Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

LOEXIE

   HINDI KO NA kinibo si Cideon hanggang sa makarating kami sa bahay ni Mr. Ching

"Ako na lang.." Sabi ko dito at agad bumaba dala ang dalawang bag na may laman na pera

Dumiretso ako sa tapat ng pinto, akmang papasok na ako pero hinarangan ako ng dalawang security guard

"Magbabayad ako ng utang kay Mr. Ching.." Sabi ko dito

Pinagbuksan naman ako ng pinto ng isa sa kanila. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko sa loob si Mr. Ching na nakaupo at nakikipaglandian sa isang babaeng kaedad ko lang

"Mr. Ching.." Agaw pansin ko dito kaya napatingin siya sa akin

"Buti ikaw dating.." Sumenyas itong lumapit ako kaya lumapit ako doon. "Ikaw ba bayad na?"

"Opo.." Binaba ko ang dalawang bag na pera sa lapag. "Kumpleto na po ito, sana lang ay huwag niyo ng gambalain ang pamilya ko."

Natawa ito. "Ikaw tapang, ikaw gusto ko."

"Ikaw hindi ko gusto.." Panggagaya ko sa pananalita nito. "Wag po kayong mag alala, ako na rin ang magdadala ng two hundred thousand dito."

Tumawa ito. "Hindi ako taka kung bakit ikaw gusto niya bago laruan."

Nagtaka ako sa sinabi nito pero hindi kona lang pinansin. Lumabas ako ng bahay niya at dumiretso sa taxi ni Cideon

"Makakahinga kana ng maluwag.." Sabi nito. "Puwede ka ng hindi sumayaw."

"May two hundred thousand pa.." Sabi ko dito. "At my utang pa ako sa iyong five hundred thousand kaya sasayaw ako hanggang sa makaipon ako."

"Paano kung hindi kona pabayaran yung five hundred thousand? Titigil kana sa pagsayaw?" Tumingin ako sa mukha nito at kitang kita ko ang seryosong mukha niya

"Sasayaw pa din ako.." Seryosong sabi ko dito. "Dahil gusto kong bayaran ka, ayokong magkaroon ng utang na loob sa isang taong hindi ko lubusang kilala ang pagkatao."

Napahinga na lang ito ng malalim at hindi na kumibo

Nang makarating sa bar ay agad akong bumaba, hinintay kong bumaba si Cideon pero umandar ang taxi nito paalis

Napailing na lang ako bago pumasok sa loob. Nakasimangot na si Uvexiu ang bumungad sa akin ng makapasok ako sa loob ng bar

"Hindi ka na naman sasayaw?" Nakasimangot na tanong nito. "Kagabi hindi ka rin sumayaw ah? At saka akong porma yan? Tanghaling tapat naka-turtle neck ka."

"Uso 'to." Umupo ako sa isang upuan na malapit sa pinto. "Bukas na ako makakasayaw."

"Bakit pala hindi mo pinuntahan si Taxi Driver mo kagabi?" Umupo ito sa tabi ko

Nakalimutan ko ang tungkol doon. Hindi ko tuloy naitanong kay Cideon kung anong nangyari kagabi

"May sumundong babae sa kaniya kagabi, mukhang yayamanin." Dagdag pa nito. "Maganda tapos sexy."

"Anong pakielam ko?" Napairap ako. "Alam mo bang ang misteryoso ng taxi driver na iyon?"

"Akala ko ako lang ang nakapansin." Sabi nito at humawak sa baba niya na animo'y nag iisip. "Ang yaman ng kutis niya tapos pamilyar siya, nakita ko na siya eh, hindi ko lang alam kung saan."

"Ayan na pala siya eh." Tiningnan ko ang tinitingnan ni Uvexiu. "Sige, doon na ako."

Tumayo ito at umalis. Napataas ang isang kilay ko ng umupo sa tabi ko si Cideon. Akala ko ba umalis na siya? Nag walk nga siya eh, pero naka taxi nga lang

"Akala ko umalis kana?" Tanong ko dito

"Come with me." Napakunot noo ako sa sinabi nito. "Let's eat together."

"Bakit naman ako sasama sa'yo? Bigyan mo ako ng magandang dahilan."

Lumapit ito sa akin kaya bahagya akong napalayo. "Because you didn't eat yet, ayokong magutom ang baby natin."

Tinulak ko siya palayo sa akin. "Wala tayong baby at sigurado ako doon."

"I'm trusting my soldier.." Ngumisi ito bago ako hinila patayo. "Tara na."

Tumango na lang ako tutal gutom na naman ako. Walang wala din ako ngayon, last na yung binigay kong fifty kanina kay Iko

"Saan tayo kakain?" Tanong ko dito ng maisuot kona ang seatbelt ko. "Libre mo din ba?"

Tumango lang ito bago paandarin ang taxi niya.

"Where do you want to eat? French restaurant? Chinese restaurant? Japanese Restaurant?" Napanganga na lang ako sa mga binanggit nitong kainan

Sigurado na ako, mayaman talaga ang lalaking ito

"May alam ako, ituturo kona lang ang direksiyon." Sabi ko na ikinatango lang nito

Tinuro ko sa kaniya ang paborito kong kainan na pinupuntahan namin minsan ni Uvexiu

"Are you sure it safe to eat here?" Tanong ng kasama ko ng makababa kami

"Safe.." Sagot ko lang at hinila siya paupo sa isang upuan. "Masarap ang Mang Inasal dito, mura na unli rice pa."

"Oorder ako sandali." Tumayo ako at nagtungo sa lalaking nangunguha ng mga order

"Dalawang order ng B2, iced tea ang drinks namin, samahan mona din ng leche flan." Sabi ko dito

"Noted Ma'am." Tugon lang nito

Bumalik naman ako sa upuan namin ni Cideon, pinagmasdan ko ang lalaki na inililibot ang paningin sa puwesto namin

"First time mo dito 'no?" Tanong ko dito. "Masarap ang mga pagkain sa lugar na ito."

"I didn't know na may ganitong kainan." Sabi nito

"Diba taxi driver ka? Ang alam ko yung mga taxi driver ay may inihahatid sa mga ganito." Sabi ko dito. "Unless hindi ka talaga taxi driver at may iba ka talagang trabaho."

Umiwas lang ito ng tingin

Sobrang nacu-curious na ako sa pagkatao ng lalaking ito. Kumportable naman ako sa kaniya kahit kakakilala pa lang namin, kaso may parte sa akin na gusto kong malaman ang totoong pagkatao niya

Malay ko bang sindikato ito at nagbebenta ng drugs o kaya bugaw siya? What if kinukuha niya lang ang loob ko tapos bigla niya akong kidnapin at ibenta sa mga foreigner? Mas mabuti ng manigurado ako

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro