Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15: A Thousand Paper Cranes

Sa mga sumunod na araw ay mas naging komportable na si Harika sa mansyon ng mga Ishida. Melanie used to accompany her around when Waki was away at work, especially in the garden, where they enjoyed watering the plants. Mas nalibang na rin siya dahil may mga tao na siyang nakakausap at nakakasalamuha. Iba pa rin sa pakiramdam na may mga taong nakapaligid na kilala niya kumpara sa araw-araw na mag-isa siya noon. She used to overthought everything because of the isolation and imposing silence she's been living alone in her unit.

When days become a week of staying at the Ishidas' mansion, Harika felt like it was enough and she should leave. Kahit pa minsan nang muli siyang nasanay—lalo na sa alagang ipinararamdam sa kanya ni Waki ay mas napalagay muli ang loob niya rito, mas lumalim ang bawat usapan nila habang inaalala ang mga masasayang nakaraan nila noong mga bata pa sila. Mula sa eskwelahan na kapuwa nila pinasukan, mga naglalakihang okasyon na ang bawat pamilya nila'y dinaluhan, mga pangyayaring naganap na hindi nila malilimutan... lahat pa rin ng mga iyon ay nakatatak sa kanila at patuloy na mananatili sa kanilang mga puso.

Waki also revealed to Harika that he already made six boxes of paper cranes, and since each box contains one hundred paper cranes, he needs to make four hundred more.

"Waki, seryoso ka talaga sa one thousand paper cranes, ano?" tanong ni Harika mula sa couch. Kapuwa sila nasa kuwarto ni Waki habang nagpapalipas ng oras noong weekend na iyon.

Napatingin ito sa kanya. "Uhm, yes..." He arranged the boxes in front of her. "Since nasimulan ko na ito nitong mga nakaraang buwan, I have no choice but to continue and finish it. And one more thing, I find folding papers as stress reliever these past weeks... so I don't care about if I will be granting a special wish by the Gods or not." He then chuckled.

Napangiti si Harika rito. "What I adored the most about you by doing this was your effort. Sa lahat ng lalaking nakilala ko—bukod kay Lolo Dad, ikaw iyong kaisa-isang taong naninindigan talaga sa isang bagay."

Little did Harika know Waki was staring at her with such admiration in his eyes. It was always the best time for him when Harika said something that made his heart pound. Masaya ito, lalo na sa mga saglit kagaya ng sandaling mayroon sila ngayon.

"Don't ruin that ancient tradition. Wala namang mawawala kung susubukan. And since you did most half of it... I'm pretty sure you're in the verge of making a thousand of it." Harika slid through the couch and sat on the carpeted floor searching for the boxes. "Maybe I could help you when I am still here."

Sumibol ang tuwa kay Waki. "That's a great idea! I'll teach you how to fold and make one," he said with a smile.

"Just bare with me. Maybe I could help you with it or I'll probably mess everything up." Harika softly chuckled. "Alam mo namang kakapain ko lang ang mga papel. Hayaan mo, magaling akong mapamilyar sa isang bagay... once na nasubukan ko at natandaan ang proseso, for sure makukuha ko rin kahit nakapikit pa ako," she joked around that made them laugh in unison.

"Of course you can do it! Gusto mo bang turuan na kita ngayon?"

Tumango si Harika at tila na-excite dahil medyo interesado rin siya kung paano gumawa ng paper crane. And then Waki took the origami papers. Wala nang gaanong aalalahanin si Harika dahil sukat na ang mga papel na itutupi niya, ang kakailanganin na lang niya ay ang agapay ni Waki upang matutunan ang paggawa ng isang paper crane.

"So the first step, you have to fold a paper diagonally, corner to corner until you make an X shape..." he sat down beside he and held her hand. Nagresulta agad ng hindi pantay na pagkakatupi ang unang hakbang na itinuro ni Waki sa kanya, but she managed to correct the right fold immediately. "Yup! That's the right thing," he said, convinced.

Magkalapit lang sila noong mga sandaling iyon. They're both unbothered about being too close, because what made them intact was the consistency of what they were doing, the interests and excitement that kept them going.

"Tama na ba itong ginagawa ko, Waki? Did I fold it wrong?" tanong niya nang ituro na ni Waki sa kanya ang pangalawa at pangatlong hakbang. Patuloy lang ito sa pagtuturo gamit ang nakasukob na palad sa mga kamay niya.

"You did a nice job. Just keep on going..."

Sumang-ayon si Harika rito. Totoo nga ang sinabi niya kay Waki, mabilis siyang mapamilyar sa proseso kung kaya'y hindi na ito nahirapan na turuan siya. They both felt happy when she made one. Masayang-masaya si Waki na napapalakpak pa sa tuwa.

Sa kanyang gilid, pinagmamasdan lang siya nito dahil sa sayang naidulot ng maliit na bagay na pinagkakaabalahan nila noong mga oras na iyon. Isang simpleng bagay na halos magdulot ng saya sa malungkot na puso ni Harika nitong mga nagdaang buwan.

"I want to make another one. Just tell me if I made a mistake so I could quickly redo it."

Natutuwa si Waki na halos tatlong beses lang nitong tinuruan si Harika na gumawa ng paper crane ay tila ba nagamay na niya agad ang pagtutupi upang makagawa ng isa. Her sense of touch and familiarity really amazed him. Waki didn't know Harika would learn this easily, parang hindi ito bulag kung iisipin.

Pinanonood lang nito kung paano siya magtupi ng papel at kalauna'y nakalikha siya ng higit sa sampu. Para sa baguhang katulad niya, na-impress si Waki sa ipinakitang talas ng memorya ni Harika. She's more than what he thought about her. Kilala naman nito si Harika noon pa man; magaling, maparaan at matalinong babae, hindi lang lubos maisip ni Waki na sa kabila ng kapansanan na mayroon si Harika ay nagagawa pa rin niyang ma-impress ito nang lubusan.

Kahit pa natapos na silang gumawa ng mga paper cranes ay nanatili pa rin silang magkatabi, nakaupo sa carpeted floor at nakasandal sa ilalim na bahagi ng couch.

Umilig si Harika sa balikat ni Waki. "Kapag nakagawa ka na ng one thousand paper cranes, ano'ng special wish mo?" curious niyang tanong na blangkong nakatingin sa kanilang harapan.

"Na sana matupad 'yong hiling na matagal mo nang pinagdarasal," dugtong ni Waki.

"So you're doing all of these for me?"

"Y-yeah. Ano ba kasi ang wish mo para kung sakaling matapos ko agad ang lahat ng ito, maihihiling ko na agad para sa 'yo."

Mababaw na napasinghap si Harika. "Alam mo na naman kung ano ang wish ko, 'di ba? I don't care about if I couldn't see the world again, what's important to me now was my Lolo Dad. He's always been in my prayers and if I have granted a wish... it would definitely be his resurrection."

Napatango-tango ito sa ibinahaging hiling ni Harika.

"Tatapusin ko na agad ang paggawa ng isang libong paper cranes para maihiling ko na agad ang hiling mo."

Harika scoffed. "A wish is a wish. Even if it's not believable... I still believe."

Idinikit ni Waki ang ulo nito sa nakailig na ulo ni Harika sa balikat nito. Nakapikit silang dalawa at patuloy na pinag-uusapan ang munting hiling na iyon. And Harika never felt the same way about the masked wolf and Waki of both having the idea of paper cranes. Para sa kanya, nagkataon lang ang lahat. The masked wolf's different and so was Waki.

✦❘༻༺❘✦

Sa pag-stay ni Harika sa mansion ng mga Ishida, masasabi niyang kahit papaano'y nalaman niyang hindi siya tunay na nag-iisa. The Ishidas were always been there for her, kahit man ay hindi niya ito mga kadugo ay ramdam niya ang pagmamalasakit ng mga ito sa nangungulila niyang puso ngayon.

Her life had been super fun, exciting, and entertaining until she lost her vision and everything became blick around in dark and dull. Lalo pa noong nalaman niya ang pagkamatay ng congressman, para siyang binagsakan ng makapal na pader noong araw na iyon.

"Ma'am Melanie, may babaeng naghahanap ho kay miss Harika. Hindi ko na ho siya napigilan at dali-dali nang pumasok—"

"Melanie, where are you hiding her?"

Walang pasa-pasabi ang pagdating ni Lymareva sa mansion ng mga Ishida. She arrived perfectly proper and refined in her favorite black attire like a school mistress with a dark noticeable brimmed hat onto her head.

Napakapit nang mariin si Melanie sa gulong ng wheelchair na lulan nito. She did not expect Lymareva would come with a stern attitude. Ano ba ang ipinunta nito?

"Ano'ng kailangan mo sa kanya?" Melanie expressed her stoic face as she approached Lymareva with those intimidating stares.

"I have the papers here." Lymareva shown the documents in her hand. "Nandito ako upang ipaalam kay Harika ang kasulatan na ginawa ng Congressman bago siya mamatay..."

"Eva, please! Nagsisimula pa lang tanggapin ni Harika ang mga nangyayari sa kanya. If those papers will give her another headache, you better not let her know about it for now. Huwag mo namang parusahan ang pamangkin mo nang ganito. She has been through a lot lately. Enough of being a selfish woman!"

Alam ni Melanie na makasasama kay Harika ang pagdating ni Lymareva, lalo na ang mga dokumento na hawak nito at balitang nais nitong ipaalam. She wanted to postpone what Lymareva had to say.

With her lips pursed and her eyes rolling, Lymareva scoffed. "Talaga ba, Melanie? Huwag mo nang tangkain pang protektahan si Harika sa mga dokumentong hawak ko. Wala akong pakialam sa mararamdaman niya dahil una sa lahat, karapatan niyang malaman ang nakasaad sa mga papel na ito... at ikaw, wala kang karapatang ipagkait ito sa kanya!"

Nag-iwas ng tingin si Melanie sa matatalim na mga titig ni Lymareva. Her eyes weakened as she lowered her gaze.

"Ako ang tunay na kapamilya ni Harika, Melanie! Isa akong Levantine! Kung mayroon mang mas may tunay na dugong nananalaytay sa ating dalawa para kay Harika, 'di hamak na mas malapit ang dugong mayroon ako kumpara sa 'yo."

Ang mga salitang binibitiwan nito ay pawang mga palasong isa-isang tumatarak sa dibdib ni Melanie. Hindi nito alam na masasaktan ito nang ganoon sa mga sinasabi nito.

Melanie faked a laugh. "Isang kang Levantine?" She chuckled tauntingly. "Kailanman ay hindi ka naging isang Levantine, Eva. The only person who holds that belief is you. Huwag mong ikahiya ang mga Sullivan na tunay na karugtong ng pangalan mo. At kung mas malapit ang dugong mayroon ka para kay Harika kumpara sa akin, bakit hindi ikaw ang pinupuntahan niya? Bakit mas pinipili niyang magpunta sa pamilyang malayo ang dugong mayroon siya?"

Walang reaksyon ang mukha ni Lymareva na nakatitig kay Melanie nang hindi nito inasahang maglalahad ito ng argumentong ikatatahimik nito. Napahawi lang ito ng buhok sa parteng noo nito sa pagpipigil ng inis.

"Hindi mo maitatago ang lahat ng ito kay Harika, Melanie. She should know about these! Importante ang mga dokumentong ito, kaya huwag mong ipagkait sa kanyang malaman ito sa lalong madaling panahon. Kung hindi mo ihaharap sa akin si Harika ngayon, huwag mong hintaying may malaman pa siya tungkol sa 'yo..."

Isang matinding kaba ang pumaramdam sa puso ni Melanie nang sabihin ni Lymareva ang tungkol sa isang bagay na kabilang ito.

Hinayaan na lang ni Melanie ang kaharap nitong si Lymareva na tila nagtutunggali sila sa isang bagay na walang gustong magpatalo.

"Wala siya rito ngayon... bumalik ka na lang sa ibang araw," Melanie said with a conceded tone. Iniiwas ang tingin kay Lymareva.

"Pagbibigyan kita ngayon, pero sa pagbabalik ko... huwag ka nang magtangkang pigilan pa ako. Be considerate to her. She needs to know everything—especially about what's happening with her family."

Sa maikling pagkikita ni Melanie at Lymareva sa foyer ng mansion ay ang pagdating naman ni Harika galing ng kuwarto ni Waki, ngunit eksakto naman ang pag-alis ng tiyahin niya. Hindi nagpang-abot ang dal'wa.

Agad na napatingin si Melanie kay Harika na mas umusbong pa ang kabang nanalaytay sa dibdib nito.

"Tita Melanie, sino po ang dumating at kausap ninyo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro