[B1] Episode 31
🌷
"Holy shit. Tama nga ang hinala ko. You are pregnant."
Hindi pa rumerehistro sa utak ni Naia ang tig dadalawanh pulanh guhit ng tatlong pregancy test kit na pinagamit sa kanya ni George.
"Kaya ka laging mukhang pagod at nasusuka," saad ng babae sa tabi niya who was also staring at the devices. "Idagdag mo pa nung nahimatay ka sa parking lot. Jusko, Naia! I would've scolded you about being safe whatsoever pero this is a blessing! Now you have the perfect excuse not to go through with the wedding. And sure akong si Jarvis ang ama ng dinadala mong 'yan because you admitted to sleeping with him."
Hindi pa rin siya makakibo. Pregnant. She's pregnant. So that explains all those weird cravings and tantrums. May buhay na nabubuo sa kanyang sinapupunan and it was Jarvis'.
"George," mahina niyang sambit.
"Hmm?"
"Do you think... do you think matutuwa si Jarvis? I mean... A-After everything?"
Nanginginig ang kanyang mga kamay. Pinagpapawisan din siya kahit full air conditioned ang kanyang silid. She has a baby growing inside her. Their baby.
"Of course!" Agad nitong sagot. "Mahal ka ni Jarvis, Naia. Kaya nga nabuo yang baby niyo eh. Ano kayang name ang maganda? Navi sounds good, right—"
"Ang pinakamagandang dilag sa balat ng lupa is here—ay, walang tao?"
Nanlaki ang kanyang mga mata ang instantly turned to George. Hindi pwedeng malaman ni Uno dahil for sure makakaabot iyon sa mga Montecillo. Knowing her cousin, close ito sa mga bunsong Monte at alam naman ng lahat kung gano katabil nung tatlong 'yon. Baka out of excitement ay pangunahan siya ng mga ito at ibalita na sa mga magulang nila at kay Tita Saturn. Lagot!
"She can't know," nahinang sambit niya sa kaibigan sabay kuha ng sandamakmak na tissue and wrapped the kits before shoving them inside George's bag. "Please, George. I need to tell Jarvis first. Baka pangunahan kasi ako ni Isadora. You know my cousin. Walang preno ang bibig niya. We still need to figure this all out muna before telling everyone."
"Okay. I understand."
"Thank you—"
"Ate!" Biglang bumukas ang pinto ng in-suite CR ng kanyang opisina. "Ate George? Anong ginagawa mo dito? Bakit magkasama kayo sa CR? Putangina. Are you two having an affair?! Titibo-tibo pala ang peg mo 'te?!"
"Hoy, Isadora 'yang bibig mo talaga ipapatahi ko na 'yan," naeeskandalong saad niya. "Anong titibo-tibo? I was just helping George uh... find her—"
"She helped me find my contacts," agad na singit ni Georgina. "You know I'm literally blind kapag wala ako 'non, Uno."
"Ahh..." tumatangon tugon nito as she unfolded her arms. "Akala ko kung ano na. Anyways, san mo bet chumibog 'te? Gutom na 'ko. Pwede ba tayo mag-Mang Inasal? Meron dun sa kabilang building para di na tayo magdrive. Sama ka na, Ate George."
"Mang Inasal?"
"Oo ate. Mang Inasal. Yung may unli rice."
"Alam ka kung ano yung Mang Inasal, Uno. I'm asking why?"
"Dahil nga may unli rice," sagot naman agad nito. "Ano? Tara na. Gutom na gutom na talaga ako. I had to cover two extra shifts para sa kasal mo so please, please ate. Kahit sa canteen na lang tuloy. Basta samahan mo 'ko kumain because you know I hate eating alone."
"Hindi kita masasamahan, Uno," aniya. "M-May... may kailangan akong puntahan."
"Puntahan? Saan?"
"Basta, Uno. Wag ka na makulit," singit ni George. "Just call Kenny at sa kanya ka na lang magpasama."
Nangunot agad ang noo nito sabay baling sa kanilang dalawa. Naningkit din ang mga mata nito as she leaned in close to her face. Agad siyang naglayo ng tingin.
"Ang langsa," anito as she leaned back. Pinamaywangan sila ng babae. "May tinatago ba kayong dalawa sa'kin? Particularly you, ate?"
"H-Ha? Wala! Ano ka ba Isadora. Bakit naman ako magtatago—"
"Buntis ka 'no?"
Nanlaki agad ang kanyang mga mata. How did she know?
"H-Ha? Buntis? What gave you that idea?" She unconsciously but her lip. Ngumisi naman ang kanyang pinsan.
"Come on, ate. Doktor ako—well, kinda. I know these stuff."
Hindi siya agad na nakakibo. Napatingin siya kay George animo humihingi ng tulong. Nagkibig-balikat lang ito. She heaved a sigh.
"Yes, Uno. I am pregnant. But please, please lang. Wag mo muna iku-kwento 'to kahit kanino. I still need to tell him—"
"Putangina!" bulalas nito na ikinagulat nilang dalawa ni George. "Buntis ka talaga?! Putangina!"
She silently cursed. She was tricked.
"I was just bluffing pero... Shutangina Ate Naia! Buntis ka?! Kanino? Kay kuya Inno?! May nangyari sainyo? Paano? Alam kong gwapo si Kuya Inno pero dapat hindi ka muna bumukaka—"
Agad niyang tinakpan ang bunganga ng babae.
"Will you please calm down?" mahinang bulalas niya dito. She still can't believe na naisahan siya ng kanyang pinsan. "I'll tell you if you promise not to freak out."
Tumango ito kaya't dahan-dahan niyang inalis ang palad sa bibig nito.
"Hindi si Inno ang ama," mahinahon niyang sambit. "Si Jarvis."
"What?!"
Sabay-sabay silang tatlo napatingin sa may pintuan. There stood Yvo—a paper bag at one hand and a small box on the other, wearing a cheesy mustache and a baseball cap.
"You're pregnant with kuya Jarvis' baby?!"
"Food!" hiyaw naman agad ni Uno completely forgetting about finding out she was pregnant. Kinuha nito mula sa lalaki ang paper bag at inisa-isa ang laman niyon. "Oooooh! Chickenjoy!"
"Hindi 'yan para sa'yo," asik ng lalaki but she doubts it. Lahat kasi ng nilalatag ngayon ni Uno sa may table eh ang mga paborito nito. Muling bumaling sa kanya ang bunsong Montecillo. "Ate? Tama ba ang narinig ko? You're pregnant? At si Kuya Jarvis ang ama?"
"Y-Yvo..." Hindi niya alam ang sunod na sasabihin. She really does suck at hiding things from people. "Yvo, please don't tell him or anyone yet. I just found out about it and I want to tell him myself—"
"Then you should hurry, ate," tila nagpa-panic nitong sambit. "He's leaving the country. Hinatid siya nina Seven at Box ngayon sa airport after he asked me to bring you this cheesecake."
Napasinghap siya. Automatikong tumulo ang mga luha sa kanyang mata as she stared at the box of cheesecake.
Yan. Aarte-arte ka pa kasi.
No. Hindi ito pwede. She needs to go after him. Hindi siya pwedeng umalis.
Grabbing her keys, tumakbo siya palabas ng pintuan.
"Naia!"
"Ate Naia!"
"Teka lang yung pagkain ko!"
She ignored their calls and entered the elevator. She needs to go after him. Kailangan niyang malaman na magiging ama na siya. Jarvis will be the perfect father. He's sweet, caring and... he's perfect.
"Miss Naia—"
"Cancel all my appointments today," utos niya nang makasalubong si Hana—isa sa mga interns ng kanyang opisina. "Unblock all of Jarvis Montecillo's numbers and notify me immediately when he calls. Lalabas lang ako."
"Um, yes po ma'a—"
Nilampasan niya ang babae at diniretso ang daan patungo sa kanyang kotse. She didn't even spare a second and immediately drove towards the airport. Unconsciously, napahawak siya sa kanyang tiyan.
Hahabulin natin ang daddy mo, baby. I promise...
Then her phone suddenly rang. It was Uno calling her.
"Naia!" Si George pala ang nasa kabilang linya. "You're fucking pregnant! You can't just go running around like that! Tapos ngayon nagdadrive ka pa! Are you insane!?"
"I know, George. I know," sagot niya. Naka-handsfree siya so imagine how loud her voice was. "Kasama mo ba sina Yvo? Can you ask him kung anong terminal hinatid nina Box si Jarvis?"
"Terminal 2, ate," rinig niyang sagot ni Yvo. Mukhang naka-speaker phone siya. "Tinawagan ko na sina Box at Seven to stall kuya Jarvis. Pero hindi nila alam kung gano ba katagal nila magagawa 'yon."
"Don't worry, Yvo," aniya, a hand still on her belly. "We'll make it."
🌷
"What do you mean I can't go in?!" hindi mapigilang bulalas ni Naia nang pigilan siya ng guard.
"Kailangan niyo po ng ticket bago makapasok, ma'am. Standard protocol lang po."
"Pero nasa loob nga yung mga kasama ko at wala naman silang ticket. Let me in!"
"Ma'am, hindi po makakapasok yung kasama niyo kung wala siyang ticket. Baka po nasa parking area sila or doon po sa may waiting area. Bawal po talaga."
"Kuya, alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo but it's an emergency," makaawa niya sa guwardiya. "I'm pregnant and the father of my child is in there. Komplikado ang kwento namin pero kailangan ko siyang makausap before he leaves us. Please. Maawa ka saamin ng baby ko—"
"You're pregnant?"
Parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pamilyar na baritong boses ni Jarvis. Slowly, she turned around.
Andun siya. Ilang pulgada lamang ang layo sa kanya bitbit ang bagahe nito. Next to him were the twins who both looked shocked as well.
"Jarvis..." aniya as she froze to where she's currently standing.
"You're what, Naia?" Jarvis only took a few steps to close their distance and grabbed her hand. Dinala siya nito sa may tabi to avoid the prying eyes of the other passengers. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?"
Nasa balikat niya ang parehong kamay nito with jacket dangling on his right shoulder. He also removed his cap that showed faint dark shadows under his eyes.
"You're leaving? Why?" Naiiyak niyang tanong ignoring his first question. "Iiwan mo ako?"
"You never wanted to see me again," mahinang sambit nito. "And I can't take seeing you mad at me. Kaya kong tiisin na makita ka kasami ni kuya pero hindi ko kaya makitang galit ka saakin. Masyadong masakit. Dahil alam kong tuluyan ka nang nawala sa'kin..."
Nanikip ang kanyang dibdib na pungay ng mga mata nito. Para bang walang buhay ang mga iyon habang sinasabi sa kanya ang dahil ng biglaang pag-alis nito.
"...so I had to do this. Para makapag-move on na ako at hindi ka na magulo kahit kelan."
"Don't," mahinang sambit niya. "Don't move on. Guluhin mo ako all you want. Pero wala namang dapat guluhin because right from the start, ikaw lang ang mahal ko. Gaga lang talaga ako to realize that just now."
She cupped his face and looked straight into his eyes.
"I'm sorry, Jarvis," panimula niya. "I'm sorry I didn't hear you out. Akala ko kasi you intentionally hurt me by pretending to dade George. Hindi kita pinakinggan when you were trying to explain yourself. Masyado akong nagpadala sa galit at frustration ko. But she explained everything to me. And naiintindihan ko na. You were just helping out the person who was there for you when I left and hurt you.
"Sorry din at lagi kitang nilalayuan. And to answer your question before, oo. Pagod na pagod na akong layuan ka, Javier Vitus Montecillo," she said amiling. "This time. I'll stay. We'll stay. Hinding-hindi na ako lalayo. Hindi kami lalayo sa'yo."
"We? Kami?" tanong nito sabay tingin sa kanyang tiyan. "So you're really pregnant? Hindi namali yung dinig ko kanina."
Sunod-sunod na tango ang isinagot niya dito. She was already crying.
The was Jarvis' face lit up lifted all the heaviness weighing her down. Bigla rin siya nitong niyakap ng mahigpit at kinarga.
"You're pregnant!" hiyaw pa nito as he spun her. "Magiging daddy na ako?"
Muli ay tumango siya—trying to suppress both her tears and smile, as he carefully put her down. But she failed.
Sa harap ng madaming tao ay hinapit siya nito sa baywang at hinalikan. Her arms automatically wrapped around his neck at nagpatangay dito. Narinig niya rin ang mga palakpakan sa kanilang paligid.
So it's over. Tapos na yung sakit. Finally ay magiging masaya na sila ni Jarvis. Kasama ng blessing na pinagkaloob sa kanila kahit pa napaka-unexpected nito. But remembering how many times they did it without any precautions, bakit hindi niya naisip ang posibilidad na iyon?
"Tapos na?!" rinig nilang bulaas ng kung sino sa di kalayuan which made both of them look. Si Uno. "Putangina mo kasi Giovanno! Sabing ako na magda-drive! Mas mabilis pa sa'yo magdrive ang lolo ko. Tangina talaga. Hindi ko man lang na-videohan!"
"Wag ka mag-alala, Dora," nakangising sambit ni Box.
"Prepared kami," segunda naman ng nakangisi ding kakambal nito. Nakatutok sa kanila ang telepono nitong mukhang nirerecord nga ang mga kaganapan.
"So, okay na?" tanong ni George. "It's all rainbows and butterflies na? Oh, and by the way, andito pa rin yung mga PT sa bag ko. Just in case gusto ni Jarvis ng souvenir or something."
Natawa naman sila bago ihinilig niya ang ulo sa dibdib nito. She could hear how erratic his heartbeat was. Pareho sila. Feeling niya eh nasa alapaap pa rin siya.
"Teka lang," ani bigla ni Yvo na ikinairap ng kanyang pinsan.
"What, Giovanno?" asik nito. "Ano nanaman 'yan?"
"Kasal ni ate Naia at kuya Inno in two days. Pa'no 'yon?"
Natigilan silang lahat. Oo nga pala. In two days, she needs to be married to Inno para sa kompanya. Ano ang gagawin nila?
Napatingin sa kanya ang lalaki.
"Hindi ko hahayaang mawala ka pa sa'kin, Naia. Nasaakin ka na. I won't let you go through it over my dead body—"
"I volunteer!" biglang bulalas ni Uno. "Ako na lang pakakasal kay Kuya Inno. Single ako ang available. Shuta ang pogi kaya ni Kuya Inno. Siya pinaka-crush ko—"
Hindi na naituloy ng babae ang sinasabi dahil bigla itong pinatahimik ni Yvo. All of them were wide-eyed.
"Ano, magvo-volunteer ka pa?"
"P-Putangina Giovanno! Di ka pa nagtu-toothbrush! Kadiri ka!"
Natawa sila dahil pulang-pula ang mukha ng babae. Ang spontaneous talaga ng dalawang 'to—
"Spontaneous..." hindi niya napigilang sambit making Jarvis turn to her.
"Baby?" Nagtatakang tanong nito.
"Vis, will you marry me?"
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro