[B1] Episode 7
🌷
"Looks like someone's happy."
Nagulat si Naia sa biglang pagsulpot ni Arika sa kanyang tabi. Kasunod namang umupo sa kabilang upuan si Synn.
"Happy pechay ba? Sagana sa dilig?" dugtong pa nito. Sinamaan niya lang ng tingin ang kaibigang hapon bago ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.
The Art of Psychology. Jarvis loaned it to her para daw makatulong sa paper niya since she refused to let him go easy on her. Ang gusto niya'y ma-earn ng tama ang pinakamataas na marka by giving the best paper in the class.
"Okay ka na ba? I've heard from Yoon the other day na you showed up sa café looking like a mess," ani naman ni Synn na umupo sa kabilang tabi niya.
"I'm okay," sagot niya sabay ngiti. "More than okay, actually."
Then biglang pumasok sa silid si Mr. Montecillo sporting the biggest smile on his face. Pasimple pa itong tumingin sa kanya't kinindatan siya.
So much for being subtle...
This made the two raise an eyebrow and turn to her. Hindi niya pinansin ang mga ito't inabala na lamang ang sarili sa pagayos ng upo at pagsara ng hawak na libro.
"So... Term papers are due on Thursday," bungad ng lalaki na umani ng samu't saring reklamo mula sa mga estudyante. Excluding her, of course. "I hope everyone's preparing for it. Mababa ako magbigay ng grades kaya galingan niyo ha. There will be no easy A's in this class."
Hindi niya napigilan ang pagtawa. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kaklase.
"Is there something funny, Miss Uychengco?" tanong sa kanya ni Jarvis.
Agad naman siya napatingin.
"Ah, wala naman po, sir," sagot niya then unconsciously bit her lower lip. "It's just the term 'Easy A' can be a depicted negatively as it means getting high marks after rendering explicit favors..."
Mr. Montecillo looked really fine that morning. He was wearing a black long-sleeved shirt with the sleeves rolled towards his elbows neatly tucked in a pair of black pants. Lalong lumilitaw ang kagwapuhan niya as he adjusts his eyeglasses. Hindi niya napigilang ipagkrus ang kanyang mga binti.
Jarvis momentarily froze pero agad naman itong nakabawi.
"Ah, ga'non ba?" Tunawa ito ng pagak. "Sorry. Medyo kinakalawang na kasi ang pop culture references ko. What I meant is, hindi magiging madali ang uno sa'kin. Pasensya na. Tumatanda na kasi."
She clearly saw how the other girls swoon at how adorable he looked scratching his nape. Napahigpit ang kapit niya sa hawa na ballpen.
"Balik na tayo sa lecture natin today..."
Synn gave her a questioning look nang bumalik ang atensyon ng lahat sa lecture ng kanilang guro. "You really called him out for that? Iba ka rin talaga, Danaia."
"I think it's cute," komento naman ni Arika. "Ibang klase din sila maglandian. Pang-matalino."
"I can imagine how Sir Jarvis shuts her up kapag nagsisimula nanaman umarangkada ang pagiging know-it-all nitong kaibigan natin," umiiling na dagdag pa ni Synn.
"Feeling ko good kisser 'tong si Sir Jarvis," ani Arika sabay lapit ng kaunti sa kanila. "Hindi madali patigilin ang smart mouth nito ni Danaia."
"True—"
"Tumahimik nga kayo't makinig sa lecture," saway niya sa dalawa habang nanginginit ang mga pisngi. "Baka mapagalitan pa tayo."
"Sus," ani Arika sabay lean back. "Looking forward ka lang sa punishment mo mamaya eh."
Agad nanlaki ang kanyang mga mata't nag-init ang kanyang pisngi. Hindi naman napigilan ni Synn ang tawa na naging dahilan para bumaling sa kanila ang buong klase. Including Mr. Montecillo.
Pinangdilatan niya ang haponesang kaibigan na nagkibit-balikat lamang.
"Ladies, may nakakatawa ba sa lecture ko?" tanong ng kanilang guro.
"Si Naia po kasi sir—"
"Wala po sir!" putol niya agad dito. Again, she bit her lower lip. It's a force of habit she can't control. "Ano... um, may dumaan nanaman po kasing daga."
"We'll tell the admin to fumigate the place para sa mga daga, Miss Uychengco," sagot nito. Muli ay tumawa nanaman si Arika.
"Sir, baka gusto niyo pong umupo?" anito na ikinakunot ng kanyang noo. Then she spotted what her friend meant. Hapit kasi masyado ang suot nitong pantalon.
Mr. Montecillo shook his head and ignored her friend's comment. Itinuloy nito ang pagdiscuss hanggang sa lumipas na ang ilang oras at narinig na nila ang warning bell. Lunch na.
Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyantes sa silid. Tumatawa pa rin si Arika at Synn habang hinihintay siyang matapos sa pag-ayos ng gamit.
"Miss Uychengco?" tawag sa kanya ni Jarvis. "Can I have a word with you?"
"Ay. Word daw," rinig niyang bulong ni Arika. "Ano kaya 'yon, 'bend over'?"
Agad niyang pinandilatan si Arika na ikinatawa naman agad nito. Napaka-pilya talaga. But Synn also gave her a knowing look bago hinila papalabas si Arika.
Sinundan ni Jarvis ang dalawa but instead of going out, sinara nito ang pinto pati na ang blinds.
"Mr. Montecillo?"
He placed his hands inside his pockets bago bumaling sa kanya. His eyes were staring intensely at her. Specifically on her lips.
"You're doing it again," anito na tila nahihirapan. "You'll be the death of me, Naia."
Then she realized she was biting her lip.
He took a few steps towards her and she took some backwards. Napahinto lang siya nang biglang bumangga ang kanyang puwetan sa table nito. Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa mga labi nito.
"Iniwan mo ako kaninang umaga," anito as he caged her in between his arms that were propped on the very same table. He was leaning in too close that she can smell that manly scent she's been addicted since the first time they've met. "I thought we'd at least have breakfast together."
"Hindi ako pwedeng ma-late," pagdadahilan niya. "Nakakahiya naman sa professor ko."
Hindi nito napigilan ang ngiti. Lubog na lubog ang dimples nito kaya hindi niya napigilang sundutin iyon.
"You really like doing that, huh?"
Tumango siya.
"Ang cute kasi," sagot niya dito. "I hope you don't mind."
"I won't as long as you don't mind me doing this, too."
Nagulat siya nang bigla nitong sinakop ang kanyang mga labi. Her arms automatically wrapped around his neck as he lifted her up to be seated on his desk. Good thing their room was on the top floor and at the end of the hall. Sarado rin ang pinto so no one could accidentally see them.
Their lips battled it out in a breathtaking kiss. Parang hindi pa naging enough ang nakaraang gabi sa tindi ng mga halik nito sa kanya. Siya rin naman ay gumaganti with the same urgency and intensity.
Unti-unting naglalakbay ang ang mga kamay nito sa kurba ng kanyang katawan. She too can't keep her hands off him. Kahit napakalakas na ng warning bells sa kanyang utak eh tila wala siyang pakialam.
To hell with the rules! sigaw ng inner self niya. Wala na rin siya pakialam kung ano ang pwedeng mangyari. She trusts that Jarvis wouldn't break her heart. At least not intentionally.
Their make-out was cut short nang biglang tumunog ang telepono nito.
"Aren't you gonna answer that?" tanong niya dito nang saglit ay maghiwalay ang kanilang mga labi.
"It's not important," anito as he was about to lean in once again. Pero pinigilan niya ito.
"Answer it," utos niya. "Baka importante 'yan."
Jarvis let out a sigh before letting her go. Then he fished his phone out of his back pocket.
Inayos niya ang sarili. Buti na lamang ay may tumawag dito kundi baka kung ano pang kasalanan ang nagawa nila sa desk nito. And inside school grounds pa. Para bang hinahamon nila ang tadhana sa sobrang daming bawal na kanilang pinaggagagawa.
"That was Box," anito. "Nagyayaya mag-lunch. Wanna come?"
Umiling siya. "You know we can't be seen out together."
"Kasama daw 'yung pinsan mo at si Kendall," pagkumbinsi pa nito. "Plus, we'll go somewhere na wala masyadong nakakakilala sa'tin."
"But my friends—"
"Please, baby?" he pleaded. His thumb gently caressing her cheeks then momentarily cupped her face. "Kahit ngayon lang."
Baby. Ayan na. Gumamit na ng endearment. How can she say 'no'?
"Are you sure na kasama sina Uno?"
Tumango ito. Sabagay. Hindi mapaghiwalay si Uno at Kendall and at the same time eh nakabuntot naman lagi si Box sa best friend nito. And when there's Box, there's Seven.
"Okay," payag niya. "Just make sure na malayo sa UDSA yung kakainan natin—"
Naputol ang sasabihin niya nang bigla siya nito kintalan ng halik sa pisngi.
"Yes, baby," sambit nito while smiling. "So, let's go? Susunduin ka ni Seven. Convoy na lang ako para hindi masyadong halata."
Tumango siya habang tinatabing nito ang buhok na napadpad sa kanyang mukha. His other arm around her waist.
"Oh and one more thing," aniya na nakapagpabaling dito sa kanya.
"Hmm?"
Ngumisi siya sabay hila sa collar nito't pinagsakop muli ang kanilang mga labi.
Seven can wait. Maga-appetizer lang muna siya. Jarvis' french kisses.
"So this is why I got stuck with that idiot on the way here," reklamo ni Uno pagkarating nila sa isang family restaurant hours later. Behind her was an equally pissed guy na halos ka-edad lang din ata nito.
"Makareklamo ka eh parang ginusto ko rin makasama ka sa sasakyan," asik ng lalaki. "Pinagmukha mo pa ako Grab at doon ka talaga sa backseat umupo!"
"As if I'd seat sa tabi mo," bawi naman ng pinsan niya. "Sa sobrang dami ng babaeng pinapaupo mo doon, baka mahawaan pa ako ng kung anong germs meron sila. Eww."
"Ayan naman pala. Nagseselos," ganti ng lalaki. "You should've just told me. Pwede ka naman kumalong sa'kin eh."
"In your fucking dreams, Giovanno! Kilabutan ka ngang animal ka—"
And the bickering went on. Napabaling naman siya kay Seven na mukhang aliw na aliw sa napapanood. Box on the other hand was filming the whole thing. Si Kendall naman ang abala sa pag-order kasama ni Jarvis.
"Are they always like this?" tanong niya sa lalaki. "I know my cousin's a bit intense pero, I haven't seen her this pissed. Kahit pa kapag iniinis siya ni Third."
"Third?"
"Yup. My younger brother, Third."
Umawang bigla ang bibig nito. Maya-maya pa'y ang lakas ng naging pagtawa nito na ikinakunot ng kanyang noo.
"Bakit? Anong meron sa kapatid ko?"
He gestured her to keep quiet. Ngi-ngiti-ngiti pa ito na para bang may naisahan o kung ano. Sakto namang lumapit sa kanya si Jarvis.
"What's wrong?" tanong nito. Itinuro niya ang nakabungisngis na si Seven. "Gutom lang 'yan. Wag mo na lang pansinin."
Bagaman curious pa rin siya'y sinunod niya na lamang ito. His arm was on the backrest of her chair kaya mukha itong nakaakbay sa kanya. She was a bit cautious dahil baka may makakita sa kanila or mamukhaan sila. Litaw na litaw pa naman ang kagwapuhan ng mga ito.
Tila napansin naman sila ni Uno kaya't bigla itong huminto sa pakikipagsagutan sa lalaking kasama.
"So totoo na 'to?" tanong ng babae. "Wala nang atrasan?"
Napabaling siya sa katabi who was already looking at her. Nakangiti ito sa kanya so she can't help but get flustered.
"I guess so," sagot niya sabay ngiti. Jarvis tucked the loose strands of her hair behind her ear. The hinawakan nito ang kanyang kamay halik doon.
"You guys are so sweet!" Ani Kendall sabay yugyog sa katabi nitong si Box. Wala namang naging reklamo ang lalaki dahil nakatuon ang atensyon nito sa teleponong hawak.
"Ayun naman pala eh. May diligan nanamang magaganap," pangaasar ni Uno. "Masaya nanaman ang ginintuang pechay natin 'jan!"
Binato niya ito ng nilukot na tissue. Kahit kailan talaga eh ang pakawala ng bibig nito.
"Bastos ka talaga bata ka!"
"Inggit lang 'yan Ate Naia kasi tigang na tigang 'yan," sambit ng gwapong lalaki na tinatawag ng pinsan niya as Giovanno. "Wala kasing napatol."
Ito rin ata 'yong narinig niya 'nong isang araw na kasagutan ng babae. If hindi siya nagkakamali, he's the youngest sa mga Montecillo—Yvo. At tulad ng mga kuya nito'y hindi makakaila na napaka-gwapo nito. He had coffee brown eyes, well defined eyebrows at makalaglag panty na ngiti. May awra itong pang-badboy pero kapag nagsasalita na'y parang nagiging bata ito na gugustuhin mong alagaan. Pero parang kabaliktaran ata ang nakikita ni Uno sa lalaki.
"Ulol! Sino maysabi niyan sa'yo, Yvo? Fake news kang hayup ka."
Nangunot naman bigla ang noo nito. "Bakit, pinatulan ka na ba nung nilalandi mo? 'Yung Lantis ba 'yon? Hindi naman gwapo 'yung tukmol na 'yon ah."
"Malamang hindi 'yon gwapo kasi maganda siya, ulol!" asik ng babae dito. "And FYI lang, maraming nakakagusto saakin."
"Babae?" Nakakunot pa rin ang noo nitong sambit. "So who was that guy with you yesterday?"
"Kakambal niya, si Lexo."
"Lexo? What kind of name is that?"
"Pang gwapong pangalan. Di katulad ng Giovanno, 'inamoka!"
"They're at it again," reklamo ni Kendall sabay baling sa kanya. "Ate, congrats sainyo ni kuya Jarvis. Though I don't really get why you two need to keep it a secret. We literally drove two hours para lang makarating dito."
"No fraternizing," mahinang sagot niya. "Bawal 'yon sa school. Saka alam mo naman ang nga students sa UDSA. Ayoko lang ma-compromise ang posisyon ni Jarvis sa university."
"Ahh. Okay." Tumango-tango pa ito. "But seriously though, you two look so cute together. Bagay na bagay kayo."
Pinamulhan siya ng mukha. "Thank you—"
"Di hamak na mas bagay kami," singit ni Seven. "Nauna lang si Kuya. Mas bagay sa'kin si Ate Naia. Diba, ate?"
Natawa siya dito. Napaka-charming talaga ng batang 'to. Pero may atraso pa 'to sa kanya. Natigilan siya nang biglang madaanan ng tingin ang isang babae na kanina pa nakatingin sa kanila. Particularly kay Jarvis.
Mukhang napansin siya ng babae kaya't inilayo agad ang tingin sa kanila. Her forehead creased.
"Ate?" pukaw sa kanya bigla ni Box. "Okay ka lang?"
"Ha? Oo."
Pero mukhang napansin nito ang tinitingnan niya. Nanlaki bigla ang mata nito bago tinapik ang kuya nito.
"Kuya, isn't that Ahyessa?" turo nito sa babaeng napansin niya kanina. Napabaling din sina Seven at Yvo sa babae.
"Ah, oo. Si Ahyessa nga."
"Sino si Ahyessa?" tanong niya naman.
Halata ang pagalangan bigla ni Jarvis. But he still did. Pero sana pala, hindi na lang ito sumagot.
"She's my ex."
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro