[B1] Episode 8
🌷
Tahimik lang si Naia on their way back. Kay Jarvis na siya sumabay dahil may pasok pa raw ang apat. Siya nama'y wala na at si Jarvis ay libre na rin buong hapon kaya nag-offer itong tulungan siya mag-aral sa iba niya pang mga subjects.
Hindi pa rin maalis sa isipan niya 'yong Ahyessa kanina sa restaurant. She looked really sad habang pinagmamasdan si Jarvis. And mukhang kilala din ito ng magpipinsan. Maybe they were serious before they broke up?
She expected Jarvis to have had relationships before her. Gwapo ito at mabait. Any girl would easily fall for a guy like him. Just like her. At ga'non rin siguro 'yong Ahyessa.
"It was a messy break-up," biglang sambit ni Jarvis nang ihinto nito ang sasakyan sa parking. "I don't really remember much from it but it was mainly my fault. Naging busy ako sa masteral ko at trabaho that time kaya napabayaan ko siya."
"Why... why are you telling me this?" tanong niya.
"Because I want to," diretsong sagot nito. "And I can see you thinking again. Ahyessa's a good person. May closure na kami kaya wala kang dapat ipagalala."
"But why was she staring at you longingly?" she asked.
"I don't know," he answered truthfully. "But there's really nothing to worry about. I don't have any feelings for her. Romantically, that is."
"Pano kung siya meron pa? Anong gagawin mo if she still has feelings for you?"
Bigla siyang kinabahan sa sariling tanong. It hasn't been that long since they've been together. So wala pa talaga siyang hold dito. But she wanted to know.
"I'd tell her that I'm with you and that I'm happy," sagot nito as he tucked her hair behind her ear. And his fingers trailed down to her chin. "Nakakasiguro akong rerespetuhin niya kung anuman ang meron tayo. As I've said, Ayhessa is a nice person. She's very selfless too. Whoever ends up with her would be very lucky. But that person would never be me because I'm already taken by the most beautiful, kindest and smartest girl I know."
Kinintalan siya nito ng isang magaan na halik sa labi. He really has a way with words. Maybe that's a Montecillo thing.
"Bolero," mahinang sambit niya sabay iwas ng tingin. She heard him chuckle making her stifle a soft laugh.
Umakyat sila sa pad nito at agad nilabas ang dalang tablet. Nandoon kasi ang majority ng notes niya na kakailanganin sa pagaaral. May e-book naman siya ng mga references kaya't hindi niya na kailangan kunin mula sa condo ang kanyang mga libro.
"I'll just change so make yourself comfortable," anito. "Meron akong business related books doon sa shelf na pwede mong magamit."
"Business books?"
"Sa kuya ko 'yon," agad nitong paliwanag. "He was a business major like you. Hiniram ko kahapon kasi namention mong kailangan mo mag-aral."
Napangiti siya habang sinusundan ng tingin ang pigura nitong papasok sa isang silid. How can he be so perfect? And how did she get so lucky?
Aayaw-ayaw ka pa sa lagay na 'yan.
Tumayo siya't agad tiningnan ang mga librong tinuro nito. He was right. Kailangan niya nga ang mga librong 'yon and a physical book is better than an electronic one. So she took what she could carry. Then a certain psychology book suddenly took her interest. Pero nang kunin niya iyon, something suddenly fell from it.
"What's this?" tanong niya sa sarili as she bent down to pick it up.
Isang litrato iyon. Isang batang babae na may katabing dalawang batang lalaki. The guy sitting on the right wasn't looking at the camera while the other one was looking at the little girl who was smiling widely. The girl looked oddly familiar.
Napasinghap siya. It was her! But who was this boy? Kamukha nito si Jarvis. Like a you ger version. Pero bakit wala siyang maalala na may picture siyang ga'non? And with him. What's going on?
"Babe—"
Agad niyang ibinatik sa eskaparate libro at itinago ang litrato sa ilalim ng dalang mga libro. She busied herself by pretending to scan the bookshelf.
"Hmm?"
"Do you want me to get you something to eat from the café? Meron atang blueberry cheesecake doon," tanong nito.
Isang tango ang isinagot niya sabay ngiti bago ito lumapit at kinintalan siya ng halik sa noo.
"I'll be back. Dalhan na rin kita ng iced americano since we might pull an all-nighter," anito bago lumabas ng silid. She let out a sigh of relief.
Muli ay tiningnan niya ng maigi ang litrato. Why did Jarvis have a picture of her? More importantly, bakit may larawan silang dalawa na magkasama?
Bagaman gusto niyang tanungin si Jarvis tungkol sa larawang iyon, pinili niya na lamang mag-imbestiga muna on her pwn bago ito kompruntahin. She trusts him, yes, pero gusto niya pa ring may bala laban dito. So she decided to give her old childhood home a visit the day after.
"Dandan!"
Isang ngiti ang isinalubong niya sa matandang babaeng nagbukas ng pintuan ng mansyon.
"Manang," sagot niya sabay yakap dito. "Si papa nandito?"
"Kaaalis lang anak," saad nito. "Sakto ang pagdating mo. Nagluto ako ng ginataan. Tara sa kusina."
Their house was still the same as ever. Empty. Lifeless. Siguro nagkakaron lang uli ng ingay dito kapag dumarating si Tita Cathy or dumadalaw si Uno. But both occurrences are rare seeing as Catalina Uychengco was the resident black sheep and Uno followed her mother's footsteps by being Lolo Alfonso's biggest pain in the ass.
"Ang tagal mo ring hindi nakabisita. Sayang at kakaalis lang ng papa at lolo mo," aniyo habang hinahanda ang kanyang merienda. Umupo naman siya sa may tapat nito sa may center island. "Ilang buwan na lang pala at ga-graduate ka na sa kolehiyo. Naku! Panigurado'y magpapa-party ang lolo mo."
"Kakatapos pa lang po ng midterms namin, manang," sambit niya. "Pero alam niyo naman po na hindi ako mahilig sa mga parties. Sina lolo lang po talaga ang may gusto 'non. Saka si Uno kasi may libreng alak."
"Yang si Isadora talaga, oo. Manang-mana sa nanay nung kabataan niya," natatawang saad ng matanda. "May tinakas nanaman ngang mamahaling alak nung nakaraan. Sumakit nanaman 'yung ulo ng lolo niyo."
Napailing siya. Typical Uno.
"Hayaan niyo po manang. Pagsasabihan ko po. Alam niyo naman 'pong past time niya asarin si Lolo."
"Tulad ng nanay." Tumawa pa ito. "Naaalala ko dati 'nung kabataan niyan ni Catalina. Inaakyat 'yung mga puno sa likod para lang makatakas para mag-disco. Naaksidente pa nhng maputol yung isang sanga. Kaya mula 'non eh pinatanggal na ni Señor Alfonso lahat ng puno sa bakuran."
She heard that story before from their Uncle Alfie. Pasaway daw talaga ang Tita Cathy nila noon kaya't di na sila nagulat nang maging troublemaker din si Uno. Compared to her mom, her cousin was actually a saint.
"Nakaka-miss din ang ingay dito sa mansyon noon," maya-maya ay turan nito. "Lalo na kayong mga bata. Parang kailan lang eh naghahabulan pa kayo 'non sa salas tapos nabasag ni Isadora 'yung isang vase. Galit na galit ang lolo niyo 'non kaya't pinaluhod siya sa munggo."
Napangiti siya. She remembered that too. Pero hindi si Isadora ang nakabasag ng paboritong vase ng kanyang lolo. It was her. Inako lamang iyon ni Uno dahil sa sobrang takot niyang mapagalitan eh nag-hyperventilate siya. Ever since they were little, she already had this fear of disappointing people. Especially her family. Kaya nga lagi siyang cautious sa mga ginagawa.
Then bigla niyang naalala ang pinunta niya sa bahay. The picture.
"Manang, may nakuha po akong picture galing sa isang kaibigan ko," aniya sabay kuha sa bag ng larawan. "This is me, right?"
Tiningnan naman iyon agad ng matanda at kinuha ito mula sa kanya.
"Oo, anak," sagot nito. "Kung tama ang pagkakaalala ko, kuha ito ng yaya mo 'nung nasa ospital ka."
"Ospital?"
"Ito yung panahong labas masok ang mommy mo sa ospital, anak. Lagi kang sumasama 'non kasi ayaw mong maiwan dito sa bahay," kwento nito. "Kalaro mo dati 'yang mga bata doon."
"Why don't I remember this?" tanong niya uli. "And hindi ko rin maalala na may kababata ako. Who's this little boy, manang?"
"Ay hindi ko na maalala, anak," anito. "Pero lagi mong naku-kwento 'yang batang lalaki. 'Gino' ata 'yung pangalan 'non. Ewan. Hindi ko na talaga maalala. Pasensya na anak."
"Gino?" Nangunot bigla ang kanyang noo. Tiningnan niyang muli ang larawan.
Pero hindi siya pwedeng magkamali. The boy looking at her was Jarvis. Or maybe someone who resembled him.
"Manang, hindi kaya Inno 'yung pangalan?" paniniguro niya.
"Oo!" bulalas nito. "Inno nga, anak. Bukambibig mo noon 'yung batang ang pangalan eh 'Inno'. Siya siguro iyang bata sa litrato."
Siguro?
"Ang yaya Myrna mo kasi ang lagi mong kasama noon kaya hindi ko na gaanong matandaan 'yung mga kalaro mo."
She went back to her place more confused than ever. Kung kapatid pala nito ang kababata niya, bakit ito may kopya ng picture nila? Was the photo just a mere coincidence?
"Hay salamat at dumating ka na!"
Nagulat siya nang bumungad sa harapan niya si Arika, Synn at Yoon. May dala ang mga itong plastic bags.
"San ka ba nagsususuot, ha? Kanina ka pa naman kinokontak pero di ka naman sumasagot. Sinugod pa namin si Jarvis kanina sa café," ani Arika na mukhang kanina pa bagot na bagot.
"Bakit niyo ako hinahanap?" tanong niya. "Anong meron?"
"Inuman," nakangising sagot ni Yoon. "Nakaraos na tayo sa midterms kaya it's time to celebrate. Soju and beer para feeling Koreana tayo."
"Naghahanap lang 'to ng rason si Yoon uminom kasi nakita 'yung crush niyang may kasamang babae kanina," bulong ni Synn. Though she's sure narinig iyon ng kaibigan nila. "In fairness naman talaga, gwapo si kuya. Ano na nga uli pangalan 'non?"
"Isidro Montecillo," sagot ni Yoon. "My one and only—the love of my life. Manloloko siya! Ang sabi niya, ako lang. Pero pinagpalit niya ako sa babaeng 'yon."
"Ay, sinabi talaga? Totoo?" sarkastikong asik ni Arika sa babae. "Di nga?"
"Oo. Sinabi niya. Marunong ka pa sa'kin. Ako yung jowa."
"Aware ba siyang jowa mo siya? Or nagiilusyon ka lang?"
"Tumahimik ka nga diyan." Inirapan ito ng babae. "Pare-pareho tayong walang jowa dito."
"Ay, di mo sure," nakangising sambit nito.
"Tamo. Sino ngayon sa'tin ang ilusyunada?"
Umiling-iling na lamang si Synn sa asta ng kaibigan. Frequent visitor niya na ang tatlo sa condo dahil iyon ang pinakamalapit sa unibersidad. Go-to hangout place nila rin nila ang kanyang tirahan kapag gusto ng mga ito mag-unwind pero on a budget. Wala naman sa kanyang kaso iyon because she loves their company. Bihira din kasi siya makipagkaibigan kaya ang mga ito lang talaga ang lagi niyang kasama.
"Grabe. Small world pala talaga," ani Synn habang tinitingnan ng maigi ang litrato. Maya-maya pa ay inagaw iyon ni Arika
"Bakit kamukha ni Sir Jarvis?" tanong nito. "Super magkamukha ba sila 'nung Inno?"
Yoon grabbed the photo and looked at it closely.
"Hindi naman mukhang kulugo 'tong nasa picture, Naia," anito sabay tingin sa kanya. "This isn't Inno. Saka, hindi ga'non magkamukha si Sir Jarvis at kapatid niya."
"But Manang said na 'Inno' daw yung name-mention ko lagi na kalaro ko. And when I showed her the picture, sabi niya si Inno daw 'to."
"Baka normal nung bata si Inno. Nag-morph lang into a monster nung tumanda," pasaring ni Yoon bago ininom ang soju straight from the bottle. Napangiwi naman si Synn sa turan nito. "What? Gwapo man siya on the outside, hindi pa rin makakaila 'yung monster niya on the inside."
"Inside his pants ba 'yan?" Nakakalokong sambit ni Arika na agad namang binatukan ni Synn. "Aray! Ano ba?!"
"Ikaw talaga ang green-minded mo," saway dito ng babae. "Kababae mong tao puro kahalayan ang nasa isip mo."
"Excuse me, hindi ako mahalay," ani Arika. "I just happen to have a sexy imagination."
"Jinustify pa talaga ng bruha—"
All of a sudden ay biglang may nagdoorbell. Who could that be?
"Baka si loverboy mo 'yan, Naia. Miss ka na ata agad. Lumayas ka sa harap ko at kawawa kaming mga single dito," bulalas ni Yoon.
Tumatawang pinagbuksan niya ang kungsinumang nasa pinto. It wasn't Jarvis.
"Yvo? Anong—" napasinghap siya ng makita ang walang malay niyang pinsan na pasan nito. "Uno? What happened?"
"Hindi ko rin alam ate," sambit nito. Halata sa boses ang pagaalala. "One minute we were talking and the next eh bigla na lang siyang nawalan ng malay. I wanted to bring her sa ospital but your place was the closest I can think of. Sorry ate. I panicked."
Pinapaaok niya ito at agad naman pinahiga ang babae sa sofa. Pinagmasdan niya ng maigi ito at sinalat ang noo. Wala naman itong lagnat. Pero namumutla ito. Then she checked her breathing. Isang malakas na tapik ang binigay niya sa babae.
"Ano 'ba?!" biglang sigaw nito but with her eyes still closed. "Kita nang natutulog 'yung tao eh!"
Then Uno rolled to her side. Nakahinga siya ng maluwag. Maging si Yvo ay nakahinga rin ng maluwag at napaupo sa sahig. Even her friends sighed in relief.
"Ganyan 'yan kapag ilang araw walang matinong tulog," aniya. "She'll be fine. Iwan mo na lang muna siya dito, Yvo. Pasensya na sa abala."
Tumango ito. Poor guy almost had a heart attack. Tatayo na sana ang lalaki nang bigla itong mapabaling sa may coffee table.
"Ate Naia?"
"Hmm?" Nakatitig ito sa larawan na kanina pa nila pinagdidikusyonan na magkakaibigan.
"Why do you have a picture of Kuya Jarvis and his first love?"
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro