Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

35: Comfort and Chaos

It was a very lengthy kiss. It was moist and soft... hot and gasping.

Waki drew his lips apart by a few inches. He couldn't see her face, but his warm breathing filled the space between.

"When I told you I've missed you... this is what I mean."

She sucked in his breath, her eyes closed, the smell of beer lingering. Wala nang isang dangkal ang pagitan ng mga mukha nila. Masyado silang malapit sa isa't isa.

Harika's chest began to rise with desire for him. The nearness. The pursuit of union and sensation. For both of them, it was an enduring and passionate moment. Nagpapahiwatig na na-miss niya rin ito sa ilang araw nilang hindi pagkikita.

He traced his fingertips along her neck, down to her collarbone, electrifying a ticklish sensation in her. Her heart began to race as soon as it happened, sending a chill down her spine. Her knees were almost knocked off by the touch.

Hindi nakapagsalita si Harika sa ginawa nito. He said nothing for a while. Mayamaya'y pinaglapat nito ang kanilang mga kamay at itinuloy nito ang paghalik sa kanya, mula sa mga labi na dahan-dahang bumababa sa linya ng kanyang panga. Her mouth let out a quiet moan. Hindi na niya naiwasan. Masyadong malambot ang mga labi nito upang ikubli ang sensasyong nararanasan niya sa pagdampi ng mga ito.

"Why am I letting you treat me like this?" she breathed. "D-dapat galit ako sa 'yo... sa ginawa mo..." she was simply saying it; her tone did not reflect anger.

Waki took hold of her wrist and put pressure on the wall. She utters a soft gasp... then grin as soon as she thinks of him in her head.

He murmured "I love you" next to her ear. His lips lightly caress her neck's skin. Kumalas ang lasong pumipiring sa mga mata nito at bumungad dito ang nagiging reaksyon ni Harika habang matamis na hinahalik-halikan nito ang leeg niya. He was marveled of how she arched her body during his kisses and felt extremely fortunate. He's anticipating her response as he asks, "You still hadn't responded when we had our first long kiss when you were eighteen."

At that precise moment, Harika let her hand wander until she cupped and tenderly touched and warm his cheek. "Hahayaan ko bang halikan mo ako nang ganito kung wala akong espesyal na nararamdaman sa 'yo?"

He paused, his heart racing. Nag-init ang mga pisngi ni Waki sa sinabi niyang iyon, idagdag pa na nakainom ito.

Pinagmamasdan lang nito si Harika na nakasandal sa dingding ng bedroom. Nothing ever altered the fact that she also liked him. Hindi na niya kailangang kompirmahin pa iyon, it was very obvious.

He received a gentle push from Harika. "Go outside and take a shower. Baka mamaya pag-isipan pa nila tayo nang kung anu-ano kapag nagtagal ka pa sa kuwarto ko."

His lips curved into a cheerful smile. Hindi man nito narinig ang kapatawarang hinihiling nito, ngunit alam na ni Waki sa sarili na hindi na siya galit at pinatunayan lang nito na wala itong intensyong masama.

"You can get all the help you need tonight from the maids outside. Magpahinga ka na," she spoke in a gentlest voice she could muster.

"You too. Have a good night." Waki took her hand and kissed the back of it. "You can call me at any time, and I'll cancel everything just in case."

Waki exited her bedroom after the moment they shared. Kinapa ni Harika ang paligid niya hanggang sa narating niya ang kanyang malambot na kama. She settled herself down the bed. Nanlalambot siya at mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. She used her fingers to lightly touch her lips. She could still smell the beer he drank through her skin, but she wasn't bothered by it. Minsan na siyang hinalikan ni Waki, ngunit iyon ay isa sa mga hindi niya malilimutan na ginawa nito na para bang binura lahat ng halik na iyon ang galit at pagkainis niya rito.

She laid down on her side. Her cheeks were always flushed. She had no idea that night would be so heartwarming and grip-loosening. Ilang araw na siyang aborido at walang saya sa katawan, maybe then was the time for her to stop using those impolite facial expressions. She experienced affection and euphoria from his kiss. Her entire being felt so calm and light.

Nang tumihaya siya sa harap ng mataas na kisame ng kanyang kuwarto, she was unable to control the smile that was spreading across her face. She closed her eyes and seemed to want to carry on from her dream.

Hanggang sa nakatulog na siya.

✦❘༻༺❘✦

Nang magising si Harika kinabukasan ay si Waki agad ang una niyang hinanap sa mga tagapagsilbi.

"Matapos ho niya kayong bisitahin kagabi, nagpalipas lang ho siya ng kalasingan at umalis na rin agad ng mansyon," anang matandang tagapagsilbi habang inaalalayan siya sa pagbaba ng hagdan. "Tatawagan niya raw ho kayo paggising n'yo."

Pink heat rose from Harika's cheeks. "Talaga? Sinabi niya 'yon?" tila excited niyang wika.

The maid bowed. "Yes ho, ma'am."

"Dalhin mo ako sa garden mamaya and prepare the gazebo, doon ko hihintayin ang tawag niya pagtapos kong mag-breakfast," masayang batid niya rito.

That morning, the maids put a lot of food on the table. Kung nakikita lang iyon ni Harika, malamang ay sobra-sobra ang mga inihanda ng mga ito para sa kanya. She was unaware that the reason for the abundance of food on the table was that she would be having breakfast with the Sullivans.

Habang naglalakad si Harika patungo sa hapag, she had no idea they were already there with their food.

Venus abruptly gave her an intense side eye that rolled as she exhaled. Ang kanyang tiyahin naman ay sinusundan lang siya ng tingin hanggang sa siya'y makaupo.

Before speaking, Lymareva cleared her throat, "Harika, how have things been this week at the mansion? Hindi ka gaanong lumalabas ng kuwarto mo. You must be bored."

She restrained herself from speaking. Nahihirapan siyang sagutin ito dahil hindi niya mawari kung pangungumusta ba iyon o binabalak lang nitong sirain ang umaga niya.

"Do you still have a memory of the wolf-masked man?" paalala nito sa kanya.

Ngayon, totoo ngang makakasabay niya ang tiyahing mag-almusal noong umagang iyon. She didn't lean her back and sat still. Tila ba hindi siya makagalaw nang maayos sa paligid ng mga ito.

"Kausap ko si Senior Police Inspector Saldana noong nakaraang gabi at wala siyang ibang bukambibig kung hindi ang lalaking may maskara ng lobo. Ito ang pinagsususpetsahan nilang gumawa ng aksidente noong retirement party ng congressman," kuwento nito habang dinadampi ang table napkin sa labi. Lymareva looked at her, keeping her still. "Do you still remember him?"

"Pakisalin na ang matamis na tsaang gusto ko, please," utos ni Harika sa tagapagsilbing naghihintay sa gilid niya. Nagpanggap siyang hindi naririnig ang sinasabi ng kanyang tiyahin.

"Did you know that he pretended to save you?" Lymareva arched one brow and added, "To understand the incident, the authorities repeatedly reviewed the CCTV footage. Sa lahat ng mga taong naroroon, siya lang ang tanging hindi imbitado at walang pagkakakilanlan. Mahigpit ang security noong retirement party ng congressman, kaya nagtataka ang buong kapulisan kung paano nakapasok ang taong ito sa loob ng manor..."

"Ugh... creepy stalker," Venus responded in support to her mother.

Naalala ni Harika na noon pa man ay madalas nang nagpapakita ang lalaking ito sa kanya. Hindi niya magawang basta na lang paniwalaan ang mga kuwento ng kanyang tiyahin. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na stalker ito at pinagpaplanuhan siya nang masama dahil una sa lahat... kung may binabalak man itong hindi maganda sa kanya, he had every opportunity to either kidnap her or, worse, kill her. Pero sa lahat ng pagkakataong ito, maraming beses dito ay iniligtas nito ang buhay niya. She simply cannot accept her aunt's claims regarding the masked wolf, dahil sa bawat pagsulpot nito ay isa lang ang tanging iniiwan nito sa kanya. Isang papel na ibon.

Mahinang paghinga ang nilikha ni Harika upang bumuwelo. "Ilang buwan na matapos mangyari ang aksidente, pero ni minsan ay hindi ako kinapanayam ng kahit na sino sa mga pulis na binabanggit mo. Hindi ba importante ang statement ko? Ako ang naaksidente at biktima, auntie, bakit hindi ako ang hingan nila ng impormasyon para mas mabilis na gumulong ang imbestigasyong ito? It appears that you have taken control of this situation by suppressing everyone involved. Kaya hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinasabi mo, dahil hindi lang ito ang unang beses na hinawakan mo ang bibig ng mga taong gustong magsalita."

Lymareva slowed down. She gave Harika a taunted side-eye as she looked at her. Hindi ito agad nakapagsalita. Tila ba may bumara sa lalamunan nito na kung ano.

Harika continues, "And how about the lawyer and the consultant you spoke with recently? Ginagawa mo na ba ang lahat para sa will ni Lolo Dad? May makukuha pa ba ako sa mga manang 'to?" kaswal lang na dineretsa ni Harika ang tiyahing kausap. She pretended that they were just having a casual breakfast conversation, but she was really struggling to keep her composure and summon the courage to say it.

Maging si Venus ay hindi na maituloy ang kinakaing almusal. Gusto nitong magsalita at sumabat, ngunit hindi na ito hinayaang pagsalitain ng ina nito.

"Whatever you say..." Lymareva ceded her rebuttal, "Soon, you'll realize how much I cared about working with all of these. Kung ikaw ba ang pag-aasikasuhin ko nang lahat ng ito... makakaya mo? Ni wala ka ngang kakayanang bumasa kahit ni isang letra, paano ko pa ipauubaya ang lahat ng mga dokumentong hawak ko ngayon para sa will ni Dad?"

Harika's throat grew lumpy this time. A sudden weight pressed her chest. May punto ang tiyahin niya. Willing naman itong ibigay sa kanya ang lahat ng dokumento upang malaman niya kung ano ang mga nakasaad sa bawat pahina. Ang tanong lang, makakaya niya bang malaman kung anu-ano ang mga ito kung ang paningin niya ay dilim lang ang nakikita?

"Then don't rush things," aniya habang nagsisimula nang lumalim ang kanyang paghinga. "Makakapaghintay naman siguro ang mga dokumentong 'yan kung hindi natin mamadaliin ang mga bagay-bagay." Harika sounded unsure.

Lymareva tilted her head to her. "Maghihintay? Hanggang kailan?"

Tumikhim siya. "Hanggang sa bumalik na ang mga paningin ko—"

"Paano kung hindi na?"

Sa puntong iyon, kahit pa gustong sumabat ng tugon ni Harika ay walang salita ang gustong kumawala sa bibig niya. It shows as though it has silenced her. Hindi niya kailanman naisip na maaaring hindi na siya makakakita pa. Even though she was very positive about the possibilities, these unfavorable thoughts keep attacking her mind making that "what if" scenario very plausible.

Nawalan nang gana si Harika at nagpahatid na lamang sa maid na madalas na nag-aasikaso sa kanya sa garden area ng mansyon. Ipinaayos niya ang gazebo sa mga ito, doon niya gustong magpalipas ng oras, mag-isip at mapag-isa. Nawala na rin sa isipan niya na may inaasahan siyang tawag mula kay Waki noong umagang iyon.

She's considering these individuals and these papers... this life in front of her. Nasanay siya sa dati niyang buhay, ngunit ibang-iba na ang tinatakbo nito ngayon. Mas magulo at komplikado. As though she was seated in comfort and chaos. Ang daming nagpapagulo sa utak niya, ang dami niyang inaalala, pati na itong mga bagay na kabilang siya.

Dark thoughts immediately swam in the corner of her mind. She was missing her Lolo Dad. Hindi nito magagawang pahirapan pa siya sa mga sandaling ito, subalit iyon na ang nangyayari. Ano pa ba ang mga bagay na dapat niyang malaman? Ano pa ba ang mga tagpong dapat niyang puntahan? Ang mag-inang Sullivan ang tila nagpapakomplikado ng lahat. Kung may pinaplano man ang mga ito, siguro ay dapat na niya itong unahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro