Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

LOEXIE

    "KAYA mo bang ipahiram sa akin bukas yung isang million?" Tanong ko kay Aqua

Hapon na pero nakatambay pa rin siya sa bahay namin, feel at home pa ang loko

"Five hundred thousand lang ang maibibigay ko bukas," Tugon nito. "Wala akong cash kaya cheque."

Tumango ako. "Samahan mona din ako sa kung saan man ang lungga ni Cideon, babayaran kona siya."

Tumango lang ito bago ulit bumaling ang paningin sa T.V, nanonood ng Stairways to heaven adaptation ang loko

"Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko dito. "Bakit hindi kapa umuwi?"

"Pinalayas ako ng Daddy ko," Parang balewalang sagot nito. "Naikama ko kasi yung step mother ko na kasing edad mo."

Nalunok ko ata ang sariling laway ko dahil sa sinambit niya, pakiramdam ko may sira sa ulo ang isang ito

"Wag mo akong husgahan, ginapang ako bigla. Wala na akong nagawa ng ipasok na niya." Hindi talaga siya marunong makiramdam. "Isang araw lang naman niya akong palalayasin, bukas uuwi na ako."

"Dito ka matutulog!?" Gulat kong tanong dito. "Aba, hindi puwede!"

"Pero si Cideon puwede?" Masungit na sambit nito. "Diyan na lang ako sa kuwarto ng mga magulang mo, hindi naman kita gagapangin, kahit tinitigasan ako sa iyo hindi kita type. Baka patayin pa ako ni Cideon."

Sinamaam ko siya ng tingin. "Ang sarap patakan ng dila 'yang bunganga mo."

Nagpalatak lang ito at hindi na ako pinansin. Napakamot na lang ako sa ulo ko bago magtungo sa kusina

Nagluto na lang ako ng pagkain namin, kailangan ko pa tuloy sarapan ang luto ko dahil sa isang bwisito

Sa kusina ko lang ginugol ang oras ko hanggang sa mag gabi na

"Sakto, gutom na ako." Matapang ang hiyang sabi ni Aqua na kasunod si Iko. "May nakalimutan pala akong sabihin sa iyo."

Umupo ako. "Ano?"

"Pinsan ko si Cideon," Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong pang revelation ang isusunod mo huh?" Sarkastikang tanong ko dito

Naupo ito, ganun din si Iko. Nagsandok ang dalawa at nagsimulang kumain

"Alam mo bang maarte si Cideon sa pagkain? Hindi ko alam kung bakit lagi niyang binibidang masarap ang luto mo." Nakangiwing sabi nito

"Ede wag mong kainin!" Masungit kong sambit dito

"Pero, close ba kayo ni Cideon?" Tanong ko dito

"Medyo," sagot nito. "Sa kaniya ako minsan nakikitulog kapag pinalalayas ako ni Daddy."

"Kilala mo pala Daddy ko." Dagdag pa nito. "Yung Chinese na inutangan ng parents mo, si Mr. Ching."

Naibagsak ko ang kutsara ko dahil sa sinabi nito. "T-Totoo?"

"Tito ni Cideon ang Daddy ko, ibig sabihin ang inutangan ng parents mo na kapatid ni Daddy ay magulang ni Cideon." Pakiramdam ko mas lalong nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Ang yaman pala niya. "Pero bayad na yun, binayaran ni Cideon."

"Sabihin mona nga lahat sa akin!" Inis kong sabi dito. "Sulitin mona pagiging madaldal mo!"

"Timawa sa pera magulang ni Cideon, parang parents mo." Seryosong sabi nito. "Pinilit nilang ikasal si Cideon kay Red Aceo, si Red ay girlfriend ko dati, pero naghiwalay kami dahil pinakasal sila ni Cideon."

"Ang alam ko gusto ng divorce ng dalawa pero hindi pa nila magawa dahil sa mga magulang ni Cideon." Dagdag pa nito. "Wala silang feelings sa isa't isa kaya siguradong seryoso sa iyo si Cideon."

"I-Ilan taon na silang mag asawa?" Tanong ko

"Dalawang taon." Sagot nito

Dalawang taon? Imposibleng walang namuong feelings. Naalala kona naman kung gaano kasaya si Cideon habang kasama si Red noong gabing iyon

"Magkahiwalay sila ng bahay," Sabi nito. "May boyfriend si Red, doon siya tumutuloy."

Ang gulo

"Ano pa?" Tanong ko

"Si Cideon na ang tanungin mo," Sumubo ito ng pagkain. "Bukas, tanungin mo siya."

Hindi na lang ako kumibo. Tumayo ako at umalis ng kusina, dumiretso ako sa kuwarto ko at naupo sa kama

Kung seryoso sa akin si Cideon, bakit tiyaka niya lang sinabing mahal niya ako kung kailan nahuli ko siya?

Napukaw ang pag iisip ko ng bigla ba lang may tumuktok sa pinto ko, nakita ko si Aqua doon na nakatayo

"Oh?" Masungit kong tanong dito

"Tapos na kaming kumain," Sabi nito. "Puwede ka ng maghugas ng plato."

Wow, saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya?

"Ganun po ba senyorito?" Nginitian ko siya ng peke. "Ito na po."

Umirap lang ito bago ako talikuran at umalis. Padabog naman akong nagtungo sa kusina at hinugasam ang pinagkainan namin

Parehas silang magpinsan, kunwari anghel, mga walang hiya naman pala

"Kainis!" Pabarag kong binaba ang kutsilyo

Muntik pang matusok ang kamay ko buti na lang mabilis ang reflexes ko

"May bisita ka," Inis kong nilingon si Aqua

"Ano na naman!?" Gigil kong tanong dito

"May bisita ka," Tugon nito

Kasabay non ay ang paglitaw ni Cideon na mukhang kaawa awa ang itsura. Mabilis ko namang dinampot ang kutsilyong hawak ko at itinutok sa kanila pareho

"LUMAYAS KAYONG DALAWA DITO!" Galit kong sigaw

"Hey, put that knife down." Mahinahong sabi ni Cideon. "Baka masugatan ka."

Naiiyak na binitawan ko naman iyon, tangina naman! Bakit ba ang moody ko? Ganito ba talaga kapag sobrang stress?

"Pareho kayong baliw," Sabi ni Aqua bago umalis

Lumapit naman sa akin ni Cideon pero may distansiya kami, mga tatlong metro

"Kung yung utang mo yung pinunta mo dito, bukas ko babayaran." Malamig kong sabi sa kaniya. "Ngayon, umalis kana."

"Ngayon pa? Ngayon pa na buntis ka?" Sumeryoso ang boses nito. "Hindi ako aalis."

"Buntis? Sino namang may sabing buntis ako?" Sinamaan ko siya ng tingin

"Aqua, called me, he said that you're pregnant." Sabi nito

Natawa ako, yung parang baliw. "Ako? Mabubuntis? Gago kaba? Alam mo namang nagpi-pills ako! At puwede ba, wag mong ibahin ang usapan!"

"Okay, I'm sorry but let me explain please." Pagsusumamo nito. "Please."

"Sige, pero kapag hindi ko nagustuhan ang sagot mo gusto kong saksakin mo ang sarili mo sa harapan ko." Panghahamon ko dito

"I accept that." Seryosong saad nito

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro