Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B1] Episode 33

SPECIAL CHAPTER
YOON
💐

One day ago...


"Anong masamang hangin nanaman ang nagdala sa'yo dito?" bulyaw agad ni Yoon sa lalaking nasa harapan niya.


Inosencio Raziel Montecillo—the devil himself, stood there smirking at her.


"My dear Arabella. Swerte mo nga at biniyayaan kita ng presensya ko," anito as he leaned in closer—his arms resting on the counter in between them. Napaka-casual lang ng suot nito unlike the usual suit and tie he sports every now and then.


Totoo naman na may itsura si Inno. Okay, he was freakishly handsome. Yung tipong nung nagpaulan ng kagwapuhan si Lord eh nasa harapan ata 'tong ulupong na 'to at inangkin lahat. Pero siyempre hindi niya iyon aaminin dahil baka lumaki nanaman ang ulo nito.


"Balita ko, hindi ka pa rin marunong humalik," pangaasar nito. She rolled her eyes.


"Lakas din naman talaga ng radar mong demonyo ka," asik niya dito. "Eh ano naman ngayon kung wala na kami nung gagong 'yon?"


"Wala naman. Akala ko kasi hindi ka na matatauhan," kibit-balikat nitong sambit. "Tagal ko na kasing sinasabi sa'yo di ka naniniwala."


Inirapan niya ito. "Oo na. Tama ka na. Pumunta ka lang ba dito to para magyabang? Kasi kung oo, lumayas ka sa harapan ko. Wala akong oras para sa'yo."


"Buti na lang pala at dalawa ang rason kung bakit ako pumunta dito," anito sabay kindat. "Tara, date. You could really use one."


Tinaasan niya ito ng isang kilay.


"High ka ba?" bulalas niya. "Anong katol ba ang nasinghot mo para isiping gugustuhin kong makipag-date sa'yo? Excuse me, hindi ako desperada."


"Wow. Hiya naman ako. Ganda mo?" ganti nito. "Eh mas maganda pa nga ako sa'yo. Ang choosy mo po."


"Alam mo, kung hindi ka lang talaga babaero iisipin ko bakla ka."


"Sus. Gusto mo lang ako ma-try eh," challenge nito sa kanya. "Don't worry. Marunong naman akong magdahan-dahan. Pasasayahin ko first time mo kahit masakit."


"Bastos!"


She grabbed the nearest weapon and aimed it towards him—isang gunting.


"Ikaw na damuho ka ha. Kung wala kang ibang gagawin maliban pagtripan ako, lumayas ka sa shop ko. Or else, isasaksak ko 'to sa'yong gago ka."


"Kinky. You never fail to amaze me, Arabella."


Lalong uminit ang ulo niya nang hindi ito natinag at lalo pang lumapit. She rolled her eyes and walked out. Nakakabwisit talaga itong Inosencio na 'to. Alam nang broken hearted siya, magaasar pa.


Wes and her broke up just a few days ago. Maliban siguro dito at kay Arika eh wala pang nakakaalam. For sure naman eh hindi si Arika ang nag-chismis dito about her current relationship status dahil hindi ugali ng kaibigan niyang iyon na ipagkalat ang mga sikreto nila. Pano kaya nasagap ng radar nito ang balitang hiwalay na nga sila ni Wes?


Hindi pa siya nakakarating sa may make-shift door eh naramdaman niya na agad ang braso ng demonyo na pumatong sa kanyang balikat.


"Come on, Arabella," pilit nito sa kanya. "Hindi ka dapat ng mumukmok dito sa shop mo. Go out. Have fun. Don't give that asshole the benefit of seeing you this affected."


Inis na tinanggal niya ang braso nito sa kanyang balikat sabay harap dito. She folded her arms and glared at him.


"Oo. I will go out and I will have fun," sagot niya dito. "But in no way will that involve you. Tatawagan ko na lang si Arika, Synn at Naia kung gusto ko lumabas. We're not exactly friends, Inno."


"Wala naman kasi akong sinasabing friends tayo," ganti nito sabay hapit sa kanyang baywang at hinila siya papalapit. Shocked was an understatement. "And I don't intend us to be just friends."


Naramdaman niya ang biglaang paginit ng kanyang mga pisngi. Tinulak niya ito ng malakas papalayo but the guy was strong. Ngumisi pa ito.


"Samahan mo ako, Arabella. I'm sure matutuwa ka sa plano ko."


Nangunot ang noo niya.


"Plano? Anong plano?"


"You'll see."


💐


"You're crazy! Hindi na talaga sa normal na tao yang utak mo, Inosencio. Ipagpapalit natin yung pangalan mo at pangalan ni Jarvis? Baliw ka na talaga!"


Kanina pa sila naglalakad ng lalaki papunta sa city hall dahil balak nitong ipagpalit ang pangalan nito at ng kapatid sa marriage license—if that's even possible. At mukhang ready na rin ito kasi may dala itong mga papeles tulad ng birth certificate ni Jarvis at Naia at kung anu-ano pa.


"Gusto mo bang makasal si Naia sa taong hindi niya naman mahal?" balik nito sa kanya. Umiling siya. Siyempre hindi dahil mahal niya ang kanyang kaibigan at priority ang kasiyahan nito. "In that case, tulungan mo ako dito. It's my wedding gift to them and since galante naman ako, isasabay na kita sa regalo ko."


"Pwede ba 'yon?" tanong niya. "These are legal documents, Inno. Hindi 'to basta-basta napapalitan."


Muli ay inakbayan siya nito at mas hinapit pa papalapit sa katawan nito. Bakit ba ang bango-bango niya? Bwisit.


"Nasa Pilipinas tayo, Arabella. Connections are everything. At sa tamang presyo, makukuha mo ang gusto mo," saad nito sabay bukas ng pinto para sa kanya.


That's Inno's thing. Napaka-straightforward nito. A lot of people might get offended pero may point din naman ito. Nga lang eh hindi ito marunong kumutsara ng mga salita.


Isang irap ang iginawad niya sa lalaki bago nilampasan ito't pumasok sa pinto ng civil registrar's office.


"Good morning, Tito," rinig niyang bati ni Inno sa head of office. "Dala ko na po yung mga papeles."


"That's great, Inno," sagot naman agad ng lalaki. "Ang magagawa lang natin for now and possibly the fastest way it cancel your previous marriage license and make a new one para sa kapatid mo. But it will take two days bago ma-process 'to."


"Tito, bukas makalawa na po yung kasal. Hindi po ba pwede mapabilis ng konti yung proseso? Say... mamayang hapon? Lalakarin pa po kasi namin yung sa simbahan."


"I don't know, Inno. Masyado kasing komplikado ang proseso—"


"Kamusta nga po pala yung anak niyong si Calvin?" tanong bigla ni Inno as he sat on the chair sa harap ng table nito. "Is he still into racing?"


"Si Calvin?" kitang kita niya ang pagkinang ng mga mata ng matanda. Looks like the boy was the man's pride and joy. "Oo. Medyo delikado nga lang yung sport pero passion niya na rin kasi 'yon. He's been joining a lot of competitions recently."


"Nabalitaan ko nga, tito," sagot ni Inno. "I also heard isa siya sa mga top picks for the European circuit?"


"Why, yes," proud na sagot ng lalaki. "Nakwento niya 'yon the other day. Pero sabi niya wala pa daw final list since marami pa daw pagdaraanan. And bihira daw makapasok ang mga Pilipino doon. He needs to have some sort of sponsorship to be able to join."


"Sponsorship? What kind?"


Kitang-kita niya ang pagguhit ng isang malapad na ngiti sa mukha ng damuho.


He planned this!


"Kailangan daw na may isang event sponsor ang magrecommend sa anak ko para makapasok siya sa preliminaries," kwento ng matandang lalaki oblivious to what the devil incarnate was doing.


"That's too bad," anito sabay tingin sa kanya't kumindat. Muli ay bumaling naman ito sa lalaking kausap. "I think I can help him. If I remember it correctly, isa sa mga subsidaries namin sa London ay involved sa European Circuit. I can give them a call and recommend Calvin if you'd like."


She rolled her eyes. Professional manggagantso talaga 'tong lalaking 'to.


"Talaga? You'd do that?" gulat na sambit ng matanda.


"Of course, tito. What are friends for?"


"That's great!" Agad nitong sambit. "Calvin will be ecstatic. Matagal na niyang pinapangarap maging parte ng European roster. Thank you, Inno. You don't know how much this means to us."


Tumayo ito at kinuha ang envelop sa ibanaw ng mesa nito.


"Balikan niyo na lang itong marriage license by noon. I'll have it ready by then," nakangiting sambit ng matanda.


Inno stood up and shook the man's hand.


"Gago," she mouthed at Inno on their way out of the office. Kumibit-balikat lang ito bago gumanti.


"Connections, love."


💐


"Natawagan ko na 'yung assistant ko to change the groom details sa venue. All that's left is the church. Sure ka bang pwede 'tong pinaggagawa natin, Inosencio?"


Kasalukuyan silang nagda-drive papunta sa simbahang pagdadausan ng kasal para ipaayos naman ang mga detalye ng kasalang Jarvis at Naia. 


"Oo. Legal ang lahat ng 'to. Kesa naman sayangin natin yung milyones na ginastos para sa kasal namin, why not put it to good use?" sagot ng lalaki habang nakatingin sa daan. "Para matitigil na rin ang kabobohan nung dalawang 'yon. Ewan ko ba 'jan sa kapatid ko. Biniyayaan na nga ng katalinuhan, di pa ginagamit ng maayos. Pwede niya naman 'non sundan si Naia sa Amerika noon pero di ginawa. Puro like lang ng posts saka comment ang ginawa. Ginawa na atang career yung pagiging stalker."


Nangunot ang noo niya.


"Teka," aniya. "Like ng posts at comment? Binlock kayong lahat ni Naia sa social media ah."


"Bakit, hindi na ba pwede gumawa ng bagong account?" asik nito. "Gamit rin ng utak pag minsan, Arabella. Wag puro ganda."


Natigilan siya. Did he just indirectly say she's beautiful?


"Teka. Nawawala ata tayo. May waze ka ba?" biglang tanong nito. Agad naman siyang napatingin sa paligid. Nasa Maynila pa ba sila?


Kinuha niya mula sa bulsa ang telepono. Ngunit kung 'di ka naman talaga minamalas, deadbatt na siya.


"Shit. Dead batt na 'ko."


"Patong mo 'jan. May wireless charging feature 'tong kotse."


"Hoy, hindi lahat afford ang teleponong may wireless charging eme."


"Cord tuloy."


"Wala rin."


"Ano ba 'yan, Arabella," saway nito sa kanya. "Gayahin mo nga si Solyn. Daig pa girl scout sa sobrang handa lagi. Dala na ata nun buong bahay niya sa bag niya eh."


"Sorry ha kung hindi ako si Synn," inis na bulyaw niya sa lalaki. "Akin na phone mo. Yun na lang gamitin na'tin."


"Wala akong dala. Naiwan ko sa mansyon."


Nagulat siya. First time niyang maka-encounter ng taong kaya mag-function ng isang buong araw na walang telepono. Especially someone prominent and busy like Inno.


"Iniiwan mo lang telepono mo sa mansyon?!" hindi makapaniwalang usal niya. "Pa'no kung may importanteng tawag ka? CEO ka pa naman."


"Kasama naman kita kaya wala nang silbi 'yon," diretsong sambit nito na ikinahinto niya.


Teka. Anudaw?!


"Pero wala din naman kasi dead batt ka na. Charge-charge din pag may time."


"Dala-dala din ng phone pag may time—"


Napatili siya nang biglang may kung anong pumutok. Hininto agad ni Inno ang sasakyan.


"Shit!"


Napatingin siya sa lalaki. "What the hell was that!?"


"May balat ka ba sa pwet, Arabella? I know that would look cute pero, we're in a tight sched," anito sabay tanggal ng seatbelt. "Na-flatan ata tayo."


"Ano?!" bulalas nito. "Hindi na nga natin alam kung nasaan tayo tapos naflatan pa tayo? Hindi kaya ikaw yung may balat sa pwet?"


"Wala naman. Pero kung gusto mo, bakit di mo icheck? Baka di ko lang nakita—"


"Bastos ka talagang gago ka!"


"Ikaw 'tong nagtatanong," balik nito. "Anyways, wala na tayong magagawa. Feeling ko naman, pamilyar na 'tong daan kaya lakarin na lang na'tin. Kung bakit ba naman kasi sa isang liblib na lugar pa yung simbahan. Pwede naman sa malapit sa sibilisasyon diba? Sino ba nagsuggest nito?"


"Shunga. Ikaw nagsuggest nito."


"Ay, ako ba? Pasensya na. Si Jarvis kasi talaga yung utak. Ako, mukha lang talaga," biglang bawi nito. "Tara na nga. Baka abutin pa tayo ng gabi. Baka may makasalubong tayong fans ko at bigla akong iuwi."


Hindi niya napigilang mapa-facepalm. This is gonna be a long day.


💐


Feeling ni Yoon ay parang naka-magnet ang kanyang likuran sa malambot na hinihigaan ngayon.

 

Wait. Malambot? Agad siyang napabalikwas at iginala ang paningin aa paligid.


Nasan ba siya? Last time she remembered eh matigas ang higaan niya sa storage room ng kanyang shop. Isang linggo na rin kasi siyang tumitira doon after Wes kicked her out of her own condo. Kung bakit ba naman kasi sa lalaki niya pa pinangalan ang property eh siya naman talaga ang nagbabayad 'non.


Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang hubad na likod ng kung sinong Poncio Pilato sa katabi niya. Agad niyang hinila ang kumot palapit sa kanyang dibdib na naging dahilan para umungol ang lalaki—na walang iba kundi si Inno pala.


"Putangina! Inosencio!" bulyaw niya sa lalaki sabay sipa dito. Mukhang nagulat naman ito kaya hindi nito napigilan ang pagkahulog sa sahig. "Nasan tayo at bakit nakahubad kang putangina ka?!"


Isang malaks na kalabog ang sumagot sa kanya kasama ng ungol nito.


"Kung gusto mo pala eh rough dapat nagsabi ka. Hindi yung nambibigla ka," inis na turan nito sabay upo. "At hindi ako nakahubad. Di mo ba nakikita yung pajama ko? Kung maghuhubad ako, sisiguraduhin kong hubad ka rin dapat. Equality dapat 'diba—aray! Nakakarami ka na ah!"


Sinipa nanaman kasi niya ang lalaki. Puro kabastusan na lang talaga ang lumalabas sa bibig.


"Magdamit ka nga! Parang wala kang kasamang babae. Gago 'to."


"Excuse me, kapag may kasama akong babae eh wala talaga kming saplot kapag nagigising—aray!"


"Bihis. Dali!"


He rolled his eyes bago tumayo at humablot ng isang pang-itaas sa cabinet nito.


"Nasan ba tayo?" tanong niya dito sabay tingin sa suot niya. "Sayo ba 'tong t-shirt?"


"Knock out ka na kasi kagabi kaya dito na lang kita dinala sa mansyon," paliwanag nito. "And yes, damit ko 'yan. Parang di kasi kompurtable kung nakapantalon ka saka blouse matutulog."


"Ah. Okay—hoy! Sino nagpalit ng damit ko?!"


"Ako. Sino pa ba?" Nanlaki ang kanyang mga mata. Si Inno?! Si Inno ang nagpalit ng damit niya?


Napabaling siya dito at tumingin ito sa may dakong dibdib niya sabay ngisi.


"Putangina!" She grabbed the nearest pillow and started hitting him. "Paka-manyak mong hayop ka! Manyak!"


"Hoy hindi ko kasalanan 'yon! Ikaw 'tong ang hirap gisingin eh!" pagdadahilan nito habang hinaharang ang mga atake niya. "Ano ba Arabella!"


"Manyak! Mananantsing! Walang hiya—"


In one swift move, naagaw ng lalaki ang unan mula sa kanya't naramdaman na lang bigla ang malambot nitong labi sa tungki ng kanyang ilong. Natigilan siya.


"Yan ang tsansing," nakangising sambit nito. "Magbe-breakfast na 'ko. Sunod ka na lang sa baba kung gusto mo."


She stood there frozen while watching him walk out the door.


Ang lakas lang ng kabog sa kanyang dibdib. Parang may rock concert sa sobrang lakas ng pagtambol.


Peste ka talga, Inosencio Raziel! Peste ka!


💐

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro