nang dahil kay Harika. His allegations spurred them to a fight. May pagkakataon ring halos siraan na ni Waki ang image ni Van Doren para magbago ang isip ni Harika kung may namamagitan man sa kanila noon.
Napatango-tango siya, pero hindi pa rin mawala ang kalituhan sa isip. Harika learned more from Van Doren, about his perspective and the situation they were in back then. Kung mananatili lang si Harika sa kuwentong kuntento na siya, iyon na lang siguro ang paniniwalaan niya.
Van Doren's wristwatch made a faint beep. "Harika, I got to go. Sa susunod na lang ulit tayo mag-usap. I had a fantastic time catching up with you." Both of them got up from their seats. "The next time we speak, if you have any questions, I'll be open to hearing them. Wishing you very well. At kapag nanumbalik na ang mga paningin mo, hayaan mong ako ang maglibot sa 'yo sa campus para maalala mo lahat ng mga masasayang bagay noong mga panahong estudyante ka pa lang..."
Van Doren cracked a grin. Harika extended her hand for a handshake, and a security guard led him out of the estate. Maraming nalamang bagay si Harika noong mga sandaling magkausap sila, subalit ang mga iyon ay napatungan pa ng mga tanong. Hindi kaya?
✦❘༻༺❘✦
"Mama..."
Madilim ang buong paligid, kumikinang ang mga ngiti ng babaeng kaharap ni Harika. Pamilyar ang lukso ng kanyang damdamin habang nakatitig siya rito.
The woman kneels down for her and spreads her open arms.
"Harika, anak..." her skin was caressed by the windlike echoes of her lovely voice. So warm and inviting.
Maihahalintulad ni Harika ang mukha nito sa isang painting na madalas niyang makita sa study ng kanyang Lolo Dad. Iyon ang wangis ng kanyang ina, na gusto siyang mahagkan noong mga sandaling iyon.
Mula sa likuran nito, napansin niya ang nakatayong lalaking naka-maskara ng lobo, pinagmamasdan silang dalawa. Nawala ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Nabalot siya ng takot at pangamba.
"Ayaw mo bang yakapin ang mama mo?"
Nananatiling nakatayo si Harika. In her eyes, in the darkness, there were only the three of them.
"Mama, sino po 'yong lalaking nasa likuran ninyo?" curious na tanong niya.
Lumingon ang babae, tumambad dito ang lalaking naka-maskara ng lobo. Mamahalin ang business suit na suot nito.
Muling lumingon pabalik sa kanya ang babae at ngumisi. "Hindi mo ba kilala ang lalaking ito?" Itinuro nito ang lalaking maganda ang tindig.
She only gave a slow head shake and had no idea. The woman in front of her had a glowing smiling face that lifting her up. Kaya hindi niya magawang matakot nang sobra.
Nang maglakad ang lalaking iyon papalapit sa kanya, nagpigil siya nang paghinga. He left her speechless. Sumulyap siya sa babaeng nasa gilid at tumatango-tango itong malapad na nakangiti sa kanya. She gave her a nice smile.
The man masked in wolf handed her with something in his clinched palm. Wala sa sariling inilahad ni Harika ang kanyang kamay at ipinatong ng lalaking ito ang isang maliit na papel na ibon doon.
Mula sa likuran ng babae't lalaking nasa harapan niya ay may isang liwanag na unti-unti sinisilaw ang kanyang paningin. She squinted her eyes. She was unable to stand the bright light growing intensely in her face. At habang pinagliliwanag ng ilaw na ito ang kanina'y madilim niyang paligid; isa-isang nanumbalik sa kanya ang lahat.
She's drawn from her memories.
"Harika, ang lahat ng ito ay ginagawa ko para sa iyo. Sa 'yo at sa 'yo lamang..."
"Gusto mong ipaghanda kita ng paborito mong matamis na tsaa?"
"Kaya ganoon na lang ang galit sa 'yo ni Venus, kase nalaman niyang may gusto ako sa 'yo..."
"Ma'am Harika, may iba pa ho ba kayong dadaanan bago ko kayo ihatid pabalik ng mansyon?"
"Nakikita mo ba ang nakikita ko, Harika? Ayun oh, sa ground floor, si Waki nakaupo. Ikaw yata ang hinihintay..."
"Harika, malakas pa ang ulan, dumito ka na muna. Ipahahatid na lang kita kay Jed mayamaya..."
"Balang araw, mare-realize mong ginagawa ko ang lahat ng ito dahil may pakialam ako sa 'yo..."
"Kung Levantine din sana ang nakadugtong sa pangalan ko, siguro hindi ako magagalit at maiingit sa 'yo nang ganito..."
"Hi, I'm Genesis Montecillo. It was so nice meeting you..."
She recognized many different voices belonging to various persons who had been a part of her life. Bago tuluyang silawin ang kanyang mga paningin, iyong babaeng hawig ng nasa painting at ang lalaking naka-maskara ng lobo ang huling nag-flash sa kanyang mga mata bago siya naglaho sa kakatwang senaryong iyon. Na parang may sinisimbolong kung ano na hindi niya maintindihan.
She jolted awake from a nap, gasping for air. She was in the backseat of a car, being driven somewhere. Her eyes were filled with confusion from everything her eyes could take. She was wearing a stunning dress, which she could also see. Nananaginip na naman ba siya?
Nakapa niya ang kanyang blindstick sa gilid ng kanyang upuan. Ang silaw sa kanyang paningin ay unti-unting nawawala. Palinaw nang palinaw ang kanyang paningin. She looked outside the window. Gabi na noong mga oras na iyon. Kasalukuyan nilang dinaraanan ang mga matatayog na gusali. May mga taong naglalakad sa sidewalk at mga kotseng kasabay nila sa kalsada.
Natulala siyang napatingin sa likuran ng passenger seat.
Napatingin si Manong Liro sa kanya nang sumilip ito sa rear view mirror. "A-ayos lang ho ba kayo, ma'am?" may kaunting pag-aalala sa tanong nito.
Wala sa sarili siyang tumango rito. Ang mga mata'y hindi makapaniwala, na sa wakas ay malinaw na niyang nakikita ang lahat. Kapag lumabas na siya ng kotse, iyon na ang simula upang muli na niyang makita ang mundo. Isang bagay ang biglang umukilkil sa kanyang isipan. Iyon ang gabing pinag-usapan nila ni Waki; ang dinner date sa Bellmoral. Dahil nalilito pa rin siya sa kanyang mga nakikita, muntik na niyang makalimutan iyon; na si Manong Liro ang maghahatid sa kanya patungong Bellmoral at natitiyak niyang naghihintay na si Waki sa isang restaurant na pina-reserve nito.
Malinaw na niyang nasisilayan ang lahat. Lahat-lahat. Yet she was puzzled and unsure about everything, though. Pakiramdam niya ay nagising lang siya sa isang mahabang pagkakatulog. Halos matulala na lang siya buong biyahe dahil hindi siya nilubayan ng hindi makapaniwala niyang reception sa mga nangyayari sa paligid.
"Ma'am, malapit na ho tayo..."
Tahimik lang siyang tumango, hindi maibahagi sa matandang driver na bumalik na ang kanyang mga paningin.
Later on, Manong Liro put the car in park. She exited right away and started to wander outside. She spun around... over and over. She was relieved, and her heart almost jumped through her clothing from an overwhelming happiness and joyful excitement that engulfed her entire being.
"Ma'am Harika! Sandali lang ho! Nalimutan n'yo ang blindstick ninyo—"
Hindi na niya inintindi ang matanda saka na siya tumakbo papalayo. She felt like a kid coming out of the bedroom after the rain. Ang mga taong nakakasalubong niya ay nginingitian niya. Kumakaway siya sa eroplanong dumadaan sa himpapawid. Kahit na pinagtitinginan na siya dahil sa sayang nadarama niya, wala siyang pakialam.
Malapit na roon ang restaurant na napag-usapan nila ni Waki noong nakaraang araw. Doon siya mas lalong naging excited, ang makitang muli si Waki dahil curious na siya kung ano ang hitsura nito.
Sa kabila ng masayang pakiramdam na pinupuno ang puso niya, isang tagpo ang nakapagpahinto sa kanya. Her feet felt froze, her wide smile disappeared watching Waki from a distance... kissing by a woman in front of the restaurant he made a reservation for the two of them. There's an icy claw gripped her heart accompanied by her glassy eyes. All of her fury and hatred had built up so quickly in her heart. May kung anong tila nagbubuhol na tali sa kanyang dibdib na humihigpit.
Inilipat niya ang tingin sa babae at habang pinagmamasdan niya ito, unti-unti niyang nakikilala kung sino ito na humahalik sa boyfriend niya. Si Stella. And her eyes staring at Waki telling something. Pursuing.
Harika's shoulders shuddered in anguish. Napalitan ang excitement niya ng lungkot at galit. On her side, her shaking hands balled into fists. Bumagsak ang luha sa mga nakatulala niyang mga mata. She couldn't bear watching it. Lumalabo ang kanyang paningin hindi dahil sa lalong dumidilim na gabi, kung hindi dahil sa mga luhang namumuo sa ilalim ng kanyang mga mata.
It wasn't just a heartbreak. It was a gut-wrenching moment that almost took her off her feet, and deep down, she was silently wailing.
Tumalikod siya. Tumakbo. Mabilis at halos mabangga na niya ang lahat ng taong makakasalubong niya. She's angrily wiping her tears. Walang direksyon at hindi alam kung saan siya tutungo. Isa lang ang nasa isipan niya, ang burahin si Stella na dinadama nang nakapikit habang hinahalikan si Waki.
She's shedding tears. She was sobbing inside. Hindi niya mawari kung kanino siya galit, kung kay Waki at Stella na nahuli niyang naghahalikan o sa mga paningin niyang kung kailan bumalik saka ganoon pa ang unang makikita? She felt betrayed by her own vision. Her thoughts was taken over by the darkness within her.
Nag-angat siya ng tingin sa madilim na langit. She began to breathe more deeply while gritting her teeth. Natisod siya sa daan. She collapsed to her knees, catching her breath. Napahiya siya sa lahat ng taong dumadaan. Pinagtitinginan siya ng mga ito. She began sobbing as she pressed her hands to her face. Nanghihina siya. Gusto niyang sumigaw nang sumigaw pero kinimkim na lang niya ang sakit na nadarama.
Ang huli niyang natatandaan ay ang mukha ni Waki at ang kakisigan nito na kahalikan ang babaeng halos noon pa man ay pinagseselosan na niya. She wished to inflict pain on both of them. Her energy was dwindling into nothingness as a result of many thoughts swirling around in her head. All this time niloloko lang ba siya ni Waki?
The sensation was suffocating her. She was struggling to breathe because of throat congestion due to rising sob from
her stomach. Napapikit siya. Ang lahat ay parang nabura. Ang pagmamahal niya kay Waki na inipon niya noong wala pa siyang nakikita. Galit at poot ang umuusbong sa kanyang puso habang nanlalambot ang buong katawan niya dahilan upang mawala ang kanyang kamalayan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro