Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B1] Episode 35

EPILOGUE

🐨

Two years ago...


"Hala! Sinasaniban na ata si kuya o! Nangiti mag-isa."


Napabaling si Jarvis sa pinsang si Seven na kasalukuyang kasalo niyang kumain. Niyaya niya kasi ang mga nakababatang pinsan mag-lunch sa labas since wala rin naman siyang kasama.


Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. After almost sixteen years ay nakausap na niyang muli si Naia. Actually, nakita na niya ito months before pero lagi siya inuunahan ng takot. He's been observing her from afar and he clearly saw how she shot down every advances the guys in the coffee shop did to her. At ang malala pa, she was so polite in doing so.


But yesterday. Yesterday was the best day of his life. Finally ay nakausap na niya ito. And not only that, they hit it off pretty well. So well that they even fooled around in her place.


"Baka na-kulam. Uso daw kasi 'yon ngayon," rinig niyang sambit ni Yvo.


"Hindi," singit naman ni Box. "May babae 'yan. 'Yang ganyang mga ngiti, isa lang ibig sabihin niyan. May kababalaghang magaganap sa condo ni Kuya mamayang gabi."


"Ang gago niyo talagang tatlo eh 'no?" asik niya dito.


"Uy! Hindi dineny. Ibig sabihin totoo," pang-aasar pa ni Seven. Kamba ito at si Box. Pero dahil magkakalapit ang mga edad, mukhang triplets ang tatlo sa sobrang close. Almost as if they share the same freakin' braincell. "Sexy ba, kuya? San mo napulot?"


"Gago. Hindi napupulot ang mga babae," pagalit niya dito. "Kayong tatlo ha. Ayusin niyo nga 'yang pananalita niyo. Hindi kayo tinuruan ng ganyan nina Tita Teddy at Tita Dorothy!"


"Eto naman si kuya napaka-uptight," nakabusangot na sambit ni Seven. "Hindi naman ganon yung ibig 'kong sabihin. Tinatanong ko lang kung san mo nakilala at doon ako tatambay. Knowing you, sigurado akong sexy at maganda 'yung babae. Ang pihikan mo kaya!"


"Akala ko nga dati bakla ka na kuya eh," suporta naman ni Yvo. "Wala kang pinapakilala sa'ming babae mo. Buti pa Kuya Dos kahit ilag sa mga babae, may regular visitor sa condo."


"Huwag niyo nga akong ginagaya sa mga kapokpokan niyo," asik niya dito. "Hindi ako tulad niyong mahilig mambabae."


"Pero may babae ka na nga, kuya?" pilit na isiningit ni Box. "Yung totoo. Iku-kwento ko kay kuya Inno para naman may rason para magpa-party kami sa bahay."


"Me seeing someone isn't a viable reason to throw a party, Borromeo."


"So, you do have one!" Napa-palakpak pang bulalas ni Seven. "Yvo, tawagan ang buong angkan. The Montecillo's most elusive bachelor has finally landed himself a new girlfriend!"


"On it!" Nakangising sambit ng bunso habang tumitipa sa telepono. Nagsalita ito nang hindi bumabaling sa kanya. "So who's the lucky girl, kuya? I-add ko sa instagram."


"Anong elusive? Kayo ang kukulit niyo—"


"Elusive ka kuya kasi ang naaalala kong last girlfriend mo noon eh si Ate Ahyessa pa. Which was when? Two, three years ago? Ang tagal na din talaga eh."


"Ewan ko sainyo. Gutom lang 'yan—"


Nagulat siya dahil biglang tumunog ang kanyang telepono. It was his brother, Inno. Tinapunan niya muna ng tingin ang tatlo bago sinagot ito.


"Hello—"


"Balita 'ko may babae ka na raw," bungad agad sa kanya nang nasa kabilang linya.


"Wow. Wala munang 'Hello, baby brother', kuya Inno? Atake agad?" nagbibiro niyang sagot sa nakatatandang kapatid.


"Okay. Hello, baby brother kong damulag," ulit nito na may dagdag na pang-aasar. "Sabi 'nung bunso may babae ka raw. Totoo ba 'yan o niloloko nanaman ako ng mga walang magawang hinayupak na 'yan?"


"Ang bilis talaga ng balita," bulong niya. "Don't listen to them. Nagugutom lang 'tong mga 'to kaya pinapakain ko na."


"Weh? Di nga? Does this have something to do with Danaia Uychengco?"


Hindi siya nakaimik. Oo nga pala. Alam nito ang tungkol kay Naia.


Sixteen years ago, nakilala nila ang batang si Naia sa ospital na pag-aari ng kanilang pamilya. For him it was love at first sight. Unang kita niya pa lamang dito ay agad nang nahulog ang kanyang loob dito. It might sound silly since he too was just a kid back then pero, alam niyang hindi lamang basta 'crush' ang nararamdaman niya para sa batang babae.


But Naia liked Inno. Sunod ito ng sunod sa kanyang kuya and looked at him like he hung the moon and the stars. Pero walang interes sa batang babae ang kanyang kuya dahil busy ito sa paglalaro ng computer games. Naia would cry and he'd be there to comfort her. Siya na lamang ang nakikipaglaro dito at nakikipagkwentuhan.


But the day came when she stopped showing up at the playground. Hindi niya pa noon alam ang apelyido nito kaya all he had left was that one picture the three of them took together. Iningatan niya iyon and vowed to look for her one day.


He sighed. Wala naman nang rason para itago niya sa kapatid ang mga naganap sahil malalaman at malalman pa rin nito ang totoo. He smiled.


"Yes, kuya. I finally found her."


🐨


Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang abala sa pagbabalanse ng expenses ng kanyang coffee shop. Hindi siya makapag-concentrate dahil na rin siguro sa mga naganap ng nakaraang araw.


Naia called everything off. Hindi kasi ito kompurtable sa set-up nila with him being her professor. Bagaman masakit, he didn't want to force himself on to her dahil ayaw niyang maging hindi ito kompurtable. He can wait.


But it was still devastating. Muli ay napabuntong-hininga siya.


"Ang lalim 'non ah," pukaw sa kanya ng isang tinig. Napaangat siya ng tingin at bumungat sa kanya ang nakangising si Georgina—Rhi para sa kanya.


"Hey, Rhi. What's up?"


"Maaga natapos class ko so I thought of dropping by," anito sabay upo sa harap niya. "I did expect you to be here but I didn't think you'd look like this. You're a mess, Jarv."


Naging close sa kanya si Georgina nang makilala niya ito dito sa coffee shop. Nagulat siya nung una dahil bigla na lamang itong nagpakilala saying she's Dos' friend. And knowing Dos, hindi ito pala-kaibigan. So he thought she's one of his admirers na napapadalas lang sa coffee shop in the hopes to see that aloof cousin of his.


And he was right. George was one of those admirers but she was different. Kaya siguro out of all the girls na humahabol sa pinsan niya, only George can get a reaction out of Dos.


"Dahil ba 'to don sa pinsan ni Uno?"


Nangunot ang noo niya. "You know Naia?"


"Naia ba pangalan? Ang cute," anito. "Pero, no. I don't personally know her. I just heard Kendall and Uno talk about it this morning when I bumped into them sa campus."


"Bakit ba ang bilis niyong makasagap ng balita?" reklamo niya na ikinatawa nito. "And to answer your question, yes. She dumped me."


"Dumped you?" di makapaniwalang bulalas nito. "Isang Montecillo, binasted? Now I really want to meet this girl. Bakit daw? Naintimidate ba sa katalinuhan mo?"


"She's my student," sagot niya. "Professor niya ako sa Psych 101."


"What the fuck?!" Ang lakas ng naging tawa nito. "Of all the girls in the world, Javier Vitus. Estudyante mo pa? Dadaanan talaga kita one of these days sa klase mo. This is gold!"


He rolled his eyes and turned his attention back to what he was doing. Still, his head can't stop thinking about her. Because even if they're not together, that doesn't mean he'd stop caring. He always have, always will. Sana lang ay nasa maayos itong kalagayan.


🐨


Being with Naia was a taste of heaven. Sobrang saya ng bawat araw na kasama niya ito. Kahit pa hindi sila nagkakasama sa labas ng kanyang tinitirhan, okay lang iyon dahil walang kapantay na saya naman ang nararamdaman niya tuwing magkasama sila.


She was everything to him.


But like what he said previously, all he got was just a taste of it.


🐨


"I'm sorry."


Hindi lubos akalain ni Jarvis kung gano kasakit ang dalawang katagang iyon. He felt like the world turned against him at wala na siyang magawa kundi tanggapin na lamang iyon.


But she said she loved him. Mahal siya nito ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanila. Komplikado ang lahat at naguguluhan lamang ito.


On the day she was set to leave the country, sumunod siya sa airport. He was there watching her enter the boarding gates frantically. He also boarded the same plane just so he could make sure na okay ito flying alone abroad. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sa ospital kung saan idinala ang abuelo.


He only left when he saw her safe with their guards and her grandparents. Miss na niya si Naia. Pero wala siyang magagawa kundi ang pagmasdan lamang ito mula sa malayo. She needed to be there for her family and he understood. Kaya kahit pa gaano katagal, hihintayin niya ito.


Kaya nga every time George asks her how he does it, he always had one simple answer.


"Nahintay ko siya for sixteen years. I can wait for a few more 'coz she's worth the wait."


🐨


"Si Naia iyon, hindi ba? What is she doing in your house?" agad na tanong ni George nang mamukhaan nito ang dating kasintahan. Alam niyang nakabalik na ito sa bansa but he didn't expect to see her this soon. "Pa'no na 'to, Jarv? I can finally see a reaction from him. Uurong pa ba tayo?"


"But Rhi..."


"I'm sorry for being selfish pero, please, Jarvis. This is my last resort," pagmamakaawa ng kaibigan sa kanya. "I promise to make it up to you. Ako pa mismo ang magpapaliwanag kay Naia if I get the chance. Just please don't back down now."


Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Hindi niya matatanggihan ang kaibigan lalo pa't nung mga araw na parang wala na siyang pag-asa ay ito ang dumamay sa kanya. She was there when he was hurting and didn't leave. Ito lang rin ang nagtiyagang makinig sa kanyang mga hinaing.


"Please, Jarv..."


He let out a sigh and placed his arm around her. She pulled her close into a side hug.


"Makakahindi ba ako sa'yo, Rhi?" aniya making the girl show her gummy smile. "Let's show that cousin of mine what he just lost."


Ang importante naman ay nakabalik na ito. He has time. Konting tiis lang naman ang kailangan...right?


🐨


"You can't just order me around. Buwan lang ang tanda mo sa'kin, Inno," rinig niyang sambit ni Dos from the kitchen. "Fine. I'll babysit your fiancée. Next time ask River."


"Anong inutos ni Kuya?" tanong niya once the call ended.


"Samahan ko daw fiancée niya sa meeting," tipid nitong sagot.


Fiancée? Si Naia ba ang tinutukoy nito? Hindi na siya nagdalawang isip.


"I'll do it," anito. "Ako na lang sasama."


Nangunot naman agad ang noo nito.


"Don't you have a date?"


"May meeting si Rhi with some clients," sagot niya dito. "At wala rin naman akong ginagawa so it's fine."


Naningkit lalo ang mga mata nito't tiningnan siya ng maigi. Patay malisya lamang siya't nagkibit-balikat lang.


"Fine. Whatever."


Napangisi siya.


🐨


"You promised us. Sabi mo iinom tayo, kuya," Yvo whined as he, Seven and Box followed him around the house. Kararating niya lang pagkatapos ihatid si Georgina sa airport.


"Kayo na lang muna," sagot niya as he walked towards his room. "It was a long day kaya medyo napagod ako. I'm in no condition to drink tonight."


"Eh sana bahay lang naman tayo. If we get drunk our asses off, for sure namang hindi tayo mapapano. We'll be safe," pagdadahilan ni Box.


"And besides, we can't drink inside the house kapag hindi isa sainyo nina kuya ang kasama. Tita Saturn's rules," dugtong naman ni Seven.


"Please, kuya. I really need this one."


Napatingin siya kay Yvo. He was pouting ang giving him that puppy-dog eyes no one can resist. He sighed.


"Fine. But if I get drunk, idala niyo ako sa kwarto ko ha."


"No problem, kuya," nakangiting sambit ni Seven.


"Kami ang bahala sayo," dugtong naman ni Box.


Bakit parang feeling niya eh may kakaibang mangyayari ngayon?


🐨


"Lagi na lang eh. Ang sakit sakit na. Pero ano pa bang magagawa ko? I can't just leave her like that," reklamo ni Yvo na halatang may tama na. He was venting out all his frustrations habang siya, si Seven at Box ay nakikinig lang. "Mahal ko eh. Matitiis ko ba?"


"Ang tanong eh, mahal ka ba?" diretsong tanong ni Seven dito as he chugged the contents of his glass.


"Hindi ko alam," sagot naman nito. "We kiss. We make out. We fool around. Mali ba ako to assume na may nararamdaman siya para sa'kin?"


"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya?" tanong niya naman. "Tell her what you feel para naman hindi ka na nahihirapan."


Napabuntong-hininga lang ito. "If I tell her, lalayuan niya ako. She'll run away."


"Pano ka nakakasiguro?"


"Because it's Uno," sagot nito.


Nagpatuloy ang paglalabas nito ng sama ng loob habang umiinom. Si Box din naman eh kanina pa tinatawagan si Kendall for some reason.


"Box, baka tulog na si Ken. Stop calling her."


"But...I need to...tell her how I...feel," he slurred. Mukhang nakakarami na rin ito. Hindi niya ikakaila na maging siya ay nahihilo na rin ng kaunti. "Baka this... time... maniwala... na sha—"


Suminok pa ito habang tumitipa sa teleponong nakaharap naman sa maling direksyon.


"Box—"


"Hayaan mo na 'yang dalawa, kuya," nakangising sambit ni Seven. "Ganyan kasi kapag nafe-friendzone. Kaya ako, kapag gusto ko eh hindi ko kinakibigan para di ako mabaon. Hirap pa naman makawala 'don. Sarap maging single. Wala nang problema, pwede pa makarami—aray!"


Nagulat sila nang sumulpot bigla si River. Nakapangtulog na rin ito gaya nila.


"Siraulo!" saway nito sa kapatid. "May inuman palang ganap bakit di niyo 'ko sinabihan?"


"Akala namin tulog ka na—"


"Ken? Hello? Bakit iba boses mo? Anong the nuber you have dialed is out of coverage area? Sa call center ka na na ba nagtatrabaho?"


Napailing na lamang silang tatlo while Box continued talking to his phone. Pagtingin nila sa direksyon ni Yvo, wala na ito sa kinauupuan.


"Teka, asan na ba si Yvo?" tanong niya sa dalawa.


"Baka umakyat na, kuya," kibit-balikat na sagot ni Seven. "Tinamaan na ata ng antok.


"Bastos na bata. Ni hindi man lang nagpaalam," litanya ni River sabay abot ng isang baso ng alak. "So anong meron at umiinom kayo?"


"Nangulit 'yung tatlo. Pinagbigyan ko lang," sagot niya naman sabay lagok din ng iniinom.


"Broken 'yung dalawa. Gusto lang ata maglabas ng sama ng loob," aniya.


"Makapagsalita ka parang hindi ka broken," asik ng pinsan bago ininom ang alak sa kamay. "Ay oo nga pala. May girlfriend ka na. Naka-move on ka na."


He just scoffed before chugging his own drink for the umpteenth time. Medyo nahihilo na rin siya dulot ng pagod and of course, the alcohol.


"Mahal ko pa rin siya. Si Naia pa rin ang mahal ko pero hindi daw kami pwede. Pinagtagpo pero hindi tinadhana..."


🐨


"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride."


Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi sa he faced his wife, Naia. Lingid sa kaalaman ng lahat ya noong isang araw pa sila kasal. Wala ring ideya ang mga ito na may paparating nang panibagong Montecillo sa kanilang buhay.


Bagaman gulat ang lahat sa naguaring pagpapalit nila ng kapatid na si Inno, no one dared to disrupt the wedding. His mother just smiled as she knew how he really felt for Naia. Ang ama naman niya'y gulat na gulat since hindi rin naman niya naiku-kuwento dito na may nakaraan sila ng babaeng ipapakasal sana nito sa panganay.


Naia's father on the other hand was panicking. He was ranting about what the people would say and how embarrassing it was to the guests pero buti na lang at nandoon si Señor Alfonso para patigilin ito. Tita Catalina even gave them a thumbs up.


He was on a high habang dahan-dahang iniangat ang puting belo nito upang maisagawa na ang iniutos ni father. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso at tila walang mapaglugaran ang kasiyahan sa kanyang dibdib.


"Hi," nakangiting sambit ng kanyang asawa as soon as he lifted the veil. Damn she was so beautiful. Kumikinang ang mga mata nito as she looked up to him. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti rin.


"Hi," sagot naman niya dito before cupping her face as leaning in to seal the deal.


Umugong ang mga palakpakan sa paligid at hiyawan na rin care of the twins, Yvo and Uno. Even Third pumped his fists in the air nang hapitin niya ang baywang ng asawa and dipped her down.


And that was the start of the Substitute, Mr. Montecillo and The Perfect Girl Naia Uychengco's happily ever after.


END OF BOOK 1

🌷


A/N: and that's a wrap! thank you for reading guys. Sana abangan niyo rin yung stories nung iba pang mga Montecillo ☺️☺️☺️ xx Aki 💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro