11: Walk Into Nothingness
"You're completely nothing without the congressman..."
"She is extremely lucky to have the name Levantine..."
"...and now, she's left alone!"
Masama ang gising ni Harika. Halos dalawang araw na ring hindi sumusulpot si Waki sa tabi niya matapos niyang bulyawan ito noong nakaraan. Hindi niya alam kung nagdamdam ba ito o kung ano. Nagiging madalas na rin ang pagiging moody niya, kaya kahit iyong mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya ay natataboy niya.
Kasunod niyon ay nasapo niya ang kanyang noo nang bahagyang kumirot ang ulo niya. She slid out of bed and directed her hands toward the kitchen.
"Your life becomes more beautiful the longer you live."
Harika's echo smart speaker was playing an uplifting morning voice quote from the side table. It was a timer that automatically plays a quote when eight o'clock rolls around, ngunit imbes na gumaan ang araw niya nang dahil dito, tila yata mas lalo pa siyang naasiwa. At this time, no amount of positive words could make her feel better.
Hindi pa kabisado maigi ni Harika ang buong unit niya, ngunit kailangan niyang gumalaw ngayon para sa kanyang sarili. No one else was there to help her, kasalanan din naman niya na iyong taong tumutulong sa kanya ay napagbabalingan pa niya ng galit.
She's thankful still when Genesis gave her a foldable cane yesterday as a gift. Napag-usapan kasi nila noong nakaraan na kakailanganin niya ang bagay na iyon dahil kung minsan ay gusto niyang lumabas-labas. At least kahit papaano ay makatutulong ito sa paglalakad-lakad niya.
Mahinang napamura si Harika at winasiwas ang mga daliri nang mapaso dahil tinangka niyang buksan ang induction stove sa kusina na agad uminit. Gusto lang naman niyang magpainit ng tubig at magkape, bakit ba hindi pa siya hayaang magawa ito nang tama at hindi nasasaktan? Bakit ba kasi wala siyang coffee maker sa unit niya? Halos lahat ng bagay maliit o malaki ay sinisisi na niya ngayon. She became angrier not only at herself, but also at the rest of the world. Hanggang kailan ba siya parurusahan nang ganito? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan para pagdusahan ang buhay na kailanman ay hindi niya hiniling?
Pagod na napaupo si Harika sa sahig. Napangiwi siya dahil hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon. Gusto niyang magmukmok at maglupasay, ngunit hindi naman siya matutulungan niyon.
She decided to leave her unit after getting to her feet. Masama ang loob niya. She reached for her foldable stick while wrapped her coat on both shoulders. Buo na ang desisyon niyang lumabas nang mag-isa. Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyari sa kanya. Kung magtitiis siya sa loob ng kanyang unit, mas mabuti pang maaksidente na lang siya sa labas kaysa patayin siya ng lungkot at pag-iisa sa loob.
Harika walked down the carpeted hallway. She marched quicker as she pointed her stick in front of her—in all directions possible. At that very moment she is utterly unconcerned about everything around her. Hindi na niya alam kung ilang unit na ang nalampasan niya, basta naglalakad siya upang hanapin ang elevator, kahit nasa pinakadulong bahagi pa iyon ng hallway na tinutumbok niya.
Nang makapasok siya sa elevator, ang sunod niyang ginawa ay kapain ang bawat buton, nagsimula siya sa pagkapa ng mga numero paibaba hanggang sa maramdaman niya ang mga letrang GF (Ground Floor), saka pinindot iyon.
Natatawa siya sa kanyang sarili. She walked out of her unit, marched safely to the large condominium lobby, and exited the establishment. Mayroon nagtangkang tulungan siya, ngunit hindi siya nagpatulong... maaaring dinireksyunan na lang siya ng mga ito.
Mula sa labas ng gusaling pinanggalingan niya, mas malaking mundo na ang sumalubong sa kanya. Nakaririnig na siya ng mga kotse, ingay ng syudad at mga dumaraang tao sa kanyang paligid. Para sa kanya, pakikipagsapalaran na ang gagawin niya.
On the sidewalk, she keeps walking and walking. May ilang tao siyang nakabangga. May ilang beses din siyang napaluhod nang mapatid o mabunggo sa mga pader, ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Wala lang siyang paningin, pero buo pa rin ang kanyang pandinig at pandama na matalas niyang nagagamit. Saan ba siya pupunta? Para sa kanya, tila ba naglalakad siya sa kawalan. Walang patutunguhan ang sakripisyo niyang maglakad nang maglakad. Kung may pupuntahan man siya sa mga oras na iyon, natitiyak niya kayang makakarating siya roon ng ligtas?
She sometimes wonders, 'what happens when the world will simply continue without her?'.
Ang gulu-gulo ng isipan niya. Naluluha siya habang mag-isang naglalakad at sinusuong ang direksyong walang patutunguhan. Kung nabubuhay lang sana ang Lolo Dad niya, tiyak ay may aagapay sa kanya at magsasabing magiging maayos din ang lahat na kanyang lubos na paniniwalaan. Hindi pa ba sapat ang pagmamalasakit na ibinibigay sa kanya ni Waki? She should've appreciate his efforts even more. Ginagawa lang naman nito ang lahat para sa ikabubuti ng kalagayan at mabilis na paggaling niya. Mahirap bang magpasalamat dito o kahit na iparamdam lang niya ang pagpapahalagang natatanggap niya mula rito?
She's currently engaging in a ritualized meditation as though she was taking a walk for the last time. She assumed the risk, and if anything were to happen... at the very least, she attempted to flee from somewhere safe but was killing her.
"Harika... come here. Don't open your eyes just yet. I have a surprise for you."
"Lolo Dad, I'm so excited to know what it is!" Her voice filled with excitement.
"Hang on. Just take a step with me. Kapag bilang ko ng tatlo, buksan mo na ang mga mata mo. Isa. Dalawa. Tatlo..."
Mabilis niyang pinunasan ang luhang bumagsak sa mga mata niya. Some vague memories were playing in her head. Paano niya magagawang mag-adjust sa mga nangyayari kung paulit-ulit lang niyang naaalala ang masasayang alaala na nangyari sa buhay niya noon? Harika found it incredibly difficult to understand the difference between being happy and managing her current circumstances. Kung minsan ay gusto niyang maging masaya, ngunit tila ba may pumipigil na magtuloy-tuloy ito.
Nakaramdam siya ng kaunting pagod sa haba ng kanyang paglalakad. Hindi niya alam kung nasaan na humahakbang ang mga paa niya. Nasa sidewalk pa ba siya o malapit na sa kalsada? In which, she doesn't know.
Mas nanaig sa kanya ang desisyong magpatuloy kaysa sa pangambang palagi niyang nararamdaman sa loob ng unit niya. What she really wanted now was to walk, even if she's walking into nothingness. Gaano pa ba katagal siyang mabubuhay sa madilim na mundong araw-araw niyang nakikita? Kahit pa isipin ni Harika na nabubuhay lang siyang nakapikit, kailan ba darating ang araw na muli siyang didilat at makikitang muli ang ganda ng mundong kinagisnan niya?
Mariin siyang napapikit at hinayaang puntu-puntohin ang foldable stick sa kanyang harapan. She had no idea where she was going, but the mere fact that she was there... she realized how awful she was at this moment. Pinakiramdaman niya ang nilalakaran niya. Kinalimutan niya ang ingay sa paligid. She concentrated on her intuition because she believed it could help her that she made a right decision to go out to prove something to herself.
"Miss! Nasa kalsada ka na!"
Narinig niya ang takbuhan ng mga tao patungo sa kanya, pati na ang hiyawan ng mga ito. The truck's long, blaring horn was what made her ears go completely deaf. Mabilis na tumatakbo ito patungo sa kanya. When her ears were no longer able to hear anything, she felt lighter and falling. And just before she was getting hit, Harika felt a firm grip that quickly pulled her arm away from the mishap. Mabilis ang buong pangyayari na halos siya ay walang ng ideya.
Nang muli niyang pakiramdaman ang paligid, nakabigkis na siya sa mga braso ng isang lalaki. Her back was hardly pressed onto the man's chest securing her in his arms. The held was something very familiar to her, it was something she once shielded by. She experienced the same sense of safety and defense from this man as she had before. Ang lahat ng mga alaala ay pumitik sa kanyang isipan at kumislap sa kanyang mga mata.
Ang magarbong selebrasyon. Ang mga panauhin. Ang maningning na aranyang bumagsak sa kanya. Kaguluhan. Ang lalaking iniligtas siya mula sa aksidente. Ang lalaking nakamaskara ng lobo.
Hindi siya maaaring magkamali.
It was unfortunate for Harika to be able to see his face clearly... she was blind after all. Slowly, she brought her hands up to his face. Inaasahan niyang maskara ang madadampian ng kanyang mga daliri, ngunit naramdaman niya ang mukha nito, ang makinis nitong pisngi, ang matangos nitong ilong at malalabot na mga labi. Nang dumako ang mga daliri niya sa gawing mata ay nahaplos niya ang mahahaba nitong mga pilik at makapal na kilay. She couldn't imagine what he looked like, but she had to admit that this man was a stranger to her now.
"Umm... thank you, for saving my life...," she said with a dry throat.
Inalalayan siya ng lalaking ito upang makatayo—mrahan na tila iniingatan siya nang lubusan.
Naghintay pa si Harika nang saglit, lumilinga at hinahanap kung nasaan ang lalaki. "Excuse me, sir, may I know your name?" Ngunit ay hindi na ito sumagot na nawala na lang bigla sa tabi niya.
She started to notice the mystery more. Sino ba ang lalaking ito? Kung ito man ang lalaking may maskara ng lobo na hinihinala niya... ano ba'ng kaugnayan nito sa kanya? Does he even know her? Bakit hindi ito magsalita at magpakilala sa kanya? Kung hindi ito isang guni-guni sa kanyang mga mata, bakit ngayo'y parang dumaan lang ito sa mala-panaginip na eksena?
Nang magpatuloy sa paglalakad si Harika ay hindi na maalis sa isipan niya ang lalaking ito. Kahit ang mga braso nitong bumalot sa kanya upang bigyan siya ng kaligtasan at kahit papaano'y importansiya... nararamdaman pa rin niya ang mga bisig nito. Buong akala niya ay katapusan na niya noong mga sandaling iyon. Masuwerte siya dahil may nagligtas sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro