[B1] Episode 13
🌷
Uno's plan backfired.
Ang lakas ng tawa niya nang imbes na siya ang pagalitan ay ito ang binalot ni Seven at Yvo ng pagkaraming towel.
"Si Dora ka. Bawal sa children's show ang ganyang damit," ani Seven.
"Ang laki ng tiyan mo. Maawa ka naman sa mga mata namin," ani naman ni Yvo.
"Bakit ba?! Anong gusto niyo maligo ako ng naka-gown! Mga peste kayo!" sigaw ng pinsan niya habang tinatanggal nito ang mga tuwalyang pinulupot sa katawan nito.
"You look breathtaking, baby," bulong sa kanya ni Jarvis habang nakaupo sila sa hagdan ng pool. Napagpasyahan din kasi nito at ng ibang mga lalaki na maligo kasama nila. "Uno chose this for you?"
Tumango siya. "Don't you think it looks too revealing? You're not mad?"
"How can I be mad if you look this beautiful wearing it?" sagot naman nito.
Kung inakala niyang hindi na magiging mas perpekto sa kanyang mga mata ang lalaki, nagkamali siya. Jarvis just set the bar too high.
"Ano ba Inno! Tigilan mo na nga 'yan!" rinig niya biglang bulalas ni Yoon sa may di kalayuan. "Para kang timang!"
Inno was playfully splashing water at Yoon habang nakikipagusap ito kay Arika at Kendall. Buti na lamang eh nandoon si River para harangan ang tubig kaya't hindi nadadamay ang dalawa.
"What? Binabasa lang kita. Mukha ka kasing tagtuyot."
"Bastos ka!"
Nasala siya sa tawa ng lalaki. Maging sina Arika at Kendall ay natawa rin. Box was busy preparing the grill with Dos.
Dos Montecillo—like all of his cousins and brother Yvo, look devilishly handsome. He just stood up more dahil mas maputi ito. Pero kung gano ka-approachable ng lalaki ay ganon din naman ka-intimidating niya. Hindi niya nga alam kung papano niya ba ito lalapitan.
"Hoy Uno baka ma-slide ka 'jan sa katatakbo mo!" sigaw niya sa babae na busy sa paghahabol sa dalawang lalaki. The two kids were grinning widely habang ang pinsan niya nama'y inis na inis. "Be careful!"
Pero parang walang narinig ang babae't dire-diretso lang sa paghabol sa dalawa—ay isa na lang pala. Seven was called by Dos and Box to help with the food.
Hindi niya napigilang mapangiti. At the start of the year, never niyang naisip na magiging ganito kasaya ang kanyang taon. She was usually alone and studying. Laman ng library o di kaya sana coffee shop. Both while studying. Sa loob lamang ng ilang buwan, she saw what she missed out on sa college life niya. Living.
And falling in love with the most amazing man ever. She suddenly kissed Jarvis on his cheek na ikinagulat nito.
"What was that, baby?" malumanay na tanong nito as he tucked her hair behind her ear. Umiling lamang siya.
"Nothing," she answered. "Can't I kiss my boyfriend whenever I like?"
Ngumiti ito. And the infamous dimple shows itself—yet again.
"How did I get so lucky?" Biglang tanong nito as he gently pinched her cheek. "I love you."
"I lo—"
Isang malakas na ingay ang biglang umagaw sa kanilang atensyon.
"Uno!"
Agad siyang tumayo at nilapitan ang babaeng natumba. She was clutching her ankles while screaming profanities at Yvo.
"Tarantado ka talagang hayop ka! Bakit mo hinarang yung upuan?! May balak ka bang patayin ako?!" hiyaw nito. Patakbong lumapit din ang kambal at si Kendall dito. Arika, River, Yoon and Inno also went of of the pool. "Bwisit ka talaga, Giovanno!"
Hindi nakasagot ang lalaki't mukhang maging ito ay nabigla sa nangyari. Pero agad din naman itong nakabawi nang lumapit si Seven sa babae at animo kakargahin sana ito.
"Ako na," seryosong turan nito as he crouched down.
"Lumayo ka nga sa'kin hayop ka--"
But Uno was ignored at kinarga siya nito--bridal style. Then bumaling ito kay River.
"Kuya, nasan yung ice pack?" tanong nito. "Saka yung first aid kit na rin."
"Ano ba Giovanno!" bulalas ng babae habang pumapalag sa bisig ng lalaki. "Put me down! Kasalanan mo 'tong hayup ka!"
"Isa pa talaga at tatahiin ko 'yang bibig mo, Dora!" bulyae naman dito ng lalaki. The two continued to bicker as they when inside the house with River and her at tow.
"Kasasabi lang kasing mag-ingat eh," aniya aa pinsan nang paupuin ito ni Yvo sa may salas. River went straight to the kitchen.
"Eh at si Yvo kasi!" reklamo nito.
"Sino ba kasing maysabi sa'yo na habulin mo 'ko?" bawi naman agad ng lalaki. "You brought this to yourself."
"Hindi ako ma-sa-slide kung di mo hinarang yung upuan!"
"Hindi ko ihaharang yung upuan kung di mo ko hinahabol!"
"Hindi kita hahabulin kung hindi mo 'ko binibwisit!"
"Enough!" saway niya sa dalawa. Agad naman tumigil ang mga ito. "Would you two stop it? Walang mangyayari kung puro kayo sisihan. Can't you two go through one say nang hindi nag-aaway?"
Bumaling siya sa lalaki. Then sa babae.
"It's your Kuya Inno's birthday. You two should behave yourselves. Okay naman 'yung naglalaro kayo pero not to the extent na nagkakasakitan na."
Hindi naka-imik ang dalawa. Again, she sighed.
"Yvo, since you're partly at fault, make sure to place the cold compress on her ankle for 20-30 minutes. Alalayan mo na lang din siya mamaya."
"Bakit ako?" Nakabusangot na sambit nito.
"Why? You'd rather I call Seven to help Uno out?" balik niya dito. "I think he's more than willing to help my cousin out."
"Sabi ko nga po. Ako na lang."
Kahit napagalitan niya na ang dalawa, hindi pa rin nahinto ang mga ito sa pagaaway kahit pa dumating n si River with the ice pack and first aid kit. Pero mas toned down na iyon at mga simpleng pasaring na lamang. Nang malagyan na ni River ng bandage sa paa ay sinunod naman nito ang sinabi niya. Yvo carried a reluctant Uno back outside dahil ayaw nitong maburo sa loob ng bahay.
"Mukha kang nanay ng dalawang batang nagaaway kanina," ani River habang inaayos nito ang mga ginamit. "You're much alike with Jarvis more than we thought."
"Bakit? Siya din ba ang tiga-saway sa mga pinsan niyo?"
Tumango ito.
"We all grew up in one household," simula nito. "Madalas kasing wala ang mga magulang namin because of our businesses here and abroad. Mostly abroad kaya sa Auntie Saturn namin kami lumaki. She's the only girl in the family at panganay na kapatid ng mga tatay namin. Hindi na nga siya nakapag-asawa sa pagalaga kay Lolo at sa'min, eh."
"Jarvis hasn't mentioned her to me yet," mahina niyang sambit.
"Nagka'ron kasi ng tampuhan si Tita Saturn at Jarvis when he decided to move out of the house last year," sambit nito. "He said something about trying to learn to live away from the Montecillo name. 'Yon pala gusto lang mag-bold."
Napatingin siya sa lalaking bigla napabungisngis sabay tingin sa kanya. Bigla nanlaki ang kanyang mga mata and nag-init ang mga pisngi.
"Relax," he said. "Jarvis isn't the type to kiss and tell pero it's too obvious. The two of you are glowing."
"So Jarvis and your aunt... hindi pa rin ba sila naguusap?"
Umiling ito.
"She misses him. Sa aming pito kasi, si Jarvis ang pinakapaborito ni Tita. 'Coz between the seven of us, siya lang ata ang hindi nagpapasakit ng ulo ni Tita eh," kwento nito.
"Akala ko hindi pala-imik si Dos?"
"Don't let appearances deceive you," sagot nito sabay tawa. "Alam mo bang si kuya Dos ang may pinakamaraming babae na pumupuslit sa subdivision para lang makita siya? One even brought a baby claiming it's his. Ga'non kababaero 'yung isang 'yon. Silent but deadly."
She was genuinely shocked. Sa pagkakakwento ni Jarvis, Dos was the lone wolf type. Tahimik at suplado rin. Siguro nga totoo ang mga naririnig niyang some girls tend to fall for the snobbish type of guys.
"You should be on the look out though," anito sabay tayo. "Kapag nalaman ni Aunt Saturn ang tungkol sa'yo panigurado eh hahanapin ka 'non and you'll be held hostage sa mansiyon para lang pumunta si Jarv."
Though she had tons of questions in mind, hinayaan niya na ang lalaki bumalik sa kusina. Siya nama'y muling lumabas at sinamahan sina Yoon, Arika at Kendall na masayang naglalaro ng inflated ball sa pool kasama ni Seven, Inno at Jarvis. Dos busy with the grill.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ni River na tinulungan ang pinsan pagkatapos itago ang first aid kit. They sat on the long table outside kung saan tulong-tulong na inayos ng magpipinsan ang handa ni Inno.
"Para sa pagtanda ni Kuya!" sigaw ni Yvo sabay taas ng baso nito. "May you finally have the perfect secretary na hindi sesesantihin ni Tita Saturn dahil nilalandi mo!"
Samu't-saring makukulay na salita ang lumabas sa bibig ng panganay habang nagsisitawanan ang lahat.
Nakapatong ang braso ng kanyang kasintahan sa kanyang mga balikat habang siya nama'y biglang inihilig ang ulnan sa may dibdib nito. The dinner party was really just the seven guys and some of their dates. Napaka-intimate 'non and knowing that Inno was an executive from the country's biggest multi-billion company, nakakapanibago. Ang ama niya nga kapag nagbe-birthday eh kailangang may malaking party talaga at imbitado lahat ng mga business colleagues nito.
Her thoughts were cut nang makita ang pangalan ng kaibigang si Synn sa screen ng telepono ng kanyang katabi. Yoon immediately picked it up.
"Hello? O. Kamusta diyan sa Saudi ma—what? Wag pag-online-nin? Bakit? Anong meron?"
Everyone's attention was diverted towards the girl. Mukhang naramdaman nito ang mga titig dahil bigla itong napatingin sa lahat. Then, sakanya. Napasinghap pa ito.
"What?" tanong niya.
Kita sa itsura ng kaibigan ang biglang pagbago ng ekspresyon. Animo hindi sigurado kung ano ang sunod na gagawin. Bigla siyang kinabahan.
"Yoon? What's wrong?" ulit niya.
"I uh..." Dahan-dahan nitong ibinaba ang aparato mula sa tenga. Huminga ito ng malalim. "Naia, tara muna madali sa kwarto."
🌷
UDSA Secret Files
3 hours ago
EASY A
"A pretty face with no brains to match."
I've known this girl for quite some time now. Classmate ko na siya eversince freshmen year at hindi talaga maikakaila na siya 'yung sinasabing The Perfect Girl. Pano ba namane eh bukod sa napaka-ganda nito, matalino at galing pa sa isang magandang pamilya. Or so I thought.
Itago na lang natin siya sa pangalang "Miss U". Everyone thought she was perfect--I did too. Pero sa likod pala ng inosente at napakagandang ngiti nito nagtatago ang isang madilim--and alarming, na sikreto.
Hard work. Hindi maikakaila na siya'y masipag. Masipag sa kama.
Yes. Little Miss Perfect is receiving good grades in exchange of her "services" behind closed doors. At siyempre, being very pretty and all, kakagat ang mga professors dito at pagbibigyan si Miss U. And get this, she's currently been seen in and out of a certain professor's residence and the two have been seen out a couple of times together.
I've also heard na ang grupo nila was behind what happened with Mr. Santillan. Binawian daw 'coz he threatened to expose Miss U. Siyempre Mr. Santillan is a respectable man kaya hindi daw ito nagpabayad nang sabihang itikom ang bibig. Why'd you think he got fired right away? ;)
Nakaka-sad lang kasi, I expected more from you, Miss U. And a part of me wishes na sana professor din ako para nakatikim rin ng isang grade A performance from you.
Oh well. Good luck na lang sa'yo. Sana hindi ito malaman ng Lolo mo.
OLIVE
2018
CBEM
UDSA - MAIN
Comments...
Ayra Lopez OMG! I think I know who this is! LOL. Maypa-business partner pang nalalaman, 'yon pala partners in bed. Eww!
↪️ Cecil Santos Legit, Ayra Lopez. I was there when I saw her flirting with professor _____. LOL.
↪️ Winona Samson It's always the quiet ones...
Candice Enrique Miss U? Lolo? Hahaha! I think it's one of the Uychengco Girls. My money's on the Med Student. Laging nakalingkis 'yon kay Seven my love...
↪️ Bettina Arsinue I think it's Danaia. Between the two, siya 'yong di palaimik. And I've seen her with Mr. Montecillo a couple of times na rin and... super touchy nila.
↪️ Keisha Tan Bettina Arsinue receipts mo girl? Dapat may proof ka. You can't just drag someone without evidence. Mayaman ang angkan ng mga Uychengco. They can sue you, you know.
↪️ Bettina Arsinue I've seen them sa Cafe Haven a lot of times. I'm sure I'm not the only one na nakakita sa kanya.
↪️ Robert Quizon It can't be Naia. I saw her yesterday and sinundo siya 'nung boyfriend niya.
↪️ Ayra Lopez Kahit may boyfriend ka, ang makati, makati. Oops!
↪️ Synn Cortez Tulad ba 'yan nung pinagsabay mo kuya ko tapos yung professor mo sa Envi? Hypocrite.
↪️ Ayra Lopez Synn Cortez You don't have any proof. And this post isn't even about me. Dun ka magrant sa kaibigan 'mong prostitute.
↪️ Synn Cortez Arya Lopez Wala ka 'ding proof sa mga bintang mo. Ipokrita. Bitter ka lang kasi panay habol mo kay Mr. Montecillo to the extent na gumawa ka ng gulo sa café niya while Naia is friends with him because of their café. Talk about desperate.
Synn Cortez BEFORE YOU DRAG NAMES INTO THIS POST, PAKI-MAKE SURE HINDI GROUNDLESS 'YANG MGA BINTANG NIYO. AND FYI, MR. SANTILLA IS A FCKING PERVERT WHO DESERVES WHAT HAPPENED TO HIM.
View more comments...
She felt her knees buckle at muntik niya pang mabitawan ang teleponong hawak. Agad naman kinuha ni Arika ang aparato mula sa kanya habang hinihimas naman ni Yoon ang kanyang likuran.
"Naia, it's just a stupid post. It's not true—"
"Hindi nga ba?" Mahina niyang sambit. Ang kanyang mga luha, unti-unti nang namumuo. "I am sleeping with a professor. Si Jarvis."
"But it's not because of the grades—"
"What difference does it make, Yoon?" putol niya dito. Then bigla siyang tumayo. "I'm sorry. But I need to be alone for a moment. I need to think."
Nagkatinginan muna ang dalawa bago tumalima. Nang makaalis ang mga ito, tuluyan nang kumawala ang hikbing kanina pa pinipigilan.
How could this happen? Naging maingat sila. The one with Mr. Santillan... Siya na nga ang pinagsamantalahan, siya pa ang naging masama. Ganito na talaga siguro ka-unfair ang mundo. Or talagang kahit anong gawin niya to make everyone proud, she doesn't deserve any of it.
Napatingin siya sa may terrace. Totoo siguro 'yung sinabi nila. Walang sikretong hindi nabubulgar.
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro