Chapter 22
LOEXIE
NANG magising ako ay nasa Hospital na ako, masakit ang ulo o ganoon din ang bandang puson ko.
"How's your feeling?" Napalingon ako sa nagsalita
Si Aqua.
"Anong nangyari?" Napaupo ako sa kama. "Y-Yung baby ko? Nakita ko kanina may dugo sa hita ko."
"Your baby is fine," Sagot nito. "Wala ka din daw head injury, pero muntik kana talagang makunan kanina."
Napakagat labi na lang ako dahil pakiramdam ko maiiyak ako. Muntik ng mamatay ang baby ko, hindi ko man lang nalaman na may baby na pala ako
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si Cideon na tarantang taranta, kasunod nito si Iko
"What happened?" Alalang tanong nito. "Who did that to you?"
Tiningnan ko lang siya ng malamig. "Umalis kana."
Hangga't maaari kailangan kong lumayo sa kaniya dahil baka mapahamak pa kami ng Anak ko.
"Loexie," Nagsusumamong sambit nito
Alam ko namang hindi siya ang Ama ng pinagbubuntis ni Red, buti na lang ay nauna niyang sabihin kaysa sa magulang niya
"Cideon, lumabas ka muna." Sabi dito ni Aqua
"O-Okay, I will wait outside," Ngumiti ito sa akin bago lumabas
Nilingon ko si Aqua. "Madaldal ka Aqua pero sana wag mo sabihin sa kaniyang buntis ako. Ayokong may mangyari na naman."
"I understand," Sabi nito. "Pero sana pag usapan niyo ng mabuti ang lahat."
Lumabas ito kaya kami na lang ni Iko ang natira sa loob ng kuwarto.
"May baby kayo ni Tito Cideon?" Tumango ako. "Paano na ako? Ibabalik mona ako kay Mama?"
"Anong pano kana? Siyempre kuya kana," Sabi ko dito
Napangiti ito. "Kuya na ako? Yehey!"
"Pero wag mong sabihin kay Tito Cideon mo ah?" Kumunot ang noo nito. "May nangyari kasi."
"Sige," Sagot lang nito
"Kapag nakauwi na pala ako, lilipat muna tayo saglit ng bahay." Sabi ko dito. "Mag-re-resign na ako sa club at maghahanap ng ibang trabaho."
"Bakit?" Tanong nito. "Pagtataguan natin mga may utang kila Lolo?"
"Hindi," Sagot ko. "Kailangan muna nating lumayo kasi baka sa susunod bangkay na ako."
Tumango naman ito
Ilang oras pa ako sa Hospital bago ako pinayagang makalabas, si Aqua ang nakipag usap kay Doctor kaya siya lang ang nakakaalam sa mga gamot na binigay sa akin
"Hatid kona kayo," Alok ni Cideon
"Si Aqua na," Malamig kong sabi dito
Napakagat ito sa ibabang labi niya. "Uhm, okay. Susundan kona lang ang sasakyan niyo."
Hindi kona siya pinansin, inalalayan ako ni Aqua na makasakay ng kotse niya. Napatingin ako kay Iko mula sa side mirror, tumakbo ito palapit sa kotse ni Cideon at doon sumakay
"Bakit doon sumakay yun?" Tanong ko kay Aqua ng makasay siya
Napasimangot ito bago paandarin ang sasakyan niya. "Pangit daw ng kotse ko."
Totoo naman yun.
Bulok bulok kotse ni Aqua samantalang kay Cideon ay maganda. Hindi na siya naka-taxi
"May alam ka bang apartment?" Tanong ko dito. "Yung medyo malayo sana."
"May apartment ako sa Antipolo, bayad na renta non ng isang taon, hindi ko lang nauuwian." May inabot sa akin itong papel na agad kong kinuha. "Alam kona ang plano mo. Puwede kayo diyan, hindi ko sasabihin kay Cideon."
"Salamat," Nakangiting sabi ko sa kaniya
Nang huminto ang sasakyan sa may kanto ay tinanggal ko ang, seatbelt ko
"Salamat Aqua," Nakangiting sabi ko dito
Akmang yayakapin ko siya pero lumayo ito. "Sa sayaw mo pa lang tinitigasan na ako, baka kapag niyakap mo pa ako ay bumulwak na itong semilya ko."
"Gago!" Hinampas ko siya
Lumabas ako ng sasakyan niya. Hahatid pa sana ako nito pero umiling lang ako
"Iko, halika na." Tawag ko kay Iko na agad namang lumapit sa akin
"Hatid kona kayo," Alok ni Cideon
Tinalikuran ko lang siya bago maglakad, ramdam ko namang nakasunod siya sa amin
"Puwede ka ng umuwi," Sabi ko dito ng makarating kami sa bahay. "At wag ka ng babalik."
Natigilan naman ito sa sinabi ko."Ano bang nangyari? Please, tell me."
"Na-realize ko lang na hindi talaga worth it na bigyan ka ng chance," Sagot ko dito. "Langit ka, lupa ako. Bilyonaryo ka, pokpok ako."
"Loexie–"
"–Makakahanap pa ako ng lalaking mas higit sa iyo, kaya umalis kana at irespeto ang desisyon ko."
Hinila ko papasok si Iko bago isara ang pinto. Nanggigilid ang luhang pumasok ako sa kuwarto ko
"Ang baba ko masyado para sa iyo," Humiga ako sa kama ko. "Wala man lang akong maipagmamalaki para sa iyo."
Mahirap kalaban ang antas at estado namin sa buhay. Maraming utang ang mga magulang ko aya siguradong ang iisipin ng mga tao ay kaya ko lang minahal si Cideon dahil sa pera niya. Kapag nagkataon hindi na lang maruming babae ang tingin nila sa akin, kung hindi babaeng mukhang pera na
Mapupuno ng panlalait at panghuhusga ang buong pagkatao ko at siguradong madadamay ang magiging Anak namin ni Cideon kung sakali. Ayokong habang lumalaki ang Anak namin ay napupuno siya ng panghuhusga galing sa ibang taong wala namang ambag sa buhay namin
Mahal ko si Cideon, pero may magagawa ba ang pagmamahal na yun sa sitwasyon namin ngayon? Hindi kona alam ang gagawin ko, gulong gulo na ang isip ko
Gusto ko ring ipaglaban si Cideon pero paano kung ang paraan ay ang pagsuko lang sa kaniya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro