[B1] Episode 11
🌷
"He should be thanking his lucky stars I didn't kill him," narinig ni Naia na sambit ni Jarvis. "Dapat talaga eh tinuluyan ko na 'yung hayop na 'yon."
Her eyes fluttered open. "Jarvis?"
Napatingin ang lalaki sa kanya at agad na nagpaalam sa kausap. He immediately sat beside her.
"Hey, baby," he said as he stroke her hair gently. "Nakatulog ka ba ng maayos? Do you want something to eat? It's close to midnight kaya baka wala nang bukas na makakainan. But I can whip something up for you."
Umiling siya. "I'm fine. Sino yung kausap mo?"
"Yvo," tipid na sagot nito. "Naihatid na rin pala nila si Yoon sa tinutuluyan niya. Your cousin though insisted on coming here."
Bigla ay kinabahan siya. For sure ay magsusumbong ito sa kanilang lolo. Or worse, ito pa mismo ang gagawa ng paraan para lang makaganti.
"D-Did you tell her?" nagpapanic niyang sambit. Uno, of all people, would do something reckless. Baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon. "Jarvis, baka kung ano ang gawin niya!"
"I didn't. Seven did," sagot naman agad nito. "She's your cousin, Naia. Kung kami nga ay nag-alala sa'yo what more si Uno? She's your flesh and blood. And I'm sure she wouldn't do anything illegal."
"You've seen her, Jarvis," aniya. "Uno doesn't give light threats. Muntik niya na nga dati makalbo si Ayra 'nung first year dahil sa pinagkalat niyang chismis tungkol sa'kin noon. Anf with what happened... Baka kung ano pa ang gawin niya kay Mr. Santillan—"
"I would've killed that bastard myself kung ako lang ang masusunod, Naia," mariing sambit nito. His eyes were dead serious. Ramdam niya ang galit nito by the way he uttered those words. "What he did to you was unforgivable. He should be buried six feet under!"
"Gugulo lang ang lahat, Jarvis!" she blurted out. Tiyak na magiging malaking gulo iyon. Damay ang pamilya niya. Her grandfather's credibility and the family's name would be at stake. "It's okay. I'm okay. Mas lalong lalala ang sitwasyon kung palalakihin pa natin 'to. As long as we have those pictures, I don't care kung ano pa man ang ipagkalat niya. They will all be just groundless rumors."
"But he almost... he..."
"I know, baby," aniya as she reached for his face and cupped it. "But he didn't dahil dumating ka. You saved me from him."
"But—"
"Stop," putol niya dito. "I said I'm fine. A bit shaken, but fine. Huwag na natin palakihin 'to, please. Ayoko na rin 'to makaabot kina Lolo. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki bago hinawakan ang kanyang mukha.
"Such bravery, baby," anito as his thumb caressed her cheek. "Pero pagbigyan mo na lang ako sa isang bagay. Simula bukas ay hindi mo na makikita or makakalapit pa sayo si Mr. Santillan."
"What? Why? Anong ginawa mo?"
"Minsan ko lang gamitin ang pagiging Montecillo ko, Naia. And when I do, I make sure it's damn worth it," saad nito. "Starting tomorrow, you'll have a different Econ professor."
Her brows furrowed. As far as she can remember, UDSA is under the Uychengco's company. Paanong nagawa nito patalsikin si Mr. Santillan?
"Jarvis—"
"Ate Naia!"
Uno's voice echoed inside the apartment kasabay ng malakas na magsara ng pinto. Sabay sila ni Jarvis napatingin doon.
"Uno I—"
"That bastard won't see fucking daylight ever in his goddamned life!" dire-diretso nitong sambit. "Putangina niyang manyak siya! Pasalamat siya't hindi ko siya tinurukan ng arsenic sa katawan niya!"
"Uno I'm fine—"
"Hayup 'yang matandang 'yan!" patunloy nito sa lintaya. "Akala mo kung sinong gwapo? Ang kapal din ng mukha niya! Eh mukha namang nakipag-sex 'yung nanay niya sa tikbalang kaya naging 'ganon itsura niya—"
"Uno—"
"Oh, right. Nakakahiya sa mga tikbalang," bawi agad nito. "Anyways, basta masahol pa siya sa hayop. Tangina niya. Sasabihin 'ko kay Tito Calvin na ipa-shoot to kill 'yung tarantadong hayop na 'yon—"
"Isadora!"
"What?!" bulalas nito. "Don't worry. Hindi ako nagsumbong kay Lolo. Inunahan na ako niyang boyfriend mo palayasin sa UDSA 'yung matandang manyak na 'yon. I don't know how but he fucking did. Kung ako lang talaga eh papapatay ko 'yung hayop na 'yon—"
"Will you let me finish, goddamnit!" hiyaw niya na ikinatigil nito. Then she turned to Jarvis. "How did you manage to kick Mr. Santillan out? Sino ang kinausap mo at paanong naging ga'non lang 'yon kadali? We own the fucking school!"
"I called in a favor," simpleng sagot nito. "And Mr. Alfonso Uychengco, Jr. was more than happy to oblige."
"Si Tito Alfie? How?" nagtatakang tanong niya. "How do you even know him?"
"He and my father used to play golf together," sagot nito. "I simply told him about what he did to my girlfriend and he immediately fired the man. And don't worry. I didn't tell him kung sino ang girlfriend ko. Baka ako naman ang sesantihin niya."
"You can't just do that! Oh my God!"
"Teka lang, ate," singit bigla ni Uno. "Bakit parang galit ka? Kuya Jarvis did you a favor—"
"It's not!" sigaw niya sabay tayo. "Sa tingin mo ba hindi magtataka ang mga tao kung bakit bigla na lang nawala si Mr. Santillan sa school? And do you think him being jobless would stop him from revealing our secret? Hindi. May social media, Uno! He can post something and tell everyone about it!"
"Wala na yung pictures, ate," singit naman ni Yvo. "I took his phone and every gadget he has para ipa-wipe out sa kaibigan namin na si Russ. He's very good with computers kaya wala ka nang dapat ipag-alala."
"Wala nang ebidensya, ate," pagpapakalma ni Uno sa kanya. "Wala nang magagamit 'yung hinayupak na 'yon laban sa'yo."
"But he'll—"
"Naia, calm down," ani Jarvis sabay hawak sa kanyang mga balikat. "We have everything under control. I just made sure na hindi na siya makakagawa ng kahit na ano laban sa'yo—laban sa atin. If we just let him be, he might do that again. To you. At hindi ko alam kung makakata ko pang kontrolin ang sarili kong hindi pumatay."
She fell silent. Though sa loob loog niya'y natatakot pa rin, hindi na siya nagmatigas pa't hinayaan na lamang ito. Bravery aside, she's scared the man might do that again to her. Takot rin siyang mabunyag ang kanilang relasyon sa publiko. Hindi siya takot sa public scrutiny. Takot siya sa pwede maging dulot nito sa kanyang pamilya. Takot siyang madisappoint ang mga ito.
"I'm sorry..." mahinang sambit niya habang naguunahan ang mga butil ng kanyang luha sa pagpatak. "I'm sorry for snapping at you. I... sorry tlaga. Natatakot lang ako, Jarvis. I wasn't thinking straight."
"I know, baby." Jarvis gently stroke her hair as she cried. His other arm wrapped protectively around her body. "And it's okay. Naiintindihan ko."
"Ay! Nakalimutan ko nga pala," agad na dinukot ni Uno ang telepono nito sa bag. "May regalo pala ako sainyo."
Napakalapad ng ngisi sa mukha ng pinsan niya habang tumitipa ito sa teleponong hawak.
"Since inunahan ako ni Kuya Jarvis sa pagsumbong kay Tito Alfie, I made a revenge of my own. Of course, Yvo and Seven helped me. Si Ate Yoon 'yung nagpicture," anito. Iniharap ng babae sa kanila ang screen ng telepono nito. Napasinghap siya sa nakita. "Lintik lang ang walang ganti.
Mr. Santillan—butt naked tied to the school statue.
"Uno!"
🌷
"Oh my God! Did you see the picture of Mr. Santillan? It's so nakakadiri! Who knew he was such an exhibitionist?"
"I know right? Yuck! And to think he's a professor. Super nakakatakot naman."
"I heard he was fired. I think masyado niya ata dinibdib so he became crazy like that."
Samu't-saring haka-haka ang naririnig ni Naia mula sa mga estudyante ng UDSA ukol sa nangyari kay Mr. Santillan. All pointing to one thing: he went crazy. And him going berserk and yelling the day after supported that theory.
"No one would believe him after that shit, ate. Nasa akin pa rin ang huling halalhak."
Napailing na lamang siya nang maalala ang sinambit ng pinsan. Apparently, it wasn't only Uno's idea. Nagbrainstorming daw kasi ito, si Seven at Yvo. Yoon really insisted in cutting the guy's happiness pero naisip ng tatlo na sobrang dali daw 'non.
Aside from the old pervert's issue, naging tahimik na ang linggo niya. She became extra cautious kapag pumupunta sa pad ni Jarvis and he uses different cars when picking her up. Tinted din ang mga iyon para walang makakahalata.
But that didn't lessen the paranoia and the fear inside her. Hindi na rin siya lumalabas kasama nito. They only meet up either in his place or hers. Masarap naman itong magluto kaya okay lang na di sila kumakain sa labas.
"I still can't believe na trending topic pa rin si Mr. Santillan even after a month," ani Yoon na mukhang tuwang-tuwa pa rin. "Ang galing talaga ng naisip nung tatlong bata. Ang creative! Sana all."
"That was too much, Yoon," saway niya dito. "Ikaw yung nakatatandang kasama nila tapos kinunsinti mo. What you four did was uncalled for—"
"He sexually assaulted you, Naia," putol nito sa sana'y sasabihin niya. "Tama lang na mawalan siya ng credebilidad. Pano na lang pala kung pinalampas na'tin 'yon? Hindi lang ikaw ang maaaring mabiktima nung matandang hukluban na 'yon kundi pati 'yung ibang babaeng estudyante rin."
The though of him doing what he did to her to other students—even younger ones... gave her goosebumps. Swerte siya dahil naroroon si Yoon para tumawag ng tulong. Pano kung 'yung iba eh hindi kasing swerte niya? She heaved a sigh. Sana lang ay wala nang ibang makaranas ng ga'non.
"Plus, you gotta admit it was so funny," ngi-ngiti-ngiting saad nito. "Microscopic ata yung ano niya eh. I barely even saw it—Shuta! Is that Arika with River?!"
Agad din siyang napatingin sa tinuturo ng babae. Naroroon nga si Arika kasama ng isang hindi pamilyan na lalaki. Tall, lean—the good kind, and had a well-defined jawline. Hindi niya gaanong makita ang mukha ng lalaki sapagkat naguusap ito at ang kangang kaibigan. All she can see was his side profile. His handsome side profile.
"River? As in River... Jarvis' cousin?"
Tumango agad ito. "Oo. Yung nurse. Tangina anong ginagawa niyan dito? At bakit kasama niya si Arika? Ang walangyang haponesa na 'yan. Ang bilis trumabaho!"
Arika was all smiles as she walked beside the good-looking guy. Bawat isa sa kanila ay may hawak na paper cup pero sa kabilang kamay ni River ay may dala itong mga libro.
Teka... Hinatid ba nito si Arika?!
"Hoy, Haponesang Hilaw!" Hindi niya na napigilan ang katabi sa pagsigaw. Both heads turned towards them. Mukhang nakilala naman sila agad ng babae kaya't patakbo itong lumapit sa kanila. Sumunod naman agad dito ang lalaki. "Anong ginagawa mo? And why are you with him?"
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa bibig ni Arika bago lumapit ang kasama.
"Guys, this is River," anito as if hindi nila alam kung sino ang lalaki. "Riv, this is Naia—your cousin Jarvis' girl, and Yoon. I believe nakilala mo na siya sa Haven."
"Yeah," nakangiting sambit nito. "I saw her there a couple of times."
Then bumaling ito sa kanya. Still smiling.
"So, you're Naia," anito as he shook her hand. "It's nice to finally meet the person who made my dear cousin happy. I've heard so much about you galing sa mga kapatid ko."
"Good things, I hope?"
"Of course. And I must say, you really are very pretty," sambit nito. "At sa pagkakakwento nitong si Aki, you're smart too. Hindi lang basta-basta pinamimigay ang Summa."
Naramdaman niya ang biglang pag-init ng kanyang pisngi. She's used to being called pretty pero iba pa rin kapag ang mga Montecillo ang nagsasabi 'non. They seem to have this weird gift when talking. Napatunayan niya na 'yon, six out of seven.
"So 'pano, mauna na 'ko. I still have my shift sa ospital," paalam nito sabay tingin kay Arika. "I'll fetch you later? You still owe me a date."
Ang gaga, nag-blush pa nang hinalikan ito ng lalaki sa pisngi bago umalis. Nang hindi na nila maaninag ito agad hinatak ni Yoon ang babae sa braso.
"Hoy! Magkwento ka!"
"Anong iku-kwento ko?" Maang-maangan pa ang kaibigan nila. "Hindi kami."
"Pero may pa-halik sa pisngi pang nalalaman," hindi makapaniwalang usal ni Yoon. "Wag kami, Arika. Wag kami."
"And since when did you two meet?" dagdag niya. "Diba parang kelan lang nung maikwento ni Yoon yung mga Montecillo?"
"Hindi ko naman kasi akalain na 'yung River Montecillo pala 'eh yung kaibigan pala nung kuya ko," katwiran nito. "Ang sabi niyo kasi nurse. Hindi siya basta lang nurse, gaga ka. Siya 'yung head nung ospital!"
"Yung sinasabi mong pumuporma sa'yo since last year na gusto mo din kaso naaalangan ka kasi kaibigan ng kuya mo kaya ghinost mo?" Tumango ito. "Wow. Small world ha."
"Tanginang small world 'yan," asik ni Yoon. "Ako, dalawang taon nang hinahabol si Dos pero wala pa rin. Pahingi naman ng konting alindog. Mga leche kayo."
"Baka naman kasi hindi para sa'yo 'yang si Dos," aniya at ngumisi. She remembered what Inno said nung unang pagkikita nila. "Balita ko pa nga eh may 'kissing lessons' pang ganapan."
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Yoon. She fought so hard not to laugh out loud.
"Kissing lessons?" nagtataka namang tanong ni Arika.
"Wala!" bulalas ni Yoon. "May klase ka pa 'diba? Lumayas ka na sa harapan ko. You're practically glowing, nakakapunyeta. I feel so single."
Natatawang nagpaalam si Arika bago dumiretso na sa building nito. Who would've thought na she'd end up with another Montecillo?
"If you think titigilan kita sa 'kissing lessons' niyo ni Inno, nagkakamali ka," babala niya sa kaibigan. "Alam kong long overdue na pero pinakakamusta ka. Raincheck daw sa lessons dahil busy siya."
"Leche talaga 'yang Inosencio na 'yan," she scowled making her chuckle. "Salot 'yang lalaking 'yan sa buhay ko. Wag ka ngang naglalalapit jan. Madami 'yon na germs."
Ramdam niya ang inis ng kaibigan kaya't hindi niya mapigilan ang sarili matawa. Ang cute lang.
May kasabihan nga, there's a thin line between love and hate.
Goodluck, Arabella.
🌷
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro