Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B1] Episode 22

🌷

Kanina pa tawang-tawa si Naia habang inaalalayan ang nanlalantang si Inno papasok sa mansyon. Siya na rin ang nag-drive pauwi dahil tila nawala ang kaluluwa nito sa sobrang dami ng extreme rides na kanilang sinakyan. From the tower drop, rapids, down to the roller coaster. Wala silang pinalampas.


At doon, sinigaw nila lahat ng sakit. Hindi man nawala, at least nabawasan na ang bigat na nasa dibdib nila. And for her, it really helped ease the pain.


"Dahan-dahan, Inno," pagalit niya dito habang natatawa. "Baka sabihin nina Tita eh kung ano na ang ginawa ko sa'yo."


"Nilapastangan mo 'ko," sumbat nito sabay suporta ng kanang kamay sa katabing poste. "Pasalamat ka talaga Danaia't malakas ka sa'kin. Kundi iniwan na kita sa Laguna."


"Thank you," tumatawang sagot niya. "Next time dadalhin kita sa Universal Studios. Maganda mga rides doon."


Bigla siyang napabulalas ng tawa nang makita ang reaksyon ni Inno. Para itong pinanawan ng ulirat na naihi o kung anupaman. Basta sobrang meme-able ng mukha nito, hindi niya napigilan ang sarili. She even snorted. Napatakip agad siya ng bibig.


"Uy may baboy!" Tinuro siya nito't tumawa. Medyo malapit ang mukha nila sa isa't isa dahil nakaakbay pa rin ito sa kanya.


"Ikaw kasi eh!" balik niya dito habang tumatawa pa rin. "Para kang mahihimatay—"


Naputol ang saaabihin niya nang may biglang tumikhim. It was Jarvis. Nakamasid ito sa kanila habang nakatayo sa may hagdan.


She straightened up at ga'non rin ang katabi. They were both still smiling uncontrollably.


"Andito ka na pala, Jarv," ani Inno after isilid ang mga kamay sa bulsa. "Nahatid mo ba si George kanina sa airport?"


Isang tipid na tango ang sinagot nito sa kapatid before stealing a quick glance towards her.


"Kauuwi niyo lang?" tanong nito. "San kayo galing?"


"Laguna," sagot agad nito. "Gusto kasi ni Naia mag-EK so sinamahan ko."


"EK?" Nangunot ang noo nito. "As in, Enchanted Kingdom?"


Inno nodded. "Thus explains why I'll never let her pick the location of our date ever again."


"Date?" Napatingin siya kay Jarvis. Why all the questions?


"Yeah," diretsong sagot nito. "Naisip ko kasi since we're to get married, dapat eh kilalanin na namin ang isa't isa. And what better way to do that than to go on dates, right? Nagkamali lang ako na siya pinapili ko dahil nagmukha akong duwag because of those rides."


"Hindi naman," kontesa niya. "You looked adorable. Dami ko ngang pictures eh."


Inno whined that made her chuckle. Tuwang-tuwa talaga siya sa mga reactions nito.


"I-delete mo 'yan, Danaia. Hindi pwedeng masira ang reputasyon ko," banta nito. But all she did was stick her tongue out and laugh.


Bigla namang nahagip ng kanyang paningin si Jarvis. Nakatingin ito sa kanya't parang ang lungkot ng kanyang mga mata. Pero agad din nito inilayo ang tingin at bumaling na lamang sa kapatid.


Nalito siya. What was that?


"I'm glad you two had fun," ani ng lalaki as he smiled. Bakit ga'non yung ngiti ni Jarvis? Bakit parang iba?


"We did," sambit ni Inno. "Kahit buwis buhay, it was fun."


"Yeah," sagot niya. "It was."


"So how are you gonna go home?" tanong nito sa kanya. "I'm assuming kaya ka kasama ni Kuya dahil ikaw ang nag-drive?"


"Ah ano—"


"Dito siya matutulog," saad ni Inno na ikinagulat niya. "She'll stay in the guest room. Tinawagan ko na si Tita Saturn and she said it's fine."


Napatingin siya sa lalaki with an eyebrow raised. Hindi siya nito pinansin.


"Pagod na ata sa biyahe si Naia so aakyat na kami," ani Inno. But before they could head up the stairs, nagsalita si Jarvis.


"Wait!" Sabay sila ni Inno napatingin dito. "I uh... may pamalit ka ba, Naia?"


"She can borrow my shirt—"


"I have her clothes," putol nito sa kapatid na pareho nilang ikinagulat. "I mean, meron kang naiwang mga damit saakin sa pad noon. I have them here. You can... you can use them para kompurtable ka."


"Ah, okay," nalilitong sagot niya.


"Dalhin mo na lang sa guest room," ani naman ni Inno bago bumaling sa kanya. "May banyo doon so you can take a quick shower before sleeping. Feeling ko nanlagkit talaga tayo doon kanina sa pinaggagagawa natin."


Tumango siya as Jarvis went up the stairs. Sinundan niya si Inno when he turned to the left wing.

 

"And this will be your room." Tinuro nito ang unang pintuan. "Dito ka na lang muna magstay. Delikado na rin magcommute. And hindi ko hahayaang hatirin ka ni Jarvis. Baka umiyak ka nanaman. Akusahan pa 'ko ng kaibigan mo na mapanakit."


"Okay lang naman kasi akong mag-drive," giit niya. "Or magpasundo kay Third or Uno."


"Wag na. Dito ka na lang muna matulog. May damit ka naman daw kay Jarvis kaya wala naman palang problema," kibit-balikat nitong sambit. "So ano, punta na ko sa kwarto ko. Ang lagkit-lagkit ko na talaga. Walang gapangan ha?"


"Baliw! Hindi ako nanggagapang!" bulyaw niya dito. "Bakit naman kita gagapangin? Kapal natin ah."


"May sinabi ba akong ako?" Ngumisi ito na ikinalaki ng kanyang mga mata.


"Grabe siya o!"


Napakalakas ng tawa nito. So he's getting even sa pang-aasar niya dito kanina. Then isang mahinang katok ang narinig nila.


"Um, Naia?" It was Jarvis. On his hand was some neatly folded clothes.


"Alis na 'ko," ani Inno. "Basta ha, Naia. Walang gapangan."


He even winked na ikinapula ng kanyang mukha.


"Inno!"


Tumatawang umalis ang nakatatanda sa kanyang silid. Jarvis just followed him with his gaze bago tumingin sa kanya't lumapit. Inilapag nito ang mga damit sa kanyang higaan.


"Mukhang nagkakasundo na kayo ni Kuya," komento nito. "That's uh... nice."


"Inno's not half bad," kaswal niyang sagot then smiled. "Masaya siya kasama and he's quite charming. Trait niyo talaga 'yon na mga Montecillo, 'no?"


"You find me charming?" gulat na tanong nito.


"Of course," diretso niyang sagot. "I loved you, didn't I?"


There was silence. Deafening silence. May mali ba siyang nasabi? Then biglang nagsalita muli si Jarvis.


"I'm sorry, Naia," anito na ikinakunot ng kanyang noo. Her heart pounding.


"For what?" Tanong niya.


"About the Ayra thing..." Napahawak ito sa kanyang batok. Lumabas nanaman ang dimples nito.


Hindi ka marupok, Naia. Hindi ka marupok. Hindi ka marupok—


"I'm sorry kung may nasabi akong out of line. Tama ka. I, of all people, should've understood your pain more than anyone. And seeing Ayra again, dapat naintindihan ko yung naging reaksyon mo. I don't agree with it but I shouldn't have yelled at you. I'm really sorry."


"Okay lang, Jarvis," aniya. "Alam ko namang you were just looking out for your family. And me causing a scene like that was totally out of character."


Again, silence. Napaka-awkward nila sa isa't isa. Maybe because they had a rough break-up. Maybe because she was to be wed to his brother. Or maybe because there were still lingering feelings. On her part, at least.


Pero nilalabanan niya na 'yon. Kailangan eh. Tsaka, kailangang mawala nung awkwardness between them. Ikakasal na siya sa kapatid nito at hindi dapat sila maging ganito.


"Jarvis I—"


"Ate Naia!" Nagulat siya nang biglang sumulpot sina Box, Seven at Yvo sa may pinto niya. "You're sleeping over?"


"Yeah, I—"


"Yey!" bulalas ng tatlo sabay pasok sa kanyang silid. Sabay-sabay ang mga itong nagsasalita kaya't hindi niya alam kung sino ang unang sasagutin. Napabaling siya sa kasama kanina.


"I'll get going," biglang sambit ni Jarvis. He was smiling pero bakit ang bigat bigat sa dibdib ng ngiti niyang 'yon?


Then bumaling ito sa tatlong bagong pasok.


"Wag niyo na kulitin ang Ate Naia niyo," anito sa tatlo. "She needs to freshen up and rest."


"Yes, kuya. Maghe-hello lang talaga kami sa kanya," ani Yvo na tinugon nito ng isang tango. Then bumaling itong muli sa kanya.


"Have a good night's sleep, Naia."


Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot at agad na lumabas ng kanyang silid.


The three bombarded her with questions on why she was staying over. Sinagot niya din naman ang mga ito at napadpad ang kanilang kwentuhan sa kasal. She gave them updates at mukhang natuwa naman ang mga ito.


"Ay, magpapahinga ka na pala dapat Ate," ani Yvo sabay baling sa wall clock. "Alis na kami. See you sa breakfast bukas. I'm sure magluluto 'yon si Kuya Jarvis—"


Agad itong siniko ni Box.


"I think we should go," ani Seven. "Pahinga ka na ate. It's a long drive from Laguna to here."


"Oo nga ate," ani naman ni Box. "Lock your door na rin para safe."


"Good night, ate!" Si Seven.


"Stay safe!" Si Box.


Ngumisi bigla ang kambal sabay tingin sa isa't isa. It was like they were communicating or something. Yvo on the other hand was busy typing on his phone kaya't bigla na lang itong hinila ng dalawa palabas.


"Bye ate!"


"Bye!"


Sobrang bigat talaga ng dibdib niya kahit pa inaaliw siya nung tatlo. It was really bothering her. Bakit parang may iba kay Jarvis? Was he feeling okay? Miss na ba nito agad ang kasintahan? Or was it something else?


She heaved a heavy sigh and pushed the thought behind. Maybe a warm bath would help ease her mind.


🌷


Hindi makatulog si Naia. After her bath ay nagbihis na siya. Jarvis lied. Wala siyang damit na naiwan dito. The shirt she was wearing was his—her favorite actually. Yung shorts naman eh yung boxers nitong lagi niya noon sinusuot. As for her undies, merong disposable pack na kasabay sa binigay nito.


Malapit na malowbatt ang kanyang telepono. She was fiddling with it since an hour ago kaya't malapit na siyang ma-dead batt.


"Baka may charger si Inno..."


She hopped off the bed and made a beeline straight out of the room. Teka. Hindi niya alam kung saan ba ang kwarto nito. Sa kabilang wing ba?


"Nawawala ka ata."


Nagsitaasan ang kanyang mga balahibo when she heard that familiar voice.


"D-Dos!"


Agad siyang napaharap dito. The guy was still intimidating and scares the living daylights out of her. But seeing him in his pajamas—na ang weird din dahil with matching headband ito. May hawak itong kape sa isang kamay.


"Sa kabilang wing ang guest rooms," seryosong saad nito. "Sino ba ang gusto mong gapangin? Si Inno o si Jarvis?"


She blinked. Hindi niya alam ang sasagutin dito.


"Kung si Inno, don't bother," sagot nito sa sarili. "He sleeps like a dead person. Si Jarvis naman, wala sa kwarto niya. Kasama yung kambal, si Yvo at River sa may garden umiinom."


"I was just wondering kung pwede ako makahiram ng charger?"


"I have one sa kwarto," simpleng sambit nito sabay lakad papunta sa isang pinto. The first one actually.


Dos' room was very... clean. Inaasahan niyang medyo dark at very masculine ang silid nito pero mali siya. The walls were white with light wood trimmings. Puting-puti ang kama nito na parang hindi mo gugustuhing dumihan iyon.


"Here."


Inabot nito sa kanya ang kailangan.


"Thanks," aniya. She's really curious as to why the boys were drinking. Kaso nagdadalawang isip siya kung tatanungin niya ba si Dos. Even if he looks a bit adorable with the Kumamon pajamas and headband. "Umm..."


Tumingin sa kanya ang lalaki. Wala. Curious talaga siya.


"Bakit sila umiinom?" tanong niya dito.


"May utang kasi si Jarvis sa kambal," sagot nito.


"Bakit hindi ka sakanila sumabay?"


"I can't handle liquor well. And with you being around, no one can guarantee your safety with a drunk me around."


She blinked. Ano daw?


"Bumalik ka na sa kwarto mo," anito bigla. "It's dangerous for a woman to be inside a man's room, Danaia. At hindi ako santo."


Nanlaki agad ang kanyang mata. Dos was already smirking kaya't agad siyang tumakbo palabas ng silid pabalik sa guest room. But on her was back eh bigla niyang nakasalubong si River.


"O, Naia," bulalas nito. "Why do you look like you've just seen a ghost?"


"Ha? Ano... wala. Ah... babalik... babalik lang ako sa room ko," nauutal niyang sagot.


Nangunot ang noo nito bago bumaling sa kung sinong nasa likuran niya.


"Dos," anito.


"What? I was just kidding," kibit-balikat nitong saad bago bumaba ng hagdan. He wasn't even smiling kaya hindi niya sigurado kung totoo nga bang nagjo-joke lang ito o hindi.


Napabuntong-hininga si River.


"Don't worry, Naia," paniguro nito sa kanya. "Ganyan lang talaga 'yang si Dos. But he can't even hurt a fly. Kita mo nga naka-Pajama't headband siya na kumamon. You shouldn't take whatever he said seriously. Ginanyan niya rin dati si Arika."


Tumango siya't nagpaalam dito. She really was a bit sleepy kaya't diniretso niya na ang kanyang silid at hinayaang mahulog ang katawan sa malambot na higaan. Mga ilang minuto din siyang nakatulala sa kisame bago tuluyang nilamon ng antok ang kanyang sistema.


🌷


Naalimpungatan si Naia nang biglang magising dahil sa sunod-sunod na katok sa kanyang pinto. Who could that be?


Napasinghap siya nang biglang sumalubong sa kanyang harapan si Jarvis nang buksan niya ang pinto. Agad itong napayakap sa kanya and she was shocked.


"Jarvis? What—"


"I'm sorry..." mahinang sambit nito.


Wait. Was he crying?


"Jarvis? Anong problema?"


"I'm really sorry Naia..." anito as his arms wrapped around her body. Hindi niya alam ang dapat maging reaksyon. "I'm really sorry."


"Jarvis, anong ibig mong sabihin? I told you kanina, it's fine. Wala naman 'yon—"


Humigpit ang yakap nito sa kanya.


"Jarvis?"


"I love you, Naia. Hindi... Hindi ka ba napapagod sa paglayo sa'kin?"


What?


🌷

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro