Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B1] Episode 21

🌷

"So these are the final swatches for the gowns of the bridesmaids. Ito naman 'yung sa mga groomsmen," ani Yoon as she laid some sample fabrics sa harap niya. "The cake tasting is scheduled this afternoon so please lang, Inosencio. Be a good husband-to-be at sumipot ka naman. Hindi pwedeng kung sinu-sino na lang sa mga pinsan mo ang inuutusan mong maging stand-in."


"Wala akong magagawa kung may scheduled meetings ako, Arabella," sagot naman agad ng lalaki. "Maraming pamilya ang umaasa saakin kaya hindi ko pwede basta-basta na lang umalis sa opisina. Kaya ka nga namin hinire diba? Para ikaw umasikaso ng kasal."


"Aba gago ka din ano—"


"It's okay, Yoon," singit niya sa bangayan ng dalawa. "Napag-usapan na din naman namin 'to and Inno gave me the freedom to decide on everything. After this I'll be heading to the company with him for the board meeting."


Binelatan ni Inno bigla si Yoon which made her friend roll her eyes. These two, really.


"Anyways, what do you think, Naia?" baling sa kanya ng babae. "Are these okay? If may changes kang gusto, better be it ngayon para makapag-adjust na 'yung designer. Also, I managed to check with the designer doing you wedding gown. Kailangan natin pumunta for fitting saka para makapagpili ka na rin ng final design."


And then bumaling ito kay Inno.


"Ikaw din dapat ka sumipot. Fitting mo din ng suit kaya siguruhin mong andun ka. Kung ipapadala mo nanaman either si Jarvis o mga pinsan mo, mabuti pa't sa kanila mo na rin ipakasal si Naia para tuloy-tuloy na rin ang pagiging gago mo," pananaray nito.


Inno apologized for what happened during the first meeting. Hindi niya rin daw kasi akalain na si Jarvis mismo ang pupunta. Sa katunayan nga raw ay si Dos ang pinakiusapan niyang sumama sa kanya knowing how awkward it would've been kung ang kapatid ang pupunta. But it seems like iba rin talaga ang saltik sa utak ng pinsan nilang iyon. But it's fine. At least ngayon eh unti-unti niya nang natatanggap ang kapalaran niya.


"Hindi na nga mauulit, diba? Malay ko bang uutusan ni Dos si Jarvis na pumunta dito. Siya yong pinakiusapan ko."


"Kesyo si Dos o si Jarvis, hindi mo dapat pinapasa sa kanila ang responsibilidad mo sa kasala niyo ni Naia," giit nito. "Dapat ikaw ang present at kasama niyang nagaayos nito."


"Psh," Inno scoffed. "Ang sabihin mo, gusto mo lang akong makita parati. May parespo-responsibilidad ka pang nalalaman. Sorry na lang pero, hindi ako napatol sa may boyfriend na kulugo. Baka mahawaan mo pa ako. Kadiri ka."


"Ah ewan ko sa'yo!" bulalas nito sabay irap. "Bahala ka na nga diyan. Ipasa mo lahat sa kapatid mo the hell I care. Siya na rin pagsuotin mo ng suit mo para lahat tayo masaya—"


Bigla itong nahinto nang nagtama ang kanilang mga mata. Agad nitong natitop ang bibig.


"I'm sorry, Naia," agad nitong hingi ng patawad. "I—"


"'Yan kasi. Masyadong taklesa," putol dito ni Inno. "You kiss people with that mouth? Tsk tsk."


"Ewan ko sa'yo!" inis na bulyaw nito sa lalaki. Inno just grinned kaya hindi niya napigilang mapangiti din. He really loved teasing Yoon. "Wag ka na nga sumama sa meetings namin sa sunod. Natutuyuan ako ng utak sa'yo."


"Kanina sabi mo mag-attend ako. Ngayon naman, wag. Ano ba talaga, Arabella? M make up your mind para alam ko kung saan lulugar."


Napatingin siya sa fiancé. Bakit parang may ibang context behind what he just said. Parang may double meaning. Kung ano man iyon eh siguro'y sa kanilang dalawa na lang 'yon. Ang komplikado rin naman kasi ng relasyon nila.


After a few hours of finalizing some details sa kanilang kasal ni Inno, Yoon informed them na aalis na siya't susunduin ng boyfriend na si Wes. Medyo nag-iba ang mood ni Inno pero napakagaling na artista ng lalaki't hindi nakahalata ang kaibigan niya.


"He's here," ani ng babae at tulad ng sabi ni Inno, Yoon eyes sparkle every time she mentions her perfect boyfriend. "Hindi ko na papapasukin si Wes, ha? May meeting pa kasi 'yon and medyo nagmamadali. You'll meet him eventually Naia—"


"Babe."


Yoon's head snapped towards an unfamiliar man who just called her.


"Babe!" agad naman nitong tugon sabay tayo't lakad papunta dito. Inno rolled her eyes when she kissed the guy on his cheek. "Why are you here? Akala ko nagmamadali ka?"


"Hindi naman gaano. I can spare some time," sagot nito sabay ngiti.


Yoon was right. Gwapo ito, maputi at matangkad. Malinis at mukhang matalino. Exactly like Yoon's type. Pero may something eh. Hindi niya alam pero may something dito kay Wes na hindi niya agad gusto.


Mukhang gago, ani ng kanyang isip. Right. Parang isa na rin kasi sa mga tipo ni Yoon eh yung mga mukhang fuck boy at cheater. And since college, ga'non na nga lagi ang kapalaran ng kanyang kaibigan.


"Oh, right!" Bigla itong humarap sa kanya with a wide smile plastered on her face. "Babe, this is Naia. She's one of my best friends back in college. Tropa namin 'yan nina Synn at Arika. She's the one I was talking to you about. Fiancée siya ni Inno."


Bumaling sa kanya ang lalaki't sinalubong niha ito ng isang ngiti. But the guys seem to have some attitude problem dahil tiningnan siya nito from head to foot. Medyo nailang siya ng kaunti pero agad din naman nawala iyon nang nginitian siya nito.


"It's a pleasure meeting you, Naia," bati nito as they shook each other's hand. Isang alanganing ngiti ang tinugon niya dito.


"Likewise."


"And you know Inno," dugtong ni Yoon. "They're actually my clients for the day."


Hindi niya napigilan ang sarili itaas ang isang kilay when Wes greeted Inno warmly. Like they were buddies or something.


May mali. May mali talaga...


"Ay teka lang," ani Yoon suddenly said. "CR lang ako muna, babe. Make yourself comfy while I run to the ladies' room muna."


And with that, Yoon disappeared leaving Wes—Yoon's boyfriend, and Inno—her fiancée, in a somewhat awkward setting.


"Pare," anito with the widest smile. Parang konti na lang eh mapupunit na ang bibig. "I've heard you closed the deal with the Condes. Ang hirap din makasecure ng deal sa kanila. Especially with Cho. How'd you do it?"


"Magaling lang talaga ang team ko," sagot ni Inno with pride and confidence. "They were the ones who worked their butt off para mapa-oo and mga Conde. I'm simply there to supervise them and saluhin if magkakaron ng fall backs. But thankfully, they handles everything well."


"Pero securing a meeting with them is already hard," giit nito. "I've heard your brother is friends with him?"


Halata sa itsura ni Inno na hindi nito nagustuhan ang tabas ng dila ng kaharap. His face went from casual to blank.


"We don't use personal connections to secure our deals," sagot nito sa lalaki looking very composed. "You should try it sometime. Mas nakaka-fulfill."


"Connections can be useful at times so why not, right?" Then bumaling ito sa kanya. "Best wishes nga pala, Naia. Inno here is top notch. You wouldn't need to work a single day."


Napaawang ang kanyang bibig. What does he take her for?


"Excuse—"


"She doesn't but she can," agad na sambit ni Inno to her defense. "Kung hindi sayo nakukwento ni Yoon, Naia graduated the top of her class. At hindi lang 'yon. May masters degree siya from NYU. So yeah, she doesn't need to work a bone after marrying me but she's well capable of running a company."


Then Inno folded his arms as he leaned back to the backrest of his seat and crossed his legs.


"Oh, and Naia here, my beautiful fiancée, is the Uychengco heir. I think you forgot to do your research again, dear Wesley," anito with a dangerous smirk on his face. "Don't tell me hindi mo kilala ang anak ng big boss mo?"


Tila binuhusan naman ng malamig na tubig ang lalaki. Mukha rin itong namutla sa narinig.


"Danaia Uychengco?" Muli ay bumaling ito sa kanya. His face looked like he just saw a ghost.


"The one and only," sagot niya sabay ngiti. But not the warm and welcoming kind.


She immediately developed a big disgust towards the guy. Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay at ginaya ang posisyon ni Inno. Now this will be fun.


"Sa kompanya ka pala namin nagtatrabaho. Nice. Saang department ka pala? I'd love to pay you a visit para naman magkakilaa tayo ng mas maigi. You know, for Yoon's sake."


Hindi nakapagreact agad ang lalaki. Pero nang magsasalita na sana ito ay bigla namang dumating si Yoon.


"Babe!" agad na tawag ng lalaki dito na para bang niligtas siya nito bigla sa isang life or death situation.


"Babe, ano? Bakit parang pinagpawisan ka? Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong nito. Pinigilan niya ang sariling matawa. Mukha kasi itong maiihi sa pantalon kanina.


"Y-Yeah. I'm fine," sagot nito Nang makabawi. "So um... are you ready?"


Ngumiti si Yoon at tumango. Then bumaling ito sa kanila.


"So I'll see you guys again this weekend?"


Tumango silang dalawa ni Inno. Then she turned her attention towards Wes.


"It was a pleasure meeting you, Wes," aniya. "I can't wait to see you again."


Yoon smiled widely before leaving. Mukhang akala ng kaibigan niya'y nagustuhan niya talaga ang kasintahan nito. If only she knew how much of a jerk her boyfriend is.


"Pag-ibig. Nakakamanhid. Nakakabulag. Nakakatanga," bigla nitong sambit habang nakamasid sa magkasintahang naglalakad papalayo.


"Agreed," segunda niya.


"So where do broken hearts go?" anito sabay tingin sa kanya.


"Sagada?" pagsakay niya dito.


Umiling ito.


"On a date, Naia. Let's go on our first official date," suhestiyon nito sabay offer ng kamay.


Napatingin siya dito. They were both leaning on the backrest of their sofa-styled chair and their faces close to each others. Siguro it's about time she close the door of her past. Since ito naman ang magiging asawa niya, why not 'di ba?


She smiled and took his hand. Change is good, right?


"Where to?"


🌷


"So dito ang ideal date mo?" Tanong ni Inno sa kanya. Ngumisi siya't tinanguan ito. He sighed. "I should've known. Dapat pala eh nagpalit muna ako ng sapatos."


Nasa Enchanted Kingdom sila. Noong bata pa lang siya eh gustong-gusto niyang nagpupupunta sa mga amusement parks. Mahilig rin siya sa mga extreme rides dahil sa pinsan niyang si Uno.


"Okay lang 'yan," aniya dito habang hinihila ito  papunta sa Anchor's Away ride. "Dali na Inno. You said you wanted a date."


"Date nga. Pero yung hindi buwis buhay," asik niyo. "Jusko Danaia! Pasalamat ka talaga at hindi ako marunong tumanggi sa mga babaeng sawi."


"Grabe ka sa sawi. Parang ikaw hindi, 'no?"


"Eh di wow."


Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Napakalaki ng ngisi sa kanyang mukha nang makaupo na sila't naibaba ang safety railing.


"Safe ba 'to?" tanong nito habang sinusuri ang bakal. "Wala ba ditong seat belt o kung ano? May insurance ka ba?"


"Relax, Inno. Wala pa namang namamatay dito," she assured him. "Kung mahuhulog tayo, we'll be the first ones."


"Ano—"


Nahinto ito sa sasabihin nang biglang magsimula ang ride. Agad itong napakapit sa kanya nang mahigpit na ikinatawa niya.


As the ride swung back and forth, sobrang lakas din ng pagsigaw ni Inno habang mahigpit na nakakapit sa safety rail at sa kanya. Umulan rin ng samu't saring mura sa paligid.


"Ayoko naaaa!" sigaw nito. "Putangina!"


Ang lakas lang ng tawa niya. Habang ineenjoy ang sinakyang atraksyon at nakikinig sa mga lintaya ng kasama.


"Bwisit kang kulugo ka!" sigaw nito. "Saktan mo lang si Arabella at makakatikim kang hayup kaaaa!"


She can't help but laugh out loud at his threat. Napatingin naman ito sa kanya at natawa na rin—still holding on the rail for his dear life.


Siguro ga'non talaga ang buhay. You make stupid decisions then end up making worse ones along the way. Pero you can never regret those decisions because it did make you happy. Kahit sa maigsing panahon, naging masaya siya.


Loving Jarvis was the best thing that happened to her. Kahit ilang beses niyang ulitin ang nangyari, she's still shoose to be with him. Siguro ang iibahin niya lang eh 'yung pagiging duwag niya. Dahil kung hindi siya natakot, hindi sana siya susuko. Sila pa rin siguro ngayon.


"I love you, Jarvis!" sigaw niya and tears started to stream down her cheeks.


But there's no use crying over spilled milk. Things happen for a reason and that reason was as simple as, hindi sila para sa isa't-isa. Pinagtagpo pero hindi tinadhana.


She took a deep breath.


Biglang nag-flashback sa kanya lahat. Their first meeting. Their first kiss. Their first time. Their secret dates. Their break-up.


Then she smiled.


"Goodbye, Jarvis."


🌷

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro