23: Whatever Flows, Flows
"Ma'am Harika, nakakainggit naman ho kayo at isasama kayo ni Sir Waki magbakasyon sa Cascade. Alam ninyo ho ba na iyon ang pinakamagandang talon dito sa Windercoln bukod sa mga beach resort na ipinagmamalaki ng lugar natin?"
Napapangiti si Harika na nakaharap sa isang banda habang nagkukuwento ang helper na madalas siyang asikasuhin. Kasalukuyang nitong iniimpake ang mga damit niya at ilang skin products na inilalagay niya sa kanyang balat. Dinadamitan na rin siya nito at inihahanda ang mga importanteng bagay na maaari niyang gamitin sa naturang bakasyong iyon.
"Handa ka na, Harika?"
Nang marinig niya ang boses ni Waki ay agad siyang napatayo mula sa kamang kinauupuan niya at tumango rito. Pinasalamatan niya rin ang helper na tinulungan siyang mag-impake habang dala ang kuwento nitong ilang mga bagay papunta sa Cascade dahil ang huling natatandaan nito noong nagpunta ito sa lugar na iyon ay ang malakas na lagaslas ng tubig na bumabagsak sa talon pati na ang lamig ng tubig na humahalo sa amoy ng kagubatang kasakop ng lugar.
"Mag-iingat ho kayo, Sir Waki," pagpapaalam ng matandang helper nang makasakay sila sa loob ng kotse.
"Maraming salamat, manang. Pakisabi kay mom 'pag uwi niya na magbabakasyon ako ng ilang araw sa Cascade..." bumaling ito sa kanya, "kasama si Harika. Tatawagan ko na lang siya kapag nakarating na kami roon."
Hindi maglaho ang ngiti na kanina pa namumutawi sa mga labi ni Harika. This is the sensation she has always desired since she lost her sight, the same emotion she has been experiencing and loving in the past, especially at times when everything is still well. Kung magtutuloy-tuloy ang sayang nararamdaman niya noong mga oras na 'yon kasama si Waki hanggang sa makarating siya ng Cascade, natitiyak na ang kapanatagan ng kanyang kalooban.
"Waki, ilang oras ba ang biyahe patungong Cascade?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho nito.
"I would say 2 to 3 hours. I estimate it will take us more than three hours if we take the scenic route." Sumulyap ito sa kanya. "Gusto mo bang dumaan tayo sa rutang iyon?"
Without looking at him directly, Harika turned her head. "If that will perfectly cap off this trip, then I have no choice but to agree on that." Mahina siyang ngumisi.
"Maganda ang daang iyon, Harika. I can still picture my father taking me there going to the congressman's vineyard. The Levantines' possessions still have me dazed as of right now. Parang halos lahat na yata ng magaganda lugar dito sa Windercoln ay pagmamay-ari ninyo."
Harika quickly came to the realization of what was going on. Does she know they formerly had a vineyard? Wala siyang matandaan. Kung hindi pa nabanggit ni Waki na mayroon pala silang ganoong uri ng property, tiyak ay clueless pa rin siya kung gaano talaga karami ang ari-ariang mayroon ang pamilya nila.
She sat properly and agreed to Waki as if she wasn't surprised. The more intriguing aspect of this portion is that he was more aware of it than she was. Ano pa ba ang nalalaman ni Waki na hindi niya alam tungkol sa pag-aari ng kanilang pamilya?
Nakaidlip si Harika nang halos balutin ang buong kotse ng katahimikan. Dagdag pa ang mga acoustic na kantang nagmumula sa radyo. Nagising na lang siya nang biglang huminto ang kotse at nahila siya mula sa pagkakasandal.
"Pasensya na. Nagising ba kita?"
Umiling si Harika. "Malapit na ba tayo?"
"Nasa scenic road pa lang tayo. Kung makikita mo lang sana ang mga lugar at tanawin na madaraanan natin, tiyak magugustuhan mo ang kalsadang magkasama nating tatahakin."
Harika held on her seatbelt. "Ilarawan mo sa akin ang lahat ng tanawing makikita mo habang nagmamaneho. Makikinig ako..."
Gaya nang gustong mangyari ni Harika, habang nagmamaneho ay isa-isa nang inilalarawan ni Waki ang mga tanawing napagmamasdan niya. She's free to decide how she will assign each view's adjectives and descriptions. Ang mahalaga ay kung paano ang paglalarawan ni Waki sa naggagandahang mga tanawing ito.
"In your left, we're currently passing a roadside attraction on this route and there's a massive rock formation stands motionless in the sands. Sa iyong harapan naman ay mapagmamasdan ang lapad ng kalsada habang matatanaw mo ang mga bulubundukin sa pinakadulong bahagi nito. Kung nakakita ka na ng mga optical road illusion, halos ganoon ang hitsura niyon sa reyalidad. Sa iyong kanan, makikita mo naman ang kahabaan ng mga pine tree..." binuksan ni Waki ang bintana ng kotse at pumasok agad ang malakas na ihip ng hangin sa loob, "at ang halimuyak ng mga punong ito ay iyong malalanghap."
Napapikit si Harika, nilanghap ang sariwang hanging iyon. She's picturing all of it. Lalo na kung paano inilalarawan ni Waki ang lahat sa kanya, pati na ang tono ng boses nitong napaka-masculine... tila ba madali lang siyang napapaniwala ng mga paglalarawang iyon.
"Wear this."
Bumaling si Harika hindi diretso sa gawi ni Waki at dinampot ang kamay niya saka may inilagay na bagay sa kanyang palad.
"Ano 'to?"
Sinuot ni Waki ang itim na sunglasses nito. "Nakakasilaw ang liwanag ng araw dahil sa maaliwalas na langit."
Kahit hindi naman matitinag ang mga mata ni Harika sa sinag ng araw ay nagawa pa rin niyang suotin ang sunglasses na iyon. For what? She thinks it's for the experience.
Mabilis ang pagmamaneho ni Waki marahil ay wala naman silang gaanong kasabay sa kalsadang iyon. What a scene out of a movie it was for Harika, especially with the breeze in her hair and the serenity she felt that early afternoon.
Sa kasunod na bayan na nadaraanan nila, hindi pa rin nagkulang si Waki na sabihin kung ano ang eksaktong nakikita ng mga mata nito. Nagpapatuloy pa rin nitong ilarawan ang lahat para kay Harika na tila isa itong narrator sa kayang tabi. The full experience of that trip was very memorable to her already. Pinagpapasalamat niya rito ang lahat, dahil sa kabila ng mga mata niyang dilim lang ang nakikita, nagagawa pa rin niyang ma-imagine ang mga dapat sana niyang makita.
Nang makarating sila sa isang maliit na baryo ay agad na naghanap si Waki ng residential inn na matutuluyan nila para sa gabing iyon. Malayo sa mga hotel ang Cascade at hindi lang naman ito ang tangi nilang pupuntahan, marami pa silang lugar na gustong mapuntahan bukod sa napakaganda talong iyon.
Dalawang kilometrong forest hiking ang haba na kanilang lalakbayin bago makarating sa mismong talon. Kahit hindi i-describe sa kanya ni Waki ang paligid, ramdam at nadidinig niya ang kagubatang kasalukuyan nilang tinutumbok. She had no trouble picturing everything thanks to the chirping of the insects and birds and the rustling of the dry leaves, especially the scent of the trees and the rain soaked ground beneath her feet. She celebrated everything visually with her eyes closed, through Waki's words, through his embracing presence and through every sounds he makes. He spoke about every single detail—even the tiny flowers growing on the concrete.
Sariwang-sariwa sa pakiramdam niya ang kagubatang iyon. She's making each step count, with the help of Waki's arm and the tour guide in front of them. May ilan din silang kasamang mga turista noong hapong iyon kaya'y mas maganda ang experience nila.
"Here's my water jug..." iniabot ito ni Waki sa kanya. "Uminom ka muna at magsabi ka lang kung masakit na ang paa mo sa paglalakad. I am willing to carry you on my back."
Napangiti si Harika sa sinabi nito, ngunit noong mga oras na iyon, masaya siyang maglakad nang maglakad hanggang sa marating nila ang mismong talon.
They finally stopped and arrived at the Cascade after an hour-long journey that included numerous stops as they traversed some steeper terrain.
"Nandito na tayo," Waki softly said beside her.
Tahimik lang si Harika. Pinakikiramdaman niya ang paligid. She was expecting too much, but it didn't live up to her expectation; in fact, it was very different from how she had imagined it. Mahina ang lagaslas ng tubig mula sa talon, hindi iyon nakaka-engganyo gaya ng inaasahan niya.
Lulusong na sana si Waki upang imbitahan siyang samahan ito, subalit nanatiling nakatayo lang si Harika habang pinakikiramdaman ang kapaligiran. She felt trapped, as if it diminished the joy she should be experiencing right now.
"May problema ba?" anito, nag-aalalang nakatingin sa kanya.
Nasapo niya ang kanang tainga niya. "Ito na ba ang Cascade na sinasabi mo?" walang emosyon niyang tanong.
"Yes. We're here." Naglakad pabalik sa kanya si Waki saka bahagyang hinawakan ang kamay niya. "What's the matter?"
Tila ba nag-iba ang ihip ng hangin simula nang makarating sila roon. Gusto ni Harika na bumalik na agad sa inn at magpahinga. She no longer seems to be having fun. Maging si Waki ay hindi alam kung bakit ganoon-ganoon na lang siya bigla.
"Bumalik na tayo kung gusto mo." He took their things while leaving the Cascade. Ang mga turistang kasama nila ay lumusong na, sila na lang ang naiwan 'di kalayuan.
Ilang saglit lang ay naupo si Harika sa katabing bato sa gilid habang alaalalay siya ni Waki. "Worry not. Go enjoy yourself. Parang sumama lang bigla ang pakiramdam ko nang makarating tayo rito." The expressionless look on her face says it all.
Paano pa magagawang mag-enjoy ni Waki kung naging ganoon ang asal niya bigla. When she got in the car, she seemed amazingly excited, but it seems like she's lost interest in everything now.
Tinabihan na lang siya ni Waki sa malaking batong iyon, hindi rin nito magawang magsaya kung wala siya at kung ganoon na ang inaasal niya. Pinanonood na lang nito ang mga kasamang turista na naliligo, samantalang si Harika ay wala pa ring kaimik-imik nang dumating sila.
Kahit noong dapit-hapong nakabalik sila ng inn, nanatili pa ring hindi kumikibo si Harika. Kapagkuwan ay napansin ni Waki na umiiyak siya sa sulok na buong akala nito ay nagpapahinga lamang siya.
"Harika... are you crying?" He approached and sat beside her.
She shook her head and quickly wiped away her tears.
"Gusto mong iimpake ko na ang mga gamit? I'll return the keys of this inn and get the car ready. Umuwi na tayo kung hindi ka na komportable sa lugar na 'to."
"Did I juggle everything? Did I ruin this vacation and waste your time?"
Naramdaman niya si Waki sa gilid niya. "No. Of course not. What were you thinking this time? Kanina hindi ka naman ganyan. I am not a psychic, so I cannot know everything that is going through your mind. Kung may problema, sabihin mo... hindi 'yong parang kailangan kong hulaan ang lahat nang nangyayari sa 'yo. Minsan, Harika, hindi na kita maintindihan..."
Alam niyang sumama ang loob nito sa kanya. Ano ba kasi ang nangyayari sa kanya? Maging siya ay hindi na rin niya maintindihan ang sarili minsan.
Sa kabila ng mga inasal niya kay Waki ay hindi pa rin siya nito pinabayaan. He brought her a dinner, hindi nga lang sila nagsabay kumain. Buong gabi ring wala sa loob ng kuwarto si Waki, kahit na gusto lang ni Harika na hayaan ito, mayroon pa ring mga segundo na hinahanap-hanap niya ito.
She tried to leave the room with her walking stick in hand. Nakaamoy siya ng usok ng sigarilyo nang makarating siya sa lounge area ng inn.
"Naninigarilyo ka pala?" tanong ni Harika. She sat close to him, first reaching for his hand.
Napatingin si Waki sa kanya saka pinatay ang baga ng sigarilyong kanina pa nito hinihithit. "I used to smoke in situations where I lack control. Kalimutan mo na ang mga nasabi ko kanina. Bukas na bukas aalis na tayo rito," matabang nitong saad.
Yumukod si Harika, she felt a little guilt to herself. "I'm really sorry Waki... for acting selfish and moody a while ago. Naalala ko lang si Lolo Dad kanina, pati na ang nangyari dito sa mga mata ko. Siguro nga ay kailangan ko nang masanay, matatanggap ko na rin sigurong hindi na ako makakakita pa kailanman."
If she had offended Waki earlier, her concern at the time was for his feelings, and she wished to sincerely apologize for ruining this vacation. Every time she thinks about the congressman and the vision she lost as a result of the accident, she simply gets triggered. For her, it occasionally turned emotionally abusive.
"Giving up on getting your sight back won't help. Just have a little faith that you will soon experience daylight again. And you must now carry on with your life. I am willing to serve as your eyes and I can make you see everything through my words until you fear no pain... and whatever flows, flows."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro