[B1] Episode 25
🌷
"Ayan. Nagigising na siya," narinig niyang sambit ng sa tingin niya'y si Uno. "Kuya Jarvis yung white flower, dali."
"Naia? Are you okay?" Bungad sa kanya ng lalaki. Agad siyang napasinghap at nanlaki ang mga mata.
"A-Anong nangyari?"
Inilibot niya ang tingin sa silid. Wala na siya sa parking lot. Sa halip ay nasa isang semi-lit na lugar na puno ng lobo at kung anu-anong dekorasyon.
"You passed out," kalmadong sambit nito as he helped her sit up straight. Sa paligid niya's nandoon nakatayo ang mga kaibigan. Arika, Yoon and Synn all looked worried.
Teka. Bakit nandito ang mga 'to? Didn't she leave them back at the coffee shop?
Sa gawing kanan naman ay andoon sina Kendall, George, Third at Yvo. Maging sila ay mukhang alalang-alala na rin.
"What—"
"Papunta na daw yung ambulansya—Ate Naia! Thank goodness you're okay," ani Box as he walked closer towards her. Kasunod naman nito si Seven na mukhang may kausap din sa telepono.
"Ate Naia!" agad din itong lumapit sa kanya sabay silid ng aparatong hawak sa bulsa. "Relax ka lang diyan. The ambulance is coming."
"Teka lang Severino. Ako yung tunawag ng ambulansya ah," singit ni Box.
"Tumawag din ako kasi ang tagal dumating nung ambulansya mo," sagot nito.
"Pano ba 'yan eh dalawa na yung ambulansyang darating?"
"Service na lang na'tin 'yon paghatid kay Ate—aray! Kuya naman!"
River shook his head as he passed by his two brothers. May hawak itong first aid kid.
"Hindi biro ang paggamit ng ambulansya. People are in danger every day kaya hindi dapat ginagamit pangkalokohan ang mga 'yon," mahinahong paliwanag nito bago inutusan si Jarvis na umisod ng kaunti.
"Nagalusan ka nung natumba ka may parking lot," paliwanag nito nang ilabas ang cotton, gauze, betadine at agua oxinada. "Kumakain ka ba ng maayos, Naia? I think you passed out because of fatigue. Sabi nitong pinsan mo eh halos umaga ka na natutulog. Are you stressing over the wedding?"
Umiling siya. "Madami lang akong inaasikaso sa kompanya lately. I'm here as my grandfather's representative habang hindi pa napadedesisyonan 'yung about kay dad. Kailangan ko kasing pag-aralan muna yung mga papeles bago ko pirmahan."
"I see," anito as he turned to Jarvis. "Sabihan mo kuya mo na asikasuhin na yung para board meeting. Kawawa naman 'tong si Naia—"
"It's fine," putol niya agad dito. "It's about time din kasi for me to step up and pag-aralan ang mga gawain sa kompanya. Medyo natambakan lang kaya napapadalas ang late nights ko. But it's fine. I love doing my work kaya wala namang problema."
"Pero kailangan mo pa rin alagaan ang sarili mo," singit ni Jarvis na ikinagulat niya. "I know how you love doing this pero you should always prioritize your health. At least eat right para naman makabawi sa pagpupuyat mo."
"What are you talking about? I always eat right—"
"Cheesecakes aren't healthy if you eat them for lunch or dinner, Danaia," pagalit nito. She pouted.
"But I like cheesecakes!" Agad niyang natutop ang bibig nang magtaas ang knyang tinig. "Sorry. But I really like cheesecakes. Reward ko 'yon sa sarili ko after doing all those paperwork."
"Naia..." he gave her a warning tone. Inirapan niya ito.
"You can't tell me what to do. Ano kita, tatay?" Pananaray niya sa lalaki.
Nagulat ito maging ang ibang kasama nila.
"Woah. Burn, kuya," ani Seven na sumipol-sipol pa.
"You want some ice on that burn?" dagdag pa ni Box sabay tawa. Nag-high five pa ang dalawa.
Inignora lang ito ng lalaki.
"Concerned lang kami sa'yo," paliwanag nito. "Buti na lang at nan'don si Uno nung nawalan ka ng malay."
Napatingin siya sa lalaki. Again, she saw his sincerity at napaklakas nanaman ng tambol sa kanyang dibdib. She felt her insides grow mushy at konti na lang talaga ay lulundagin niya na ito ng yakap. And kiss him right in front of everyone.
Pero napayingin siya agad kay George. Lihim na pinagalitan niya ang sarili. Kung anu-ano nanaman ang kanyang iniisip.
Wrong. Mali. Delete, delete.
Ibinalik niya ang tingin kay River at nagpasalamat dito. Noon niya lang naalala kung nasaan sila.
"Wait. What the hell is going on?" tanong niya sabay tingin sa kapatid na biglang napatago sa likuran ni Seven. "Alfonso Uychengco the Third!"
"It was her idea!" Agad nitong turo kay Uno. "Wala akong kinalaman dito ate. Siya talaga may pakana nitong lahat. Sina kuya Jarvis kasama ko kanina inano niya lang ako—aray!"
"Laglag ka 'din, eh no?" Ani Uno sabay pinandilatan ang pinsan. Then bumaling ito sa kanya. "Okay. Pasensya na ate pero Bonifacio naman talaga yung sinabi ko. Para kasi 'to sa Bridal Shower mo. Ate Aki, Synn and Yoon were all in on this. Kaya nga nagulat ako nung sobrang tagal bago ka nakarating."
"What? Bridal Shower?"
"Duh. Ikakasal ka 'diba? And as your maid of honor, ako na nag-organize nitong surprise Bridal Shower mo."
"It's actually just an excuse for her to throw a party, Ate," ani Kendall. Nagulat siya dahil ngayon lang niya uli ito nakita. Mukhang nahalata nito ang kanyang pagkabigla kaya agad itong ngumiti at kumaway.
"Surprise na mukhang epic fail," nangaasar sambit naman ni Yvo. "Great planning skills, Uno."
"Gago!" bulyaw ng kanyang pinsan. "It's the thought that counts."
"Thoughtless, kamo," pahabol nito. Hahampasin sana ito ng babae pero agad naman itong napigilan ni Seven. Binelatan tuloy ito ng kaaway. Aambanan pa sana ito ng babae ngunit pinigilan niya ito.
"I appreciate it, Uno. Thank you," aniya making her cousin turn towards her. "Nga lang sa susunod, don't make me worry like that. Akala ko kung ano na nangyari kay Third. Gumawa ka pa ng kwento saying na binasted siya ni Mara."
Third whined and hid his face on Yvo's shoulder. The latter patted his shoulder lightly. Kelan pa naging close ang dalawa?
"Ate, totoo yung nabasted siya. Yung wasted lang yung hindi."
"Ah, ganon ba? Sorry..." Iginala niyang muli ang tingin sa paligid. Then she smiled. "So ano na? Sisimulan pa ba natin 'tong Bridal shower o hindi?"
Ngumisi si Uno at agad bumaling sa mga babae. "Everyone, you know what to do!"
Nagsihiyawan ang mga babae't agad inilabas ang mga toy tiaras mula kung saan at ang mga glittered sash. May mga kung anu-ano pang props ang mga ito like fuzzy cuffs saka mga bedazzled whips. Then Dos—with George following from behind sporting the widest grin on her face, wheeled in the cake. Hindi lang iyon basta cake. It was a three-tier cake na may cupcakes decorated with...
"Are those... are those what I think those are?!" Bulalas ni River. "Arika! Uuwi na tayo!"
"Hindi tayo nakatira sa iisang bahay, Ricardo. Umuwi ka mag-isa mo!" Nakangising sambit ng babae sabay dampot ng isang cupcake. Isang nakakalokong tingin muna ang binigay nito sa kasintahan bago kinain ang design nito. "Mmm! Bet mo?"
Tawang-tawa siya sa reaksyon ng lalaki. Pulang-pula ang mukha't parang bigla na lamang iniwan ng kaluluwa niya. Ito namang si Arika eh talagang pinag-tripan pa yung fiancé niya.
"Hoy! Amin 'yan!" rinig niyang sigaw ni Uno. Inaagaw nito ang isang bote ng tequila mula kay Yvo. "Mabo-body shots pa kami! Ano ba?!"
"Body shot? Eh hindi ka nga naghihilod. Yuck!"
"Inamoka!"
"Box stop it! Give me my phone back!" Rinig niya namang sigaw ni Kendall habang hinahabol nito ang lalaki.
"Will you leave me alone?" Sa isang dako nama'y singhal ni Synn kay Seven. "I'd like to enjoy my drink alone. Doon ka sa mga kaidaran mo, bata."
"Hindi na ako bata. Gusto mo eh gumawa pa tayo ng bata para patunayan ko sa'yo?"
"I have a better idea. Ano kaya kung putulin ko 'yang panggawa mo ng bata? Fun, right?"
Natawa siya nang biglang takpan ni Seven ang "panggawa" nito bago bumusangot sa tabi ng kanyang kaibigan.
"Sungit," anito. "Buti na lang maganda ka."
"Alam ko," diretsong sagot ng babae. "Now be a good boy and shut up."
Halos hindi na siya makahinga sa kakatawa kanonood sa mga kasama. Ang weird lang ng bridal shower niya dahil kasama yung mga lalaki. Shouldn't they have their own party?
Nasan ba si Inno?
"Ang gulo nila, 'no?" biglang sambit ni Jarvis—who, to her surprise, was seating beside her watching the chaos as well. "Hindi ka mabo-bore kapag kasama sila."
"Yeah..." she agreed with a smile. "For sure walang dull moment sa gabing 'to. Sa dami ng alak dito, ewan ko na lang kung hindi pa sila ma-bore."
"And why is that?"
Nagkibit-balikat siya. "Things always get interesting kapag may alak, right?"
Gusto niyang tampalin ang sarili sa sinabi. Like, what the hell, Danaia? Anong kagagahan nanaman 'to?
"I guess so," he said then chuckled. Confirmed. Wala nga itong maalala. "Ikaw, hindi ka ba iinom?"
Agad siyang umiling. "I do drink pero... ewan ko ba. Hindi inviting ang alak sa'kin ngayon. I'm okay with iced tea."
Tumango-tango lamang ito. Then the silence. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita.
"Sorry pala if we crashed your bridal shower. Yung bibigyan kasi namin ng Bachelor's Party eh biglang lumipad pa-Seattle. May aasikasuhin lang sa main office," paliwanag nito.
"Sa Seattle ang main office niyo?" Nagtatakang tanong niya. "Akala ko eh dito based and La Monte?"
"Kinda," sagot nito. "La Monte Corp is the foundation of everything our family owns. Dito kasi kami nagsimula. But our parents—my cousins' and mine's, were able to expand our business. So... 'yun. Nandun siya."
"Oh. I see..."
Silence again. Andun lang silang dalawa ni Jarvis, nakaupo at nagmamasid. Maya-maya ay napahikab siya.
"Tired?" tanong nito. She nodded in response and rubbed her eye.
"Dami lang inaasikaso. I really need sleep," diretsong sagot niya sabay hikab uli.
"Then sleep."
Jarvis did the most Jarvis thing. He lightly patted his shoulder.
"'Lika dito," anito. Hindi agad siya nakapag-react. "Don't worry about it. Walang malisya."
Umiling siya. "Nag-effort si Uno sa party na 'to. Ang sama ko naman kung tutulugan ko lang."
"Believe me, hindi niya 'yan mahahalata," paniniguro nito. "Andiyan si Yvo to distract your cousin. And the liquor. You need the rest, Naia."
He mind kept saying "no" but her heart screamed "yes". And for the second time in a row, sinunod niya ang kanyang puso. Jarvis scooted closer and she rested her head on his shoulder.
Agad niyang nalanghap ang pabango nito which surprisingly was her favorite scent. That and ang tila paghele sa kanya ng paghinga nito made her succumb to her much anticipated reunion with the sandman.
🌷
Nagising si Naia dahil biglang humilab ang kanyang tiyan. She felt like throwing up again.
Agad siyang bumangon mula sa pagkakasanday kay Jarvis at tinakbo ang CR. Buti na lang at naka-flats siya ngayon kaya't hindi siya natapilok. May pagka-lampa pa man din siya.
After spilling her gut out sa banyo—she blames all those cheesecakes and fries lately, she freshened up walked towards the exit. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas, she heard voices.
"You're really with him? He's clearly in love with her, George!"
"My relationship with Jarvis shouldn't be any of your concern, Dos," dinig niyang sagot ng babae. Napasinghap siya. Si Dos... at si George? "You lost that right when you broke my heart."
"And you're breaking it again by being with my cousin," ani naman ng lalaki. "Stop being stupid, Georgina. Magmahal ka ng taong kaya ka mahalin pabalik!"
"Wala kang pakealam kung gusto kong masaktan, Dos. Apparently, I'm used to it," ganti ng babae. "And for the record, I found that man. You're just too much of a coward to admit it."
Natutop niya ang sariling bibig. Should she leave and stop eavesdropping? But how?
"So if I tell you that I love you, will you leave him?" Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. "Iiwan mo ba si Jarvis para sa'kin, Georgina?"
No! No, no, no! Kawawa si Jarvis! Not again. Jarvis doesn't deserve to get hurt like this!
Lalabas na sana siya in an attempt to stop them but Dos suddenly kissed George. On the lips! Agad siyang bumalik sa loob ng CR at nagtago.
What the hell?!
May something si Dos at George? George—who's currently Jarvis' girlfriend? And Jarvis still has feelings for her na ikakasal sa kapatid nito?
Ang komplikado. And gulo. Bakit ga'non?
"Oh dear."
Muli ay tinakbo niya ang cubicle at nagsuka. Things can't get any more complicated, right?
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro