Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22: Away From Here

Natapos ang halos kalahating oras ng check up ni Harika kay Dr. Yetter. He claimed that she was becoming better and better in every of their meetings. Mas gumanda na ang pangangatawan niya at kapansin-pansin iyon lalo na ang mindset niyang may malaking ipinagbago, kahit wala pang naging improvement ang kanyang mga mata ay positibo pa rin siya na magiging maayos din ang lahat.

Naibahagi niya rin kay Dr. Yetter na nagkaroon siya ng napakagandang panaginip, dahil sa panaginip na iyon ay nakakakita siya at mayroong paningin upang mapagmasdan ang kapaligiran. Isn't it an indication that the improvement of her sight was progressing? She's just thinking positively to every possibilities.

Inihatid siya ni Manong Liro pabalik sa mansion ng mga Ishida, ngunit habang nasa daan ay nag-request si Harika na dumaan muna sila sa isang ice cream shop at i-treat ang matandang driver.

She ordered a gelato while Manong Liro picked a vanilla soft serve.

"Manong, kumusta na kayo?" tanong niya, magkatapat silang nakaupo habang nakapagitan sa kanila ang mesa.

"Ayos lang naman ho, ma'am..."

Simula nang mapadpad si Harika sa mansyon ng mga Ishida, hindi na niya gaanong nakakasalamuha ang matandang driver. Waki generally gives her a ride to every appointment she has, whether she's seeing Dr. Yetter or heading somewhere else.

"Manong, kung gusto n'yong magbakasyon ay magsabi lang kayo. Kahit anong oras ay puwede," aniya at ngumiti na hindi direktang nakaharap sa matanda.

Umiling ito. "Hindi ko pa ho kailangan ng bakasyon. Ayokong hindi kayo mapuntahan agad kapag kinailangan ninyo ako. Lalo na sa panahon ngayon," anang matanda at halos nag-aalala.

"Nasa mansyon lang ako ng mga Ishida, manong. Ligtas ako roon at hindi n'yo na ako kailangang alalahanin pa. Halos tatlong taon na kayong walang bakasyon, gusto ko lang na umuwi kayo sa probinsya upang makasama ang mga kamag-anak ninyo."

"Hindi ho maaari, ma'am. Nangako ho ako kay Congressman Levantine na kahit na ano'ng mangyari, dapat ay nasa tabi n'yo lang ako ano mang oras ninyo ako kailanganin. Huwag na ho ninyong isipin ang mga kamag-anak ko sa probinsya, madalas ko silang tinatawagan at kinukumusta."

Up until this day, the old driver's family has benefited greatly from his commitment to the Levantines. Dalawang dekada na itong personal driver ni Constancio Levantine, at nang ipinanganak si Harika... ipinagkatiwala na ito sa kanya simula sa unang araw niya sa eskwelahan. Maasahan, madiskarte at maingat kasi ang matandang driver kaya naman ay malaki ang tiwala ni Constancio na ito ang magmamaneho sa bawat oras na magkasama sila ng butihing apo.

Naiintindihan naman ni Harika ang gustong mangyari ng matanda, hindi niya ito pinaghigpitan kailanman... minsan lang ay naaawa siya rito dahil napakapasensiyoso nito at sa matapat nitong serbisyo sa pamilya nila. She wished to provide him with a well-deserved vacation.

Nang makahalati na ni Harika ang kanyang gelato ay saka siya muling nagtanong, "Ang mansyon, manong, kumusta na? Doon pa rin ba kayo tumutuloy?"

"Isang linggo simula noong lumipat kayo sa maliit na unit, nagdesisyon ang mag-inang Sullivan na paalisin na rin ako sa mansyon. Ang huli kong natatandaan ay pinagbakasyon rin nila ng ilang buwan si Headmaid Alice upang masolo ng mag-ina ang buong mansyon kasama ng mga bagong tanggap na tagapagsilbi."

Parang nagpantig ang tainga ni Harika sa narinig, nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Ano?! Pinaalis nila kayo sa mansyon at pinagbakasyon si Nana Alice?" she exclaimed in a hushed voice, her teeth clenched.

Natahimik ang matanda at nagsising nabanggit nito ang bagay na iyon kay Harika. Dapat ay hindi na ito nagsalita, nahihirapan din kasi itong magsinungaling lalo pa't mabait na tao si Harika para pagsinungalingan.

"This cannot be happening. Kung hindi lang sana ako nawalan ng paningin ay maiaayos ko ang lahat. Hindi tama ang ginagawa ni Aunt Lymareva na panghimasukan na lang nang ganoon ang mansyon. Kung nabubuhay lang si Lolo Dad, hindi ganito ang magiging sitwasyon."

After the congressman's death, she had the impression that everything was crumbling. Paano niya magagawang maibalik ang lahat sa dati kung ang unang pinakahihintay niyang bumalik na paningin ay hindi niya pa muna matamasa?

✦❘༻༺❘✦

Hapon na at hindi pa rin magawang lumabas ni Harika sa guest room. Hinatiran na lamang siya ng mga helper ng makakain sa loob. She has no desire to move from one location to another, marahil ay binabagabag pa rin siya ng mga bagay na nalaman tungkol kay Manong Liro.

When things are getting better, there's always something that will ruin it. Hindi niya magawang maging masaya nang tuloy-tuloy, palagi na lang may sumisira sa kasiyahang iyon. Kung kailan nagiging positibo na siya sa mga bagay-bagay, saka naman may panirang paiiralin ang isipan niyang humugot ulit sa mga negatibo.

Kinabukasan ay pinilit ni Harika na ang araw na darating sa kanya ay masaya. She focused on getting some peace of mind. Na dapat ay hindi siya magpapadala sa nabanggit sa kanya ng matandang driver. Uunti-untiin niyang iayos ulit ang lahat, gagawa siya ng paraan at paiiralin niya ang mahabang pisi ng kanyang pasensya. She is aware that her depression and anxiety would follow if she has a tendency to focus on the negative parts of the situation.

Sa gitna ng tahimik niyang umaga, napapitlag siya nang maulinigan ang pamilyar na tunog na nanggagaling sa piano. It was solemnly comforting to her ears and touched her heart not until the sound became round and dark yet rich which gave her the same sinister feeling seeing this masked wolf. Naalala niya bigla ang misteryosong lalaking ito na tumutugtog ng kaparehas na piyesang narinig na niya noon mula rito. Hindi lang siya sigurado kung nakita niya nga ba talaga ito o isa sa mga panaginip na bumabagabag sa kanya noon.

Agad siyang napatayo at lumabas ng guest room upang tiyakin ang bagay na iyon.

Napalingon si Waki sa paglabas niya at tumigil ito sa pagtugtog, muntikan pang matisod si Harika sa pagmamadali hawak ang kanyang stick.

"Harika, what's the matter?"

May malaking pagtataka sa mukha ni Harika, kapansin-pansin ito mula sa kanya dahil sa nakakunot na noo.

"Waki... sino ang tumutugtog ng piano?" tanong niya habang hinahanap kung saan niya huling narinig ang tunog.

"It was me. I am playing a piece Kuya Jed taught me before." Tumayo si Waki sa upuan kaharap ang grand piano at nagtungo kay Harika. "Halika, pakinggan mo akong tumugtog."

Mas lumaki ang pagtataka niya sa sinabi nito. "Kailan ka pa natutong tumugtog ng piano? I didn't know you can play..."

Waki chuckled softly. "Because I don't play in front of people. Hindi ko talaga gusto ang tumugtog ng piano noon, pinilit lang ako ni kuya dahil ito ang paboritong instrumento ni Dad. And only mom hears me play... and now you," he continued, inviting her into a seat next to the grand piano.

Kahit ganoon sila nagkakasama ni Waki noon, tila ba marami pa siyang hindi alam tungkol dito. If Jed were to be compared to him, she would really be more familiar with his brother than he is. Isang bagay rin na umuukilkil sa utak niya kung paano itinugtog ni Waki ang naturang piyesa, tila ba pianist ito kung maituturing. Although she doesn't deny that he's capable of doing so, yet it's still hard for her to believe.

Ilang piyesa ang itinugtog sa kanya ni Waki, nakikinig lang siya, nakapikit at namamangha. Nagiging natural ang mga ngiti niya habang inaalayan siya nito ng mga plakadong piyesa. She would be so damn impressed if she could only see how he pressed the piano tiles with such enthusiasm.

Habang tinutugtog ni Waki ang huling piyesang alam nito, sa mga nakasaradong mata ni Harika ay pinaglaruan siya bigla ng mga eksenang binabagabag siya noon pa man; ang pormal na kasuotan ng lalaking may maskara ng lobo, ang mga tindig nito sa malayo habang pinagmamasdan siya, ang pamilyar na amoy nito na binibigyan siya ng parehong pangamba at ang naipon niyang papel na ibon na nakukuha niya sa tuwing magpapakita ito sa kanya. Kung sino man ang taong ito na pinaglalaruan at tinatakot siya, sana ay alam nitong epektibo ang mga ginagawa nito sa kanya. Kung may nais man itong ipahiwatig, bakit magpahanggang-ngayon ay clueless pa rin siya sa lahat?

"Harika? Harika..."

Nawala ang mga eksenang nakikita ng kanyang mga nakasaradong mata nang tapikin siya ni Waki sa balikat. Napadilat siya at parehong dilim pa rin ang bumungad sa kanya.

"Okay ka lang ba talaga? If you don't feel well today, I'll walk you back to your room. Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?"

"I'm fine, Waki, just remember someone..."

Diretsong nakatitig si Waki sa mga mata ni Harika. "Naaalala mo ba ang congressman?"

Nagpanggap na lamang si Harika na ito nga ang naalala niya habang tumutugtog si Waki kanina. Upang hindi na nila mapag-usapan pa ang tungkol dito, iniba na lang niya ang usapan nila.

Lunes noong umagang iyon, nagsabay silang mag-almusal ni Waki. Naninibago pa rin si Harika dahil wala pa rin si Melanie na madalas nitong makasabay kumain.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Harika habang hinahainan siya ng helper.

Bumaling sa kanya si Waki na abala sa paglalagay ng mainit na tsaa sa baso niya. "I took a week leave."

Harika frowned. "Nag-leave ka? Para saan? Magbabakasyon ka ba?"

Napangiti ito at itinama siya, "Tayo, magbabakasyon tayo..."

"Tayo? Magbabakasyon? May dapat ba tayong i-celebrate?"

"Wala tayong dapat na i-celebrate, pero mahabang bakasyon dapat ay meron tayo. I take this kind of long vacation for myself every year, and while you're still here, I'd like you to join me." Iginapang ni Waki ang kamay nito at ipinatong sa likod ng kamay ni Harika. It almost lit the fuse within her.

"Hindi ba ako magiging abala sa plano mong bakasyon ngayong taon? You know, you're like babysitting a blind woman," she joked around as she laughed.

"Paano magiging abala 'yong taong numero unong dahilan kung bakit matutuloy ang planong ito? Just so you know, Harika, I am thinking of postponing this vacation this year, and you're the reason for me to turn it right around."

Kinilig nang kaunti si Harika sa sinabi nito. Alam niyang sa mga salitang naririnig niya kay Waki na espesyal siya rito. Bata pa lamang sila, mayroon na silang parehong nararamdaman at koneksyon para sa isa't isa... kung bakit ay hindi matuloy-tuloy ay dahil napupurnada sa mga bagay na hindi nila kontrolado. Ngayong halos wala nang nagiging balakid, matutuloy na kaya iyong mga bagay na dapat noon pa man ay nangyari na?

Habang abala sila sa pagkain, nagtanong muli si Harika, "Saan mo pala balak magpunta?"

"Anywhere... away from here," he answered. "Kahit saan basta ikaw ang kasama."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro