Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3: Unsolved Rubik's Cube

Harika was drowsily lying on her bed and was staring up blankly at her room's white ceiling in silence. After finishing her research, she didn't turn off her computer yet, even her record player stopped playing, she couldn't stop thinking about Waki—even her favorite rosemary-scented candle couldn't help her to ease her mind. Nag-aalala talaga siya para sa lalaking ito. Ilang araw na kasi itong hindi pumapasok sa eskwelahan. Kahit na inikot na niya ang buong campus ay hindi niya ito nakita kung saan. He has always been on time for deadlines, never broken any rules—except for saving her if he had to. Kaya't nagtataka siya kung bakit natagalan ang hindi nito pagpasok.

As she lies awake, she was genuinely worried. Ilang gabi na rin siyang hindi pinatutulog sa pag-iisip dito. Paano nga kung nagkasakit ito noong sumugod ito sa malakas na buhos ng ulan? Dapat talaga ay hindi na lang niya tinanggap ang payong nito, ngayon ay sinisisi niya tuloy ang kanyang sarili sa hindi pagpasok nito. Nakokonsensya siya.

Naramdaman ni Harika ilang saglit pa ang pag-vibrate ng kanyang cell phone sa kanyang tabi. Slayter keeps on calling and sending her lots of messages at ni isa sa mga tawag at mensaheng ito ay hindi niya nagawang buksan upang basahin sa inis kapag maaalala niya ang nangyari sa party ni Jessica. She had no time for him. Alam niyang gusto lang nitong pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa party. But she had enough, tama na iyong nasaksihan niya sa party dahilan upang tuluyan niya na itong hiwalayan kahit pa wala silang formal closure. She cared not if they had one or none, basta sa isipan niya ay wala na sila... iyon na ang mahalaga.

Madalas pa ring mangulit si Slayter kapag nagkikita sila sa loob ng campus. Sunod nang sunod at madalas itong magmakaawa sa kanya para makipag-usap tungkol sa nangyari. But Harika wouldn't let him; he is now nothing more than a breeze through her eyes, minsan nakapupuwing ngunit hindi na malaking abala sa kanya. Kung magtatagpo man ang kanilang mga mata, tatagos na lang ito sa mga paningin ni Harika, like she forgot his existence.

"Harika, are you really okay? Kanina ka pa tulala r'yan." Lizbeth put the back of her hand to Harika's forehead. "Wala ka namang sakit at bakit para kang matamlay na hindi maintindihan," nag-aalalang saad nito.

Tama si Lizbeth, kanina pa lumilipad ang isipan ni Harika sa ere at tila ba may iniisip itong binabagabag siya. Mula sa una nilang klase hanggang sa sumapit ang hapon, tila ba tahimik siya at hindi maibigay ang kanyang buong atensyon sa guro mula sa harapan. Nakahalumbaba siya at panay ang buntong-hininga. To calm her empty mind, she is gazing out the window and observing the trees moving in the wind. Up until their final class, she exudes tiredness and anxious air. Parang napagod siya sa buong maghapon kahit pa hindi niya naman naibigay ang buo niyang atensyon sa mga klaseng pinasukan niya. Nanibago si Lizbeth sa kanya at nagpaalam na rin ito nang dumating na ang sundo nito.

"Ma'am Harika, didiretso na ho ba tayo sa mansion o may bibilhin pa ho kayo?" tanong ni Manong Liro sa kanya nang makarating siya sa parking area ng campus.

Dire-diretsong pumasok si Harika sa loob ng kotse. "Manong, alam n'yo po ba ang address ng pangalawang bahay ng mga Ishida?"

Tumango ito sa kanya. "Opo, ma'am."

Nagdesisyon si Harika na sumaglit muna sa lugar ng mga ito. She desired to pay Melanie a visit, and of course... to see how's Waki doing. Iyon naman talaga ang sadya niya at gagawin niya lang na rason ang pagsasauli ng payong nito.

Maya't maya pa rin ang tawag ni Slayter sa kanya. Hindi niya ito nakita kanina sa campus at malamang ay hindi ito pumasok ngayong araw. She wanted to block him, at kung gagawin man niya iyon... makahahanap pa rin ito ng paraan upang matawagan siya sa pagpapalit ng iba't ibang numero.

Sumaglit lang sila sa isang bakeshop at bumili ng cheesecake. Idinamay na rin nito ang pagpunta sa katabing tindahan ng mga scented candles. If Waki has nose congestion and a heavy feeling from the flu, an aromatherapy lavender candle made of wax and oils will help him, especially if he was really sick.

"Hihintayin ko na ho kayo rito sa labas, ma'am," anang driver nang makarating sila sa tapat ng mansion ng mga Ishida.

Harika got out of the car while holding her bag. "Mauna na po siguro kayo, Manong. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Jed kung sakaling abutin ako ng gabi."

"Sigurado ho kayo, ma'am?" paninigurado nito sa kanya.

Harika bowed and smiled at him. "I'll call Lolo Dad that I am here. Maraming salamat, Manong."

Sinunod na lang siya ng matandang driver at minaneho na ang kotse paalis.

Pinagmasdan muna ni Harika ang tayog at ganda ng pamamahay ng mga Ishida. A three-storey minimalist exterior design mansion. Malaki, maluwang ang front lawn na napaliligiran ng mga halaman at bulaklak, pati na ang mga makakapal na pader na nakatabing sa bawat sulok nito.

Humigpit ang hawak ni Harika sa kahon ng cheesecake na dala-dala niya at huminga bago pinindot ang doorbell sa tabi ng gate.

Sinalubong siya nang matandang babae at agad siyang pinagbuksan nito. Hindi siya nito makilala marahil ay bago pa lamang itong naninilbihan sa mga Ishida.

"Ano ang sadya nila?" kalmado nitong tanong sa kanya.

She gave the elderly woman a hesitant smile. "I am here to visit Mrs. Melanie Ishida. Harika Levantine po ang pangalan ko, pakisabi na lang po na naririto ako."

Tumango ang matanda sa kanya at muling bumalik sa loob ng bahay at nagmamadaling binalikan siya na naghihintay sa gate.

"Tuloy ka, hija. Gustung-gusto kang makita ni Ma'am Melanie. Nabuhayan siya bigla nang banggitin ko ang pangalan mo. Halika, pumasok ka." Ala-alalay ng matanda ang likuran ni Harika. She ushered her inside.

"Harika, you're really here!" Hindi magkamayaw ang saya ni Melanie sa pagbisita ni Harika nang magkatagpo sila sa foyer ng mansion.

Agad na lumapit siya sa babaeng nakaupo sa wheelchair na abot-abot ang saya sa mukha matapos ang muli nilang pagkikita.

"Yes po, Tita Melanie." Harika then kissed her cheeks.

Agad na ginagap ni Melanie ang mga kamay niya. "Napadalaw ka, hija?"

Tinanggap nito ang cheesecake na binili niya kanina at kapuwa sila nagtungo sa malawak na living room.

"Kukumustahin ko lang po kayo, Tita. Isa pa, biyernes naman po ngayon at napag-isipan ko pong sumaglit at dumaan muna rito."

Melanie offered Harika a seat and a glass of water to drink. Patuloy na pinaiikot nito ang mga gulong ng wheelchair para makalapit kay Harika at tabihan ito sa malambot na couch.

"Mabuti naman ako, hija. Ikaw, kumusta ka? Kumusta kayo ni Congressman Levantine?"

Harika smiled cheekily. "We're fine, Tita Melanie. Medyo busy lang po ngayon si Lolo Dad sa dami ng trabaho. But he never fail to catch up with me if he has spare time."

Palinga-linga si Harika habang nag-uusap silang dalawa ni Melanie sa living room. She's trying to spot someone inside the house and it's probably Waki. Natamaan din ng kanyang mga mata ang malaking litrato ng yumaong si Joseph Ishida sa dingding mula sa itaas ng fireplace firebox.

"Kumain ka na ba? If not, I want you to have dinner with us tonight. Nakapagpaalam ka na ba sa congressman na naririto ka?"

"I texted him earlier before I got here. Hindi pa lang po ako nakatatanggap ng reply mula sa kanya at mukhang papayag naman po 'yon since I am here with you."

"The congressman will never get mad at you. Mahal na mahal ka kaya no'n. I know he loved you more than himself. Ganyang-ganyan din ang trato niya kay Helen dati noong nabubuhay pa ito. I am so sorry for bringing up your mother, it's just... she's reminding me of you. Parehas kayong napakaganda at napakabait," Melanie said with a nostalgic smile.

Harika just smiled.

Helen and Melanie were great friends a good while back. Magkaklase ang mga ito simula high school hanggang kolehiyo, kaya't kapag nakikita ni Melanie si Harika ay naaalala talaga nito ang matalik na kaibigang si Helen sa kanya.

Matapos ang maikling kumustahan ay nagpaalam si Harika rito na gagamit lang siya saglit ng banyo.

"Feel at home, hija. Aasikasuhin ko lang ang mga ihahain mamaya para sa dinner. Kung may kailangan ka, nasa kusina lang ako," wika nito at hinimas pa ang pisngi niya bago muling umupo sa wheelchair at nagtungo sa kusina upang manduhan ang mga helper doon.

Hinanap ni Harika ang comfort room. Hindi niya masyadong kabisado ang buong lugar marahil ay iyon ang pangalawang mansion ng mga Ishida bukod sa una na palagi niyang napupuntahan. She doesn't want to interrupt anyone by asking where the restroom is, so she goes looking for it herself.

Mula sa una niyang comfort room na nakita ay may karatula itong sira saka siya naghanap pa ng iba, hanggang sa inakyat niya ang staircase at nakarating sa itaas. Nakahanap siya roon ng comfort room. Komportable naman siya sa pagpanhik niya. Nadaanan niya rin ang ilang pinto ng mga kuwarto mula roon bago siya nakapasok para gumamit ng palikuran.

Naghugas siya ng kamay at inayos ang sarili pati na ang uniporme niyang suot, matapos no'n ay agad na siyang lumabas. Mula sa dulong parte ng ikalawang palapag ng bahay ay nakita niya ang isang pinto na nakabukas ng bahagya—nakaawang ito ng kaunti. Dadaanan lang sana niya ito nang makita niya mula sa loob ang isang lalaking walang damit pang-itaas. She noticed his chiseled shirtless back. She paused for a moment, despite her desire to move her feet and walk away... Harika was unable to move her feet, as if someone wanted her to see who was inside the room. Natunghayan niya ang lapad ng likod ng lalaking ito habang nagbibihis. Pamilyar ang ayos ng buhok nito para sa kanya, pati na ang hugis at built ng katawan.

Nang dahan-dahan itong lumingon sa gawi niya ay agad siyang napagalaw at nagtago saka napasandal sa pader. Tama ang pagkapamilyar niya sa lalaking ito.

It's Waki.

"Kuya Jed, may nakalimutan ka ba?" sambit nito mula sa loob.

Harika attempted to disappear like a shadow and rush downstairs... Waki, however, cut her off, "Harika?"

Natigilan siyang nakatalikod mula rito. When he called her name, she was taken aback. She then awkwardly turned her head and smiled at him. Nakadungaw na ito mula sa frame ng pinto.

"What are you doing here?" Saka ito tuluyang lumabas at nakasuot na ng damit.

Harika grinned as she lowered her eyes. "Uhm, gumamit ako ng banyo rito and I visited Tita Melanie. Sira kasi 'yong comfort room ninyo sa baba kaya rito ako nagpunta para makigamit," she tensely said.

Nang mag-angat ng tingin si Harika rito ay tumambad dito ang maamong ngiti ni Waki. A kind of smile that would brighten up the whole place. Halos pumikit na ang singkit na mga mata nito sa pag-ngiting iyon. Iyon talaga ang mas lalong nakapagpapalakas ng dating sa rito, ang mga ngiti nitong nakahahawa kapag nasilayan siya.

His presence was always radiant.

Harika then heard Waki sniffed and realized he really had a congested nose. Makapal din ang suot-suot nitong damit panlaban sa lamig.

"I was right, you're sick," she said.

"I'm recovering now. Sipon na lang ito," Waki told her.

Sinamaan ni Harika nang tingin si Waki. "Bakit ka ba kasi sumugod sa ulanan last time? Baka mamaya sisihin mo pa ako sa pagpapahiram mo ng payong sa akin. Look at you..." She seemed worried.

"Why would I blame you? Ako ang nag-offer na ipahiram iyon dahil alam kong marami ka pang dapat tapusin na paperwork noong gabing 'yon. Isa pa, mas kailangan mo ang payong ko kumpara sa akin," he said, with a pure smile in his lips. "And don't you worry about me, magaling na ako at papasok na ako sa lunes." Waki raised his brows to relieve her worry.

Nakahinga nang maluwag si Harika nang marinig niyang papasok na muli si Waki.

"I'm sorry about earlier. I didn't mean to see you changing inside your room. Madalas mo bang iniiwan ang pinto ng kuwarto mong nakabukas?"

Waki's brows knitted. "Wait... did you see my butt?" he asked her, giggling.

Harika reacted, "What? Of course not!" Umismid ito.

"I thought you saw it. I was changing my clothes. I didn't mean to let my door open, isa pa, wala namang gaanong nagpupunta rito sa second floor kung hindi ako at ang kuya ko lang. My mom can't make it here and we all know that." And then he laughed.

Harika smiled as she rolled her eyes at the thought.

"Ano pa lang sadya mo rito? Dinalaw mo lang si mom?"

Bahagyang lumapit si Harika at may kinuha sa maliit niyang bag.

"Here."

Kumunot ang noo ni Waki nang makita niya ang maliit na box ng scented candle.

"What is that?"

"It's a lavender-scented candle that will relieve congestion. Mabango ito at tiyak magugustuhan mo ang amoy. No doubt." Saka niya rin ibinalik ang payong na pinahiram nito.

"Oh, thank you for this." Kinuha nito iyon mula kay Harika. "Sakto at tuluyan na talaga akong gagaling this weekend dahil dito. Halika, pumasok ka muna sa kuwarto ko... may ibibigay ako sa 'yo."

Harika had not expected to receive anything in return from Waki.

Sumunod siya rito papasok sa loob ng kuwarto nito. Unlike any other boy's room, Waki has different room from them. Malinis at maganda ang buong kuwarto nito, nakasalansan at nakaayos ang lahat ng gamit including his gaming setup and book shelves. May ilang halaman din doon na nakatanim sa mga paso. It's something uncommon for a guy like him, it's true that he's very neat, tidy and organized.

Nilingon ni Harika ang malaking origami na napukaw ang kanyang pansin mula sa sulok ng kuwarto ni Waki, selyado iyon mula sa loob ng babasaging kahon. It's a huge 3D winged swan.

Itinuro niya iyon. "Ikaw ang gumawa ng origami na iyon?"

Waki averted his eyes from the boxed origami. "Uhm, yes, mom and I made it back then. She taught me to make one. Maganda ba?"

Tumango si Harika sa kanya at ngumiti.

"By the way, I have a vinyl CD here. It has lists of classic instrumental sound in it. Alam ko naman na noon pa lang ay mahilig ka nang mangolekta ng mga vinyl CDs, especially 'yong mga instrumental sound lang."

Hindi inaasahan ni Harika na alam ni Waki ang tungkol sa bagay na iyon at ikinatutuwa niyang tatanggapin iyon. Namangha siya mula sa cover box ng vinyl, luma na ang dating nito at mas naa-appreciate niya iyong ganoon. She thanked him for it.

Ilang saglit pa ay dinampot ni Harika ang rubik's cube na nakapatong sa study table ni Waki. "Hindi mo pa rin nabubuo ito hanggang ngayon?"

Waki released a muffled laugh. "I don't know why I couldn't solve it." He's shaking his head.

"How come you didn't look up some tutorials and solutions on the internet? Maraming ways and tricks doon sa pag-solve ng rubik's cube."

"Ayokong manood ng kung anong techniques sa internet. I want to solve it on my own."

Tumango-tango si Harika. "Kailan ka pa pala nahilig sa pagbuo ng rubik's cube? Seems you're not a kind of person who's interested in this. Parang palagi kang focus lang sa school at sa mga laro mo sa computer."

"Bagong pagkakaabalahan, I guess? I don't know. It was already shuffled when it was just delivered to me by someone." He shrugged.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro