14: Physical Proximity
After an hour of pretending to be asleep, Harika's mind was still wide awake as she lays in bed. Buong akala niya ay makakapagpahinga siya at malalagay sa payapa ang isipan mula sa mansion ng mga Ishida, subalit hindi pala iyon mangyayari gaya ng inaasahan niya. She couldn't sleep no matter how hard she tried. Nothing is bothering her; she just doesn't feel like going to bed at this time. Kulang na lang ay magpaikot-ikot siya sa kama at hanapin ang pinaka-comfortable na posisyon, ngunit bigo siyang dalawin ng antok.
Naupo siya at sumandal sa headrest ng kama. Walang ideya si Harika kung gaano kaganda ang guest room kung nasaan siya naroroon. Nilalaro niya lang sa kanyang imahinasyon ang sinabi ni Melanie na ang kuwartong paglilipasan niya ng gabi ay malapit sa garden area. Hindi na rin niya maalala ang nakalipas, but she remembers being in their garden many years ago.
Sinukuan na niya ang planong matulog kung 'di naman siya dinadalaw ng antok. She got out of bed and grabbed her stick. Sinubukan niyang lumabas ng guest room at magtungong muli sa sala. She's not afraid of doing so, dahil nasa ground floor naman ang guest room at hindi pumapasok sa isipan niya ang malaglag sa hagdanan. Mag-iingat na lang siya kung sakaling may mabangga siyang mga gamit o mabasag sa pangangapa.
She expected a helper roaming around the mansion to assist her, but instead she heard a voice from a man she hadn't heard in a while now.
"I thought you're already sleeping."
Nagawi ang kanyang atensyon sa lalaking nagsalita 'di kalayuan. She's standing right beside the piano and someone took her left hand.
"Waki..." mahinang tawag niya nang bahagyang magulat sa pagdampi ng mainit na palad nito.
"I'm here," he said, and they went to the kitchen together. "Balak ko sanang puntahan ka sa guest room, ang kaso baka magising lang kita kung natutulog ka na. Mom told me not to bother you tonight, I'll probably wait for tomorrow to talk to you."
Harika bowed her head as Waki helped her for a seat. Naalala niya kung paano niya ito naitaboy noon sa ospital.
"Waki... I'm sorry."
She could smell the familar scent of him. Hindi niya maiwasang mainis sa sarili habang hawak pa rin ang malambot na kamay nito.
"Towards of what?"
She softly sighed. "For what happened last time. Hindi ko lang talaga napipigilan ang emosyon ko sa mga nangyayari sa akin kaya pati ikaw ay nadadamay dahil dito sa frustrations na nararamdaman ko." She lifted her head, chin up. "Kung galit ka man sa akin, I'm very very sorry about it." Hindi niya nagawang bitiwan ang palad nito.
"I am not mad at you. In fact, I am thinking the same way. Ang buong akala ko ay ikaw ang galit sa akin dahil nakukulitan ka na. And if you think I am avoiding you, I rest assure you that I was not. I got sick and had to go on a business trip. Gusto kitang kumustahin at tawagan sa pagitan ng mga araw na iyon, ang kaso ay nag-aalangan ako dahil baka nga ay galit ka sa akin. I don't want to ruin your day by calling to check on you. I had to thank Manong Liro for keeping me updated at all times so I could keep tabs on you."
Naramdaman ni Harika ang bahagyang paghigpit ng palad ni Waki na hawak niya.
"I'm still sorry! Wala akong karapatang magalit sa kung sinuman... lalo na sa 'yo, at isa pa, wala ka rin namang kinalaman kung bakit nangyayari ang lahat ng mga ito sa akin. Masyado lang akong nahihirapan sa adjustment process kaya hindi ko pa rin natatanggap ang buong sitwasyon."
He sat next to her. "Stop apologizing, Harika. Kasalanan ko rin naman dahil masyado akong naging concern sa 'yo. I should have kept my distance from you. Dapat siguro lumalapit lang ako sa 'yo kung kinakalingan, hindi iyong basta-basta lang," he said while looking straight to her. "I know it's difficult for you to understand the situation, walang kaso sa akin kung magalit ka o masigawan ako... dahil naiintindihan ko kung ano ang pinagdaraanan mo."
Umilig si Harika sa balikat nito, pumikit at dinama ang presenya nito sa kanyang tabi. "Maraming salamat Waki, ha. Kasi sa lahat ng taong kilala ko, ikaw 'yong pinaka-concern na nagawa ko pang itaboy. Akala ko totoong mas tatahimik ang unit ko kung wala ka, pero napakahirap din pa lang wala ka..." amin niya.
Waki wrapped his arm around her shoulder and gently tapped it. "Kalimutan na natin kung ano man ang nangyari. Ang pinakamahalaga sa akin ngayon ay okay ka."
Tipid siyang ngumiti at tumugon, "At mahalaga rin sa aking nandito ka na ulit."
When Waki returned from his trip an hour ago, Melanie informed him of what had happened to Harika in her unit early that morning. Kauuwi-uwi lang nito, at ayaw nitong buksan ang topic na iyon ngayong magkatabi sila ni Harika. He never intended for her to overthink things just because he doesn't want to ruin the moment they're having.
"I'm sure mom enjoyed having you here. Kilala mo naman 'yon, kapag binibisita mo kulang na lang ay makatayo siya sa wheelchair niya." Nagtawanan sila sa biro nito. "I just don't understand why being around you constantly fills her heart with joy. Kung alam mo lang, gusto ka niyang palaging naririto sa mansyon, dahil nakikita niya sa iyo si Tita Helen. She missed her so much."
Harika can hardly remember anything about her mother or specific times they spent together. Ilang taon pa lang siya noong namatay ito, ngunit sa mga naging kuwento ng congressman sa kanya... katulad lang din daw niya ito; maganda, matalino, mabuting kaibigan at higit sa lahat ay ipinaglalaban ang mga bagay kung ito ay tama. Hindi naging sakit sa ulo... hindi tulad ng kanyang ama na isusumpa niya kung nakilala niya.
For better place to sit on, Waki accompanied Harika into the living room, where they both took seats on the couch for a lot more comfort.
"I have something for you... wait here," he said, reaching for a box wrapped in ribbon on the side table.
Ibinigay nito kay Harika ang regalong iyon na mas lalong ikinatuwa niya. "Waki, what's this for? Malayo pa ang pasko o ang birthday ko..." Hindi niya maalala kung ano ang okasyon at kung para saan ang regalong matatanggap niya mula rito.
"Just open it so I could tell you what's inside."
Kinapa-kapa ni Harika ang kahon, kinalas ang laso at naramdaman ng mga kamay niya ang parihabang bagay na laman nito. She had no idea what was it.
Waki revealed, "It's a walkman cassette player. Additionally, it comes with headphones so you may listen more anytime and anywhere you are."
Natawa si Harika sa ibinigay nito. "Really, Waki? Such a classic!" Napailing-iling siya at nagbiro, "Ano ang nakain mo at ito ang napili mong ibigay sa akin? Inabutan mo pa yata ang panahon ng mga walkman, eh."
Waki burst out laughing and deny, "Of course not! We're the same age; don't act like yours has been idle for years!"
Iba ang sayang naidulot ng simpleng bagay na iyon para kay Harika.
"Kidding aside, thank you for this! Alam na alam mo talaga kung ano ang gusto at makapagpapasaya sa akin."
Sa tulong ni Waki ay sinubukang pakinggan ni Harika ang dalawang libreng cassette tapes na kasama niyon. Habang ninanamnam niya ang instrumental sound sa headphones na suot niya, hindi niya mabitiwan ang kamay ni Waki na tila nagdudulot ng koneksyon sa mga dulo ng daliri nito. And by those brief moments of them, Harika forgot about everything she's going through by the help of physical proximity she needed with him. Ang nararamdaman niya lang nang mga oras na iyon ay masaya siya pati na ang puso niya... lalo pa't si Waki ang dahilan ng kasiyahan niyang iyon.
Hindi pa natapos ang gabing magkasama sila. Gusto ni Harika na manatili pa muna sila sa kuwarto ni Waki. He openly described everything to her; his things, his new computer and console setup, pati na iyong binabalak nitong isang libong paper cranes na pinagkakaabalahan nito na gawin tuwing may libre itong oras. He was serious when he told Harika that he will make a thousand of it for a wish that she will probably laugh about it. Sa sulok ng working table ni Waki ay hindi na nito napansin ang rubik's cube na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nito nabubuo.
"Harika, hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong nito nang isarado ang laptop na ginawa nilang speaker kanina sa pakikinig.
When he turned his eyes on her, Harika fell asleep on his bed. Nakatalikod si Harika na agad na tinungo ni Waki at hindi nito napigilang pagmasdan ang maamo niyang hindi gumagalaw na mukha. She's solemnly breathing. Waki was staring at her like he's watching a picture of Harika hanging on the wall. Before dimming the lights, he then grabbed the thick duvet and cover it to Harika until it reached her shoulder for a comfortable sleep.
"Goodnight..." he said under his breath.
Waki then decided to sleep on the near couch. Bisita nila ngayon si Harika, ayaw nitong tabihan siya sa pagtulog lalo pa't iniiwasan nitong muling gisingin ang puso sa dating nararamdaman para sa kanya.
Aandap-andap na ang mga mata ni Waki sa antok habang pinagmamasdan si Harika na mapayapang natutulog sa kama nito. Nang ipikit niyo ang mga mata ay tuluyan na itong nakatulog.
Kinabukasan ay maagang nagising si Harika, ngunit hindi niya inaasahang mas una pang magigising sa kanya si Waki nang maulinigan niya ang paglabas nito ng banyo sa labas. Bumalik ito nang kuwarto at kinumusta ang pagtulog niya. She couldn't lie about her sleep, totoo namang naging maganda ang tulog niya at hindi alintana ang mga pangyayaring naganap nitong nagdaang mga araw sa buhay niya.
Nagising siyang maganda ang mood, pero pakiramdam ni Harika ay nanlalagkit ang balat niya dahil hindi pa siya nakakaligo simula pa kahapon. Naglakas-loob na siyang magsabi kay Waki upang matulungan siya nito.
"Kung gusto mo hiramin mo muna ang damit ko kung hindi mo na mahihintay si Manong Liro na dala ang mga damit sa unit mo," giit nito at inalalayan si Harika sa pagtayo.
Wala sa plano ni Harika na magtagal sa mansion ng mga Ishida, ngunit ngayong planong ipadala lahat ni Waki ang mga gamit na kakailanganin niya mula sa nilisang unit, natitiyak niyang hindi lang isang gabi ang ipamamalagi niya sa mansion ng mga ito. Dalawa o tatlong araw na siguro ang pinakamahaba... nakadepende pa rin ito kay Harika.
Tumayo siya sa kama at binabalanse ang kanyang paglalakad palabas ng kuwarto habang nakakapit siya sa matigas na braso ni Waki.
"I'll prepare everything for you. Gusto mo bang tumawag ako ng helper sa baba para tulungan ka sa pagligo?"
Harika shook her head. "Hindi na kailangan, Waki. Basta nariyan na ang sabon, shampoo at maligamgam na tubig ay ayos na ako."
"Okay, okay. Ihahanda ko na ang lahat para makaligo ka na."
Inalalayan nito si Harika na maupo muna sa nakasaradong toilet bowl. Nang makarinig siya ng mahinang pagsarado ng pinto ay nagsimula nang magtanggal si Harika ng damit pang-itaas.
"Harika, don't remove your clothes just yet. Naririto pa ako sa loob..."
She put her shirt back and apologized, "I'm sorry."
Nang ipadama na ni Waki ang maligamgam na tubig sa tub, sumang-ayon na si Harika nang magustuhan niya ang tamang timpla niyon. Iyong tipong makakapagbabad siya ng ilan pang minuto.
"I have a spare unused toothbrush. I'll put it beside the sink—" pinagmasdan ni Waki ang balingkinitang likod ni Harika nang maghubad ito at sumampa na sa tub. "Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng tulong? Maraming helper sa baba, mas matutulungan ka nila kaysa sa akin."
Patuloy lang ang paglagaslas ng tubig na nagmumula sa tub spout. Wala nang narinig si Waki na tugon mula kay Harika. Walang paningin ang babaeng kasama nito, kaya hindi aware si Harika sa kanyang paligid. Isa pa, kampante naman si Harika dahil si Waki naman ang kasama niya.
"Waki, naalala mo noong nasa grade school pa lang tayo at madalas kang maligaw sa House Manor? Noong araw na 'yon, nalaman kong iyakin ka pala," she said, starting out a conversation.
Lalabas na sana si Waki, ngunit nagbukas si Harika ng isang topic na pag-uusapan nila. They were both in the bathroom. Since Harika was lying on the tub naked while he was merely standing next to the door, he feels awkward talking to her.
He scoffed. "Masyadong malaki ang House Manor na pagmamay-ari ninyo, kahit sinong bata ay maliligaw roon," depensa nito sa sarili.
"Ang cute mo nga noong umiiyak ka, kasi imbes na si Tito Joseph ang hinahanap mo... paulit-ulit mong sinisigaw ang pangalan ko."
Natatawa si Waki sa sarili nito nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon. "Dahil ikaw lang ang batang kilala ko roon. The rest were the Manor's housekeepers, whom I was afraid to call for help. Congressman Levantine and Papa were discussing something in the study. Wala na akong puwedeng ibang tawagin kung hindi ikaw na lang."
"Venus was there as well. She's the same age as ours. Bakit hindi siya ang tinawag at hiningan mo ng tulong?"
"Because I know she can't help me," he replied, sitting on the closed toilet bowl and staring into the sink.
"So, were you confident that I could assist you at that time? Hindi mo ba inisip na baka iligaw pa kita lalo?" Harika chuckled as she revealed some of their memories.
"I know it was an embarrassing moment of me. And I know you won't do that. Isusumbong kita kay congressman Levantine kung ginawa mo 'yon noon." They both softly laughed about it. "Maiba ako Harika, talaga bang malayo ang loob ninyo ni Venus sa isa't isa? I haven't seen you two had moments together. 'Di ba lahat ng magpipinsan dapat ay close sa isa't isa?"
Nawala ang tuwa sa labi ni Harika. "Hindi siguro lahat. Well, we were so close before, but something's change. I don't know." She shrugged it off. "Maybe she kept her distance from me when she knew I had a crush on you..."
Para kay Harika ay kaswal lang na lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon, subalit para naman kay Waki... iba ang dating dito.
He still assisted Harika until she dressed herself with his own clothes. He acted like he didn't discover something Harika said a while ago. Pero paulit-ulit itong sumasagi sa isipan ni Waki dahil noon pa man, ang buong akala nito ay ito lang ang may gusto kay Harika.
Half an hour passed, they both went downstairs and headed to the dining area where they had breakfast together with Melanie. Napag-usapan nila ang overnight experience ni Harika. Little did Melanie know, her son and Harika had a little moments together yesterday night. Hindi na nabanggit pa iyon ni Harika na sa kuwarto siya ni Waki natulog, ang alam lang nito ay pumasok siya sa loob ng guest room at nagpahinga na.
"Harika, hindi ka pa ba nakakauwing muli sa mansyon ninyo?" tanong ni Melanie.
Umiling si Harika. "My doctor prefer me to live in a small place until my vision comes back. Mas makatutulong daw po ang maliit na lugar kumpara sa malawak at malaki na prone sa aksidente," paliwanag niya saka lumagok ng tubig.
Marami pa silang napag-usapan patungkol sa naiwang mansyon ng yumaong congressman. Naitanong din ni Melanie ang tungkol sa mga potential buyer ng mansyon simula nang mawala si Constancio. Paulit-ulit lang na sinasabi ni Harika na ang mansyon na iniwan sa kanya ng kanyang Lolo Dad ay hindi niya ipagbibili sa kung sinuman. She's not interested in selling the Levantine's Mansion; she has the right to guard and cherish the inheritance her Lolo Dad left her.
Simula nang banggitin ni Melanie ang tungkol sa kanilang mansion, alam niyang mayroon nang nangyayari ditong dapat niyang alamin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro