[B1] Episode 32
🌷
"Are you sure about this, Naia?" tanong sa kanya ni Jarvis as they waited outside her Tita Cathy's office.
Mula sa airport ay agad nilang tungo ang opisina ng abogadong tiyahin para kausapin ito to help them get married as soon as possible.
At first, nagulat ito nang bigla silang sumugod sa opisina nito. Akala pa nga nito ay si Uno ang may pakay magpakasal dahil ang gaga niyang pinsan eh namali nang pagkasabi. But all in all, suportado siya ng tiyahin sa kanyanh naging desisyon. She didn't even get to tell her na buntis siya't magiging lola na ito. They decided to tell them a few weeks after they tied the knot para hindi magmukhang nagpakasal sila dahil doon.
"One hundred percent. Ako nag-aya sa'yo diba?" sagot niya dito. "I want to marry you, Javier Vitus Montecillo. I've never been sure about anything in my life. Maybe aside from loving you but you get my point. I love you with every fiber of my being, Vis."
"Then I guess we're really doing this," anito chuckling a bit. "But the proposal part, I wanna do that right."
Napasinghap siya nang biglang lumuhod ito sa kanyang harapan at may kung anong kinuha mula sa kanyang bulsa. He opened the small light blue box at isang silver band with a princess cut diamond stone sitting on its center.
Agad napaunta ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Paanong meron siya 'non?
"I bought this two years ago," panimula nito as he looked straight at her. "I was gonna ask you to marry me after your graduation. Pero... shit happens and things got messy. But I held on to it because I know I'll be able to use it one day. And I was right."
Umiiyak nanaman siya. But this time, it was happy tears.
"Danaia Martienne Uychengco—the love of my life and the mother of my child, will you make me the happiest man alive and marry me?"
"Yes, Vis. Yes!"
She threw herself into his arms that almost made him topple over. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito as he buried his face on the crook of her neck.
"Wala nang bawian 'to ha, baby?" he joked. Half-joked at least.
"Wala na," sagot niya as she leaned back and cupped his face. "I'll never leave you again, Vis. We'll stay for good."
"Good," he said tucking the loose strands of her hair behind her ear. Then he kissed her lightly on the forehead.
"You're right. They're disgustingly adorable."
Sabay sila ni Jarvis napabaling sa kayang tiyahin na hindi nila namalayang nakalabas na pala ng opisina nito. Nakangisi naman sa tabi nito ang pinsan niyang si Uno habang nakaakbay sa nanay nito na para bang magtropa lang ang dalawa.
"Ito ang marriage license niyo. I took the liberty of back dating it to three months ago just in case makwestyon ang validity nito. And as per the other documents, napaayos ko na rin so you two don't need to worry about it," anito sabay abot kay Jarvis ng isang brown envelop. "Judge Torres will be waiting for you sa rest house niya sa Laguna. Pasensya na at hindi ko kayo masasamahan. I have a scheduled flight to Singapore tonight."
"Okay lang po Tita," aniya sabay yakap sa babae. "Thank you po. Maraming maraming salamat po."
"Wala 'yon, 'nak. Ikaw pa ba? Though I never would've guessed that the guy you were with before eh isang Montecillo," anito sabay baling kay Jarvis. "Don't get me wrong, hijo, pero two years ago eh ang sinabi ni Naia ay nakipagrelasyon siya sa isang professor. I have nothing against it but I've always pictured you out as a bit more... older. Hindi rin niya na-mention ang apelyido mo. If that was the case panigurado, hindi aalma iyong damuhong si Danilo."
"Hindi na sana pinagbuhatan ng kamay ni Tito si Ate," dagdag naman ni Uno na ikinakunot ng noo ni Jarvis.
Oo nga pala. He didn't know.
"Pinagbuhatan ng kamay?" tanong nito sabay baling sa kanya.
"N-Nagulat lang 'non si Dad," depensa niya sa ama. "He um... he thought pinagsamantalahan mo ako... I mean, akala niya matanda ka din and seduced me. So ayun na nga. I didn't get to explain na hindi ka naman yung dirty old man na iniisip nila."
"Naia—"
"Saan nga po uli sa Laguna, tita?" putol niya sa sana'y sasabihin ng tiyahin. Alam niya kasi na itatama nito ang kanyang sinabi. That she would scold her for defending her dad again.
Mukhang na-gets naman agad agad ng tita niya ang pagiiba niya ng topic kaya't napabuntong-hininga na lang ito.
"Sa may Silang. Uno knows the way there," ani ng ginang sabay tingin sa anak nito. "Isadora, ikaw na bahala magdala sa kanila sa Ninong Lucio mo. Si Naia lang ang ikkasal ha. Wag mo pipikutin si Yvo."
"Ma!" naeeskandalong hiyaw ni Uno. She was as red as a ripe tomato na ikinatawa lamang ng tiyahin niya. Mukhang isa rin pala si Tita Cathy sa mga umaasar sa pinsan niya.
"What?" kunwari ay inosenteng turan nito. "Sa sobrang impulsive mo eh hindi ko na alam kung ano tumatakbo sa utak mo eh. Remember that time I caught you two making out sa kotse—"
"Mom!" Agad nitong sigaw stopping her from revealing a scorching hot tea. "Aalis na kami! Baka abutin pa kami ng umaga at this rate."
Bigla siyang hinawakan ng pinsan sa braso at hinila papalabas ng gusali.
"Thank you po," narinig niyang sambit ni Jarvis sa kanyng tiyahin as Uno pulled her towards the exit.
Kitang-kita niya ang pag-ngiti ng tiyahin at pagyakap sa kanyang soon-to-be husband. Hindi niya na gaanong narinig ang sinabi ng tiyahin dahil medyo nakalayo na sila ni Uno sa dating kinatatayuan.
Then she turned her attention back to her cousin. Napangisi siya.
"Make-out, huh," she teased.
"Nag-uulyanin lang si mama. Imagination niya lang 'yon. O baka nasobrahan ng botox yung utak. Leche."
Padabog na tinungo nito ang parking lot kung saan iisa na lang ang sasakyang naiwan. Yvo was at the driver's seat waiting for them.
"Nasan na sina George?" tanong niya as she got inside the back seat.
Si Uno naman eh uupo sana kasama niya nang pinandilatan niya ito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago padabog na sinara ang pinto at lumapit sa passenger's seat.
"Sinama po nina Seven at Box pabalik sa mansyon. Nagwawala daw si Kuya Dos eh," kalmadong sambit nito habang naglalaro sa telepono nito.
"Nagwawala? Bakit?"
Nagkibit-balikat ito. "So alis na tayo?"
"Ikaw, uuwi ka na sa bahay niyo. Ako, ihahatid ko si Ate Naia at Kuya Jarvis kay Ninong Lucio. Akin na yung susi—"
"Tita Cathy texted me. Kelangan ko daw kayo samahan kasi dalawang witness ang kailangan," anito.
"What? Bakit ikaw pa? Bakit hindi na lang si Seven? O 'di kaya si Box?"
"Ako tinext ni Tita eh. Malay ko ba. Binalaan pa nga ako na wag daw basta pipirma nang di nagbabasa kasi baka daw pikutin mo ako—aray!"
"Feelingero ka! Gago 'to feeling mo may gusto ako sa'yo—"
"What's going on?" naguguluhang tanong ni Jarvis as he got inside the car next to him. Patuloy pa rin ang pagtatalo ng dalawa habang siya nama'y tuwang-tuwa sa nakikita.
"Parang ang cute ng double wedding, 'no?"
"NO!"
Ang lakas lang ng naging tawa niya.
🌷
"I just have to file this but you two are officially married," ani Judge Lucio Torres—ang kaibigang judge ng kanyang tiyahin na siyang nagkasal sa kanila. "Congratulations, Mr. & Mrs. Montecillo."
Well, they just signed some documents but it's still legal and binding. Officially, siya na ay si Danaia Uychengco-Montecillo. Siguro in two days ay iyon din naman talaga dapat pero in this case, ay Javier Vitus Montecillo ang nakasulat as her "spouse".
Walang mapaglugaran ang tuwa at kilig sa kanyang dibdib. Wala na talagang atrasan. Wala na ring magiging problema.
"So, where to wife?" Nakangiting tanong sa kanya ng kanyang asawa.
It felt surreal. Yung sakit na naramdaman niya noon, worth it lahat. Napakasarap ding pakinggan ang pagtawag nito sa kanya ng 'wife'.
"Masyado nang late so why don't we stay muna dito sa Laguna?" suhestyon niya. "Marami namang mga hotel dito where we could stay hanggang makapagpahinga lang tayo. It's been a very long day which involved a lot of driving."
Isang nakakalokong ngisi ang biglang gumuhit sa bibig ni Jarvis sabay titig sa kanya ng pagkalagkit.
"Gusto mo lang ata akong masolo, wife. Don't worry, doon muna tayo sa pad ko titira para ma-enjoy natin ang isa't-isa malayo sa makukulit kong mga pinsan," tumaas baba pa ang kilay nito. "Though I can't assure you that we'd get to rest..."
Tinampal niya ng mahina ang asawa sa dibdib.
"Hoy!" bulalas niya sabay tawa ng magaan. "May laman na nga aanuhin mo pa—"
"Kuya, kung ano man yang binabalak mo, wag mo na ituloy. Kawawa naman yung pamangkin ko. Baka maalog kapag hinalay mo si Ate Naia," biglang singit ni Yvo.
Naka sunod lang pala ito sa kanilang dalawa. Uno on the other hand was sleeping soundly on Yvo's back. Nakasampa doon ang babae dahil bigla nanaman itong nakatulog.
"May nadaanan ata tayong Hotel sa labas ng subdivision. I think it's good to rest for a while before traveling back to Manila," saad nito. "Tsaka para naman maenjoy niyo yung first night together as husband and wife."
"Is it okay na magkasama kayo ni Uno sa isang kwarto?" tanong niya dito na agad naman nitong tinugon ng tango.
"Sanay na kami, Ate."
Awtomatikong nanlaki ang kanyang mga mata. Agad namang na-gets ni Yvo iyon kaya't kin-lear nito ang sinabi.
"I-I mean, sanay na kami in the sense na wala naman kasing malisya. 'Yon. Oo. 'Yon nga."
Siguro ay dahil sa pagod na rin siya't gusto na magpahinga ay hindi niya na kinulit pa ang lalaki. Jarvis took the wheel and she sat on the passenger's seat habang si Yvo nama'y maingat na isinakay sa backseat si Uno at tumabi dito. Nakahilig ang ulo nito sa may kandunhan nito.
In just a few minutes, nakarating sila sa isang hotel at agad na nag-check in. They booked two rooms and Yvo immediately took one kahit pa nakasampa pa rin sa likuran niya si Uno.
"Goodnight Ate, Kuya," anito as he waved goodbye. "Enjoy your first night. But not too much ha. Alalahanin ang pamangkin ko. Bawal maalog. Baka maging baliw tulad ng tiyahin."
Natawa silang pareho ni Jarvis as they watched Yvo walk away with Uno sleeping soundly on his back.
Then she felt Jarvis' hand snake through her waist.
"So, wife. Shall we?"
She smiled. "We shall."
🌷
Naia felt Jarvis lightly squeeze her hand as they stood in front of the Montecillo Mansion's gate. Unconsciously ay napakapit siya sa kanyang tiyan. Gusto niyang humugot ng lakas ng loob sa kanyang anak. Kay Baby Mavi.
Napangiti siya. She recalled how Jarvis came up with that name this morning.
Nagising si Naia kinaumagahan with her head resting on Jarvis' naked torso. Ramdam na ramdam niya ang init mula sa katawan nito and she felt fuzzy all over.
"Good morning, wife," bati nito sa kanya. She can't help but smile. Ang sarap gumising ng ganito araw-araw. Especially with Jarvis greeting her like that. "Breakfast na daw muna tayo sa baba."
Umiling lamang siya at sumiksik pang lalo sa tagiliran nito. She wants to stay like that with him. Their naked bodies entwined as they let the day pass by without any worry.
"Baby..." anito in that low, sexy bedroom voice of his na sobrang na-miss niya. Kung kanina ay nagdadalawang isip pa siya kung aalis o hindi, now she's 100% set on just locking themselves inside the room. "You threw up last night. Walang laman ang tiyan mo ngayon. Kawawa naman si baby Mavi..."
Iniangat niya ang ulo sabay tingin dito. "Mavi?"
Ngumisi ito.
"Yup," sagot nito habang inaayos ang kanyang buhok na tumatabing sa mukha. "Mavi. From Martienne and Vitus. Unisex din since we don't know if our baby's a he or a she."
"Mavi," ulit niya sa sinabi nito. "I like that."
Walang mapaglugaran ang saya sa kanyang dibdib. But right now, they have to face their family. Lalo pa't bukas na ang supposed wedding niya with Inno.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang pumasok doon.
"Jarvis!" bungad ni River—who was pacing back and forth sa may sala, as soon as he saw them. Maging si Arika ay napatayo mula sa kinauupuan nito. "Thank God you two came back. Akala namin kung napano ka na."
"I'm perfectly fine," sagot nito sa pinsan. Then biglang napasinghap si Arika nang makita ang kanilang magkahugpong mga kamay.
"Oh my God!" bulalas ng babae. Her eyes wide and hands on her mouth. "Naia! Oh my God!"
Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot niya sa reaksyon ng babae.
"What's going on here?"
Napatingin sila sa may hagdan kung saan nanggaling ang tinig. It was Inno. Mukhang bagong gising lang ito at half-awake pa.
"Kuya," seryosong sambit ni Jarvis. "Kasal na kami."
Rinig na rinig niya ang pagsinghap ni River at Arika.
"Ah, ga'non ba? Congrats." Humikab pa ito at nagstretching bago tuluyang bumaba ng hagdan. Kumamot pa ito sa tagiliran nang nilampasan sila't diniretso ang kusina.
Napatingin siya kay Jarvis.
"Is he... okay?"
Nagkibit-balikat lamang ito at sinundan ang kapatid. She too followed.
Parang wala lang dito ang sinabi nila. Patimpla-timpla lang ito ng kape habang humihikab.
"Inno? Are you okay?" tanong niya dito. Napatingin ito sa kanya.
"Why wouldn't I be?" ganting tanong nito. "My brother finally got the girl. After two years na pagmumukmok eh finally okay na siya. Though may isang nakakainis lang..."
Nanlaki ang kanyang mata nang biglang pumasok sa kusina ang mukhang bagong gising lang din na si Yoon. Isang oversized na t-shirt ang suot nito habang nalaakad papalapit kay Inno na inabot ang isang tasang kape sa babae.
"Anong meron?" tanong nito.
"Uh..." Nagkatinginan sila ni Jarvis. "We got married."
Naibuga ni Yoon ang iniinom niya kay Inno.
"What?!" bulalas nito. "Nagpakasal kayo?! So all that hard work was for nothing?"
Tumango siya. "Yoon, alam kong pinaghirapan mo yung kasal but I love Jarvis and—"
"Palpak ka talaga kahit kelan Inosencio! Nakakaloka ka! Pinagod mo pa ako kahapon! Jusko!"
"Aba malay ko bang magpapakasal sila? Wag ako sisihin mo," ganti ng lalaki dito. "Pero pwede naman sila magpakasal uli, diba? Chill."
Tila natigilan naman agad ang babae.
"Ay. Oo nga 'no?"
Teka, magpakasal uli?
"Yoon?"
"Um..." tumingin ito kay Inno. "It was his idea, not mine!"
"What idea?" Si Jarvis.
"Well, my dear baby brother," anito as he leaned on the kitchen island. "Hindi ako ang ikakasal bukas kay Naia."
"Eh di sino?"
"Ikaw."
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro